Warning R-SPG ⚠️ Si Amara ay isang mabait at konserbatibong babae na iniwan ng kasintahan matapos siyang gamitin at lokohin. Sa gabi ng kanyang pinakamasakit na kabiguan, nakilala niya si Leo, isang misteryosong estranghero na nagligtas sa kanya at naging asawa niya sa isang di-inaasahang kasunduan. Ngunit ang kasal na dapat ay pansamantala lamang ay nagdala ng mas malaking gulo sa kanilang buhay. Nang maghiwalay sila, iniwan ni Amara ang isang lihim na magbabago sa lahat—ang kambal nilang anak. Limang taon ang lumipas, muli silang nagtagpo sa gitna ng mga lihim, selos, at banta mula sa mundo ng mafia na kinasasangkutan ni Leo. Sa pagitan ng pag-ibig at panganib, magagawa kaya nilang paghilumin ang mga sugat ng nakaraan? O tuluyan na silang lalayo sa isa’t isa? Isang kwento ng sakripisyo, pamilya, at pagmamahal ang magpapatunay na minsan, ang mga pusong nasaktan ay maaaring magmahal muli.
View MoreAmara's Point of View*Nakatingin ako sa dalawang anak ko na nakatingin sa akin at si Leo naman ay nasa gilid ko din.Bakit parang nasa interrogation room kami ngayon ni Leo?"Habang dito pa lang ay maglinawan na kayo habang maaga pa. Kung hindi niyo pa maayos ang pagtatampuhan at pag-aawayan ninyo ay babalik kami tayong tatlo sa America."Natigilan naman kami ni Leo sa sinabi ni Sol. Napatingin naman ako kay Leo. "Baby, naayos na kasi namin.""Ang ano, mom?"Siniko ko si Leo para magsalita din siya."Wife, ikaw ang umalis kaya ikaw ang magpaliwang sa kanila."Natigilan naman ako sa sinabi ni Leo at nakangiti pa siya habang nakatukod ang kamay niya sa panga niya na parang nanonood ng drama."W-What?""Mamaya na ako magpapaliwanag dahil gusto ko munang marinig ang side mo."Napalunok naman ako sa sinabi nito at dahan-dahan na napatingin sa dalawang anak namin."Umalis ako noon dahil sa pagkakaalam ko one sided love lang ang nangyayari. Hindi ako mahal ng dad ninyo."Napatingin naman a
3rd Person's Point of View* Flashback.... Nakarating ngayon ang mga bata sa mansion at agad nilang nakita si Leo na nakatingin sa kanila sa taas ng hagdanan. "Mabuti at nandidito na kayo." Dahan-dahan namang bumaba si Leo sa hagdanan hanggang makarating na ito sa harapan nila. "Ikaw ba ang kumuha sa mom namin?" walang emosyong ani ni Sol sa kanya. "Yes, natutulog ang mom ninyo ngayon." Napatingin naman si Leo kay Nina na nakatulala habang nakatingin sa kanya at napatingin din ito kay Leo. "Uhmm... mag-ama ba kayo?" Napatingin naman si Leo kay Watt na ipasyal muna niya si Nina dahil kakausapin niya ang mga anak niya ngayon. Yumuko naman si Watt at napatingin siya kay Nina. "Pasyal muna kita dito dahil kailangan munang kausapin ni master ang mga bata." "Huh?" Bago ito maka-react ay hinila na ni Watt si Nina paalis sa lugar na iyon. Bumalik ang tingin ni Leo sa mga anak niya at lumapit siya kay Luna at nag-sign ito na buhatin niya. "Come here, baby." Nagpakarga naman si L
Amara's Point of View* Nakita pa ng mga anak namin ang bagay na yun. Tatanggapin ko ba ang bagay na yun? Ayoko ng may ibang pamilya si Leo. Ayokong may ibang babae ako kahati sa puso niya. Parang kumirot ang puso ko ngayon habang nakatingin sa pagkain na ansa plato. "Wala akong anak o ibang babae, wife." Natigilan naman kami sa sinabi niya at maski ang mga bata ay nagulat dahil sa sinabi ni Leo. "Bakit mo tinatawag na wife ang mom namin?" kunot noong ani ni Sol sa kanya. "Kung wala kang asawa at anak ay ano ang sinasabi ng mga anak natin ha!" di ko napigilan na sumigaw at kasabay na din yun ng pagtulo ng luha ko habang nakatingin sa kanya. Hindi ko alam at naka-feel ako ngayon ng frustration at sakit sa puso at selos. Sa akin ayaw niyang magkaanak pero sa ibang babae ay may anak siya. "Wife, wag kang umiyak." Hinawakan niya ang kamay ko at binawi ko naman ang kamay ko at masama ko siyang tiningnan. "Hindi ko alam na ayaw mo talaga sa akin. Ayaw mong magkaanak sa akin pero sa
