Boyfriend Hunt

Boyfriend Hunt

last updateLast Updated : 2021-11-25
By:   CowardTheBrave  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
2 ratings. 2 reviews
41Chapters
6.5Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

Synopsis

Si Eli ay isang huwarang estudyante at kasalukuyang nangunguna sa kanilang klase. Kilala siya bilang isang tahimik na tao at walang interes sa ibang bagay bukod sa pag-aaral. Iyon na rin siguro ang isa sa pinakadahilan kung bakit walang maituturing na kaibigan sa school si Eli. Lingid sa kaalaman ng kanyang mga kaklase, si Eli ay isang closeted gay. Dahil sa fear of rejection at mahusgahan ng iba, mas pinipiling mapag-isa ni Eli kaysa makihalubilo sa kanyang mga kaklase. Isang gabi habang nagrereview si Eli para sa isang exam kinabukasan, napukaw ang kanyang atensiyon sa isang online advertisment. Ito ay isang 'dating' application na tinatawag na MATCHED, na kung saan ay maaari kang makakilala at makatagpo ng taong para sa iyo... As a gay person. Dahil sa masidhing kuryusidad ay dali-daling dinampot ni Eli ang kanyang cellphone para idownload ang MATCHED para simulang hanapin ang taong kukumpleto sa tinatago niyang pagkatao. Have you ever tried to use an app to find a lover? Let the hunt begin.

