Share

Chapter 6

CARCEL

“Papasukin niyo ako! Nasaan si Jett? Kailangan ko siyang makausap! Kailangan naming mag-usap!” nagpupumilit akong pumasok sa malaking gate ng mansyon ni Lola Flor.

Pinipilit din naman akong harangan ng apat na mga gwardiya. “Pasensya na talaga, Ser, pero hindi pu-puwede pumasok ang sinuman sa pamilyang Rossi at Salvatore. Naka-ban na kayo rito, Ser.”

“Kahit sandali lang, ilabas niyo na lang si Jett! Kailangan ko siyang makausap!”

“”HIndi nga puwede, Ser! Mabuti pa ay umuwi na lang kayo at huwag nang mambulabog pa. Nakakagambala kayo para sa lahat ng mga tao rito, Ser.”

“Fuck it!” sinapak ko ang guwardya na tumulak sa akin at kanina pa panay paliwanag.

“Aba, gago ka ah!” Kaagad din akong nakatanggap ng sapak mula sa mga kasama niya.

Pero hindi ako pumayag na matalo at tumumba. Kahit pinagtulungan nila ako ay panay ang pagbato ko ng sapak, na agad nilang iniiwasan.

“Tumigil ka na, Ser! ‘Wag ka nang manggulo at baka kung saan pa mauwi ito!” anang isang guwardiya.

“Come at me I don’t fucking mind! Hindi ako aalis hanggat hindi lumalabas diyan si Jett sa loob!”

“Talaga naman talaga!” nangibabaaw sa lugar ang boses ni Lola Flor. Bumukas ang malaking gate at iniluwa siya kasama ang mga alalay niya marahil matanda na.

“Lola,” umayos ako ng tayo at niluwagan ang mga kamao kong kanina nakakuyom. “Please, kailangan kong makausap si Jett, Lola. Kahit ngayon lang.”

“Para saan pa, aber?” umasik ito, galit akong tinitigan. “Kung dati ay mataas pa ang pagtingin ko sa’yo, ngayon ay para ka na lang malaking surot sa harapan ko, iho. Sa kabila ng ginawa mo kay Jett, sa tingin mo ba ay papayagan pa kitang ipakausap sa kanya? Na-settle na ang divorce ninyong dalawa hindi ba? Kaya ano pang kailangan mo sa kanya? Hindi pa ba sapat ang pananakit mo sa kanya? May gusto ka pang ihabol? Bakit hindi mo na lang sabihin sa harapan ko nang magantihan kita para sa kanya?!”

“Lola,” hindi ako natinag, seryoso siyang tinitigan pabalik. “Alam kong buntis si Jett ngayon. Kaya kailangan naming magtuos dalawa.”

Nakita ko ang bigla niyang pagkagulat. “Paano mo…” nagsalubong ang dalawa niyang kilay. “Ano naman sa’yo kung gano’n?! Buntis man o hindi, wala na kayong dalawa, kaya wala nang pakialaman! Hugo, tumawag ka ng pulis para ipadakip iyang lalaking ‘yan dahil nag-aamok dito sa labas—”

“Kung gano’n may balak kayong itago na buntis siya?!” naggalaiti ako sa galit. “Sabihin mo sa akin! Ako ang ama ng dinadala niya o hindi?!”

“Aba?!” nagalit siya ng husto. “Anong akala mo kay Jettie? Nakikipagtalik kung kani-kanino para hindi ikaw ang maging ama?!” napagtanto niya ang sinabi at napaiwas ng tingin. “Hindi ikaw ang ama! Kung ikaw man o hindi, wala ka na ro’n dahil hiwalay na kayong dalawa, kaya puwede ba?! Huwag na huwag kang magpapakita sa harapan ko?!”

Nalukot ang mukha ko. Malaki ang posibilidad na ako ang ama ng pinagbubuntis niya. Pero dahil paniguradong may nangyayari na sa kanila ni Kuya Callisto noon pa man, malaki rin ang posibilidad na ito ang ama. Fuck this!

“Fine! Hindi niyo na ako makikita pa ulit. Basta isang beses lang, Lola. Kahit isang beses lang naman ho! Ipakausap niyo sa akin si Jett!” puno ng irita man ay nakikiusap kong anas. “I promise this is the last time. Nag-divorce nga kami, pero hindi naman kami nagkausap ng maayos. Hindi man lang kami nagkaliwanagan. Gusto ko lang may malaman pa sa pagbubuntis niya, Lola. I still have the right to know dahi posibleng ako ang ama!”

