Share

Chapter 7-Ban

ILANG araw pa ang lumipas at lalabas na si Alexander ng hospital. Ayaw niyang umuwi sa kanilang bahay na ikinagalit lalo ng ama.

"Mula sa araw na ito ay kailangan mong magtrabaho sa kompanya upang magkapera. Maging ang iyong condominium ay binabawi ko na. Ngayon, kung ayaw mong umuwi sa bahay ay hindi ko na problema kung saan ka matutulog!" Pagmamatigas ni Laurenzo sa anak.

"Damn you!" nangangalit ang ngipin na bulyaw ni Alexander sa ama.

Napailing si Dylan sa nakikitang ugali ni Alexander sa ama nito. Deserve nito ang pagdamutan ng ama dahil sa hindi magandang ugali nito.

"Thank you!" nakangiti pang sagot ni Laurenzo sa anak. "Now, its up to you kung saan ka uuwi. Hindi naman ako ganoon kasamang ama kaya nag-iwan ako ng fifty thousand sa iyong creidt card. At ang kotse ay tanging si Dylan lang ang maaring magmaneho. Kapag nalaman kong umalis ka at hindi kasama si Dylan, asahan mo kung ano ang sunod kong gagawin."

Ilang beses pa nagmura ng malulutong si Alexander dahil sa galit sa ama. Seryuso ito at gusto siyang gipitin upang mapasunod sa gusto nito. Wala na ang ama sa harapan ay hindi pa siya nakapag desisyon kung saan titira.

"Hahanap na ba ako ng matutuluyan mo?" untag ni Dylan sa pananahimik ni Alexander.

Hindi agad nag-angat ng mukha si Alexander. Nakalimutan niyang may kasama pa nga pala siya sa loob ng hospital room. Napangisi siya at may naisip na gawin upang kusang umalis ang kaniyang bantay. Nakakasiguro siya sa kaniyang naisip ngayon na hindi nito gustohing makasama siya.

"Hindi na kailangan, gusto kong ako mismo ang pipili ng bahay na aking tutuluyan."

Nang-aarok na tingin ang ipinukol ni Dylan sa binata. Duda siya sa tinatakbo ng isipan nito ngayon.

"Tayo na," ani Alexander at sinadyang kumilos ng mabagal at nagkunwaring mahina pa rin.

Salubong ang mga kilay na nilapitan ni Dylan ang arogateng binata. Wala siyang nagawa kundi ang kunin ang isang braso nito at ipinatong sa sariling balikat. Kailangan niyang alalayan ito sa paglalakad upang hindi matumba.

Tahimik lang na sumunod sina Dante at Troy sa dalawa nang makalabas na ng silid. Bitbit nila ang ilan sa gamit ng young master. Ang laki ng bilib ni Mr. Chairman kay Dylan at hindi na nila kailangang bantayan sa gabi ang anak nito. Sa mansyon na sila tutuloy kapag tapos na ang trabaho sa araw.

Sa hotel ng kaibigan nagpa-book si Alexander ng isang silid. Sinadya niyang single bed lang ang kinuha upang walang mahigaan si Dylan.

"Puwede akong makihati ng bayarin kung nagtitipid ka." Alok ni Dylan kay Alexander nang makita ang silid na tutuluyan nila.

"Hindi ko kailangan ang pera mo. Kung hindi ka komportableng makasama ako sa silid na ito, puwede kang kumuha ng sarili mong silid." Aroganteng sagot ni Alexander sa binata.

Nagsukatan ng tingin ang dalawa at unang sumuko si Dylan. Alam niyang sinasadya ito ni Alexander upang tanggihan na ang trabaho bilang personal bodyguard nito at assistant.

"Fine, pagbigyan kita sa gusto mo." Plat ang tono na pagsuko ni Dylan. Pabagsak na binitiwan ang  dalang bag sa sahig.

Nakangiting humiga si Alexander sa malambot na kama. Tama lang din sa isang tao ang laki ng kama. Kung ipilit ni Dylan ang sarili sa kama ay siguradong maggitgitan ang kanilang katawan.

Hindi alam ni Dylan kung hanggang kailan magmamatigas si Alexander sa ama nito. Hindi na niya inalis ang damit sa loob ng kaniyang bag. Ang kay Alexander lang ang inayos niya sa aparador. Daig pa niya ang may alagang gifted child. Mabuti na lang at mahaba ang kaniyang pasensya sa ganitong trabaho.

Nabura ang ngiti sa labi ni Alexander nang makita ang ginagawa ni Dylan. Ang kinaasar pa niya ay mukhang nag-e-enjoy pa ito sa pagiging yaya niya ngayon.

Paglingon ni Dylan ay nahuli niyang nakatingin sa kaniya si Alexander. "May iuutos ka pa ba?"

"Seryuso ka na rito matutulog?"

"May iba pa ba akong choice?" pabalang niyang sagot kay Alexander.

"Hindi mo ako kailangang samahan dito. Huwag kang mag-alala at hindi malalaman ni Daddy."

"Mag order ka ng isa pang blangket at poam na pwede kong ilatag dito sa sahig," sa halip ay sagot niya kay Alexander.

"No, wala na akong pambayad sa—"

"Ako ang magbabayad," putol ni Dylan sa iba pa nitong nais sabihin.

"Ayaw ko at masikip na itong silid ko!" Pagmamatigas ni Alexander. Walang ibang mahigaan si Dylan dahil maliit na sofa lang din ang naroon sa kaniyang silid.

Ipinamulsa ni Dylan ang dalawang kamay at tumingin sa higaan ni Alexander. "Kung gusto mo akong makatabi, huwag ka nang magdahilan pa." Sarkastiko niyang pahayag.

"Jerk, hindi ang tipo mo ang magustohan ko sa lalaki!"

Napangisi si Dylan at dahan-dahang lumapit kay Alexander. Itinukod ang dalawang kamay sa kama at dumukwang palapit sa binata.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status