Amara's Point of View* Dahan-dahan naman akong napamulat at napansin ko na nasa isang magandang kwarto ako ngayon. Tumayo ako at tiningnan ko ang boung kapaligiran at naamoy ko din ang amoy ng dagat sa di kalayuan ngayon. Mukhang nandidito na ako sa resthouse ni Leo. Dumating na ba ang mga anak ko? Lumabas na ako ng kwarto at lumakad na ako. Baka dumating na ang mga anak ko---- nang matigilan ako nang may naalala. Baka nakita na niya si Sol. Agad akong tumakbo kung nasaan sila ngayon at lumapit pa ako sa isang katulong para tanungin kung nasaan sila ngayon. "Matanong ko lang kung nasaan ngayon sila Leo?" "Nasa dining room po sila ngayon, madame." Yumuko naman ito. Sa laki ng resthouse na ito mukhang mawawala pa siya. "Can you take me there?" "Yes, madame." Lumakad na kami. Iniisip ko kung ano ngayon ang magiging reaksyon ni Leo lalo na pag makikita niya si Sol. Sana ginising niya ako para mapaliwanag ko sa kanya ang bagay na yun. Nakarating na kami sa dining room at agad kon
3rd Person's Point of View* Malapit na sa rest house ang mga anak ni Amara at kasama ang bantay nito na si Nina. "Sigurado ka ba talaga na malapit na tayo ngayon sa kung nasaan si Tita Amara?" naniningkit matang ani ni Nina kay Watt. Kanina pa napapansin ni Watt na kanina pa siya pinagsususpetsyahan ni Nina na baka kinidnap lang sila nito. "Teka lang, hindi ka pa din ba naniniwala na hindi ko kayo kinidnap?" "Hindi kita kilala at ngayon lang kita nakita. Sabi ng Lola namin na hindi pwede sumama sa di namin kilala." "Pero sumama ka naman." "Hindi ko hahayaang mapaano ang mga pamangkin ko noh." Niyakap ni Nina ang dalawang bata na katabi niya na nakatulog na sa sasakyan. Dahan-dahan namang napamulat si Sol at napatingin kay Nina. "Tita Nina..." Napatingin naman si Nina sa kanya. "Oh, baby, nagugutom ka ba? Gusto mo ba ng maiinom?" "Water." Dahan-dahan namang napatango si Nina at napatingin naman siya kay Watt. "Hoi, kuryente." Napakunot naman ang noo ni Watt dahil sa taw
Amara's Point of View* Nakarating kami sa destinasyon namin at namamangha ako dahil ang laki ng rest house na sinasabi niya. Huminto ang minamaneho ko sa malaking gate at binaba ko ang window ko at nagulat naman ito na makita ako. "M-Madame?" Nahihiya naman akong napatawa. "Uhmm... Hello? Kailangan na magpahinga ni Leo sa loob." "Ah okay po. Sinabi naman po ni Master na dadating kayo. Ako na po ang magmamaneho po baka pagod po kayo." Mukhang nakikita niya na pagod ang mukha ko. Kanina pa ako inaantok sa pagmamaneho ko. "I think I need that. Thank you." Pinagbuksan naman niya ako ng pintuan at umupo ako sa likod kung nasaan si Leo natutulog. Tumabi ako sa kanya at tiningnan ko ang sugat niya kung dumudugo pa din ba at mabuti hindi na masyado. Sinandal ko siya sa balikat ko at naramdaman ko na niyakap naman niya ako at ang mukha niya ay nakasandal na sa balikat ko. Para siyang baby ngayon. Inayos ko naman ang damit niya para hindi siya lamigin. Nang maalala ko ang phone ni
