Chapter 05
Pagkatapos ng ilang minutong pagtitig sa salamin at paglalatag ng mga posibleng estratehiya, nagpasya akong bumalik sa interrogation room. Tumindig ako nang diretso, ang bawat hakbang ko’y mabigat, puno ng intensyon. Si Angie ay nanatili sa labas, nakangiti nang bahagya. "Baka naman matakot 'yan sa’yo, Perez," biro niya, pero alam kong seryoso rin siya sa obserbasyon niya. Ngumiti ako nang malamig bago tuluyang pumasok. Pagbukas ko ng pinto, tumigil si Hensley sa paggalaw ng kanyang mga posas at tumingin sa akin, pilit na pinapanatili ang kanyang composure. Pero halata ang tensyon sa kanyang mga mata. Tumayo ako sa harap niya, itinulak ang folder sa mesa, at tinapik ito nang bahagya para marinig niya ang tunog. "Siguro naman, sa oras na ‘to, naiisip mo na ang magiging epekto nito sa buhay mo, hindi ba, Hensley?" malamig kong sabi. Ngumisi siya nang pilit. "Akala ko ba interrogation ‘to, hindi pananakot? Akala ko, police ka, hindi gangster." Hindi ko siya sinagot. Sa halip, tumitig ako nang diretso sa mga mata niya. Ang ganitong klaseng mga kriminal, sanay sa laro ng salita. Kaya’t hindi salita ang sagot ko. Tumayo ako, naglakad nang mabagal sa paligid niya, sinasadya kong iparamdam ang presensya ko sa bawat segundo. "Bibigyan kita ng isang pagkakataon," sabi ko, ang boses ko’y bahagyang bumaba, ngunit puno ng banta. "Sabihin mo sa akin ang totoo. Lahat ng pangalan, bawat detalye ng operasyon mo. Dahil kung hindi, Hensley, sisiguraduhin kong ikaw ang may pinakamasamang gabi ng buhay mo dito sa presintong ‘to." Tumawa siya, pilit na nagpapakita ng tapang. "Wala kang makukuha sa akin. Hindi mo ako kayang takutin." Umiling ako, ngumiti nang malamig, at tumigil sa likuran niya. Yumuko ako nang bahagya, ang boses ko’y bumulong malapit sa tainga niya. "Kung akala mo, kaya mo akong laruan, nagkakamali ka. Dito sa presinto, ako ang batas. At ang batas, hindi nagpapatalo sa mga tulad mo." Bigla kong tinapik ang mesa, sapat na lakas para marinig sa buong silid. Napatingin siya sa akin, gulat ngunit pilit na pinapanatili ang maskara ng tapang. "Ang tanong, Hensley," sabi ko nang malamig, "gaano mo ba talaga kakayanin ang init ng interrogation room na ‘to? Dahil sa susunod na round, wala na akong pakialam sa pride mo. Sisiguraduhin kong babasagin kita." Nanatili akong nakatayo, ang mga mata ko’y nagbabanta. Walang salita ang lumabas sa kanyang bibig. Ngunit ramdam ko, unti-unti nang natitinag ang pader ng kanyang tapang. Ito ang dahilan kung bakit ako kinatatakutan dito sa presinto. Dahil kapag ako ang humawak ng kaso, kahit ang pinakamalaking kriminal ay babagsak. Tumayo ako at hindi na nag-abala pang makipagtalo. Dahan-dahan akong lumakad patungo sa pintuan at ni-lock ito. Ang tunog ng lock na tumunog ay nagsilbing hudyat na wala nang makakapasok o makakasilip sa loob ng kwarto. Nang marinig ito ni Hensley, agad siyang nataranta at napatingin sa akin, ang mga mata niya'y punong-puno ng takot at pagkabigla. "Anong ginagawa mo?" ang boses niyang nanginginig. "Teka lang, ano ang ibig mong sabihin sa ginawa mong 'yan?" Humarap ako sa kanya, ang mata ko’y matalim at puno ng determinasyon. "Ang ibig sabihin, wala ka nang takas ngayon, Hensley. Kung gusto mong makaalis ng buhay sa presintong 'to, magsimula ka nang magsalita. Hindi na tayo magpapanggap