Margaux
“Thank you sa pag-aya sa akin,” sabi ko sa lalaki ng ihatid na niya ako sa table namin ni Yvonne. Okay naman siya at gentleman, kahit na ilang beses kaming nababangga ni Sam ay bahagya na lang niya akong inilalayo.“The pleasure is mine,” tugon niya bago nagpaalam para pumunta na sa kanyang mga kaibigan.
Pagtingin ko sa aking kaibigan ay titig na titig siya sa akin na may halong ngisi kaya napailing na lang ako dahil alam ko na ang ibig sabihin non.
“Stop looking at me like that, girl. Bakit hindi ka na lang tumayo dyan sa kinauupuan mo at makipagsayaw kaysa maging busy ka sa kakahanap ng makakapareha ko?”
“Ako kasi ay meron ng love of my life na hindi kagaya niyang ex mo.” Nakataas ang kanyang kilay habang masama ang tingin sa kung sino man na nasa aking likuran na kung huhulaan ko ay malamang na si Sam at Chloe.
“Eh di ikaw na ang masaya ang lovelife,” sabi ko sabay lingon para sana tumingin lang sa paligid.
“Don't look!” bulalas ni Yvonne. Ngunit huli na ang lahat dahil kitang kita ko na ang paghahalikan nila Sam at Chloe sa gitna na dapat sana ay nagsasayaw lang.
Parang pinilipit ang puso ko dahil sa aking nasaksihan. Hindi man lang nilinaw muna ni Sam ang lahat sa amin bago niya iyon ginawa.
Ang masakit pa, kahit na medyo malamlam ang ilaw ay kita ko pa rin na sa akin siya nakatingin habang akala mo gutom na gutom sila ni Chloe sa isa't isa kung maghalikan.
Wala sa sarili kong napahawak ako sa aking dibdib kasunod ang masaganang pagdaloy ng aking luha. Hindi ako nakakilos at para akong itinulos sa aking kinauupuan.
“Grabe, break na talaga sila?”
“Hala mahal pa rin ni Margaux si Sam, grabe ang pag-iyak oh!”
“Mahirap talaga kapag one sided.”
“Unrequited, kawawa naman si Margaux.”
“Kaya siguro siya um-attend ngayon at nagpaganda ay para balikan siya ni Sam.”
Gusto kong takpan ang tenga ko sa mga naririnig ko pero hindi nga ako makakilos hanggang sa may tumayo sa harapan ko at humarang sa tagpong dumurog sa puso ko.
“You know what, halika na at may pagdadalhan ako sayo.”
Wala na akong lakas para pumalag kaya naman madali lang akong nahila ni Yvonne palabas.
Sa sasakyan niya kami dumiretso at kitang kita ko ang awa sa kanyang mukha ng iharap niya ako sa kanya at yakapin.
“Ni minsan ba ay hindi niya ako minahal? Kahit katiting ay wala ba siyang nararamdaman para sa akin para gawin niya iyon?” Naging mas malakas ang pag-iyak ko at nararamdaman ko na rin ang pagbara ng ilong ko dahil sa sipon.
“Shh… tahan na girl…”
“Wala pa kaming formal breakup. Ni hindi ko nga alam na break na pala kami. Masama bang hilingin na siya naman ang masorry dahil siya naman ang nagkamali? Palagi na lang ba ako ang uunawa sa kanya? Anong mali sa akin Yve?”
“Walang mali sayo, Margaux. Sadya lang bulag or hindi marunong magpahalaga si Sam.”
“Sana pala naniwala na lang ako sayo noon. Sana nakinig ako sayo na huwag ko ng ipilit. Hindi sana ako nasasaktan ng ganito.”
Humagulgol na ako ng husto at hindi ko na inalinta kung ano pa ang maging itsura ko. Sigurado akong nagkalat na ang mascara sa mukha ko pero wala na akong pakialam.
Inilayo ako ni Yvonne ng bahagya sa kanya at tinignan mabuti bago kinuha ang box ng tissue na nasa dashboard ng sasakyan. Buti na lang at in-on niya ang aircon, kung nagkataon ay nanghuhulas na talaga ako hindi lang sa luha at sipon kung hindi pati na rin sa pawis.
