GULAT na napatingin ang lalaki kung saan may bumagsak na kahoy. Mabilis nitong hinugot ang baril na nasa baywang. Pagtalikod ng lalaki ay mabilis ang kilos ni Dylan. Inilang hakbang lamang ang lalaki at mabilis na ipinulupot ang isang kamay sa leeg nito. Kasunod ang isa pang kamay at tinakpan ang bibig ng lalaki."Uhmm... arghhh!" Nanlalaki ang mga mata ng lalaki habang inaalis ang brasong sumasakal sa kaniya. Ngunit malakas ang taong nasa kaniyang likuran at mas malaki sa kaniya.Kinaladkad ni Dylan ang lalaki habang sakal ito patungong tagong lugar. Hindi ito makalikha ng malakas na ingay dahil mahigpit ang pagkatakip ng kaniyang palad na may panyo sa bibig nito at sakop ang ilong. Nanlalaban pa rin ito at puro kalmot na ang kaniyang braso pero hindi niya ininda iyon. Pabalyang isinandal ito sa pader kasabay nang pagtuhod sa tiyan nito. Ilang beses niyang ginawa iyon hanggang sa mawalan ito ng malay.Sa loob ng silid ay natumba ang upuang kinaupuan ni Alexander nang sipain siya sa
"Wala ka bang tiwala sa akin?"Biglang nabawasan ang galit ni Alexander nang huminahon na ang tinig ng binata. "Kung sinasabi mo sa akin ang plano mo ay hindi tayo hahantong sa ganito." Mahinahon na rin niyang kausap sa binata."Biglaan ang lahat at napabilis lamang ang galaw na ginawa ko," maiksi niyang paliwanag habang inaalis ang tali sa kamay ni Alexander. Tumingala si Alexander upang mapagmasdan ang mukha ni Dylan, habang hinihintay na maalis ang tali sa sariling mga kamay. Malambong ang mga titig na ipinukol niya kay Dylan. Kung hindi lang nakatali ang mga kamay ay gusto niyang haplusin ang kilay nitong nagkasalubong na. Ang dilim pa rin ng aura ng mukha nito at matiim nakalapat ang mga labing kay sarap halikan."Stop staring!" sita ni Dylan nang maramdaman ang mainit na titig ni Alexander sa kaniyang labi.Napalabi si Alexander bago isinubsob ang mukha sa dibdib ng binata. Ang dumi ng damit nito at amoy pawis na rin. Pero sa halip na mabahuan ay gusto pa niyang singhutin ang m
DAHAN-DAHANG pinakawalan ni Dylan ang palad ni Alexander nang mapansin na doon na nakatuun ang tingin ng kaniyang ama. "Kanina pa po ba kayo riyan?""Tanging tauhan lang ni Racar ang naabutan namin dito." Malayo sa tanong ni Dylan ang isinagot ni Laurenzo. "At hahayaan mong makatakas ang hayop na iyon?" Parang Lion na inangilan ni Alexander ang ama."Ipaubaya mo na sa amin ni Tibor ang buhay niya." Mahinahon na kausap ni Laurenzo sa anak."The hell with—"Nagtaasan ang kilay ni Laurenzo nang biglang natahimik ang anak. Hindi nakaligtas sa mapanuri niyang tingin ang matalim na tingin ni Dylan sa anak kaya hindi nito itinuloy ang pagmumura sa kaniya."Darn, gusto ko nang umuwi!" paanas na dugtong ni Alexander at naging mabuway ang tayo. Lihim siyang natuwa nang maagap siyang naalalayan ni Dylan."Iuwi mo na ang young master, Dylan. Kami na ang bahalang maglinis sa kalat dito," utos ni Tibor sa binata.Tinanguan ni Laurenzo si Dylan bago tumalikod kasunod si Tibor.Sa halip na sa cond