na may mga patakaran dito." Ang mga kamay ni Hensley ay nagsimulang mag-angat, hindi alam kung anong gagawin. Nang makita ko siyang ganito, hindi ko maiwasang magtaka kung anong klaseng tao siya. Sanay ba siyang magtago ng lihim o natatakot lang sa mga consequences ng mga kasalanan niya? "Alam ko kung anong kaya mong gawin," patuloy ko, ang tinig ko’y matalim at tiyak. "Walang patagilid na paraan dito. Kung ayaw mong masaktan, magsalita ka na ngayon din." Ang katawan ni Hensley ay nagsimulang manginig, hindi na makatingin sa akin ng diretso. "W-Wala akong kasalanan," ang sabi niya, ngunit may kahinaan sa tinig. "Hindi ko kayang magsalita, wala akong alam. Ang mga taong ito—" "Ang mga taong ‘yan?" sabi ko, tumayo sa harap niya, tanging distansya ng mesa ang naghihiwalay sa amin. "Hindi mo ba alam na ikaw lang ang may kasalanan dito? Hindi mo ba naririnig ang lahat ng ebidensyang nagdadawit sa pangalan mo? Sa tingin mo ba may malalampasan ka pa?" Tumahimik siya, ang mukha niyang namumugto sa galit at takot. Nakita ko na ang takot sa mga mata niya, at sa momentong ‘yon, alam ko na ang kontrol ay nasa aking mga kamay. "Huwag mong gawing mahirap para sa sarili mo," sabi ko, ang mga salitang puno ng banta. "Ang bawat oras na mag-aaksaya ka pa ng oras ay lalong magpapabigat sa kalalagayan mo." Nakita ko na ang pagbaba ng ulo niya, ang katawan niya'y tila nawawalan na ng lakas. Sinimulan niyang mag-isip, at kahit hindi siya nagsalita, alam kong ang loob niya’y unti-unting bumibigay. "Isa lang ang pagkakataon mo, Hensley," bulong ko. "Magsalita ka, o ako na ang magpapakita kung anong ibig sabihin ng kapangyarihan." Sa kabila ng lahat ng pressure at pagbabanta, hindi ko inaasahan na si Hensley ay magiging ganito ka-diplomatikong humiling. Tumigil siya sandali, nag-isip, at nang makita kong hindi na siya tumitingin sa akin, napansin ko na parang may malaking bagay siyang iniiwasan. "Perez..." nagsimula siyang magtago ng bahagya sa kanyang takot. "Kung magsasalita ako... kailangan ko ng proteksyon. Proteksyon para sa pamilya ko. Hindi ko kayang makita silang maapektohan dahil sa mga ginagawa ko." Nagtaas ako ng kilay, hindi ko maiwasang magsalita. "Hindi ka ba nagsasalita ng totoo? Kung gusto mong magsalita, dapat handa kang tanggapin ang lahat ng consequence. Pero kung ang kaligtasan ng pamilya mo ang magiging dahilan para ilihis ang lahat ng ito, may ilan akong tanong sa iyo." Tinitigan ko siya ng matalim, nananatiling hindi nagbabago ang tono ko. "Una, anong klaseng tao ang maglalagay ng buhay ng pamilya niya sa panganib para sa sariling kapakinabangan? Pangalawa, kung ang pamilya mo ang magiging dahilan ng iyong mga kasalanan, ano'ng klase ng lalake ka?" Ang mga mata niya ay naglalaman ng takot, ngunit sa pagkakataong iyon, nahulog na ang pader ng kanyang depensa. "Sige na," sabi niya, tila may paghingi ng tulong. "Magsasalita na ako... Wala nang itatago pa."Chapter 06Tumawa ako nang bahagya, isang ngiti na puno ng kasiyahan. "Naiintindihan ko na, Hensley. Kung ikaw mismo ang magbibigay ng lahat ng impormasyon, hihilingin ko sa mataas na opisyal na magbigay ng proteksyon. Pero, tandaan mo, wala nang daan pa para umatras. Pagkatapos mong magsalita, wala nang kaligtasan na makakamtan kung magsisinungaling ka pa."Nanatili siyang tahimik, ngunit ang takot at