NAPANGITI si Laurenzo sa kaniyang sarili habang sinusundan ng tingin ang pagtalikod ni Dylan. Tama lang ang naging desisyon niya. Tanging ang lalaking ito ang katapat ng kaniyang anak.
"Young Master, pagpasensyahan niyo na po ang kagaspangan ng ugali na ipinakita sa iyo ni Dylan. "Sino ang may gawa nito sa iyo?" pag-iiba ni Alexander sa paksa. "I'm sorry, Young Master, kumilos ako nang hindi ninyo alam. Siguro nga ay matanda na ako sa ganitong trabaho at hindi na kita kayang ipagtangol," malungkot na turan ni Tibor. "Huwag mong sabihin iyan dahil kalabaw lang ang tumatanda. Isa pa ay kahit mahina ka na, walang ibang maaring pumalit sa iyong puwesto. Kaya ko na ang sarili ko at hindi kailangan ang iyong lakas upang-" "Nakikita mo ba ang iyong sarili para sabihing hindi mo na kailangan ng isang malakas na tao na magbabantay sa iyo?" sarkastikong putol ni Laurenzo sa litanya ng anak. "Its none of your business!" angil niya sa kaniyang ama. "Ama mo pa rin ako at kung nabubuhay pa ang iyong ina ay hindi niya gustohing isang tulad ni Tibor ang mangalaga sa iyo ngayon. Alam mong mahalaga sa kaniya ang iyong kaligatasan." "Hindi ganiyan si Mommy! Ipinagkatiwala niya ako kay Tibor kaya hindi niya gustohing ibang tao ang makasama ko!" "That's bullshit! Iba noon ang sa ngayon! Malakas pa noon si Tibor kaya panatag ang iyong ina!" Halos mabingi si Tibor sa bulyawan ng dalawang nagtatalo sa kaniyang harapan. Bago pa magkasakitan ang dalawa ay pinindot na niya ang red button na nasa kaniyang tabi. Agad na dumating ang bantay sa labas, nurse at ang doctor. Kahit may ibang tao na sa paligid ay naglalaban pa rin ang mag-ama sa pagitan ng titigan. Kung nakakapaso lang ang tingin ay baka sunog na pareho ang dalawa. "Papa, ano po ang nangyayari?" nag-aalalang tanong ni Dylan nang makalapit sa ama. Hindi na niya natapos ang paninigarilyo sa labas nang malaman na nagkakagulo sa loob ng silid. "Ayos lang ako, anak. Pakiusap, paghiwalayin mo muna silang dalawa." Sinundan ng tingin ni Dylan kung saan nakatitig ang ama. Hindi niya napansin kanina pagkapasok ang madilim na aura sa paligid. Naunawaan na niya ngayon kung bakit napindot ng ama ang button. Mabilis siyang humakbang at nilapitan si Alexander. "What are you doing?" galit na singhal ni Alexander kay Dylan nang basta na nito itulak ang wheelchair na kinaupuan palabas ng silid. "Kailangan mo nang magpahinga at ganoon din ang aking ama." Pormal niyang sagot at hindi pinansin ang galit nito. "Moron! Sino ka para pangunahan ako? Galit niyang tinabig ang kamay ni Dylan na nakahawak sa likuran ng kaniyang kinaupuan. Ngunit hindi manlang ito natinag at pinamukha pa sa kaniya na mahina siya ngayon kaya lalo siya nagagalit. "Leave me alone f*cker! Muli niyang bulyaw kay Dylan at gumamit na siya ng lakas kahit hirap igalaw ang kamay. "Kapag hindi ka tumigil ay papasanin na kita papasok sa iyong silid!" Banta ni Dylan at napipikon na rin sa kaingayan ng lalaki. Sabay na nanlaki ang mga mata nila Troy at Dante at nagkatinginan. Parang bumalik na naman sila sa pagkabinatilyo. Noong panahong magkakasama silang apat at lagi ring nag-aaway ang dalawa. Kung matigas ang ulo ng Young Master nila, mas matigas naman ang kay Dylan. Bakit nila nasabi iyon? Dahil hindi manlang natatakot ito na maaring maparusahan o mapaalis sa trabaho ang ama nito. Ilang beses na nagbuga ng hangin sa bibig si Alexander upang huminahon. Kaya ayaw niya sa anak ni Tibor dahil