"Jerk, bilisan mo at nasa labas na si Doctor Ken, kailangan ko ring maligo!" Katok ni Alexander sa pintuan ng banyo.Mariing ipinikit ni Dylan ang mga mata at lalong tumaas ang initinsidad sa kaniyang katawan nang narinig ang boses ni Alexander. "Shit, arghhhh...""What the— Dylan?" tawag niyang muli sa pangalan ng binata nang marinig ang tila nahihirapan ito. Nang hindi pa rin ito sumagot ay binuksan na niya ang pintuan at bukas iyon. "Ahh, f*ck, Alex!" Hinihingal niyang bigkas sa pangalan ng binata habang hawak ang sariling shaft at mariin pa rin nakapikit ang mga mata.Napangisi si Alexander nang marinig na nagmura ang binata. Kaya pala ang tagal nitong maligo at nagkasya itong romansahin siya sa isipan nito. Ayaw niyang maudlot ang ginagawa nito at iba ang ugali ng binata kapag nabitin. Mula sa likuran, dahan-dahan niyang inihaplos ang palad sa baywang nito.Nahigit ni Dylan ang sariling hininga nang maramdaman ang mainit na palad sa kaniyang balat. Umawang ang kaniyang labi nang
NAPATIKHIM ang doctor na siyang titingin kay Alexander nang matahimik ang paligid."F*ck!" naibulong ni Alexander nang makita sa loob ng silid ang tatlong tao at walang kurap na nakatitig sa kanila ni Dylan.Hindi malaman ni Dylan kung ano ang gagawin nang masalubong ang nagtatanong tingin ng ama."Kanina pa naghihintay sa sala si Doctor Ken kaya pinapasok ko na rito," ani Laurenzo habang palipat-lipat ang tingin sa dalawang binata."Sa labas na muna ako!" Nagmamadaling tumalikod si Tibor at hindi na hinintay magsalita ang anak.Lapat ang labi at pumaikot ang sariling dila sa loob ng bibig ni Dylan habang nakayuko ang ulo. Hindi niya magawang salubungin ang tingin ng chairman."Ahm, dito ko na po ba titingnan ang sugat ng Young Master?" nagdadalawang isip na tanong ng doctor sa nanahimik na chairman."Yes," maiksing sagot ni Laurenzo bago umupo sa isang sofa na naroon lang din sa silid ng anak.Tumaas ang kilay ni Alexander nang makitang kalmado lang ang ama at mukhang hindi manlang n
"Kilala ko si Dylan, suwerte ka dahil may katugon ang kabaliwan mo. Ito ang tandaan mo, kung hindi lang din si Dylan ay kalimutan mo nang ako ang iyong ama."Nakabuka ang bibig na napatitig si Alexander sa ama. Seryuso ito at kapag ganoon ang tono ng pananalita nito ay alam niyang hindi lang ito basta nagbabanta. Pero bakit ganoon na lang kabilis tanggapin ng ama si Dylan? Ano mayroon sa binata bukod sa ito ang ampon ni Tibor?"Done!" ani ng Doctor matapos masuri ang sugat sa tagiliran ni Alexander. "Resitahan kita ng gamot sa infection at sa pananakit ng iyong kasu-kasuan. Pero about in your private part, kailangan mong pumunta sa aking clinic kasama ang iyong nobyo." Biglang nalimutan ni Alexander ang mga katanungang gumugulo sa kaniyang isipan nang marinig ang sinabi ng doctor. Awkward pa rin sa kaniya pag-uusapan iyon lalo na sa harapan ng kaniyang ama. Tama lang na tumayo ang doctor nang lumabas si Dylan mula sa banyo at bihis na ito."Sumunod kayong dalawa sa labas at may impor
"Maimpluwensyang tao si Racar at hindi basta mahuhuli. Isa sa dahilan kung bakit ako nagpapalakas ngayon ay dahil sa kaniya. Alam niyang dehado siya ngayon kaya agad na lumayo pansamantala." Paliwanag ni Laurenzo."How about, Denise? Magagamit natin siya laban sa lalaking iyon bilang tistigo," biglang naalalang itanong ni Dylan."Nawawala rin siya, mukhang alam na agad ni Racar na mahahanap namin kayo kaya nilinis niya ang naiwang kalat upang walang magamit na ebedensya. Ang mga lalaking napatumba mo ay hindi rin namin nailigatas ang kanilang buhay. Tinambangan ang sasakyang magdadala sana sa kanila sa hospital."Galit na napatayo si Alexander at nasipa ang paa ng mini table na nasa kanilang sala. Gusto niyang magwala dahil nasayang ang lahat. Ang akala niya ay makakaganti na siya sa taong pumatay sa kaniyang ina.Mabilis na kinabig ni Dylan ang katawan ng binata at niyakap ito upang pakalmahin. Napabuntonghininga si Laurenzo at maging siya ay nanghinayang. "Nangako ang Tito Conrad m