“Tsk!” iritado rin siyang napaasik. “Wala rito si Jett! Nasa hospital siya para magpa-check up. Sasabihin ko kung nasaan, pero Carcel, buo na ang desisyon ni Jett. Hinding-hindi na siya babalik sa’yo kahit ano pang mangyari! Buntis man siya o hindi, ikaw man ang ama o hindi, pagod na siya sa’yo at sa pamilya niyo!” bahagya siyang sumeryoso. “Papayagan kong mag-usap kayong dalawa sa huling pagkakataon. Pero pagkatapos nito. Hinding-hindi mo na siya makikita pa.”

Napatiim-bagang ako at tumango. Nang sabihin niya ang location ay nagmamadali akong pumasok sa aking sasakyan para imaneho muli iyon.

Sino si Lola para magdesisyon? Kung nalaman ko lang na buntis si Jett, at kung ako ang ama, edi sana…

“Fuck!!” sa gigil ay pinaharurot ko ang sasakyan na halos liparin na iyon sa ere.

_____

JETT

“Hello, Jett? Nandiyan ka pa ba?” pinukaw ni Kaye ang atensyon ko mula sa kabilang panig ng phone call naming dalawa.

“Nandito pa. Kalalabas ko lang ng hospital.” hinimas ko ang aking lumulubong tiyan na hindi halata ngayon dahil sa suot kong malaking jacket. 

“I’m sorry, hindi ko alam na hiwalay na pala kayo ni Carcel. Hindi ko rin sinasadya na sabihin sa kanya kanina ang tungkol sa pagbubuntis mo, sorry talaga!” puno ng pagsisisi ang boses niya.

Napalunok ako, mariing napapikit bago nagpakawala ng tahimik na buntong-hininga. “Wala ka namang kasalanan, Kaye. Sa dami ng nangyari nitong mga buwan ay nakalimutan kong sabihin sa’yo na wala na kaming dalawa at nilihim ko sa kanya ang tungkol sa baby namin.”

“Kaya naman pala ganoon na lang ang naging rekasyon niya kanina, Jett. Paano na ngayon iyan? Mukhang pupuntahan ka niya dahil nagmamadali siyang umalis.”

“Huwag mo nang problemahin. Ako na lang ang bahalang lumusot dito.”

Naglakad-lakad ako sa parking lot para tahakin ang sasakyan ko at si Kuya Hector. May araw pa nang pumasok ako sa hospital, pero ngayong lumabas ako ay gabi na. Kaya naman kumukulo na ang aking tiyan at nanghihingi na si baby ng pagkain.

“Are you sure magiging okay ka lang, Jett?” pagtatanong pa ni Kaye.

“Oo naman. After all, wala naman na dapat maging say si Carcel gayong hiwalay na kami. Wala siyang pakialam sa magiging desisyon ko. As if namang papakinggan ko rin siya kung anumang sabihin niya. Malapit na akong umalis ng bansa, at sisiguraduhin kong hinding-hindi niya makikita ang anak naming dalawa.”

“At paano mo sisiguraduhing hindi ko makikita ang anak natin, ha, Jett?”

Natigilan akong bigla sa paglalakad sa malalim at nakakatakot na boses na umalingawngaw sa buong parking lot. Pagsarado ng pintuan ng sasakyan at pagyapak ng sapatos ang sunod-sunod na umingay mula sa likuran ko.

Mabilis na kumalabog ang matinding kaba sa dibdib ko.

“Kaye, tatawagan na lang ulit mamaya, ah? Bye.” tinapos ko muna ang phone call naming dalawa bago ako humarap sa aking likuran. “Carcel.”

Binura ko ang anumang ekspresyon meron sa mukha ko. Samantalang siya ay may madilim na mukha. Tumangkad siya sa harapan ko, halatang galit sa akin base sa nanlilisik niyang mga mata.

“Hindi mo sinabing buntis ka at ako ang ama, Jett.”

Nakalolokong ngisi ang pinakita ko sa kanya. “May anak na kayo ni Gia, kaya bakit ko sasabihing may anak ka rin sa akin?”

“Dahil karapatan ko ‘yon!” nagtaas agad ang boses niya.

“Karapatan? Wala ka nang karapatan sa akin o sa dinadala ko! Hinding-hindi mo makikilala ang batang ito dahil iyon ang desisyon ko!” pilit kong nilakasan ang loob ko na pinagdidiinan iyong sabihin sa kanya.

Nagsalubong ang makapal niyang kilay na halos mag-isa iyong linya. “Anong balak mong gawin, Jett? Ilayo ang bata sa akin? Sa tingin mo ba magtatagumpay ka kung ayun ang gagawin mo? Baka nakakalimutan mo kung sino ako? I’m Carcel Rossi, and I’ll always get whatever the hell I want!”