mas antipatiko pa kaysa kaniya. Bukod tanging ito lang ang tumatrato sa kaniya ng ganito. Ayaw niyang sumuko pero wala siyang magawa dahil mahina siya ngayon. kung wala siya sa ganitong kalagayan ay tiyak nabugbog na niya si Dylan. Gusto niyang ipakita rito na hindi na siya ang binatilyong nakilala nito noon. Alam niyang totohanin nito ang banta at malaking kahihiyan iyon sa kaniya. "Dante!" Mabilis na lumapit sa unahan ni Alexander si Dante nang tawagin siya nito. "Yes, Young Master?" "Pagkalabas ng lalaking ito ay siguradohin mong hindi na siya makalapit muli sa akin habang nagpapagaling pa ako!" "Masusunod po!" nakayuko na sagot ni Dante. "Tsk, hindi ka pa rin nagbago." Nang-aasar na kumento ni Dylan at mabilis na ipinasok sa silid nito ang binata. Hindi pinansin ni Alexander ang patutsada ng lalaki. Muli niyang tinawag si Dante upang tulungan sana siyang makatayo at makalipat sa higaan. Ngunit laking gulat niya nang biglang buhatin siya ni Dylan. Muling nanlaki ang mga mata nila Dante at Troy nang makita ang ginawa ni Dylan. Parang babae lang ang Young Master nila kung buhatin nito at inilipat sa kama. "What the hell, Dylan?!" Kulang na lang ay bumuga ng usok ang ilong ni Alexander at nagbabaga ang mga mata dahil sa galit. "Magpalakas ka na upang makaganti sa akin!" nakangising turan ni Dylan at hinawakan sa ulo si Alexander upang guluhin ang buhok nito. "Damn you, f*cker!" Galit na tinabig niya ang kamay ng binatang nagta-tap sa kaniyang ulo. Sa halip na mapikon ay ngumiti si Dylan at mahigpit na hinawakan ang isang kamay ng binata. Dahan-dahang inilapit ang mukha rito at ang mga mata ay nakatuon sa labi nito. "Jerk, what are you doing?" singhal niyang muli kay Dylan upang itago ang tunay ba nadarama ng mga sandaling iyon. Awang ang mga labi na pinapanood lang nila Troy at Dante ang nangyayari. Napalunok pa ng sariling laway si Dante nang bumaba ang tingin ni Dylan sa labi ni Alexander. Pumilig naman ang ulo ni Troy upang makitang mabuti ang mangyayaring naglalaro sa isipan nito. Simpatikong ngiti ang sumilay sa labi ni Dylan nang gumalaw ang adams apple ni Alexander. Gusto lang naman niyang patahimikin ang binata dahil puro masamang salita ang lumalabas sa bibig nito. Hindi magawang maitulak ni Alexander si Dylan dahil hawak nito ang kaniyang kamay na pwedeng igalaw. Ang kanang kamay niya ay useless dahil may bale iyon. Gusto niyang paduguin ang nguso nito nang makita ang ngiting kinaiinisan niyang makita sa binata noon pa man. Wala siyang laban ngayon kaya may naisip siyang ibang paraan. "Ang akala mo ba ay matatakot mo ako sa ganiyang estilo mo ngayon?" nanghahamon niyang turan. Siya naman ang napangisi nang matigilan si Dylan. Tiim bagang na inilayo ni Dylan ang mukha sa binata. Tumikwas ang dulo ng kaniyang labi habang kagat ang loob niyon. Hindi lingid sa kaniyang kaalaman kung ano ang pinaggagawa ni Alexander. Alam niyang bisexual ang lalaki kaya hindi na nga niya ito matakot. Nanghihinayang na tumuwid ng tayo sina Troy at Dante. Ang akala nila ay may romance nang mabuo sa pagitan ng dalawa. Natuwa si Alexander sa nakikitang reaction sa mukha ni Dylan. Nakakasiguro na siya ngayon na hindi na gustohin pa ng lalaki na mapalapit sa kaniya. Walang salitang tinalikuran ni Dylan ang binata at nilampasan sina Troy at Dante. "Puwede na kayong lumabas!" Taboy ni Alexander sa dalawang usyosero. Wala siyang dapat itago sa dalawa tungkol sa kaniyang gawain dahil