Aalis na sana si Dylan nang binati pa siya ng ibang kababaihan na malapit sa kinaroonan niya. Magaganda ang mga ito pero hindi niya gusto na ipinagtaka niya sa sarili. Hayagan ang pagpapakita ng pagkagusto sa kaniya ng mga ito pero baliwala lang sa kaniya."Dylan!" galit na tawag ni Alexander sa binata nang makita itong nakipag-usap sa mga babae."Excuse me!" paalam ni Dylan sa mga naroon at nilapitan si Alexander.Tahimik na nagpalipat-lipat lang ang tingin nila Dante at Troy sa dalawa nang magharap nang muli. Nasa mukha ni Dylan ang pagkapormal. Samantala ang kay Alexander ay halatang galit at hindi nagustohan ang tagpong nakita kanina."What the hell are you doing there? Pinagbabawalan mo ako pero ikaw ay puwedeng makipaglandian sa—""Let's go inside!" putol ni Dylan sa iba pang nais sabihin ni Alexander at hinawakan ito sa braso.Napatutok ang tingin ng dalawang saksi sa kamay ni Dylan kung saan nakahawak iyon. Ni-hindi manlang tumutol ang kanilang young master gayong halos hinaha
"YOUNG MASTER, dumating na po ang inyong ama."Lalong nagusot ang matangos na ilong ni Alexander sa ibinalita ng kaniyang personal bodyguard. Naiinis siya dito ngayon at lahat ng taong nakapaligid sa kaniyang ama ay kinaiinisan niya. Gusto niyang tumayo mula sa kinahigaan upang makaiwas sa ama ngunit hindi niya magawa. "Young Master, please huwag niyo na pong piliting kumilos at lalo lamang nagdudurugo ang inyong sugat." Pakiusap ni Tibor sa binata. Kahit may malubha itong sugat na natamo mula sa kaaway nito ay ang lakas pa rin ng lalaki. "Tsss, you're worthless! mangani-nganing batuhin ni Alexander si Tibor at dito ibinunton ang inis na nadarama."I'm sorry, Young Master!" Nakayuko ang ulo at kulang na lang ay lumuhod si Tibor sa harapan ni Alexander upang patawarin na siya.Alam ni Tibor na ang pinakaayaw ng binata ay ang makita ito ng ama nito sa ganoong kalagayan. Lagi na lang siyang naiipit sa mag-amang amo dahil parehong ma-pride at ayaw magpatalo sa isa't isa. Kulang na lang
NAGISING si Alexander mula sa masamang panaginip kinagabihan. Muling uminit ang kaniyang ulo dahil hindi niya magawang bumangon upang kumuha ng maiinum. Isa pa sa ikinagalit niya ay hindi pa bumabalik si Tibor mula kahapon. Tanging ang ama niya ang nagisnan kaninang umaga at nagbantay sa kaniya. Ayaw naman niya itong kausap kaya hindi niya alam kung nasaan na si Tibor.Naikuyom ni Alexander ang kanang kamao nang maalala ang panaginip. Mabilis niyang pinindot ang red button na nasa kaniyang tabihan upang tawagin ang kaniyang bantay. Parehong humahangos na pumasok sa loob ang dalawa at bakas sa mukha ang pag-aalala."Hindi pa ba bumabalik si Tibor?"Nagkatinginan ang dalawang bantay at hindi magawang ibuka ang bibig kaya lalong uminit ang ulo ni Alexander."Magsasalita kayo o gusto ninyong pasabugin ko iyang mga bungo ninyo?!" pabulyaw niyang tanong sa dalawa.Hintakutang napasulyap ang tingin ng dalawa sa baril na nasa tabi ni Alexander. Kilala na nila ang binata, masahol pa itong maga
NAPANGITI si Laurenzo sa kaniyang sarili habang sinusundan ng tingin ang pagtalikod ni Dylan. Tama lang ang naging desisyon niya. Tanging ang lalaking ito ang katapat ng kaniyang anak."Young Master, pagpasensyahan niyo na po ang kagaspangan ng ugali na ipinakita sa iyo ni Dylan. "Sino ang may gawa nito sa iyo?" pag-iiba ni Alexander sa paksa."I'm sorry, Young Master, kumilos ako nang hindi ninyo alam. Siguro nga ay matanda na ako sa ganitong trabaho at hindi na kita kayang ipagtangol," malungkot na turan ni Tibor."Huwag mong sabihin iyan dahil kalabaw lang ang tumatanda. Isa pa ay kahit mahina ka na, walang ibang maaring pumalit sa iyong puwesto. Kaya ko na ang sarili ko at hindi kailangan ang iyong lakas upang-""Nakikita mo ba ang iyong sarili para sabihing hindi mo na kailangan ng isang malakas na tao na magbabantay sa iyo?" sarkastikong putol ni Laurenzo sa litanya ng anak."Its none of your business!" angil niya sa kaniyang ama."Ama mo pa rin ako at kung nabubuhay pa ang iyo
