Margaux
“What do you think you're doing, Margaux?” inis na tanong ni Sam habang inaalalayan nito si Chloe na katulad ko ay nawalan ng balanse at natumba ng magkabanggaan kami.
“I-I didn't do anything,” mahina kong tugon dahil sa hiyang nararamdaman ko at pagkaalangan habang mag-isa akong tumatayo.
Alam sa buong University na magkasintahan kami kaya ang pag-alalay niya sa ibang babae habang sinisisi ako ay sadyang nagdulot sa akin ng sobrang sakit at pagkahiya.
“Bakit hindi si Margaux ang tinulungan niya?”
“Hindi ba magjowa sila, 2 years na? Bakit iba ang katabi ni Sam ngayon?”
“Kawawa naman si Margaux. Iba talaga kapag mas malaki ang pagmamahal ng isa sa isa, ganyan ang nangyayari.”
Hindi ko alam kung paano ko tatakasan ang mga nasa paligid namin lalo at pakiramdam ko ay unti unti na silang dumarami.
Pagtingin ko kay Sam ay tila nang-uusig pa ang kanyang tingin na parang ako talaga ang may kasalanan.
Si Chloe naman ay hindi rin nakatulong lalo at nakangisi pa itong nakatingin sa akin na hindi ko alam kung nakikita ba ni Sam at ng iba pa o hindi.
“Sam, bakit ang babaeng yan ang tinutulungan mo? Hindi ba dapat ay si Margaux dahil siya ang girlfriend mo?” galit na tanong ni Yvonne na aking bestfriend ng makalapit ito sa akin.
Siya na rin ang umalalay at nagcheck sa akin bago muling tumingin sa aking nobyo at sa babaeng katabi niya.
“Anong girlfriend ang sinasabi mo? Dalawang linggo na kaming break.” Walang ka emo-emosyon si Sam ng sabihin iyon.
Nagulat naman ang mga nasa paligid at nagsimula ang bulong-bulungan na nagpapahayag ng pagkaawa sa akin.
“Talaga ba?” tanong ng aking kaibigan na pinipigilan ko ng magsalita pa. Lalo lang akong magiging kahabag habag kung patuloy niya akong ipagtatanggol.
“Bakit, hindi pa ba niya sinabi sayo?” tila nang-uuyam na sabi ng lalaking napakatagal kong inilagay sa pedestal. Ganito lang ba talaga ako sa kanya?
“Ang alam ko ay nagtampo siya sayo dahil nakalimutan mo na naman ang inyong date at naghintay siya sayo ng matagal.”
Tinignan ako ni Yvonne at masaya akong niyakap. “Finally! Nauntog ka na rin bestfriend. Narealize mo na ba na bukod sa kaibigan ng nanay mo ang nanay niya ay wala ng maganda sa Sam na yan?”
“Yvonne,” awat ko pa sa kanya pero hindi naman siya tumigil.
“Sabihin mo sa akin, hindi ka niya sinuyo at ikaw pa ang gusto niyang manuyo ano? Napaka-conceited! Kahit sinong tanungin mo dito ay matutuwa kung malaman nilang nauntog ka na rin sa wakas!” masayang sabi ng bestfriend ko bago nilingon sina Sam at Chloe.
“Go, iyong iyo na ang lalaking yan. Ang swerte na niya kay Margaux, pinakawalan pa? Tignan ko lang kung ano ang kalabasan niyong dalawa.”
“Patahimikin mo yang kaibigan mo, Margaux. Hindi mo siya kailangang gamitin dahil lang sa pagiging bitter mo sa pag-iwan ko sayo! There's nothing good about you either.”
Nasaktan ako sa sinabi niya. Hindi ko akalain na masasabi niya sa akin ang ganon sa kabila ng lahat ng ginawa ko para sa kanya.
Wala akong ibang lalaki na pinagtuunan ng pansin maliban sa kanya at kahit na lagi niya akong binabalewala noon ay hindi pa rin ako tumingin sa iba.
Pinatatag ko ang aking sarili at pinigilan na maiyak. Ngayon ay iniisip ko kung bakit ko nga ba siya minahal?
