Margaux
Pagkatapos ng aming break ay saglit lang kaming tumambay sa isa sa mga benches na nasa tapat lang din ng building para sa next class namin bago kami naghiwalay ni Yvonne ng tumunog ang bell.
Block section kami pero kahit hindi kami magkaklase ni Yvonne ay nagkakasabay pa rin kami sa lahat.
At ngayon nga, kakaalis lang ng aming prof para sa last subject matapos tumunog ang bell tapos heto na agad at nakangiting papasok ng aming classroom ang aking bestfriend.
“Mag snack na muna tayo sa coffee shop dyan sa labas ng university.”
Wala naman akong magagawa dahil talagang kami lang dalawa ang laging magkasama.
May iba pa kaming kaibigan na nakikala namin sa Tennis Club ngunit iba ang kurso ng mga iyon at sa ibang building sila nagkaklase. Kadalasan ay sa coffeeshop nga sa labas din namin sila nakikita.
“Mauna ka na at magsi-CR lang ako. Save ka na ng upuan natin ha!” Punuan kasi ang lugar na yon at ginagawang tambayan ng mga estudyante.
“Okay!” Tinalikuran ka na siya at naglakad na ako papunta sa comfort room ng tumunog ang aking cellphone.
Dinukot ko iyon sa aking bulsa at tinignan.
“I want to see you, Sugar.” Muntik ko ng mabitawan ang cellphone ko dahil sa aking nabasa. Paano niyang nalaman ang number ko? Sino ba siya?
Natigil ako sa paglakad at hindi ko malaman kung tutuloy pa ba ako o hindi. Pero dahil naiihi na ako talaga ay nagpatuloy na lang ako.
Inilagay ko ang cellphone sa aking bag dahil baka bigla na namang tumunog iyon at makakita na naman ng text mula sa lalaki. No, hindi pwede ito.
Nang matapos ay lumabas na ako ng CR at naglakad na papunta sa coffeeshop. Ngunit nasa hagdanan na ako ng department building namin nang makita ko si Sam.
Paakyat siya at nagtama ang aming mga mata. Muli kong naalala ang sakit na dulot ng kanyang ginawa na naging sanhi ng pag-inom ko at tuluyang pagkalimot sa sarili.
Naoansin kong nagsalubong ang kanyang kilay na parang naiinis. Akala ba niya ay siya lang ang nakakaramdam non? Ako din!
Nagpatuloy ako sa paglakad pababa hanggang sa nilagpasan ko lang siya. Kung dati ay masaya akong sumasalubong sa kanya sa mga ganitong pagkakataon, ngayon ay hindi na.
Hindi para suyuin ko siya. Tapos na ako doon.
“Margaux!” tawag niya sa akin dahilan upang matigil ako sa paglakad ngunit hindi ko siya nilingon.
Nagulat na lang ako ng biglang kaharap ko na siya.
Anong nangyari sa lalaking ito at siya pa ang unang lumapit sa akin?
“Mabuti naman at hindi ka na parang aso na sunod ng sunod sa akin.”
Ang sakit non ha. Pero hindi ko ipapahalata sa kanya iyon.
“Are you talking to me?” tanong ko. Naningkit ang kanyang mga mata. Halatang hindi nagustuhan ang aking sinabi. Magsasalita sana siya ngunit biglang may dumating na asungot.
“Sam, babe. Nag-abala ka pang sunduin ako dito,” maarteng sabi ni Chloe ng tuluyan itong makalapit sa amin.
Wala na akong balak pansinin sila dahil ang sakit sakit na para sa akin na makita na naman silang magkasama habang akala mo ahas na nakalingkis ang mga kamay ni Chloe sa braso ni Sam.
Lalakad na sana ako pababa ng biglang magsalita si Sam.
“This weekend, pupunta kayo ng parents mo sa bahay. Itikom mo yang bibig mo at hayaan mong ako ang magsabi sa mga magulang ko ng tungkol sa paghihiwalay natin. Baka mamaya ay kung ano pang imbentuhin mo.”
“Whatever,” tugon ko na may kasama pang pagwagayway ng aking kamay na tila ba langaw siya na binubugaw ko.
“Aba't napakayabang mo ah!” sabi ni Chloe ngunit nagpatuloy na ako sa paglakad.
Masyado na silang nakakasakit at alam ko na hindi ko deserve ito dahil nagmahal lang naman ako. Hindi ko pinilit si Sam para maging kami. Hindi ako ganon. Kaya nga ang saya ko noon ng sabihin niya na gusto niya akong maging kasintahan eh.
