"Huhhhhh!" Hinihingal na napabalikwas ng bangon si Jesabell nang magising. Pero automatic na napahiga muli sa lupa at dumaing sa sakit na nagmula sa tagiliran. Muli siyang hiningal at nahigit ang sariling hininga dahil sa sobrang sakit.
"Argh, bakit ang sakit?" daing muli ni Jesabell at sinapo ang tagiliran. Ngunit dahil sa ginawa niya ay kamuntik na siyang mapahiyaw dahil sa takot at sakit nang makapa ang sugat. "Oh my, God... du-dugo?" Hinatakutan niyang bulong nang mapagmasdan ang mga kamay. Hindi niya alam kung ilang oras na ba siyang nawalan ng malay. Pero bakit parang ang babaw lang naman ng sugat niya? Ang alam niya ay may gustong pumatay sa kaniya. Mabilis niyang iginala ang tingin sa paligid at ang dilim, wala ring ibang tao sa paligid. Ang tahimik din ng paligid, gusto niyang humingi ng tulong ngunit natatakot siya na marinig ng mga lalaking nanakit sa kaniya. Hindi niya alam kung nasaan na ang mga ito. Pero bago siya nawalan ng malay kanina dahil sa takot ay narinig pa niya ang sinabi ng isang lalaki. "Pare, tama na iyan upang hindi halata. Ang utos ay bigyan lang siya ng kaunting sugat upang magmukhang nagsarili lang siya." Mariing ipinikit niya ang mga mata matapos maalala ang huling sinabi ng lalaki kanina. Binalikan pa niya sa isipan ang ibang pangyayari kaya narito siya ngayon sa kinasadlakan. "Sino kayo at ano ang kailangan ninyo sa akin?" takot na tanong ni Jesabell sa dalawang lalaking humarang sa daraanan niya. "Huwag nang maraming tanong. Sumama ka na sa amin at masaya sa pupuntahan natin!" Nakangisi at sapilitan siyang hinawakan sa braso ng isang lalaki. Nanlaban siya at sumigaw ngunit walang nakakarinig. Kasalanan niya kung bakit siya naroon sa liblib na lugar. Gusto niya lang naman kasing takutin sana si Tyron upang siya na lang ang pagtuunan nito ng pansin. Ngunit kilala na talaga siya ng binata at alam nitong okay lang siya. Na hindi totoong may masamang taong humahabol sa kaniya. Pero hindi niya akalaing makarma siya. At hito nga at totoong may masamang tao na gusto siyang gawan ng masama. Ilang beses na rin kasi niya itong ginawa pero ito ang pinakamalala. First time niyang gumawa ng kalokohan sa gabi. Kasalanan ito ni Emily, ang babaeng gustong pakasalan ni Tyron. Ok naman sila ng binata noong hindi pa ito umiiksina sa buhay nila ni Tyron. Lahat ay ibinibigay ni Tryron sa kaniya at siya lang ang babae sa buhay nito kahit bilang kapatid lamang ang tingin sa kaniya. Mariing naglapat ang mga labi ni Jesabell at inubos ang lakas upang makawala sa pagkagawak sa kaniya ng isang lalaki. Nang mabitawan siya ay kumaripas siya ng takbo. Ngunit hindi pa siya nakakalayo nang bigla siya makaramdam ng matalas na bagay na bumaon sa tagiliran niya. Nanginginig ang mga saliri na hinanap niya ang cellphone matapos maalala ang nangyari kanina. Nakapa niya iyon sa tabi niya. Sadyang iniwan iyon ng mga lalaki at sa tingin niya ay nasa paligid pa ang mga ito. Agad niyang tinawagan si Tyron at may sumagot naman agad. "Jesabell, stop fooling around! Umuwi ka na ngayon din dahil kung hindi ay sa labas ka matutulog!" Napaluha si Jesabell nang marinig ang galit na tinig ng binata. "I can't, ma-may sugat ako." Sandaling natigilan si Tyler nang marinig ang tinig ng dalaga. Ramdam niya ang takot nito at halatang umiiyak. Pero alam niyang doon magaling ang dalaga upang laging makuha ang gusto sa kaniya. "Tyron, I'm cold!" Nakagat ni Jesabell ang loob ng ibabang labi dahil sa galit nang marinig ang tinig ni Emily. Alam niyang tulad niya ay nag iinarte lang din ito upang maagaw sa kaniya ang atensyon ni Tyron. Ngunit mas magaling sa kaniya ang babae. Isa pa ay mabait ang tingin dito ni Tyron, hindi katulad niya na sadyang m*****a kahit noong bata pa. "Jesabell, umuwi ka na. Bigyan kita ng isang oras at—" "Please, help me. Kahit ngayon lang. Pangako, last na ito!" Pagmakaawa niya sa binata habang garalgal ang tinig. Napabuntong hininga si Tyron bago nagsalita. "May sakit si Emily at kailangan niya ako kaya puwede bang be matured this time?" Napahagulhol na lang siya ng iyak nang wala na sa kabilang linya ang binata. Pero agad din niyang pinigilan ang pag iyak dahil pakiramdam niya ay lumalakas ang labas ng dugo sa sugat niya. Muli niyang binuhay ang cellphone at hinanap ang numero ng kaibigan. Alam niyang pinagbawalan na siya ni Tyron na makipag communicate pa kay Jason dahil adik umano ito. Pero no choice na siya. Ayaw pa niyang mamatay at sa lugar pang ito. Si Jason lang ang alam niyang madaling malapitan at alam ang ganitong lugar. "Hulaan ko kaya ka tumatawag ay dahil hindi ka na naman sinundo ng mahal mo?" Nang aasar na bungad ni Jason sa tawag ng pasaway niyang kaibigan. "Help me." Nanghihina niyang anas mula sa kabilang linya. "Shit!" Marahas na tumayo si Jason mula sa kinaupuan kung saan umiinum ng alak nang marinig ang boses ng dalaga. "Where are you?" Alam ni Jesabell kung nasaan siya dahil sadyang pinili niya ang lugar na iyon kanina. Sobrang natatakot na siya, hindi lang dahil sa isiping may sugat siya kundi dahil ang dilim ng paligid at walang ibang tao. "Papunta na ako, huwag mong patayin ang tawag okay? Huwag kang matakot at be strong." Umiiyak na tumango si Jesabell kahit hindi nakikita ng kausap. Nanatili lang siyang nakahiga at takot ding gumalaw. Baka kasi lalong dumugo ang sugat niya. Sapo niya rin ang tagiliran gamit ang isang kamay habang ang isa ay may hawak ng cellphone. Narinig niyang umandar na ang makina ng motorcycle ni Jason at alam niyang mabilis lang itong makarating sa kinaroonan niya kahit traffic pa. Matapos painumin ng gamot si Emily ay tumayo na si Tyron. Muli niyang tiningnan ang cellphone at na cancel niya nang hindi sinasadya ang tawag kanina. "Tyron, please dito ka lang sa tabi ko." Pigil ni Emily sa binata bago pa nito matawagan muli si Jesabell. "Magpahinga ka lang at babalik ako mamaya. Gabi na kaya kailangan kong hanapin si Jesabell." Dinayal niya muli ang numero ng dalaga ngunit busy line ito. Ibig sabihin ay may kausap itong iba. Nangalit ang bagang ni Tyron at nauto na naman siya ng dalaga. Muntik na siyang maniwala na nasa panganib nga ito. Sigurado siya na si Jason na naman ang kausap nito sa cellphone dahil hindi nakuha ang gusto sa kaniya. Inis na bumangon si Emily nang lumabas na sa silid niya si Tyron. Kahit ilang ulit na itong niloko ni Jesabell ay nag aalala pa rin ito sa babae at hindi matiis. Sa pagkakataon na ito, tiyak siya na lalong magalit dito ang binata at sigurado na parusahan pa. Dumiritso si Tyron