"AYOS ka na ba?" tanong ni Alexander kay Tibor nang mamulatan ito.
Ngumiti si Tibor sa binata, ngayon pa lang ay nalulungkot na siya dahil hindi na ito makakasama sa lahat ng oras. "Dapat nagpapahinga ka pa at hindi pa naghilom lahat ng iyong sugat." Sermon ni Alexander sa ginoo at nagawa na nitong tumayo at dinalaw siya. Hindi siya natutuwa sa nakikitang kalagayan ni Tibor. Naroon pa rin siya sa hospital at nagkaroon ng infection ang kaniyang sugat sa tagiliran. "Nabalitaan kong nagkaroon ka ng lagnat kagabi, ayos na ba ang pakiramdam mo?" Tumango siya sa ginoo saka pumikit. Hindi niya alam kung sino ang nag-alaga sa kaniya kagabi. Ang alam niya lang ay may nagtyagang punasan ang kaniyang katawan. Alam niyang hindi iyon doctor or nurse, dahil sa taas ng lagnat niya kagabi ay hindi na niya magawang idilat ang mga mata. "Young Master, alagaan niyo po ang iyong sarili. Mula sa araw na ito ay hindi na kita maalagaan kaya huwag po sanang matigas ang iyong ulo." Pagkamulat ni Alexander ng mga mata ay galit na binalingan ng tingin si Tibor. "Hindi mo ako kailangang alagaan dahil kaya ko na ang aking sarili. Pero hindi ka aalis sa iyong puwesto at walang maaring pumalit sa iyo!" "I'm sorry, Young Master, pero kailangan mo nang mas malakas na bantay upang hindi maulit ang aksidenting nangyari sa iyo." "Ilang ulit ko bang sasabihin sa iyo na hindi mo kasalanan ang nangyari sa akin?!" Napipikon na si Alexander at napaigik dahil sa pagtaas ng kaniyang boses ay sumakit ang kaniyang sugat. "Ako ang may gustong umalis na siya at magpahinga!" Nanlilisik ang mga tinging ipinukol ni Alexander sa lalaking nagsalita. Hindi niya napansin na naroon pala ito sa loob ng kaniyang silid at kampanting nakaupo sa sofa." At sino ka upang magdesisyon sa bagay na ito?" "Ako ang anak niya kaya may karapatan akong patigilin na siya sa trabaho." Mahinahon ngunit madiin niyang turan habang nakipaglaban ng matalim na tingin kay Alexander. Naglapat ang mga labi ni Alexander at nangangalit ang mga ngipin. Hindi niya talaga gusto ang ugali ng anak ni Tibor. Tiyak na may kinalaman dito ang kaniyang ama. Kahit tanggihan niya ang serbisyo ng antipatikong lalaki ay hindi niya ito maitaboy. Isa lang ang paraang alam niya upang kusang umalis o lumayo ang lalaki. Unti-unting humulma ang ngiti sa kaniyang labi at nagbago na ang kaniyang isip. "Well, tingnan natin kung hanggang saan ang katigasan mo." Lalong dumilim ang aura ng mukha ni Dylan at hindi nagustohan ang ngiting nakapaskil sa labi ni Alexander. Alam niya kung ano ang balak nito upang siya ang kusang bumitaw sa trabahong nakaatang sa kaniyang balikat. Walang pagsubok pa siyang inurungan. At wala rin siyang kinatatakutan at ipakita niya iyon sa lalaki. Natuwa si Tibor at hindi na tumutol pa si Alexander. Bahala na si Dylan kung paano nito marindahan ang katigasan ng ulo ng binata. Nagpaalam na siya at iniwan si Dylan sa loob. Nang wala na si Tibor ay pumasok ang babaeng nurse. Maganda ang babae at makinis ang balat. Hindi niya napigilan ang sariling pasadahan ng tingin ang nagyayabang nitong dibdib. Kahit may tabon na damit iyon ay naaaninag naman niya ang kulay ng kapirasong telang suot nito panloob. Sinundan