Ang bilis ng naging lakad ko papunta sa coffeeshop at nadatnan ko na doon si Yvonne. May upuan na kami at doon palang siya nag-order.
Nakaupo na ako at hinihintay ang pagbalik ng aking bestfriend ng maramdaman ko na naman ang aking cellphone.
Huminga ako ng malalim bago kinuha iyon sa aking bag at tinignan. Ganon na lang ang relief na naramdaman ko ng makita ko ang pangalan ni Mommy. Mabuti na lang at hindi na ang lalaking ‘yon.
“Pupunta tayo anak sa bahay ng Tita Samantha mo ha. Darating daw ang kapatid ng tito Dennis mo and your Dad wants to meet him.”
Binasa ko ulit ang text ni Mommy. Ito ba ang sinasabi ni Sam kanina? Siguro nga.
Ang balita ko ay may ari ng kumpanya ng sasakyan ang half-brother ni Tito Dennis, sigurado akong gusto ng aking ama na maging distributor kami ng kung sino man yon.
“Okay, Mom.” Sinend ko na ang aking reply at muling isinilid ang phone sa aking bag kasunod ang pagbalik ni Yvonne.
Nawala na sa isip ko ang tungkol sa lalaking may alyas “cupcake” hanggang sa tuluyan na akong makauwi.
Margaux“I feel like you’re ignoring me, Sugar.”Ito agad ang text na bumungad sa akin pagkagising ko at kunin ang aking cellphone para tingnan ang oras.Araw ng Biyernes at huling araw ng linggo para pumasok at mukhang sisirain pa ng lalaking ito. Ano ba ang nagawa kong kasalanan sa mundo at binigyan ako ng ganitong problema?Hindi pa ba sapat ang nangyari sa amin ni Sam?Ang ginawa sa akin ni Sam?Sinikap kong ignorahin iyon at lumakad na papuntang bathroom para maligo. Hindi ako pwedeng ma-late dahil may exam kami sa first subject. Minor subject pero hindi ko pa rin dapat pabayaan.Hindi ako matalino, pero masipag naman akong mag-aral. Alam ko na hindi ako kagaya ni Yvonne na madaling maka-pickup ng lesson kaya nag-e-exert talaga ako ng effort para makakuha ng magandang grades.Maganda lang at hindi mataas. Pero hindi rin mababa o pasang awa. Ayaw ko naman ng ganon, yung tipong maipasa lang.Lahat ng pangangailangan ko ay binibigay ng mga magulang ko. Kahit na may negosyo silang pin
Margaux“Excuse me?” sagot ko. Ayaw kong ipahalata na nakilala ko siya.“Don't play dumb, Sugar. I know you know me.” Bwisit talaga. “Kung hindi ka sasakay ay sa bahay niyo kita hihintayin at magpapakilala akong fuck buddy mo sa mga magulang mo. Choose.”Nanlisik ang aking mga mata na tumingin sa kanya. Wala akong nagawa kung hindi ang ikuyom ang aking kamao ng dahil sa galit.Lumingon ako sa paligid at nagbabakasakali na makakita ng kahit na sinong kakilala ngunit ako ay bigo.“Just tell me kung hindi ka sasakay. Hindi rin kita pipilitin.”“Sigurado ka?” tanong ko agad.“Yes. Sa inyo na nga lang kita hihintayin di ba?” tugon niya kaya lumapit na ako. Inabot niya sa akin ang isang lilac na helmet na ikinataas ng kilay ko.At may babae pa yata na mas nauna pang isinakay. Parang ayaw ko na tuloy sa lilac.Kinuha ko ang helmet kaya lang hindi ko ma-unlock. Paano ba kasi ito?Nagulat na lang ako ng bigla niyang kunin sa akin iyon at pinalapit pa ako sa kanya ng husto at siya na rin ang nag
Margaux“Anak, mamayang dinner ay sa mga Alegre tayo ha. Kaya kung may pupuntahan ka this afternoon ay siguraduhin mo na makakabalik ka on time.”“Yes, Mom,” tugon ko sa aking ina. “At hindi naman po ako aalis. Dito lang ako sa bahay maghapon para mag-advance reading. Mahilig kasi magpa-quiz ang prof namin sa third subject kaya gusto ko ay lagi akong handa.”“Huwag mong masyadong stress-in ang sarili mo, anak. Tandaan mo, masaya na kami ng Dad mo sa kung ano lang ang kaya mo.”“Oo nga naman, anak. Walang halaga sa amin ang kung anumang academic achievement mo kung alam namin na hindi ka masaya at napipilitan lang para mapaligaya kami.”“At nag second the motion pa nga si Dad,” sabi ko sabay iling at ngiti bago nagpatuloy.“Kaligayahan ko na malamang masaya kayo sa kung anumang pinaghirapan kong makuha. And yes, lagi kong tinatandaan na ienjoy lang ang pag-aaral.”“Mabuti na ang malinaw. Huwag kang mag-alala at ginagawa na namin ng Mommy mo ang lahat upang mapanatiling matatag at maayos