ang realization na tumama sa kanya ay nagsilbing hudyat na hindi na siya makakapagbalik-loob sa kanyang nakaraan."Ang hirap magtago ng lihim, hindi ba?" sabi ko, bahagyang napangiti sa kanyang pag-amin. "Sa huli, mas malaki ang mawawala sa'yo kaysa sa kung anong matamo mong pansamantalang proteksyon."Sinimulan niyang magsalita nang dahan-dahan, ngunit walang labis, walang kulang. Binanggit niya ang mga pangalan, mga operasyon, at mga detalye ng kanyang mga transaksyon. Ang bawat salita na lumabas sa bibig niya ay parang pako sa kabaong ng kanyang krimen.At habang siya ay patuloy na n
Chapter 07 Ang pangalan na iyon ay isang warning bell sa aking utak. Kung may pamilya si Mila na kasangkot, ibig sabihin ay may malalim pang koneksyon sa labas ng kumpanya—at maaaring magulo ang lahat kapag nasangkot ang pamilya. "Isang huling tanong, Hensley," sabi ko, ang tono ko’y naging malamig na parang yelo. "Paano mo pinanatili ang inyong relasyon kay Mila? May pagkakataon ba na natutuklasan mo na ang tunay niyang intensyon?" Pinagmumumog niyang sagot, "Mila... hindi siya basta-basta. Kung nakilala mo siya, maiintindihan mo na ang mga ginagawa niyang hakbang ay matagal nang naplano. Pero hindi ko kayang labanan siya, hindi ng mag-isa lang." "At ngayon, Hensley, ikaw ang naging biktima ng laro niyang iyon," sabi ko, natagpuan ko ang pitik ng galit na nagsimula muling pumasok sa aking dibdib. "Ngayon, ikaw ang magsisilbing susi upang tapusin lahat ito." Ang pag-amin na nagmula kay Hensley ay naging hudyat ng muling simula ng laban. Hindi lang si Mila, kundi pati na rin ang m
Chapter 08Pagkatapos ng matinding pag-uusap kay Hensley, tumulak ako pabalik sa opisina at agad kung kinuha ang aking susi para umalis sa police station.Sa loob ng sasakyan, pilit kong binubuo ang plano—tatlong araw lang ang natitira bago ang bidding sa pribadong club. Hindi pwedeng makalusot si Mila.Nang makarating ako sa opisina, agad akong pumasok sa aking private room at tinawagan si Levi, isa sa mga pinaka-maaasahang tao ko sa intelligence network."Levi, kailangan kong malaman ang lahat tungkol sa private club sa gilid ng lungsod. Lahat ng taong pumapasok, anong protocols nila, paano ang security system. I need details within 24 hours.""Got it, boss. Pero delikado 'yan, marami nang nagtatangkang pasukin 'yung lugar pero walang nakakabalik ng buhay.""Kaya kailangan kong malaman ang bawat sulok niyan bago ako pumasok," sagot ko, walang alinlangan. "At isang bagay pa—hanapin mo ang lahat ng posibleng koneksyon ni Mila sa gobyerno at negosyo. Hindi pwedeng hindi natin makita an
Chapter 09Kurt POVNakaupo ako sa study room ng mansyon, isang baso ng red wine sa kamay habang ang tingin ko ay nakatuon sa mga dokumentong nasa harapan ko. Malamig ang gabing ito, pero ang galit sa loob ko ay nag-aapoy—si Mila, ang pinagkakatiwalaan kong secretary, siya palang nasa likod ng pagkawala ng milyun-milyong pera sa kumpanya.Mula sa isang folder, inilabas ko ang confidential report na nakuha ng private investigator na inupahan ko. Makapal ang dokumento, puno ng detalye tungkol sa mga transaksyon at lihim na galaw ni Mila. Malinis siyang gumalaw, pero hindi sapat iyon para maitago sa akin ang katotohanan.Tumunog ang cellphone ko."Sir, may bagong impormasyon akong nakuha," sabi ng investigator sa kabilang linya."Ano 'yan?" tanong ko, mahigpit ang hawak sa baso ng alak."May mga dummy accounts siyang ginagamit para ilipat ang pera sa offshore banks. Pero ang pinaka-interesante—may koneksyon siya sa isang private club sa gilid ng lungsod. Doon nagaganap ang malalaking tra
