Nang wala na si Denise ay umikot si Dylan sa lamesa at hindi mapakali. Bigla siya nakaramdam ng alinsangan at nahirapan huminga. Ilang sandali pa ay may pumasok na dalawang lalaki. Naka business attire pero hindi niya mga kilala."Sir, pinasusundo po kayo ni Mr. CEO.""Sino kayo?" Umurong siya habang nakatakip ang likod ng kamay sa ilong. Wala siyang tiwala sa dalawa at nakasuut ng mask pa ang mga ito."Mr. Dylan, hinihintay po kayo ni Mr. CEO sa parking area."Nangunot ang noo ni Dylan nang makilala ang tinig ni Denise ngunit malabo ito sa kaniyang paningin. Ikinurap niyang muli ang mga mata ngunit lalo lamang nanlabo. "Mukhang hindi po maganda ang iyong lagay, alalayan na po kita." Hindi na hinintay ni Denise magsalita ang binata. Isinabit niya sa kaniyang balikat ang isa nitong braso at ipinulupot ang sariling kamay sa baywang ng binata. Nauna nang lumabas ang dalawang lalaki nang masigurong kaya na ni Denise ang lalaki. Mukhang normal lang na couple sina Denise na naglalambinga
NANATILING nakapikit ang mga mata at sumandal si Dylan sa kinaupuang sasakyan. Kailangan muna niyang magpakahinahon kahit alam na niya kung bakit hawak siya ngayon ni Denise."Behave, okay? Puntahan ko lang si Alexander upang tulungang makatakas." Hinaplos ni Denise ang pisngi ni Dylan bago kinintalan ng halik iyon."Tubig," sa halip ay hiling niya sa dalaga at maging ang kaniyang tinig ay walang lakas. Kahit papaano ay naawa si Denise sa binata kaya binigyan niya ito ng tubig."Ano ang ginagawa mo?" Sita ng isang lalaki kay Denise na siyang nagmamaneho."Kailangan pa natin siya ng buhay kaya hindi naman masama kung painumin ang taong nauuhaw?" sarkastikong sagot ni Denise sa kasama. Sinamaan lang siya ng tingin ng lalaki at nagpatuloy ito sa pagmamaneho.Nang mapansin ni Denise na walang lakas ang kamay ni Dylan ay siya na ang humawak sa bote ng mineral water upang makainum ito. Biglang inihinto ng lalaki ang sasakyan at binalingan si Denise. "Bumaba ka na rito at kami na ang bahal
NAKAGAT ni Alexander ang loob ng ilalim ng kaniyang labi habang nag-iisip ng magandang gagawin. Twenty minutes na ang nakalipas mula nang makausap ang taong may hawak kay Dylan. Kahit ano ang idahilan niya kina Dante ay hindi siya nakakalusot. Habang tumatagal ay kinakain ng takot ang kaniyang puso dahil sa pag-alala kay Dylan. Muli niyang binuksan ang pintuan habang hawak ang tiyan."Young Master, may gamot po para sa pagtatae riyan sa iyong silid." Inunahan na ni Dante ang binata kahit hindi pa sinasabi kung ano ang nararamdaman nito.Halos hindi na maipinta ang mukha ni Alexander dahil sa pagkaasar sa dalawa. Kung gamitan naman niya ng lakas upang takasan ang mga ito ay talo siya. Hindi niya nasisindak ang dalawa dahil mas sinusunod ang utos ni Dylan at ng kaniyang ama. Hindi niya maaring sabihin sa mga ito ang totoong dahilan kung bakit kailangan niyang umalis. Tulad sa banta ng kidnaper, may mga mata ito sa paligid niya ngayon. Ayaw niyang ilagay sa mas mapanganib na sitwasyon si
PAGKALABAS ni Alexander sa building ay may pumaradang sasakyan sa kaniyang harapan. Pahaklit siyang isinakay ng lalaking dumungaw sa pintuan. Hindi na siya nanlaban at alam niyang ang mga ito ang may hawak kay Dylan. Usok na lang ng sasakyan ang naabutan nila Dante at Troy pagkalabas ng building. Parehong habol ang hininga habang nakatukod ang mga kamay sa magkabilang tuhod na nakauklo mula sa pagkatayo. Hindi nila alam kung sino ang sinamahan ng binata. O baka na kidnap na ito."Ano ang gagawin natin?" hinihingal pa rin na tanong ni Troy kay Dante.Mabilis na tumayo ng tuwid si Dante at tinawagan si Dylan. Ngunit walang sumagot tulad kanina kaya nag-alala na rin siya sa lalaki. Sunod niyang tinawagan ay si Tibor habang malalaki ang hakbang papunta ng sasakyan.Mabilis na sumunod si Troy sa kaibigan at siya ang magmamaneho ng sasakyan. "Boss, may masamang balita at hindi ko makuntak si Mr. Dylan." Kinakabahan na pagbabalita ni Dante nang sagutin ni Tibor ang kaniyang tawag."Kanina
NAKIRAMDAM muna si Dylan sa paligid bago lumipat ng pinagkukubilhan. Nakalabas na siya ng silid nang hindi namalayan ng kalaban. Kailangan niyang makaalis muna dahil nag-aalala siya kay Alexander."Ihanda ninyo ang mga gamot at may tama ang dalawa natin kasamahan."Dinig ni Dylan na wika ng isang lalaking nakatayo hindi kalayuan sa kaniyang pinagkukubilhan."Nakuha ba nila ang anak ng chairman? tanong ng lalaki sa unang nagsalita."Oo at mauna silang darating kaya ihanda na ang pagsabitan sa kaniya." tumatawang sagot ng unang lalaki.Naikuyom ni Dylan ang isang kamao at napahigpit ang hawak sa matigas na kahoy. Kung ganoon ay nabigo ang mga naiwan niya upang protektahan si Alexander. Ang balak niyang pagtakas na ay hindi naituloy sa kaalamang hawak na ng kalaban si Alexander. "Paano iyong isang bihag? Bakit ayaw ipagalaw ni Boss?""Hindi ko rin alam, maghintay tayo sa sunod niyang utos at hindi pa siya nakabalik," iritadong sagot ng unang lalaki sa kausap nito.Lumipat ng pinagkublih
GULAT na napatingin ang lalaki kung saan may bumagsak na kahoy. Mabilis nitong hinugot ang baril na nasa baywang. Pagtalikod ng lalaki ay mabilis ang kilos ni Dylan. Inilang hakbang lamang ang lalaki at mabilis na ipinulupot ang isang kamay sa leeg nito. Kasunod ang isa pang kamay at tinakpan ang bibig ng lalaki."Uhmm... arghhh!" Nanlalaki ang mga mata ng lalaki habang inaalis ang brasong sumasakal sa kaniya. Ngunit malakas ang taong nasa kaniyang likuran at mas malaki sa kaniya.Kinaladkad ni Dylan ang lalaki habang sakal ito patungong tagong lugar. Hindi ito makalikha ng malakas na ingay dahil mahigpit ang pagkatakip ng kaniyang palad na may panyo sa bibig nito at sakop ang ilong. Nanlalaban pa rin ito at puro kalmot na ang kaniyang braso pero hindi niya ininda iyon. Pabalyang isinandal ito sa pader kasabay nang pagtuhod sa tiyan nito. Ilang beses niyang ginawa iyon hanggang sa mawalan ito ng malay.Sa loob ng silid ay natumba ang upuang kinaupuan ni Alexander nang sipain siya sa
"Wala ka bang tiwala sa akin?"Biglang nabawasan ang galit ni Alexander nang huminahon na ang tinig ng binata. "Kung sinasabi mo sa akin ang plano mo ay hindi tayo hahantong sa ganito." Mahinahon na rin niyang kausap sa binata."Biglaan ang lahat at napabilis lamang ang galaw na ginawa ko," maiksi niyang paliwanag habang inaalis ang tali sa kamay ni Alexander. Tumingala si Alexander upang mapagmasdan ang mukha ni Dylan, habang hinihintay na maalis ang tali sa sariling mga kamay. Malambong ang mga titig na ipinukol niya kay Dylan. Kung hindi lang nakatali ang mga kamay ay gusto niyang haplusin ang kilay nitong nagkasalubong na. Ang dilim pa rin ng aura ng mukha nito at matiim nakalapat ang mga labing kay sarap halikan."Stop staring!" sita ni Dylan nang maramdaman ang mainit na titig ni Alexander sa kaniyang labi.Napalabi si Alexander bago isinubsob ang mukha sa dibdib ng binata. Ang dumi ng damit nito at amoy pawis na rin. Pero sa halip na mabahuan ay gusto pa niyang singhutin ang m