ng tingin ni Dylan kung saan nakatutok ang namumungay na mga mata ni Alexander. Manipis ang uniform ng nurse kaya nakikita niya kung ano ang nakikita ng lalaki. Pagbaling ng tingin niya kay Alexander ay nakatingin na ito sa kaniya at nakangisi. Tinaasan niya lang ito ng dalawang kilay at muling ibinalik ang tingin sa babae. Muling uminit ang ulo ni Alexander dahil sa inakto ni Dylan. Isa pa sa ikinainis niya ay mukhang nagustohan din ang nakikita sa babae. Ngumiti ang nurse kay Dylan habang hinahanda ang gamit upang linisin ang katawan ng pasyente. "Puwede ka nang umalis," ani Alexander. Si Dylan ang tinataboy. "Nakita ko na iyang katawan mo kagabi kaya huwag ka nang mahiya. Isa pa ay kailangan kong bantayan kung ano man ang gagawin ng nurse sa iyo." Pabaliwalang sagot ni Dylan. Biglang nabura ang ngiti sa labi ng nurse at nabawasan ang confident sa sarili dahil sa sinabi ni Dylan. Napatiim bagang si Alexander at napahiya sa nurse. Ano na lang ang iisipin ng babae, na hindi niya kayang mapasunod ang kaniyang tao? Paano niya magawa ang gusto niya kung may nanunuod? Nang maalala ang unang sinabi ng lalaki ay naningkit ang kaniyang mga mata dahil sa inis. Kung ganoon ay ito ang nag-alaga sa kaniya kagabi. Kaya pala kakaiba ang kaniyang pakiramdam na bihira lamang niya maramdaman. At ayaw niya ang ganoong pakiramdam hangga't maari. "Huwag mo na siyang pansinin, linisan mo na ako at kanina pa ako nanlalagkit." Aroganteng utos ni Alexander sa nurse. Nakapamulsa sa pocket ng suot na pantalon ang isang kamay habang mataman na pinapanuod ang ginagawa ng nurse. Maging ang gamit nito sa paglinis sa sugat ni Alexander ay kaniyang sinuri. "Ano ito?" Naantala ang paghawak ng nurse sa laylayan ng damit ng pasyente upang hubarin sana iyon. Kinuha ni Dylan ang kulay puting liquid na nasa isang maliit na lagayan. Nakita niya kaninang inihalo iyon ng nurse sa tubig na gagamitin sa pagpunas sa katawan ni Alexander. "Makakatulong po iyan upang guminhawa ang pakiramdam ng pasyente." Paliwanag ng nurse. Hinayaan lang ni Alexander si Dylan sa kung ano ang ginagawa nito. Alam niyang ginagawa lamang nito ang trabaho pero pati maliit na bagay ay napapansin pa. Nakita niya itong inamoy ang hawak nitong gamot. "Ewan mo na ito at gusto kong masigurong nakabubuti nga sa pasyente itong inihalo mo." Pasimpleng sinulyapan ni Dylan ang nurse at nahuli niya itong naging mailap ang tingin. "Ikaw po ang bahala, Mr." Maiksing sagot ng nurse at ipinagpatuloy ang ginagawa. "Sandali!" Pigil niya sa kamay ng babae bago pa nito mailapat ang cotton na hawak sa sugat ni Alexander. "What the hell, Dylan? Patapusin mo na siya sa kaniyang ginagawa at gusto ko nang magpahinga!" angil ni Alexander sa binata. "Hindi ko pa alam kung ano ba talaga ang liquid na ito kaya hindi niya maaring gamitin ito sa iyong sugat. Alalahanin mong nagkaroon ka ng infection at kung hindi ako naging maagap kagabi ay baka hindi lang kumbolsyon ang nangyari sa iyo." "Pero kailangan pong malinis ang sugat ng pasyente, Sir." Pangangatwiran ng nurse. Nang-aarok na tingin ang ipinukol ni Alexander sa nurse. May punto naman si Dylan kahit ayaw niyang aminin iyon sa kaniyang sarili. Nang umiwas ng tingin