Tumalikod na si Sam kasama si Chloe na iniwan pa ako ng isa pang nakakalokong ngiti habang ang ibang estudyante ay nakatingin sa akin na halatang naaawa.
“Halika na girl, hindi mo na dapat pinag-aaksyahan ng damdamin ang lalaking ‘yon.”
Madaling sabihin pero mahirap gawin. Teenager pa lang ako ay si Sam na ang lalaking pinangarap ko. Lahat ay ginawa ko upang mapansin niya lang. Nang mangyari nga iyon at naging kami ay pinangako ko sa sarili ko na hinding hindi ko sasayangin ang pagkakataon na iyon.
Sa buong panahon na may relasyon kami ay ako lagi ang nanunuyo at humihingi ng sorry sa tuwing magkakaroon kami ng hindi pagkakaintindihan.
Mayaman sila pero I showered him with gifts kahit na sa pinakasimpleng okasyon habang wala naman siyang binibigay sa akin sa nakalipas na dalawang anniversary namin.
“Salamat, Yvonne. Kung hindi ka dumating ay baka nakatayo pa rin ako doon.” Mapakla ang ngiting sumilay sa mga labi ko ng sabihin ko iyon sa kanya.
Nasa isa sa mga bench na kami na malapit sa cafeteria. Dito kami madalas na magkitang magkaibigan dahil malapit din sa oval kung saan makikita ang atleta ng university na tinitilian niya.
“Walang anuman iyon. Pasensya ka na rin sa nasabi ko kanina,” mahinang sabi niya.
“Okay lang ‘yon, alam ko naman na ako lang din ang iniisip mo.”
“Paano yan, wala kang date sa gala night? Aattend ka pa ba?” Bakas ang pag-aalala sa mukha niya at ganon din naman ang nararamdaman ko. Sigurado na ako ang magiging topic sa kwentuhan lalo na kung dumating na magkasama sina Sam at Chloe or kung sinuman ang maka-date ng lalaki.
“Kailangan kong um-attend. Hindi ko hahayaan na isipin ng Sam na yon na masyado akong affected ng ginawa niya.”
“Pero break na talaga kayo?” naninigurong tanong ni Yvonne.
“I don't remember breaking up with him or him to me. Nagulat na lang din ako ng sabihin niya iyon kanina. Ang gusto ko lang naman ay maranasan na suyuin niya lalo at kagaya ng sinabi mo na ay naghintay na naman ako sa kanya ng tatlong oras para sa date namin.”
Nakakahiya ang ipinagtapat ko na ‘yon. Pero dahil kaibigan ko naman siya ay naisip kong okay lang.
Niyakap niya ako dahil tuluyan ng tumulo ang aking mga luha. Nanikip ang aking dibdib dahil sa sakit sa kaalamang kailanman ay hindi talaga ako nagustuhan ni Sam.
“Naging kami lang siguro dahil sa mga magulang namin. Baka gusto lang niyang mapasaya si Tita Samantha kaya pinilit niya ang sarili na tiisin na makipagrelasyon sa akin.”
“Shh… Huwag mong sabihin yan. Tandaan mo, sa nangyari sa inyo, siya ang nawalan at hindi ikaw.”
Natahimik na kami pareho pagkatapos niyang sabihin iyon ngunit nanatili kaming magkayakap hanggang sa tuluyan na akong kumalma.
“Let's show Sam na hindi lang siya ang pwede mong mahalin.”
Nagsalubong ang mga kilay ko ng sabihin iyon ni Yvonne. “Ano na naman ang pinaplano mo?”
“Operation making Sam jealous and regretful.”
Napailing na lang ako sa sinabi niya. Pero nakaramdam ako ng bahagyang tuwa dahil sa suporta na pinapakita niya. Siguro nga ay kailangan kong ipakita kay Sam na hindi lang siya ang lalaking pwede kong paglaanan ng oras at panahon. Kaya kailangan kong maging maganda sa gala night.