"ANO na po ang plano mo ngayon?" tanong ni Tibor kay Laurenzo.Napabuntonghininga si Laurenzo at tumanaw sa malayo. Naroon sila ngayon sa kanilang safe house. Doon siya namamalagi kung gusto niya ng katahimikan at mag-isip ng malalim."Tiyak na nagduda na rin ngayon si Racar nang makita si Dylan. Kapag pinaimbistigahan niya ang katauhan ni—""Hindi maaring malaman niya ang katotohanan!" putol niya sa pagsasalita ni Tibor. Napabuntonghininga na rin si Tibor bago tahimik na tumanaw sa malayo tulad ni Laurenzo. Ilang minuto rin namayani ang katahimikan sa pagitan nila ng chairman."Pero hindi na natin control ngayon ang sitwasyon. Ngayong nakita na niya si Dylan, tiyak na—" hindi niya muli natapos ang sasabihin nang marahas na lumingon sa gawi niya si Laurenzo. "Hanggang hinala lang siya sa ngayon. At bago pa niya makumpirma ang hinala ay siguraduhin kong naayos ko na ang dapat ayusin."Malungkot na tumango si Tibor sa chairman at hindi na muling nagsalita pa. Isa sa dahilan kung bakit
Nang wala na ang babae ay tumayo si Dylan at walang salitang umakyat sa hagdan. Ang totoo ay galit siya kay Alexander ngunit kailangan niyang magpanggap na ok lang sila. Na wala siyang alam sa kung ano ang ginawa nito lalo na kay Dante. Mabilis na tumayo si Alexander at sinundan ang asawa. Hindi niya maintindihan ito. Kanina lang ay ang sweet, pero ngayon ay biglang nanlamig at halatang iniiwasan siya.Hindi pinansin ni Dylan ang asawa nang makapasok na sila sa silid. Kumuha lang siya ng bathrobe at dumiritso sa banyo. Kailangan niyang magpalamig upang mabawasan ang init ng ulo.Mabilis na hinabol ni Alexander ang asawa at iniharang ang kamay bago pa maisara ang pinto. "Ano ang problema?""Wala, gusto ko lamang magpalamig." Malamig niyang tugon kay Alexander. "Alam kong mayroon at ako ang dapat ma magalit sa ating dalawa dahil wala ka nang time sa akin!" Bahagyang tumaas ang boses ni Alexander. "At ikaw ay mayroon?" Nang uuyam niyang balik tanong kay Alexander. Sandaling napipilan
Nagulat si Alexander sa biglaang dating ng asawa. Kaya pala hindi niya ito makuntak at gusto siyang e surprised. Kahit papaano ay nabawasan ang inis na nadarama niya sa hindi nito pagparamdam ng ilang araw. Pero ayaw niyang unang maglambing dito kaya nanatili siya sa kinaupuan. Lihim na napangiti si Lily nang makita si Dylan. Siguradong nakita nito ang larawan na pinadala ng kaniyang inutusan kanina. Inihanda na niya ang kaniyang sarili bilang biktima kapag sinugod siya ng lalaki dahil sa selos."Galing ako sa opisina mo at wala ka doon, masama ba ang pakiramdam mo?" Masuyong tanong ni Dylan at sinalat ang noo ng asawa.Bahagyang nangunot ang noo ni Lily nang manatiling mahinahon si Dylan at parang hindi manlang apiktado sa presensya niyang nakaupo lang sa tabi ni Alexander. "Mabuti at alam mo pa ang daan pauwi." Aroganteng angil ni Alexander sa asawa at pinigilan ang sariling bumigay agad sa paglalambing ng asawa. Nagtataka din siya at hindi ito nagalit nang makita si Lily at ka
"Sa tingin ko ay biktima lang din ng kasinungalingan ng babaeng iyon ang taxi driver."Nilingon ni Dylan si Dante at hinintay ang iba pang sasabihin."Kung nagawa niya akong e set up na alam niyang matagal nang kilala ni Young Master, what more ang driver na iyon?""Tama po si Dante, sir. Nagmukhang masama si Dante dahil sa drama ng babaeng iyon. Kapag kinumpronta niyo ngayon ang iyong asawa at awayin ang babaeng iyon, sa tingin ko ay maging mitsa lamang ng malaking hindi pagkakaunawaan ninyo ang mangyari." Sang ayon ni Troy."So pababayaan ko na lang ang babaeng iyon na patuloy akitin ang asawa ko?" malamig na tanong ni Dylan."No, boss." Magkapanabay na tugon ng dalawa.Pumalatak si Dylan. Wala siyan alam sa panunuyo lalo na ang mahabang pasensya o drama kaya wala siyang idea sa nais mangyari ng dalawa."Kung ang babaeng iyon ay magaling gumawa ng drama at kasinungalingan, sabayan niyo po siya, Boss!" ani Dante. Kung marunong lang tumikwas ang kilay ni Dylan ay nagawa na niya sa la
Napabuga ng hangin sa bibig si Dylan at nagpasyang sundin ang payo ni Dante. Nagpatuloy siya sa pagpasok sa kompanya. Kilala na siya ng mga empleyado pero bilang personal assistant ni Alexander. Nakita pa niyang biglang nag umpukan ang isang grupo ng empleyado at mukhang mga daga dahil wala ang pusa."Nakita niyo iyon? Tama talaga ako na may special relasyon ang dalawa!" Kinikilig na ani Jessa, naging kaibigan na ni Lily."Ngayon ko lang din nakita ang CEO na ganoon kalapit sa isang babae." Segunda ng isa pa at halatang kinikilig din sa nakita."Bagay naman sila, parehong maganda at guwapo. Katuwa, parang katulad sa nababasa kong novel na CEO, na in love sa kaniyang secretary!" Halos tumili na ang isa pabg babae dahil sa kilig.Nagkatinginan sina Troy at Dante habang nakikinig sa pag uusap ng kababaihan. Sabay ring nabaling ang tingin nila kay Dylan at ang dilim na ng aura ng mukha nito. "Bakit mukhang hindi ka masaya, Dindin?" puna ni Jessa sa isa nilang kasama."Dissapoint ako, an
"Dante, pagbigyan kita ngayon. Pero kapag inulit mo pa ito ay kakalinutan ko ang mahabang taon na pinagsamahan natin!" Galit na banta ni Alexander sa lalaki dahil ayaw pa rin nitong mag sorry kay Lily.Pinigilan ni Dante ang sumagot pa at ayaw niyang makasakit bg damdamin. Pero sobra siyang nasaktan dahil sa mga binitiwang salita ng amo. Nang dahil sa isang babae ay kinalimutan ng amo na halos buwis buhay siya upang mapangalagaan lang ito at manatiling buhay. Kung hindi lang siya loyal dito at marunong tumupad sa pangako, tatalikuran na niya ito. Ngunit kapag ginawa niya iyon ay tiyak na tuluyang masira ang nakapundar na pader dahil sa anay. Yes, anay ang tingin niya kay Lily bukod sa pagiging ahas."Makaalis ka na." Matigas na pagtataboy ni Alexander kay Dante.Walang salitang tumalikod si Dante at nanatiling matigas ang anyo. Hindi niya ipapakita sa babae na apiktado siya o nasaktan. "Alex, thank you so much!" Yayakapin niya sana ang binata ngunit dumistansya na ito sa kaniya."Al
"Alex, what's wrong?" Nagmamadaling nilapitan ni Lily ang binata.Mabilis na kinalma ni Alexander abg sarili at ayaw niyang matakot sa kaniya ang dalaga. Pilit siyang ngumiti dito bago sumagot. "Nothing, bakit narito ka pa? 'Di ba ang sabi ko sa iyo ay magpahinga ka muna?"Nahihiyang ngumiti si Lily sa binata. "Natatakot na akong sumakay sa taxi."Masamang tingin ang ipinukol ni Alexander kay Dante. Ito kasi ang inutusan niyang ihatid muna pauwi si Lily at masama ang pakiramdam kanina. Kamuntik na kasing magahasa si Lily nang nakaraang araw ng driver ng taxi na sinakyan nito. Mabuti na lang at nakatawag pa sa kaniya ang dalaga nang gabing iyon bago pa ito tuluyang napahamak.Nalilitong napatitig si Dante sa babae. Parang kasalanan niya pa ngayon kung bakit hindi ito nakauwi gayong ito ang may ayaw na siya ang maghatid dito."Alex, huwag ka nang magalit kay Dante at tama naman siya."Nagtatanong na ang tingin ni Dante sa babae at parang may mali naman siyang nagawa ngayon kaya hindi it
Lumipas ang isang lingo na hindi nakauwi si Dylan at puro travel ang ginawa kasama si Troy. Halos bihira rin sila nakapag usap ng asawa dahil magkaiba ang oras nila. Pagkapasok sa sariling opisina ay pansamantala siyang nagpahinga. Ngunit wala pang kalahating oras na nakapagpahinga ay kumatok si Troy."Sir, nasa labas si Ma'am Rose.""Papasukin mo," umayos siya sa pagkaupo saka hinilot ang noo at bahagyang sumakit iyon.Parang batang nagdadabog sa paglalakad si Rose papasok sa opisina ni Dylan. Pabagsak na inilapag ang dalang handbag sa lamesa bago umupo. "Saan ka ba galing at pinapabayaan mo na ang asawa mo?"Nangunot ang noo ni Dylan at matamam na pinagmasdan ang babae. "May problema ba?""Oo at malaki!" Inirapan niya sa Dylan at humalukipkip. "At kung hindi pa kikilos ngayon ay tiyak na maagaw na ng babaeng iyon si Alexander!"Naikuyom ni Dylan ang mga kamay at pabagsak na pumatong sa lamesa. "May tiwala ako kay Alexander!""Eh sa haliparot ba babaeng iyon, may tiwala ka?" Nang uuy
"Mukhang ayaw niya talaga sa anak ko maging ina ng anak mo. Dinabihan pa niya ang anak ko na umalis na dito dahil mas gusto niya si Ms. Rose." Mangiyak ngiyak na paglalahad ni Belen sa binata.Nakaramdam ng inis si Alexander para sa asawa at pinangunahan na naman siya ni Dylan. Ang akala niya ay nagkasundo na silang dalawa sa ganitong usapin. Ang ikinainis pa niya ay dahil kay Rose."Hijo, alam mo namang parang anak na rin ang turing ko sa iyo kaya kapatid na rin ang tingin sa iyo ni Lily. Hindi ko rin masisi ang asawa mo kung ayaw niya sa anak ko dahil naging babaero ka noon. Pero sana may tiwala siya sa iyo." Naiiyak na turan ni Belen.Napabuntong hininga si Alexander at siya ang napapahiya sa ugali ng asawa. Niyakap na lang niya ang ginang. "Pagpasensyahan niyo na po ang asawa ko, yay, huwag kayong mag alala at matatanggap niya rin si Lily lalo ba kapag nakikitang nagkakamali siya ng husga sa anak ninyo.""Pero ang gusto ay umalis na dito si Lily. Ngayon lang din kami nagsama ng ma
"Bakit lumabas ka ng silid na ganiyan ang suot lang?" pabulong na sita ni Belen sa anak at agad na hinila ito papasok sa kusina."Ouch, ma!" Reklamo ni Lily at hinaplos ang braso kung saang humawak ang ina kanina."Huwag ko akong artihan! Ilang beses ko bang kailangan sabihin sa iyo na huwag kang lumabas na ganiyan lang ang damit lalo na kung nasa paligid lang si Dylan?" Hinamplas ni Belen sa braso ang anak gamit ang kamay lang.Lumayo si Lily sa ina habang haplos ang brasong nasaktan. Naiinis ang ina niya kay Dylan at hindi gusto para sa alaga nito. Inaalala nito ay baka maakit sa kaniya ang lalaki sa halip na si Alexander. "Bumalik ka na sa silid at magpalit ng damit!" May kasamang gigil na utos ni Belen sa anak at pinandilatan ito ng mga mata.Inis na tumalikod si Lily at lumabas ng kusina hindi para sundin ang ina. Hindi naman totally naaaninag ang suot panloob niya dahil hindi gaanong manipis ang nighties niya. Tatalikuran na sana niya ang ina nang may biglang pumasok aa kusina.