Chapter 06
Tumawa ako nang bahagya, isang ngiti na puno ng kasiyahan. "Naiintindihan ko na, Hensley. Kung ikaw mismo ang magbibigay ng lahat ng impormasyon, hihilingin ko sa mataas na opisyal na magbigay ng proteksyon. Pero, tandaan mo, wala nang daan pa para umatras. Pagkatapos mong magsalita, wala nang kaligtasan na makakamtan kung magsisinungaling ka pa." Nanatili siyang tahimik, ngunit ang takot at ang realization na tumama sa kanya ay nagsilbing hudyat na hindi na siya makakapagbalik-loob sa kanyang nakaraan. "Ang hirap magtago ng lihim, hindi ba?" sabi ko, bahagyang napangiti sa kanyang pag-amin. "Sa huli, mas malaki ang mawawala sa'yo kaysa sa kung anong matamo mong pansamantalang proteksyon." Sinimulan niyang magsalita nang dahan-dahan, ngunit walang labis, walang kulang. Binanggit niya ang mga pangalan, mga operasyon, at mga detalye ng kanyang mga transaksyon. Ang bawat salita na lumabas sa bibig niya ay parang pako sa kabaong ng kanyang krimen. At habang siya ay patuloy na nagsasalita, napansin ko na ang ngiti ko'y hindi na lamang pagpapakita ng kasiyahan kundi isang marka ng tagumpay. Isang tagumpay na ang bawat tanong at sagot ay magbibigay ng kabayaran sa lahat ng kasalanan ng mga tao tulad niya. Siniwalat nito na pinagbantaan siya na papatayin ang kanyang pamilya kung nito gagawin. Ang isang kasabwat ay ang secretary ng CEO na si Mila. Habang patuloy na nagsasalita si Hensley, naging malinaw na ang lahat ng kanyang itinatagong lihim ay may mas madilim na dahilan. Huminto siya sandali, parang kinakabahan, at ang mga mata niya'y naguguluhan. Napansin ko agad ang pagbabago sa kanyang ekspresyon. "H-Huwag mong gawing mas mahirap ito para sa pamilya ko," sabi niya, ang boses niya'y may kabang naririnig ko sa bawat salita. "Pinagbantaan nila ako. Sabi nila, kung magsasalita ako, papatayin nila ang pamilya ko." Hindi ko maitatanggi ang naramdaman ko—ang kanyang takot ay hindi na lang simpleng taktika. May buhay na nakataya sa kanyang mga sinasabi. "At sino ang 'mga 'yan' na pinagbantaan ka?" tanong ko, hindi nagpapa-apekto sa kanyang desperasyon. "Ang kasabwat ko... si Mila," sagot niya, ang boses niya'y nag-alinlangan. "Si Mila, ang secretary ng CEO. Siya ang nagbigay ng direktiba sa mga tao niyang nang-threaten sa pamilya ko. Sila ang mga taong nagpapalakad ng lahat ng operations. Alam nila ang bawat galaw ko, at kung magsasalita ako, wala akong kakayahang protektahan ang pamilya ko." Ang pangalan ni Mila ay parang bomba na pumutok sa aking utak. Hindi ko inasahan na isang tao na may ganitong posisyon sa loob ng kumpanya—at sa malapit na paligid ng CEO—ay magiging bahagi ng malaking krimen. Ang bawat detalye na sinasabi ni Hensley ay naglalatag ng masalimuot na network ng mga kasabwat, at si Mila ay isa sa mga pangunahing tao sa likod nito. "Si Mila ang may koneksyon sa lahat ng ito?" tanong ko, ang galit ko ay pilit na pinipigilan, ngunit ang mga mata ko'y puno ng banta. "Siya ang nagpapalakad ng mga ilegal na operasyon na nangyayari sa kumpanya?" Tumango si Hensley, ang mukha niya'y puno ng takot. "Oo... Siya ang utak ng lahat ng ito. Hindi lang siya isang simpleng secretary. Siya ay isa sa mga pangunahing tao na nag-uutos ng lahat, pati na rin ang pagpaplano ng mga pagpatay at mga ilegal na gawain." Ang bigat ng revelation na iyon ay sumabog sa akin, at ang mga paboritong galit na nararamdaman