"Good morning, Sisa!" Gulat na gulat si Russia sa masayang pagbati na iyon sa kan’ya ni Elon, ang tauhan ni Aldrick. Bakit nga ba naman hindi siya magugulat eh simula ng manirahan siya rito ay panay sambakol ang mukha ng mga lalaki na nakakasama niya at ngumingiti lamang yata ang mga iyon tuwing bumibisita rito ang asawa ni Colton na si Atasha. "Tapos ka nang mag-almusal? Ipapahanda na kita ng makakain mo."
"Hindi ba obvious na tapos na ako?" tanong niya. "Kitang-kita mo naman, hindi ba, naghuhugas na ako ng pinggan?"
"Ang sungit naman ng Sisa namin ngayon umaga. Ngayon na nga lang tayo ulit nagkita, ang taray mo pa, hindi ako sanay."
"Hindi rin ako sanay na may kumakausap sa akin dito." Direkta na sagot niya habang inismiran pa ang lalaki. "Alam mo kung saan ako sanay na sanay? Sanay na sanay ako na tinatawag
Hindi siya natatakot. Hindi siya dapat na kabahan. She will get through this. Iyon ang paulit-ulit na sinasabi ni Russia sa kan’yang sarili kahit na alam niya na nanganganib na siya na mabuko sa mga kasinungalingan niya. Gano'n pa man ay kailangan niya na ipakita na hindi siya matitinag kahit na hindi niya alam kung paano niya lulusutan ngayon ang pagkakaroon ng anak sa sinapupunan niya.Hindi niya inaasahan ang desisyon na iyon ni Aldrick na magpatingin sila sa doktor.Everything comes as a surprise for her, of course, but she has to pretend that everything is alright with that suggestion, and she has to play along. Kitang-kita niya ang pagbabantay ni Aldrick sa magiging reaksyon niya kaya wala siyang nagawa kung hindi ang pumayag sa nais nito.Wala rin siyang gaanong oras para makahingi ng tulong kay Eunice
"Ano?! Buntis?!" Sabay na sabay pa ang pagtatanong na iyon nina Nathan at Elon kay Aldrick at halata ang gulat sa tono nila. Dalawang salita lamang iyon pero napakaraming ibig sabihin ng tanong na iyon para kay Aldrick. Tanong na hindi niya rin alam kung paano bibigyan ng kasagutan.Buntis si Sisa. Totoong buntis ang babaeng nag-aakusa sa kan’ya at hindi niya ngayon alam kung ano ang iisipin niya. Frankly, he was as surprised as everyone else when he found out about the pregnancy. Ang buong akala niya talaga ay gawa-gawa lamang nito ang pagiging buntis, pero siya pala ang mali.Hindi niya rin alam kung paano nabuntis ang babae na iyon, pero siguro nga at mali ang naging panghuhusga niya, pero buntis man si Sisa, isa lamang ang sigurado siya: hindi siya ang ama ng bata sa sinapupunan nito."Uulitin
"Hindi ko talaga alam kung ano ang naisip ni Aldrick at ginawa niya iyon sa'yo!? Bakit kailangan ka pa niya na dalahin sa doktor at biglain ng gano'n?" Pagkibit balikat na lamang ang naging tugon ni Russia sa nanggagalaiti na tanong ni Colton sa kan’ya matapos niya na maikuwento sa lalaki ang nangyari kahapon. "That jerk! Alam niya na nga na buntis ka tapos gano’n pa ang ginawa sa’yo? Hindi man lamang niya sinabi sa akin ang mga plano niya na dadalahin ka at ipapa-check ka sa ibang doktor. Ano ba ang naiisip ng lalaki na iyon at panay sablay ang mga ginagawa niya.""Isa lang naman ang sagot sa mga tanoong mo. Ayaw ng kapatid mo na panagutan ang bata.""Ayos ka lang ba? Maayos naman ba ang pinagdalhan sa'yo na doktor ni Aldrick?"Sa pagkakataon na iyon ay pagtango na lamang ng kan’yang ulo ang naging tugon niya. Amin
"What? No! Pati ba naman ikaw? Hindi ko gagawin iyon dahil lamang sa iyon ang sinabi at gusto ni Aldrick! Why should I? My conscience is clear, and for fuck’s sake, I am not having an affair with anybody, or, to be exact, I am not having an affair with Sia!" Hindi na mapigilan ang pagkawala ng galit sa tono ng pananalita ni Colton dahil sa tema ng pinag-uusapan nila ng asawa niya.Paano ba naman na hindi niya iyon mararamdaman kung pagdating pa lamang niya sa kanilang bahay ay bubungaran na siya ni Atasha ng mga paghihinala rin nito patungkol sa kanila ni Sia at pati na ang paghahamon sa kan'ya ni Aldrick na magpa-DNA test ay nais nito na gawin niya."Then do the fucking DNA test, Colton!" Sigaw ng asawa niya bilang tugon sa kan’ya. "Kung wala kang tinatago ay hindi ka magdadalawang-isip na gawin ang bagay na iyon; kung wala kang ginawa at ginagawa na masama ba
