Home / LGBTQ + / RUTHLESS SEDUCTION (Tagalog) / Chapter 14-Kasungitan

Share

Chapter 14-Kasungitan

"Salamat at naunawaan mo ako, gusto ko rin sanang bisitahin si Alexander ngunit wala siya sa mansion."

"Mukhang inumpisahan na ng iyong kapatid ang pagbigay disiplina sa kaniyang anak." Matipid na ngiti ang sumilay sa labi ni Conrad.

"Naniniwala ka talaga na hindi kinukunsinti ni Laurenzo ang ginagawang hindi maganda ng kaniyang anak?" nang-uuyam na tanong ni Racar kay Conrad nang hindi makatiis.

"At bakit hindi?" Maagap na salo ni Romana sa patutsadang tanong ni Racar.

"Romana, lumabas ka muna at hindi pa kami tapos mag-usap ni Racar." Mahinahon na saway ni Conrad sa kaniyang asawa.

Mabilis na tumayo si Racar bago pa makapagsalita si Romana. "Wala na tayong dapat na pag-usapan. Aalis na ako para makapag-usap kayo ng maayos ng iyong asawa."

Nakataas ang isang kilay na sinundan ng tingin ni Romana ang pagtalikod ni Racar. Hindi sa ayaw niya sa lalaki bilang kaibigan ng kaniyang asawa. Hindi niya lang gusto ang ginagawa nitong parang pinag-aaway ang kaniyang kapatid at asawa.

Sa hotel,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status