MargauxGala night.Bago pa man kami magkaroon ng hindi pagkakaintindihan ni Sam ay decided na akong um-attend dahil last sem ko na ito sa college at una't huling beses kong dadaluhan.Sa dalawang taon na magkarelasyon kami ni Sam ay hindi rin kami uma-attend sa ganito dahil pareho kaming walang hilig.Nakaharap ako ngayon sa salamin ng aking tokador at tinitignan ang aking sarili. Hindi ako sanay mag-make-up pero marunong akong mag-apply.Simpleng lilac dress na may combination na white ang napili kong suutin. Tinernuhan ko iyon ng simpleng lilac stud earrings at necklace na may kaparehong color theme para hindi naman magmukhang bare ang aking leeg na kitang kita dahil sa mataas na ayos ng aking buhok at sa one strap na design ng damit.Kakatapos ko lang mag final touch ng aking makeup ng marinig ko ang katok sa pintuan kasunod ang pagpasok ng aking ina.“Wow, you look young and fresh! Ang ganda mo anak!” bulalas niya. Hindi ko naiwasang mapangiti dahil doon.“Kanino pa ba ako magmama
Margaux “Thank you sa pag-aya sa akin,” sabi ko sa lalaki ng ihatid na niya ako sa table namin ni Yvonne. Okay naman siya at gentleman, kahit na ilang beses kaming nababangga ni Sam ay bahagya na lang niya akong inilalayo.“The pleasure is mine,” tugon niya bago nagpaalam para pumunta na sa kanyang mga kaibigan.Pagtingin ko sa aking kaibigan ay titig na titig siya sa akin na may halong ngisi kaya napailing na lang ako dahil alam ko na ang ibig sabihin non.“Stop looking at me like that, girl. Bakit hindi ka na lang tumayo dyan sa kinauupuan mo at makipagsayaw kaysa maging busy ka sa kakahanap ng makakapareha ko?”“Ako kasi ay meron ng love of my life na hindi kagaya niyang ex mo.” Nakataas ang kanyang kilay habang masama ang tingin sa kung sino man na nasa aking likuran na kung huhulaan ko ay malamang na si Sam at Chloe.“Eh di ikaw na ang masaya ang lovelife,” sabi ko sabay lingon para sana tumingin lang sa paligid.“Don't look!” bulalas ni Yvonne. Ngunit huli na ang lahat dahil kit
MargauxPuno kami ng pagtataka ni Yvonne ng pagpasok namin sa bar ay makitang walang tao doon maliban sa bartender at sa nag-iisa yata nilang customer na nakaupo sa bar counter.Nakatagilid ito at kahit na gusto kong bistahan para malaman ko kung kilala ko ba siya ay hindi ko na ginawa dahil baka iba ang maging pakahulugan niya doon.“Open ba kayo?” tanong ni Yvonne na palingon lingon pa sa paligid. Napansin kong bahagyang tumingin ang bartender sa lalaki bago nakangiting tumango.“Upo ka na girl. Ngayon ay iinom tayo pero hindi magpapakalasing. Mabuti na siguro na walang tao at least payapa tayo at walang mang-iistorbo sa atin.”Sinunod ko ang sinabi niya. Magkatabi kaming naupo sa may bar na rin at nasa kanan ko ang lalaking tahimik na umiinom.Pasimple kong tiningnan ang lalaki na diretso lang ang tingin sa harapan niya na parang walang pakialam sa aming magkaibigan. Naka navy blue suit ito at mukhang mayaman. Ngayon ko lang siya nakita.Nagkibit balikat na ako at bumaling na ng ti