Ang kaibigan ko na ang siyang nagpunas ng akiing mukha. Kahit kailan talaga ay maaasahan siya.
“Now, you look better.”
Bahagya ko siyang nginitian dahil nahihiya pa ako sa nangyari. Ang akala ko ay operation making Sam jealous kami ngunit ako pala ang mamatay sa sakit ng kataksilan niya.
“Girl, tandaan mo, there's nothing wrong with you. Sobrang mahal mo lang si Sam kaya ikaw na ang gumagawa ng lahat para lagi kayong magkaayos.”
“Pero ngayon, sinubukan ko lang na—”
“At hindi masama iyon. It takes two to tango. Dapat give and take. Ganyan dapat ang relationship. Hindi iyong one way lang ng one way.”
“Ang gusto ko lang ay maging masaya siya,” tugon ko kasunod ang pagyuko.
“At your expense. Hindi lang siya ang dapat na maging masaya, dapat ikaw rin. Kapag pareho kayong dumaranas non sa kabila ng pagsubok at problema that's when you're really in a relationship. At sa kung anuman ang meron kayo ngayon, ikaw lang ang committed and not him.”
“I love him, Yve.”
“I know,” tugon niya. “But you have to love yourself as well. At ang pagsunod sunod mo sa lalaking yon ay hindi nagpapakita ng pagmamahal mo sa sarili mo.”
“Anong gagawin ko? I really love him at ayaw kong magkahiwalay kami.”
“Kahit na nakita mo na yung nangyari kanina, you still like him?” Halata ang iritasyon sa kanyang mukha ngunit alam ko na dahil iyon sa katigasan ng aking ulo.
“Mahal ko kasi siya, Yve. Wala akong magagawa dahil iyon ang nararamdaman ko.”
Sabihin ng tanga ako o kung ano pa man. Pero kagaya ng nasabi ko na, wala akong ibang nakikita kung hindi si Sam.
“You know what, ang mabuti pa ay mag-enjoy na lang tayo.” Agad niyang in-start ang kanyang kotse at tsaka lumabas ng university.
Nagpatuloy lang siya sa pagdadrive hanggang sa tumigil kami sa isang bar.
“Anong gagawin natin dito?” tanong ko. Hindi ako mahilig pumunta sa ganitong lugar dahil nirerespeto ko si Sam. Ayaw kong isipin ng mga kaibigan niya na pakawala ang kanyang girlfriend kahit na hindi naman niya ako pormal na ipinakilala sa kanila.
“Magwawalwal tayo.”
“Ano? Ano ‘yon?” takang tanong ko.
“Magpakasaya! Yung tipong hindi natin iisipin ang bukas.”
“Are you crazy?” bulalas ko. Hindi naman kasi talaga ako gala.
“Come on, let's go. Pansamantala nating kalimutan ang mga sakit na nararamdaman natin,” sabi niya bago tanggalin ang kanyang seatbelt at pinatay ang sasakyan habang maang akong nakatingin sa kanya.
“Halika na, minsan lang ‘to. Lunurin natin ang sugatan mong puso.”
Pagkasabi niya non ay bigla akong napaisip. Tumango ako at nagtanggal na rin ng seatbelt. Nauna pa akong lumabas ng sasakyan sa kanya at naglakad na papasok sa bar. Wala ng atrasan ito.
Tara na at mag bar! Pa-like, comment, gem votes at rate po. Medyo mabagal po sa simula ang update ko dito pero sure na meron araw araw.