sa kaniya ang babae ay inutusan niya si Dylan. "Tawagin mo ang aking doctor." Tarantang binitiwan ng nurse ang hawak na cotton at iba pang gamit panlinis. "Kung ayaw niyo po ng aking serbisyo ay aalis na ako." Tangkang hahawakan ni Dylan sa braso ang babae upang pigilan ngunit mas mabilis ang kilos ng dalaga. Nadampot agad ang maliit na plangganang may laman na tubig at isinaboy iyon sa kaniya. "Damn! Dylan, are you okay?" tanong ni Alexander at tangkang tatayo ngunit napaigik lamang siya sa akit. "Don't move!" Bilin niya kay Alexander bago nagmamadaling sinundan ang babaeng nakalabas na ng pintuan. Gulat na sinundan ng tingin nila Troy at Dante ang nurse na lumabas ng silid at umiiyak. Ang akala nila ay namulistyahan na ito ng Young Master nila kaya hindi na nila sinundan. Pero nang muling bumukas ang pintuan at iniluwa si Dylan ay naalarma na sila. Mukhang napuwing ito at hindi magawang maidilat ng maayos ang mga mata at basa pa ang damit. "Habulin niyo ang babaeng iyon!" Utos ni Dylan sa dalawa habang nakaturo ang kamay sa nurse na tumatakbo palabas ng building. Mabilis na tumalima ang dalawa at hinabol ang babae. Masasabi nilang hindi nga normal ang babae at ang bilis nitong tumakbo. Naabutan pa nila ito sa labas ng building ngunit may biglang sumulpot na sasakyan at pinaulanan sila ng bala. "F*ck!" Magkapanabay na naibulalas nila Dante at Troy kasabay ng pagdapa upang makaiwas sa bala ng baril. Mabilis na pinaputukan ni Dylan ng dalang baril ang isang kotse kung saan sumakay ang babae. Gumanti ang mga ito ng pagpaputok kasabay ng pagpaharurot ng sasakyan palayo sa lugar na iyon. "Ayos lang kayo?" tanong ni Dylan sa dalawang kasama. "Ayos lang, pasensya na at naging pabaya kami. Hindi namin naisip na maaring may kasamahang nag-aabang dito sa labas ang babaeng iyon," sagot ni Troy habang pinapagpagan ang damit na nadumihan mula sa pagkadapa sa lupa. "Clear the area!" Bilin ni Dylan bago nagmamadaling bumalik sa loob ng hospital. May bantay pa namang naiwan sa labas ng silid ni Alexander. Pero tulad ng bilin ng kaniyang ama, hindi niya dapat ipagkatiwala ang kaligtasan ng Young Master sa iba. Pagpasok ni Dylan sa loob ng silid ay naroon na ang private doctor ni Alexander at sinusuri ang gamot na ginagamit ng salarin. "Tama ka, may kakaiba nga sa gamot na ito. At salamat sa iyong assistant at naging alerto siya." "Akala ko ba ay mapagkatiwalaan ang nurse na pinagkatiwalaan mong mag-alaga sa akin?" Inis na paninisi ni Alexander sa doctor at hindi matangap na may utang na loob na siya ngayon kay Dylan. "I'm sorry, Young Master, hindi ko rin akalain na magamit siya ng kalaban upang saktan ka." Malumanay lang ang pagsasalita ng doctor pero kinakabahan. "Lumabas ka na!" Mabilis na nilapitan ni Dylan ang doctor nang sumigaw na si Alexander. "Ako na po ang bahala sa kaniya." Yumukod lang ang doctor at malungkot na lumabas ng silid. Matalim na tingin ang ipinukol ni Alexander sa nakasarang pintuan bago ibinaling sa ibang direction ang tingin. "Ako na ang maglilinis sa iyong sugat." Mahinahon na kausap ni Dylan sa binata. Hindi niya ito puwedeng pakitaan ng kagaspangan ng ugali ngayon dahil sa mood ng lalaki. "Si Dante na ang