"Ano? Naglayas?" Hindi makapaniwala na tanong ni Aldrick nang tawagan siya ni Akiro at sabihin nito na nag-alsa-balutan si Atasha kasama ang mga anak nito at nasa poder niya ngayon. "Bakit siya naglayas? Sinabi ba sa'yo kung ano ang problema? Sigurado ako na si Colton na naman ang dahilan. Is she and the kids okay?""They are fine. Atasha is stressed of course, but she is fine. Tell me, what is happening, Aldrick? Bakit kaya hindi ikaw ang magsabi sa akin kung bakit naglayas si Atasha kasama ang mga bata?" Balik-tanong naman ni Akiro sa kan’ya. "Bakit nga ba biglang-bigla na nagpunta rito ang mag-iina? Ano nga ba ang problama nilang mag-asawa, Aldrick?""Teka, bakit sinasagot mo ng tanong ang tanong ko? Isa pa, bakit ako ang tinatanong mo at hindi si Atasha o si Colton? Bakit kaya hindi mo na lang tanungin ang kapatid mo para masabi mo rin sa akin ang rason kung bakit lumayas siya sa kanila." Kahit na may hinala na siya kung ano ang pinagtalunan na naman nina Atasha at Colton na nagin
Salubong ang kilay ni Aldrick habang palipat-lipat ang tingin niya kay Sia at sa lalaking nagpakilalang nobyo nito. Ang lalaki ay titig na titig lamang kay Sia at hindi man lamang siya tinatapunan ng tingin, habang ang babae naman ay halatang aligaga dahil sa hindi inaasahan na pagdating ng panauhin nila na iyon.Kanina pa sila magkakaharap pero wala maski isa sa dalawa ang nais na magsalita. Kanina pa niya hinihintay ang mga paliwanag ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin na nais na mag-umpisa ng usapin. Ito na ang matagal niyang hinihintay na pruweba upang mapatunayan sa lahat, lalo na kay Colton na hindi nga siya ang ama ng ipinagbubuntis ni Sisa, pero bakit iba ang pakiramdam niya sa senaryo nila?Ang pagdating ng lalaki na nasa harapan niya ngayon ang siyang magiging susi upang mabisto na niya ang pagkatao ng babaeng sumisira sa kan’ya at gumugulo sa
"Bullshit!" Galit na galit si Blue at naihagis na lamang niya ang hawak-hawak niya na baso ng alak dahil sa inis na namamayani sa kan’ya. "Hindi ka puwede na mawala sa akin! Hindi ka puwede na maagaw ng iba sa akin! Akin ka lang!"Kanina pa nya pinipigilan ang sarili niya na magwala, pero sobra ang poot na nararamdaman niya sa ngayon kaya sumambulat na ang galit na kanina pa niya pinipigilan. Galit, hindi lamang sa kan’yang sarili kung hindi sa sitwasyon na kinakaharap niya sa ngayon."Russia!" Pagsigaw pa niya sa pangalan ng nobya niya habang kinukuyom ang kamao niya. "Akin ka lang, Russia! Akin ka lang, Si!"Hindi niya talaga lubos maisip kung paano humantong sa ganito ang lahat sa pagitan nila ng dating kasintahan niya. Masaya sila noon. Mahal na mahal siya nito at sa kan’ya lamang umiikot ang mundo nito, pero sa
Kagigising lamang ni Russia ay aligaga na agad siya. Simula pa kahapon ay ganito na ang pakiramdam niya. Paano ba naman na hindi kung parang isang masamang panaginip na basta na lamang na sumulpot buhat sa kung saan ang lalaki sa nakaraan niya na ayaw na niya na balikan pa.Maghapon siya na nagkulong sa kan’yang silid upang iwasan si Aldrick na alam na alam niya na sasalubungin na naman siya ng maraming katanungan at paghihinala. Hindi niya alam kung paano siya natunton ni Blue at kung ano ang pakay nito sa kan’ya, pero isa lamang ang nasa isipan niya, tiyak na mas malaking gulo ang kakaharapin niya sa pagsulpot ng ex-broyfriend niya.Ang pag-ring ng telepono niya ang bahagya na pumutol sa pag-iisip na ginagawa niya. Nang makita niya na si Eunice ang tumatawag ay agad niya iyon na sinagot."Euni, anong balita?" tano
