LUMIPAS ang mga araw na naging maayos ang pagtatrabaho ni Alexander sa kompanya ng mga ito. Ngunit torture kay Dylan ang bawat araw at oras na kasama ang binata. Kung gaano siya kahigpit sa lalaki, tinatapatan nito ng pang-aakit naman sa kaniya. Alam ni Dylan na ginagawa iyon ng binata upang sumuko na siya sa pagbabantay dito. Nakalipat na rin sila sa condominium nito dahil ibinalik na ng chairman."Saan ka pupunta?" tanong ni Alexander nang tumayo si Dylan."May meeting ka mamaya at kailangan kong kunin ang inihandang presentation ng iyong secretary."Matalim ang tinging sinundan ni Alexander ang pagtalikod ng binata. Ang lamig pa rin ng pakitungo nito sa kaniya kahit obvious namang hindi nito kayang labanan ang pang-aakit niya minsan. Sinundan niya si Dylan hanggang pintuan at pinanood ang paglapit nito kay Dinese. Nitong mga nakalipas na araw ay hindi niya nagustohana ang pagiging close ng binata sa babae. Nawala na nga ang interest sa kaniya ni Denise, pero mukhang si Dylan naman
"Sorry!" Mabilis na binitawan ni Denise ang braso ng binata."Hindi mo na ako kailangan dito para manatili pa.""But I need you..."Nangunot ang noo ni Dylan at nanunuri ang tinging ipinukol kay Denise. Hindi niya intensiyon ang mahulog ang loob sa kaniya ng dalaga kaya siya nakipaglapit dito."Dylan, I like you."Lalong nangunot ang noo ni Dylan at napatingin sa doctor na tahimik lang nakikinig sa kanila. Magsasalita na sana siya nang tumunog ang kaniyang cellphone."Shit, pare, bumalik ka na rito at papunta na riyan si Young Master."Agad na pinutol ni Dylan ang tawag ni Dante at nagmamadaling lumabas. Hindi na niya nagawang magpaalam pa sa dalaga. Narinig pa niya ang pagtawag nito sa kaniyang pangalan ngunit hindi niya iyon pinansin. Bago pa siya makarating sa opisina ni Alexander ay natanaw na niya ang binata. "Ayusin ninyo ang trabaho at pinapasahod kayo hindi para mag chismisan lamang!" bulyaw ni Alexander sa empleyadong naabutang nag-uusap. Ang topic pa ay kinikilig para kay D
"Bitiwan mo ako!" galit niyang bulyaw kay Dylan. Tangkang itutulak niya ito palayo sa kaniya ngunit mabilis nitong nakabig ang kaniyang batok.Maging si Dylan ay nagulat sa ginawang action. Bigla siyang nanigas sa kinatayuan at ang labi ay mariing nakalapat sa bibig ni Alexander. Ilang segundo rin siyang natulala at hindi alam ang gagawin. Pareho pang dilat ang mga mata nila ni Alexander at nang magsalubong ang kanilang paningin ay mabilis siyang bumitaw dito.Bago pa makalayo sa kaniya si Dylan ay nakabig ni Alexander ito sa batok. Siya na ang humalik dito at ipinatikim ang tunay na halik.Nanlaki ang mga mata ni Dylan nang muling maglapat ang labi nila ni Alexander. Itinulak niya ito ngunit lalong hinigpitan ni Alex ang pagkahawak sa kaniyang batok. Kulang na lang ay sakalin siya at naging agresibo ang halik nito sa kaniya. Pilit niyang nilabanan ang binata ngunit napasinghap siya nang biglang daklutin ng isang kamay nito ang kaniyang shaft.Napangisi si Alexander nang tuluyang maka