Mature ContentMargauxHindi ko na alam kung paano kaming napunta sa isang silid matapos kong tugunin ang kanyang halik. Naramdaman ko na lang na nakalapat na ang aking likod sa nakasaradong pintuan habang patuloy kami sa paghahalikan.This man gives me an unexplainable feeling. Nakainom ako, lasing ako. But I know exactly what I'm doing. Hindi ko nga lang kayang utusan ang katawan ko na huminto sa ginagawa ko.“Sugar, are you sure about this?” tanong ng lalaki ng tumigil kami sa paghahalikan. Napangiti ako sa endearment na gamit niya. Kung endearment nga iyon ha.“I like the sugar thing. What do you want me to call you?” tanong ko.“Kahit ano wag lang ang pangalan ng ex mo or kung anumang tawag mo sa kanya.”Ang sexy ng dating ng kanyang boses habang hinahagod ng kanyang hinlalaki ang aking baba. Ang sarap sa pakiramdam dahil he's making me feel beautiful and wanted. Hindi kagaya ni Sam.Nalungkot ako ng maalala ko ang aking boyfriend. I mean, ex-boyfriend.“Don't think about him whe
Margaux“Okay, tapusin niyo na ang mga dapat niyong tapusin. Kahit na midterm pa lang ay maigi nang handa kayo sa lahat, tandaan niyo graduating na kayo.”“Yes ma'am!” sabay sabay na tugon ng aming klase sa paalala ng aming prof.“Okay, dismissed.” Lumabas na ng silid si Ms. Cruz kaya nag sitayuan na rin ang mga kaklase ko.Ako naman ay nanatiling nakaupo sa aking upuan at humarap sa labas ng bintana at nagsimulang tumanaw sa malayo.Biglang nagbalik sa alaala ko ang lahat ng naging pag-uusap namin ng lalaki ng magising kami kinaumagahan…***Idinilat ko ang aking mga mata at nag-unat. Nagtaka pa ako kung bakit parang ang sakit ng aking katawan. Pumikit ulit ako dahil sa pagsalakay ng bahagyang sakit ng ulo.Doon ko naalalang uminom nga pala kami ni Yvonne. Tapos ay umalis ito at nagpaiwan ako.Parang rumaragasang tubig sa batis na nagsidaluyan ang mga nangyari. Agad akong napaupo at nasabunutan ang aking sarili.“Judging with your action, mukhang naalala mo ang nangyari kagabi.”Ang
MargauxPagkatapos ng aming break ay saglit lang kaming tumambay sa isa sa mga benches na nasa tapat lang din ng building para sa next class namin bago kami naghiwalay ni Yvonne ng tumunog ang bell.Block section kami pero kahit hindi kami magkaklase ni Yvonne ay nagkakasabay pa rin kami sa lahat.At ngayon nga, kakaalis lang ng aming prof para sa last subject matapos tumunog ang bell tapos heto na agad at nakangiting papasok ng aming classroom ang aking bestfriend.“Mag snack na muna tayo sa coffee shop dyan sa labas ng university.”Wala naman akong magagawa dahil talagang kami lang dalawa ang laging magkasama.May iba pa kaming kaibigan na nakikala namin sa Tennis Club ngunit iba ang kurso ng mga iyon at sa ibang building sila nagkaklase. Kadalasan ay sa coffeeshop nga sa labas din namin sila nakikita.“Mauna ka na at magsi-CR lang ako. Save ka na ng upuan natin ha!” Punuan kasi ang lugar na yon at ginagawang tambayan ng mga estudyante.“Okay!” Tinalikuran ka na siya at naglakad na
Margaux“I feel like you’re ignoring me, Sugar.”Ito agad ang text na bumungad sa akin pagkagising ko at kunin ang aking cellphone para tingnan ang oras.Araw ng Biyernes at huling araw ng linggo para pumasok at mukhang sisirain pa ng lalaking ito. Ano ba ang nagawa kong kasalanan sa mundo at binigyan ako ng ganitong problema?Hindi pa ba sapat ang nangyari sa amin ni Sam?Ang ginawa sa akin ni Sam?Sinikap kong ignorahin iyon at lumakad na papuntang bathroom para maligo. Hindi ako pwedeng ma-late dahil may exam kami sa first subject. Minor subject pero hindi ko pa rin dapat pabayaan.Hindi ako matalino, pero masipag naman akong mag-aral. Alam ko na hindi ako kagaya ni Yvonne na madaling maka-pickup ng lesson kaya nag-e-exert talaga ako ng effort para makakuha ng magandang grades.Maganda lang at hindi mataas. Pero hindi rin mababa o pasang awa. Ayaw ko naman ng ganon, yung tipong maipasa lang.Lahat ng pangangailangan ko ay binibigay ng mga magulang ko. Kahit na may negosyo silang pin
