"Mag-ina mo? Talaga ba? Kailan pa?" Iyon ang hindi makapaniwala na tanong ni Elon kay Aldrick matapos na mapaalis ni Nathan si Blue Alegre at bahagya na humupa ang tensyon sa mansyon. "Mayroon ka bang hindi inaamin sa akin?"
Hindi na rin nakatiiis pa si Elon na kimkimin ang mga katanungan na iyon dahil kanina pa rin siya gulong-gulo sa nakita niya na senaryo. Hindi niya maintindihan kung bakit pilit na pinipigilan ni Aldrick ang pag-uusap ni Sia at ni Blue. Hindi niya alam kung bakit nito kailangan na hadlangan ang lalaki na umaako sa responsibilidad sa babaeng nag-aakusa sa kan’ya. Nagugulahan siya na iba ang sinasabi ng kan’yang amo sa mga nagiging aksyon nito. Hindi niya mawari kung bakit nito sinabi na mag-ina niya sina Sia at ang bata, gano’n patuloy rin naman nito na itinatanggi ang bagay na iyon sa kanila.
"Walang ibang ibig sabihin ang sinabi ko." Alam
"Mag-ina niya? Talaga ba? Kailan pa?" Iyon ang kanina pa rin na paulit-ulit na tinatanong ni Russia sa kan’yang sarili na hanggang ngayon ay hindi niya mabigyan ng kasagutan. "Bakit niya sinabi iyon? Hindi ba at galit nga siya sa akin, pero bakit bigla na inaako na niya ang anak ko? Ano ba ang ibig niya na sabihin? Tinatanggap na ba niya kami? Bakit? Ano bang pumasok sa isipan ng lalaki na iyon para sabihin niya na mag-ina niya kami ng anak ko?"Gulong-gulo siya at hindi talaga makapag-isip ng matuwid. Hindi niya alam kung matutuwa at ipapagpasalamat ba niya ang ginawa ni Aldrick o lalo lamang na matatakot dahil sigurado siya na hindi nito palalampasin ang eksena na iyon.Ano ba kasi ang naisip ni Blue at nagbalik pa rito sa mansyon? At ang mas malaki na katanungan sa kan'yang isip ay kung ano nga ba ang plano ng lalaki na iyon at ayaw siya na tantanan sa ngayo
"You owe me a lot of explanations, Sisa. As in a lot of explanations. Hindi lamang dahil sa mga kasinungalingan na pinagsasasabi mo na naman kay Colton kung hindi maging sa mga kasinungalingan na pinagsasasabi mo sa amin patungkol sa Blue Alegre na iyan." Kaibahan man sa nakagawian na tono ni Aldrick sa kan’ya dahil mas mukhang mahinahon ang lalaki kumpara sa mga nakaraan nila na paghaharap, ramdam na ramdam pa rin ni Russia ang emosyon nito sa bawat salita nito sa kan’ya."And I won’t let you get away without the explanations this time. Kahit na hindi ka makatulog magdamag wala akong pakialam, basta mag-uusap tayo at aaminin mo sa akin ngayon ang lahat ng mga katotohanan."And once again, her mind is in a state of chaos. Naguguluhan siya sa opsyon na pipliin niya sa pagkakataon na ito. It’s like the universe, and Aldrick is giving her an option at this moment:
"He is not the father, but you are!"Hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa kan’yang isipan ang reaksyon ni Aldrick nang sabihin niya ang mga kataga na iyon. She was not supposed to say that, but ultimately she did, out of nowhere. Hindi niya alam kung bakit niya nagawa, pero namalayan na lamang niya na muli na naman na pinapanindigan ng sarili niya ang mga kasinungalingan niya."Ang tanga mo talaga, Russia!" Nasabi na lamang niya sa kan’yang sarili habang tinatapik ang kan’yang noo. Pagkakataon na sana niya iyon para umamin at itama ang mga kalokohan niya, pero sa huling sandali ay hindi niya nagawa at lalo pa niya na nilubog ang sarili sa mga pagkukunyari.Totoo naman na nilulukuban siya ng takot dahil hindi niya mabasa kay Aldrick kung ano nga ba ang magiging reaksyon nito kapag sinabi niya ang lahat sa lalaki. S