ko ay hindi ko na kayang pigilan. Nandiyan na si Mila—isang tao na malapit kay CEO at kay Hensley—na may hawak ng mga lihim, ng mga pagpatay, at ng mga transaksyong ilegal. "Kung si Mila ang kasabwat," sabi ko, "ibig sabihin, may koneksyon siya sa mataas na tao. Hindi basta-basta ang mga operation na ito." Nagtuloy-tuloy si Hensley sa pagsasalita, inilahad ang bawat detalye, ang mga pangalan ng mga kasabwat at ang mga gawain nilang nag-uugnay kay Mila. Ipinapakita niya sa akin kung paanong ang mga operasyon na iniwasan ng ibang tao ay nakatago sa ilalim ng mga maskara ng kapangyarihan at pera. "Tutulungan ko kayo," sabi ko, sa wakas. "Pero hindi ako magbibigay ng proteksyon kung hindi ko makikita ang buo mong kooperasyon. Kailangan mong tapusin ang lahat ng ito, at sa paggawa nun, ikaw at ang pamilya mo ay magiging bahagi ng ating laban." Habang nagsasalita si Hensley, napansin ko na ang mga mata ko'y hindi na lang puno ng galit, kundi ng pagpaplano. Ang misyon ko ngayon ay mas malinaw—hindi lamang siya ang kailangang mapigilan kundi pati na rin si Mila at ang buong network na sumusuporta sa kanya. Habang nag-iisip siya, naramdaman ko ang tensyon sa hangin. Si Hensley ay tumitig sa mesa, ang mga kamay niya’y patuloy na kinakabahan sa pagkakahawak sa mga posas. Naramdaman ko na ang oras na ito ay hindi na lang tungkol sa kanya, kundi tungkol na sa buong operasyon—ang malaking panganib na dapat tapusin. "Kailangan ko ang lahat ng pangalan, Hensley," seryoso kong sabi, tinutok ang tingin sa kanya. "Hindi ko kayang magtiwala sa mga alingawngaw o kutob lang. Ang lahat ng mga tao sa likod ng lahat ng ito—lahat sila—kailangan mong pangalanan. Lahat ng kasabwat, mga kliyente, at mga taong may kinalaman sa krimen." Si Hensley ay nag-aatubili, ngunit alam niyang wala na siyang ibang pagpipilian. Tumagilid siya ng bahagya, tinitigan ako ng may pagka-pagsisisi. "Ang pangalan ng mga tao na may kinalaman sa lahat ng ito," nag-umpisa siyang magsalita, "si Mila... siya ang pinaka-mataas. Siya ang may kontrol sa buong operasyon. May kasabwat siya sa loob ng kumpanya, ang ilang board members, at pati na rin ang ilang mga tao sa ilalim ng mga CEO na hindi ko alam ang pangalan." Kinuha ko ang isang papel at nagsimulang magsulat habang si Hensley ay patuloy na nagsasalita. "Si Lucas," sabi niya, tinutukoy ang isang pangalan na hindi ko inaasahan. "Isa siyang high-ranking officer sa kumpanya. Siya ang may hawak ng mga transaksyong pera at siyang nagsusustento sa mga illegal na gawain. Siya ang nagpa-finance ng mga operasyon." Mabilis ko siyang tinanong, "Ilan pa?" "May isa pa," sagot ni Hensley, "si Fernando, isang lawyer na may koneksyon kay Mila. Siya ang nag-aayos ng mga legal na usapin para sa mga transaksyon at mga operasyon nila." Habang binanggit niya ang mga pangalan, napansin ko na ang mga detalye ay nagsisimulang magtugma-tugma. Ang mga piraso ng puzzle ay nagsisimulang magbuo ng mas malaking larawan. "Ang mga ito ba ang lahat?" tanong ko, tinatasa ang mga pangalan na nasa listahan ko. "Hindi," sabi niya, ang boses niya’y nag-aalangan. "May isa pang pangalan na hindi ko alam kung paano ito magkakaugnay sa lahat ng ito, pero isang tao sa pamilya ni Mila—si Daniel, isang miyembro ng pamilya na may posisyon din sa ibang negosyo nila."Chapter 07 Ang pangalan na iyon ay isang warning bell sa aking utak. Kung may pamilya si