Amara's Point of View* Nakatingin ako ngayon sa mga mata niya at napalunok ako. "Isang tanong ko para sayo, Leo." "Tatanggapin mo talaga ang mga anak ko kahit hindi mo sila kadugo?" Malaki kasi ang katanungan sa isipan ko kung bakit tinanggap niya agad ang mga bata kahit hindi nila alam na totoong mga anak niya iyon. "Yes, I treat them as my own." "Bakit?" Napakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. "Wife, hindi ka pa rin ba naniniwala sa akin na tatanggapin ko ang mga anak mo?" "Impossible naman kasi. Lalo na sa ugali mo. Alam ko na possessive ka at ayaw mong---" "Pakiramdam ko na may connection ako sa mga anak mo. Lalo na si Luna." Nakita ko na napangiti siya habang nakatingin sa akin. "Nakikita ko ang maliit na version mo. I want her to be my daughter kahit hindi siya galing sa akin." Napakagat ako sa labi ko at pinipigilan ko ang luha ko na lumabas. Nakatingin siya sa labas ng sasakyan habang sinasabi niya iyon. Ang nakikita ko sa mukha niya ay contented na siy
3rd Person's Point of View Naiiyak ngayon si Nina habang yakap-yakap niya si Luna at Sol. "Tita, don't cry. Di naman hahayaan ni Dad na mapahamak kami." Natigilan naman si Nina at napatingin kay Antonio dahil di nila maintindihan ang sinasabi ni Luna ngayon. "Dad niyo?" "Yes." Biglang may kumatok sa pintuan na kinatingin nila doon. "Diba bumalik ang Dad ninyo sa America?" Ngumiti lang sila at di na sumagot sa tanong nila. Biglang may kumatok sa pintuan na kinapanik nila. "Who's there?" lakas loob na tanong ni Sol sa taong nasa labas. "I am Watt." Bumaba si Sol sa higaan at lumakad papalapit sa pintuan. "Baby Sol," natatakot na tawag ni Nina. "Ako na Sol." Lumapit naman si Antonio at dahan-dahan na sumilip sa salamin ng pintuan at nanlalaki ang mga mata nito dahil nakita nila ang maraming naka men in black sa labas. "I know him. Kanang kamay siya nung lalaking lumigtas kay Luna." Hindi pa din tanggap ni Sol ang Dad niya. Malaki lang pasasalamat niya sa ginawa nito sa k
Amara's Point of View* Napatakip ako sa bibig ko habang nakapikit. Nararamdaman ko na nanginginig ang katawan ko sa nakikita ko ngayon. Ito nag unang beses na nangyari sa akin na may walang awa na pinatay sa harapan ko. Yes, kalaban siya siguro ni Leo pero buhay pa din ang pinag-uusapan dito. "Wife..." Baka marami pang kalaban dito. Ang mga anak namin baka madamay! "Wife! Wake up!" Napatingin ako kay Leo at nakahawak na siya sa balikat ko. "L-Leo, baka madamay ang mga anak natin." Umiiyak na ani ko sa kanya at natigilan naman ako sa sinabi ko dahil wala sa sarili kong nasabi ang bagay na yun. "We will talk about that later, wife." Nanlalaki ang mga mata ko nung tinayo niya ako. "But first aalis muna tayo dito sa hospital." "A-Ang mga anak ko..." "Si Watt na ang bahala sa kanila. Dadalhin natin sila sa isang safe na lugar. Please, trust me." "For my children." "Hmm." Binuhat niya ako at grabe ang kapit ko sa kanya. At narinig ko na nagputukan na naman na kinatili ko.
Amara's Point of View*Nakakunot ang noo ko nang makita sa phone ko ang message ng ina na ko na umuwi ako sa bahay dahil ipapakasal nila ako sa kakilala nilang negosyante na matagal ko ng hinihindian.Hindi ako kailanman uuwi dahil alam ko na hindi din naman pamilya ang turing nila sa akin at may nobyo na din ako ngayon na mahal na mahal ko at alam ko na ganun din siya sa akin. Pinatay ko ang phone ko at napabuntong hininga na lang ako. Maayos na ako ngayon dahil kaya ko ng buhayin ang sarili ko dahil may pastry shop na din ako dahil sa pagsisikap ko.Masaya kong tinapos ang dekorasyon ko sa cake na gawa ko dahil ngayon ang 4 years anniversary namin ni Henry."Wow, ma'am, wala talagang makakatalo sa gawa po ninyo at ang galing niyo po talaga sa mga designing."Napatingin ako sa dalawang kasama ko dito sa kusina na namamangha pa ding nakatingin sa akin."Matutunan niyo din ang ganitong bagay kaya wag kayong mag-aalala," nakangiting ani ko sa kanila. Nagmamay-ari kasi ako ng maliit na...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments