"MR. CARNIVAL, dumating na po si Mr. Racar."Nilingon ni Conrad ang kaniyang assistant bago muling isinubo ang tabaco na hawak. "Nakita mo na ba ang asawa ko?""Pabalik na po siya rito, sir, galing sa opisina ng kaniyang kapatid," sagot ni Lendon sa ginoo."Huwag mo muna siyang patuluyin dito hangga't hindi pa kami tapos mag-usap ni Mr. Racar.""Masusunod po, Sir." Yumukod ng ulo si Lendon bago tumalikod at lumabas na ng opisina.Isinandal ni Conrad ang likod sa sandalan ng kinaupuan at hinintay ang pagpasok ng matalik niyang kaibigan. Isa rin ito sa kasapi ng organization nila at pumapangalawang malakas at may malaking investment sa kanilang negosyo. Noong si Laurenzo pa ang namumuno ay laging nagkakabanggaan ang dalawa at hindi nagkakasundo. Natahimik lamang ang dalawa nang bumitaw ang kaniyang bayaw na si Leonardo."Long time no see," ani Conrad nang makapasok na ang kaibigan. Tumayo siya at sinalubong ito."Hindi ka nagpasabing babalik ka na." Bati ni Racar kay Conrad habang nakip
"Salamat at naunawaan mo ako, gusto ko rin sanang bisitahin si Alexander ngunit wala siya sa mansion.""Mukhang inumpisahan na ng iyong kapatid ang pagbigay disiplina sa kaniyang anak." Matipid na ngiti ang sumilay sa labi ni Conrad."Naniniwala ka talaga na hindi kinukunsinti ni Laurenzo ang ginagawang hindi maganda ng kaniyang anak?" nang-uuyam na tanong ni Racar kay Conrad nang hindi makatiis."At bakit hindi?" Maagap na salo ni Romana sa patutsadang tanong ni Racar."Romana, lumabas ka muna at hindi pa kami tapos mag-usap ni Racar." Mahinahon na saway ni Conrad sa kaniyang asawa.Mabilis na tumayo si Racar bago pa makapagsalita si Romana. "Wala na tayong dapat na pag-usapan. Aalis na ako para makapag-usap kayo ng maayos ng iyong asawa."Nakataas ang isang kilay na sinundan ng tingin ni Romana ang pagtalikod ni Racar. Hindi sa ayaw niya sa lalaki bilang kaibigan ng kaniyang asawa. Hindi niya lang gusto ang ginagawa nitong parang pinag-aaway ang kaniyang kapatid at asawa.Sa hotel,
"Mr. Chairman," bati ni Dylan sa ginoo nang ipatawag siya sa opisina nito. "Una sa lahat ay gusto kong magpasalamat sa iyo at nagawa mong baguhin ang isip ng aking anak.""Trabaho ko po iyon," magalang niyang sagot sa ginoo.Ngumiti si Laurenzo at inakbayan ang binata. "Hindi talaga ako nagkamali sa pagkuha sa iyo. Alam kong may kapalit ang lahat ng ito kaya mo siya napapayag at hindi ko na aalamin pa. May tiwala ako sa iyo at alam kong hindi mo hahayaang mapahamak ang aking anak. Ngayong narito na siya ay napanatag na ang aking loob na iwan ang kompanya.""Aalis po kayo?""May kailangan akong gawin para sa katahimikan ng puso't isipan ng aking anak. Hindi ko iyon magagawa kung narito lang ako at nagkukulong sa kompanya."Naunawaan ni Dylan ang gustong gawin ng ginoo. "Mag-ingat po kayo at sikapin kong pangalagaan ang kaniyang kaligtasan, tulad sa ginagawa ng aking ama.""Salamat!" Nayakap ni Laurenzo ang binata dahil sa tuwa. .May pag-aalinlangang gumanti ng yakap si Dylan sa ginoo
"Hey, that's enough!" Pumagitna na si Alexander bago pa kung saan mapunta ang malanding tingin ng babae kay Dylan. Sa paraan ng tingin nito sa binata ay nababasa niya ang tumatakbo sa isipan nito ngayon.Mabilis na tinabig ni Dylan ang kamay ni Alexander nang tangkang hawakan nito sa braso ang babae. "Go back to your set at trabaho ko na ang ihatid siya palabas."Napipikon na tiningnan ni Alexander ang binata. Alam niyang arogante ito at hindi siya itinuturing na young master. Pero sumusubra naman na yata ito?Nagmamadali nang umalis si Denise sa takot na magsuntukan pa ang dalawa sa kaniyang harapan."Ano ang problema mo?" galit na bulyaw ni Alexander sa binata nang wala na si Denise."Wala akong problema at gusto ko lang ipaalala sa iyo na lahat ng lumalapit sa iyo ngayon ay may motibong masama. Kaya dapat nag-iingat ka at huwag puro kalibugan ang pinapairal mo!""Asshole!" Galit na sinugod ni Alexander ang binata upang suntukin sa mukha ngunit mas mabilis itong kumilos. Nailagan ni
Aalis na sana si Dylan nang binati pa siya ng ibang kababaihan na malapit sa kinaroonan niya. Magaganda ang mga ito pero hindi niya gusto na ipinagtaka niya sa sarili. Hayagan ang pagpapakita ng pagkagusto sa kaniya ng mga ito pero baliwala lang sa kaniya."Dylan!" galit na tawag ni Alexander sa binata nang makita itong nakipag-usap sa mga babae."Excuse me!" paalam ni Dylan sa mga naroon at nilapitan si Alexander.Tahimik na nagpalipat-lipat lang ang tingin nila Dante at Troy sa dalawa nang magharap nang muli. Nasa mukha ni Dylan ang pagkapormal. Samantala ang kay Alexander ay halatang galit at hindi nagustohan ang tagpong nakita kanina."What the hell are you doing there? Pinagbabawalan mo ako pero ikaw ay puwedeng makipaglandian sa—""Let's go inside!" putol ni Dylan sa iba pang nais sabihin ni Alexander at hinawakan ito sa braso.Napatutok ang tingin ng dalawang saksi sa kamay ni Dylan kung saan nakahawak iyon. Ni-hindi manlang tumutol ang kanilang young master gayong halos hinaha
"YOUNG MASTER, dumating na po ang inyong ama."Lalong nagusot ang matangos na ilong ni Alexander sa ibinalita ng kaniyang personal bodyguard. Naiinis siya dito ngayon at lahat ng taong nakapaligid sa kaniyang ama ay kinaiinisan niya. Gusto niyang tumayo mula sa kinahigaan upang makaiwas sa ama ngunit hindi niya magawa. "Young Master, please huwag niyo na pong piliting kumilos at lalo lamang nagdudurugo ang inyong sugat." Pakiusap ni Tibor sa binata. Kahit may malubha itong sugat na natamo mula sa kaaway nito ay ang lakas pa rin ng lalaki. "Tsss, you're worthless! mangani-nganing batuhin ni Alexander si Tibor at dito ibinunton ang inis na nadarama."I'm sorry, Young Master!" Nakayuko ang ulo at kulang na lang ay lumuhod si Tibor sa harapan ni Alexander upang patawarin na siya.Alam ni Tibor na ang pinakaayaw ng binata ay ang makita ito ng ama nito sa ganoong kalagayan. Lagi na lang siyang naiipit sa mag-amang amo dahil parehong ma-pride at ayaw magpatalo sa isa't isa. Kulang na lang
NAGISING si Alexander mula sa masamang panaginip kinagabihan. Muling uminit ang kaniyang ulo dahil hindi niya magawang bumangon upang kumuha ng maiinum. Isa pa sa ikinagalit niya ay hindi pa bumabalik si Tibor mula kahapon. Tanging ang ama niya ang nagisnan kaninang umaga at nagbantay sa kaniya. Ayaw naman niya itong kausap kaya hindi niya alam kung nasaan na si Tibor.Naikuyom ni Alexander ang kanang kamao nang maalala ang panaginip. Mabilis niyang pinindot ang red button na nasa kaniyang tabihan upang tawagin ang kaniyang bantay. Parehong humahangos na pumasok sa loob ang dalawa at bakas sa mukha ang pag-aalala."Hindi pa ba bumabalik si Tibor?"Nagkatinginan ang dalawang bantay at hindi magawang ibuka ang bibig kaya lalong uminit ang ulo ni Alexander."Magsasalita kayo o gusto ninyong pasabugin ko iyang mga bungo ninyo?!" pabulyaw niyang tanong sa dalawa.Hintakutang napasulyap ang tingin ng dalawa sa baril na nasa tabi ni Alexander. Kilala na nila ang binata, masahol pa itong maga
NAPANGITI si Laurenzo sa kaniyang sarili habang sinusundan ng tingin ang pagtalikod ni Dylan. Tama lang ang naging desisyon niya. Tanging ang lalaking ito ang katapat ng kaniyang anak."Young Master, pagpasensyahan niyo na po ang kagaspangan ng ugali na ipinakita sa iyo ni Dylan. "Sino ang may gawa nito sa iyo?" pag-iiba ni Alexander sa paksa."I'm sorry, Young Master, kumilos ako nang hindi ninyo alam. Siguro nga ay matanda na ako sa ganitong trabaho at hindi na kita kayang ipagtangol," malungkot na turan ni Tibor."Huwag mong sabihin iyan dahil kalabaw lang ang tumatanda. Isa pa ay kahit mahina ka na, walang ibang maaring pumalit sa iyong puwesto. Kaya ko na ang sarili ko at hindi kailangan ang iyong lakas upang-""Nakikita mo ba ang iyong sarili para sabihing hindi mo na kailangan ng isang malakas na tao na magbabantay sa iyo?" sarkastikong putol ni Laurenzo sa litanya ng anak."Its none of your business!" angil niya sa kaniyang ama."Ama mo pa rin ako at kung nabubuhay pa ang iyo