Paalala: Ang kuwentong ito ay isang kathang-isip lamang. Anuman ang inyong mababasa ay huwag tularan. Panimula: Ngunit ang lahat ay nagbago nang isang araw, napilitan siyang magtungo sa police station dahil nasangkot ang kanyang kapatid sa isang gulo sa bar. Doon, isang babaeng pulis ang umagaw ng kanyang atensyon. S'ya si Kurt John McCain, isang multi-billionaire na business tycoon, ay kilala hindi lang sa kanyang yaman kundi pati sa kanyang nakamamanghang hitsura—matangkad, makisig, at ang kanyang ngiti ay sapat na para mawalan ng ulirat ang sinumang babae. Ngunit para sa kanya, ang mga babae ay walang iba kundi panandaliang libangan. Walang puwang ang seryosong relasyon sa kanyang abala at marangyang buhay. Para sa kanya, ang mga ito ay parang laro lamang—walang emosyon, walang komplikasyon. Ang lahat ay laro lamang. Si SPO 3 -Althea Perez, isang dedikadong policewoman, ay hindi lang mahusay sa kanyang tungkulin kundi kilala rin sa kanyang kagandahan, kaseksihan, at kabutihang-loob. Ngunit sa kabila ng pagiging pulis, marunong din siyang magpatawa at makibagay. Lihim niyang binabalanse ang buhay sa pamamagitan ng pagraraket sa palengke upang suportahan ang kanyang pamilya. Bagamat maamo ang kanyang hitsura, huwag kang magkakamali—hindi siya aatras sa sinumang nagtatangkang umabuso sa kanyang prinsipyo. Isang araw, nasapak niya ang isang mayabang na lalaki na nagdulot ng kanyang pagkawala ng malay. Ang mayabang na lalaki? Walang iba kundi si Kurt. Ano ang kahihinatnan ng pagtatagpo ng dalawang taong magkaibang-magkaiba ang mundo? Paano mababago ng isang policewoman ang buhay ng isang businessman na walang pakialam sa pag-ibig? Abangan ang kwento ng dalawang magkaibang katauhan na pinagbuklod ng kapalaran.
View MoreChapter 28Brandon POVHindi ko napigilang tanungin si Kurt habang naglalakad kami papunta sa kwarto nina Darren."Bro, nasa ’yo pa ba ‘yung singsing na pinagawa mo sa akin noon?" tanong ko sa kanya."Alin doon?" sagot niya."’Yung may ukit ng pangalan mo.""Ah, oo. Nasa daliri ko pa. Bakit?" sagot niya habang tinitingnan ang kamay niya."Patingin nga ulit?"Tinanggal niya ang singsing at iniabot sa akin habang patuloy kami sa paglalakad. Tinitigan ko ito ng mabuti.Sabi ko na nga ba...---Kurt's POVMedyo paika-ika akong lumapit sa kanila. Tinanong ako ni Brandon kung ayos lang ako. Tiningnan ko si Althea—nakakunot ang noo at masama ang tingin sa akin—kaya napilitan akong magsinungaling.Bigla naming narinig si Angie mula sa balkonahe. Tinatawag niya si bb loves ko at parang nagmamadali. Akala ko sa pinto siya dadaan, pero nagulat ako nang sa hagdan pala umakyat—diretso sa kwarto ng mag-asawa. Napamura ako sa gulat. Ang bilis niyang kumilos, ilang sandali lang ay nasa itaas na siya.
Chapter 27Habang nagbibihis ako, hindi ko maiwasang mailang. Ang suot ko ay sobrang revealing — litaw na litaw ang katawan ko. Buti na lang at kahit papaano ay maayos ang hubog ng katawan ko."Thea, halika na!" tawag ni Angie."Wait lang!" sagot ko. Sumilip muna ako sa pintuan bago lumabas.Paglabas ko, sabay-sabay silang napatingin."Wow!" sabay nilang sabi."Pwede bang isuot ko na lang itong bathrobe?" tanong ko, nahihiya."Sige, kung yan ang gusto mo," sagot ni Kayla. "Pero sure ako, may mai-in love talaga ngayong gabi!""Ano raw?" tanong ko, kunot-noo."Ah, wala! Tara na!" sagot ni Angie, sabay hagikgik.Pagdating namin sa pool, may ilang mga bisitang lalaki na naliligo na. Mga kaibigan daw ni Darren, asawa ni Kayla. Napansin ko rin si Mr. Asungot — may kausap siyang babae. Hindi ko mapigilang mapailing."Tsk. Mas maganda pa naman ako dyan," sabi ko sa isip ko.Pero agad kong pinalis ang ideyang ‘yon. Ano bang paki ko kung may kausap siya? Hindi ako nagseselos! Never!Naputol ang