Margaux“Excuse me?” sagot ko. Ayaw kong ipahalata na nakilala ko siya.“Don't play dumb, Sugar. I know you know me.” Bwisit talaga. “Kung hindi ka sasakay ay sa bahay niyo kita hihintayin at magpapakilala akong fuck buddy mo sa mga magulang mo. Choose.”Nanlisik ang aking mga mata na tumingin sa kanya. Wala akong nagawa kung hindi ang ikuyom ang aking kamao ng dahil sa galit.Lumingon ako sa paligid at nagbabakasakali na makakita ng kahit na sinong kakilala ngunit ako ay bigo.“Just tell me kung hindi ka sasakay. Hindi rin kita pipilitin.”“Sigurado ka?” tanong ko agad.“Yes. Sa inyo na nga lang kita hihintayin di ba?” tugon niya kaya lumapit na ako. Inabot niya sa akin ang isang lilac na helmet na ikinataas ng kilay ko.At may babae pa yata na mas nauna pang isinakay. Parang ayaw ko na tuloy sa lilac.Kinuha ko ang helmet kaya lang hindi ko ma-unlock. Paano ba kasi ito?Nagulat na lang ako ng bigla niyang kunin sa akin iyon at pinalapit pa ako sa kanya ng husto at siya na rin ang nag
MargauxPagbukas ni Draco ng pintuan, agad kaming pumasok habang buhat niya ako. Hindi pa rin natatapos ang halikan namin, bawat dampi ng labi niya ay tila apoy na nagpapaliyab sa bawat hibla ng aking pagkatao. Ramdam ko ang init, ang pananabik, at ang bugso ng damdamin. Sa isip ko, ito na. Walang makakapigil. Ngunit bigla siyang tumigil.“I want you, Sugar,” bulong niya sa pagitan ng mabibigat naming hininga. “Pero may mas kailangan muna tayong unahin.”Napakunot ako ng noo. Nalito ako, at sa totoo lang, medyo nadismaya. Anong kailangan unahin? Sa gitna ng ganitong tagpo?Hindi siya nagsalita agad. Sa halip, nagpatuloy siya sa paglalakad papunta sa sala, karga pa rin ako na parang ayaw niya akong bitawan, at sa kabila ng kalituhan ko, may kakaibang kilig akong naramdaman. Para akong prinsesang ayaw niyang dumikit sa lupa.Maingat niya akong inihiga sa sofa, saka kumuha ng folder mula sa center table. Tumabi siya sa akin, hawak pa rin iyon.“You will have to sign this,” mahinahon niya
Margaux“So. ito ang bahay niyo ni Draco?” tanong ni Dad. Nasa sasakyan kami at nagpahatid ako sa kanila ni Mommy after ng event. Ngumiti ako bago tumugon.“Yes, Dad. Our little modern love nest,” sagot kong may halong biro.“Modern love nest ka pa dyan. Ano ngayon ang gagawin mo sa bahay natin kapag nawala na kami ng Mommy mo?” tanong niya.“Dad!” bulalas ko.“Nagtatanong lang…”“Ayaw kong magtanong ka ng ganyan,” nag-aalala kong sabi.“Sus, akala mo naman mahal na mahal mo kami.” Ang itsura ni Dad ng tignan ko ay tila ito nagtatampo. Ng tumingin ako kay Mommy ay para naman itong nagpipigil ng tawa.“Mahal na mahal ko naman talaga kayo,” sabi ko agad. Ayaw kong isipin nila kahit na isang saglit na hindi.“Kaya ba may Draco na?”“Dad naman eh…” Biglang tumawa ng malakas ang aking ama at tuluyan na akong hinarap. Nasa driver’s seat siya at si Mommy ay katabi niya na ansa passenger seat habang ako naman ay nasa back seat.“I love you, anak. Kahit na anong mangyari ay lagi mong tatandaan
MargauxNaging sobrang busy at hectic ang mga araw ko. Parang wala nang patid ang pag-ikot ng mundo ko. Meetings, preparations, at kung anu-ano pang kailangang asikasuhin. Buti na lang at kahit papano, nakakausap ko pa rin si Draco. Through call, text, at sa gabi ay video call. Doon lang ako kumukuha ng lakas. Nakakabaliw na nami-miss ko na talaga ang gurang na 'yon, pero alam kong kailangan kong magtiis. May mas mahalaga akong kailangang harapin.Ang issue ko kina Mommy ay isinantabi ko muna. Hindi pa rin ako kampante dahil iba talaga ang tinatakbo ng isip ko. And if I'm like this, talagang hindi ako napapalagay. Ang tanging kahit papaano ay nagpapakalma sa akin ang ang mga ngiting ibinibigay nila ni Dad sa akin.Dumating na nga ang araw na pinakahihintay namin. Nasa aking silid ako, nakaharap sa salamin habang inaayos ang sarili. Hinihila ko ang sarili kong mag-focus. Kailangan kong maging presentable dahil simula ngayong araw, hindi na ako si Margaux na college student lang. Ako na
