"HEY, ayaw ko pang umuwi!" Pagpupumiglas ni Alexander mula sa mahigpit na hawak ni Dylan sa kaniyang braso.Hindi pinakinggan ni Dylan ang reklamo ng binata. Napapatingin na sa kanila ang mga taong nadadaanan nila dahil sa ingay ng bibig ni Alexander. Nagmumukha tuloy siyang tatay ngayon at may hilang bata na ayaw pang umuwi."Ang cute nila!"Rinig ni Dylan na wika ng isang babaeng nakasalubong nila."Oo nga, bagay sila. Sino kaya ang top sa kanilamg dalawa?"Naudlot ang muling paghila ni Dylan sa braso ni Alexander nang marining ang sagot ng isang babae sa unang nagsalita. "Sa tingin ko ay ang hinihila ang top." Sagot muli ng isang babae sa kasama.Salubong ang mga kilay na tinitigan ni Dylan ang mukha ni Alexander. Nagtataka siya kung bakit nasabi ng babae na ang binata ang top?"Hey, he's mine and—" hindi na naituloy ni Alexander ang iba pang nais sabihin sa mga babae nang bigla siyang buhatin ni Dylan.Parehong awang ang bibig ng dalawang babaeng nakasunod ang tingin kina Dylan.
"Argh, Alexander, stop it!" pagpapatuloy na saway ni Dylan sa binata dahil unti-unti nang nabubuhay ang libido sa kaniyang katawan. At ang kaniyang shaft ay nag-react na rin nang sumagi doon ang tuhod nito."Say please—""Please!" wala sa sariling pagsunod niya sa utos ni Alexander. Nakangising yumuko ng ulo si Alexander kasabay ng paggapang ng isang palad pababa sa tiyan nito. Please, what?" pabulong niyang tanong habang sinasamyo ang amoy sa leeg nito.Kusang pumaling ang kaniyang ulo nang maramdaman ang mainit na hininga ni Alexander na dumampi sa kaniyang balat. Maging siya ay hindi alam kung para saan at nakikiusap siya sa binata. Napahawak ang isa niyang kamay sa braso ng binata nang mahawakan na nito ang kaniyang suot na pantalon. Nag-angat ng mukha si Alexander at sinalubong ang nangungusap na mga mata ng binata. Ang akala niya ay pipigilan nito ang naglilikot niyang kamay. Muli siyang ngumiti nang halos bumaon na ang daliri nito sa kaniyang braso. Alam niyang pilit nitong n
"MR. CARNIVAL, dumating na po si Mr. Racar."Nilingon ni Conrad ang kaniyang assistant bago muling isinubo ang tabaco na hawak. "Nakita mo na ba ang asawa ko?""Pabalik na po siya rito, sir, galing sa opisina ng kaniyang kapatid," sagot ni Lendon sa ginoo."Huwag mo muna siyang patuluyin dito hangga't hindi pa kami tapos mag-usap ni Mr. Racar.""Masusunod po, Sir." Yumukod ng ulo si Lendon bago tumalikod at lumabas na ng opisina.Isinandal ni Conrad ang likod sa sandalan ng kinaupuan at hinintay ang pagpasok ng matalik niyang kaibigan. Isa rin ito sa kasapi ng organization nila at pumapangalawang malakas at may malaking investment sa kanilang negosyo. Noong si Laurenzo pa ang namumuno ay laging nagkakabanggaan ang dalawa at hindi nagkakasundo. Natahimik lamang ang dalawa nang bumitaw ang kaniyang bayaw na si Leonardo."Long time no see," ani Conrad nang makapasok na ang kaibigan. Tumayo siya at sinalubong ito."Hindi ka nagpasabing babalik ka na." Bati ni Racar kay Conrad habang nakip
