Share

CHAPTER 6

Author: Sigrid Maia
last update Huling Na-update: 2025-02-16 17:00:27

NAKATAYO si Rajinah sa harap ng buffet table at matamang nag-iisip kung ano ang mga pagkaing kukunin niya. Natatakam siya habang isa-isang sinisipat ang mga pagkain sa buffet.

“Ano kayang masarap kainin?” bulong niya sa sarili. Sa sobrang dami kasi ng pagpipiliang pagkain ay hindi niya maintindihan ang uunahin.

“Having a hard time choosing what to eat?”

Walang anu-ano ay biglang may nagsalita sa tabi niya. Kung magugulatin lang siya ay baka nabitawan na niya ang hawak niyang plato at kubyertos. Mabuti na lang at hindi siya ganoon madaling masindak. Isa pa, talagang gutom na siya kaya walang kahit sino o ano man ang makakapag-alis ng kanyang atensyon sa mga masasarap ng putahe na nasa kanyang harapan.

Lihim siyang napaismid.

Kahit kasi hindi siya lumingon ay sigurado-sigurado siya kung sino ang nagmamay-ari ng tinig na iyon. Tikhim pa lang nito ay kilala na niya agad. Ang pinakahuling taong nanaisin niyang makita kahit pa siguro katapusan na ng mundo at dahilan kung bakit hindi niya magawa ang trabaho niyasi Kenzo.

“Hmm,” bahagya niya itong nilingon at tinanguan.

“Hi, there!” masiglang bati nito sa kanya, may malawak pang ngiti na nakapaskil sa labi.

Saglit siyang natigilan. Her eyes focusing on his mouth and the million-dollar smile on it. Palagi bang maganda ang ngiti nito o dahil birthday lang nito ngayon? But then, she knew the real ‘deal’ about him. Para sa kanya ay sagad sa buto ang kasamaan nito. Isa pa, alam niyang hindi naman talaga bukal sa loob nito ang pagbati nito sa kanya. At sa sandaling iyon, kaya siya nito nilapitan, natitiyak niya na may bago na naman itong inilulutong pang-asar sa kanya.

But before he could ever proceed with his plan, he might as well get the message that she was not to be disturbed at this moment. She’s not in the mood to entertain any of his antics. Kaya sa pinakamalamig na paraan na maaari niyang gawin sa boses niya, sinagot niya ang bati nito. “Hi.”

“Woah! ‘Lamig no’n, ah.” Nagpanggap pa itong nangalikgik. “Gan’yan mo ba talaga sagutin ang isang mainit na pagbati? Considering that I’m a longtime friend of yours,” nakataas ang isang sulok ng labi nito.

“You’re not my friend.”

“What?” nagkunwari itong nagulat. “After all these years, you still didn’t consider me as your friend—”

“I will never, ever, consider you to be my friend.” Aniya sa matigas na tinig.

Napahawak ito sa dibdib. “Ouch! You wound me, Rajinah. You wound me. My heart is breaking.” Kung hindi niya lang ito kilala mula pagkabata ay aakalain niyang nasaktan talaga ito.

Tumaas ang isang kilay niya sa sinabi nito. She rolled her eyes upward. “Ang OA mo, hindi bagay sa’yo.”

“Ikaw lang ang nagsabi sa akin ng ganyan.”

“What? That you’re OA?” hindi na yata bababa ang isang kilay niya kapag ito ang kausap niya.

“Yes. No one referred to me as overreacting, you know. Gwapo, pwede pa. Marami ng nakapagsabi sa ‘kin ng ganu’n.” Itinaas-taas pa nito ang mga kilay nito bilang pang-aasar sa kanya.

“Hindi ka rin talaga mayabang, ano?” kung toro lang siya ay tiyak na sumisingasing na naman ang ilong niya.

He clicked his tongue. “Mali ka na naman d’yan. I’m not boasting anything that is not obvious on my physical features. I’m just telling the truth,”pinaliyad pa nito ang dibdib.

Saglit siyang hindi nagsalita. Tiningnan niya lang ito.

“Yeah, right.” Kapagkuwan ay balewalang sagot niya rito, puno ng sarkasmo ang tinig. Pinilit niya ang sarili na ‘wag nang pahabain pa ang sagot dito. Ayaw niyang bigyan ito ng dahilan o kahit na ano pang mapag-uusapan para pahabain ang usapan nila.