DAHAN-DAHANG pinakawalan ni Dylan ang palad ni Alexander nang mapansin na doon na nakatuun ang tingin ng kaniyang ama. "Kanina pa po ba kayo riyan?""Tanging tauhan lang ni Racar ang naabutan namin dito." Malayo sa tanong ni Dylan ang isinagot ni Laurenzo. "At hahayaan mong makatakas ang hayop na iyon?" Parang Lion na inangilan ni Alexander ang ama."Ipaubaya mo na sa amin ni Tibor ang buhay niya." Mahinahon na kausap ni Laurenzo sa anak."The hell with—"Nagtaasan ang kilay ni Laurenzo nang biglang natahimik ang anak. Hindi nakaligtas sa mapanuri niyang tingin ang matalim na tingin ni Dylan sa anak kaya hindi nito itinuloy ang pagmumura sa kaniya."Darn, gusto ko nang umuwi!" paanas na dugtong ni Alexander at naging mabuway ang tayo. Lihim siyang natuwa nang maagap siyang naalalayan ni Dylan."Iuwi mo na ang young master, Dylan. Kami na ang bahalang maglinis sa kalat dito," utos ni Tibor sa binata.Tinanguan ni Laurenzo si Dylan bago tumalikod kasunod si Tibor.Sa halip na sa cond
"At kailan mo pa siya pinayagang sumalo sa iyo sa pagkain?" Galit na angil ni Dylan sa binata.Mabilis niyang naitikom ang bibig at hindi alam ang isagot kay Dylan. Ang dilim na naman ng aura ng mukha nito at halatang nagseselos. Sa isiping iyon ay napangiti siya."What's funny?" Sikmat ni Dylan dito."Ang cute mo kapag nagseselos." Nakangising sagot niya kay Dylan."Tsss, huwag mong ibahin ang paksa!"Agad nabura ang ngiti sa labi ni Alexander. Nilapitan niya ang asawa at kumapit sa braso nito. "Babe, gusto ko lamang na mapalagay ang loob niya sa atin kaya hinahayaan ko siya. Isa pa ay maganda kung maging kaibigan natin ang ina ng anak natin.""At sa tingin mo ay ganoon din ang tingin niya sa iyo?" Sarkastikong tanong ni Dylan.Huminga ng malalim si Alexander nago nang uusig ang tinging ipinukol sa asawa. "Tanongin din kita, sa tingin mo ba ay kaibigan lang din ang tingin sa iyo ni Rose?"Marahas na huminga nang malalim si Dylan at lumayo kay Alexander. "Damn it! Magkaiba sila ni Li
"Dylan, huwag ka sanang mag isip nang hindi maganda sa aming dalawa ni Alexander. Close na talaga kami noon pa dahil kay mama. Ang tungkol sa pagluluto ko ng pagkain sa kaniya ay dati ko naman nang ginagawa ito noon sa tuwing dumalaw ako sa mansyon." Paliwanag ni Lily sa binata. Mariing naipikit ni Dylan ang mga mata bago bumangon. Napahawak siya sa kaniyang ulo at sumakit iyon dahil nabitin sa tulog. Ayaw niyang magsalita na at baka masaktan niya lang ang damdamin ng babae at maapiktohan ang asawa niya."Marami naman itong niluto ko, puwede ninyong pagsaluhan ni Alexander at paborito niya ang pagkaing ito." Nakangiting alok ni Lily kay Dylan.Walang salitang kinuha ni Dylan ang lunch box at binuksan iyon. Pagkakita sa pagkain at umangat ang isang sulok ng labi niya bago tiningnan ang babae. "Araw-araw mo bang ipinagluluto ang asawa ko?"Tikom ang bibig ni Lily na tumango kay Dylan.Kinakabahang pinanood ni Alexander ang ginagawa ng asawa. Hindi na ito nagsalita o nagtanong pa haban