gagawa niyan!" Malalim na buntonghininga ang pinakawalan ni Dylan bago lumapit kay Alexander. Hindi niya ito pinakinggan, walang paalam na inalis ang kumot na nakatabing sa katawan nito. Maganda ang katawan ni Alex at matigas ang abs. May abs din naman siya pero mas malaki ang kaniyang muscle sa binata. Una niyang pinunasan ang leeg nito gamit ang sariling maliit na towel. Sandali siyang natigil nang nasa bandang dibdib na nito ang kaniyang kamay. Ilang beses napamura si Alexander sa sarili nang lumapat ang palad ni Dylan sa kaniyang balat. Magkakasakit yata siya lalo kapag nasa paligid lang niya ang lalaki. Unti-unting nag-angat ng tingin si Dylan at nagsalubong ang tingin nila ni Alexander. Gumalaw muli ang kaniyang kamay habang hindi hinihiwalay ang tingin sa nangungusap na mga mata ng binata. Hindi niya alam kung anong klaseng hipnotismo ang ginagamit sa kaniya ngayon ni Alexander, pero gustong-gusto niyang nakikita ang reaction sa mukha nito. Gusto niya ang nakikitang kahinaan nito ngayon. Gusto niyang madomina ang aroganteng lalaking ito. Gusto niyang—"darn, what I am thinking?" mabilis niyang saway sa sariling isipan. "Lilinisan mo ba ako o pagnanasaan?" Biglang binawi ni Dylan ang tingin sa binata at ipinagpatuloy ang ginagawa. Ang akala niya ay siya na ang nasa control sa pagitan nila, pero mas mabilis pa rin ang binata makabawi. Naging arogante na naman ito at alam kung paano siya asarin. Napangisi si Alexander sa nakikitang reaction ng mukha ni Dylan. Wala pang Eva or Adan ang nakaligtas sa kaniyang karisma at patutunayan niya iyon sa antipatikong lalaking ito ngayon. m"NABALITAAN mo na ba?" "Kung bad news lang ang ibabalita mo sa akin ay huwag mo nang ituloy!" mataray na sagot ni Lovina sa baklang kaibigan."Tungkol lang naman sa anak ng lalaking gusto mong mapangasawa." Maarteng umupo si Jacob sa harapan ng kaibigang ambisyosa. Tumuwid ng upo si Lovina at biglang naging interesado. Nagsasama sila madalas ni Laurenzo pero hindi ito nagkukuwento tungkol sa kalagayan ng anak nito ngayon. Alam niyang nasa hospital si Alexander pero wala siyang alam kung kumusta na ito. Isa pa ay hindi rin siya pinapayagan ng nobyo na dumalaw sa anak nito dahil nga ayaw sa kaniya ng aroganteng binata. Inilahad ng bakla ang palad sa harapan ni Rose habang nakatikwas ang kaliwang kilay.Padabog na binuksan ni Rose ang hand bag at dumukot ng lilibohing pera bilang kapalit sa chismiss na dala ng bakla. Malapad ang ngiting nakapaskil sa labi ni Jacob habang binibilang ang limang libong pera. "Well," nambibitin nitong turan habang inilalagay sa sariling bag ang pera. "
Mula sa isang sulok ay napangisi ang isang tao na kanina pa nakasunod kay Lovina. Agad na tinawagan ang kaniyang boss."Sigurado ka na ba riyan sa balita mo?" "Yes, boss, confirm na wala na si Tibor. Pero base sa aking narinig ay mukhang mas malakas itong pumalit." Sagot ng lalaki habang naglalakad palayo kay Lovina."Kilalanin ninyo at gusto kong mawala siya sa ating landas sa lalong madaling panahon.""Sa ngayon, boss, hindi pa kami makalapit kay Alexander dahil lalong humigpit ang bantay."Kumusta na pala ang nurse?" "Nadispatsa na po namin, boss. Bukas ay baka makita na ang kaniyang bangkay na palutang-lutang sa ilog."Napangisi ang lalaking nasa kabilang linya. "Very good! Ayaw kong maulit ang nangyaring kapalpakan tulad sa babaeng iyon!""Areglado po, boss!" Nang maibaba na ng lalaki ang tawagan ay agad na umalis at bumalik sa pagmatyag sa paligid ng hospital.Sa opisina, napabuntonghininga si Laurenzo habang nakatanaw sa labas ng bintana. Mula sa 10th floor ay tanaw niya ang