Tila naman naramdaman iyon ng lalaki. Unti-unting nabura ang malapad na ngisi na kanina pa nakapaskil sa bibig nito. Tumikhim ito na tila nag-aalis ng bara sa lalamunan. Tapos ay diretso itong tumingin sa kanya. At sa tinig na walang bahid ng anumang pambubuska ay sinabing, “So, are you enjoying the party?”

Nabitin sa ere ang akmang pagkuha niya ng chicken cordon bleu. May kunot sa noo na ipinihit niya ng katawan paharap dito. Bigla ay nabaghan siya sa biglang pagbabago ng mood nito. Is he being serious right now? Her eyes scanned his face. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. Hindi siya sigurado kung ano na naman ang pakulong iniluluto ni Kenzo ngunit isang bagay ang natiyak niya ng titigan niya ang mga mata nito. He was serious right now.

Pero hindi siya nagpatinag. Hindi siya dapat magpadala sa saglit nitong pag-iiba ng pakikitungo sa kanya. Hindi siya dapat maging mahina sa harapan nito. Hindi niya data ipakita rito na may hatid na kakaibang emosyon sa kanya ang sandaling pagpapakita nito ng kaseryosohan. Nilunok niya ang tila bikig nab umara sa kanyang lalamunan. Pilit niyang pinanatili ang tigas sa kanyang tinig. “Honestly?”

“Uh-huh.” Marahan itong tumango. Nasa kislap ng mga mata nito ang pag-asa na wari ba inaasahan nitong ang magiging sagot niya ay pagpapatibay lamang sa inaakala nitong positibo niyang sagot.

“No.” matigas ang tinig na sagot niya.

Bumakas ang pagkadismaya sa buong mukha nito. He mulled her words for a little while before he asked again. “Even just a little?”

Umiling siya. Walang ano mang emosyon ang makikita sa sa kanyang mukha.

“Oh… I see,” tumango-tango ito.

Pansin niya na parang bumagsak ang balikat nito. Parang bigla itong nalungkot. Dahil ba sa sagot niya? No, hindi ‘yon mangyayari!

Kailan pa ito naapektuhan ng presensiya niya? Bukod sa kaligayahan na tiyak niyang nakukuha nito tuwing inaasar siya? At ano ba ang nakakalungkot sa isinagot niya? Nagsasabi lang din naman siya ng totoo. Ayaw niyang magkunwari. Why would she sugarcoat her words, anyway? He didn’t deserve to hear such pleasant words coming out of her mouth. Maswerte pa nga ito at kinakausap niya ito.

“Why do you even care if I’m having fun here in your party or not? Does it even matter to you? If I know, you really didn’t want me to be here—”

“But it does! It does matter to me!” sansala agad nito sa sinabi niya. Bahagya pa siyang nagulat dahil bahagyang tumaas ang tinig nito. Inis ba ang nahihimigan niya sa tono nito?

Wait a minute! Is he mad at me? Nagsisimula na namang umusok ang kanyang ilong habang mataman siyang nakatingin dito.

Tama siya.

Tama ang kutob niya.

Hindi talaga totoo ang ipinakita nitong pagiging disente sa pakikitungo sa kanya. Padabog na muli niyang dinampot ang serving spoon at muling hinarap ang buffet table. Wala na siyang pakialam pa rito. Kahit pa sabihan siya nito ng bastos, hindi na niya ito haharapin pang muli. Ngunit hindi pa man siya nakakasandok ng putaheng naibigan niya ay nagsalita na naman ulit ito. Pabiglang bumaling siya paharap dito.

“You know, I’m really glad you came tonight. Akala ko kanina hindi ka na darating. Sino ba naman ako, hindi ba? Hindi naman ako mahalaga sa buhay mo. Ako lang naman ang tao na hindi mo gugustuhing makita kahit kailan. I always ruin your day—”

“Mabuti naman at alam mo.” Putol niya sa sinasabi nito.

He chuckled, though, it sounded off to her. She just couldn’t put her finger on it but she was sure that Kenzo was up to something. Something was different about him tonight.

