Share

RED ROSES: ALTHEA (Book #2)
RED ROSES: ALTHEA (Book #2)
Author: SKYGOODNOVEL

Chapter 01

Author: SKYGOODNOVEL
last update Huling Na-update: 2025-01-24 20:03:20

Chapter 01

Kurt POV

Nasa kalagitnaan ako ng isang mahalagang meeting sa boardroom. Ang tension sa loob ng kwarto ay ramdam na ramdam, at ang mga board members ay tahimik na nakaupo, tila naglalakad sa manipis na linya. Pero hindi ko alintana ang katahimikan—galit ako, at hindi ko ito itinatago.

"Can someone explain to me," malamig kong sabi habang nanglilisik ang aking matang tinitigan ang mga nakaupo, "kung paano nawala ang two million dollars sa kompanya?!" Ang boses ko ay malamig pero puno ng galit. Alam nilang hindi ako pumapayag sa ganitong klaseng kapabayaan.

Ang chief accountant, si Mr. Hensley, ay tumikhim at sinubukang ipaliwanag. "Sir, we're still investigating the discrepancy. It seems to be an internal—" hindi ko ito pinatapos magsalita.

"Incompetence! That's what this is," putol ko sa kanya, ang boses ko'y tumaas. "Two million dollars don't just vanish into thin air. If no one finds out who’s responsible, lahat kayo mawawalan ng trabaho!" galit kong sigaw.

Kahit anong pilit kong kontrolin ang sarili, hindi ko mapigilang magpakawala ng bigat ng nararamdaman ko. Ang pera ay hindi biro, lalo na kung pinagpaguran ko. Ang pangalan ko ang nakataya sa lahat ng ito, at hindi ko hahayaan na masira ang reputasyon ko dahil sa kapabayaan ng iba.

Nagsimula nang mag-usap ang mga miyembro ng board, nagmamadaling magbigay ng sagot sa galit kong tanong. Pero hindi ko na sila pinakinggan. Ang utak ko ay naglalaro na sa ideya kung sino ang posibleng traydor sa kompanya ko.

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at tumingin sa lahat. "You have 48 hours to give me answers. Kung hindi niyo maibalik ang perang nawala, huwag na kayong magpakita sa akin," utos kong sabi sa lahat.

Pagkatapos ay lumabas ako ng boardroom nang walang lingon-lingon. Sa galit ko, kinailangan kong magtungo sa opisina ko para magpalamig. Pero kahit anong gawin ko, hindi mawala ang apoy na sumusunog sa dibdib ko.

May magbabayad sa gumawa nito—at siguraduhin kung mananagot sila sa ginawa nilang pagnakaw ng pera dito sa aking kompanya.

Habang naglalakad ako palabas ko ng boardroom, naramdaman ko ang presensya ng aking secretary na si Mila, halos nagkandarapa sa pagmamadaling sumunod sa akin. Ang takot sa kanyang mukha ay hindi niya naitago—alam niyang hindi ako nasa mood para sa mga excuses.

"Sir, may kailangan po akong—" simula niya, pero agad ko siyang tinapunan ng malamig na tingin. Tumigil siya sa pagsasalita at lumunok ng malalim.

"Kung ang sasabihin mo ay walang kinalaman sa nawawalang pera, Mila, I suggest you save it for later," madiin kong sabi habang patuloy na naglalakad papunta sa opisina ko.

"Pero, Sir... may natuklasan po ako," mahinang sagot niya, halos pabulong. Huminto ako sa paglalakad at bumaling sa kanya.

"Anong natuklasan mo?" tanong ko, puno ng tatanungan ang aking isip.

"May nakita po akong suspicious transactions sa finance department. Mukhang may mga withdrawals na hindi authorized, at consistent ang pattern. Pero... hindi pa po kumpleto ang mga detalye," paliwanag niya habang nanginginig ang kamay na nag-aabot ng ilang dokumento.

Kinuha ko ang mga papeles at mabilis na binasa ang laman. Kitang-kita sa bawat linya ang ebidensya ng pandaraya. Ang galit ko, na kanina pa sumisidhi, ay parang bulkan nang sasabog.

"Sino ang may access sa account na 'to?" tanong ko nang mariin habang nanlilisik ang aking matang nakatutok sa hawak kong dokumento.

"Ang mga senior finance staff po, Sir. Pero... ang pinaka-madalas pong nag-a-access ay si Mr. Hensley," sagot ni Mila, ang boses niya ay puno ng kaba.

Si Hensley. Ang mismong taong nagbigay ng excuse kanina sa boardroom.

"Hensley," bulong ko, ang ngiti sa labi ko ay puno ng poot. "Sabihin mo sa security na i-lock down ang buong department niya. Walang makakalabas hanggang hindi ko natatapos ang imbestigasyon."

"Yes, Sir," sagot ni Mila bago nagmadaling umalis para tuparin ang utos ko.

Pumasok ako sa opisina ko at ibinagsak ang mga dokumento sa desk. Tumitig ako sa bintana, ang mga kamao ko'y mahigpit na nakatikom. Walang sinuman ang may karapatang lokohin ako o ang kompanya ko.

"Hensley," bulong ko ulit, puno ng galit. "Tignan natin kung hanggang saan ka tatagal. Kung napapatunayan na ikaw ang may gawa sisiguraduhin kong magbabayad ka sa pagnakaw mo.

Hindi mag tagal ay habang nakatingin ako sa bintana, pumasok si Mila sa opisina matapos ang ilang minuto. Halos habulin pa rin niya ang hininga niya sa pagmamadali.

"S-sir, nakausap ko na po ang security. Na-lockdown na po ang finance department. Wala pong makakalabas o makakapasok," mabilis niyang sabi.

Tumango ako, hindi inalis ang tingin sa labas ng bintana. "Good. Siguraduhin mong lahat ng files at devices sa department na 'yan ay intact. Walang dapat mawala, Mila," utos ko dito.

"Y-yes, Sir," sagot niya, halatang kinakabahan pa rin.

Tumalikod ako at tinitigan siya nang diretso. "Mila, gusto kong malaman ang lahat ng galaw ni Hensley sa loob ng huling tatlong buwan. Transactions, meetings, emails—lahat," sambahin ko dito.

"Y-yes, Sir. Ipapahanda ko na po ngayon," sagot niya agad.

"Huwag mong kakalimutang discreto. Ayokong malaman niyang iniimbestigahan ko siya," dagdag ko, ang boses ko'y puno ng lamig.

"Understood, Sir," sagot niya bago muling lumabas ng opisina.

Naiwan akong mag-isa sa kwarto, ang galit sa dibdib ko ay hindi pa rin humuhupa. Si Hensley. Ang taong ilang taon nang nagtatrabaho sa akin, na pinagkatiwalaan ko. Kung siya nga ang may sala, hindi ko alam kung mas magagalit ako dahil sa pagkawala ng pera o sa pagtataksil niya sa kompanya ko.

Kinuha ko ang telepono at tumawag sa isa pang tauhan ko, si Jonathan, na isang IT specialist.

"Jonathan, gusto kong malaman kung may kakaibang aktibidad sa company network na may kinalaman sa finance department. I-review mo lahat ng logs. Gusto kong malaman kung may gumagamit ng unauthorized access o kung may nagpapasa ng impormasyon palabas ng kompanya," wika ko.

"Yes, Sir. Agad ko pong aasikasuhin," sagot niya sa kabilang linya.

Pagkababa ko ng telepono, isang ngiti ang unti-unting lumitaw sa labi ko, pero hindi ito ngiti ng kasiyahan.

"Kung sino man ang may kasalanan, hindi siya makakaligtas," bulong ko sa sarili. "Hindi niya alam kung sino ang kinalaban niya," bulong ko sa aking sarili habang naglalaro ang aking ballpen sa aking mga daliri.

Kaugnay na kabanata

  • RED ROSES: ALTHEA (Book #2)    Chapter 02

    Chapter 02Habang nananatili akong nakatayo sa harap ng bintana, muling bumukas ang pinto ng opisina ko. Pumasok si Mila, mabilis ang kilos, dala ang isang tablet na may nakahandang impormasyon."Sir," panimula niya, halatang kabado pero determinado. "Nahanap ko na po ang ilang detalye tungkol sa unauthorized transactions. Mukhang konektado ito sa offshore accounts na hindi rehistrado sa kompanya."Napatingin ako sa kanya, ang mga mata ko'y matalim na parang punyal. "Offshore accounts?" tanong ko, malamig ang boses."Yes, Sir," sagot niya, iniabot sa akin ang tablet. "Ito po ang mga records ng mga transaksyon. May pattern na consistent sa mga withdrawal—lahat ay mula sa finance department, at karamihan ay nagmumula sa login credentials ni Mr. Hensley."Pinag-aralan ko ang mga datos sa screen. Halos kumukulo ang dugo ko sa bawat linya ng ebidensyang nababasa ko."Hensley," bulong ko nang may matinding poot. "Ang lakas ng loob niyang gamitin ang sarili niyang credentials. Hindi ba niya