MargauxPuno kami ng pagtataka ni Yvonne ng pagpasok namin sa bar ay makitang walang tao doon maliban sa bartender at sa nag-iisa yata nilang customer na nakaupo sa bar counter.Nakatagilid ito at kahit na gusto kong bistahan para malaman ko kung kilala ko ba siya ay hindi ko na ginawa dahil baka iba ang maging pakahulugan niya doon.“Open ba kayo?” tanong ni Yvonne na palingon lingon pa sa paligid. Napansin kong bahagyang tumingin ang bartender sa lalaki bago nakangiting tumango.“Upo ka na girl. Ngayon ay iinom tayo pero hindi magpapakalasing. Mabuti na siguro na walang tao at least payapa tayo at walang mang-iistorbo sa atin.”Sinunod ko ang sinabi niya. Magkatabi kaming naupo sa may bar na rin at nasa kanan ko ang lalaking tahimik na umiinom.Pasimple kong tiningnan ang lalaki na diretso lang ang tingin sa harapan niya na parang walang pakialam sa aming magkaibigan. Naka navy blue suit ito at mukhang mayaman. Ngayon ko lang siya nakita.Nagkibit balikat na ako at bumaling na ng ti
Mature ContentMargauxHindi ko na alam kung paano kaming napunta sa isang silid matapos kong tugunin ang kanyang halik. Naramdaman ko na lang na nakalapat na ang aking likod sa nakasaradong pintuan habang patuloy kami sa paghahalikan.This man gives me an unexplainable feeling. Nakainom ako, lasing ako. But I know exactly what I'm doing. Hindi ko nga lang kayang utusan ang katawan ko na huminto sa ginagawa ko.“Sugar, are you sure about this?” tanong ng lalaki ng tumigil kami sa paghahalikan. Napangiti ako sa endearment na gamit niya. Kung endearment nga iyon ha.“I like the sugar thing. What do you want me to call you?” tanong ko.“Kahit ano wag lang ang pangalan ng ex mo or kung anumang tawag mo sa kanya.”Ang sexy ng dating ng kanyang boses habang hinahagod ng kanyang hinlalaki ang aking baba. Ang sarap sa pakiramdam dahil he's making me feel beautiful and wanted. Hindi kagaya ni Sam.Nalungkot ako ng maalala ko ang aking boyfriend. I mean, ex-boyfriend.“Don't think about him whe
Margaux“Okay, tapusin niyo na ang mga dapat niyong tapusin. Kahit na midterm pa lang ay maigi nang handa kayo sa lahat, tandaan niyo graduating na kayo.”“Yes ma'am!” sabay sabay na tugon ng aming klase sa paalala ng aming prof.“Okay, dismissed.” Lumabas na ng silid si Ms. Cruz kaya nag sitayuan na rin ang mga kaklase ko.Ako naman ay nanatiling nakaupo sa aking upuan at humarap sa labas ng bintana at nagsimulang tumanaw sa malayo.Biglang nagbalik sa alaala ko ang lahat ng naging pag-uusap namin ng lalaki ng magising kami kinaumagahan…***Idinilat ko ang aking mga mata at nag-unat. Nagtaka pa ako kung bakit parang ang sakit ng aking katawan. Pumikit ulit ako dahil sa pagsalakay ng bahagyang sakit ng ulo.Doon ko naalalang uminom nga pala kami ni Yvonne. Tapos ay umalis ito at nagpaiwan ako.Parang rumaragasang tubig sa batis na nagsidaluyan ang mga nangyari. Agad akong napaupo at nasabunutan ang aking sarili.“Judging with your action, mukhang naalala mo ang nangyari kagabi.”Ang