Chapter 26Althea POVAndito kami ngayon sa bahay ni Kayla. Pagpasok namin, agad naming tinanggal ang aming mga jacket. Hindi na kami nakapagbihis kaya naka-uniform pa rin kami. Dahil doon, napansin ko ang mga tingin ng mga tao sa amin. Medyo naasiwa ako sa atensyon."Pasensya na, Kayla. Hindi na kami nakapagpalit ng damit," sabi ko, medyo nahihiya."Ayos lang! Astig nga kayo. Imagine, may BFF akong SPO3 at SPO2!" sagot ni Kayla na tila proud pa. "Halika, ipakikilala ko kayo sa mister ko."Sumunod lang kami sa kanya hanggang makarating kami sa sala."Hello, guys! Meet my BFFs — SPO3 Althea Perez at SPO2 Angie Andrade. Sila pala ang mga kaibigan ng asawa ko," aniya, sabay hawak sa braso ng kanyang mister. "Ito naman ang honeybee ko, si Darren."Hinalikan niya ito sa labi, na parang wala kaming ibang tao roon. Sa tabi nila, may tatlong lalaking nakaupo."Sila naman sina Jason, Brandon at— wait, asan si Kurt?" tanong niya."May sinasagot na tawag sa labas. Parang may hinihintay siya," sa
Chapter 25Angie POVNasa bahay na kami ni Kayla, at ang ganda ng kanyang mansyon! Maraming tao ang nagkakasiya-siya rito. Nagtanong kami sa isang kasambahay niya, "Excuse me, miss. Andyan ba ang bday celebrant?" "Opo, ma'am," sagot niya. "Pwede makisuyo pa, palabasin dito. Sabihin mo, andito sina Althea at Angie." Pumasok na siya sa loob, at hindi nagtagal, bumungad sa amin si Kayla na malaki na ang tiyan. Parang kabuwanan na niya ngayong buwan."Ay, mga bruha, buti naisipan ninyong puntahan ako," sabi niya, na may halong katatawanan. "Hehehe, laman mo naman ang trabaho namin," sagot ni Thea. Tinawanan lang namin ito habang papasok kami sa loob, at nagkukuwentuhan pa kami."Buti at hindi ninyo nakalimutan ang bday ko. Katulad noong kasal ko, alam ninyo ang lungkot ko noon dahil hindi kayo nakasipot," sabi ni Kayla. "Sorrr, Kayla, may biglaang operation kasi," sagot ni Althea. "Okey lang, ipakilala ko sa inyo ang asawa ko at ang mga kaibigan niya. Sigurado akong may mapupusoan kayo do
Chapter 24Althea PovApat na araw na ang lumipas mula nang suntukin ko ang lalaking ‘yun sa palengke, pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako maka-move on.Eh, sinong makaka-move on agad kung kinabukasan lang, may natanggap na akong bulaklak, tsokolate, at teddy bear? Paulit-ulit pa akong tinutukso ng mga kasamahan ko, kesyo may secret admirer daw ako.At ang pinaka-malupit? Kumalat sa internet ang video ng insidenteng ‘yun! May nakita pa akong isang clip kung saan ang lalaking sinuntok ko, nasa kwarto niya at paulit-ulit binibigkas ang pangalan ko. Anong kabaliwan ‘to?!Pagpasok ko sa opisina, agad na bumungad sa akin ang panibagong bouquet ng bulaklak sa desk ko. Napasimangot ako. Hindi ko talaga type ang bulaklak—para lang ‘yan sa mga taong nagmamahalan.Kinuha ko ang bouquet, balak sanang itapon, pero sayang naman. Kaya inilapag ko na lang sa gilid ng table ko bago tinawagan ang isa kong tauhan."Ms. SPO2 Andrade, hali ka muna."Agad siyang lumapit at nag-saludo bago nagsalita."M
Chapter 23Darren POV"Patay na, nagalit ang dragon!" bulong ko sa sarili ko habang nagmamadali kaming tatlo na tumakbo palabas ng silid.Ang totoo, ako ang may pakana ng pag-upload ng video. Kinuhaan ko kasi si Kurt nang sinuntok siya ni Althea sa palengke. Pagkakita ko ng video, agad kong ipinakita kina Brandon at Jason, at syempre, ano pa bang aasahan ko? Pinilit nila akong i-upload ito. At dahil napakagaling kong kaibigan, sumang-ayon ako.At hindi ko inakala na magiging viral agad!Maraming comments ang nagsasabing “Astig ni girl!” at may iba pang “Akin ka na lang, pogi!” na parang inaagaw si Kurt. Ang saya basahin, pero siguradong hindi magiging masaya si Kurt kapag nalaman niya.Pagdating namin sa sala, nagtatawanan kami nang biglang..."At tinatawanan niyo pa talaga ako?"Nanigas kami sa kinatatayuan namin.Dahan-dahan kaming lumingon, at nakita namin si Kurt na nakatayo sa likuran namin, nakapamewang, at nakakunot ang noo.Wala kaming masabi.Nagkatinginan kaming tatlo."Buti