Pahintamad na humiga si Dylan sa mahabang sofa at umunan sa sariling mga braso. "Hindi mo dapat pinagseselosan si Rose dahil asawa siya ng iyong ama.Inis na sumunod si Alexander sa asawa at umupo sa uluhan nito. Padabog na itinaas ang ulo nito at ipinatong sa hita niya upang doon umunan. "Matulog ka na at saka na natin pag usapan ang tungkol diyan.Hindi na nagawang sumagot pa ni Dylan sa asawa. Kusa nang nagpatangay ang diwa niya sa karimlan. Ang bilis niya talagang makatulog kapag ang asawa ang nasa paligid. Samantalang sa trabaho niya ay hindi manlang siya dalawin ng antok.Napabuntong hininga si Alexander nang makitang tulog na ang asawa. Hindi niya ito Matiis lalo na at halatang pagod at walang tulog ang asawa. Hindi pa nagtatagal ang pagsasama nila ay marami na silang hindi napagkakasunduan. Mukhang tama nga ang yaya niya na hindi dapat siya nagmamadali. Dapat ay kinilala muna niya nang husto ang ugali ng asawa bago ito pinakasalan. Gusto niyang bumukod sila ng bahay ni Dylan n
"Bumaba ka na at nang hindi ka na mahirapan sa paglalakad."Tsss, gusto mo bang masipa ko iyang puwet mo?" Angil ni Dante sa kaibigan. Sa dami ng empleyadong madaanan nila bago marating ang clinic ay baka mapagkamalan pa siyang bakla."Tsk, ang arte mo. Halika na!" Mabigat ang kamay na ipinagtong ni Troy sa balikat ng kaibigan at inalalayan na ito sa paglalakad.Sa loob ng opisina, hindi na maipinta ang mukha ni Alexander habang matalim ang tingin sa asawa. "Bakit kailangan mong saktan ang tao ko?"Napabuntong hininga si Dylan at nilapitan ang asawa. "Huwag mo siyang iharang sa pinto kapag ako ang dadaan." Aroganteng sagot nito sa asawa sabay yakap dito."Tsk, let me go!" Inis na tinulak niya si Alexander palayo sa kaniya. Siya ang galit pero ito ito pa ang may ganang manumbat kaya nasaktan si Dante."Baby, I'm tired. Wala rin akong tulog." Muntik nang mabuway sa kinatayuan si Alexander dahil ibinigay sa kaniya ng asawa ang bigat nito. Mukha itong malaking pader na sumandal sa kaniya
Napatingin si Dylan sa cellphone niya nang tumunog iyon. Agad niyang sinagot nang makitang si Alexander ang tumatawag. "What's wrong?""Tsss, ganiyan ba ang tamang bati sa asawa mo?" Iritableng tanong ni Alexander mula sa kabilang linya.Napabuntong hininga si Dylan at sumandal sa sandalan ng kinaupuan. "Baby, I'm tired.""Oh yeah, you're tired for not coming home!" Galit na si Alexander dahil dalawang gabi nang hindi umuuwi ang asawa."Baby, alam mo namang kailangan kong e monitor ang casino at night club upang masigurong malinis at walang illegal na gawaing nagaganap dito.""That's bullshit! Kaya na kitang buhayin kahit wala iyang lintik na kabuhayan ng iyong ama!"Mariing naipikit ni Dylan ang mga mata at lalo lamang sumakit ang ulo niya dahil sa lakas ng boses ni Alexander. Magdalawang buwan na rin silang kasal at hindi pa rin ito natuwa sa kaniyang trabaho. Pero ngayon lang ito nagalit nang husto dahil hindi siya nakauwi ng ilang araw na. "Where are you?" Sa halip na sabayan an
"Babe, siya si Lily, ang anak ni Yaya Belen." Pakilala ni Alexander sa dalagang bagong dating. Lumaki sa probinsya ang babae kaya ngayon lang ito nakita ni Dylan.Mataman na pinagmasdan ni Dylan ang babae. Maamo ang mukha nito, morena ang balat at balingkinitan ang katawan na siyang gusto ng karamihang lalaki. Nang magsalubong ang tingin nila ng dalaga ay tumagal iyon hanggang sa ito ang kusang nagbaba ng tingin. "Huwag nating biglain ang lahat. Hayaang kilalanin muna ang isa't isa at masigurong walang maging problema kapag may bata nang involve."Babe, ang akala ko ba napag usapan na natin ito at gusto mong magkaroon na tayo ng anak?" reklamo ni Alexander sa asawa. Muling tinapunan ni Dylan ng tingin ang babae bago hinapit sa baywang ang asawa. Hinalikan niya ito sa noo at saka nagyuko upang magtapat ang kanilang tingin. "Baby, just one month, okay?"Parang biglang natunaw naman ang puso ni Alexander dahil sa endearment ng asawa sa harap ng ibang tao. Ang nakakataba pa ng puso niya
"Welcome home, Young Master, Boss Dylan." Magkapanabay na bati nila Troy at Dante sa dalawa habang kinukuha ang bitbit na bagahe ng mga ito."Kumusta dito sa Pinas?" tanong ni Alexander sa dalawa habang naglalakad patungo sa sasakyan."As of now ay wala pa naman kaming nabalitaang hindi maganda, Young Master." Sagot ni Troy."Tsk ang hina ninyo.""Nauna lang po kami sa inyo ng uwi dito ng ilang araw, Young Master." Paalala ni Dante sa binata. Nakangising nilingon ni Dylan ang asawa. Nang sumimangot ito at hindi natuwa sa pilosopong sagot ni Dante ay inaknayan niya ito."Ang pogi naman nilang dalawa, artista ba sila galing ibang bansa?"Sandaling tumigil sa paghakbang si Alexander nang marinig ang sinabi ng babaeng nakasalubomg at may kasama itong dalawa pa. "Gosh, hindi siya suplado!" Halos tumili ang babae pero nahihiyang salubungin ang tingin ni Alexander. Halata din sa dalawa pang babae na kinilig habang nakatingin kay Alexander. Humigpit ang hawak ni Dylan sa balikat ng asawa a
"Gusto mo bang ako na rin ang magpapaligo sa iyo?" Nanunuksong tanong ni Dylan."Tss, go away at baka manyakin mo pa ako." Muling sinabuyan niya ito ng tubig upang umalis na. Ngunit sa halip umalis ay naghubad pa ito ng damit."Hindi pa rin ako nakaligo kaya sabay na tayo.""Tsk, pervert!"Natawa lamang si Dylan sa asawa. "Wala akong gagawin unless gusto mo."Sinamaan niya ng tingin si Dylan at inalis na ang suot na boxer short at sando dahil nabasa na iyon. Umiwas din siya ng tingin dito nang makita maghuhubad na rin ng pang ibaba. Ngunit nang lumusong naman ito sa tubig ay halos tuklawin na siya ng malaki at mahaba nitong alaga. Ang loko at nanadyang hindi agad umupo."Mayroon din ako niyan kaya huwag mo nang isampal sa mukha ko iyan." Maaskad na singhal ni Alexander sa asawa pero tinawanan lang siya. Well, aminin man niya at sa hindi ay mas malaki ang kay Dylan. Kaya bga kawawa siya kapag nagniniig sila. Wala pannga siyang ginagawa ngayon at tayong-tayo na ang shaft nito.Umupo na
Biglang nawala ang kasungitan ni Alexander nang makita ang pagkaing dala ng asawa. "Thank you! Ikaw ang nagluto?" Masigla niyang tanong at inamoy iyon."May iba ka pa bang asawa at kasama dito?" Arogateng sagot ni Dylan bago inilipat na ang maliit na malesa sa higaan. Napangisi si Alexander dahil ang asawa naman ang nagsusungit ngayon. Mabilsi siyang umayos sa pagkasandal sa headboard at hinayaang ilagay sa bandang hita niya ang pahaba at mababang lamesa na sadyang gamit for breakfast in bed. "Thank you, babe, I love you!"Sa halip na sagutin ni Dylan ang asawa ay mabilis niyang kinintalan ng halik sa labi ito. Napangisi siya nang bahagyang mamula ang pisngi nito. Kahit mag asawa na sila ay alam niyang tulad niya ay naiisip pa rin kung paanong nahulog ang loob nito sa isang tulad niya. Marami rin kasing nagpapakita ng interest dito na kapwa lalaki at mapera pa."Babe, pagbalik natin sa Pinas ay gusto kong ikaw na mamahala sa kompanya.""No!" Matigas na tugon ni Dylan bago sumandok ng