MargauxPagkatapos ng aming break ay saglit lang kaming tumambay sa isa sa mga benches na nasa tapat lang din ng building para sa next class namin bago kami naghiwalay ni Yvonne ng tumunog ang bell.Block section kami pero kahit hindi kami magkaklase ni Yvonne ay nagkakasabay pa rin kami sa lahat.At ngayon nga, kakaalis lang ng aming prof para sa last subject matapos tumunog ang bell tapos heto na agad at nakangiting papasok ng aming classroom ang aking bestfriend.“Mag snack na muna tayo sa coffee shop dyan sa labas ng university.”Wala naman akong magagawa dahil talagang kami lang dalawa ang laging magkasama.May iba pa kaming kaibigan na nakikala namin sa Tennis Club ngunit iba ang kurso ng mga iyon at sa ibang building sila nagkaklase. Kadalasan ay sa coffeeshop nga sa labas din namin sila nakikita.“Mauna ka na at magsi-CR lang ako. Save ka na ng upuan natin ha!” Punuan kasi ang lugar na yon at ginagawang tambayan ng mga estudyante.“Okay!” Tinalikuran ka na siya at naglakad na
Margaux“I feel like you’re ignoring me, Sugar.”Ito agad ang text na bumungad sa akin pagkagising ko at kunin ang aking cellphone para tingnan ang oras.Araw ng Biyernes at huling araw ng linggo para pumasok at mukhang sisirain pa ng lalaking ito. Ano ba ang nagawa kong kasalanan sa mundo at binigyan ako ng ganitong problema?Hindi pa ba sapat ang nangyari sa amin ni Sam?Ang ginawa sa akin ni Sam?Sinikap kong ignorahin iyon at lumakad na papuntang bathroom para maligo. Hindi ako pwedeng ma-late dahil may exam kami sa first subject. Minor subject pero hindi ko pa rin dapat pabayaan.Hindi ako matalino, pero masipag naman akong mag-aral. Alam ko na hindi ako kagaya ni Yvonne na madaling maka-pickup ng lesson kaya nag-e-exert talaga ako ng effort para makakuha ng magandang grades.Maganda lang at hindi mataas. Pero hindi rin mababa o pasang awa. Ayaw ko naman ng ganon, yung tipong maipasa lang.Lahat ng pangangailangan ko ay binibigay ng mga magulang ko. Kahit na may negosyo silang pin
Margaux“Excuse me?” sagot ko. Ayaw kong ipahalata na nakilala ko siya.“Don't play dumb, Sugar. I know you know me.” Bwisit talaga. “Kung hindi ka sasakay ay sa bahay niyo kita hihintayin at magpapakilala akong fuck buddy mo sa mga magulang mo. Choose.”Nanlisik ang aking mga mata na tumingin sa kanya. Wala akong nagawa kung hindi ang ikuyom ang aking kamao ng dahil sa galit.Lumingon ako sa paligid at nagbabakasakali na makakita ng kahit na sinong kakilala ngunit ako ay bigo.“Just tell me kung hindi ka sasakay. Hindi rin kita pipilitin.”“Sigurado ka?” tanong ko agad.“Yes. Sa inyo na nga lang kita hihintayin di ba?” tugon niya kaya lumapit na ako. Inabot niya sa akin ang isang lilac na helmet na ikinataas ng kilay ko.At may babae pa yata na mas nauna pang isinakay. Parang ayaw ko na tuloy sa lilac.Kinuha ko ang helmet kaya lang hindi ko ma-unlock. Paano ba kasi ito?Nagulat na lang ako ng bigla niyang kunin sa akin iyon at pinalapit pa ako sa kanya ng husto at siya na rin ang nag
Margaux“Anak, mamayang dinner ay sa mga Alegre tayo ha. Kaya kung may pupuntahan ka this afternoon ay siguraduhin mo na makakabalik ka on time.”“Yes, Mom,” tugon ko sa aking ina. “At hindi naman po ako aalis. Dito lang ako sa bahay maghapon para mag-advance reading. Mahilig kasi magpa-quiz ang prof namin sa third subject kaya gusto ko ay lagi akong handa.”“Huwag mong masyadong stress-in ang sarili mo, anak. Tandaan mo, masaya na kami ng Dad mo sa kung ano lang ang kaya mo.”“Oo nga naman, anak. Walang halaga sa amin ang kung anumang academic achievement mo kung alam namin na hindi ka masaya at napipilitan lang para mapaligaya kami.”“At nag second the motion pa nga si Dad,” sabi ko sabay iling at ngiti bago nagpatuloy.“Kaligayahan ko na malamang masaya kayo sa kung anumang pinaghirapan kong makuha. And yes, lagi kong tinatandaan na ienjoy lang ang pag-aaral.”“Mabuti na ang malinaw. Huwag kang mag-alala at ginagawa na namin ng Mommy mo ang lahat upang mapanatiling matatag at maayos