alam ng mga ito lahat ng ginagawa niya. Bumalik si Dylan sa silid ng ama, hindi na niya naabutan pa doon ang chairman. "Dylan, maayos mo ba siyang ibinalik sa kaniyang silid?" nag-aalalang tanong ni Tibor sa binata. "Hindi ko po siya ibinagsak sa kama kung iyan ang iniisip niyo." Napabuntonghininga si Tibor at nangungusap ang tingin sa binata. "Anak, pareho na kayong matured ni Alexander. Nagkakaganyan lamang siya dahil nagrerebelde sa kaniyang ama." "Tatangapin ko ang alok na trabaho ng Chairman dahil sa iyo, Papa. Pero hindi ko maipangakong maging maayos ang pagsasama namin bilang kaniyang bodyguard at assistant." Paglilinaw ni Dylan sa ama. "Pero sikapin mong habaan ang pasensya sa kaniya, anak. Mabait si Alexander at hindi ako magtatagal sa trabaho kung hindi dahil sa kaniya." Napipilitang tumango si Dylan sa ama upang mabawasan na ang alalahanin nito. Kung hindi lang talaga ang Chairman ang nakiusap sa kaniya ay nunka niyang pagbigyan ang hiling ng ama. Nangako naman ang chairman na hindi ito makialam sa kung paano niya tratuhin ang anak nito. Ang gusto lamang ng ginoo ay masiguro ang kaligtasan ng anak nito at malimitahan ang paggawa ng kamalian. Siya ang naisip nitong maaring kumuntrol kay Alexander dahil hindi siya natatakot dito. "Dylan, isa sa kailangan mong gawin ay dapat sa babae mahumaling si Alexander. Huwag mong hayaang may lalaking makalapit sa kaniya kapag siya ay nalasing." "Hindi mo po ba naisip na maaring ako naman ang mabiktima ng lalaking iyon?" Napangisi si Tibor at nang-aarok ang tingin sa anak. Nang umiwas ito ng tingin sa kaniya ay lumawak ang ngiting nakapaskil sa kaniyang labi. "Papa naman, straight po ako at walang balak pumatol sa kauri ko!" himig napipikon na ani Dylan. "Wala akong sinasabi, pero nakita mo naman kung gaano na kalaki ang ipinagbago ni Alexander. Bisexual siya pero arogante at dominante. Kaya niyang paglaruan sa kaniyang mga palad, babae man o lalaki." "Pwes ibahin mo po ako, Papa." Makahulogang ngumiti si Tibor at hindi na kinulit pa ang anak. Walong taon lang noon si Dylan nang makita niya sa lansangan. Inampon niya at itinuring na tunay na anak. Halos magka eda lang ito at si Alexander. Noon pa man ay hindi magkasundo ang dalawa dahil parehong nagpapalakasan. Si Dylan mismo ang may gustong mag-aral sa probinsya noon kaya nagkalayo ang dalawa."AYOS ka na ba?" tanong ni Alexander kay Tibor nang mamulatan ito.Ngumiti si Tibor sa binata, ngayon pa lang ay nalulungkot na siya dahil hindi na ito makakasama sa lahat ng oras."Dapat nagpapahinga ka pa at hindi pa naghilom lahat ng iyong sugat." Sermon ni Alexander sa ginoo at nagawa na nitong tumayo at dinalaw siya.Hindi siya natutuwa sa nakikitang kalagayan ni Tibor. Naroon pa rin siya sa hospital at nagkaroon ng infection ang kaniyang sugat sa tagiliran."Nabalitaan kong nagkaroon ka ng lagnat kagabi, ayos na ba ang pakiramdam mo?" Tumango siya sa ginoo saka pumikit. Hindi niya alam kung sino ang nag-alaga sa kaniya kagabi. Ang alam niya lang ay may nagtyagang punasan ang kaniyang katawan. Alam niyang hindi iyon doctor or nurse, dahil sa taas ng lagnat niya kagabi ay hindi na niya magawang idilat ang mga mata. "Young Master, alagaan niyo po ang iyong sarili. Mula sa araw na ito ay hindi na kita maalagaan kaya huwag po sanang matigas ang iyong ulo."Pagkamulat ni Alexander n