"What do you want?" nakaangil na tanong ni Alexander sa ama."Moron, hindi ka pa rin nagbabago!" galit ding kausap ni Laurenzo sa anak."Ano ba kasi ang kailangan mo at nakakaisturbo ka sa trabaho ko!"Nakaramdam ng kunsensya si Dylan nang marinig ang alibi ni Alexander sa ama nito. Aalis na sana siya sa kinaupuan upang ayusin ang sarili nang biglang pinaghiwalay nito ang kaniyang mga hita at pumagitna ito. Muling naglikot ang kamay nito habang patuloy na nakipag-usap sa ama."Wala akong balak na isturbohin ka, napatawag lang ako sa iyo dahil walang sumasagot sa tawag ko kay Dylan."Sandaling tumigil sa pagdama ang kaniyang kamay sa dibdib ni Dylan at tinaasan ng kilay ang kausap kahit hindi siya nakikita. Gusto niyang sabihin sa ama na talagang hindi maririnig ni Dylan ang tawag nito dahil lunod na sa kaligayahan ang taong hinahanap nito."Yes, he's here," walang ganang sagot niya sa ama nang itanong kung kasama niya si Dylan. "Ibigay mo sa kaniya ang cellphone at kailangan ko siyan
"YOUNG MASTER, narito po ang iyong ama."Umupo si Alexander sa kaniyang upuan na naka ekis ang mga paa bago sumagot. "Papasukin mo." Pagkapasok ni Laurenzo ay umikot ang tingin niya sa silid. Mabilis na dinampot ni Alexander ang isang folder at nagkunwaring busy sa halip na batiin ang ama.Napailing si Laurenzo sa inakto ng anak. Kahit papaano ay may improvement na nga ang anak kahit medyo magulo ang table nito. "Nasaan si Dylan?""Banyo," walang ganang sagot niya sa ama at hindi tinapunan ng tingin.Napabuntonghininga ang ginoo habang humahakbang papuntang sofa. Ilang minuto pa ay lumabas na sa bathroom si Dylan. Mukha ngang hindi maganda ang pakiramdam nito at hindi maipinta ang mukha.Napangisi si Alexander nang makita ang binata. Pagtingin niya sa hinaharap nito ay bakas pa rin doon ang matindi nitong pangangailangan. Alam niyang bad mood ito hindi dahil masama ang pakiramdam. Nang magsalubong ang kanilang paningin ay pinasadahan ng kaniyang dila ang sariling labi.Mabilis na in
Pagka-park ng sasakyan ay naunang lumabas si Dante upang tingnan ang paligid. Saka lang binuksan ang pintuan sa gawi ni Alexander nang masigurong walang panganib na nakatambang."Hindi niyo na kailangan sumama hanggang itaas."Muling nagkatinginan sina Troy at Dante sa utos ni Dylan. Maging ang young master nila ay mukhang amuse ring nakatingin kay Dylan. Paano naman kasi, first time nitong maging maluwag sa pagbantay kay Alexander. Madalas ang bilin nito ay e-check nila ang paligid ng silid bago bumaba kung saan naman sila tumutuloy. Maging sa elevator ay kailangang naka guard sila hanggang sa makapasok sa pad ang mga ito.Tinanguan ni Alexander ang dalawa bilang pagsang-ayon sa utos ni Dylan. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng binata at hindi mabasa iyon dahil blangko ang expression ng mukha nito. Pagkapasok sa elevator ay hinarap niya ang binata "What's wrong?" Nang-aalalang sinalat niyang muli ang noo ni Dylan."Stop asking dahil kasalanan mo ang lahat ng ito!" aro
"ANO ang ginagawa mo at wala pang nangyayari sa pinapatrabaho ko sa iyo?" galit na bulyaw ni Racar kay Denise habang dinuduro ito."Ginagawa ko naman po ang lahat ng pinagagawa ninyo. Pero ang hindi po madaling maakit ay ang anak ni Mr. Chairman." Nakayuko ang ulo na pangatwiran ni Denise.Nagdududang pinagmasdan ni Racar ang babae. "Magtapat sa akin, totoo bang ang lalaking bantay niya ang iyong nilalandi sa halip na ang anak ni Mr. Chairman?"Mabilis na nag-angat ng mukha si Denise at takot na nagsalita. "Magpapaliwanag po ako!" "Speak!" maawturidad na mando ni Racar sa babae at umayos sa pagkakaupo."Hindi po madaling lapitan si Alexander dahil mahigpit ang kaniyang bantay. Kaya naisip ko pong ang lalaking iyon ang dapat na una kong akitin at kaibiganin."Unti-unting humulma ang ngiti sa labi ni Racar at nagustohan ang plano ng babae. Tao na niya ito noon pa man at hindi iyon alam ni Laurenzo. Hawak niya ito sa leeg kaya wala itong choice kundi sundin lahat ng kaniyang ipinag-uut