Margaux“Hi, Margaux!” masiglang bati ni Tita Samantha pagkakita sa akin. Kahit kailan talaga ay napakalambing niya.Nakipagbeso ako sa kanya bago sila naman ni Mommy. Mag bestfriends silang dalawa kaya naman lumaki akong laging nakikita si Sam na mabait sa akin noon at magkasundo naman kami hanggang sa sabihin ko nga sa harapan nila na gusto ko ang lalaki at tinukso na kami ng mga ito.Hindi nagustuhan ni Sam ang mga panunukso ng aming ina kaya naman iniwasan na ako nito simula noon. Ako naman, dahil bata pa ay binalewala lamang iyon at patuloy pa ring minahal ang lalaki kahit na halos ipagtulakan na ako nito palayo.“Halika kayo, pasok.” Kinawit ni Tita Samantha ang kanyang kamay sa aking braso habang papunta kami sa gilid ng kanilang bahay kung saan nadatnan namin ang iba pang kapatid ni Tito Dennis kasama ang pamilya ng mga ito.Kilala ko na sila dahil nga laging present ang aming pamilya sa kahit na anong okasyon sa kanila.“Umalis si Sam, ang sabi ay may susunduin lang. Akala ko
Margaux“Hindi kita pinilit sa relasyon na meron tayo, Sam.” Hindi ko napagilan ang sarili kong sumagot. Tumayo ako at tinignan siyang mabuti. Oo, nasasaktan ako sa mga nangyayari lalo na sa mga sinasabi niya.“Hindi ba at totoo namang habol ka ng habol sa akin?” nakangisi niyang tanong.“Oo, hinabol kita. Pero hindi ibig sabihin non ay niligawan kita. Ikaw ang lumapit sa akin para tayo magkaroon ng relasyon. Hindi kita pinilit, ni hindi kita sinabihan minsan man na gusto kitang maging boyfriend.”“At ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng pag-a-I love you mo sa akin?” arogante pa rin niyang tanong.“Oo nga,” sabat naman ni Chloe. “Alam na alam sa buong school na ikaw ang habol ng habol kay Sam.”“Nakalimutan mo na ba kung ano ang ginagawa mo sa kanya ngayon sa school? Hindi ba at ikaw ang habol na rin ng habol sa kanya ngayon? Kagaya ko noon, malamang na ikaw rin ang nang-aamo sa kanya sa tuwing mag-aaway kayo.”Natigilan si Chloe, ang akala niya yata ay hindi ko siya sasagutin.“Pero
Margaux“Tito!” bulalas ni Sam. Ano daw, Tito? Magtiyo sila? Ano ba naman itong napasukan ko?“Draco, mabuti naman at nakarating ka.” Tumayo si Tito Dennis para salubungin ang lalaki ngunit iniunat ng bagong dating ang kanyang braso upang pigilan ang matanda na makalapit sa kanya.“I think I misheard something. Last time I check, nasa pangalan ko ang bahay na ito.” Punong puno ng authority ang pagsasalita ni Draco alyas cupcake.Ano ba talaga ang nagawa kong kasalanan sa past life ko para parusahan ako ng ganito? Sa dinami dami ng pwedeng maging tito ni Sam ay ang lalaki pang ito talaga?“Let's go, Margaux, Morgana.” Buti na lang at nagsalita si Dad. Iniumang niya ang kamay niya sa amin ni Mommy na tinanggap naman naming mag-ina.“And who are you?” baling sa amin ni Draco dahilan upang mapatigil kami sa paghakbang. Lumingon si Dad dito at nagpakilala ng maayos.“You don't have to talk to them, aalis na din sila.” Tinignan ni Draco ang kapatid ni Tito Dennis na nangmaliit sa amin kanina