Her eyes trailed back to Kenzo’s face again. Hindi sinasadyang tumingin din ito sa kanya. Sandali silang nagkatitigan. Ito ang unang nagbawi ng tingin. Then, he smiled sheepishly. Napahaplos ito sa batok nito. Was he actually nervous?

“Anyway, as I was saying, I thought that maybe you’re too busy with your work. I know that you’re quite occupied right now. But here you are,” pagpapatuloy nito, tila hindi man lang naapektuhan sa sinabi niya. “Thank you for coming. I really appreciate you coming here to my party. And it’s really important to me, especially that this day is my birthday. Sobrang saya ko na nandito ka ngayon, nakikisaya sa party ko. You made my night.”

Kaugnay na kabanata

  • The Day I Fell In Love With You   CHAPTER 7

    NAPAMULAGAT si Rajinah sa lalaking kanyang kaharap. “W-what did you just say?” nabuhol pa ang dila niya sa pagtatanong.Hindi niya mapaniwalaan ang mga katagang lumabas sa bibig nito. Maang na napatitig siya sa mukha nito. Matagal na niya itong kilala kaya naman alam na alam na niya ang kahulugan ng bawat ekspresyong gumuguhit sa mukha nito. At sa sandaling iyon, hindi niya makita ang ano mang bahid ng panunukso na natural na yatang nakapaskil sa mukha nito. Nagsusumigaw sa anyo nito ang damdaming nakapaloob sa mga katagang sinambit nito. Hindi ito nagbibiro. At wala siyang diperensiya sa pandinig. Malinaw na malinaw niyang naintindihan ang sinabi nito.Sa kanyang pagkabigla, bigla bumunghalit ng tawa ang lalaki, buo at puno ng kasiyahan. Bagay na lalong nagpalaglag sa kanyang panga. Isang klaseng tawa lang ang palagi niyang naririnig mula rito—mapang-asar at puno ng sarkasmo.“Ang dami ko nang sinabi, alin doon ang uulitin ko?” lalong lumabas ang pagkasingkit nito sa kakatawa.“Err…

    Huling Na-update : 2025-02-18
  • The Day I Fell In Love With You   CHAPTER 1

    HALOS magli-limang oras na siyang nakaharap sa monitor ng kanyang personal computer pero sa malas ay wala pa ring pumapasok kahit na kaunting ideya sa utak niya. Kung naiba lamang ang pagkakataon, siguradong hindi ganito ang sitwasyon niya. Normally, she would have already written, at least, half of the pages of the whole book with the same given amount of time. At best, she could even be finished the whole book.Ngunit tila yata may ibang ‘plano’ ang tadhana para sa kanya.Ano ba’ng nangyayari sa akin? Bakit blangko ang isip ko ngayon? Hindi pwedeng mangyari ito! Hindi pwede! Nagngingitngit ang kanyang kalooban. “Think, Rajinah! Think!” utos niya sa sarili, mariing magkalapat ang kanyang mga ngipin dahil sa gigil na nararamdaman niya para sa kanyang sarili. At kung maaari lang, gusto niya ring kutusan ang sarili. “You can’t go on like this! You have a deadline that you have to meet! Hindi pwede itong nangyayari sa’yo! Kailangang gumana ng utak mo ngayon! You need to focus! F

    Huling Na-update : 2025-02-02
  • The Day I Fell In Love With You   CHAPTER 2

    Tahimik pa rin siyang lumabas ng kanyang kwarto at tinahak ang hagdan pababa ng kanilang tahanan.Nahagip ng kanyang mata ang bilog na orasan na nakasabit sa dulo ng hagdan malapit sa pasilyo papunta sa kanilang kusina. It was past 2 o’clock in the afternoon. Wala sa loob na napahawak siya sa tiyan. Humpak na humpak iyon. Dalawang oras pala ng pagkain ang nalipasan niya? Yet, surprisingly, she couldn’t feel any hunger—As if on cue, her stomach grumbled like it was protesting its own sentiments.Mahina siyang napatawa. Oops! I didn’t know I was this hungry.“I heard that my dear daughter,”Napapitlag siya nang biglang may magsalita. Pagkatapos ay sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi.She loved to hear that voice—always. Bigla siyang nakaramdam ng pagbukal ng sari-saring emosyon sa kanyang dibdib. Emotions that she never thought she kept inside because she was agitated that she couldn’t even write a single sentence to start her story.Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata. Bigla niya