sa mini bar niya nang hindi pa rin makuntak si Jesabell. Sagad na ang pasensya niya para sa dalaga. Hindi na dapat siya maawa dito sa pagkakataon na ito. Dapat noon pa man ay pinadala na niya ito sa abroad upang doon mag aral. Ngayong tumuntong na ito sa tamang edad ay lalong naging matigas ang ulo at lumala ang kapilyahan. Nagagawa na nitong saktan ang sarili para lang mapasunod siya. Kasalanan niya kung bakit naging spoiled sa kaniya ang dalaga. Siya na ang tumatayong guardian nito mula nang mamatay mula sa aksidente ang mga magulang ng dalaga. Fifteen years old lamang ito nang mapunta sa pangalaga niya at siya naman ay twenty five. Matalik na magkaibigan ang mga abuelo nila. Alam niya ang pakiramdam na mamuhay na walang mga magulag kaya pumayag siya sa gustong mangyari ng abuelo. Sa kaniya titira si Jesabell at siya ang tatayong guardian hanggang sa pagtuntong nito sa tamang edad. Ngunit habang tumatagal ang pagsasama nila sa iisang bubong ay nag iiba ang dalaga. Ayaw na nitong maging kapatid niya lamang. Hiniling pa sa abuelo niya na pakasalan niya ito. Gumawa pa ito ng kuwento na may nangyari na sa kanila at naniwala naman ang abuelo niya. Napabuntong si Tyron bago ininum ang laman ng basong hawak. Pagtingin niya sa orasan ay mag alas-dyes na. Isa pang salin ng alak sa baso ang ginawa bago tinawagan muli ang cellphone ni Jesabell. Napatingin si Jason sa cellphone ng kaibigan nang tumunog iyon. Tulog pa rin ang dalaga. Nang madatnan niya ito kanina sa madilim na lugar ay namumutla na ito at saka nawalan nang malay nang makita siya. Sobrang naawa siya rito kanina, talagang lumalaban sa kamatayan at hindi natulog hangga't hindi nasiguro ang kaligtasan. Abala pa ang doctor sa paglinis ng sugat ng kaibigan kaya sinagot na muna niya ang tawag. "Where the hell are you now, young lady?" Pagalit na tanong ni Tyler sa dalaga. "Wala pa siyang malay at narito kami sa hospital." Malamig na tugon ni Jason sa lalaki. Galit na napatayo si Tyron nang makilala ang boses ng lalaking may hawak sa cellphone ni Jesabell. "Alam ko na kasabwat mo siya sa kalokohang ginagawa niya. Ibigay mo sa kaniya ang cellphone ngayon din at kakausapin ko siya!" "Kung ayaw mong maniwala ay go to hell!" Galit na pinatay ni Jason ang tawag at saka bumalik sa tabi ni Jesabell na wala pa ring malay. Nasipa ni Tyron ang paa ng upuan dahil sa galit. Tinawagan niyang muli ang cellphone ng dalaga ngunit naka off na. Mabilis niyang tinawagan ang kaniyang assistant. "Hanapin mo kung saan hospital ngayon si Jesabell!" Inis na umalis si Emily mula sa pinagkukublihan. Kahit galit ang binata ay hindi pa rin nito kayang tikisin si Jesabell. Mabilis siyang umalis sa pinagkublihan at bumalik sa sariling silid. Kailangan niyang mag isip ng ibang plano naman ngayon."Tyron, may nangyari bang hindi maganda kay Jesabell?" Nanghihinang tanong ni Emily habang nakatukod ang kanang kamay sa hamba ng pinto at bahagyang nakauklo ang katawan na para bang hindi kayang tumayo ng tuwid.Mabilis na binalikan ni Tyron ang dalaga at inalalayan ito. "Bakit ka lumabas ng silid? Hindi ba at ang sabi ko ay matulog ka na upang makapagpahinga?""Hindi ako makatulog dahil nag aalala ako kay Jesabell. Alam ko na ako ang dahilan kung bakit siya nagrerebelde sa