MargauxIsang linggo mahigit ang lumipas at wala akong narinig na kahit na anong balita tungkol sa lalaki at masasabi kong ganon din ang aking ama dahil wala din naman siyang sinasabi.Si Sam naman ay madalas kong makasalubong sa loob ng university ngunit hindi ko na rin siya pinapansin. Wala akong panahon sa isang kagaya niya.Sobrang nadisappoint ako sa aking sarili dahil hindi ako makapaniwala na nagustuhan at kinamatayan ko ang isang lalaking katulad niya.At si Tito Dennis. Paano niyang naatim na masabi ang mga salitang yon? Ayon kay Dad ay mukha daw binalak ng mag-ama na ipahiya ako.Ang Mommy ko naman ay sising sisi na naging boto pa daw siya sa Samuel na yon.Hindi ko naman siya masisi lalo at best friend sila ni Tita Samantha. Hay naku, bakit ba hindi na lang sa kanya nagmana ang lalaki?“Hoy, babae. Bakit hindi mo kinwento sa akin ang nangyari sa inyo sa bahay nila Sam?” Nakataas ang kilay at naniningkit ang mga matang tanong ni Yvonne.Iyon pa talaga ang tinanong niya sa aki
Margaux“Hindi ko alam na may kasama pala tayo,” sabi ko ng makaupo na ako. Hindi ako mapakali dahil ramdam ko ang bawat titig niya sa akin.“Nakasabay namin siya ng Dad mo pagpasok. Ginutom na raw siya kaya naisipan niyang huminto dito at mag-isa lang siya kaya niyaya na namin,” mahabang paniwala ni Mommy.Naniniwala ako sa sinasabi ng aking ina, pero sa dahilan na ginamit ng lalaking katabi ko ngayon, mukhang hindi. Grabe naman coincidence ito! Pakiramdam ko ay sinadya niya ang mga pangyayaring lagi siyang present lalo na kung ang nakangisi niyang mukha ang sasalubong sa akin.“Mr. Pinto, if your daughter is uncomfortable with me around ay pwede naman akong lumipat ng ibang table.” Sus pasabi sabi pa ng ganon, if I know nagpapaawa lang siya sa mga magulang ko.“Pagpasensyahan mo na at ganyan talaga ang anak namin na yan. Bukod sa hindi siya sanay talaga na may kasabay na ibang tao ay hindi rin namin maalis sa kanya ang maging alangan sayo dahil nga sa tiyuhin ka ng lalaking ‘yon,” s
MargauxPagbukas ni Draco ng pintuan, agad kaming pumasok habang buhat niya ako. Hindi pa rin natatapos ang halikan namin, bawat dampi ng labi niya ay tila apoy na nagpapaliyab sa bawat hibla ng aking pagkatao. Ramdam ko ang init, ang pananabik, at ang bugso ng damdamin. Sa isip ko, ito na. Walang makakapigil. Ngunit bigla siyang tumigil.“I want you, Sugar,” bulong niya sa pagitan ng mabibigat naming hininga. “Pero may mas kailangan muna tayong unahin.”Napakunot ako ng noo. Nalito ako, at sa totoo lang, medyo nadismaya. Anong kailangan unahin? Sa gitna ng ganitong tagpo?Hindi siya nagsalita agad. Sa halip, nagpatuloy siya sa paglalakad papunta sa sala, karga pa rin ako na parang ayaw niya akong bitawan, at sa kabila ng kalituhan ko, may kakaibang kilig akong naramdaman. Para akong prinsesang ayaw niyang dumikit sa lupa.Maingat niya akong inihiga sa sofa, saka kumuha ng folder mula sa center table. Tumabi siya sa akin, hawak pa rin iyon.“You will have to sign this,” mahinahon niya
Margaux“So. ito ang bahay niyo ni Draco?” tanong ni Dad. Nasa sasakyan kami at nagpahatid ako sa kanila ni Mommy after ng event. Ngumiti ako bago tumugon.“Yes, Dad. Our little modern love nest,” sagot kong may halong biro.“Modern love nest ka pa dyan. Ano ngayon ang gagawin mo sa bahay natin kapag nawala na kami ng Mommy mo?” tanong niya.“Dad!” bulalas ko.“Nagtatanong lang…”“Ayaw kong magtanong ka ng ganyan,” nag-aalala kong sabi.“Sus, akala mo naman mahal na mahal mo kami.” Ang itsura ni Dad ng tignan ko ay tila ito nagtatampo. Ng tumingin ako kay Mommy ay para naman itong nagpipigil ng tawa.“Mahal na mahal ko naman talaga kayo,” sabi ko agad. Ayaw kong isipin nila kahit na isang saglit na hindi.“Kaya ba may Draco na?”“Dad naman eh…” Biglang tumawa ng malakas ang aking ama at tuluyan na akong hinarap. Nasa driver’s seat siya at si Mommy ay katabi niya na ansa passenger seat habang ako naman ay nasa back seat.“I love you, anak. Kahit na anong mangyari ay lagi mong tatandaan