Kumulo ang dugo ko. Sumama ang loob ko. Gusto kong basagin sa makapal niyang pagmumukha ang hawak-hawak kong cellphone. Pero dala ng inis at pagiging rasyonal ay nakapagbitiw ako ng masakit na salita bilang pangontra sa sinabi niya.

“Sige! Kunin mo ang anak mong ito sa kabilang buhay at doon kayo magkita!” nagkiskisan ang mga ngipin ko sa galit sa kanya.

“What are you talking about?” naguluhan siya.

Tinapangan ko ang mukha ko upang itago ang aking pagsisinungaling. “Hindi ba tinatanong mo ako kung paano ako makakasigurong hindi mo makikita ang anak natin? Puwes sasabihin ko sa’yo! Ipapalaglag ko ang batang ito! Pupunta ako sa Canada for the legal abortion process! Kung gusto mo siya makilala, sige! Bibigyan kita ng lubid, magpatiwarik ka at magsama kayong mag-ama!”

“What the fuck is wrong with you?! Nababaliw ka na ba?!” nakita ko kung paano siya nagimbal sa narinig.

“Bakit? Akala mo ba gusto kong dalhin ang anak mo sa sinapupunan ko? Ha! Hindi ako makakapagsimula ulit ng bagong yugto ng buhay ko kung may sagabal!” tinalikuran ko siya at nagmamadaling maglakad papalayo.

Subalit hinabol niya ako. Sa takot nang maramdaman ang kakaibang galit niya ay mabilis akong tumakbo dahilan upang makalabas ako ng parking lot bago pa iyon mamalayan. Nagtungo ako sa maraming sasakyan para sana pumara na lang ng taxi sa sobrang taranta.

“Ipapalaglag mo ang anak natin?!” galit na sigaw ni Carcel sa'kin nang mahabol niya ako. Hinila niya ang braso ko patungo sa isang gilid ng kalsada kung saan walang tao.

Nagpumiglas ako. Subalit iningatan ang sarili ko sa takot na mayari ang tiyan ko. “Ano ba, Carcel?! Pinirmahan ko na ang divorce paper 'di ba?! Kaya huwag kang mangialam sa gagawin ko, Carcel!"

“Huwag mong idamay ang bata sa gulo natin, Jett!” halo-halong emosyon niyang pagsigaw sa akin. Nakita ko sa mga mata niya ang kakaibang taranta. “F-Fine! Ipanganak mo lang iyan, at kami na ni Gianna ang magpapalaki sa kanya para hindi maging sagabal sa’yo!"

Ano? Anong sabi niya? Tumusok ang mga maliliit na karayom sa puso ko. Nag-init kaagad ang mga mata ko at nangilid ang aking mga luha.

"Ginag*go mo ba talaga ako, ha?!" tumutulo ang mga luha ko sa sakit na naramdaman. "Gusto mo ba talaga akong durugin nang buong-buo, Carcel? Hindi ba sapat na niloloko mo ako para sa kapatid ko na 'yon at sa anak niya, tapos ngayon gusto mo pang ipanganak ko ang anak natin para kayo na mag-alaga?! Para maging parte ng pamilya niyo?!"

"J-Jett, minahal kita. Pero si Gianna na ang mas matimbang sa akin ngayon kaya---"

Puwersahan kong hinatak pabalik ang braso ko. "Kaya nga ipapa-abort ko na lang ang nasa sinapupunan ko! Para tuluyan nang maputol ang koneksyon ko sa'yo at sa babae mo!" umiiyak ko pang sigaw at tumalikod sa kanya.

Hawak-hawak ang aking tiyan ay nagmamadali akong tumawid sa kalsada. Subalit nabigo nang mahuli muli ako ni Carcel.

"No, Jett! Hindi ako papayag na may gawin kang masama sa bata!!"

“Ano ba?! Bitawan mo nga ako! Tama na ang panggugulo mo sa buhay ko at makuntento ka na sa pananakit sa akin!!”

Nang makalaya ay nagmamadali muli akong tumakbo sa kalsada para tumawid sa takot na mahabol niya pa ako.

"NOOO!! JEEETTT!!!"

*BEEEP*BEEEPP*

Subalit nanigas ako sa kinatatayuan nang may isang malaking truck ang malakas na bumusina. Nabulag ako ng ilaw niyon ngunit alam kong nasa harapan ko na ito. Sa pagkabigla ay pawang hinihintay ko na lamang na bumangga sa katawan ko ang truck.

"JETT!!" mabilis akong tumilapon sa malamig na semento dahil sa kamay na tumulak sa akin, hindi ako ang nabangga ng truck. 

Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat nang makita si Carcel na gumulong-gulong sa kalsada kasabay nang pagkalat ng kanyang dugo sa malamig na semento.

"CARCEL!!!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status