iyo ngayon. Please isama mo ako at gusto ko ring makita ang kalagayan niya." Naiiyak na pakiusap ni Emily sa binata.Napabuntong hininga si Tyron at binuhat na ang dalaga upang dalhin sa kotse. Sa hospital na rin naman ang punta niya kaya patingnan niya ang dalaga. Pagdating sa hospital, lihim na napangiti si Emily at buhat na naman siya ng binata. "Tyron, ayos lang ako kaya hindi na kailangang e admit. Mas importante si Jesabell kaya siya na ang unahin mong asikasuhin.""Huwag matigas ang ulo, sarili mo naman an
"Sino ang kausap mo? Di ba ang sabi ko ay magpahinga ka na?"Nakagat ni Emily ang ibabang labi at mahamig sa tinig ni Tyron na hindi ito natutuwa sa naabutan kanina. "Sorry, tumawag kasi ang kaibigan ko at kinakamusta ako."Mula ngayon ay iwasan mo si Jesabell upang hindi na siya magrerebelde." Pag iiba ni Tyron sa usapan. "Sa tingin mo ba ay dahil sa akin kaya niya ginagawa ito sa sarili niya?" Nagtatampong tanong ni Emily."Pinagseselosan ka niya kaya intindihin mo na lang. Ayaw kong maulit pa ito sa kaniya.""Gusto mo bang umalis na ako sa bahay mo upang hindi na siya magselos?"Hindi nakasagot si Tyron at mukhang pinag iisipan pa ang sinabi ni Emily. Mabilis na bumangon si Emily at tangkang bababa na ng kama ngunit pinigilan ni Tyron. "Where are you going?""Naging pabigat na ako sa iyo at naging dahilan pa nang kapahamakan ng babaeng mahal mo kaya aalis na ako." Umiiyak na aniya at pilit na kumawala sa hawak ng binata sa braso niya upang mapigilan siya sa pagbaba ng kama."Hi
Nagising si Tyron nang makarinig ng mahinang ungol. Nakatulog pala siya habang nakayupyop ang ulo sa kama nang kinahigaan ni Jesabell. "No... ahhh, kuya, help me!"Mahigpit niyang hinawakan ang palad ng dalaga at ginising ito. Marahil ay ang kabataan pa nito ang napanaginipan at tinawag siyang kuya. Ganito ito noong dalagita pa at siya ang laging tinatawag kahit sa panaginip."Layuan ninyo ako! Ahh huwag!" Nagkakawag na si Jesabell at takot na niyakap ang ano mang mahawakan. "Jesabell, wake up!" Niyugyog na ni Tyron ang balikat ng dalaga upang gisingin ito.Mukhang nakakita ng multo nang maimulat ni Jesabell ang mga mata. Lalong humigpit ang kapit niya sa kumot na nasa dibdib at naglikot ang tingin sa paligid. Hindi niya alam kung bakit narito siya sa kama na. Ang alam niya ay nagtatago siya sa ilalim ng kama kanina bago natulog."Calm down, narito ako hindi ko hahayang may manakit sa iyo." Masuyong hinaplos ni Tyron ang buhok ng dalaga.Ang sarap sa pakiramdam at kumakalma na rin
"Ano ang kailangan mo?" malamig na tanong ni Jesabell kay Emily nang pumasok ito sa silid kung saan siya naka confine. Hindi niya alam na nakabalik na ito pero wala si Tyron."Binibisita ka at tinitingnan kung buhay pa ba." Ngumiti si Emily."Hayop ka, ano ang sinabi mo kay Tyron at ayaw pa akong palabasin dito?" galit niyang singhal sa babae. Kahapon pa sana siya lalabas ngunit biglang sinabi ng doctor na utos ni Tyron.Ngumisi si Emily at dahan-dahang lumapit sa dalaga. "Oh dear, kawawa ka naman at hindi na mahal ni Tyron at pinaniniwalaan. Ako na lang ngayon ay pinaniniwalaan niya at lahat ng sabihin ko ay sinusunod niya.""Bitch! Ginagalit mo talaga akong hayop ka!" Hindi na niya napigilan ang sarili at mabilis na bumaba ng kama. "Ahh bitiwan mo ang buhok ko! Baliw ka na talaga!" Sigaw ni Emily at pilit na inaalis ang kamay ni Jesabell na sumasabunot sa buhok niya."Ito ang gusto mo ang ipakita kay Tyron na baliw ako then panindigan ko na, hayop ka!" Lalo niyang hinila ang buhok