Margaux“Hi, Margaux!” masiglang bati ni Tita Samantha pagkakita sa akin. Kahit kailan talaga ay napakalambing niya.Nakipagbeso ako sa kanya bago sila naman ni Mommy. Mag bestfriends silang dalawa kaya naman lumaki akong laging nakikita si Sam na mabait sa akin noon at magkasundo naman kami hanggang sa sabihin ko nga sa harapan nila na gusto ko ang lalaki at tinukso na kami ng mga ito.Hindi nagustuhan ni Sam ang mga panunukso ng aming ina kaya naman iniwasan na ako nito simula noon. Ako naman, dahil bata pa ay binalewala lamang iyon at patuloy pa ring minahal ang lalaki kahit na halos ipagtulakan na ako nito palayo.“Halika kayo, pasok.” Kinawit ni Tita Samantha ang kanyang kamay sa aking braso habang papunta kami sa gilid ng kanilang bahay kung saan nadatnan namin ang iba pang kapatid ni Tito Dennis kasama ang pamilya ng mga ito.Kilala ko na sila dahil nga laging present ang aming pamilya sa kahit na anong okasyon sa kanila.“Umalis si Sam, ang sabi ay may susunduin lang. Akala ko
DracoIlang araw ko nang hindi nakikita ng personal ang aking Sugar, at sa totoo lang, naiinis na ako. Hindi pa kasi umaalis ng bansa si Chiara, at sa tuwina, lagi siyang nakabuntot sa akin.Pakiramdam ko ay wala akong kalayaan, lalo na’t hindi ko magawang makita o makausap ng maayos si Margaux. Nag-aalala na rin ako, hindi ko kasi alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya nang hindi siya magagalit o mag-iisip ng kung anu-ano ang pananatili ng kaibigan ko dito sa bansa hanggang ngayon.“Draco, what do you think of this?” tanong ni Chiara, hawak ang brochure ng isang condominium complex. Nakaupo siya sa tapat ng aking desk dito sa DZ Construction, waring hinihintay ang aking opinyon.“I don’t know, Chiara.” Hindi ko inalis ang tingin ko sa folder na nasa harapan ko, isang report mula kay Kuya Dennis tungkol sa financial status ng kumpanya noong Alegre Construction pa ito. Mas importante ito kaysa sa kung anumang gusto niyang ipakita.“How would you know when you’re not looking?” reklamo
MargauxMasaya at puno ng kulay ang bawat araw ko. Para bang may bagong sigla ang mundo, isang ningning na hindi ko noon napapansin. Lahat ng ito, dahil kay Draco.Araw-araw, hindi nawawala ang kanyang mensahe. Minsan isang simpleng, "Good morning, Sugar," na tila isang mainit na halik sa aking noo, sapat na upang magdala ng ngiti sa aking mukha hanggang sa paglubog ng araw.Minsan naman, mahahabang kwento ang ipinapadala niya, mga random na bagay na nagpapaalala raw sa kanya sa akin. Parang kahit saan siya mapunta, kahit anong gawin niya, ako ang laman ng isip niya.At sa tuwing magkausap kami sa video call bago matulog, ang boses niya, kahit nasa kabilang linya lamang ay tila yakap na bumabalot sa akin ng kakaibang kapanatagan.Yung mga "I fvcking miss you" na text message niya ay nagbibigay ng kakaibang kilig sa akin. Kasunod ang pag-alala sa mga araw na nagsolo kami sa kanyang condo at sa bago naming bahay.Bago naming bahay. Kinilig talaga ako doon. Hindi pa man kami kasal ay kasa
