Share

Chapter 5-Balita

"NABALITAAN mo na ba?"

"Kung bad news lang ang ibabalita mo sa akin ay huwag mo nang ituloy!" mataray na sagot ni Lovina sa baklang kaibigan.

"Tungkol lang naman sa anak ng lalaking gusto mong mapangasawa."  Maarteng umupo si Jacob sa harapan ng kaibigang ambisyosa.

Tumuwid ng upo si Lovina at biglang naging interesado. Nagsasama sila madalas ni Laurenzo pero hindi ito nagkukuwento tungkol sa kalagayan ng anak nito ngayon. Alam niyang nasa hospital si Alexander pero wala siyang alam kung kumusta na ito. Isa pa ay hindi rin siya pinapayagan ng nobyo na dumalaw sa anak nito dahil nga ayaw sa kaniya ng aroganteng binata.

Inilahad ng bakla ang palad sa harapan ni Rose habang nakatikwas ang kaliwang kilay.

Padabog na binuksan ni Rose ang hand bag at dumukot ng lilibohing pera bilang kapalit sa chismiss na dala ng bakla. 

Malapad ang ngiting nakapaskil sa labi ni Jacob habang binibilang ang limang libong pera. "Well," nambibitin nitong turan habang inilalagay sa sariling bag ang pera. "Nabalitaan ko lang naman na inalis na sa puwesto si Tibor kaya tiyak na marami lalo ang magtatangka sa buhay ng anak-anakan mo."

"Really? Hindi siya makapaniwala dahil alam niyang hinding-hindi papayag si Alexander. Lalo tuloy siya naging interesado kung ano ang nangyari at pumayag ang binata na umalis si Tibor.

"Well, balita ko rin na may pumalit kay Tibor at mas bata." Pagpatuloy ni Jacob.

"Aalis na ako! " Biglang tumayo si Lovina at iniwan na ang kaibigan.

"Hey, hindi pa bayad itong kinakain natin!" Natatarantang tawag ni Jacob sa kaibigan.

"Nasa iyo na ang bayad kaya ikaw na ang bahala." Nakangiting nilingon ni Lovina si Jacob bago nagmamadaling umalis na.

Naipadyak ni Jacob ang isang paa dahil sa inis. Naisahan na naman siya ng bruhang kaibigan. Ang dami pa naman niyang order kaya halos wala rin matira sa perang bigay nito.

Nagmamadaling pumunta ng hospital si Lovina kung nasaan si Alexander. Malakas ang loob niya ngayon kasi wala na si Tibor na siyang humarang sa kaniya palagi na makalapit sa binata. Nagpaalam naman siya kay Laurenzo at pinayagan siya pero hindi sure kung papasukin siya ng silid.

Agad na humarang sina Dante at Troy sa harap ng pintuan pagkakita kay Lovina.

"Gusto ko lang dumalaw kay Alexander kaya padaanin ninyo ako!"

"I'm sorry, ma'am, pero kailangan muna namin ipaalam sa Young Master bago kayo papasukin." Magalang na sagot ni Troy at hindi natinag sa katarayan ng babae.

"How dare you! Hindi mo ba ako kilala?" Napipikon na si Lovina at ang akala niya ay hindi na ganoon kahigpit ang bantay.

"Anong ingay iyan?" tanong ni Dylan nang mabuksan ang pintuan.

"And who are you?" mataray na balik-tanong ni Lovina sa lalaking may matipunong pangangatawan.

Mataman na pinagmasdan ni Dylan ang mukha ng babae. Kahit ngayon lang nakaharap ang babae ay may idea na agad siya kung sino ito. "Ano ang kailangan mo at narito ka?"

"Aba't, sino ang antipatikong lalaking ito at hindi ako kilala?" hindi makapaniwalang tanong ni Rose kina Dante sa halip na sagutin ang tanong ng lalaki.

Nagising si Alexander dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng pintuan. Kahit hindi nakikita ang babaeng maingay ay nakilala niya ito.