"Maari ka nang lumabas, wala bang magsusundo sa iyo?" tanong ng doctor habang nakatingin sa chart ng dalaga.Ngumiti si Jesabell at umiling. Kailangan niyang maging mabait upang pakawalan na siya. Itinatali kasi siya ng mga ito at laging tinuturukan ng pampatulog. Hindi siya dinadalaw ng binata mula nang iwan siya sa hospital. Mukhang sinadya nitong manatili lang siya sa hospital ng isang lingo habang nasa business trip ito sa takot siguro na kung ano ang gawin niya kay Emily habang wala ito. Grabe ang ginawa sa kaniya ng binata kaya dapat talagang makaalis na siya sa poder nito. Nawawala din ang cellphone niya at alam niyang itinago iyon ng nurse na siyang nag aalalaga kuno sa kaniya para hindi makahingi ng tulong kahit kanino.Mariing naglapat ang mga labi ni Jesabell habang inaayos ang sarili. Talagang kontrolado na ni Emily si Tyron pati ang mga katulong. Talo siya kapag ganitong masama pa rin ang impression sa kaniya ni Tyron. Alam niya ring hindi siya basta pakawalan ni Tyron da
"Ano ang ibig mong sabihing na kay Nida ang cellphone mo?" nagtatakang tanong ni Tyron. "Hindi ba at pinakuha mo ang cellphone ko at ayaw akong pahawakin?" Malungkot niyang sagot sa binata."Tyron, sa tingin ko ay nagha-hallucinate na naman siya. Dapat siguro ay hindi muna siya pinayagang makalabas." Nag aalala at mukhang takot na kumapit muli si Emily sa braso ni Tyron.Inalis ni Tyron ang kamay ni Emily at nag aalalang lumapit kay Jesabell. Kasalanan niya kung lumala ang sakit ng dalaga dahil iniwan niya ito. "Jesabell, halika at kumain ka muna upang gumanda ang pakiramdam mo then iinum ng gamot."Inis na sinamaan ni Emily ng tingin si Jesabell at ang bilis lumambot ng puso ni Tyron para dito.Muli siyang humakbang palayo sa binata. "No, hindi ako baliw kung iyan ang iniisip mo. Masama bang bawiin na ang cellphone ko?" Malungkot niyang tanong sa binata."Jesabell, bakit kay Nida mo hinahanap ang cellphone mo? Nasa silid mo lang iyon at hindi kinukuha sa iyo." Malumanay na kausap ni
Nagulat pa siya nang madatnang nakaupo si Tyron sa kaniyang kama at abala sa hawak nitong cellphone. Nang mag angat ito ng mukha ay mabilis siyang nag iwas ng tingin dito. "May kailangan ka pa ba?" Napabuntong hininga si Tyron dahil sa malamig na pakitungo ng dalaga sa kaniya. Tumayo siya at lumapit sa display table nito. Parang may kulang sa table nito. Nang hindi makita ang picture nilang dalawa ay nalungkot siya. Malaki nga ang tampo ng dalaga at lahat ng may kaugnayan sa kaniya ay gusto nang itapon. Napatiim bagang siya nang maalala ang sinabi nito sa kay Jason noong nasa hospital. Pinatigas niya ag anyo at iniharap sa kaniya ang dalaga.Kinagat ni Jesabell ang loob ng labi upang pigilan ang sariling damdamin. Gusto niyang puriin ang sarili nang magawa niyang salubungin ang nang aarok na tingin sa kaniya ng binata. Hindi na siya nagulat o nagtaka kung galit sa kaniya ito ngayon. Nanatiling tikom ang bibig niya at nalasahan na niya ang dugo na nagmula sa loob ng labing kagat niya.