    Huling Na-update : 2025-02-02
  • The Day I Fell In Love With You   CHAPTER 3

    NAPAISMID siya.Nakalimutan niya na ngayon ang birthday ng pinakakinaiinisan niyang tao sa buong mundo, ang mortal niyang kaaway—si Kenzo Tanaka Martinez. Ito ang mayabang at palikerong inaanak ng mommy niya sa matalik nitong kaibigan mula pa noong highschool na si Karina Tanaka Martinez.Marahil sa sobrang dami ng ginagawa niya kaya nawala na sa isip niya ang araw ng kaarawan ng binata. But who cares? Ano ba ang pakialam ko kung birthday ngayon ng mokong na iyon? He can always celebrate it anytime he wants to. Kahit araw-araw pa. As if namang aabangan ko iyon with open arms ‘no. Hmp! “Halika nga rito.” Napukaw ng tinig ng kanyang ina ang kanyang diwa. Ikinawit nito sa direksyon niya ang hintuturo nito. “Ang mabuti pa, tulungan mo akong ilagay sa box ang cupcakes na ito, habang nagpapahinga ka.”Napamulagat siya sa ina. “What? Mommy naman! Paano ako makakapagpahinga n’yan kung may ipapagawa naman kayo sa akin,”“Don’t fuss anymore, Rajinah. Wala ka rin namang magagawa kundi ang sumun

    Huling Na-update : 2025-02-02
  • The Day I Fell In Love With You   CHAPTER 4

    “DO I REALLY need to attend that party? Kailangan ba ako roon? Ano ba’ng magandang maidudulot ng pagpunta ko sa party na ‘yon? Mas dapat kong unahin ang trabaho ko.”Sa totoo lang ay inis na inis na siya. And being ‘annoyed’ was not enough a word to describe what she felt. She was beyond ‘annoyed’. Hindi mahagip ng isip niya kung ano ang puntong lohikal sa ginagawang pangungulit ng mommy niya sa kanya. Alam naman nitong marami siyang kailangan na tapusin ngayon sa kanyang trabaho, pero parang bingi at bulag ito sa mga pakiusap niya. Idagdag pa na para bang nag-aasal ‘bata’ na ito sa ginagawa nito. At iyon ang lalong hindi niya maunawaan.Her mother’s hand frozed midway as she was about to apply lipstick on her lips. Nakapamaywang na hinarap siya nito. “Bakit ba ang dami mong dahilan, Rajinah? Pwede mo namang gawin ‘yang pagsusulat mo bukas. Napakaraming alternatives ang pwede mong pagpilian para hindi ka magahol sa oras.”“Kung meron nga po ba akong naiisip, eh, ‘di sana nagawa ko na

    Huling Na-update : 2025-02-02
  • The Day I Fell In Love With You   CHAPTER 5

    NAKAPANGALUMBA si Rajinah habang mag-isang nakaupo sa lamesa na kani-kanina lamang ay inookupa ng buong pamilya niya. Pagkadating pa lamang nila sa party ay halos hindi na mapakali ang mga ito. She knew that they were all excited. But for what? She found their actions a little weird because it’s not the first time to attend Kenzo’s birthday party. Isa pa, hindi lang naman tuwing kaarawan ni Kenzo nagkakaroon ng ganitong pagdiriwang sa tahanan ng mga Martinez. Sa lahat ng okasyon sa buhay ng mga ito ay kabilang sila. Kaya ganoon na lang ang pagtataka niya kung bakit parang bagong karanasan ang gabing ito para sa pamilya niya. Lalo na para sa kanyang mga magulang.Isang buntong-hininga na naman ang kanyang pinakawalan.Kahit hindi siya tumingin sa salamin, alam niyang hindi maganda ang timpla ng kanyang mukha. Pansin niya iyon sa mga dumadaan sa harap niya na may nakahandang ngiti ngunit agad dinnamang hahakbang paatras, palayo sa kanya, kapag nabistahan na ang kanyang mukha. Wala na si