"Salamat at naunawaan mo ako, gusto ko rin sanang bisitahin si Alexander ngunit wala siya sa mansion.""Mukhang inumpisahan na ng iyong kapatid ang pagbigay disiplina sa kaniyang anak." Matipid na ngiti ang sumilay sa labi ni Conrad."Naniniwala ka talaga na hindi kinukunsinti ni Laurenzo ang ginagawang hindi maganda ng kaniyang anak?" nang-uuyam na tanong ni Racar kay Conrad nang hindi makatiis."At bakit hindi?" Maagap na salo ni Romana sa patutsadang tanong ni Racar."Romana, lumabas ka muna at hindi pa kami tapos mag-usap ni Racar." Mahinahon na saway ni Conrad sa kaniyang asawa.Mabilis na tumayo si Racar bago pa makapagsalita si Romana. "Wala na tayong dapat na pag-usapan. Aalis na ako para makapag-usap kayo ng maayos ng iyong asawa."Nakataas ang isang kilay na sinundan ng tingin ni Romana ang pagtalikod ni Racar. Hindi sa ayaw niya sa lalaki bilang kaibigan ng kaniyang asawa. Hindi niya lang gusto ang ginagawa nitong parang pinag-aaway ang kaniyang kapatid at asawa.Sa hotel,
"Mr. Chairman," bati ni Dylan sa ginoo nang ipatawag siya sa opisina nito. "Una sa lahat ay gusto kong magpasalamat sa iyo at nagawa mong baguhin ang isip ng aking anak.""Trabaho ko po iyon," magalang niyang sagot sa ginoo.Ngumiti si Laurenzo at inakbayan ang binata. "Hindi talaga ako nagkamali sa pagkuha sa iyo. Alam kong may kapalit ang lahat ng ito kaya mo siya napapayag at hindi ko na aalamin pa. May tiwala ako sa iyo at alam kong hindi mo hahayaang mapahamak ang aking anak. Ngayong narito na siya ay napanatag na ang aking loob na iwan ang kompanya.""Aalis po kayo?""May kailangan akong gawin para sa katahimikan ng puso't isipan ng aking anak. Hindi ko iyon magagawa kung narito lang ako at nagkukulong sa kompanya."Naunawaan ni Dylan ang gustong gawin ng ginoo. "Mag-ingat po kayo at sikapin kong pangalagaan ang kaniyang kaligtasan, tulad sa ginagawa ng aking ama.""Salamat!" Nayakap ni Laurenzo ang binata dahil sa tuwa. .May pag-aalinlangang gumanti ng yakap si Dylan sa ginoo
"Hey, that's enough!" Pumagitna na si Alexander bago pa kung saan mapunta ang malanding tingin ng babae kay Dylan. Sa paraan ng tingin nito sa binata ay nababasa niya ang tumatakbo sa isipan nito ngayon.Mabilis na tinabig ni Dylan ang kamay ni Alexander nang tangkang hawakan nito sa braso ang babae. "Go back to your set at trabaho ko na ang ihatid siya palabas."Napipikon na tiningnan ni Alexander ang binata. Alam niyang arogante ito at hindi siya itinuturing na young master. Pero sumusubra naman na yata ito?Nagmamadali nang umalis si Denise sa takot na magsuntukan pa ang dalawa sa kaniyang harapan."Ano ang problema mo?" galit na bulyaw ni Alexander sa binata nang wala na si Denise."Wala akong problema at gusto ko lang ipaalala sa iyo na lahat ng lumalapit sa iyo ngayon ay may motibong masama. Kaya dapat nag-iingat ka at huwag puro kalibugan ang pinapairal mo!""Asshole!" Galit na sinugod ni Alexander ang binata upang suntukin sa mukha ngunit mas mabilis itong kumilos. Nailagan ni
Aalis na sana si Dylan nang binati pa siya ng ibang kababaihan na malapit sa kinaroonan niya. Magaganda ang mga ito pero hindi niya gusto na ipinagtaka niya sa sarili. Hayagan ang pagpapakita ng pagkagusto sa kaniya ng mga ito pero baliwala lang sa kaniya."Dylan!" galit na tawag ni Alexander sa binata nang makita itong nakipag-usap sa mga babae."Excuse me!" paalam ni Dylan sa mga naroon at nilapitan si Alexander.Tahimik na nagpalipat-lipat lang ang tingin nila Dante at Troy sa dalawa nang magharap nang muli. Nasa mukha ni Dylan ang pagkapormal. Samantala ang kay Alexander ay halatang galit at hindi nagustohan ang tagpong nakita kanina."What the hell are you doing there? Pinagbabawalan mo ako pero ikaw ay puwedeng makipaglandian sa—""Let's go inside!" putol ni Dylan sa iba pang nais sabihin ni Alexander at hinawakan ito sa braso.Napatutok ang tingin ng dalawang saksi sa kamay ni Dylan kung saan nakahawak iyon. Ni-hindi manlang tumutol ang kanilang young master gayong halos hinaha