Chapter 10Doon nakaupo si Mila, naka-red dress, may hawak na cocktail glass, at kaharap ang isang lalaking hindi pamilyar sa akin. Malakas ang kutob kong siya ang isa sa mga magiging kasosyo niya sa illegal bidding.Lumapit ako sa bar, umupo sa isang sulok kung saan may magandang anggulo ako para makita sila.“Whiskey,” malamig kong sabi sa bartender.Habang naghihintay, kinuha ko ang maliit na listening device sa bulsa ko at idinikit ito sa ilalim ng mesa ko. Hindi ito perpekto sa ganitong setting, pero sapat na para marinig ang ilang bahagi ng usapan.Nang dumaan ang waitress malapit sa kanila, narinig ko ang boses ni Mila—mahinhin, pino, pero puno ng panlilinlang.“…siguraduhin mong walang magiging aberya sa bidding. Alam mo namang hindi tayo pwedeng lumabas dito nang walang panalo.”Malamig ang sagot ng lalaki. “Siguraduhin mong wala ring hahadlang. May mga balita akong may nag-iimbestiga sa’yo.”Napangisi si Mila. “Wala kang dapat ipag-alala. Kung may mangialam—ako mismo ang mag
Chapter 11Kinabukasan, dumating ang bagong impormasyon tungkol sa nangyari kagabi. Habang binabasa ko ang ulat, hindi ko maiwasang mag-isip nang malalim.Ang Red Roses—isang organisasyong bihirang kumilos nang walang matinding dahilan. Ang operasyon nila ay eksakto, walang palpak, at hindi nila pinapayagang may makalabas ng buhay kung hindi nila gusto. Pero bakit tila sila ang sumira sa plano ni Mila?Naputol ang iniisip ko nang mag-ring ang phone ko. Agad kong sinagot."Boss, may update na kami tungkol sa Red Roses," sabi ng tauhan ko."Anong nalaman mo?" tanong ko, malamig ang tono."Isa sa mga operatiba nila ay mukhang may lihim na koneksyon sa atin. Pero hindi pa natin matukoy kung sino. Ang sigurado, hindi tayo ang target nila."Naningkit ang mga mata ko. "Ibig sabihin, si Mila ang target nila?""Posible, boss. O baka may mas mataas pang utos. Pero may isang bagay na sigurado—may isa sa kanila na maaaring maging kakampi natin."Bumigat ang pakiramdam ko. Hindi pangkaraniwan ang
Chapter 12 Lumipas ang mga buwan, unti-unting bumalik sa ayos ang lahat. Ang kumpanya ko ay muling lumakas, at ang tiwalang nawala dahil sa mga kagagawan ni Mila ay naibalik ko. Mas naging maingat ako sa pagpili ng mga taong pinagkakatiwalaan ko, at siniguradong wala nang makakapasok na tulad niya sa kumpanya ko. Ang Red Roses, na dati’y palaging nasa anino, ay tila nawala na rin. Wala na akong natanggap na kahit anong impormasyon o kahit anong galaw mula sa kanila. Ganun din ang unknown number na dati’y nagbibigay sa akin ng impormasyon—hindi na muling tumawag o nagpadala ng mensahe. Pero sa kabila ng katahimikang ito, alam kong hindi pa rin ako dapat maging kampante. Isang gabi, habang nakatayo ako sa rooftop ng opisina, nagmamasid sa lungsod na puno ng ilaw, napaisip ako. Talaga bang tapos na ang laban? O isang panibagong laro ang magsisimula? Napangisi ako. Anuman ang mangyari, hindi ako kailanman papayag na muling magamit o malinlang. Kung may paparating na bagyo, haharap