Nang wala na si Denise ay umikot si Dylan sa lamesa at hindi mapakali. Bigla siya nakaramdam ng alinsangan at nahirapan huminga. Ilang sandali pa ay may pumasok na dalawang lalaki. Naka business attire pero hindi niya mga kilala."Sir, pinasusundo po kayo ni Mr. CEO.""Sino kayo?" Umurong siya habang nakatakip ang likod ng kamay sa ilong. Wala siyang tiwala sa dalawa at nakasuut ng mask pa ang mga ito."Mr. Dylan, hinihintay po kayo ni Mr. CEO sa parking area."Nangunot ang noo ni Dylan nang makilala ang tinig ni Denise ngunit malabo ito sa kaniyang paningin. Ikinurap niyang muli ang mga mata ngunit lalo lamang nanlabo. "Mukhang hindi po maganda ang iyong lagay, alalayan na po kita." Hindi na hinintay ni Denise magsalita ang binata. Isinabit niya sa kaniyang balikat ang isa nitong braso at ipinulupot ang sariling kamay sa baywang ng binata. Nauna nang lumabas ang dalawang lalaki nang masigurong kaya na ni Denise ang lalaki. Mukhang normal lang na couple sina Denise na naglalambinga
Nakagat ni Alexander ang loob ng labi at nakunsesnya. "Sorry, may tiwala ako sa iyo pero sa gustong agawin ka sa akin ay wala." Humigpit ang kapit niya sa braso ng asawa at isinandal ang ulo sa balikat nito.Napabuntong hininga si Dylan, "sa una ay nagagalit ako at nagseselos. Hindi mo nakikitang sinasamantala ni Lily ang kahinaan mo sa akin.""Sorry, nakapag desisyon na rin ako na hindi na siya ang kunin nating maging ina ng anak natin."Napangiti si Dylan at hinalikan sa noo ang asawa. "Are you sure?"Nakangiting tumango si Alexander. "Pero nawawala si Lily.""Kailan pa?" Gulat na tanong ni Dylan."Kanina pang tanghali, boss. Wala ma siya bago ko pa nabasa ang message ni Troy." Si Dante na ang sumagot."Mukhang gumalaw na nga sila at si Lily ang nakuha nila sa pag aakalang iyon ang asawa ni Sir Alexander," ani Troy."Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ni Alexander. "Hawak namin ngayon ang pinsan ni Raffy. Ang plano ay ipapatay ang bagong namumuko sa organisasyon at ang alam nila a
Agad nawala ang galit na nadarama ni Alexander sa asawa nang magmulat ito ng mga mata at ngumiti sa kaniya. "Ano ang ginagawa mo sa iyong sarili? Look, dalawang gabi lang tayong hindi magkatabi ng tulog ay mukha ka nang zombie!"Lalong napangiti si Dylan at idinipa ang mga kamay upang yakapin ang asawa. "C'mon, give me hug."Sinamaan ni Alexander ng tingin ang asawa at gustong ipakita na galit siya. Ngunit hindi nito ibinababa ang mga kamay na nakadipa kahit ilang minuto na ang nakalipas. "Baby, I'm tired." Paglalambing ni Dylan.Napabuntong hininga si Alexander at mukhang napilitang pagbigyan ang asawa. "Ayaw kong nakikitang pagod ka at puyat dahil sa trabaho.""Pero sa pagpapaligaya sa iyo ay ok lang na mapagod ako?" Nanunuksong tanong ni Dylan dito.Mahinang suntok sa dibdib ang itinugon ni Alexander at pinilit ang sarili na huwag gumanti ng yakap sa asawa. Pero hindi niya talaga ito matiis nang matagal lalo na nang humalik na ito sa leeg niya. "Akala ko ba pagod ka at puyat?""Le