MargauxNaging sobrang busy at hectic ang mga araw ko. Parang wala nang patid ang pag-ikot ng mundo ko. Meetings, preparations, at kung anu-ano pang kailangang asikasuhin. Buti na lang at kahit papano, nakakausap ko pa rin si Draco. Through call, text, at sa gabi ay video call. Doon lang ako kumukuha ng lakas. Nakakabaliw na nami-miss ko na talaga ang gurang na 'yon, pero alam kong kailangan kong magtiis. May mas mahalaga akong kailangang harapin.Ang issue ko kina Mommy ay isinantabi ko muna. Hindi pa rin ako kampante dahil iba talaga ang tinatakbo ng isip ko. And if I'm like this, talagang hindi ako napapalagay. Ang tanging kahit papaano ay nagpapakalma sa akin ang ang mga ngiting ibinibigay nila ni Dad sa akin.Dumating na nga ang araw na pinakahihintay namin. Nasa aking silid ako, nakaharap sa salamin habang inaayos ang sarili. Hinihila ko ang sarili kong mag-focus. Kailangan kong maging presentable dahil simula ngayong araw, hindi na ako si Margaux na college student lang. Ako na
Margaux“Another trip?” tanong ko sa aking ama, bahagyang nagtaas ang kilay. Nasa hapag-kainan kami at kapwa bagong dating mula sa opisina na feeling pagod pero masaya. Nagulat ako sa sinabi niya, pero tinawanan lang niya iyon. Si Mommy, nakangiti rin habang nagsasalin ng sabaw sa mangkok ko.“Bakit, ayaw mo bang maglamyerda naman kami ng Daddy mo?” tanong ni Mommy, nakakunot ang noo pero may lambing sa boses.“Hindi naman sa ayaw ko,” sagot ko habang hinahalo ang kanin sa ulam. “Kataka-taka lang kasi. Hindi kayo usually nagta-travel, lalo na’t out of the country pa. Business trips lang ‘yung madalas.”“Exactly!” sabat ni Dad, sabay abot ng baso kay Mommy. “Ngayon na malaki ka na, at sa tingin namin ng Mommy mo ay kaya mo na ang company, hindi ba dapat naman na ang isa’t isa naman ang intindihin namin? You should understand us lalo na at may Draco ka na sa buhay mo.”Napakagat ako sa labi at saglit na natahimik. Totoo naman ang sinabi nila. Noon, halos hindi sila makaalis dahil ayaw ni
MargauxMasaya ang bawat araw namin ni Yvonne. Kahit na kasama namin sila Draco at Kevin ay hindi naman iyon naging dahilan upang hindi rin kami mag-enjoy.Hindi na nga namin namalayan ang araw at huling araw na pala namin dito at bukas ay babalik na kami ng Manila.Nagkakaroon lang kami ng “alone” time ni Draco sa gabi.Ngayon ay nasa dagat na kami. Natapos namin ang iba’t-ibang klaseng activity at water adventure at sa lahat ng ‘yon ay may mga kuha kami.Na-in love ako lalo sa Cupcake ko dahil siya pa ang nagprisinta na maging official photographer at cameraman namin.Kapag kumakain ay magkakasama kaming apat syempre at sa tuwina ay katabi ko pa rin si Yvonne.“Ang bilis ng araw, Bruh, uuwi na agad tayo bukas…”“Isang linggo na ba talaga tayong nandito?” tanong ko pa bilang pagsang-ayon sa kanya.“Kung gusto niyo pang mag-stay ay pwede naman kayong mag-extend,” sabi ng aking Cupcake.“Wait, pinapaalala ko lang sayo na marami ka pang gagawin sa opisina,” singit naman ni Kevin.“Eh di
MargauxNakikiliti ako sa bawat banayad na halik ni Draco sa aking balikat. Mainit, magaan, pero may kasamang intensyong hindi ko maikakaila. Napapikit ako sa sarap ng sensasyong hatid ng kanyang mga labi. Pansamantala kong nakalimutan ang aking mga pangamba,, ang mga tanong tungkol sa amin, sa kung anong kahihinatnan ng relasyon namin. Sa sandaling ito, ang tanging mahalaga ay kami.His featherlight kisses send a tingling warmth all over my skin. Nakakakiliti, oo, pero higit doon ay nakakagising. Parang isang apoy na unti-unting sinisilaban ang damdamin ko, na parang may gusto pa siyang iparating, na gusto pa niya ako, nang buo, nang paulit-ulit.Nagtama ang aming paningin. Minsang titig na parang may sinasabi. Dahan-dahang lumapit ang kanyang mukha sa akin, at sa paglalapat ng aming mga labi, isang matamis at mainit na pagsabog ang bumalot sa akin.Napapikit ako, ninanamnam ang bawat segundo ng paghihinang ng aming mga labi. Sa simula ay banayad lang iyon na tila sinusuyo, dinadama.
