Share

Chapter 2

Author: P.P. Jing
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

JETT

Isang linggo ang nagdaan na tanging tubig lang ang naging pantawid ko para mabuhay. Hindi ako makakain. Hindi ako makatulog. Tuwing ipipikit ko ang mga mata ko ay mukha ni Carcel ang nakikita ko sa bawat sulok. Bawat paghinga niya ang nalalanghap ko at ang presensya niya ang yumayakap sa akin. Hindi ako makabangon sa kama na halos magmistulang isang lumpo. Panay iyak lang ang ginagawa ko habang nakahimlay sa kama.

“Jett, hindi ka na kumakain! Mamamatay ka niyan sa ginagawa mo. Maawa ka sa sarili mo, Jett, lumaban ka! Kayanin mo!” Tanging boses lang ni Lola Flor ng naririnig ko at ang pilit niyang pagpapalakas ng kalooban ko.

Walang humpay sa pagbabagsakan ang aking mga luha sa tuwing naaalala ang pagtataksil ni Carcel. Binaon ko ang mukha ko sa unan at muling napahagulgol ng malakas. “L-Lola…Pinagtaksilan ako ni Carcel sa kapatid ko na si Gianna… ‘y-yung inaalagaan kong pamangkin, anak pala ng aking asawa!! A-Ang masakit pa roon ay nililihim sa akin nila Mommy at Daddy para protektahan ang paburito nilang anak! Ang sakit-sakit talaga, lola… kung pwede ko lang dukutin ang puso ko, ginawa ko na!!”

“Jett,” niyakap ako ni Lola. Pilit niyang binabangon ang mukha ko nang sa gayon ay hindi ko ma-suffocate ang sarili sa unan. Ilang beses niyang pinupunasan ang mga luha sa mukha ko. “Sige, ilabas mo lang lahat ng sakit na nararamdaman mo hanggang sa mapagod ka at mamanhid. Iiyak mo lang… iiyak mo lang lahat ng sakit…”

“A-Ang sakit… ang sakit ng ginawa niya… p-pinagkaisahan nila ako, Lola!!!” parang nilalamutak ang puso ko sa sakit na napayakap sa kanya ng sobrang higpit. “G-Gusto ko nang mamatay… ang sakit-sakit!! Niloloko nila ako… p-paano nila nagawa iyon sa akin? Ano bang kasalanan ko?!”

“Wala kang kasalanan. Kaya nga’t hindi dapat ikaw ang napaparusahan ng ganito.” hinagod niya ang likod ko. “Ngunit hindi pa ito ang katapusan. Bata ka pa, hindi nagwawakas ang buhay mo sa Carcel na iyan. Marami ka pang makikilala na tunay kang mamahalin at hinding-hindi ka sasaktan ng ganito.”

Umiling-iling ako na umayos ng pagkakaupo sa kama. Puno ng emosyon at pagsusumamo ko siyang tinitigan. “Lola, buntis po ako sa anak namin ni Carcel.” nagsipatakan ang mga luha ko. “I-Isang buwan na akong buntis at wala pang nakakaalam kundi ang kaibigan kong doktor. Lola, anong gagawin ko? H-Hindi, hindi ko yata kayang mawala sa akin si Carcel dahil sa sanggol na dinadala ko... P-Pero may iba ng anak si Carcel, at iyong bata pati si Gianna ang pinili niya. Ano nang gagawin ko, Lola? K-Katapusan na ng buhay ko…”

“Dios mio!” nagimbal siya. “U-Una, hindi ka dapat nagsasabi ng ganyan, hindi mo pa katapusan! Gagawan natin ng solusyon.. Mag-iisip si Lola, tutulungan kita sa lahat ng dapat mong gawin! Sa ngayon, kailangan mo munang magpalakas. Kumain ka, maligo ka, bumangon ka sa kama! Magiging maayos din ang lahat… pinapangako ko, Jettie.”

Inalagaan ako ni Lola Flor ng halos isang buwan sa loob ng kanyang sariling mansyon, malayo kina Mommy’t Daddy, Gianna, Gigi at Carcel, maging sa mga taong kasama nilang naglihim at nagtraydor sa akin.

Si Lola Flor ay ang ina ni mommy, na siyang nagpalaki sa akin simula sanggol hanggang sa mag-eighteen years old ako. Wala akong ibang matakbuhan kung hindi siya lang. Palaging siya lang ang nandi-diyaan para sa akin tuwing pakiramdam ko ay nasa pinaksukdulan na ako ng buhay.

—-

"Puwede ba, Grace, pabayaan mo na muna ang anak mo na magpahinga at magmuni-muni? Sa ginawa niyo sa kanya, sa tingin mo ba ay handa na siyang harapin kayo kaagad?"

"Mama! Anak ko iyan kaya may karapatan ako bilang isang ina, na magmani-ubra sa sitwasyon ngayon! Hindi itong kayo ang nagdedesisyon para sa kanya! Ilabas niyo si Jett at hayaan niyong kausapin ko siya nang maliwanagan siya sa mga nangyayari!"