"Siya po ang pumalit sa puwesto ni Mr. Tibor." Magalang na sagot ni Dante.

Pailalim na tinitigan ni Lovina ang lalaki. Hindi niya akalaing pumayag si Laurenzo na isang tulad nito ang maging assistant ni Alexander. Naging palaisipan sa kaniya ngayon ang mga nangyayari.

"Papasukin niyo siya."

Lalong namangha si Lovina nang marinig ang boses ng aroganteng anak ng kaniyang nobyo. Himala at pinatuloy siya? Pagpasok sa loob ay nakasunod pa rin sa kaniya ang nangangalang Dylan at hindi niya nagustohan ang pagbabantay nito sa kaniyang bawat kilos.

"Alex, nabalitaan kong may nagtangkang gawan ka ng masama ng isang nurse, ayos ka lang ba?"

"Don't touch me," ani Alexander nang tangkang hawakan siya sa braso ni Lovina." Ngayong nakita mo na akong buhay pa, maari ka nang umalis."

Dahan-dahang binawi ni Lovina ang kamay at malungkot na ngumiti. "Alex, alam mong parang anak na rin kita. Nabalitaan kong wala na rin si Tibor kaya  hayaan mo sanang alagaan kita."

"Ask my dad."

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Lovina sa naging sagot ng binata. Hindi siya sanay sa pagiging mahinahon nitong makipag-usap sa kaniya ngayon. Nakangiti pa ito pero hindi niya gusto ang ganoong ngiti ni Alexander.

"Kung kaya mong utusan si Daddy na paalisin ang lalaking iyan, maari mo na akong alagaan."

Marahas na nilingon ni Lovina ang lalaking tinutukoy ni Alexander. Naka poker face lang itong nakatingin sa kanila. Mukhang sanay na sa kagaspangan ng ugali ni Alex at halatang walang kinatatakutan o kinikilalang amo. "Kakausapin ko ang daddy mo kung ayaw mo sa lalaking ito. Sa totoo lang, hindi ko rin siya gusto."

Napailing na lamang si Dylan sa sarili nang ngumiti si Alexander. May pagka isip bata pa rin talaga ito kung minsan. Tumingin siya sa orasan bago lumapit sa babae. "Tapos na ang oras mo sa pagdalaw, please leave."

Lalong napangisi si Alexander nang mapamulagat ng mga mata si Lovina.

"What? Sampung minuto pa lang mula nang pumasok ako rito!" Hindi makapaniwalang pinakatitigan ni Lovina ang lalaking kaharap.

"Kusa kang lalabas o kaladkarin kita palabas?" hindi nagbibirong tanong ni Dylan.

Nagpapasaklolong tumingin si Lovina kay Alex, ngunit ngumiti lang ito at nagkibit balikat. Naunawaan na niya kung bakit binigyan siya ng chance na makausap ito at nakipagkasundo pa. Hindi niya akalain na mas malala pa kay Tibor ang pumalit dito. Padabog siyang lumabas ng silid at tinawagan ang nobyo.

"Puwede kang humingi ng kahit anong pabor maliban diyan sa gusto mong mangyari." Sagot ni Laurenzo mula sa kabilang linya.

"Pero, babe, hindi gusto ni Alexander ang lalaking iyon. At hindi ka ba natuwa dahil kinausap na ako ng iyong anak? Pagkakataon ko na ito upang mapalapit sa kaniya kung pagbigyan mo ang aking hiling." Naiirita man ay nagpakinahon si lovina.

"Exactly, hindi niya gusto ang lalaking iyon kaya hindi ko puwedeng pagbigyan ang iyong hiling." Mariin na sagot ng ginoo.

Inis na pinatayan ni Lovina ng tawag ang nobyo. Minsan naisip niyang hindi talaga mag-ama ang dalawa. Dahil ginagawa ng bawat isa sa mga ito ang hindi gusto ng isa't isa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status