Mila na kasangkot, ibig sabihin ay may malalim pang koneksyon sa labas ng kumpanya—at maaaring magulo ang lahat kapag nasangkot ang pamilya. "Isang huling tanong, Hensley," sabi ko, ang tono ko’y naging malamig na parang yelo. "Paano mo pinanatili ang inyong relasyon kay Mila? May pagkakataon ba na natutuklasan mo na ang tunay niyang intensyon?" Pinagmumumog niyang sagot, "Mila... hindi siya basta-basta. Kung nakilala mo siya, maiintindihan mo na ang mga ginagawa niyang hakbang ay matagal nang naplano. Pero hindi ko kayang labanan siya, hindi ng mag-isa lang." "At ngayon, Hensley, ikaw ang naging biktima ng laro niyang iyon," sabi ko, natagpuan ko ang pitik ng galit na nagsimula muling pumasok sa aking dibdib. "Ngayon, ikaw ang magsisilbing susi upang tapusin lahat ito." Ang pag-amin na nagmula kay Hensley ay naging hudyat ng muling simula ng laban. Hindi lang si Mila, kundi pati na rin ang m
Chapter 08Pagkatapos ng matinding pag-uusap kay Hensley, tumulak ako pabalik sa opisina at agad kung kinuha ang aking susi para umalis sa police station.Sa loob ng sasakyan, pilit kong binubuo ang plano—tatlong araw lang ang natitira bago ang bidding sa pribadong club. Hindi pwedeng makalusot si Mila.Nang makarating ako sa opisina, agad akong pumasok sa aking private room at tinawagan si Levi, isa sa mga pinaka-maaasahang tao ko sa intelligence network."Levi, kailangan kong malaman ang lahat tungkol sa private club sa gilid ng lungsod. Lahat ng taong pumapasok, anong protocols nila, paano ang security system. I need details within 24 hours.""Got it, boss. Pero delikado 'yan, marami nang nagtatangkang pasukin 'yung lugar pero walang nakakabalik ng buhay.""Kaya kailangan kong malaman ang bawat sulok niyan bago ako pumasok," sagot ko, walang alinlangan. "At isang bagay pa—hanapin mo ang lahat ng posibleng koneksyon ni Mila sa gobyerno at negosyo. Hindi pwedeng hindi natin makita an
Chapter 09Kurt POVNakaupo ako sa study room ng mansyon, isang baso ng red wine sa kamay habang ang tingin ko ay nakatuon sa mga dokumentong nasa harapan ko. Malamig ang gabing ito, pero ang galit sa loob ko ay nag-aapoy—si Mila, ang pinagkakatiwalaan kong secretary, siya palang nasa likod ng pagkawala ng milyun-milyong pera sa kumpanya.Mula sa isang folder, inilabas ko ang confidential report na nakuha ng private investigator na inupahan ko. Makapal ang dokumento, puno ng detalye tungkol sa mga transaksyon at lihim na galaw ni Mila. Malinis siyang gumalaw, pero hindi sapat iyon para maitago sa akin ang katotohanan.Tumunog ang cellphone ko."Sir, may bagong impormasyon akong nakuha," sabi ng investigator sa kabilang linya."Ano 'yan?" tanong ko, mahigpit ang hawak sa baso ng alak."May mga dummy accounts siyang ginagamit para ilipat ang pera sa offshore banks. Pero ang pinaka-interesante—may koneksyon siya sa isang private club sa gilid ng lungsod. Doon nagaganap ang malalaking tra