Sumilip ako sa labas ng pintuan upang makita sina Mommy at Lola Flor na nagbabangayan sa sala. Dis oras na ng gabi subalit sumugod pa si Mommy rito sa bahay ni Lola Flor at dere-deretsong pumasok sa loob na animo pagmamay-ari niya ang lugar. Kung hindi pa dahil kay Hugo na inampong apo ni lola ay hindi pa titigil si Mommy sa paghahalughog ng pamamahay niya.

"Ano pa bang hindi malinaw, aber? Iyang anak mo na pinaglihi sa higad, pinatos ang asawa ni Jett kaya nabuntis. Kayo namang mga magulang, pinagtakpan ang nangyari, at hinayaang umaktong pamilya ang mga loko at saktan ang puso ni Jett! Oh? Malinaw pa sa tubig ang katotohanang iyon!" matapang pang bulalas ni lola.

"Mama naman!!" Dinuro ni Mommy si Lola. "Huwag na huwag mong matawag-tawag na higad si Gia! Insidente lang ang nangyari noon sa kanila ni Carcel!"

"Oh, eh bakit hindi kayo naging tapat kay Jettie at harapin ang konsensya? Bakit pinapatagal niyo pa?" Napaasik si lola. "Huwag mo nga akong maduro diyan, Grace. Eh simula nung maliit pa iyan si Gia, pansin ko na ang pagiging makati niyan na akala mo uhaw sa mga lalaki! Naalala mo ang pinaka-unang naging nobyo ni Jett? Hindi ba inagaw niya? May narinig ka ba kay Jett? Wala naman! Nagpaubaya siya sa kapatid niya pero sa akin nag-iiyak! Kaya nga hindi na ako nagulat nung malaman kong pati asawa niya, inagaw ng higad mong anak!"

"Ayusin mo ang pananalita mo, mama!" namula sa galit ang mukja ni mommy.

“Ayusin mo ang pangangaral diyan sa anak mong si Gia! Hindi ka patas na magulang, lalo na kay Jett!”

“You’re the one to talk!” napabulalas si mommy. “Ano bang alam mo sa pagiging patas, Ma?! Dahil buong buhay ko, hindi ko naranasan na naging patas kayo sa amin ng mga kapatid ko! Kaya huwag mo akong masabihan niyan!”

“This isn’t about you! Stop bringing the past back, Grace! Tungkol na ito sa mga anak mo! Bilang magulang, at least may ginawa ka man lang para hindi magkasiraan ang dalawa! You could’ve prevented this from happening! Pero hindi! Kinukunsinte mo pa ang pagkakamali ni Gia at Carcel! Kinakampihan mo sila, samantalang hindi mo pinapahalagahan ang damdamin ng isa mo pang anak na si Jett!”

“Ewan ko sa’yo, Ma! Basta! Hindi kasalanan ni Gia na mas maganda siya kaysa sa ate niya! Hindi niya kasalanan na habulin siya ng mga lalaki! Si Carcel mismo ang naghabol kay Gia at Gigi! Hindi namin siya inobliga. Pero iyon ang desisyon niya. Ngayon, kung hindi haharapin ni Jett ang katotohanang iyon, puwes mas lalo lang lalala ang sitwasyon, kawawa ang musmos na bata dahil siya ang higit na maguguluhan sa mga nangyayari. Tutal si Jett naman ang ate at mas nakakatanda, siya na ang magparaya!"

Hindi ko nakayanan pang magtago sa silid. Malalaki ang hakbang akong lumabas para harapin si Mommy. “Magparaya? Hanggang sa sarili kong asawa, dapat ko paring ipaubaya kay Gia, Mom??”

“J-Jett…” natauhan si mommy. Nilagpasan niya si Lola Flor para lumapit sa akin na agad kong kinaatras. “Anak, mag-usap tayo—"

“Huwag mo akong hahawakan, Mom!” puno ng hinanakit ko siyang tinitigan sa mga mata sa kabila ng mga luhang nagsisipagpatakan pababa sa ‘king pisngi “A-Alam ko naman na mas maganda sa ‘kin si Gia. Sa point na siya lang ang dinadala mo sa mga party para ipagmalaki sa mga sosyal mong mga kaibigan! Alam ko rin na habulin siya ng mga lalaki, kaya nga pinabayaan ko na lang na palaging nakukuha niya ang mga manliligaw at nobyo ko noon! B-Bilang mas nakakatanda, iniintindi ko lahat, pinapaubaya ko lahat kay Gia! Simula sa maliliit na candy, hanggang sa mga gusto niyang lalaki, lahat! P-Pero Mommy? Wala na ba ako karapatang umangkin ng kahit isa lang? M-Mahal na mahal ko si Carcel, Mom! Hindi lang siya basta asawa ko! Siya ang buhay ko!! Bakit hindi niyo ‘yon maintindihan?! Akala mo ba madali lang sa 'kin ito?!”

“A-Anak…” sunod-sunod na napalunok si Mommy. Kinagat niya ang ibabang labi saka tumugon sa mababang boses. “Kahit hindi ka magparaya… wala naman ding mangyayari dahil matagal ka nang hindi mahal ni Carcel. Sa totoo lang, matagal na niyang pinaplano na hiwalayan ka, hindi lang magawa dahil masyado kang manhid.”