Margaux“Bruha ka!” nanlalaki ang mga matang sabi ni Yvonne ng makita niya ako sa school. Hindi talaga ako nagpakita sa kanya before magsimula ang klase pero heto siya at saktong kalalabas lang ng aming teacher ay pumasok na sa aming classroom.“Bakit?” patay malisya kong tanong.“Huwag mo akong ma-bakit-bakit na babae ka. Sabihin mo, sino ang kasama mo nung Friday night? Bakit mo ako kailangan kuntsabain about your parents?”Inaasahan ko naman na ito. At sure ako na hindi siya titigil hangga’t hindi niya nakukuha ang sagot na gusto niya.“Let’s go sa labas at magkape.”“Ano? Tanghaling tapat, kape?” bulalas ko. Lunchtime kasi sana namin, ano ang naisip ng bruhang ito at kape pa talaga ang in-offer sa akin?“Tinignan ko lang kung nasa tamang pag-iisip ka pa. Since nasa wisyo ka naman pala, ibig sabihin ay masasagot mo ng tama ang mga katanungan ko.”Natawa na lang ako sa sinabi niya at tsaka ako tumayo mula sa aking upuan. Dinampot ang aking bag at isinukbit iyon sa aking balikat.“Let
MargauxNa-touch ako sa sinabi ni Draco. Hindi ko napigilan ang mahulog na naman sa kanya.Bakit ganon? Bakit siya ang kailangang magparamdam sa akin ng ganito? Naiyapos ko sa kanya ng mahigpit ang aking mga braso habang bumababa kami ng hagdanan at buhat buhat ako.Iniupo niya ako sa upuan pagdating namin sa dining area. Nakahain na at kakain na lang kami. Pakiramdam ko ay isa akong prinsesa na pinagsisilbihan.Pero teka, bakit prinsesa? Siya ang hari kaya dapat ako ang reyna! Tama, isa akong reyna na pinagsisilbihan ng aking hari. Ng gwapo at mapagmahal kong hari.“Ang dami mong damit doon, why my polo?” tanong niya ng nakaupo na kami at nilalagyan ng karne ang aming pinnggan. “At bakit hindi ka nag-underwear?”Mahihiya sana ako pero parang wala naman na sa akin ang tanong niya na ‘yon. Nginitian ko siya at tinugon.“Ang akala ko ay tayo lang ang nandito so I feel comfortable. Hindi ba okay yon?”“Okay na okay, Sugar.” Ang bilis ng naging pagtugon niya kahit na nga naghihiwa pa siya
DracoPinanood ko kung paano tila batang nagmamaktol na ipinagpag ni Margaux ang kanyang mga paa. Akala mo ay isang sirenang malayang lumalangoy sa ilalim ng dagat. Nakadapa pa rin siya sa kama, ang polo kong suot niya ay lumilis nang bahagya, nagbigay ng mas matinding tukso sa harapan ko.“Fuck!” hindi ko napigilang ibulalas, bahagyang napalunok sa eksenang bumungad sa akin.Napalingon siya sa akin, ang inosenteng tingin niya ay parang hindi siya aware sa epekto niya sa akin. At mas lalo lang akong napamura nang lalo pang lumihis ang tela, bumuyangyang ang maputi niyang balat na lalong nagpainit sa akin.Napailing ako at mabilis na lumapit. Hindi ko kayang magpigil kapag ganito siya sa harapan ko. Bago pa siya makabangon, nasa harapan na niya ako, kitang-kita ko kung paano siya napatingala sa akin habang nakatukod ang kanyang dalawang kamay sa kama.Hindi ko na pinagtagal pa at agad ko siyang binuhat, hinapit palapit sa akin. Ramdam ko ang kaunting pagkabigla niya, ngunit sa isang igl
DracoHindi ko alam kung talagang mapapanindigan ko ang sinabi kong matutulog lang kami. Napakamapanukso niya kasi at shit, gusto ko ‘yung side niyang ‘yon.‘Yung mga tingin niyang parang hinahamon akong kalimutan ang sarili kong salita, ‘yung mga kilos niyang tila sinasadya pero alam kong hindi… o baka nga sinasadya niya talaga?Damn it.Agad akong bumaba at dumiretso sa kusina, pilit na ibinabalik ang atensyon ko sa pagkain. Hindi ko naman sinasadya, pero kagabi, wala akong magawa kaya naisipan kong mag-marinate ng beef para sa Sauerbraten. Ngayon, iihaw ko na lang iyon. Mabuti na lang at may potato dumplings na rin ako kaya hindi na ako matatagalan sa paghahanda.Pero kahit anong gawin kong pagtuon sa pagluluto, hindi pa rin mawala sa isip ko ang aking Sugar. Napailing ako habang binubuksan ang griller, nababaliw na ba ako? Lalo na’t alam kong naliligo siya sa itaas, at ang imahe niyang walang saplot ay tila demonyong bumubulong sa akin na iwan ang ginagawa ko.Malamang, basa na ang
