Home / LGBTQ + / RUTHLESS SEDUCTION (Tagalog) / Chapter 6-Paghihigpit

Share

Chapter 6-Paghihigpit

Mula sa isang sulok ay napangisi ang isang tao na kanina pa nakasunod kay Lovina. Agad na tinawagan ang kaniyang boss.

"Sigurado ka na ba riyan sa balita mo?"

"Yes, boss, confirm na wala na si Tibor. Pero base sa aking narinig ay mukhang mas malakas itong pumalit." Sagot ng lalaki habang naglalakad palayo kay Lovina.

"Kilalanin ninyo at gusto kong mawala siya sa ating landas sa lalong madaling panahon."

"Sa ngayon, boss, hindi pa kami makalapit kay Alexander dahil lalong humigpit ang bantay.

"Kumusta na pala ang nurse?"

"Nadispatsa na po namin, boss. Bukas ay baka makita na ang kaniyang bangkay na palutang-lutang sa ilog."

Napangisi ang lalaking nasa kabilang linya. "Very good! Ayaw kong maulit ang nangyaring kapalpakan tulad sa babaeng iyon!"

"Areglado po, boss!" Nang maibaba na ng lalaki ang tawagan ay agad na umalis at bumalik sa pagmatyag sa paligid ng hospital.

Sa opisina, napabuntonghininga si Laurenzo habang nakatanaw sa labas ng bintana. Mula sa 10th floor ay tanaw niya ang maliliit na building nakapaligid. Matagumpay nga niyang napalago ang negosyong naitayo, pero ayaw namang pamahalaan ng anak. Siguro nga ay oras na upang gamitan niya ito ng dahas. Natigil siya sa pag-iisip ng malalim nang tumunog ng intercom.

"Mr. Chairman, narito po si Mrs. Carneval." Inform ni Lucian sa ginoo mula sa kabilang linya.

Napakunot ang noo ni Laurenzo pagkarinig sa pangalan ng taong gusto siyang makausap. Maraming taon na rin mula nang huli silang mag-usap ng babae. "Patuluyin mo."

"Kuya!" Sabik na nilapitan ni Romana ang kapatid nang makapasok sa opisina nito.

"Bakit ka narito?"

Hindi natuloy ang pagyakap ni Romana sa kapatid at malungkot na tumingin dito. "Kuya, hindi mo ba ako na miss?"

"Alam mo ang sagot sa tanong mong iyan, Romana." Malamig na tugon ni Laurenzo sa nag-iisang kapatid.

Lalong nalungkot ang mukha ni Romana at umiwas ng tingin sa kapatid. Hanggang ngayon ay pinagdududahan pa rin siya ng kapatid na may kinalaman sa pagkamatay ng asawa nito. Isa ang asawa niya sa bumuo sa grupo noon ng mga mafia. Layunin nila ang magkaroon ng malakas na hukbo at maaring gamitin laban sa gobyernong mapagsamantala sa posisyon. Ngunit naging sakim ang ilan sa kasapi at gustong maging pinuno.

"Nasa asawa mo na ang pamumuno, ano pa ang kailangan ninyo?" tanong muli ni Laurenzo.

"Kuya, alam mong napilitan lamang ang aking asawa na kunin ang posisyong iyong iniwan upang hindi ka mapahamak."

"Pero pinagtatangkaan pa rin ang buhay ng aking anak hanggang ngayon!"

"Kuya, ginagawa ni Conrad ang lahat upang matukoy ang mga taong may gustong manakit kay Alexander. Pero ang anak mo mismo ang naghahanap ng gulo, kuya. Alam mo ang lakaran sa organization kahit noong ikaw pa ang namumuno."

Naging matalim ang tinging ipinukol ni Laurenzo sa kapatid. Alam naman niyang walang kinalaman ang mga ito ngayon sa mga nangyayari sa kaniyang buhay. Pero naging pabaya si Conrad at balita niya ay humihina ang kapit nito sa gobyerno. At siya? Hanggang ngayon ay kinikilala ng karamihan kahit tumiwalag na at lalong nakikilala dahil sa maayos niyang negosyo.

"Ayaw mong maniwala, baka naman tama ang hula ng aking asawa?"

"Ano ang ibig mong sabihin?" Nanliit ang mga mata ni Laurenzo na nakatitig sa kapatid.

"Hindi kaya tama ang sinasabi nila na may balak kang buwagin ang grupo sa pamamagitan ng iyong anak?" nang-aakusa na wika ni Romana.

"Are you stupid?! dumagundong ang boses ni Laurenzo dahil sa galit. "Hindi ko iiwan ang organization at ipasa sa asawa mo ang pamumuno kung hindi mahalaga ang buhay ng aking anak!"

Nakaramdam ng kunsesnya si Romana dahil sa akusasyong walang sapat na ebedensya, pero wala siyang balak na bawiin iyon. "Sana nga, kuya, dahil iyan ang kumakalat ngayon sa organization dahil sa gulong ginagawa ni Alexander."

"Umalis ka na at sabihin mo sa iyong asawa na kapag hindi niya pa rin matukoy ang traidor sa samahan ay baka magkatotoo iyang binibentang ninyo sa akin!"

Nakaramdam ng pangamba si Romana at alam niyang hindi nagbibiro ang kapatid. Walang salitang tumalikod na siya at lumabas ng opisina.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status