"NABALITAAN mo na ba?" "Kung bad news lang ang ibabalita mo sa akin ay huwag mo nang ituloy!" mataray na sagot ni Lovina sa baklang kaibigan."Tungkol lang naman sa anak ng lalaking gusto mong mapangasawa." Maarteng umupo si Jacob sa harapan ng kaibigang ambisyosa. Tumuwid ng upo si Lovina at biglang naging interesado. Nagsasama sila madalas ni Laurenzo pero hindi ito nagkukuwento tungkol sa kalagayan ng anak nito ngayon. Alam niyang nasa hospital si Alexander pero wala siyang alam kung kumusta na ito. Isa pa ay hindi rin siya pinapayagan ng nobyo na dumalaw sa anak nito dahil nga ayaw sa kaniya ng aroganteng binata. Inilahad ng bakla ang palad sa harapan ni Rose habang nakatikwas ang kaliwang kilay.Padabog na binuksan ni Rose ang hand bag at dumukot ng lilibohing pera bilang kapalit sa chismiss na dala ng bakla. Malapad ang ngiting nakapaskil sa labi ni Jacob habang binibilang ang limang libong pera. "Well," nambibitin nitong turan habang inilalagay sa sariling bag ang pera. "
Mula sa isang sulok ay napangisi ang isang tao na kanina pa nakasunod kay Lovina. Agad na tinawagan ang kaniyang boss."Sigurado ka na ba riyan sa balita mo?" "Yes, boss, confirm na wala na si Tibor. Pero base sa aking narinig ay mukhang mas malakas itong pumalit." Sagot ng lalaki habang naglalakad palayo kay Lovina."Kilalanin ninyo at gusto kong mawala siya sa ating landas sa lalong madaling panahon.""Sa ngayon, boss, hindi pa kami makalapit kay Alexander dahil lalong humigpit ang bantay."Kumusta na pala ang nurse?" "Nadispatsa na po namin, boss. Bukas ay baka makita na ang kaniyang bangkay na palutang-lutang sa ilog."Napangisi ang lalaking nasa kabilang linya. "Very good! Ayaw kong maulit ang nangyaring kapalpakan tulad sa babaeng iyon!""Areglado po, boss!" Nang maibaba na ng lalaki ang tawagan ay agad na umalis at bumalik sa pagmatyag sa paligid ng hospital.Sa opisina, napabuntonghininga si Laurenzo habang nakatanaw sa labas ng bintana. Mula sa 10th floor ay tanaw niya ang
ILANG araw pa ang lumipas at lalabas na si Alexander ng hospital. Ayaw niyang umuwi sa kanilang bahay na ikinagalit lalo ng ama. "Mula sa araw na ito ay kailangan mong magtrabaho sa kompanya upang magkapera. Maging ang iyong condominium ay binabawi ko na. Ngayon, kung ayaw mong umuwi sa bahay ay hindi ko na problema kung saan ka matutulog!" Pagmamatigas ni Laurenzo sa anak."Damn you!" nangangalit ang ngipin na bulyaw ni Alexander sa ama.Napailing si Dylan sa nakikitang ugali ni Alexander sa ama nito. Deserve nito ang pagdamutan ng ama dahil sa hindi magandang ugali nito. "Thank you!" nakangiti pang sagot ni Laurenzo sa anak. "Now, its up to you kung saan ka uuwi. Hindi naman ako ganoon kasamang ama kaya nag-iwan ako ng fifty thousand sa iyong creidt card. At ang kotse ay tanging si Dylan lang ang maaring magmaneho. Kapag nalaman kong umalis ka at hindi kasama si Dylan, asahan mo kung ano ang sunod kong gagawin."Ilang beses pa nagmura ng malulutong si Alexander dahil sa galit sa a
Naging alerto si Alexander at agad na umurong sa kinahigaan. Ngunit dahil maliit lang ang kama, hindi siya ganoon makalayo kay Dylan. Hindi pa niya gustong makita itong nakangiti. Natutunaw kasi ang pader na inihaharang niya sa kaniyang puso kapag ganito ang mood ng lalaki."Huwag kang mag-alala, Young Master, hindi rin ang tipo mo ang gusto kong ka-romance. Isa pa ay hindi ako pumapatol sa kabaro ko."Nainsulto si Alexander sa sinabi ni Dylan, pero hindi niya ipinakita iyon sa lalaki. Sa halip ay ngumiti siya at bumangon. Siya naman ang napangisi nang bahagyang inilayo ni Dylan ang mukha mula sa kaniya. Sinundan niya iyon at palanghap na sinamyo ang scent ng binata, habang hindi hinihiwalay ang mga mata sa malamig nitong mga titig. "Really?" nanghahamon niyang tanong kay Dylan.Mabilis na itinuwid ni Dylan ang katawan at inilayo ang sarili kay Alexander nang ilapit pa nito ang mukha sa kaniya. "Magpahinga ka na at kailangan mong bumawi ng lakas." Tumalikod si Dylan pagakasabi niyon