Margaux“Another trip?” tanong ko sa aking ama, bahagyang nagtaas ang kilay. Nasa hapag-kainan kami at kapwa bagong dating mula sa opisina na feeling pagod pero masaya. Nagulat ako sa sinabi niya, pero tinawanan lang niya iyon. Si Mommy, nakangiti rin habang nagsasalin ng sabaw sa mangkok ko.“Bakit, ayaw mo bang maglamyerda naman kami ng Daddy mo?” tanong ni Mommy, nakakunot ang noo pero may lambing sa boses.“Hindi naman sa ayaw ko,” sagot ko habang hinahalo ang kanin sa ulam. “Kataka-taka lang kasi. Hindi kayo usually nagta-travel, lalo na’t out of the country pa. Business trips lang ‘yung madalas.”“Exactly!” sabat ni Dad, sabay abot ng baso kay Mommy. “Ngayon na malaki ka na, at sa tingin namin ng Mommy mo ay kaya mo na ang company, hindi ba dapat naman na ang isa’t isa naman ang intindihin namin? You should understand us lalo na at may Draco ka na sa buhay mo.”Napakagat ako sa labi at saglit na natahimik. Totoo naman ang sinabi nila. Noon, halos hindi sila makaalis dahil ayaw ni
MargauxMasaya ang bawat araw namin ni Yvonne. Kahit na kasama namin sila Draco at Kevin ay hindi naman iyon naging dahilan upang hindi rin kami mag-enjoy.Hindi na nga namin namalayan ang araw at huling araw na pala namin dito at bukas ay babalik na kami ng Manila.Nagkakaroon lang kami ng “alone” time ni Draco sa gabi.Ngayon ay nasa dagat na kami. Natapos namin ang iba’t-ibang klaseng activity at water adventure at sa lahat ng ‘yon ay may mga kuha kami.Na-in love ako lalo sa Cupcake ko dahil siya pa ang nagprisinta na maging official photographer at cameraman namin.Kapag kumakain ay magkakasama kaming apat syempre at sa tuwina ay katabi ko pa rin si Yvonne.“Ang bilis ng araw, Bruh, uuwi na agad tayo bukas…”“Isang linggo na ba talaga tayong nandito?” tanong ko pa bilang pagsang-ayon sa kanya.“Kung gusto niyo pang mag-stay ay pwede naman kayong mag-extend,” sabi ng aking Cupcake.“Wait, pinapaalala ko lang sayo na marami ka pang gagawin sa opisina,” singit naman ni Kevin.“Eh di
MargauxNakikiliti ako sa bawat banayad na halik ni Draco sa aking balikat. Mainit, magaan, pero may kasamang intensyong hindi ko maikakaila. Napapikit ako sa sarap ng sensasyong hatid ng kanyang mga labi. Pansamantala kong nakalimutan ang aking mga pangamba,, ang mga tanong tungkol sa amin, sa kung anong kahihinatnan ng relasyon namin. Sa sandaling ito, ang tanging mahalaga ay kami.His featherlight kisses send a tingling warmth all over my skin. Nakakakiliti, oo, pero higit doon ay nakakagising. Parang isang apoy na unti-unting sinisilaban ang damdamin ko, na parang may gusto pa siyang iparating, na gusto pa niya ako, nang buo, nang paulit-ulit.Nagtama ang aming paningin. Minsang titig na parang may sinasabi. Dahan-dahang lumapit ang kanyang mukha sa akin, at sa paglalapat ng aming mga labi, isang matamis at mainit na pagsabog ang bumalot sa akin.Napapikit ako, ninanamnam ang bawat segundo ng paghihinang ng aming mga labi. Sa simula ay banayad lang iyon na tila sinusuyo, dinadama.