"Isa sa spy nila ang nakakuha ng information na nakapasok dito aa kompanya ang traidor sa organisation." Paliwanag ni Dante."What? Paanong nangyari ang bagay na iyan?" Mabilis na tinawagan ni Alexander ang asawa ngunit walang sumasagot. Nang si Troy naman ang tawagan ay mukhang nagmamadali rin."Sir, bilin ng iyong asawa ay huwag muna kayong umalis ng opisina at susunduin kayo mamaya. Kailangan ko na pong ibaba ang tawag at susundan ko si Boss Dylan." Kinabahan si Alexander at nag alala para sa asawa. Pero sinunod niya si Dante at inalam kung nasaan si Lily. "Hindi ko siya makuntak," aniya kay Dante. Sandaling nag isip si Dante at inalala kung saan maaring pumunta si Lily. Tumawag na rin siya sa ina nito at ang sagot ay wala ito roon. "Kung kumain siya sa labas ay sino ang kasama niya at bakit hindi pa nakabalik?" naisatinig ni Dante."Check the surveillance camera." Utos ni Alexander kay Dante.Agad tumalima si Dante at pinatawag ang security sa storage room.Sa opisina, napangisi
"Excuse me, bakit dito tayo pumunta?" tanong ni Lily sa driver nang tumigil sila sa isang mukhang abandonadong lugar sa halip na sa magarang restuarant. "Bumaba ka na miss at huwag nang maraming tanong." Pagalit na utos ng driver sa dalaga.Biglang binundol ng kaba abg dibdib ni Lily. Kinutuban siya nang hindi maganda. Mabilis siyang bumaba ng sasakyan at tumakbo palayo ngunit may humarang na sasakyan sa daraanan niya."Saan ka pupunta?" Nakangising tanong ni Raffy pagkababa sa sasakyan.Mabilis na lumapit si Lily sa binata at nabawasan ang kabang nadarama. "Katakot kasi ang driver mo. Kung wala ka ay talaga tatakbo na ako palayo!"Sa halip na sagutin ang babae ay tinanguan niya ang taong nakasunod kay Lily. "Dalhin niyo na siya sa loob."Muling kinabahan si Lily nang marinig ang utos ni Raffy at mah huwak sa mga kamay niya. "A-ano ang ibig sabihin nito?""Simple lang, kailangan kita laban kay Alexander." Nakangising tugon ni Raffy sa dalaga.Nanlaki ang mga mata ni Lily at nagpumig
Pagkaalis ng ama at nagmamadali nang nagpalit ng damit si Raffy. Kailangan niyang pumasok sa opisina at dalawa na ang purpose niya ngayon sa gagawin sa buhay ni Alexander. Sa opisina, hindi mapakali si Lily sa puwesto. Hindi din siya kumportable sa suot niyang si Alexander ang pumili. Hindi siya tanga upang hindi maintindihan ang mga pagbabagong pakitungo sa kaniya ni Alexander. Nagbago na talaga ang binata at ang tingin sa kaniya ay nabaeng kaagaw kay Dylan, at hindi babaeng maging ina sa anak nito. "Lily, bakit ganiyan ang suot mo?" tanong ni Jessa nang hindi makatiis."May problema ba sa suot ko?" Naiirita niyang tanong din sa babae. Ganitong kanina pa siya naiinis tapos pupunain."Sorry, hindi lang kami sanay na makita kang halos balot na ang katawan." Nagyuko ng ulo si Jessa at napahiya.Inis na napabuntong hininga si Lily at pilit na ngumiti. "Ayaw kasi na ni Alexander na lantad ang katawan ko at nagseselos siya kapag may ibang nalatingin." Pagsisinungaling niya upang maibang
Tama lang na tapos nang maligo si Raffy nang may kumatok sa pinto. Mabilis niyang isinuot ang roba bago binuksan ang pinto. "Dad?"Patulak na pinapasok ni Rudy ang anak sa pad nito kasunod siya. "Nawawala ang pinsan mo at ikaw lang ang kasama niya kagabi.""Po? Paanong nawawala? Sigurado po ba kayo? Lasing kami pareho kagabi kaya baka kung saan lang siya natulog." Pilit nagpakahinahon si Raffy."Estupido, hindi kayo nag iingat! Sinabi ko na sa iyo na hindi kayo maaring magsama sa public place!" Bulyaw ni Rudy sa anak at nagmamadaling hinanap ang bagay na sa anak ipinagkatiwala.Tarantang sinundan ni Raffy ang ama at kinabahan na rin. Alam niya kung ano ang hinahanap nito. Kapag nalaman nito na may isinama siya kagabi sa pad at tiyak na bugbugin siya nito.Nakahinga nang maluwag si Rudy nang makita ang maliit na book. Sobrang nag alala pa naman siya. Mabilis niyang binuklat upang suriin at baka mamaya ay kulang na ng page.Napabuga ng hangin si Raffy at parang may mabigay na bagay ang