"AYOS ka na ba?" tanong ni Alexander kay Tibor nang mamulatan ito.Ngumiti si Tibor sa binata, ngayon pa lang ay nalulungkot na siya dahil hindi na ito makakasama sa lahat ng oras."Dapat nagpapahinga ka pa at hindi pa naghilom lahat ng iyong sugat." Sermon ni Alexander sa ginoo at nagawa na nitong tumayo at dinalaw siya.Hindi siya natutuwa sa nakikitang kalagayan ni Tibor. Naroon pa rin siya sa hospital at nagkaroon ng infection ang kaniyang sugat sa tagiliran."Nabalitaan kong nagkaroon ka ng lagnat kagabi, ayos na ba ang pakiramdam mo?" Tumango siya sa ginoo saka pumikit. Hindi niya alam kung sino ang nag-alaga sa kaniya kagabi. Ang alam niya lang ay may nagtyagang punasan ang kaniyang katawan. Alam niyang hindi iyon doctor or nurse, dahil sa taas ng lagnat niya kagabi ay hindi na niya magawang idilat ang mga mata. "Young Master, alagaan niyo po ang iyong sarili. Mula sa araw na ito ay hindi na kita maalagaan kaya huwag po sanang matigas ang iyong ulo."Pagkamulat ni Alexander n
"NABALITAAN mo na ba?" "Kung bad news lang ang ibabalita mo sa akin ay huwag mo nang ituloy!" mataray na sagot ni Lovina sa baklang kaibigan."Tungkol lang naman sa anak ng lalaking gusto mong mapangasawa." Maarteng umupo si Jacob sa harapan ng kaibigang ambisyosa. Tumuwid ng upo si Lovina at biglang naging interesado. Nagsasama sila madalas ni Laurenzo pero hindi ito nagkukuwento tungkol sa kalagayan ng anak nito ngayon. Alam niyang nasa hospital si Alexander pero wala siyang alam kung kumusta na ito. Isa pa ay hindi rin siya pinapayagan ng nobyo na dumalaw sa anak nito dahil nga ayaw sa kaniya ng aroganteng binata. Inilahad ng bakla ang palad sa harapan ni Rose habang nakatikwas ang kaliwang kilay.Padabog na binuksan ni Rose ang hand bag at dumukot ng lilibohing pera bilang kapalit sa chismiss na dala ng bakla. Malapad ang ngiting nakapaskil sa labi ni Jacob habang binibilang ang limang libong pera. "Well," nambibitin nitong turan habang inilalagay sa sariling bag ang pera. "
Mula sa isang sulok ay napangisi ang isang tao na kanina pa nakasunod kay Lovina. Agad na tinawagan ang kaniyang boss."Sigurado ka na ba riyan sa balita mo?" "Yes, boss, confirm na wala na si Tibor. Pero base sa aking narinig ay mukhang mas malakas itong pumalit." Sagot ng lalaki habang naglalakad palayo kay Lovina."Kilalanin ninyo at gusto kong mawala siya sa ating landas sa lalong madaling panahon.""Sa ngayon, boss, hindi pa kami makalapit kay Alexander dahil lalong humigpit ang bantay."Kumusta na pala ang nurse?" "Nadispatsa na po namin, boss. Bukas ay baka makita na ang kaniyang bangkay na palutang-lutang sa ilog."Napangisi ang lalaking nasa kabilang linya. "Very good! Ayaw kong maulit ang nangyaring kapalpakan tulad sa babaeng iyon!""Areglado po, boss!" Nang maibaba na ng lalaki ang tawagan ay agad na umalis at bumalik sa pagmatyag sa paligid ng hospital.Sa opisina, napabuntonghininga si Laurenzo habang nakatanaw sa labas ng bintana. Mula sa 10th floor ay tanaw niya ang
ILANG araw pa ang lumipas at lalabas na si Alexander ng hospital. Ayaw niyang umuwi sa kanilang bahay na ikinagalit lalo ng ama. "Mula sa araw na ito ay kailangan mong magtrabaho sa kompanya upang magkapera. Maging ang iyong condominium ay binabawi ko na. Ngayon, kung ayaw mong umuwi sa bahay ay hindi ko na problema kung saan ka matutulog!" Pagmamatigas ni Laurenzo sa anak."Damn you!" nangangalit ang ngipin na bulyaw ni Alexander sa ama.Napailing si Dylan sa nakikitang ugali ni Alexander sa ama nito. Deserve nito ang pagdamutan ng ama dahil sa hindi magandang ugali nito. "Thank you!" nakangiti pang sagot ni Laurenzo sa anak. "Now, its up to you kung saan ka uuwi. Hindi naman ako ganoon kasamang ama kaya nag-iwan ako ng fifty thousand sa iyong creidt card. At ang kotse ay tanging si Dylan lang ang maaring magmaneho. Kapag nalaman kong umalis ka at hindi kasama si Dylan, asahan mo kung ano ang sunod kong gagawin."Ilang beses pa nagmura ng malulutong si Alexander dahil sa galit sa a