DracoDinala ko si Margaux sa cottage ko habang si Kevin naman ay sumama kay Yvonne sa cottage nilang magkaibigan. Buti na lang at dalawa ang kwarto roon kaya hindi ko na kinailangang mag-alala pa.Isa pa, buo ang tiwala ko kay Kevin. Alam niya kung gaano ko kamahal si Margaux at alam kong hindi siya kailanman gagawa ng kahit anong bagay na maaaring makasira sa amin.Kagagaling ko lang sa banyo matapos maligo, ang lamig ng tubig ay tila hindi sapat upang maibsan ang pagod at pagkasabik na maramdaman ang presensya niya sa tabi ko. Paglabas ko, nadatnan ko siyang nakaupo sa sahig, nakaharap sa lamesita kung saan nakapatong ang kanyang iPad. Wala siyang kamalay-malay sa presensya ko at masyado siyang nakatuon sa screen.Tahimik akong kumuha ng suot kong paboritong sando at lounge pants, ang mga panandaliang nagbibigay sa akin ng pakiramdam ng bahay, bago ako marahang naupo sa tabi niya. Inalalayan ko ang sarili kong huwag agad siyang gambalain. Pero ang totoo, namimiss ko na agad ang aten
DracoHindi ko na talaga matatagalan ang hindi ko siya makita. Parang may kulang sa bawat segundo kapag wala si Sugar sa paningin ko. Kaya kahit medyo alanganin, agad kong niyaya si Kevin na sundan namin sila ni Yvonne.Nagulat ako nang hindi man lang siya nagdalawang-isip. Bigla na lang siyang pumayag. Pero ngayon, habang pinagmamasdan ko kung paano siya tahimik na nakatingin kay Yvonne mula sa kinauupuan namin, parang biglang luminaw ang lahat, may gusto ang loko sa kaibigan ng mahal ko.Pero kailangan ko siyang balaan. Hindi pwedeng makompromiso ang relasyon ko kay Sugar kung sakaling may mangyaring hindi maganda sa pagitan nila ng kaibigan ng mahal ko. Ayokong masaktan si Margaux dahil lang sa kapilyuhan niya.Ngayon ay nasa isang bar kami na may disco, hindi kasing-ingay ng mga tipikal na club, pero sapat para malibang. Pinagmamasdan ko ang dalawang babae habang sumasayaw sa gitna. Malaya, masaya, at walang inaalala.Parang binabalikan ako ng alaala. Kagaya ito noong gabing nakita
Margaux“Draco!” gulat kong sabi ng pagharap ko ay makita ko ang aking Cupcake. Kahit si Yvonne ay hindi makapaniwala. “What are you doing here?”“Na-miss kita eh,” sabi niya. Napangiti ako sa kilig at pagtingin ko sa kaibigan ko ay kita ko ang pagrolyo ng kanyang mga mata kaya natawa na lang ako.Agad akong yumapos sa aking Cupcake na akala mo ay ang tagal naming hindi nagkita. Sinandig ko ang aking pisngi sa kanya at saglit na pumikit upang damhin ang init ng kanyang katawan.Naramdaman ko naman ang pagpulupot din ng kanyang mga kamay sa akin ang mahigpit na yakap kasunod ang paghalik sa aking pisngi.“Ano, busog ka na?” Agad akong bumitaw kay Draco ng magsalita si Yvonne at nilingon siya. “Ngising-ngisi?”“Extra happy lang,” tugon ko naman kasunod ang pagdantay ng kamay ni Draco sa aking likod.“Kung naiinggit ka kay Margaux eh nandito naman ako.” Sabay kaming napatingin ni Yvonne sa pinanggalingan ng tinig at nakita ko ang nakangiting si Kevin.“As if naman, mapupunan mo ang narara