Chapter 10Doon nakaupo si Mila, naka-red dress, may hawak na cocktail glass, at kaharap ang isang lalaking hindi pamilyar sa akin. Malakas ang kutob kong siya ang isa sa mga magiging kasosyo niya sa illegal bidding.Lumapit ako sa bar, umupo sa isang sulok kung saan may magandang anggulo ako para makita sila.“Whiskey,” malamig kong sabi sa bartender.Habang naghihintay, kinuha ko ang maliit na listening device sa bulsa ko at idinikit ito sa ilalim ng mesa ko. Hindi ito perpekto sa ganitong setting, pero sapat na para marinig ang ilang bahagi ng usapan.Nang dumaan ang waitress malapit sa kanila, narinig ko ang boses ni Mila—mahinhin, pino, pero puno ng panlilinlang.“…siguraduhin mong walang magiging aberya sa bidding. Alam mo namang hindi tayo pwedeng lumabas dito nang walang panalo.”Malamig ang sagot ng lalaki. “Siguraduhin mong wala ring hahadlang. May mga balita akong may nag-iimbestiga sa’yo.”Napangisi si Mila. “Wala kang dapat ipag-alala. Kung may mangialam—ako mismo ang mag
Chapter 11Kinabukasan, dumating ang bagong impormasyon tungkol sa nangyari kagabi. Habang binabasa ko ang ulat, hindi ko maiwasang mag-isip nang malalim.Ang Red Roses—isang organisasyong bihirang kumilos nang walang matinding dahilan. Ang operasyon nila ay eksakto, walang palpak, at hindi nila pinapayagang may makalabas ng buhay kung hindi nila gusto. Pero bakit tila sila ang sumira sa plano ni Mila?Naputol ang iniisip ko nang mag-ring ang phone ko. Agad kong sinagot."Boss, may update na kami tungkol sa Red Roses," sabi ng tauhan ko."Anong nalaman mo?" tanong ko, malamig ang tono."Isa sa mga operatiba nila ay mukhang may lihim na koneksyon sa atin. Pero hindi pa natin matukoy kung sino. Ang sigurado, hindi tayo ang target nila."Naningkit ang mga mata ko. "Ibig sabihin, si Mila ang target nila?""Posible, boss. O baka may mas mataas pang utos. Pero may isang bagay na sigurado—may isa sa kanila na maaaring maging kakampi natin."Bumigat ang pakiramdam ko. Hindi pangkaraniwan ang
Chapter 12 Lumipas ang mga buwan, unti-unting bumalik sa ayos ang lahat. Ang kumpanya ko ay muling lumakas, at ang tiwalang nawala dahil sa mga kagagawan ni Mila ay naibalik ko. Mas naging maingat ako sa pagpili ng mga taong pinagkakatiwalaan ko, at siniguradong wala nang makakapasok na tulad niya sa kumpanya ko. Ang Red Roses, na dati’y palaging nasa anino, ay tila nawala na rin. Wala na akong natanggap na kahit anong impormasyon o kahit anong galaw mula sa kanila. Ganun din ang unknown number na dati’y nagbibigay sa akin ng impormasyon—hindi na muling tumawag o nagpadala ng mensahe. Pero sa kabila ng katahimikang ito, alam kong hindi pa rin ako dapat maging kampante. Isang gabi, habang nakatayo ako sa rooftop ng opisina, nagmamasid sa lungsod na puno ng ilaw, napaisip ako. Talaga bang tapos na ang laban? O isang panibagong laro ang magsisimula? Napangisi ako. Anuman ang mangyari, hindi ako kailanman papayag na muling magamit o malinlang. Kung may paparating na bagyo, haharap
Chapter 13 Napangisi ako habang hinihintay ang sagot niya. Kung talagang gusto niya akong makita, bakit hindi na lang siya ang pumunta sa hotel? “Oh?” Tumawa siya nang mahina. “Mukhang na-miss mo ako, huh?” “Pwede mong sabihin ‘yan,” sagot ko, bahagyang napapailing. “Pero kung gusto mo talaga akong makita, dito ka na lang pumunta.” May ilang segundong katahimikan bago siya muling nagsalita. "Tempting…" Pigil na tawa ang narinig ko sa kabilang linya. “Pero gusto ko sa bar. Mas exciting.” Napabuntong-hininga ako. Alam kong wala na akong oras para sa mga ganitong laro. “Kung gusto mo talaga, ikaw ang lumapit,” madiin kong sabi. “Otherwise, forget it.” Sandali siyang natahimik bago muling nagsalita. “Hmm. We’ll see,” sagot niya bago binaba ang tawag. Ngumisi ako at iniligay ang phone sa tabi ko. “Boss, sino ‘yun?” tanong ni Clark, bahagyang nilingon ako mula sa driver’s seat. “Wala lang. Isang babaeng mahilig magpahabol.” “Hindi mo sinundan?” “Wala akong oras para sa mga gan
