HALOS magli-limang oras na siyang nakaharap sa monitor ng kanyang personal computer pero sa malas ay wala pa ring pumapasok kahit na kaunting ideya sa utak niya. Kung naiba lamang ang pagkakataon, siguradong hindi ganito ang sitwasyon niya. Normally, she would have already written, at least, half of the pages of the whole book with the same given amount of time. At best, she could even be finished the whole book.Ngunit tila yata may ibang ‘plano’ ang tadhana para sa kanya.Ano ba’ng nangyayari sa akin? Bakit blangko ang isip ko ngayon? Hindi pwedeng mangyari ito! Hindi pwede! Nagngingitngit ang kanyang kalooban. “Think, Rajinah! Think!” utos niya sa sarili, mariing magkalapat ang kanyang mga ngipin dahil sa gigil na nararamdaman niya para sa kanyang sarili. At kung maaari lang, gusto niya ring kutusan ang sarili. “You can’t go on like this! You have a deadline that you have to meet! Hindi pwede itong nangyayari sa’yo! Kailangang gumana ng utak mo ngayon! You need to focus! F
Last Updated : 2025-02-02 Read more