Hindi ako makapaniwalang tumitig pa ng husto sa kanya. Natatawa akong patuloy na napapaiyak. “Dahil ba tinatrabaho siya ni Gia doon sa mansyon niyo kung saan niyo sila tinatago?”

“Sinasabi ko na sa iyo, anak! Si Carcel mismo ang naghahabol kay Gia at Gigi! Tanggapin mo na agad ang katotohanang iyon. Wala ka na dapat pang ipaglaban dahil gusto ka nang i-divorce ni Carcel!”

"Ganyan ba dapat ang isang ina, Grace?" nadi-disappoint na tanong ni Lola. "Mas lalo mong sinasaktan ang damdamin ng panganay mo! Hindi mo ba alam na mahal na mahal ni Jett si Carcel dahil ito lang ang bukod tanging nagpapasaya sa kanya? Nagbibigay ng atensyon na pinagkakait ninyong pamilya, at higit sa lahat, nagparanas kung paano ba talaga ang magmahal at mahalin pabalik? Hindi mo ba alam, na halos sampung taon na silang nagsama simula ng bago pa lang sila magkakilala, hanggang sa magligawan, maging magkasintahan, at maging mag-asawa? Sa tingin mo ba ganoon na lang kadali para kay Jett na ibasura lahat? Na ipaubaya na parang isang laruan ang asawa niya para kay Gia??!!"

“Kung siya na lang din naman ang nakakapit sa relasyon nila, bakit hindi niya gawin?!” tugon ni Mommy kay Lola. “Tama naman ako, hindi ba? Ano pa bang ibang solusyon? Nagmamahalan na sina Gia at Carcel. Mas matimbang sila dahil may anak sila na si Gigi! Si Jett? Pwede naman siyang magsimula na lang ulit!”

“Paano niya magagawang magsimula ulit kung isang buwan na siyang—-”

“LOLA!” mabilis kong pagputol sa sekretong muntikan na niyang mabunyag.

Natikom ni lola ang bibig, agad akong naunawaan.

“Isang buwang ano?” kuryosong tanong ni Mommy.

“Isang buwan na siyang hindi makakain, makatulog, at panay lang pangungulila kay Carcel na dinaig pa ang isang byuda!” pag-iiba ni lola.

Nalukot ang mukha ni Mommy, bago unti-unting napabuntong-hininga. “Sa una lang talagang ganyan. Pero Jett, malalagpasan mo rin iyan. Importante sina Gia ngayon kumpara sa’yo. Hindi lang naman ikaw ang nahihirap sa sitwasyon. Sana maisip mo rin iyon.”

Naikuyom ko ang dalawa kong kamao.

“Mahirap bang i-let go ang lalaking pinaghirapan mo ring makuha, Ate Jett?” boses ni Gia ang biglang namayani sa lugar.

Lahat kami ay napatingin sa pagpasok niya ng tuluyan sa sala ng mansyon ni Lola. Puno ng kayabangan ang mukha niya at halatang nagmamamalaki sa akin.

“Speaking of higad!” napaasik si Lola Flor. “Bitbit mo pala ang isang iyan para sa backup mo, Grace?”

“Tse!” umasik din si Gia. “Alam mo lola? Hindi ko alam kung bakit ang laki ng galit mo sa akin. Kung makasabi ka ng hindi patas na magulang si Mommy ay akala mo may pinagkaiba ka! Tingnan mo, si Jett ang paburito mong apo, hindi ba? Tapos sa akin, panay tirik ang mga kulubot mong mata!”

“Sino naman bang hindi titirik ang mga mata sa iyo, ineng? Ganyang pag-uugali ang pinapakita mo. Manang-mana kay Grace! Sa inyong dalawa ni Jett, ay siya lang ang nagpapakita sa akin ng paggalang. Ni hindi mo nga magawang mag-mano sa akin! Kaya bakit ka magkakaroon ng puwang sa ‘kin, aber?”

“Pa’no ba naman, lola! Ikaw lang yata ang matanda na mahirap bigyan ng respeto! Samantalang ‘yung janitress sa mansyon namin, nagagaanan ko naman ng loob!”

“Gia!” nanggagalaiti kong pagsaway sa kanya. “Mahiya ka nga sa inaasal mo! Wala kang karapatang magsalita ng ganyan kay Lola na para ka lang nakikipag-tropa!”

“Siya naman ang unang nag-disprespect sa akin! Calling me higad?” naiirita ngunit matapang na humarap sa akin si Gia. “Palibahasa ikaw, ate, umaasta na parang isang santo sa mga mata ni lola! Bakit hindi mo rin ikwento sa kanya na simula pa lang, sa akin naman talaga dapat mapupunta si Carcel!”

“Sa’yo?” napaanas ako. “Ako ang niligawan, hindi ikaw. Kahit anong pagpapapansin mo sa kanya noon, hindi ka man lang matingnan. Kaya anong sa’yo?”