LUMIPAS ang mga araw na naging maayos ang pagtatrabaho ni Alexander sa kompanya ng mga ito. Ngunit torture kay Dylan ang bawat araw at oras na kasama ang binata. Kung gaano siya kahigpit sa lalaki, tinatapatan nito ng pang-aakit naman sa kaniya. Alam ni Dylan na ginagawa iyon ng binata upang sumuko na siya sa pagbabantay dito. Nakalipat na rin sila sa condominium nito dahil ibinalik na ng chairman."Saan ka pupunta?" tanong ni Alexander nang tumayo si Dylan."May meeting ka mamaya at kailangan kong kunin ang inihandang presentation ng iyong secretary."Matalim ang tinging sinundan ni Alexander ang pagtalikod ng binata. Ang lamig pa rin ng pakitungo nito sa kaniya kahit obvious namang hindi nito kayang labanan ang pang-aakit niya minsan. Sinundan niya si Dylan hanggang pintuan at pinanood ang paglapit nito kay Dinese. Nitong mga nakalipas na araw ay hindi niya nagustohana ang pagiging close ng binata sa babae. Nawala na nga ang interest sa kaniya ni Denise, pero mukhang si Dylan naman
"Isa sa spy nila ang nakakuha ng information na nakapasok dito aa kompanya ang traidor sa organisation." Paliwanag ni Dante."What? Paanong nangyari ang bagay na iyan?" Mabilis na tinawagan ni Alexander ang asawa ngunit walang sumasagot. Nang si Troy naman ang tawagan ay mukhang nagmamadali rin."Sir, bilin ng iyong asawa ay huwag muna kayong umalis ng opisina at susunduin kayo mamaya. Kailangan ko na pong ibaba ang tawag at susundan ko si Boss Dylan." Kinabahan si Alexander at nag alala para sa asawa. Pero sinunod niya si Dante at inalam kung nasaan si Lily. "Hindi ko siya makuntak," aniya kay Dante. Sandaling nag isip si Dante at inalala kung saan maaring pumunta si Lily. Tumawag na rin siya sa ina nito at ang sagot ay wala ito roon. "Kung kumain siya sa labas ay sino ang kasama niya at bakit hindi pa nakabalik?" naisatinig ni Dante."Check the surveillance camera." Utos ni Alexander kay Dante.Agad tumalima si Dante at pinatawag ang security sa storage room.Sa opisina, napangisi
"Excuse me, bakit dito tayo pumunta?" tanong ni Lily sa driver nang tumigil sila sa isang mukhang abandonadong lugar sa halip na sa magarang restuarant. "Bumaba ka na miss at huwag nang maraming tanong." Pagalit na utos ng driver sa dalaga.Biglang binundol ng kaba abg dibdib ni Lily. Kinutuban siya nang hindi maganda. Mabilis siyang bumaba ng sasakyan at tumakbo palayo ngunit may humarang na sasakyan sa daraanan niya."Saan ka pupunta?" Nakangising tanong ni Raffy pagkababa sa sasakyan.Mabilis na lumapit si Lily sa binata at nabawasan ang kabang nadarama. "Katakot kasi ang driver mo. Kung wala ka ay talaga tatakbo na ako palayo!"Sa halip na sagutin ang babae ay tinanguan niya ang taong nakasunod kay Lily. "Dalhin niyo na siya sa loob."Muling kinabahan si Lily nang marinig ang utos ni Raffy at mah huwak sa mga kamay niya. "A-ano ang ibig sabihin nito?""Simple lang, kailangan kita laban kay Alexander." Nakangising tugon ni Raffy sa dalaga.Nanlaki ang mga mata ni Lily at nagpumig