    Huling Na-update : 2025-01-24
  • RED ROSES: ALTHEA (Book #2)    Chapter 03

    Chapter 03Binaba ko ang intercom at tumalikod, tumitig sa malaking bintana ng opisina. Ang tanawin ng lungsod na karaniwang nagpapakalma sa akin ay walang epekto ngayon. Sa isipan ko, umiikot lang ang plano kung paano ko babagsakin si Hensley at ang sinumang nasa likod ng krimen na ito.Biglang tumunog ang telepono sa mesa ko. Agad ko itong sinagot."Sir," si Jonathan, nasa kabilang linya, halatang excited. "Nakuha ko na po ang approximate location ng backdoor access. Mukhang nasa isang apartment complex sa lungsod. Pero kailangan pa po ng mas malalim na trace para sa eksaktong unit.""Good," sabi ko nang malamig. "Ipadala mo ang impormasyon sa security team. Gusto kong bantayan ang lugar na 'yan nang hindi sila mahahalata. Kapag may nalaman ka pa, sabihin mo agad sa akin.""Yes, Sir," sagot niya bago binaba ang tawag.Huminga ako nang malalim, pilit pinapatahan ang galit sa dibdib ko. Pero alam kong hindi ito mawawala hangga't hindi ko nahahanap ang bawat taong responsable.Muling b

    Huling Na-update : 2025-01-24
  • RED ROSES: ALTHEA (Book #2)    Chapter 04

    Chapter 04 Althea POV Nasa presinto ako, nakaupo sa harap ng mesa habang binabalikan ang mga papeles ng isang kaso. Tahimik ang paligid, maliban sa tunog ng mga radyo ng ibang pulis na nag-uulat sa mga operasyon. Sa trabaho kong ito, sanay na ako sa gulo, sigawan, at kahit sa mga taong hindi marunong sumunod sa batas. Pero ngayong araw, may kakaibang tensyon sa ere. Biglang bumukas ang pinto, at pumasok ang hepe namin. Ang tingin niya sa akin ay seryoso, halatang may mahalagang bagay siyang sasabihin. "Perez," tawag niya, na agad namang nagpakunot sa noo ko. "Ikaw ang bahala sa bagong arestong dinala dito." Tumayo ako mula sa pagkakaupo, tinitigan siya. "Anong kaso, Sir?" tanong ko habang inaayos ang badge sa uniporme ko. "Ito'y high-profile case. Si Hensley, dating executive ng isang malaking kumpanya. Kasama siya sa operasyon na natunton sa pandaraya at money laundering. Siya ang lead suspect sa kaso, at malakas ang ebidensya laban sa kanya," paliwanag ng hepe. "Hensley?" uli

    Huling Na-update : 2025-01-24
  • RED ROSES: ALTHEA (Book #2)    Chapter 05

    Chapter 05Pagkatapos ng ilang minutong pagtitig sa salamin at paglalatag ng mga posibleng estratehiya, nagpasya akong bumalik sa interrogation room. Tumindig ako nang diretso, ang bawat hakbang ko’y mabigat, puno ng intensyon. Si Angie ay nanatili sa labas, nakangiti nang bahagya."Baka naman matakot 'yan sa’yo, Perez," biro niya, pero alam kong seryoso rin siya sa obserbasyon niya.Ngumiti ako nang malamig bago tuluyang pumasok.Pagbukas ko ng pinto, tumigil si Hensley sa paggalaw ng kanyang mga posas at tumingin sa akin, pilit na pinapanatili ang kanyang composure. Pero halata ang tensyon sa kanyang mga mata. Tumayo ako sa harap niya, itinulak ang folder sa mesa, at tinapik ito nang bahagya para marinig niya ang tunog."Siguro naman, sa oras na ‘to, naiisip mo na ang magiging epekto nito sa buhay mo, hindi ba, Hensley?" malamig kong sabi.Ngumisi siya nang pilit. "Akala ko ba interrogation ‘to, hindi pananakot? Akala ko, police ka, hindi gangster."Hindi ko siya sinagot. Sa halip,