HINDI agad nagmulat ng mga mata si Dylan nang magising. Pinakiramdaman niya ang sarili lalo na at parang may kakaiba. Ang alam niya ay wala siyang extra unan na maaring yakapin. Isa pa ay hindi ganoon kalambot ang pinagdadantayan ng kaniyang mga paa. Agad siyang nagmulat ng mga mata nang gumalaw ang bagay na niyayakap."Damn, bakit ako narito?" naibulalas niya nang makita sa kaniyang tabi si Alexander. Agad na nagising ang katabi at halatang hindi maganda ang gising nito pagkakita sa kaniya."Ako ang dapat magtanong niyan sa iyo, bakit ka narito at nakayakap pa sa akin?" nakaangil na tanong ni Alexander kay Dylan.Mabilis na inalis ni Dylan ang kamay na nakapulupot sa baywang ni Alexander at ang paa na nakadantay pa sa hita nito ay maliksing naibaba."Ouch! Daing ni Alexander habang sapo ang tagilirang may sugat. Kahit naghilom na iyon ay masakit pa rin kapag nadadangil."Napasabunot si Dylan sa sariling buhok bago dali-daling dinaluhan si Alexander. Inangat niya ang damit nito upang
"Mangako ka munang tutulungan mo akong mahanap ang mga taong pumatay sa aking ina."Hindi agad nakasagot si Dylan sa binata. Mukhang alam ng lalaki kung ano ang kaniyang kahinaan. Lihim na napangiti si Alexander habang nang-aarok ang tingin kay Dylan. Kung matalino ang binata, mautak naman siya. Alam niyang may isang salita si Dylan kapag pangako na ang pag-uusapan."Kung hindi mo kaya at mapagbigyan ang kundisyon ko, kalimutan mo na lang iyang suggestions mo.""Pumapayag na ako!" Agad niyang bawi bago pa makatalikod si Alexander.""Great!" Pasakal ang akbay ni Alexander kay Dylan dahil sa tuwa."Argh, hindi mo na ako kailangang yakapin!" Patulak niyang inilayo si Alexander sa kaniyang katawan. Hindi sa nandidiri siya na mapadaiti ang balat sa katawan ng binata. Kundi dahil nakaramdam siya ng alinsangan sa tuwing mapadikit siya sa balat nito.Hindi pinansin ni Alexander ang pagsusungit ng binata, muli niya itong nilapitan at inakbayan. "Kailangan nating mag-celebrate bago sumabak sa
"HEY, ayaw ko pang umuwi!" Pagpupumiglas ni Alexander mula sa mahigpit na hawak ni Dylan sa kaniyang braso.Hindi pinakinggan ni Dylan ang reklamo ng binata. Napapatingin na sa kanila ang mga taong nadadaanan nila dahil sa ingay ng bibig ni Alexander. Nagmumukha tuloy siyang tatay ngayon at may hilang bata na ayaw pang umuwi."Ang cute nila!"Rinig ni Dylan na wika ng isang babaeng nakasalubong nila."Oo nga, bagay sila. Sino kaya ang top sa kanilamg dalawa?"Naudlot ang muling paghila ni Dylan sa braso ni Alexander nang marining ang sagot ng isang babae sa unang nagsalita. "Sa tingin ko ay ang hinihila ang top." Sagot muli ng isang babae sa kasama.Salubong ang mga kilay na tinitigan ni Dylan ang mukha ni Alexander. Nagtataka siya kung bakit nasabi ng babae na ang binata ang top?"Hey, he's mine and—" hindi na naituloy ni Alexander ang iba pang nais sabihin sa mga babae nang bigla siyang buhatin ni Dylan.Parehong awang ang bibig ng dalawang babaeng nakasunod ang tingin kina Dylan.