Ginulo ni Jesabell ang kaniyang buhok nang may kumatok na sa pinto. Alam niyang nagmukha na siya na wala sa sarili at hawak niya ang unan na nilalaro.Nagulat si Lory pagkakita sa kaibigan. Hindi ito ang inaasahan niyang madatnan. Nagmamadali siyang lumapit kay Jesabell at umupo sa tabi nito. "Besh, ano ang nangyari sa iyo? Bakit mukhang totoong nawala ka sa sarili?"Lumabi si Jesabell at naiiyak na tumingin sa kaibigan. "Bakit ngayon ka lang? Alam mo bang wala akong kakampi?"Naaawang niyakap ni Lory ang kaibigan. "Sorry, hindi ko alam na hospitak ka. Ano ang ginawa sa iyo ng bruhang iyon?""Kinuha ni Jesabell ang unan at niyakap iyon sa halip na sagutin ang kaibigan. Kung hindi niya lang alam na ang katotohanan ay isipin niyang lahat ay kayang gawin ni Lory para sa kaniya bilang kaibigan"Don’t worry, makakaganti ka rin sa kaniya." Mariing naglapat ang mga labi ni Lory matapos makapagsalita."How?" Mukhang inosinte niyang tanong kay Lory.Napangisi si Lory at tiyak na magkaroon ng m
Huminga nang malalim si Lory at may simpatyang tumingin kay Emily. "Walang magagawa ang galit mo sa kaniya ngayon. Ayusin mo ang iyong sarili at hindi ka dapat magmukhang kontrabida sa mata ni Tyron."Isang malalim na buntong hininga ang pikawalan ni Emily at inayos ang sarili. Nag isip siya ng ibang dahilan upang mapaniwala si Tyron na hindi niya sinadya ang nangyari kay Jesabell na siya namang totoo. Si Lory ay kailangab niya ring tulungan upang malinis sa mga mata ng binata. Nauna si Lory na pumasok ng silid upang kumustahin ang babae."Tyron, kumusta ang kaibigan ko?" nag aalalang tanong ni Lory sa binata. Nakagat niya ang ibabang labi nang sa halip na sagutin suya ng binata ay ang doctor ang kinausap."Sigurado ka ba na mababaw lang ang sugat sa ulo niya?" Hindi mapakaling tanong muli ni Tyron sa doctor. Mabuti at malapit lang ang clinic nito sa bahay niya kaya nakarating agad."Sadyang madugo lang dahil ulo. Binigyan ko na siya ng painkiller at nalinis ang sugat." Sagot ng doct
Biglang nabura ang ngiti sa labi ni Jesabelle at naiiyak na tumingin kay Tyron. "Pero ang sabi ni Lory ay ikaw ang bumili nito at pinabigay mo sa kaniya?" Bumaba ang tingin niya at tiningnan ang damit. "Gusto ko lang e appreciate ang bigay mo kaya ko sinuot bilang pasalamat sa pag alaga mo sa akin sa hospital."Nanlaki ang mga mata ni Lory at hindi iyon ang napag usapan nila ni Jesabell. Pagtingin niya kay Emily ay mukhang bubugahan na siya ng apoy dahil sa galit.Mabilis na lumapit si Jesabell kay Emily at hinawakan ito sa kamay. "Emily, galit ka pa rin ba sa akin dahil pinahirapan kita ng ilang araw?""Ano ang pinagsasabi mo?" halos pabulong lang na turan ni Emily at binabawi ang kamay na hawak ng dalaga ngunit humigpit ang hawak nito doon."Emily, tanggap ko nang ikaw ang mahal ni Tyron. Huwag kang mag alala at aalis na ako rito upang—ahhhh!" Tumilqpon siya sa sahig dahil malakas siyang tinulak ni Emily."Jesabell!" Dumagundong ang boses ni Tyron sa apat na sulok ng dinning room da