    Huling Na-update : 2025-02-06

Pinakabagong kabanata

  • The Day I Fell In Love With You   CHAPTER 7

    NAPAMULAGAT si Rajinah sa lalaking kanyang kaharap. “W-what did you just say?” nabuhol pa ang dila niya sa pagtatanong.Hindi niya mapaniwalaan ang mga katagang lumabas sa bibig nito. Maang na napatitig siya sa mukha nito. Matagal na niya itong kilala kaya naman alam na alam na niya ang kahulugan ng bawat ekspresyong gumuguhit sa mukha nito. At sa sandaling iyon, hindi niya makita ang ano mang bahid ng panunukso na natural na yatang nakapaskil sa mukha nito. Nagsusumigaw sa anyo nito ang damdaming nakapaloob sa mga katagang sinambit nito. Hindi ito nagbibiro. At wala siyang diperensiya sa pandinig. Malinaw na malinaw niyang naintindihan ang sinabi nito.Sa kanyang pagkabigla, bigla bumunghalit ng tawa ang lalaki, buo at puno ng kasiyahan. Bagay na lalong nagpalaglag sa kanyang panga. Isang klaseng tawa lang ang palagi niyang naririnig mula rito—mapang-asar at puno ng sarkasmo.“Ang dami ko nang sinabi, alin doon ang uulitin ko?” lalong lumabas ang pagkasingkit nito sa kakatawa.“Err…

  • The Day I Fell In Love With You   CHAPTER 6

    NAKATAYO si Rajinah sa harap ng buffet table at matamang nag-iisip kung ano ang mga pagkaing kukunin niya. Natatakam siya habang isa-isang sinisipat ang mga pagkain sa buffet.“Ano kayang masarap kainin?” bulong niya sa sarili. Sa sobrang dami kasi ng pagpipiliang pagkain ay hindi niya maintindihan ang uunahin.“Having a hard time choosing what to eat?”Walang anu-ano ay biglang may nagsalita sa tabi niya. Kung magugulatin lang siya ay baka nabitawan na niya ang hawak niyang plato at kubyertos. Mabuti na lang at hindi siya ganoon madaling masindak. Isa pa, talagang gutom na siya kaya walang kahit sino o ano man ang makakapag-alis ng kanyang atensyon sa mga masasarap ng putahe na nasa kanyang harapan.Lihim siyang napaismid.Kahit kasi hindi siya lumingon ay sigurado-sigurado siya kung sino ang nagmamay-ari ng tinig na iyon. Tikhim pa lang nito ay kilala na niya agad. Ang pinakahuling taong nanaisin niyang makita kahit pa siguro katapusan na ng mundo at dahilan kung bakit hindi niya ma

  • The Day I Fell In Love With You   CHAPTER 5

    NAKAPANGALUMBA si Rajinah habang mag-isang nakaupo sa lamesa na kani-kanina lamang ay inookupa ng buong pamilya niya. Pagkadating pa lamang nila sa party ay halos hindi na mapakali ang mga ito. She knew that they were all excited. But for what? She found their actions a little weird because it’s not the first time to attend Kenzo’s birthday party. Isa pa, hindi lang naman tuwing kaarawan ni Kenzo nagkakaroon ng ganitong pagdiriwang sa tahanan ng mga Martinez. Sa lahat ng okasyon sa buhay ng mga ito ay kabilang sila. Kaya ganoon na lang ang pagtataka niya kung bakit parang bagong karanasan ang gabing ito para sa pamilya niya. Lalo na para sa kanyang mga magulang.Isang buntong-hininga na naman ang kanyang pinakawalan.Kahit hindi siya tumingin sa salamin, alam niyang hindi maganda ang timpla ng kanyang mukha. Pansin niya iyon sa mga dumadaan sa harap niya na may nakahandang ngiti ngunit agad dinnamang hahakbang paatras, palayo sa kanya, kapag nabistahan na ang kanyang mukha. Wala na si