Pagkaalis ng ama at nagmamadali nang nagpalit ng damit si Raffy. Kailangan niyang pumasok sa opisina at dalawa na ang purpose niya ngayon sa gagawin sa buhay ni Alexander. Sa opisina, hindi mapakali si Lily sa puwesto. Hindi din siya kumportable sa suot niyang si Alexander ang pumili. Hindi siya tanga upang hindi maintindihan ang mga pagbabagong pakitungo sa kaniya ni Alexander. Nagbago na talaga ang binata at ang tingin sa kaniya ay nabaeng kaagaw kay Dylan, at hindi babaeng maging ina sa anak nito. "Lily, bakit ganiyan ang suot mo?" tanong ni Jessa nang hindi makatiis."May problema ba sa suot ko?" Naiirita niyang tanong din sa babae. Ganitong kanina pa siya naiinis tapos pupunain."Sorry, hindi lang kami sanay na makita kang halos balot na ang katawan." Nagyuko ng ulo si Jessa at napahiya.Inis na napabuntong hininga si Lily at pilit na ngumiti. "Ayaw kasi na ni Alexander na lantad ang katawan ko at nagseselos siya kapag may ibang nalatingin." Pagsisinungaling niya upang maibang
Tama lang na tapos nang maligo si Raffy nang may kumatok sa pinto. Mabilis niyang isinuot ang roba bago binuksan ang pinto. "Dad?"Patulak na pinapasok ni Rudy ang anak sa pad nito kasunod siya. "Nawawala ang pinsan mo at ikaw lang ang kasama niya kagabi.""Po? Paanong nawawala? Sigurado po ba kayo? Lasing kami pareho kagabi kaya baka kung saan lang siya natulog." Pilit nagpakahinahon si Raffy."Estupido, hindi kayo nag iingat! Sinabi ko na sa iyo na hindi kayo maaring magsama sa public place!" Bulyaw ni Rudy sa anak at nagmamadaling hinanap ang bagay na sa anak ipinagkatiwala.Tarantang sinundan ni Raffy ang ama at kinabahan na rin. Alam niya kung ano ang hinahanap nito. Kapag nalaman nito na may isinama siya kagabi sa pad at tiyak na bugbugin siya nito.Nakahinga nang maluwag si Rudy nang makita ang maliit na book. Sobrang nag alala pa naman siya. Mabilis niyang binuklat upang suriin at baka mamaya ay kulang na ng page.Napabuga ng hangin si Raffy at parang may mabigay na bagay ang
Mabilis na naiiwas ni Dylan ang labi sa lalaki. Tumama ang labi nito sa pisngi niya at hinayaan niya lang ito. Nang bumaba ang halik nito sa leeg niya ay nagbilang siya hangang sampu sa isipan lamang. Kalag hindi pa rin ito tumigil sa pangmamanyak sa kaniya at babasagin na niya ang balls nito. Napabuga siya ng hangin sa bibig nang lumuwag na ang yakap sa kaniya ni Raffy at tumigil na rin sa paghalik sa leeg niya. Mabilis siyang kumuha ng wipes at pinunasan ang balat kung saan lumapat ang maduming labi ng lalaki. Wala siyang inaksayang sandali, hinalughog niya ang bahay nito at hinanap ang importanting bagay. Kailangang makuha niya ang blue book."Gotcha!" Nakangising bulong ni Dylan habang hawak ang isang book na tama lang ang laki. Tama talaga siya nang hinala na may inportanteng gamit itong nakatago. Mabilis niyang kinuhanan ng picture ang nakasulat sa book saka iyon ibinalik sa pinagtaguan. Hindi pa maaring makatunog ang mga ito na napasok na ng kalaban. Ngayong alam na niya ang m
"Sino ang tumawag sa iyo?" tanong ni Raffy sa pinsan nang makitang ibinaba na nito ang cellphone. "Your father. Pinaalala niya na kailangan na nating makilala ang tagapag mana ng chairman." Sagot ni David bago angsindi ng sigarilyo.Muling nagsalin ng alak si Dylan sa kaniyang baso at nagkunwaring hindi interesado sa pinag uusapan ng dalawa. "Trabaho mo na yan at hindi akin. Kaya nga nasa organisasyon ka ngayon upang makilala siya." Iritableng tinapik pa ni Raffy sa balikag ang pinsan."Asshole, te-team tayo dito! Nabulos na ani David at gumanti ng tabig sa balikat ni Raffy."Tsss, ang mayabang na lalaking iyon gusto kong unahin kaya solohin mo muna ang trabahong iyan." Suminok si Raffy after nitong angilan ang pinsan.Tumaas ang mga kilay ni Dylan at naging interesado lalo sa topic ng dalawa."Stupid! Ti-tingin mo ay mautakan mo ang gagong iyon?" Natuto na iyon sa mga nauna mong ginawa."Idiots, alam ko ang ginagawa ko! Bago ko pabagsakin ang kompanya nila ay dudurugin ko muna ang
