"Maimpluwensyang tao si Racar at hindi basta mahuhuli. Isa sa dahilan kung bakit ako nagpapalakas ngayon ay dahil sa kaniya. Alam niyang dehado siya ngayon kaya agad na lumayo pansamantala." Paliwanag ni Laurenzo."How about, Denise? Magagamit natin siya laban sa lalaking iyon bilang tistigo," biglang naalalang itanong ni Dylan."Nawawala rin siya, mukhang alam na agad ni Racar na mahahanap namin kayo kaya nilinis niya ang naiwang kalat upang walang magamit na ebedensya. Ang mga lalaking napatumba mo ay hindi rin namin nailigatas ang kanilang buhay. Tinambangan ang sasakyang magdadala sana sa kanila sa hospital."Galit na napatayo si Alexander at nasipa ang paa ng mini table na nasa kanilang sala. Gusto niyang magwala dahil nasayang ang lahat. Ang akala niya ay makakaganti na siya sa taong pumatay sa kaniyang ina.Mabilis na kinabig ni Dylan ang katawan ng binata at niyakap ito upang pakalmahin. Napabuntonghininga si Laurenzo at maging siya ay nanghinayang. "Nangako ang Tito Conrad m
"ANO na po ang plano mo ngayon?" tanong ni Tibor kay Laurenzo.Napabuntonghininga si Laurenzo at tumanaw sa malayo. Naroon sila ngayon sa kanilang safe house. Doon siya namamalagi kung gusto niya ng katahimikan at mag-isip ng malalim."Tiyak na nagduda na rin ngayon si Racar nang makita si Dylan. Kapag pinaimbistigahan niya ang katauhan ni—""Hindi maaring malaman niya ang katotohanan!" putol niya sa pagsasalita ni Tibor. Napabuntonghininga na rin si Tibor bago tahimik na tumanaw sa malayo tulad ni Laurenzo. Ilang minuto rin namayani ang katahimikan sa pagitan nila ng chairman."Pero hindi na natin control ngayon ang sitwasyon. Ngayong nakita na niya si Dylan, tiyak na—" hindi niya muli natapos ang sasabihin nang marahas na lumingon sa gawi niya si Laurenzo. "Hanggang hinala lang siya sa ngayon. At bago pa niya makumpirma ang hinala ay siguraduhin kong naayos ko na ang dapat ayusin."Malungkot na tumango si Tibor sa chairman at hindi na muling nagsalita pa. Isa sa dahilan kung bakit
NAPAUPO si Dylan sa kama habang sapu ang ulo. Gusto niyang maalala ang nakaraan bago siya napunta sa pangangalaga ni Tibor. Ngunit sumasakit lamang ang kaniyang ulo. Inaalala niya ang araw na nakilala ang kinikilalang ama ngayon . Mula nang magising siya noon sa hospital ay wala siyang maalala kahit pangalan. Nagisnan niya ay isang lalaking tinawag siya sa pangalang Dylan.Marami siyang katanungan ngunit hindi masagot ng lalaki. Ito umano ang nakabangga sa kaniya gamit ang minamanehong taxi kaya naging responsibilidad siya nito. Ayaw niyang magpaiwan sa hospital kaya nakiusap siya sa lalaki na isama siya pauwi. Kahit bata pa siya noon ay alam niyang may itinatago sa kaniya ang lalaki. Inalagaan siya at ayaw palabasin ng bahay. Isang buwan ang lumipas, sa gitna ng mahimbing na pagtulog ng tanghaling tapat ay ginising siya ng lalaki na ayaw pa rin magpakilala sa kaniya. "Kailangan mong umalis at huwag nang bumalik dito. Pumunta ka sa mataong lugar at huwag basta magtiwala sa mga taong
"MAY kailangan po ba kayo?" tanong ni Alexander kay Tibor nang inanyayahan siya nitong magkape sa labas."Gusto ko lang kumustahin kayo ni Dylan. May napapansin ka bang kakaiba sa kaniyang kilos ngayon?" naitanong ni Tibor dahil ilang araw na niyang napansin na nag-iisip ng malalim si Dylan."Maliban sa may isang alaalang bumalik sa kaniyang isipan, malaki rin ang hinala niya na may alam si Racar sa tunay nitong pagkatao.""Ano ang ibig mong sabihin? Alaala ba noong maliit pa siya? " Kabado si Tibor at biglang nag-alala.Tumango si Alexander bago uminum ng kape. Pagkalapag sa lamesa ng tasa ay mataman na pinagmasdan si Tibor. "Wala po ba talaga kayong alam sa tunay na pagkatao ni Dylan?"Umilap ang tingin ni Tibor bago umiling. Ramdam ni Alexander na may tinatago ang ginoo. "Kung may alam kayo sa kaniyang pagkatao, sabihin niyo na sa akin upang matulungan ko kayo pareho."Mabilis na dinampot ni Tibor ang tasa at ininum ang kape. "Gusto niyang siya ang huhuli kay Racar at hayaan ko sa
PAGKABABA ng sasakyan ay nagmamadaling pumasok si Laurenzo sa kanilang bahay. Nang mabalitaan kanina na pumunta ang kapatid sa kaniyang bahay ay agad siyang umuwi. Naabutan pa niya si Tibor na mukhang natuod na sa kinatayuan. Dali-dali niyang nilapitan at binulungan. "Ano pa ang hinihintay mo? Dalhin mo na si Dylan sa kaniyang silid." Nangunot ang noo ni Alexander sa inaakto ng mga magulang nila ni Dylan. Bakas sa mukha ng mga ito ang labis na pag-alala gayong wala namang kalaban sa paligid.Parang natauhan si Tibor nang marinig ang tinig ng chairman. Dali-dali niyang sinunod ang utos nito. "Dylan, may kailangan tayong pag-usapan.Mariing ipinikit ni Dylan ang mga mata at hindi pinansin ang ama. Pilit na inaalala ang mukha ng kanilang bisita, kung saan nga ba niya una itong nakilala. Alam niyang madalas sa ibang bansa namamalagi ang kapatid ni Chairman kaya ngayon niya lang ito nakaharap. Pero hindi iyon ang nagpapagulo sa kaniyang isipan ngayon. Ang boses ng babae ay pamilyar sa kan
"Alex, stop seducing me. You know what will happen to you if you don't stop!" Napatiim bagang si Dylan nang gumapang ang isang palad ng binata sa kaniyang dibdib.Unti-unting ibinaba ni Alexander ang mukha at inilapit sa tainga ng binata. "I'm not scared, baby!" Napamura si Dylan nang lumapat ang mainit na labi ni Alexander sa kaniyang tainga. Sa dami nang umakit sa kaniya na mga babae pero kay Alexander lang talaga siya mabilis bumigay. Tanging ang binata lang ang nakapagpakalma sa kaniya at nakakalimot pansamantala. Ang bilis din mabuhay ng kaniyang pagkalalaki. Halik palang pero naninigas na ang kaniyang shaft.Napangisi si Alexander nang maramdaman ang katigasan ng binata sa kaniyang hita. Lumalim din ang paghinga nito. Gusto lang sana niyang subukan ito. Ngunit bigla na rin siya nag-init. Nang kabigin nito ang kaniyang batok at kinuyumos ng halik ang labi ay nakalimot na siya sa bilin ng doctor.Mabilis na tumayo si Dylan habang magkahinang ang labi nila at pumulupot sa kaniyang
NANG masiguro ni Dylan na tulog na si Alexander ay maingat siyang bumaba ng kama. Lumabas siya ng silid at dumiritso sa mini bar na naroon lang din sa loob ng mansion. Mabilis na nilagok ang laman ng baso habang sinasariwa sa isipan ang mga alaalang bumalik sa kaniyang isipan. Mga alaala noong siya ay pitong taon lamang. "Mommy, bakit po kayo umiiyak?""Hayop ang iyong ama, paano niya ako nagawang lokohin at ipagpalit tayo sa babaeng iyan?"Nakikita ni Dylan ang sariling umiiyak at dinamayan ang inang naghihinagpis. Nagkalat ang larawan ng ama at may kasamang babae. Nang araw na iyon ay naunawaan ni Dylan kung bakit hindi sila sinundan ng ama sa isang bahay bakasyunan. Nasa ibang bansa ito kasama ang ibang babae. Napahigpit ang hawak ni Dylan sa basong may lamang alak. Ang nakita sa larawan noong bata pa siya at ang babaeng bisita kanina ay iisang mukha. Umidad man ang hitsura nito pero alam niyang hindi siya maaring magkamali. Ilang salin pa ng alak ang ginawa niya bago nagpasyang
"MAY problema ba?" tanong ni Laurenzo kay Dylan nang bisitahin siya nito sa kaniyang opisina.Sandaling napatitig si Dylan sa ginoo. Nanatiling blangko ang expression ng mukha at ayaw niyang ipakita rito ang tunay na saloobin ngayon. "Balita ko ay alam niyo na kung saan nagtatago si Racar?""Oo ngunit nakalipat agad siya. Hindi na siya naabutan ng tauhan ni Conrad." Naikuyom ni Dylan ang kamao pagkarinig sa pangalan ng tunay na ama. Ayaw pa niyang may makakaalam na bumalik na ang kaniyang alaala. "Gusto kong makausap si Mr. Conrad."Nangunot ang noo ni Laurenzo habang nakatitig kay Dylan. Bigla siyang kinabahan at— naudlot ang tumatakbo sa isipan nang magsalita muli ang binata."Gusto ko lang po makipagtulungan sa kaniya upang mapadali ang paghuli kay Racar, dad."Lumambong ang aura ng mukha ni Laurenzo nang tawagin siyang, 'daddy', ng binata. Parang biglang bumalik siya sa nakaraan, noong buo pa ang pamilya ng kaibigan. "Ayos lang po ba kayo?" tanong ni Dylan nang biglang manahimik
Nakagat ni Alexander ang loob ng labi at nakunsesnya. "Sorry, may tiwala ako sa iyo pero sa gustong agawin ka sa akin ay wala." Humigpit ang kapit niya sa braso ng asawa at isinandal ang ulo sa balikat nito.Napabuntong hininga si Dylan, "sa una ay nagagalit ako at nagseselos. Hindi mo nakikitang sinasamantala ni Lily ang kahinaan mo sa akin.""Sorry, nakapag desisyon na rin ako na hindi na siya ang kunin nating maging ina ng anak natin."Napangiti si Dylan at hinalikan sa noo ang asawa. "Are you sure?"Nakangiting tumango si Alexander. "Pero nawawala si Lily.""Kailan pa?" Gulat na tanong ni Dylan."Kanina pang tanghali, boss. Wala ma siya bago ko pa nabasa ang message ni Troy." Si Dante na ang sumagot."Mukhang gumalaw na nga sila at si Lily ang nakuha nila sa pag aakalang iyon ang asawa ni Sir Alexander," ani Troy."Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ni Alexander. "Hawak namin ngayon ang pinsan ni Raffy. Ang plano ay ipapatay ang bagong namumuko sa organisasyon at ang alam nila a
Agad nawala ang galit na nadarama ni Alexander sa asawa nang magmulat ito ng mga mata at ngumiti sa kaniya. "Ano ang ginagawa mo sa iyong sarili? Look, dalawang gabi lang tayong hindi magkatabi ng tulog ay mukha ka nang zombie!"Lalong napangiti si Dylan at idinipa ang mga kamay upang yakapin ang asawa. "C'mon, give me hug."Sinamaan ni Alexander ng tingin ang asawa at gustong ipakita na galit siya. Ngunit hindi nito ibinababa ang mga kamay na nakadipa kahit ilang minuto na ang nakalipas. "Baby, I'm tired." Paglalambing ni Dylan.Napabuntong hininga si Alexander at mukhang napilitang pagbigyan ang asawa. "Ayaw kong nakikitang pagod ka at puyat dahil sa trabaho.""Pero sa pagpapaligaya sa iyo ay ok lang na mapagod ako?" Nanunuksong tanong ni Dylan dito.Mahinang suntok sa dibdib ang itinugon ni Alexander at pinilit ang sarili na huwag gumanti ng yakap sa asawa. Pero hindi niya talaga ito matiis nang matagal lalo na nang humalik na ito sa leeg niya. "Akala ko ba pagod ka at puyat?""Le
"Isa sa spy nila ang nakakuha ng information na nakapasok dito aa kompanya ang traidor sa organisation." Paliwanag ni Dante."What? Paanong nangyari ang bagay na iyan?" Mabilis na tinawagan ni Alexander ang asawa ngunit walang sumasagot. Nang si Troy naman ang tawagan ay mukhang nagmamadali rin."Sir, bilin ng iyong asawa ay huwag muna kayong umalis ng opisina at susunduin kayo mamaya. Kailangan ko na pong ibaba ang tawag at susundan ko si Boss Dylan." Kinabahan si Alexander at nag alala para sa asawa. Pero sinunod niya si Dante at inalam kung nasaan si Lily. "Hindi ko siya makuntak," aniya kay Dante. Sandaling nag isip si Dante at inalala kung saan maaring pumunta si Lily. Tumawag na rin siya sa ina nito at ang sagot ay wala ito roon. "Kung kumain siya sa labas ay sino ang kasama niya at bakit hindi pa nakabalik?" naisatinig ni Dante."Check the surveillance camera." Utos ni Alexander kay Dante.Agad tumalima si Dante at pinatawag ang security sa storage room.Sa opisina, napangisi
"Excuse me, bakit dito tayo pumunta?" tanong ni Lily sa driver nang tumigil sila sa isang mukhang abandonadong lugar sa halip na sa magarang restuarant. "Bumaba ka na miss at huwag nang maraming tanong." Pagalit na utos ng driver sa dalaga.Biglang binundol ng kaba abg dibdib ni Lily. Kinutuban siya nang hindi maganda. Mabilis siyang bumaba ng sasakyan at tumakbo palayo ngunit may humarang na sasakyan sa daraanan niya."Saan ka pupunta?" Nakangising tanong ni Raffy pagkababa sa sasakyan.Mabilis na lumapit si Lily sa binata at nabawasan ang kabang nadarama. "Katakot kasi ang driver mo. Kung wala ka ay talaga tatakbo na ako palayo!"Sa halip na sagutin ang babae ay tinanguan niya ang taong nakasunod kay Lily. "Dalhin niyo na siya sa loob."Muling kinabahan si Lily nang marinig ang utos ni Raffy at mah huwak sa mga kamay niya. "A-ano ang ibig sabihin nito?""Simple lang, kailangan kita laban kay Alexander." Nakangising tugon ni Raffy sa dalaga.Nanlaki ang mga mata ni Lily at nagpumig
Pagkaalis ng ama at nagmamadali nang nagpalit ng damit si Raffy. Kailangan niyang pumasok sa opisina at dalawa na ang purpose niya ngayon sa gagawin sa buhay ni Alexander. Sa opisina, hindi mapakali si Lily sa puwesto. Hindi din siya kumportable sa suot niyang si Alexander ang pumili. Hindi siya tanga upang hindi maintindihan ang mga pagbabagong pakitungo sa kaniya ni Alexander. Nagbago na talaga ang binata at ang tingin sa kaniya ay nabaeng kaagaw kay Dylan, at hindi babaeng maging ina sa anak nito. "Lily, bakit ganiyan ang suot mo?" tanong ni Jessa nang hindi makatiis."May problema ba sa suot ko?" Naiirita niyang tanong din sa babae. Ganitong kanina pa siya naiinis tapos pupunain."Sorry, hindi lang kami sanay na makita kang halos balot na ang katawan." Nagyuko ng ulo si Jessa at napahiya.Inis na napabuntong hininga si Lily at pilit na ngumiti. "Ayaw kasi na ni Alexander na lantad ang katawan ko at nagseselos siya kapag may ibang nalatingin." Pagsisinungaling niya upang maibang
Tama lang na tapos nang maligo si Raffy nang may kumatok sa pinto. Mabilis niyang isinuot ang roba bago binuksan ang pinto. "Dad?"Patulak na pinapasok ni Rudy ang anak sa pad nito kasunod siya. "Nawawala ang pinsan mo at ikaw lang ang kasama niya kagabi.""Po? Paanong nawawala? Sigurado po ba kayo? Lasing kami pareho kagabi kaya baka kung saan lang siya natulog." Pilit nagpakahinahon si Raffy."Estupido, hindi kayo nag iingat! Sinabi ko na sa iyo na hindi kayo maaring magsama sa public place!" Bulyaw ni Rudy sa anak at nagmamadaling hinanap ang bagay na sa anak ipinagkatiwala.Tarantang sinundan ni Raffy ang ama at kinabahan na rin. Alam niya kung ano ang hinahanap nito. Kapag nalaman nito na may isinama siya kagabi sa pad at tiyak na bugbugin siya nito.Nakahinga nang maluwag si Rudy nang makita ang maliit na book. Sobrang nag alala pa naman siya. Mabilis niyang binuklat upang suriin at baka mamaya ay kulang na ng page.Napabuga ng hangin si Raffy at parang may mabigay na bagay ang
Mabilis na naiiwas ni Dylan ang labi sa lalaki. Tumama ang labi nito sa pisngi niya at hinayaan niya lang ito. Nang bumaba ang halik nito sa leeg niya ay nagbilang siya hangang sampu sa isipan lamang. Kalag hindi pa rin ito tumigil sa pangmamanyak sa kaniya at babasagin na niya ang balls nito. Napabuga siya ng hangin sa bibig nang lumuwag na ang yakap sa kaniya ni Raffy at tumigil na rin sa paghalik sa leeg niya. Mabilis siyang kumuha ng wipes at pinunasan ang balat kung saan lumapat ang maduming labi ng lalaki. Wala siyang inaksayang sandali, hinalughog niya ang bahay nito at hinanap ang importanting bagay. Kailangang makuha niya ang blue book."Gotcha!" Nakangising bulong ni Dylan habang hawak ang isang book na tama lang ang laki. Tama talaga siya nang hinala na may inportanteng gamit itong nakatago. Mabilis niyang kinuhanan ng picture ang nakasulat sa book saka iyon ibinalik sa pinagtaguan. Hindi pa maaring makatunog ang mga ito na napasok na ng kalaban. Ngayong alam na niya ang m
"Sino ang tumawag sa iyo?" tanong ni Raffy sa pinsan nang makitang ibinaba na nito ang cellphone. "Your father. Pinaalala niya na kailangan na nating makilala ang tagapag mana ng chairman." Sagot ni David bago angsindi ng sigarilyo.Muling nagsalin ng alak si Dylan sa kaniyang baso at nagkunwaring hindi interesado sa pinag uusapan ng dalawa. "Trabaho mo na yan at hindi akin. Kaya nga nasa organisasyon ka ngayon upang makilala siya." Iritableng tinapik pa ni Raffy sa balikag ang pinsan."Asshole, te-team tayo dito! Nabulos na ani David at gumanti ng tabig sa balikat ni Raffy."Tsss, ang mayabang na lalaking iyon gusto kong unahin kaya solohin mo muna ang trabahong iyan." Suminok si Raffy after nitong angilan ang pinsan.Tumaas ang mga kilay ni Dylan at naging interesado lalo sa topic ng dalawa."Stupid! Ti-tingin mo ay mautakan mo ang gagong iyon?" Natuto na iyon sa mga nauna mong ginawa."Idiots, alam ko ang ginagawa ko! Bago ko pabagsakin ang kompanya nila ay dudurugin ko muna ang
"Sino ang tumatawag?" tanong ni Alexander sa asawa nang hindi sinagot nito ang tawag.Nilingon ni Dylan ang asawa bago ibinulsa ang cellphone. "Just one of my client. Nakalimutan ko na may trabaho akong kailangang tapusin ngayong gabi."Agad nakaramdam ng dismaya si Alexander nang marinig ang sinabi ng asawa."Ihahatid ka na ni Dante sa bahay at huwag mo na akong hinatayin sa hapunan."Lalong nadismaya si Alexander at special day nila ngayon pero trabaho pa rin ang nasa isip ng asawa at mukhang iyon ang priority. "Baby, this is very important at hindi kailangang palamlpasin." Paliwanag ni Dylan nang mapansin ang pananahimik ng asawa habang naglalakad sila sa hallway."Ok." Walang ganang sagot ni Alexander. Hinila ni Dylan ang asawa sa kamay at pinigilang maglakad upang humarap sa kaniya. "Please, huwag kang magalit."Bumuntong hininga lang si Alexander at sinalubong ang nangungusap na mga mata ng asawa. "Sige na, mag ingat ka at tumawag sa akin mamaya.""Thank you, babe!" Mabilis n