MargauxYumuko ako para tignan ang aking paa at hindi ko napigilan ang isang munting ngiti na sumilay sa aking mga labi ng mapansin ang lilac na tsinelas na suot ko. Ang lambot nito sa ilalim ng aking mga talampakan, para bang dinuduyan ako sa bawat hakbang. Isang kilig na hindi ko maipaliwanag ang gumapang sa aking puso. Ganito pala ang pakiramdam na mapahalagahan, ang matanggap ang kapalit ng damdaming ibinibigay mo.Napatingala ako, saka dahan-dahang lumakad patungo sa walk-in closet na tinutukoy ni Draco. Halata sa kilos niya na gusto na niyang makalayo sa akin ng iwan ako kahit na kita ko sa mga mata niya ang pagnanasa para sa akin.Napangiti ako nang bahagya, hindi ako makapaniwala na kahit halata na ang pang-aakit ko sa kanya, pilit pa rin niyang pinipigilan ang sarili.Sige na nga, hayaan ko ng parusahan niya ang kanyang sarili. At least alam niyang napabayaan niya ako sa loob ng kung ilang araw na nasa Germany siya.Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang napakaluwag na wal
Margaux“Come.” Iniumang ni Draco ang kanyang kamay nang tumayo siya mula sa sofa. Nagdalawang-isip ako sandali bago ko iyon hinawakan, at sa isang iglap, itinayo niya ako. Nagtaka ako kung bakit.“Piggyback or bridal style?” tanong niya, nakataas ang isang kilay.Kumunot ang noo ko dahil hindi ko agad naintindihan ang ibig niyang sabihin.“Come on, Sugar,” aniya, tinatapik ang sarili niyang balikat. “I’ll carry you paakyat para makapagpalit ka ng damit. Nandoon din ang slippers mo, at ayaw kong maglakad ka nang nakayapak sa malamig na sahig. Kaya mamili ka na kung paano mo gustong buhatin kita.”Napatitig ako sa kanya bago napayuko sa suot kong damit. Napangiti ako. Noon, sa tuwing nakakapanood ako ng piggyback rides sa KDrama, iniisip kong kaartehan at ka-OA-yan lang iyon.Pero ngayon, biglang nag-iba ang pananaw ko. Siguro kasi si Sam ang boyfriend ko noon, at alam kong hindi niya kayang gawin ang bagay na 'yon sa akin.“Turn around,” nakangiti kong sabi.Kumindat muna siya sa akin
Margaux“Sugar,” tawag niya sa akin, malambing at may bahid ng paglalambing. Nakayapos ako sa kanya, nakasiksik sa kanyang dibdib, ramdam ko ang init ng kanyang katawan na parang kumot sa malamig na gabi. Nagtaas ako ng tingin, hinayaang mahulog sa malamlam niyang mga mata.“Hmm?” tugon ko na tila inaantok pero ang sa totoo ay nasasarapan lang ako sa ayos namin ngayon. Kapag ganito ay mukhang sisikapin ko ang manatiling gising kahit na gaano pa ako kaantok kung sakali.“Can you sleep here tonight?” tanong niya, may bahagyang pag-aalinlangan sa tinig. “I miss you so much at gusto kong makabawi sa mga araw na hindi kita nakita.”Napasinghap ako nang marinig iyon. Alam kong totoo ang sinasabi niya, pero hindi ko maiwasang sumimangot ng maalala ko na ang tagal nga niya sa Germany at namiss ko rin siya ng sobra dahil hindi man lang siya gumawa ng paraan para magkausap kami. Ako pa ba ang dapat na kumilos noong mga panahon na 'yon?“Sa sobrang pagkamiss mo, ni hindi mo ako ginawang i-text o