"Good morning! Kanina pa kita hinihintay na magising. Mukhang tinanghali ka yata ngayon?"Gulat na gulat si Russia nang pagdaan niya sa dining area ay isang pagbati ang narinig niya. Hindi niya iyon inaasahan dahil nasanay na siya na parang hangin lamang siya rito sa mansyon na dinadaan-daanan lamang. Idagdag pa roon na maayos ang pagkakasabi ng mga salita, at siyempre, mas lalo na hindi kapani-paniwala na manggagaling iyon kay Aldrick."A-ano? Hinihintay mo ako? Bakit?""Maupo ka na at mag-almusal na tayo. Kanina pa ako nagpahanda ng breakfast at kanina pa rin ako naghihintay sa’yo rito." Iminuwestra pa nito sa kan’ya ang upuan sa tabi nito at mukhang doon pa siya pinapapuwesto. Nangungunot na ang noo niya sa pagtataka dahil sa inaasal nito sa kan’ya. Hindi ba at kagabi lamang ay hindi sila magkasundo sa kung
"Let’s start over again, Sia. Let’s do this for the baby. More than anything else, the baby should be our priority at this point."Kagabi pa na parang echo na paulit-ulit sa isipan ni Russia ang sinabi na iyon ni Aldrick. Hindi niya alam kung ano ang dapat niya na maramdaman sa naging pag-uusap nila na iyon na nagpabago ng lahat para sa kanya. Hindi niya inaasahan na bigla na lamang na mag-iiba ang ihip ng hangin at sa isang iglap ay tinatanggap na sila ni Aldrick ng buong-buo.What actually happened to make him change his views about her pregnancy? Paulit-ulit na rin ang tanong niya na iyon sa kan'yang isipan simula pa noong gabi na magharap sila nila Blue, pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang sapat na sagot sa kaguluhan ng isipan niya.Malalim na buntong hininga na lamang ang nagawa niya dahil sa totoo laman
"Himala yata at naabutan kita rito ngayon." Ang boses ni Nathan ang nagpalingon kay Aldrick habang ninanamnam niya ang katahimikan ng gabi. "Bakit mag-isa ka riyan? Nasaan si Elon?""Work." Simpleng tugon na lamang niya. Inabutan siya ni Nathan ng isang lata ng alak at saka umupo ang lalaki sa may tabi niya.Kanina pa siya narito sa may hardin at nag-iisip. Nang pumasok kasi si Sia sa silid nito ay nagpasya siya na magpahangin muna upang makapag-isip din tungkol sa mga bagay-bagay na gumugulo sa kan’yang isipan. Naka-ilang lata na nga rin siya ng alak bago pa dumating si Nathan."Nasaan ang girlfriend mo?" Nakangiti pa na tanong nito sa kan’ya na halata na inaasar na naman siya. "Tulog na ba?""The fuck! Anong girlfriend ang pinagsasasabi mo riyan? Wala akong girlf
"Hey, I miss you." Ang mga salita na iyon buhat kay Aldrick ang nagpaangat sa ulo ni Russia buhat sa librong kan’yang binabasa. Agad na nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng lalaki habang si Aldrick naman ay dire-diretso na lumapit sa kan’ya at hinimas ang tiyan niya. "I miss you, Baby."Mabilis siya na pinamulahanan ng mukha dahil sa narinig. Siya ba o ang baby ang na-miss ni Aldrick? Nang mapagtanto niya ang naiisip niya ay agad niya na tinapik ang kamay ng lalaki. "Ano bang ginagawa mo? Bakit mo hinihimas ang tiyan ko?" Iritable na tugon pa niya.Nalilito naman na napasulyap sa kan’ya si Aldrick na halata ang gulat sa naging reaksyon niya rin. "Bakit? Ilang araw ako na na-busy kaya na-miss ko si baby." Sabi pa nito ulit sabay na akma na hihimasin ulit ang tiyan niya, pero mabilis niya ulit na tinapik ang kamay nito kaya kumunot na lamang ang noo nito sa kan
Walang plano si Russia na aminin kay Aldrick ang mga nangyari sa buhay niya, pero sa hindi malaman na dahilan nang seryoso siya nito na kausapin ay para siyang nahipnotismo at nagbahagi ng kuwento ng bahagi ng buhay niya.Hindi niya alam kung tama ang mga ginawa niya o kung lalo lamang niya na ipinahamak ang sarili niya dahil nakapagbigay siya ng mga ilang detalye na maaaring maglabas ng tunay na pagkatao niya. Kakasabi lamang niya sa kan'yang sarili na the less he knows about her, the better for her pero siya rin mismo ang unang hindi tumupad sa sinabi niya na iyon.She doesn't want to tell him anything more than what is necessary for her mission, but she failed when she felt his sincerity. Siguro nga ay madali siya talaga na mapapaniwala, kung si Blue nga na manloloko ay napapaniwala siya na mahal siya, iyon pa kayang gano’n estilo ni Aldrick?