ILANG araw pa ang lumipas at lalabas na si Alexander ng hospital. Ayaw niyang umuwi sa kanilang bahay na ikinagalit lalo ng ama. "Mula sa araw na ito ay kailangan mong magtrabaho sa kompanya upang magkapera. Maging ang iyong condominium ay binabawi ko na. Ngayon, kung ayaw mong umuwi sa bahay ay hindi ko na problema kung saan ka matutulog!" Pagmamatigas ni Laurenzo sa anak."Damn you!" nangangalit ang ngipin na bulyaw ni Alexander sa ama.Napailing si Dylan sa nakikitang ugali ni Alexander sa ama nito. Deserve nito ang pagdamutan ng ama dahil sa hindi magandang ugali nito. "Thank you!" nakangiti pang sagot ni Laurenzo sa anak. "Now, its up to you kung saan ka uuwi. Hindi naman ako ganoon kasamang ama kaya nag-iwan ako ng fifty thousand sa iyong creidt card. At ang kotse ay tanging si Dylan lang ang maaring magmaneho. Kapag nalaman kong umalis ka at hindi kasama si Dylan, asahan mo kung ano ang sunod kong gagawin."Ilang beses pa nagmura ng malulutong si Alexander dahil sa galit sa a
Naging alerto si Alexander at agad na umurong sa kinahigaan. Ngunit dahil maliit lang ang kama, hindi siya ganoon makalayo kay Dylan. Hindi pa niya gustong makita itong nakangiti. Natutunaw kasi ang pader na inihaharang niya sa kaniyang puso kapag ganito ang mood ng lalaki."Huwag kang mag-alala, Young Master, hindi rin ang tipo mo ang gusto kong ka-romance. Isa pa ay hindi ako pumapatol sa kabaro ko."Nainsulto si Alexander sa sinabi ni Dylan, pero hindi niya ipinakita iyon sa lalaki. Sa halip ay ngumiti siya at bumangon. Siya naman ang napangisi nang bahagyang inilayo ni Dylan ang mukha mula sa kaniya. Sinundan niya iyon at palanghap na sinamyo ang scent ng binata, habang hindi hinihiwalay ang mga mata sa malamig nitong mga titig. "Really?" nanghahamon niyang tanong kay Dylan.Mabilis na itinuwid ni Dylan ang katawan at inilayo ang sarili kay Alexander nang ilapit pa nito ang mukha sa kaniya. "Magpahinga ka na at kailangan mong bumawi ng lakas." Tumalikod si Dylan pagakasabi niyon
HINDI agad nagmulat ng mga mata si Dylan nang magising. Pinakiramdaman niya ang sarili lalo na at parang may kakaiba. Ang alam niya ay wala siyang extra unan na maaring yakapin. Isa pa ay hindi ganoon kalambot ang pinagdadantayan ng kaniyang mga paa. Agad siyang nagmulat ng mga mata nang gumalaw ang bagay na niyayakap."Damn, bakit ako narito?" naibulalas niya nang makita sa kaniyang tabi si Alexander. Agad na nagising ang katabi at halatang hindi maganda ang gising nito pagkakita sa kaniya."Ako ang dapat magtanong niyan sa iyo, bakit ka narito at nakayakap pa sa akin?" nakaangil na tanong ni Alexander kay Dylan.Mabilis na inalis ni Dylan ang kamay na nakapulupot sa baywang ni Alexander at ang paa na nakadantay pa sa hita nito ay maliksing naibaba."Ouch! Daing ni Alexander habang sapo ang tagilirang may sugat. Kahit naghilom na iyon ay masakit pa rin kapag nadadangil."Napasabunot si Dylan sa sariling buhok bago dali-daling dinaluhan si Alexander. Inangat niya ang damit nito upang