Chapter 13 Napangisi ako habang hinihintay ang sagot niya. Kung talagang gusto niya akong makita, bakit hindi na lang siya ang pumunta sa hotel? “Oh?” Tumawa siya nang mahina. “Mukhang na-miss mo ako, huh?” “Pwede mong sabihin ‘yan,” sagot ko, bahagyang napapailing. “Pero kung gusto mo talaga akong makita, dito ka na lang pumunta.” May ilang segundong katahimikan bago siya muling nagsalita. "Tempting…" Pigil na tawa ang narinig ko sa kabilang linya. “Pero gusto ko sa bar. Mas exciting.” Napabuntong-hininga ako. Alam kong wala na akong oras para sa mga ganitong laro. “Kung gusto mo talaga, ikaw ang lumapit,” madiin kong sabi. “Otherwise, forget it.” Sandali siyang natahimik bago muling nagsalita. “Hmm. We’ll see,” sagot niya bago binaba ang tawag. Ngumisi ako at iniligay ang phone sa tabi ko. “Boss, sino ‘yun?” tanong ni Clark, bahagyang nilingon ako mula sa driver’s seat. “Wala lang. Isang babaeng mahilig magpahabol.” “Hindi mo sinundan?” “Wala akong oras para sa mga gan
Chapter 25Angie POVNasa bahay na kami ni Kayla, at ang ganda ng kanyang mansyon! Maraming tao ang nagkakasiya-siya rito. Nagtanong kami sa isang kasambahay niya, "Excuse me, miss. Andyan ba ang bday celebrant?" "Opo, ma'am," sagot niya. "Pwede makisuyo pa, palabasin dito. Sabihin mo, andito sina Althea at Angie." Pumasok na siya sa loob, at hindi nagtagal, bumungad sa amin si Kayla na malaki na ang tiyan. Parang kabuwanan na niya ngayong buwan."Ay, mga bruha, buti naisipan ninyong puntahan ako," sabi niya, na may halong katatawanan. "Hehehe, laman mo naman ang trabaho namin," sagot ni Thea. Tinawanan lang namin ito habang papasok kami sa loob, at nagkukuwentuhan pa kami."Buti at hindi ninyo nakalimutan ang bday ko. Katulad noong kasal ko, alam ninyo ang lungkot ko noon dahil hindi kayo nakasipot," sabi ni Kayla. "Sorrr, Kayla, may biglaang operation kasi," sagot ni Althea. "Okey lang, ipakilala ko sa inyo ang asawa ko at ang mga kaibigan niya. Sigurado akong may mapupusoan kayo do
Chapter 24Althea PovApat na araw na ang lumipas mula nang suntukin ko ang lalaking ‘yun sa palengke, pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako maka-move on.Eh, sinong makaka-move on agad kung kinabukasan lang, may natanggap na akong bulaklak, tsokolate, at teddy bear? Paulit-ulit pa akong tinutukso ng mga kasamahan ko, kesyo may secret admirer daw ako.At ang pinaka-malupit? Kumalat sa internet ang video ng insidenteng ‘yun! May nakita pa akong isang clip kung saan ang lalaking sinuntok ko, nasa kwarto niya at paulit-ulit binibigkas ang pangalan ko. Anong kabaliwan ‘to?!Pagpasok ko sa opisina, agad na bumungad sa akin ang panibagong bouquet ng bulaklak sa desk ko. Napasimangot ako. Hindi ko talaga type ang bulaklak—para lang ‘yan sa mga taong nagmamahalan.Kinuha ko ang bouquet, balak sanang itapon, pero sayang naman. Kaya inilapag ko na lang sa gilid ng table ko bago tinawagan ang isa kong tauhan."Ms. SPO2 Andrade, hali ka muna."Agad siyang lumapit at nag-saludo bago nagsalita."M