  • The Day I Fell In Love With You   CHAPTER 4

    “DO I REALLY need to attend that party? Kailangan ba ako roon? Ano ba’ng magandang maidudulot ng pagpunta ko sa party na ‘yon? Mas dapat kong unahin ang trabaho ko.”Sa totoo lang ay inis na inis na siya. And being ‘annoyed’ was not enough a word to describe what she felt. She was beyond ‘annoyed’. Hindi mahagip ng isip niya kung ano ang puntong lohikal sa ginagawang pangungulit ng mommy niya sa kanya. Alam naman nitong marami siyang kailangan na tapusin ngayon sa kanyang trabaho, pero parang bingi at bulag ito sa mga pakiusap niya. Idagdag pa na para bang nag-aasal ‘bata’ na ito sa ginagawa nito. At iyon ang lalong hindi niya maunawaan.Her mother’s hand frozed midway as she was about to apply lipstick on her lips. Nakapamaywang na hinarap siya nito. “Bakit ba ang dami mong dahilan, Rajinah? Pwede mo namang gawin ‘yang pagsusulat mo bukas. Napakaraming alternatives ang pwede mong pagpilian para hindi ka magahol sa oras.”“Kung meron nga po ba akong naiisip, eh, ‘di sana nagawa ko na

  • The Day I Fell In Love With You   CHAPTER 3

    NAPAISMID siya.Nakalimutan niya na ngayon ang birthday ng pinakakinaiinisan niyang tao sa buong mundo, ang mortal niyang kaaway—si Kenzo Tanaka Martinez. Ito ang mayabang at palikerong inaanak ng mommy niya sa matalik nitong kaibigan mula pa noong highschool na si Karina Tanaka Martinez.Marahil sa sobrang dami ng ginagawa niya kaya nawala na sa isip niya ang araw ng kaarawan ng binata. But who cares? Ano ba ang pakialam ko kung birthday ngayon ng mokong na iyon? He can always celebrate it anytime he wants to. Kahit araw-araw pa. As if namang aabangan ko iyon with open arms ‘no. Hmp! “Halika nga rito.” Napukaw ng tinig ng kanyang ina ang kanyang diwa. Ikinawit nito sa direksyon niya ang hintuturo nito. “Ang mabuti pa, tulungan mo akong ilagay sa box ang cupcakes na ito, habang nagpapahinga ka.”Napamulagat siya sa ina. “What? Mommy naman! Paano ako makakapagpahinga n’yan kung may ipapagawa naman kayo sa akin,”“Don’t fuss anymore, Rajinah. Wala ka rin namang magagawa kundi ang sumun

  • The Day I Fell In Love With You   CHAPTER 2

    Tahimik pa rin siyang lumabas ng kanyang kwarto at tinahak ang hagdan pababa ng kanilang tahanan.Nahagip ng kanyang mata ang bilog na orasan na nakasabit sa dulo ng hagdan malapit sa pasilyo papunta sa kanilang kusina. It was past 2 o’clock in the afternoon. Wala sa loob na napahawak siya sa tiyan. Humpak na humpak iyon. Dalawang oras pala ng pagkain ang nalipasan niya? Yet, surprisingly, she couldn’t feel any hunger—As if on cue, her stomach grumbled like it was protesting its own sentiments.Mahina siyang napatawa. Oops! I didn’t know I was this hungry.“I heard that my dear daughter,”Napapitlag siya nang biglang may magsalita. Pagkatapos ay sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi.She loved to hear that voice—always. Bigla siyang nakaramdam ng pagbukal ng sari-saring emosyon sa kanyang dibdib. Emotions that she never thought she kept inside because she was agitated that she couldn’t even write a single sentence to start her story.Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata. Bigla niya

  • The Day I Fell In Love With You   CHAPTER 1

    HALOS magli-limang oras na siyang nakaharap sa monitor ng kanyang personal computer pero sa malas ay wala pa ring pumapasok kahit na kaunting ideya sa utak niya. Kung naiba lamang ang pagkakataon, siguradong hindi ganito ang sitwasyon niya. Normally, she would have already written, at least, half of the pages of the whole book with the same given amount of time. At best, she could even be finished the whole book.Ngunit tila yata may ibang ‘plano’ ang tadhana para sa kanya.Ano ba’ng nangyayari sa akin? Bakit blangko ang isip ko ngayon? Hindi pwedeng mangyari ito! Hindi pwede! Nagngingitngit ang kanyang kalooban. “Think, Rajinah! Think!” utos niya sa sarili, mariing magkalapat ang kanyang mga ngipin dahil sa gigil na nararamdaman niya para sa kanyang sarili. At kung maaari lang, gusto niya ring kutusan ang sarili. “You can’t go on like this! You have a deadline that you have to meet! Hindi pwede itong nangyayari sa’yo! Kailangang gumana ng utak mo ngayon! You need to focus! F

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status