“Sa akin siya! Sa akin siya unang pinakilala ni Tita Malou! Kami ang pinagpapartner nila ni Mommy! Kung hindi ka lang naki-eksena at inagaw siya, sa akin siya mapupunta! Pero kahit ilang beses kong sinabi sa’yo na may gusto ako sa kanya, inagaw mo parin siya!”

“Wala akong inaagaw sa’yo! Limang taon niya akong niligawan. At limang taon ka niyang hindi pinapansin! Bago kami nagkatuluyan, sabi mo matagal ka nang moved on! Kaya nakakahanga na nagawa mo pang magpabuntis sa kanya bago kami ikinasal! Hindi ka lang basta higad, isa kang ahas! Anaconda ka, Gia!!” puno ng galit kong pagsigaw.

“Insidente lang ang nangyari—”

“Insidente mo mukha mo!!” hindi ko napigilan ang sarili ko para sugurin siya at malakas na sumampal ang aking palad sa makapal niyang pagmumukha! “Ahas ka! Ikaw ang tunay na mang-aagaw! Akala ko okay lahat sa atin! Akala ko wala kang hinanakit sa akin dahil ako ang minahal ni Carcel! Akala ko tunay lahat ng pagpapanggap mo na mabait sa harapan ko! Pero sa likod niyon, inaahas mo pala ang asawa ko kasi hindi mo matanggap na ako ang pinili niya! Hindi mo matanggap na nalamangan kita dahil sanay kang palagi akong nasa talampakan mo, mistulang animo mo!”

“Ilusyunada!” akma niya akong sasampalin bilang ganti subalit naunahan ko siya. Sinampal ko ng malakas ang kabila niyang pisngi.

“Hinahabol ka ni Carcel? Gaga! Ikaw ang naghahabol kay Carcel! Paniguradong pinapanagot mo siya sa anak mong si Gigi!” pilit kong pinunasan ang mga luha sa mga mata ko. “Pero tama ka! Tama rin si Mommy! Siguro nga ako na lang ang nakakapit sa relasyon naming dalawa. Dahil hindi naman ako isang bingi, para hindi narinig ang sinabi niyang hindi na niya ako mahal at gusto na niyang makipaghiwalay!” madiin akong lumunok at nanlilisik ang mga matang tumingin sa kanya. “Panalo ka na, Gia. Sa’yong-sa’yo na si Carcel. I*****k mo sa baga mo at manalangin ka na sana hindi ka karmahin sa ginawa mo!”

Kaugnay na kabanata

  • Regretful Billionaire Ex-Husband Wants Me Back!   Chapter 3

    GIA “Ayos ka lang ba, anak? Patingin nga ng pisngi mo,” magkabilaang sinuri ni Mommy ang pisngi ko bago siya napabuntong-hininga. “Bumakat ang palad ni Jett. Masakit ba? Pulang-pula oh?” “Tsk!” naiirita man ay kalmado akong sumandal sa upuan ng sasakyan namin. “Syempre masakit. Hindi ko nga aakalaing sasampalin ako ni Ate. Mas satisfying sana kung makita ko man lang siya na humagulhol ng iyak at ilampaso ang mga luha sa sahig! Pero much better naman itong ginawa niya sa akin. Para makita ni Carcel ang ginawa niya sa akin.” “Pero kahit na. Paano na lang kung nakalmot ka pala niya at nag-iwan ng peklat. Tsk, tsk! Iyang ate mo talaga…” napailing-iling siya. “Hindi ko inaasahang gagamitin niya ang utak niya hindi puro emosyon. Akalain mong tama agad ang kanyang suspetiya?” Napaikot ako ng mga mata. “Ano naman kung alam na niya na nilalandi ko si Carcel behind her back? Na ako talaga ang naghahabol sa asawa niya? Ang mahalaga ay bumigay na sa wakas si Carcel at kami ni Gigi ang pinili

  • Regretful Billionaire Ex-Husband Wants Me Back!   Chapter 4

    JETT“Ano ka ba naman anak! Sinabi ko na sa iyo! Huwag mong bubuksan ang pintuan! Pero hindi ka nakikinig! Naabutan mo pa tuloy sina Jett at Callisto…”Nagising ang diwa ko nang marinig ang maingay na boses ni Tita Malou. Napakusot ako ng mga mata at naupo sa malambot na kama. Pakiramdam ko ay nakatulog ako ng bente kwatro oras dahil sa pananakit ng likod ko.“Carcel naman, dahil sa pagkalabog mo sa pintuan, nagising tuloy ang prinsesa ko.” Bigla ay mayroong humaplos sa aking pisngi at buhok. Ganoon na lang ang paninigas ko sa kama. Nagugulat akong napatingin sa katabi kong nakaupo sa kama. Iyon ay walang iba kundi si Callisto. Wala siyang saplot sa pang-itaas ng katawan kung kaya’t kitang-kita ko ang bato-bato niyang katawan. Ngunit nang matingnan ko ang sarili ko ay halos lumuwa ang mga mata ko sa gulat. Nakasuot lamang ako ng bra na siyang tumatakip sa aking dibib!!Pero mas nagugulat ako nang unti-unting naglakbay ang mga mata ko sa lalaking nakatayo sa pintuan ng kwarto. Walang