Chapter 23Darren POV"Patay na, nagalit ang dragon!" bulong ko sa sarili ko habang nagmamadali kaming tatlo na tumakbo palabas ng silid.Ang totoo, ako ang may pakana ng pag-upload ng video. Kinuhaan ko kasi si Kurt nang sinuntok siya ni Althea sa palengke. Pagkakita ko ng video, agad kong ipinakita kina Brandon at Jason, at syempre, ano pa bang aasahan ko? Pinilit nila akong i-upload ito. At dahil napakagaling kong kaibigan, sumang-ayon ako.At hindi ko inakala na magiging viral agad!Maraming comments ang nagsasabing “Astig ni girl!” at may iba pang “Akin ka na lang, pogi!” na parang inaagaw si Kurt. Ang saya basahin, pero siguradong hindi magiging masaya si Kurt kapag nalaman niya.Pagdating namin sa sala, nagtatawanan kami nang biglang..."At tinatawanan niyo pa talaga ako?"Nanigas kami sa kinatatayuan namin.Dahan-dahan kaming lumingon, at nakita namin si Kurt na nakatayo sa likuran namin, nakapamewang, at nakakunot ang noo.Wala kaming masabi.Nagkatinginan kaming tatlo."Buti
Chapter 22 Kurt POV "Ahhhh... ang sakit ng panga ko!" Napangiwi ako sa sakit habang hinahawakan ang mukha ko. Parang tinanggalan ako ng ngipin sa lakas ng suntok ni Althea. Nagsimula nang bumalik sa isip ko ang nangyari kanina—ang pagtungo ko sa palengke, ang pakikipag-usap ko sa kanya, at… shit! Napamura ako nang mapagtanto ang mga pinagsasabi ko sa kanya. "Fuck! Fuck! Fuck! Ang tanga ko!" Sa sobrang lakas ng sigaw ko, biglang bumangon ang tatlo kong kaibigan. "Shit!" "Ouch! Fuck you, Kurt!" reklamo ni Jayson na ngayon ay nasa sahig matapos mahulog sa kama. "Bakit ba ang lakas ng boses mo?" Nakasimangot na tanong ni Brandon habang hinihilot ang sintido niya. "Nabalian ata ako ng buto..." daing naman ni Darren, kunwari pang kinakapa ang braso niya. "Tsk! Bakit ba kayo natulog dito?" tanong ko habang hinihimas pa rin ang panga ko. "Wow ha! Hindi man lang nag-thank you!" sagot ni Darren, kunwari pang na-offend. Napatingin ako sa kanila, lalo na kina Jason at Brandon. Ano ban
Chapter 21Darren POVNagpasama sa akin si Kurt sa Aurora Market. May mahalaga daw siyang gagawin doon, kaya kahit nagtataka ako, sinamahan ko na lang siya. Alam kong hindi niya gusto ang amoy ng palengke, kaya lalo akong nagduda kung ano talaga ang sadya niya.Habang naglalakad kami, nauna siya ng bahagya sa akin. Dahil andito na rin naman ako, naisip kong bumili na lang ng mga kailangan para sa misis ko. Matapos akong mamili, natanaw ko si Kurt na nakatitig sa isang policewoman. Napailing ako—hindi na ako nagulat. Mukhang ito pala ang tunay niyang pakay dito.Sinipat ko ang babae. Maganda siya. Singkit ang mata, mapupula at manipis ang labi, matangos ang ilong, at may magandang hugis ang kanyang mukha. Pero siyempre, para sa akin, mas maganda pa rin ang misis ko.Nang marinig ko ang mga pinagsasabi ni Kurt, napa-facepalm na lang ako. Hindi talaga marunong dumiskarte ang mokong. Sa halip na ligawan nang maayos, mas lalo pang nainis sa kanya ang babae.Tapos, bago ko pa siya mapigilan
Chapter 20Althea POVInis na inis ako sa lalaking ito!Habang nagmamaneho ako ng motor pabalik sa presinto, hindi ko mapigilan ang iritasyon ko sa kakulitan ni Kurt. Ano ba ang problema ng lalaking ‘yon? Akala niya ba maiinis ako sa pambobola niya? Ha! Hindi niya ako kilala.Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni-muni nang biglang may anim na lalaki ang humarang sa daan ko. Agad akong nagpreno, bumaba sa motor, at tinanggal ang helmet ko. Napansin kong nagkatinginan sila, at halatang nagulat sa itsura ko."Mga pare, kung ganito kaganda ang gugulpihin natin, aba, mas mabuti pang dalhin na lang natin ‘to sa kama!" isa sa kanila ang natawa habang tumingin sa mga kasama niya."Oo nga! Baka mag-enjoy pa tayo."Napailing ako. Mga walang modo."Tsk..." Napangisi ako nang mapang-akit. "Sige. Kung matamaan ninyo ako kahit isang beses, bibigay ako sa inyo."Nagkatinginan sila na parang mga hayok na aso. Mukhang gustong-gusto nila ang ideya ko."Pero..." tinuloy ko, pinatagal ang suspense. "Kung hin