Chapter 14"Oww...!" ngise kong sabi hanggang may kumatok tumingin ako sa kanya. "You want more?" tanong ko dito, agad namang napalitan ang inis niyo ng mapang-akit na ng ito. "Wait!" saka ako pumunta sa pintuan at agad kong pinatuloy ang PA ko sa loob. " Sir ito na ang gamit mo ang flight natin ay 10:30 pm, mas inagahan ko para makaalis kayo agad," sabi nito sa akin. " Okay! Oh wait, Sofia, I mean, Lovely meet my PA wag kang mag alala, I'm sure, na hindi ka mabibitin. Clark ikaw na bahala sa kanya," sabi ko dito. Saka pumunta sa banyo para maligo rinig na rinig ko ang pag hiyaw sa babae nga nasasarapan ito palaging nag mumura si Clark tulad ko mahilig din ito sa mga babae rinig ko ang salpukan nilang dalawa. "Ayan na ayan na! Ughhh my gosh you so good. Aaahhh," mukhang nilabasan na ito base sa kanyang ungol na narating nito ang kanyang gustong maabot. Ilang sandali ay may kumatok sa pintuan ng banyo. "Sir tayo na may 45 minutes lang tayo," sabi nito kaya agad ko tinapos an
Chapter 25Angie POVNasa bahay na kami ni Kayla, at ang ganda ng kanyang mansyon! Maraming tao ang nagkakasiya-siya rito. Nagtanong kami sa isang kasambahay niya, "Excuse me, miss. Andyan ba ang bday celebrant?" "Opo, ma'am," sagot niya. "Pwede makisuyo pa, palabasin dito. Sabihin mo, andito sina Althea at Angie." Pumasok na siya sa loob, at hindi nagtagal, bumungad sa amin si Kayla na malaki na ang tiyan. Parang kabuwanan na niya ngayong buwan."Ay, mga bruha, buti naisipan ninyong puntahan ako," sabi niya, na may halong katatawanan. "Hehehe, laman mo naman ang trabaho namin," sagot ni Thea. Tinawanan lang namin ito habang papasok kami sa loob, at nagkukuwentuhan pa kami."Buti at hindi ninyo nakalimutan ang bday ko. Katulad noong kasal ko, alam ninyo ang lungkot ko noon dahil hindi kayo nakasipot," sabi ni Kayla. "Sorrr, Kayla, may biglaang operation kasi," sagot ni Althea. "Okey lang, ipakilala ko sa inyo ang asawa ko at ang mga kaibigan niya. Sigurado akong may mapupusoan kayo do
Chapter 24Althea PovApat na araw na ang lumipas mula nang suntukin ko ang lalaking ‘yun sa palengke, pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako maka-move on.Eh, sinong makaka-move on agad kung kinabukasan lang, may natanggap na akong bulaklak, tsokolate, at teddy bear? Paulit-ulit pa akong tinutukso ng mga kasamahan ko, kesyo may secret admirer daw ako.At ang pinaka-malupit? Kumalat sa internet ang video ng insidenteng ‘yun! May nakita pa akong isang clip kung saan ang lalaking sinuntok ko, nasa kwarto niya at paulit-ulit binibigkas ang pangalan ko. Anong kabaliwan ‘to?!Pagpasok ko sa opisina, agad na bumungad sa akin ang panibagong bouquet ng bulaklak sa desk ko. Napasimangot ako. Hindi ko talaga type ang bulaklak—para lang ‘yan sa mga taong nagmamahalan.Kinuha ko ang bouquet, balak sanang itapon, pero sayang naman. Kaya inilapag ko na lang sa gilid ng table ko bago tinawagan ang isa kong tauhan."Ms. SPO2 Andrade, hali ka muna."Agad siyang lumapit at nag-saludo bago nagsalita."M