  • Regretful Billionaire Ex-Husband Wants Me Back!   Chapter 5

    CARCEL She signed the divorce paper. "Pak! Bagay na bagay sa iyo, Madam! This wedding gown is the one for you! Bongga! Ikaw na yata ang pinakamagandang bride sa history ng mga brides!" "Echos ka, bakla! I know this suits me, but no need to exaggerate it. Just say I'm gorgeous, and that's enough." "Madam bride, dapat si Mister groom ang magsasabi sa inyo niya, pero mukhang absent-minded ang peg!" "Huh? Carcel?" Nung araw na nakita ko silang dalawa ni Kuya sa mansyon ay ang huling araw na nakita ko siya. Ipinadala lamang ang divorce paper ni Tita Grace, at ibinalik sa aking may pirma na ni Jett. Ilang weeks na ang lumipas, pero ginagambala parin ni Jett ang isipan ko. Dahil hanggang sa dulo, kahit nabunyag ko na ang sikreto nila ni Kuya Callisto, sinubukan parin niya iyong itanggi. Kakatawa na nagawa pa niyang magbitiw ng mga salita sa akin. Hindi na lang niya ipasalamat, na hindi ko siya pinahiya o ipinalandakan ang pagloloko niya kahit matagal ko na iyong alam. "Carcel, ano ba

  • Regretful Billionaire Ex-Husband Wants Me Back!   Chapter 6

    CARCEL“Papasukin niyo ako! Nasaan si Jett? Kailangan ko siyang makausap! Kailangan naming mag-usap!” nagpupumilit akong pumasok sa malaking gate ng mansyon ni Lola Flor.Pinipilit din naman akong harangan ng apat na mga gwardiya. “Pasensya na talaga, Ser, pero hindi pu-puwede pumasok ang sinuman sa pamilyang Rossi at Salvatore. Naka-ban na kayo rito, Ser.”“Kahit sandali lang, ilabas niyo na lang si Jett! Kailangan ko siyang makausap!”“”HIndi nga puwede, Ser! Mabuti pa ay umuwi na lang kayo at huwag nang mambulabog pa. Nakakagambala kayo para sa lahat ng mga tao rito, Ser.”“Fuck it!” sinapak ko ang guwardya na tumulak sa akin at kanina pa panay paliwanag.“Aba, gago ka ah!” Kaagad din akong nakatanggap ng sapak mula sa mga kasama niya.Pero hindi ako pumayag na matalo at tumumba. Kahit pinagtulungan nila ako ay panay ang pagbato ko ng sapak, na agad nilang iniiwasan.“Tumigil ka na, Ser! ‘Wag ka nang manggulo at baka kung saan pa mauwi ito!” anang isang guwardiya.“Come at me I don

  • Regretful Billionaire Ex-Husband Wants Me Back!   Chapter 7

    JETT“Walang hiya ka!!” sampal ang inabot ko mula kay Mommy pagkarating na pagkarating pa lang nila sa hospital. “Anong ginawa mo kay Carcel?! Anong ginawa mo sa kanya, Jett?!” Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at binaon ang mababa niyang kuko.“M-Mommy!” mas lalo akong napahagulgol ng iyak. Kanina pa namamaga ang mga mga mata ko at kanina pa ako pinanghihinaan ng katawan. Simula nang sugurin si Carcel dito sa hospital hanggang ngayon ay hindi ko parin nagagawang tumahan.Nagkalat parin sa puti kong damit at itim kong jacket ang mga dugo ni Carcel matapos siyang saklolohan kanina pagkatapos niyang mabangga ng truck. Marami sa mga nakakita ang agad ding sumaklolo. At dahil abot-kamay lang ang hospital ay kaagad siyang naisugod. Ngayon ay hindi parin lumalabas ang mga doktor at nurses mula sa operating room.Lumuhod ako sa harapan ni Mommy sa labis na panlalambot ng aking mga tuhod. “S-Si Carcel… M-Mommy…. H-Hindi ko gustong mawala si Carcel… aahhh!! A-Ayaw ko, hindi ko matatangga

  • Regretful Billionaire Ex-Husband Wants Me Back!   Chapter 8

    JETT5 YEARS LATER…“Ayan! Bagay na bagay sa inyo ang red dress, Madam! Saktong-sakto! Kung iyan ang susuotin niyo sa engagement party ng anak niyo, paniguradong pagtitinginan kayo ng mga in-laws mo!” puno ng pambobola kong papuri sa aking numero unong customer.“Bagay na bagay? Saktong-sakto?” tinaasan niya ako ng kilay. Saka siya tumalikod sa akin upang ipakita ang zipper ng red dress na hindi masarado dahil sa lapad at taba ng kanyang likod.“Ay jusko po!” hindi napigilan ni Yuna at Vicky ang mapasigaw ng iisang salita dala ng gulat.Saka may namumulang mukha sa galit na muling humarap sa akin si Madam Edna. “Eh kahit kailan palpak talaga ang tailor shop ninyo eh! Hindi kayo marunong magsukat!! Hindi ko masarado ang zipper at sobrang sikip sa akin nitong dress na pinapagawa ko sa inyo, hindi ako makahinga!!”Sunod-sunod akong napalunok. Tiningnan ko mula ulo hanggang paa ang katawan ni Madam Edna---ang numero unong customer namin na mahilig pumutak na parang kinakatay na biik. Akal