Chapter 19Napatigil ako sa pagngiti nang maalala kong may mas mahalagang bagay akong dapat gawin—ang ilabas si King Josh sa kulungan.“Damn it,” bulong ko sa sarili ko habang bumalik sa loob ng presinto. Dapat lang na madala na ang kapatid ko sa kalokohan niya.Pagbalik ko sa loob, bumungad agad sa akin ang desk officer. “Mr. McCain, ano po ang kailangan ninyo?”“I’m here for my brother, King Josh McCain. Kukunin ko na siya,” sagot ko, bahagyang iritable dahil sa sitwasyon.Tumingin sa akin ang officer at saka tumango. “Sandali lang po, sir. Kakausapin ko muna ang officer-in-charge ng kaso niya.”Tumango lang ako at hinintay siya. Ilang saglit lang, may lumabas na isang pulis—at laking gulat ko nang si Althea ulit ang humarap sa akin.Napansin kong bahagyang naningkit ang mga mata niya. “Mukhang hindi lang pala ako ang sadya mo dito,” malamig niyang sabi.“Business before pleasure,” sagot ko, isang pilyong ngiti ang sumilay sa labi ko.“Whatever.” Umiling siya at tumingin sa assistan
Chapter 18Kurt POVKanina pa ako nakatitig sa kanya, at hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako nagsasawang gawin iyon. May kakaiba sa babaeng ito—malamig ang kanyang presensya, pero sa kabila noon, may isang bagay sa kanya na hindi ko maalis sa isip ko.Tangina. Ano bang nangyayari sa akin?Noon pa man, hindi ako nauubusan ng babae. Isang tingin ko lang, bumibigay na sila. Pero siya? Isang titig niya lang sa akin, parang nahuli niya ako sa akto ng isang krimen. Napansin pala niya na kanina pa ako nakatitig. Agad kong iniwas ang tingin at umalis bago pa ako lalong mahuli sa bitag ng sarili kong pag-iisip.Lumipas ang limang araw, at mula nang makita ko siya, parang nawala ang gana kong makipaglaro sa ibang babae. Dati, wala akong pakialam kung sino ang kasama ko sa kama, basta matanggal lang ang init ng katawan ko. Pero ngayon?Siya ang pumapasok sa isip ko.Siya ang naiisip ko sa tuwing may babaeng lumalapit sa akin.At mas lalong nakakabaliw dahil hindi ko matanggap na naaapektu
Chapter 17Agad akong dumiretso sa locker room para magpalit ng uniporme. Ilang minuto na lang at mag-iistart na ang shift ko. Sinilip ko ang cellphone ko at may isang tawag mula kay Mama. Napangiti ako.Matapos ang buong araw ng pagtatrabaho, paghabol ng masasamang-loob, at pagtanggap ng pangaral mula sa mga nakakataas, wala nang mas hihigit pa sa kaginhawaan ng simpleng buhay—tulad ng pagtitinda sa palengke kasama ang pamilya.Kinabukasan, maaga akong nagising para tumulong kina Mama at Papa sa pagtitinda sa palengke. Habang inaayos ko ang panindang gulay, biglang sumulpot ang hindi ko matigil-tigilang manliligaw—si Boy2x."Althea, my loves! Sagutin mo na ako!" malakas niyang sigaw, dahilan para mapatingin sa amin ang ibang tindera.Napabuntong-hininga ako at sinuklay ang buhok ko gamit ang daliri. "Boy2x, ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na hindi kita gusto?"Ngumiti lang siya na parang walang narinig. "Okay lang kahit ilang beses mo akong bastedin, basta’t sa puso mo ako nakaku