Chapter 23Darren POV"Patay na, nagalit ang dragon!" bulong ko sa sarili ko habang nagmamadali kaming tatlo na tumakbo palabas ng silid.Ang totoo, ako ang may pakana ng pag-upload ng video. Kinuhaan ko kasi si Kurt nang sinuntok siya ni Althea sa palengke. Pagkakita ko ng video, agad kong ipinakita kina Brandon at Jason, at syempre, ano pa bang aasahan ko? Pinilit nila akong i-upload ito. At dahil napakagaling kong kaibigan, sumang-ayon ako.At hindi ko inakala na magiging viral agad!Maraming comments ang nagsasabing “Astig ni girl!” at may iba pang “Akin ka na lang, pogi!” na parang inaagaw si Kurt. Ang saya basahin, pero siguradong hindi magiging masaya si Kurt kapag nalaman niya.Pagdating namin sa sala, nagtatawanan kami nang biglang..."At tinatawanan niyo pa talaga ako?"Nanigas kami sa kinatatayuan namin.Dahan-dahan kaming lumingon, at nakita namin si Kurt na nakatayo sa likuran namin, nakapamewang, at nakakunot ang noo.Wala kaming masabi.Nagkatinginan kaming tatlo."Buti
Chapter 22 Kurt POV "Ahhhh... ang sakit ng panga ko!" Napangiwi ako sa sakit habang hinahawakan ang mukha ko. Parang tinanggalan ako ng ngipin sa lakas ng suntok ni Althea. Nagsimula nang bumalik sa isip ko ang nangyari kanina—ang pagtungo ko sa palengke, ang pakikipag-usap ko sa kanya, at… shit! Napamura ako nang mapagtanto ang mga pinagsasabi ko sa kanya. "Fuck! Fuck! Fuck! Ang tanga ko!" Sa sobrang lakas ng sigaw ko, biglang bumangon ang tatlo kong kaibigan. "Shit!" "Ouch! Fuck you, Kurt!" reklamo ni Jayson na ngayon ay nasa sahig matapos mahulog sa kama. "Bakit ba ang lakas ng boses mo?" Nakasimangot na tanong ni Brandon habang hinihilot ang sintido niya. "Nabalian ata ako ng buto..." daing naman ni Darren, kunwari pang kinakapa ang braso niya. "Tsk! Bakit ba kayo natulog dito?" tanong ko habang hinihimas pa rin ang panga ko. "Wow ha! Hindi man lang nag-thank you!" sagot ni Darren, kunwari pang na-offend. Napatingin ako sa kanila, lalo na kina Jason at Brandon. Ano ban
Chapter 21Darren POVNagpasama sa akin si Kurt sa Aurora Market. May mahalaga daw siyang gagawin doon, kaya kahit nagtataka ako, sinamahan ko na lang siya. Alam kong hindi niya gusto ang amoy ng palengke, kaya lalo akong nagduda kung ano talaga ang sadya niya.Habang naglalakad kami, nauna siya ng bahagya sa akin. Dahil andito na rin naman ako, naisip kong bumili na lang ng mga kailangan para sa misis ko. Matapos akong mamili, natanaw ko si Kurt na nakatitig sa isang policewoman. Napailing ako—hindi na ako nagulat. Mukhang ito pala ang tunay niyang pakay dito.Sinipat ko ang babae. Maganda siya. Singkit ang mata, mapupula at manipis ang labi, matangos ang ilong, at may magandang hugis ang kanyang mukha. Pero siyempre, para sa akin, mas maganda pa rin ang misis ko.Nang marinig ko ang mga pinagsasabi ni Kurt, napa-facepalm na lang ako. Hindi talaga marunong dumiskarte ang mokong. Sa halip na ligawan nang maayos, mas lalo pang nainis sa kanya ang babae.Tapos, bago ko pa siya mapigilan
Chapter 20Althea POVInis na inis ako sa lalaking ito!Habang nagmamaneho ako ng motor pabalik sa presinto, hindi ko mapigilan ang iritasyon ko sa kakulitan ni Kurt. Ano ba ang problema ng lalaking ‘yon? Akala niya ba maiinis ako sa pambobola niya? Ha! Hindi niya ako kilala.Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni-muni nang biglang may anim na lalaki ang humarang sa daan ko. Agad akong nagpreno, bumaba sa motor, at tinanggal ang helmet ko. Napansin kong nagkatinginan sila, at halatang nagulat sa itsura ko."Mga pare, kung ganito kaganda ang gugulpihin natin, aba, mas mabuti pang dalhin na lang natin ‘to sa kama!" isa sa kanila ang natawa habang tumingin sa mga kasama niya."Oo nga! Baka mag-enjoy pa tayo."Napailing ako. Mga walang modo."Tsk..." Napangisi ako nang mapang-akit. "Sige. Kung matamaan ninyo ako kahit isang beses, bibigay ako sa inyo."Nagkatinginan sila na parang mga hayok na aso. Mukhang gustong-gusto nila ang ideya ko."Pero..." tinuloy ko, pinatagal ang suspense. "Kung hin