DracoDinala ko si Margaux sa cottage ko habang si Kevin naman ay sumama kay Yvonne sa cottage nilang magkaibigan. Buti na lang at dalawa ang kwarto roon kaya hindi ko na kinailangang mag-alala pa.Isa pa, buo ang tiwala ko kay Kevin. Alam niya kung gaano ko kamahal si Margaux at alam kong hindi siya kailanman gagawa ng kahit anong bagay na maaaring makasira sa amin.Kagagaling ko lang sa banyo matapos maligo, ang lamig ng tubig ay tila hindi sapat upang maibsan ang pagod at pagkasabik na maramdaman ang presensya niya sa tabi ko. Paglabas ko, nadatnan ko siyang nakaupo sa sahig, nakaharap sa lamesita kung saan nakapatong ang kanyang iPad. Wala siyang kamalay-malay sa presensya ko at masyado siyang nakatuon sa screen.Tahimik akong kumuha ng suot kong paboritong sando at lounge pants, ang mga panandaliang nagbibigay sa akin ng pakiramdam ng bahay, bago ako marahang naupo sa tabi niya. Inalalayan ko ang sarili kong huwag agad siyang gambalain. Pero ang totoo, namimiss ko na agad ang aten
DracoHindi ko na talaga matatagalan ang hindi ko siya makita. Parang may kulang sa bawat segundo kapag wala si Sugar sa paningin ko. Kaya kahit medyo alanganin, agad kong niyaya si Kevin na sundan namin sila ni Yvonne.Nagulat ako nang hindi man lang siya nagdalawang-isip. Bigla na lang siyang pumayag. Pero ngayon, habang pinagmamasdan ko kung paano siya tahimik na nakatingin kay Yvonne mula sa kinauupuan namin, parang biglang luminaw ang lahat, may gusto ang loko sa kaibigan ng mahal ko.Pero kailangan ko siyang balaan. Hindi pwedeng makompromiso ang relasyon ko kay Sugar kung sakaling may mangyaring hindi maganda sa pagitan nila ng kaibigan ng mahal ko. Ayokong masaktan si Margaux dahil lang sa kapilyuhan niya.Ngayon ay nasa isang bar kami na may disco, hindi kasing-ingay ng mga tipikal na club, pero sapat para malibang. Pinagmamasdan ko ang dalawang babae habang sumasayaw sa gitna. Malaya, masaya, at walang inaalala.Parang binabalikan ako ng alaala. Kagaya ito noong gabing nakita
Margaux“Draco!” gulat kong sabi ng pagharap ko ay makita ko ang aking Cupcake. Kahit si Yvonne ay hindi makapaniwala. “What are you doing here?”“Na-miss kita eh,” sabi niya. Napangiti ako sa kilig at pagtingin ko sa kaibigan ko ay kita ko ang pagrolyo ng kanyang mga mata kaya natawa na lang ako.Agad akong yumapos sa aking Cupcake na akala mo ay ang tagal naming hindi nagkita. Sinandig ko ang aking pisngi sa kanya at saglit na pumikit upang damhin ang init ng kanyang katawan.Naramdaman ko naman ang pagpulupot din ng kanyang mga kamay sa akin ang mahigpit na yakap kasunod ang paghalik sa aking pisngi.“Ano, busog ka na?” Agad akong bumitaw kay Draco ng magsalita si Yvonne at nilingon siya. “Ngising-ngisi?”“Extra happy lang,” tugon ko naman kasunod ang pagdantay ng kamay ni Draco sa aking likod.“Kung naiinggit ka kay Margaux eh nandito naman ako.” Sabay kaming napatingin ni Yvonne sa pinanggalingan ng tinig at nakita ko ang nakangiting si Kevin.“As if naman, mapupunan mo ang narara