  • Regretful Billionaire Ex-Husband Wants Me Back!   Chapter 9

    JETT “Kumusta na ang pagpapatakbo mo sa tailor shop, Anjettie?” pagtatanong sa akin ni Hugo nang maupo kami sa isang table at hinihintay ang aming order. “Ayos naman. Habang tumatagal mas dumarami ang dumadayo. May mga customer na sinasadya pa talaga kaming puntahan kaya nakakatuwa.” hindi ko napigilan ang mapangiti ng malaki. “Ngayong buwan ay sobra-sobra na ang workload kaya pinag-iisipan ko rin na mag-hire pa ng mga katuwang. Hindi ba, exciting? Feeling ko nga magna-number one ang tailoring shop natin sa buong city!” Nahawa siya sa tamis ng ngiti ko at hindi napigilang mapatawa. “Kung gano'n, kapag nag numero uno iyan, ipagtatayo kita ng panibagong branch sa ibang city.” Napahalakhak ako at napahampas ng kamay sa ere. “Huy! Ano ka ba! Masyado mo akong pinapa-excite. Pero malay mo naman~ pero sa ngayon, dahil nag-uumpisa pa lang din naman ang shop, malayo-layo pa ang dadaanan natin bago iyon mangyari.” “Huwag kang mag-alala, Anjettie, sisiguraduhin kong dadagsahin pa ka

  • Regretful Billionaire Ex-Husband Wants Me Back!   Chapter 10

    JETT “Sino ka?” bungad na tanong sa akin ni lola Flor nang itulak ko ang kanyang wheelchair patungo sa dining room. “Ako po ang minamahal niyong apo, lola.” may kirot man sa dibdib ay nakangiti kong tugon sa kanya. Pinuwesto ko ang kanyang wheel chair sa pinakasentrong upuan sa hapagkainan. “Ganoon ba?” wala sa sarili niyang tanong. “Eh bakit tayo nandito?” “Dahil po kakain tayo ng hapunan. Ngayon na lang po ulit tayo sabay na kakain dahil masyado na akong abala sa trabaho, lola.” Pagkatapos siyang asikasuhin ay pinuwesto ko naman si Jelly ng upo sa kanyang tabing harapan, bago ako umupo sa tabi nito. “Eh ikaw? Sino ka naman bulinggit?” takang tanong ni lola sa aking anak. “Jelly po, lola! Apo mo po ako sa tuhod!” magiliw naman nitong tugon. Napangiti ako at hinaplos ang buhok niya. Nakanguso itong tumingala sa akin. “Mama, palagi na lang akong tinatanong ni lola kung sino ako.” “Pagpasensyahan mo na dahil may sakit si lola. Pero deep inside, lahat tayo kilala niya, okay?”

Pinakabagong kabanata

  • Regretful Billionaire Ex-Husband Wants Me Back!   Chapter 19

    CALLISTO“Pambihira ang nangyari sa pamilyang Rossi, ano?”“Sinabi mo pa! Pero ang sabi-sabi ng mga maids nila, kinarma raw kasi mga cheater sila.”“Huy! Totoo ba?”“Hindi lang iyon, may mga nakapagsabi rin na marami silang kalokohaan behind closed doors.”“Gaya ng?”“Actually, mahaba ang kuwento, pero simulan natin sa padre de pamilya… balita ko ay may dalawa siyang asawa noon na pareho niyang pinakasalan sa magkaibang bansa tapos isang araw nasa iisa na silang mansyon—”“Wow. Interesting.” ngisi kong komento sa dalawang nagtsi-tsismisang nurses habang nakatayo sa likod nila.Pareho silang natigilan at sabay na napalingon sa akin. Sa mga itsura nilang nanlalaking mga mata ay halatang nakilala agad nila kung sino ako.“Oh tapos? Ano nang nangyari ng dinala ng Dad ko ang dalawa niyang asawa sa mansyon?” sarkastiko ko pang tanong.“S-S-Sir Callisto!” ang babaeng nurse na siyang nagkuwento ay parang nakakita ng multo, ganoon din ang mukha ng kanyang kasama.Bumaba ang paningin ko sa name