Mabilis na naiiwas ni Dylan ang labi sa lalaki. Tumama ang labi nito sa pisngi niya at hinayaan niya lang ito. Nang bumaba ang halik nito sa leeg niya ay nagbilang siya hangang sampu sa isipan lamang. Kalag hindi pa rin ito tumigil sa pangmamanyak sa kaniya at babasagin na niya ang balls nito. Napabuga siya ng hangin sa bibig nang lumuwag na ang yakap sa kaniya ni Raffy at tumigil na rin sa paghalik sa leeg niya. Mabilis siyang kumuha ng wipes at pinunasan ang balat kung saan lumapat ang maduming labi ng lalaki. Wala siyang inaksayang sandali, hinalughog niya ang bahay nito at hinanap ang importanting bagay. Kailangang makuha niya ang blue book."Gotcha!" Nakangising bulong ni Dylan habang hawak ang isang book na tama lang ang laki. Tama talaga siya nang hinala na may inportanteng gamit itong nakatago. Mabilis niyang kinuhanan ng picture ang nakasulat sa book saka iyon ibinalik sa pinagtaguan. Hindi pa maaring makatunog ang mga ito na napasok na ng kalaban. Ngayong alam na niya ang m
"Sino ang tumawag sa iyo?" tanong ni Raffy sa pinsan nang makitang ibinaba na nito ang cellphone. "Your father. Pinaalala niya na kailangan na nating makilala ang tagapag mana ng chairman." Sagot ni David bago angsindi ng sigarilyo.Muling nagsalin ng alak si Dylan sa kaniyang baso at nagkunwaring hindi interesado sa pinag uusapan ng dalawa. "Trabaho mo na yan at hindi akin. Kaya nga nasa organisasyon ka ngayon upang makilala siya." Iritableng tinapik pa ni Raffy sa balikag ang pinsan."Asshole, te-team tayo dito! Nabulos na ani David at gumanti ng tabig sa balikat ni Raffy."Tsss, ang mayabang na lalaking iyon gusto kong unahin kaya solohin mo muna ang trabahong iyan." Suminok si Raffy after nitong angilan ang pinsan.Tumaas ang mga kilay ni Dylan at naging interesado lalo sa topic ng dalawa."Stupid! Ti-tingin mo ay mautakan mo ang gagong iyon?" Natuto na iyon sa mga nauna mong ginawa."Idiots, alam ko ang ginagawa ko! Bago ko pabagsakin ang kompanya nila ay dudurugin ko muna ang
"Sino ang tumatawag?" tanong ni Alexander sa asawa nang hindi sinagot nito ang tawag.Nilingon ni Dylan ang asawa bago ibinulsa ang cellphone. "Just one of my client. Nakalimutan ko na may trabaho akong kailangang tapusin ngayong gabi."Agad nakaramdam ng dismaya si Alexander nang marinig ang sinabi ng asawa."Ihahatid ka na ni Dante sa bahay at huwag mo na akong hinatayin sa hapunan."Lalong nadismaya si Alexander at special day nila ngayon pero trabaho pa rin ang nasa isip ng asawa at mukhang iyon ang priority. "Baby, this is very important at hindi kailangang palamlpasin." Paliwanag ni Dylan nang mapansin ang pananahimik ng asawa habang naglalakad sila sa hallway."Ok." Walang ganang sagot ni Alexander. Hinila ni Dylan ang asawa sa kamay at pinigilang maglakad upang humarap sa kaniya. "Please, huwag kang magalit."Bumuntong hininga lang si Alexander at sinalubong ang nangungusap na mga mata ng asawa. "Sige na, mag ingat ka at tumawag sa akin mamaya.""Thank you, babe!" Mabilis n