Chapter: CHAPTER 7NAPAMULAGAT si Rajinah sa lalaking kanyang kaharap. “W-what did you just say?” nabuhol pa ang dila niya sa pagtatanong.Hindi niya mapaniwalaan ang mga katagang lumabas sa bibig nito. Maang na napatitig siya sa mukha nito. Matagal na niya itong kilala kaya naman alam na alam na niya ang kahulugan ng bawat ekspresyong gumuguhit sa mukha nito. At sa sandaling iyon, hindi niya makita ang ano mang bahid ng panunukso na natural na yatang nakapaskil sa mukha nito. Nagsusumigaw sa anyo nito ang damdaming nakapaloob sa mga katagang sinambit nito. Hindi ito nagbibiro. At wala siyang diperensiya sa pandinig. Malinaw na malinaw niyang naintindihan ang sinabi nito.Sa kanyang pagkabigla, bigla bumunghalit ng tawa ang lalaki, buo at puno ng kasiyahan. Bagay na lalong nagpalaglag sa kanyang panga. Isang klaseng tawa lang ang palagi niyang naririnig mula rito—mapang-asar at puno ng sarkasmo.“Ang dami ko nang sinabi, alin doon ang uulitin ko?” lalong lumabas ang pagkasingkit nito sa kakatawa.“Err…
Last Updated: 2025-02-18
Chapter: CHAPTER 6NAKATAYO si Rajinah sa harap ng buffet table at matamang nag-iisip kung ano ang mga pagkaing kukunin niya. Natatakam siya habang isa-isang sinisipat ang mga pagkain sa buffet.“Ano kayang masarap kainin?” bulong niya sa sarili. Sa sobrang dami kasi ng pagpipiliang pagkain ay hindi niya maintindihan ang uunahin.“Having a hard time choosing what to eat?”Walang anu-ano ay biglang may nagsalita sa tabi niya. Kung magugulatin lang siya ay baka nabitawan na niya ang hawak niyang plato at kubyertos. Mabuti na lang at hindi siya ganoon madaling masindak. Isa pa, talagang gutom na siya kaya walang kahit sino o ano man ang makakapag-alis ng kanyang atensyon sa mga masasarap ng putahe na nasa kanyang harapan.Lihim siyang napaismid.Kahit kasi hindi siya lumingon ay sigurado-sigurado siya kung sino ang nagmamay-ari ng tinig na iyon. Tikhim pa lang nito ay kilala na niya agad. Ang pinakahuling taong nanaisin niyang makita kahit pa siguro katapusan na ng mundo at dahilan kung bakit hindi niya ma
Last Updated: 2025-02-16
Chapter: CHAPTER 5NAKAPANGALUMBA si Rajinah habang mag-isang nakaupo sa lamesa na kani-kanina lamang ay inookupa ng buong pamilya niya. Pagkadating pa lamang nila sa party ay halos hindi na mapakali ang mga ito. She knew that they were all excited. But for what? She found their actions a little weird because it’s not the first time to attend Kenzo’s birthday party. Isa pa, hindi lang naman tuwing kaarawan ni Kenzo nagkakaroon ng ganitong pagdiriwang sa tahanan ng mga Martinez. Sa lahat ng okasyon sa buhay ng mga ito ay kabilang sila. Kaya ganoon na lang ang pagtataka niya kung bakit parang bagong karanasan ang gabing ito para sa pamilya niya. Lalo na para sa kanyang mga magulang.Isang buntong-hininga na naman ang kanyang pinakawalan.Kahit hindi siya tumingin sa salamin, alam niyang hindi maganda ang timpla ng kanyang mukha. Pansin niya iyon sa mga dumadaan sa harap niya na may nakahandang ngiti ngunit agad dinnamang hahakbang paatras, palayo sa kanya, kapag nabistahan na ang kanyang mukha. Wala na si
Last Updated: 2025-02-06
Chapter: CHAPTER 4“DO I REALLY need to attend that party? Kailangan ba ako roon? Ano ba’ng magandang maidudulot ng pagpunta ko sa party na ‘yon? Mas dapat kong unahin ang trabaho ko.”Sa totoo lang ay inis na inis na siya. And being ‘annoyed’ was not enough a word to describe what she felt. She was beyond ‘annoyed’. Hindi mahagip ng isip niya kung ano ang puntong lohikal sa ginagawang pangungulit ng mommy niya sa kanya. Alam naman nitong marami siyang kailangan na tapusin ngayon sa kanyang trabaho, pero parang bingi at bulag ito sa mga pakiusap niya. Idagdag pa na para bang nag-aasal ‘bata’ na ito sa ginagawa nito. At iyon ang lalong hindi niya maunawaan.Her mother’s hand frozed midway as she was about to apply lipstick on her lips. Nakapamaywang na hinarap siya nito. “Bakit ba ang dami mong dahilan, Rajinah? Pwede mo namang gawin ‘yang pagsusulat mo bukas. Napakaraming alternatives ang pwede mong pagpilian para hindi ka magahol sa oras.”“Kung meron nga po ba akong naiisip, eh, ‘di sana nagawa ko na
Last Updated: 2025-02-02
Chapter: CHAPTER 3NAPAISMID siya.Nakalimutan niya na ngayon ang birthday ng pinakakinaiinisan niyang tao sa buong mundo, ang mortal niyang kaaway—si Kenzo Tanaka Martinez. Ito ang mayabang at palikerong inaanak ng mommy niya sa matalik nitong kaibigan mula pa noong highschool na si Karina Tanaka Martinez.Marahil sa sobrang dami ng ginagawa niya kaya nawala na sa isip niya ang araw ng kaarawan ng binata. But who cares? Ano ba ang pakialam ko kung birthday ngayon ng mokong na iyon? He can always celebrate it anytime he wants to. Kahit araw-araw pa. As if namang aabangan ko iyon with open arms ‘no. Hmp! “Halika nga rito.” Napukaw ng tinig ng kanyang ina ang kanyang diwa. Ikinawit nito sa direksyon niya ang hintuturo nito. “Ang mabuti pa, tulungan mo akong ilagay sa box ang cupcakes na ito, habang nagpapahinga ka.”Napamulagat siya sa ina. “What? Mommy naman! Paano ako makakapagpahinga n’yan kung may ipapagawa naman kayo sa akin,”“Don’t fuss anymore, Rajinah. Wala ka rin namang magagawa kundi ang sumun
Last Updated: 2025-02-02
Chapter: CHAPTER 2Tahimik pa rin siyang lumabas ng kanyang kwarto at tinahak ang hagdan pababa ng kanilang tahanan.Nahagip ng kanyang mata ang bilog na orasan na nakasabit sa dulo ng hagdan malapit sa pasilyo papunta sa kanilang kusina. It was past 2 o’clock in the afternoon. Wala sa loob na napahawak siya sa tiyan. Humpak na humpak iyon. Dalawang oras pala ng pagkain ang nalipasan niya? Yet, surprisingly, she couldn’t feel any hunger—As if on cue, her stomach grumbled like it was protesting its own sentiments.Mahina siyang napatawa. Oops! I didn’t know I was this hungry.“I heard that my dear daughter,”Napapitlag siya nang biglang may magsalita. Pagkatapos ay sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi.She loved to hear that voice—always. Bigla siyang nakaramdam ng pagbukal ng sari-saring emosyon sa kanyang dibdib. Emotions that she never thought she kept inside because she was agitated that she couldn’t even write a single sentence to start her story.Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata. Bigla niya
Last Updated: 2025-02-02