  • Regretful Billionaire Ex-Husband Wants Me Back!   Chapter 18

    GIA“The patient is suffering from retrograde amnesia.” pagdedeklara ng doktor.“A-Amnesia?” kahit pa batid ko na iyon dahil sa mga inaakto ni Carcel, ang makumpirma ito ng doktor ay nagpabagsak parin sa akin sa gilid ng kama na kinahihigaan ngayon ni Carcel dala ng panlalambot.“D-Doc, ano pong ibig sabihin no'n? Ano ba iyang nangyayari sa anak ko?” rumehistro ang matinding pag-aalala sa mukha ni tita Malou.“In simpler terms, retrograde amnesia in simpler terms, is when a person has difficulty recalling memories or information from their past before a specific event, injury, or illness. This memory loss can vary in severity and can affect different periods of a person's life.” pagpapaliwanag ng doktor saka nagpatuloy. “Sa aking nakikita, dahil sa insidente five years ago at sa tagal ng pagkaka-comatose ni Mr. Carcel Rossi, maaaring nakalimutan niya ang mga pangyayari nitong nakalipas na mga taon. Importanteng malaman natin ang espisipikong taon at kaganapan na kanyang naaalala nang

  • Regretful Billionaire Ex-Husband Wants Me Back!   Chapter 17

    GRACE Isang linggo na ang nagdaan simula nang magising ang aking son-in-law. Subalit imbes na kagalakan at selebrasyon ang mamayani sa aming mga pamilya, napuno ng kaguluhan at pagkabahala. Wala ni isa ang makapaniwala sa kasalukuyang nangyayari at halos wala lahat sa kontrol. “Carcel, pleaseee! Pakinggan mo muna ako!” humahagulgol na nagmamakaawa ang aking anak na si Gianna kay Carcel, pinipilit niyang pinapatigil ang kasintahan sa pagwawala at paghahalughog sa buong mansyon namin. “Carcel, nakikiusap ako!!” “Tumabi ka!!” walang pusong binalibag ni Carcel si Gianna sa pader nang harangin nito ang dinaraanan niya. “Gianna!” “Hala! Si ma'am si Gianna!” “Gia!” Puno ng taranta at aligaga akong tumakbo patungo kay Gia sa second floor nang makita siyang namimilipit sa sakit. Subalit hindi ko pa man siya naaalalayan ay nagmamadali na siyang kumilos upang habulin muli si Carcel. “Carcel!! Please, stop! Listen to me! I'm begging you, Carcel!!” halos magkandarapa si Gia sa paghahabol sa

  • Regretful Billionaire Ex-Husband Wants Me Back!   Chapter 16

    JETT“Anjettie, ayos ka lang ba? Sinaktan ka ba niya?” nag-aalalang tanong sa akin ni Hugo pagkalabas na pagkalabas nila Callisto.Nanlalambot ang ang mga tuhod ko habang inaalalayan niya ako paupo sa couch. Unti-unting sumingaw ang labis na panlalamig mula sa aking katawan, ramdam ko parin ang pagkaputla ko. “Ate Jett, tubig po!” inabutan ako ni Yuna ng tubig na may pag-aalala habang si Vicky ay pinapaypayan ako.“Sissy, anong nangyari ba't ganon'n naman pala ang mga taong ‘yon?”Nilaghok ko ang tubig, naghabol ng hininga pagkatapos. Bahagya akong napreskuhan saka ako huminga ng malalim nang tatlong beses. “A-Ayos na ako.”“Boss, sino ba ang mga taong iyon?” kuryosong tanong ni Nisha.Umiling ako. “Simula sa araw na ito bawal niyo na silang papasukin sa shop. Walang dulot na maganda ang mga taong iyon. Naiintindihan niyo?”Nagkakatinginan silang napatango.Bahagya akong sumeryoso. “Kalimutan niyo na ang nangyari at ituloy niyo na ang pagtatrabaho ngayon din.”Nakikita ko ang pag-aat

  • Regretful Billionaire Ex-Husband Wants Me Back!   Chapter 15

    JETT “Pambihira! Isa ka na palang negosyante, Jett. Akala ko maliit na shop lang ‘to, pero mukhang bibigatin din, ano?” nasisiyahang sabi ni Callisto. Ang malaki niyang boses ay umaalingawngaw sa buong lugar. Kahit kailan ay hindi ko nagustuhan ang paraan niya ng pagsasalita, ang bawat tono na binibigkas niya dahil puno iyon ng kayabangan o ‘di naman kaya'y pagiging sarkastiko. Kung kaya't hindi ko alam kung talaga bang natutuwa siya sa papuring iyon sa akin. Lihim kong naiyukom ang dalawa kong kamao upang humugot ng lakas ng loob. Binura ko ang aking emosyon. He's a stranger to me now no matter what. “Anong kailangan mo't sinadya mo pa ako sa aming shop, Sir?” “Oh,” tinaasan niya ako ng isang kilay, kasabay no'n ay tumaas ang sulok ng labi niya. “Would you look at that?” Napaigtad ako sa kinatatayuan subalit hindi na ako umatras pa nang ilang hakbang siyang lumapit sa akin. Halos limang pulgada na lamang ang layo namin sa isa't-isa. Walang takot ko siyang tiningala. Matagal kami

  • Regretful Billionaire Ex-Husband Wants Me Back!   Chapter 14

    JETT“Malayo ang tingin~ Wala namang tinatanaw~”Unati-unti akong bumalik sa reyalidad nang marinig ang pagpaparinig na kanta nila Vicky at Nisha habang sila'y nagpaplantsa ng mga damit. Napapailing naman akong napaikot ng mga mata.“Ewan ko sa inyo.” naiusal ko. Natanto kong may ginagawa nga pala ako sa aking kinauupuan at tinuloy na lamang ang pagdrawing ng mga maliliit na dresses para kay Jelly.“Eh kasi naman sissy, parang ang dami-dami mong nakikita na hindi namin nakikita. Sino ba, este ano bang iniisip mo diyan?” Usyosong tanong sa akin ni Vicky.“Wala!” tanggi ko agad. “Echos mo, sissy! Panigurado namang si Poging Hugo lang iyang laman ng isipan mo!”“Ayiiieee~ Nagdadalaga na si Boss!” panunukso pa ni Nisha.Nasapo ko ang aking noo, pinipigilan na mapatawa sa pang-aasar nila. “Nababaliw na kayo. Puwede bang mag-focus na lang kayo sa ginagawa niyo at huwag niyo na akong abalahin pa?”“Hmp! Ayaw man lang mag-share ni Boss.”“Sa true~”“Tsk! Gusto niyo lang ng chismis eh. Bahal

  • Regretful Billionaire Ex-Husband Wants Me Back!   Chapter 13

    JETT Nairaos ko ang isang linggong pag-atupag sa dress ni Madam Edna at mukha namang nasiyahan siya dahil nag-tip pa siya ng malaking halaga ng pera sa ganda ng mood niya. Linggo ngayon at pahinga ko sa mansyon. Habang sumisigop ng mainit na kape at nagrerelax sa bench ng garden ay pinapanood ko sina Jelly na naglalaro kasama sina Tanya at Tonio. Naka-set ang malaking castle ng puzzle na sila mismo ang bumuo. Hindi ko maiwasang matuwa at humanga sa kanilang paglalaro. Kinuha ko ang aking i-phone upang i-video ang sandaling iyon. Kung saan maganda ang pagkakangiti ni Jelly sa labi dahilan upang makita ang mapuputi at napakaliliit niyang ngipin. Hindi rin ako nabigo sa twins dahil match na match talaga sila sa kakulitan ni Jelly. Ang akala ko nga'y hindi agad sila magkakasundo, pero nung mismong araw na pinakilala ko sila sa isa't-isa ay nagyayaan na silang maglaro. “Ehem!” Napahinto ako sa pagvivideo nang agawin ni Hugo ang pansin ko. Kararating niya lamang sa garden. Binaba ko an

  • Regretful Billionaire Ex-Husband Wants Me Back!   Chapter 12

    JETTInuunat ko ang aking braso sa pananakit ng likod at leeg ko. Dere-deretso ang pananahi ko ng dress na hindi ko namamalayang mahigit tatlong oras na ang nakalipas. Tumayo muna ako saka lumabas ng silid. Naglakad-lakad ako sa aming shop upang magalaw-galaw ang dalawang kong namamanhid na binti.“Break time ka na, Ate Jett?” pumasok sa shop si Yuna na may dala-dalang anim na mango shake. “Tamang-tama! Kabibili ko lang ng mga shake! Kuha ka po!”“Salamat, Yuna.” malugod ko iyong tinanggap, saka ako naupo sa mahabang couch.“Ipamimigay ko lang po ito kina Vicky!” aniya at lumisan upang tunguhin ang kapwa empleyado sa loob.Tahimik kong sinigop ang straw ng mango shake. Ang lamig at ang refreshing nitong lasa ay mas lalong nakapagpa-relax sa akin.Maya-maya lamang ay bumalik muli si Yuna at naupo sa aking tabi. “Patay ang araw ngayon, ah. Simula nung nagbukas tayo kaninang umaga, isa pa lang na customer ang napadaan.”“Napansin ko nga.” ani ko saka napailing. “Nga pala, Yuna, hindi ba

  • Regretful Billionaire Ex-Husband Wants Me Back!   Chapter 11

    HUGO “Sir, na-deliver na ang mga raw materials na hinihingi ng Santa Maria group para sa proposal natin.” Napatango ako sa sinabi ng aking sekretarya. “Good work. Balitaan mo ako agad sa oras na ibigay na nila ang final decision nila.” “Yes, Sir. Ito nga po pala ang document report ng team sa nakaraang performance ng sales----” “Uncle, uncle!” Naagaw ang atensyon ko nang may humatak sa dulo ng itim kong polo. Napayuko ako at nakita si Jelly na nakatingala sa akin nang malaki ang pagkakangiti. Kinuha ko ang dokumento sa kamay ng aking sekretarya saka siya sinenyasan na umalis, na agad nitong ginawa. Saka ko lamang natutuwang kinarga si Jelly. “Nasaan ang yaya mo at nagawa mo akong mahanap dito sa construction site? Parang ang lakas ng pang-amoy mo at lagi mo akong natutunton, Jelly.” pagbibiro ko pa sa kanya, bahagyang kinurot ang kanyang maliit na ilong. Humagikhik siya ng tawa. Naglakad naman ako sa maayos na kalsada saka naglinga-linga ng paningin para hanapin ang yaya niya.

DMCA.com Protection Status