Hindi na naman mapigilan ni Russia ang mga ngiti na sumisilay sa kan’yang labi habang hawak-hawak ang telepono niya. Noon kapag hawak niya ang cellphone niya ay sambakol ang mukha niya at problemado siya, pero sa nakalipas na mga araw ay nag-iba ang ihip ng hangin, at isang tao lamang naman ang rason ng lahat ng iyon: si Aldrick.The past few days have been different for both of them. Hindi niya inaasahan ang pagbabago sa pagitan nila pero aaminin niya na nagugustuhan niya iyon. And it’s not just because that was her plan all along, but because she feels Aldrick’s sincerity in his actions towards her.Hindi niya sigurado kung ang "tayo" ba na tinukoy nito ay ang relasyon na nga nila, but she doesn't really need to formalize anything because his actions speak louder and more clearly than his words. Sapat na rin ang halik na iginawad sa kan'ya n
"Buwisit! Ang yabang! Akala mo kung sino siya! Tang-ina!" Galit na galit na naman si Blue nang makabalik siya sa kan’yang tirahan. Hindi niya mapigilan ang galit na nararamdaman niya kaya buhat pa kanina ay ilang baso na rin ang nabasag niya dahil sa pagwawala niya. Hindi na rin kailangan pa na hulaan ang dahilan dahil ang galit na iyon ay nakatuon lamang sa iisang tao: ang lalaking pilit na nanghihimasok sa relasyon nila ng dating kasintahan niya.Hindi niya kailanman matatanggap na mawawala sa kan’ya si Russia. Hindi kailanman niya hahayaan na may ibang lalaki na aangkin sa babaeng dapat ay sa kan’ya lamang. At kahit na ano pang pananakot ang sabihin nito sa kan’ya ay hindi siya magpapatinag."Kahit na anong mangyari ay sa akin ka lamang, Russia! Ikaw at ako lamang hanggang sa huli!" Muli ay sigaw niya. "Akin ka at ang anak natin! Akin
"Elon, you know what to do." Iyon lamang ang binitiwan na salita ini Aldrick sa kan’yang tauhan at saka nagmamadali nang umalis sa lugar na iyon kasama si Sia.Salubong ang kilay niya habang hawak-kamay sila na naglalakad palabas ng mall na iyon. Matapos magbilin sa ilan pang mga kasamahan kung ano ang gagawin kay Blue ay mabilis naman na sumunod sa kanila si Elon at ang ilan pa sa mga tauhan nila na kagaya niya ay tahimik na lamang din at walang kibo.Nanggigigil na naman si Aldrick at nagpupuyos ang kan'yang damdamin dahil sa eksena na naabutan niya kanina. Hindi man siya magsalita ay alam ng mga kasamahan niya ang pagngingitngit ng kalooban niya. He is enraged, and the anger he is feeling is directed only at one person: Blue Alegre. Ang lalaki na siyang malimit ngayon na nagpapa-init ng ulo niya dahil sa patuloy na panggugulo nito sa mag-in
"Si," Kasabay sa pagtawag na iyon ay ang mga kamay na pumigil sa kan’yang paglalakad. "Mag-usap nga tayo. Bakit mo ba ako patuloy na iniiwasan? Kausapin mo nga muna ako." Pilit siya na kumakawala pero lalo lamang nito na hinigpitan ang pagkakakapit sa braso niya. "Fucking talk to me, Russia! You owe me an explanation. Hindi mo ako iiwasan kung wala kang itinatago sa akin.""I don’t owe you anything." Mabilis na tugon niya saka pilit na itinulak ang lalaki na humahawak sa kan’ya. "Let me go. Wala akong itinatago sa'yo, kaya wala tayong dapat na pag-usapan."Hindi niya inaasahan na magtatagpo na naman ang landas nila ng walanghiyang ex-boyfriend niya dahil matapos ang huling paghaharap nila nang sapilitan na naman siya nito na kausapin sa bahay nina Aldrick ay nanahimik na ang lalaki.She mista