"Sino ang tumatawag?" tanong ni Alexander sa asawa nang hindi sinagot nito ang tawag.Nilingon ni Dylan ang asawa bago ibinulsa ang cellphone. "Just one of my client. Nakalimutan ko na may trabaho akong kailangang tapusin ngayong gabi."Agad nakaramdam ng dismaya si Alexander nang marinig ang sinabi ng asawa."Ihahatid ka na ni Dante sa bahay at huwag mo na akong hinatayin sa hapunan."Lalong nadismaya si Alexander at special day nila ngayon pero trabaho pa rin ang nasa isip ng asawa at mukhang iyon ang priority. "Baby, this is very important at hindi kailangang palamlpasin." Paliwanag ni Dylan nang mapansin ang pananahimik ng asawa habang naglalakad sila sa hallway."Ok." Walang ganang sagot ni Alexander. Hinila ni Dylan ang asawa sa kamay at pinigilang maglakad upang humarap sa kaniya. "Please, huwag kang magalit."Bumuntong hininga lang si Alexander at sinalubong ang nangungusap na mga mata ng asawa. "Sige na, mag ingat ka at tumawag sa akin mamaya.""Thank you, babe!" Mabilis n
Tumayo si Dylan at lumipat sa puwesto ni Dante. Ayaw pa nito sa una pero sapilitang pinatayo niya upang lumipat sa tabi ni Troy.Napamura na lang sa isipan si Dante lalo na nang magsimula na ang palabas. Bigla siyanh inanantok at wala talaga siyang hilig manood. Mas gustohin pa niyang matulog kaysa ang manood.Bapailing si Troy nang makitang nakayuko na si Dante. Ganito naman ito kahit sa silid nila. Kapag nanood siya ng television ay natutulog ito.Marahang tinulak ni Alexander sa balikat si Dante nang mapansing malapit na itong mapasubsob. Agad namang sinalo ito ni Troy at hinayaang sumandal sa balikat nito."What are you doing?" pabulong na tanong ni Dylan sa asawa nang yumakap ito sa kaniya at naglikod ang kamay sa tiyan niya."I jus miss you!" Sinamyo ni Alexander ang leeg ng asawa.Pumalatak si Dylan. Mukhang gumagana ang kahornihan ng asawa kapag nasa alanganing lugar sila. Tumingin siya kina Troy, napangisi siya at mukhang namantala na si Troy. Napabalik ang atensyon niya kay
"Kailangan bang kasama din tayo sa loob ng sinihan?" Mukhang asiwang tanong ni Dante kay Troy habang inililibot ang tingin sa paligid. Bumibili pa ng popcorn si Dylan.Napatingin si Troy sa mga amo na hindi nahihiyang ipakita ang relasyon ng mga ito sa public place. Pinagtitinginan na rin ito ng lahat. Agaw pansin kasi at bukod sa guwapo at makisig ay nakaangkla ang kamay ni Alexander sa braso ni Dylan. Then panay pa ang lambing ng young master nila sa kung ano ang gustong ipabili kay Dylan."Hoy, naririnig mo ba ako?" Iritableng tanong muli ni Dante nang walang tugon nakuha mula sa kaibigan."Ayaw mo akong kasama manood?" Mukhang wala sa sariling tanong ni Troy sa kaibigan."Tsk, wala akong hilig manood saka mag jowa lang ang magkasamang nanonood dito." Iritableng tugon ni Dante sa kaibigan.Umangat ang isang sulok ng labi ni Troy saka inakbayan ang kaibigan. "First time mo bang manood ng sine?" Nanunukso niyang tanong dito."Tsk, huwag mong sabihing nakapadok ka na sa ganitong luga?