    Huling Na-update : 2025-01-24
  • RED ROSES: ALTHEA (Book #2)    Chapter 06

    Chapter 06Tumawa ako nang bahagya, isang ngiti na puno ng kasiyahan. "Naiintindihan ko na, Hensley. Kung ikaw mismo ang magbibigay ng lahat ng impormasyon, hihilingin ko sa mataas na opisyal na magbigay ng proteksyon. Pero, tandaan mo, wala nang daan pa para umatras. Pagkatapos mong magsalita, wala nang kaligtasan na makakamtan kung magsisinungaling ka pa."Nanatili siyang tahimik, ngunit ang takot at ang realization na tumama sa kanya ay nagsilbing hudyat na hindi na siya makakapagbalik-loob sa kanyang nakaraan."Ang hirap magtago ng lihim, hindi ba?" sabi ko, bahagyang napangiti sa kanyang pag-amin. "Sa huli, mas malaki ang mawawala sa'yo kaysa sa kung anong matamo mong pansamantalang proteksyon."Sinimulan niyang magsalita nang dahan-dahan, ngunit walang labis, walang kulang. Binanggit niya ang mga pangalan, mga operasyon, at mga detalye ng kanyang mga transaksyon. Ang bawat salita na lumabas sa bibig niya ay parang pako sa kabaong ng kanyang krimen.At habang siya ay patuloy na n

    Huling Na-update : 2025-01-24
  • RED ROSES: ALTHEA (Book #2)    Chapter 07

    Chapter 07 Ang pangalan na iyon ay isang warning bell sa aking utak. Kung may pamilya si Mila na kasangkot, ibig sabihin ay may malalim pang koneksyon sa labas ng kumpanya—at maaaring magulo ang lahat kapag nasangkot ang pamilya. "Isang huling tanong, Hensley," sabi ko, ang tono ko’y naging malamig na parang yelo. "Paano mo pinanatili ang inyong relasyon kay Mila? May pagkakataon ba na natutuklasan mo na ang tunay niyang intensyon?" Pinagmumumog niyang sagot, "Mila... hindi siya basta-basta. Kung nakilala mo siya, maiintindihan mo na ang mga ginagawa niyang hakbang ay matagal nang naplano. Pero hindi ko kayang labanan siya, hindi ng mag-isa lang." "At ngayon, Hensley, ikaw ang naging biktima ng laro niyang iyon," sabi ko, natagpuan ko ang pitik ng galit na nagsimula muling pumasok sa aking dibdib. "Ngayon, ikaw ang magsisilbing susi upang tapusin lahat ito." Ang pag-amin na nagmula kay Hensley ay naging hudyat ng muling simula ng laban. Hindi lang si Mila, kundi pati na rin ang m

    Huling Na-update : 2025-02-03

Pinakabagong kabanata

  • RED ROSES: ALTHEA (Book #2)    Chapter 01

    Chapter 01 Kurt POV Nasa kalagitnaan ako ng isang mahalagang meeting sa boardroom. Ang tension sa loob ng kwarto ay ramdam na ramdam, at ang mga board members ay tahimik na nakaupo, tila naglalakad sa manipis na linya. Pero hindi ko alintana ang katahimikan—galit ako, at hindi ko ito itinatago. "Can someone explain to me," malamig kong sabi habang nanglilisik ang aking matang tinitigan ang mga nakaupo, "kung paano nawala ang two million dollars sa kompanya?!" Ang boses ko ay malamig pero puno ng galit. Alam nilang hindi ako pumapayag sa ganitong klaseng kapabayaan. Ang chief accountant, si Mr. Hensley, ay tumikhim at sinubukang ipaliwanag. "Sir, we're still investigating the discrepancy. It seems to be an internal—" hindi ko ito pinatapos magsalita. "Incompetence! That's what this is," putol ko sa kanya, ang boses ko'y tumaas. "Two million dollars don't just vanish into thin air. If no one finds out who’s responsible, lahat kayo mawawalan ng trabaho!" galit kong sigaw. K

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status