Chapter 22 Kurt POV "Ahhhh... ang sakit ng panga ko!" Napangiwi ako sa sakit habang hinahawakan ang mukha ko. Parang tinanggalan ako ng ngipin sa lakas ng suntok ni Althea. Nagsimula nang bumalik sa isip ko ang nangyari kanina—ang pagtungo ko sa palengke, ang pakikipag-usap ko sa kanya, at… shit! Napamura ako nang mapagtanto ang mga pinagsasabi ko sa kanya. "Fuck! Fuck! Fuck! Ang tanga ko!" Sa sobrang lakas ng sigaw ko, biglang bumangon ang tatlo kong kaibigan. "Shit!" "Ouch! Fuck you, Kurt!" reklamo ni Jayson na ngayon ay nasa sahig matapos mahulog sa kama. "Bakit ba ang lakas ng boses mo?" Nakasimangot na tanong ni Brandon habang hinihilot ang sintido niya. "Nabalian ata ako ng buto..." daing naman ni Darren, kunwari pang kinakapa ang braso niya. "Tsk! Bakit ba kayo natulog dito?" tanong ko habang hinihimas pa rin ang panga ko. "Wow ha! Hindi man lang nag-thank you!" sagot ni Darren, kunwari pang na-offend. Napatingin ako sa kanila, lalo na kina Jason at Brandon. Ano ban
Chapter 21Darren POVNagpasama sa akin si Kurt sa Aurora Market. May mahalaga daw siyang gagawin doon, kaya kahit nagtataka ako, sinamahan ko na lang siya. Alam kong hindi niya gusto ang amoy ng palengke, kaya lalo akong nagduda kung ano talaga ang sadya niya.Habang naglalakad kami, nauna siya ng bahagya sa akin. Dahil andito na rin naman ako, naisip kong bumili na lang ng mga kailangan para sa misis ko. Matapos akong mamili, natanaw ko si Kurt na nakatitig sa isang policewoman. Napailing ako—hindi na ako nagulat. Mukhang ito pala ang tunay niyang pakay dito.Sinipat ko ang babae. Maganda siya. Singkit ang mata, mapupula at manipis ang labi, matangos ang ilong, at may magandang hugis ang kanyang mukha. Pero siyempre, para sa akin, mas maganda pa rin ang misis ko.Nang marinig ko ang mga pinagsasabi ni Kurt, napa-facepalm na lang ako. Hindi talaga marunong dumiskarte ang mokong. Sa halip na ligawan nang maayos, mas lalo pang nainis sa kanya ang babae.Tapos, bago ko pa siya mapigilan
Chapter 20Althea POVInis na inis ako sa lalaking ito!Habang nagmamaneho ako ng motor pabalik sa presinto, hindi ko mapigilan ang iritasyon ko sa kakulitan ni Kurt. Ano ba ang problema ng lalaking ‘yon? Akala niya ba maiinis ako sa pambobola niya? Ha! Hindi niya ako kilala.Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni-muni nang biglang may anim na lalaki ang humarang sa daan ko. Agad akong nagpreno, bumaba sa motor, at tinanggal ang helmet ko. Napansin kong nagkatinginan sila, at halatang nagulat sa itsura ko."Mga pare, kung ganito kaganda ang gugulpihin natin, aba, mas mabuti pang dalhin na lang natin ‘to sa kama!" isa sa kanila ang natawa habang tumingin sa mga kasama niya."Oo nga! Baka mag-enjoy pa tayo."Napailing ako. Mga walang modo."Tsk..." Napangisi ako nang mapang-akit. "Sige. Kung matamaan ninyo ako kahit isang beses, bibigay ako sa inyo."Nagkatinginan sila na parang mga hayok na aso. Mukhang gustong-gusto nila ang ideya ko."Pero..." tinuloy ko, pinatagal ang suspense. "Kung hin
Chapter 01 Kurt POV Nasa kalagitnaan ako ng isang mahalagang meeting sa boardroom. Ang tension sa loob ng kwarto ay ramdam na ramdam, at ang mga board members ay tahimik na nakaupo, tila naglalakad sa manipis na linya. Pero hindi ko alintana ang katahimikan—galit ako, at hindi ko ito itinatago. "Can someone explain to me," malamig kong sabi habang nanglilisik ang aking matang tinitigan ang mga nakaupo, "kung paano nawala ang two million dollars sa kompanya?!" Ang boses ko ay malamig pero puno ng galit. Alam nilang hindi ako pumapayag sa ganitong klaseng kapabayaan. Ang chief accountant, si Mr. Hensley, ay tumikhim at sinubukang ipaliwanag. "Sir, we're still investigating the discrepancy. It seems to be an internal—" hindi ko ito pinatapos magsalita. "Incompetence! That's what this is," putol ko sa kanya, ang boses ko'y tumaas. "Two million dollars don't just vanish into thin air. If no one finds out who’s responsible, lahat kayo mawawalan ng trabaho!" galit kong sigaw. K...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments