Home / LGBTQ + / RUTHLESS SEDUCTION (Tagalog) / Chapter 8-Pagsasama sa iisang silid

Share

Chapter 8-Pagsasama sa iisang silid

Naging alerto si Alexander at agad na umurong sa kinahigaan. Ngunit dahil maliit lang ang kama, hindi siya ganoon makalayo kay Dylan. Hindi pa niya gustong makita itong nakangiti. Natutunaw kasi ang pader na inihaharang niya sa kaniyang puso kapag ganito ang mood ng lalaki.

"Huwag kang mag-alala, Young Master, hindi rin ang tipo mo ang gusto kong ka-romance. Isa pa ay hindi ako pumapatol sa kabaro ko."

Nainsulto si Alexander sa sinabi ni Dylan, pero hindi niya ipinakita iyon sa lalaki. Sa halip ay ngumiti siya at bumangon. Siya naman ang napangisi nang bahagyang inilayo ni Dylan ang mukha mula sa kaniya. Sinundan niya iyon at palanghap na sinamyo ang scent ng binata, habang hindi hinihiwalay ang mga mata sa malamig nitong mga titig.

"Really?" nanghahamon niyang tanong kay Dylan.

Mabilis na itinuwid ni Dylan ang katawan at inilayo ang sarili kay Alexander nang ilapit pa nito ang mukha sa kaniya.

"Magpahinga ka na at kailangan mong bumawi ng lakas." Tumalikod si Dylan pagakasabi niyon
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status