"Mangako ka munang tutulungan mo akong mahanap ang mga taong pumatay sa aking ina."Hindi agad nakasagot si Dylan sa binata. Mukhang alam ng lalaki kung ano ang kaniyang kahinaan. Lihim na napangiti si Alexander habang nang-aarok ang tingin kay Dylan. Kung matalino ang binata, mautak naman siya. Alam niyang may isang salita si Dylan kapag pangako na ang pag-uusapan."Kung hindi mo kaya at mapagbigyan ang kundisyon ko, kalimutan mo na lang iyang suggestions mo.""Pumapayag na ako!" Agad niyang bawi bago pa makatalikod si Alexander.""Great!" Pasakal ang akbay ni Alexander kay Dylan dahil sa tuwa."Argh, hindi mo na ako kailangang yakapin!" Patulak niyang inilayo si Alexander sa kaniyang katawan. Hindi sa nandidiri siya na mapadaiti ang balat sa katawan ng binata. Kundi dahil nakaramdam siya ng alinsangan sa tuwing mapadikit siya sa balat nito.Hindi pinansin ni Alexander ang pagsusungit ng binata, muli niya itong nilapitan at inakbayan. "Kailangan nating mag-celebrate bago sumabak sa
"HEY, ayaw ko pang umuwi!" Pagpupumiglas ni Alexander mula sa mahigpit na hawak ni Dylan sa kaniyang braso.Hindi pinakinggan ni Dylan ang reklamo ng binata. Napapatingin na sa kanila ang mga taong nadadaanan nila dahil sa ingay ng bibig ni Alexander. Nagmumukha tuloy siyang tatay ngayon at may hilang bata na ayaw pang umuwi."Ang cute nila!"Rinig ni Dylan na wika ng isang babaeng nakasalubong nila."Oo nga, bagay sila. Sino kaya ang top sa kanilamg dalawa?"Naudlot ang muling paghila ni Dylan sa braso ni Alexander nang marining ang sagot ng isang babae sa unang nagsalita. "Sa tingin ko ay ang hinihila ang top." Sagot muli ng isang babae sa kasama.Salubong ang mga kilay na tinitigan ni Dylan ang mukha ni Alexander. Nagtataka siya kung bakit nasabi ng babae na ang binata ang top?"Hey, he's mine and—" hindi na naituloy ni Alexander ang iba pang nais sabihin sa mga babae nang bigla siyang buhatin ni Dylan.Parehong awang ang bibig ng dalawang babaeng nakasunod ang tingin kina Dylan.
"Argh, Alexander, stop it!" pagpapatuloy na saway ni Dylan sa binata dahil unti-unti nang nabubuhay ang libido sa kaniyang katawan. At ang kaniyang shaft ay nag-react na rin nang sumagi doon ang tuhod nito."Say please—""Please!" wala sa sariling pagsunod niya sa utos ni Alexander. Nakangising yumuko ng ulo si Alexander kasabay ng paggapang ng isang palad pababa sa tiyan nito. Please, what?" pabulong niyang tanong habang sinasamyo ang amoy sa leeg nito.Kusang pumaling ang kaniyang ulo nang maramdaman ang mainit na hininga ni Alexander na dumampi sa kaniyang balat. Maging siya ay hindi alam kung para saan at nakikiusap siya sa binata. Napahawak ang isa niyang kamay sa braso ng binata nang mahawakan na nito ang kaniyang suot na pantalon. Nag-angat ng mukha si Alexander at sinalubong ang nangungusap na mga mata ng binata. Ang akala niya ay pipigilan nito ang naglilikot niyang kamay. Muli siyang ngumiti nang halos bumaon na ang daliri nito sa kaniyang braso. Alam niyang pilit nitong n