"Takte, Aldrick, hindi ko talaga maintindihan kung bakit hindi mo pa nakuha ang personal na detalye niya, pero nakuha mo naman na mag-Marites sa buhay niya. Pumapalya ka na yata ngayon sa pagkuha ng impormasyon, Prinsipe?"Iritable at simangot na simangot naman siya habang nakikinig sa litanya ni Akiro. Aminado rin naman siya na nagkulang talaga siya sa pagkuha ng mga detalye na kinakailangan niya at iyon ay sa kadahilanan na nalihis siya sa motibo niya nang malaman niya ang tunay na istorya ng buhay ni Sia."I know, Akiro. Alam ko iyon kaya nga ginagawan ko nang paraan, kaya hindi mo na kailangan pa na ulit-ultin sa akin.""Tapatin mo nga ako, Drick, ikaw ba ay nagpapanggap pa rin hanggang ngayon para mapalapit sa kan’ya o baka naman talagang totohanan na ang pakikipaglapit mo na iyan dahil sa may ibang dahilan ka
Walang plano si Russia na aminin kay Aldrick ang mga nangyari sa buhay niya, pero sa hindi malaman na dahilan nang seryoso siya nito na kausapin ay para siyang nahipnotismo at nagbahagi ng kuwento ng bahagi ng buhay niya.Hindi niya alam kung tama ang mga ginawa niya o kung lalo lamang niya na ipinahamak ang sarili niya dahil nakapagbigay siya ng mga ilang detalye na maaaring maglabas ng tunay na pagkatao niya. Kakasabi lamang niya sa kan'yang sarili na the less he knows about her, the better for her pero siya rin mismo ang unang hindi tumupad sa sinabi niya na iyon.She doesn't want to tell him anything more than what is necessary for her mission, but she failed when she felt his sincerity. Siguro nga ay madali siya talaga na mapapaniwala, kung si Blue nga na manloloko ay napapaniwala siya na mahal siya, iyon pa kayang gano’n estilo ni Aldrick?
"Hey, I miss you." Ang mga salita na iyon buhat kay Aldrick ang nagpaangat sa ulo ni Russia buhat sa librong kan’yang binabasa. Agad na nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng lalaki habang si Aldrick naman ay dire-diretso na lumapit sa kan’ya at hinimas ang tiyan niya. "I miss you, Baby."Mabilis siya na pinamulahanan ng mukha dahil sa narinig. Siya ba o ang baby ang na-miss ni Aldrick? Nang mapagtanto niya ang naiisip niya ay agad niya na tinapik ang kamay ng lalaki. "Ano bang ginagawa mo? Bakit mo hinihimas ang tiyan ko?" Iritable na tugon pa niya.Nalilito naman na napasulyap sa kan’ya si Aldrick na halata ang gulat sa naging reaksyon niya rin. "Bakit? Ilang araw ako na na-busy kaya na-miss ko si baby." Sabi pa nito ulit sabay na akma na hihimasin ulit ang tiyan niya, pero mabilis niya ulit na tinapik ang kamay nito kaya kumunot na lamang ang noo nito sa kan
"Himala yata at naabutan kita rito ngayon." Ang boses ni Nathan ang nagpalingon kay Aldrick habang ninanamnam niya ang katahimikan ng gabi. "Bakit mag-isa ka riyan? Nasaan si Elon?""Work." Simpleng tugon na lamang niya. Inabutan siya ni Nathan ng isang lata ng alak at saka umupo ang lalaki sa may tabi niya.Kanina pa siya narito sa may hardin at nag-iisip. Nang pumasok kasi si Sia sa silid nito ay nagpasya siya na magpahangin muna upang makapag-isip din tungkol sa mga bagay-bagay na gumugulo sa kan’yang isipan. Naka-ilang lata na nga rin siya ng alak bago pa dumating si Nathan."Nasaan ang girlfriend mo?" Nakangiti pa na tanong nito sa kan’ya na halata na inaasar na naman siya. "Tulog na ba?""The fuck! Anong girlfriend ang pinagsasasabi mo riyan? Wala akong girlf
"Let’s start over again, Sia. Let’s do this for the baby. More than anything else, the baby should be our priority at this point."Kagabi pa na parang echo na paulit-ulit sa isipan ni Russia ang sinabi na iyon ni Aldrick. Hindi niya alam kung ano ang dapat niya na maramdaman sa naging pag-uusap nila na iyon na nagpabago ng lahat para sa kanya. Hindi niya inaasahan na bigla na lamang na mag-iiba ang ihip ng hangin at sa isang iglap ay tinatanggap na sila ni Aldrick ng buong-buo.What actually happened to make him change his views about her pregnancy? Paulit-ulit na rin ang tanong niya na iyon sa kan'yang isipan simula pa noong gabi na magharap sila nila Blue, pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang sapat na sagot sa kaguluhan ng isipan niya.Malalim na buntong hininga na lamang ang nagawa niya dahil sa totoo laman