Chapter 05Pagkatapos ng ilang minutong pagtitig sa salamin at paglalatag ng mga posibleng estratehiya, nagpasya akong bumalik sa interrogation room. Tumindig ako nang diretso, ang bawat hakbang ko’y mabigat, puno ng intensyon. Si Angie ay nanatili sa labas, nakangiti nang bahagya."Baka naman matakot 'yan sa’yo, Perez," biro niya, pero alam kong seryoso rin siya sa obserbasyon niya.Ngumiti ako nang malamig bago tuluyang pumasok.Pagbukas ko ng pinto, tumigil si Hensley sa paggalaw ng kanyang mga posas at tumingin sa akin, pilit na pinapanatili ang kanyang composure. Pero halata ang tensyon sa kanyang mga mata. Tumayo ako sa harap niya, itinulak ang folder sa mesa, at tinapik ito nang bahagya para marinig niya ang tunog."Siguro naman, sa oras na ‘to, naiisip mo na ang magiging epekto nito sa buhay mo, hindi ba, Hensley?" malamig kong sabi.Ngumisi siya nang pilit. "Akala ko ba interrogation ‘to, hindi pananakot? Akala ko, police ka, hindi gangster."Hindi ko siya sinagot. Sa halip,
Last Updated : 2025-01-24 Read more