Chapter 19Napatigil ako sa pagngiti nang maalala kong may mas mahalagang bagay akong dapat gawin—ang ilabas si King Josh sa kulungan.“Damn it,” bulong ko sa sarili ko habang bumalik sa loob ng presinto. Dapat lang na madala na ang kapatid ko sa kalokohan niya.Pagbalik ko sa loob, bumungad agad sa akin ang desk officer. “Mr. McCain, ano po ang kailangan ninyo?”“I’m here for my brother, King Josh McCain. Kukunin ko na siya,” sagot ko, bahagyang iritable dahil sa sitwasyon.Tumingin sa akin ang officer at saka tumango. “Sandali lang po, sir. Kakausapin ko muna ang officer-in-charge ng kaso niya.”Tumango lang ako at hinintay siya. Ilang saglit lang, may lumabas na isang pulis—at laking gulat ko nang si Althea ulit ang humarap sa akin.Napansin kong bahagyang naningkit ang mga mata niya. “Mukhang hindi lang pala ako ang sadya mo dito,” malamig niyang sabi.“Business before pleasure,” sagot ko, isang pilyong ngiti ang sumilay sa labi ko.“Whatever.” Umiling siya at tumingin sa assistan
Chapter 18Kurt POVKanina pa ako nakatitig sa kanya, at hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako nagsasawang gawin iyon. May kakaiba sa babaeng ito—malamig ang kanyang presensya, pero sa kabila noon, may isang bagay sa kanya na hindi ko maalis sa isip ko.Tangina. Ano bang nangyayari sa akin?Noon pa man, hindi ako nauubusan ng babae. Isang tingin ko lang, bumibigay na sila. Pero siya? Isang titig niya lang sa akin, parang nahuli niya ako sa akto ng isang krimen. Napansin pala niya na kanina pa ako nakatitig. Agad kong iniwas ang tingin at umalis bago pa ako lalong mahuli sa bitag ng sarili kong pag-iisip.Lumipas ang limang araw, at mula nang makita ko siya, parang nawala ang gana kong makipaglaro sa ibang babae. Dati, wala akong pakialam kung sino ang kasama ko sa kama, basta matanggal lang ang init ng katawan ko. Pero ngayon?Siya ang pumapasok sa isip ko.Siya ang naiisip ko sa tuwing may babaeng lumalapit sa akin.At mas lalong nakakabaliw dahil hindi ko matanggap na naaapektu
Chapter 17Agad akong dumiretso sa locker room para magpalit ng uniporme. Ilang minuto na lang at mag-iistart na ang shift ko. Sinilip ko ang cellphone ko at may isang tawag mula kay Mama. Napangiti ako.Matapos ang buong araw ng pagtatrabaho, paghabol ng masasamang-loob, at pagtanggap ng pangaral mula sa mga nakakataas, wala nang mas hihigit pa sa kaginhawaan ng simpleng buhay—tulad ng pagtitinda sa palengke kasama ang pamilya.Kinabukasan, maaga akong nagising para tumulong kina Mama at Papa sa pagtitinda sa palengke. Habang inaayos ko ang panindang gulay, biglang sumulpot ang hindi ko matigil-tigilang manliligaw—si Boy2x."Althea, my loves! Sagutin mo na ako!" malakas niyang sigaw, dahilan para mapatingin sa amin ang ibang tindera.Napabuntong-hininga ako at sinuklay ang buhok ko gamit ang daliri. "Boy2x, ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na hindi kita gusto?"Ngumiti lang siya na parang walang narinig. "Okay lang kahit ilang beses mo akong bastedin, basta’t sa puso mo ako nakaku