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

"Walang ibang nagmamay-ari ng iyong katotohanan kundi ikaw."Hello world.Ako nga pala si Eli Montemayor, labing-walong taong gulang at kasalukuyang nag-aaral sa Colegio de San Nicolas. Second year college na ako sa kursong Business Management Major in Accounting. Hindi ako matalino sa Math pero ito ang kursong kinuha ko for some reason. Una, Business management at Education lang ang option na courses sa school na pinasukan ko. Well, I don't picture myself as a teacher in the future. Trust me, baka mabully lang ako ng mga estudyante ko kung magkataon. So I have to choose Business Management. Tsaka ayaw ko kayang maging isang simpleng empleyado lang in the future.Mataas ang pangarap ko sa buhay.Bata pa lang ako ay pinangarap ko nang maging ...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
TheGoodBoySide
A must read Tagalog BL story. Feel good. Happy. Romantic!
2021-11-22 20:02:32
0
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2021-11-05 04:48:38
3
41 Chapters
Chapter 1
"Walang ibang nagmamay-ari ng iyong katotohanan kundi ikaw." Hello world.Ako nga pala si Eli Montemayor, labing-walong taong gulang at kasalukuyang nag-aaral sa Colegio de San Nicolas. Second year college na ako sa kursong Business Management Major in Accounting. Hindi ako matalino sa Math pero ito ang kursong kinuha ko for some reason. Una, Business management at Education lang ang option na courses sa school na pinasukan ko. Well, I don't picture myself as a teacher in the future. Trust me, baka mabully lang ako ng mga estudyante ko kung magkataon. So I have to choose Business Management. Tsaka ayaw ko kayang maging isang simpleng empleyado lang in the future. Mataas ang pangarap ko sa buhay. Bata pa lang ako ay pinangarap ko nang maging
last updateLast Updated : 2021-09-13
Read more
Chapter 2
EliSuccessful akong nakagawa ng account sa MATCHED application.Pumili ako sa gallery ko ng isang picture kung saan ay nakatalikod ako.Hindi ko alam kung paano magsisimula o kung paano ba ginagamit ang app na ito kaya naman sinubukan ko muna'ng magsearch at mag-follow ng ilang users na sa tingin ko ay pasok sa standard of my interest.Kaya rin siguro tinawag na MATCHED ang app na ito ay dahil sa ito mismo ang hahanap ng guy na 'ka-match' mo, maybe sa personality or base sa kung ano ang mga hilig mo na hilig din niya. Kung baga same taste kayong dalawa.Paano ito nagagawa ng app?Kailangan mo munang ilagay sa profi
last updateLast Updated : 2021-09-13
Read more
Chapter 3
EliNatapos na ang exam namin sa subject na Filipino. Grabe, mabuti na lang at nakapagreview ako ng todo dahil medyo madugo at nakakalito 'yung ilan sa mga questions sa exam. Kilala si Professor Alvarez na mahirap gumawa ng test papers na para bang ayaw nito na may nakakapasa sa subject niya. May mga ganitong tipo ng guro kaya mas okay talaga kung mag-aaral ka ng mabuti kaysa umasa lang sa stock knowledge. Ayun, nastock tuloy yung iba sa unang bahagi pa lang ng exam. Ang sabi nga nila, kung sasabak ka sa giyera ay dapat na palagi kang handa. Kung marami kang baong bala ay mas maraming tiyansa rin na may matatamaan ka.After ng exam ay nagkaroon kami ng fifteen minutes break bago sumalang sa susunod pang exam.Nagugutom na rin kasi ako. Kasabay ng pagkatuyot ng utak ko
last updateLast Updated : 2021-09-13
Read more
Chapter 4
ELI Eksaktong alas-kwatro ng hapon ay nasa kamay na ng aming Professor ang lahat ng test paper ng huling exam namin for prelims. Nakahinga na ako ng maluwag. Nagpaalam na ang aming Professor at inanunsyong kung kailan namin malalaman ang resulta ng exam. Nang mga oras na lisanin kami ng aming profesor ay napuno ng malakas na ingay ang buong kwarto. Gaya ng inaasahan, kanya-kanyang konsultahan ang bawat isa sa kung anong isinagot nila sa mga items na hindi sila sigurado. Mula sa unahan ay nakita ko ang isang babaeng nagmamadali palapit sa akin. "Uy Eli! Nakuha mo ba yung tamang computation kanina 'dun sa Accounting? Iyong item number 3 ba 'yun? Basta nakakaloka!" Sambit nito sa akin habang hawak-hawak ang isang buong pad kung saan nakalagay 'yung mga computation niya kanina sa subject na Accounting.
last updateLast Updated : 2021-10-21
Read more
Chapter 5
Eli Nakarating ako sa bahay bago pumatak ang alas-otso. Medyo late na rin pala. I already texted mom earlier para hindi na siya mag-alala sa akin. She's not strict but sadyang maala-lahanin lang dahil ako ang kaisa-isahan niyang anak. Normal kasing dumi-diretso ako sa bahay pagkatapos ng klase kaya bago pa man mag alas-singko ay karaniwang nasa bahay na ako. Nagkataon lang na nayaya ako ng mga kaklase ko kanina and that was something new to my mom kaya talagang kailangan ko iyong ipaalam sa kanya. "Nandito na po ako Ma." Pagod kong sigaw nang makapasok na ako sa pintuan para iparinig kay Mama ang pagdating ko. Hindi ito sumagot. Wala rin siya sa sala. Siguro'y nasa kusina nanaman siya o kaya'y nagpapahinga na sa kanyang kwarto. "Ma, nandito na ako." pag-uulit ko habang hinuhubad ang medyo mainit-init ko nang black shoes at medyas. Dahil 'ata iyon sa kala-lakad namin ka
last updateLast Updated : 2021-10-21
Read more
Chapter 6
Eli "Theo? Theo? Halika na Theo!" Kanina ko pa pilit na gini-gising 'tong si Theo pero mukhang wala nang pag-asang magising pa siya.   Nandito pa rin kami ngayon sa isang madilim na eskinita kung saan ko siya dinala. Ilang minuto na ang nakalipas magmula nung matakasan namin 'yung mga gangster na humahabol sa amin kanina. Buti nalang talaga. Kung nagkataon kasi ay baka nadamay pa ako sa pambubugbog ng mga kolokoy na iyon.   Ano nanaman kaya'ng kalokohan ang ginawa ng magtotropang' to at bakit sila hinabol ng mga 'yon? Anyway hindi na siguro mahalaga 'yon. Ang importante ay ligtas na siya. Hindi ko lang sigurado ay kung nakatakas din ba iyong mga kaibigan nitong si Theo pero sana ay ayos lang silang lahat.   Kinuha ko 'yung phone ko na inipit ko pa kanina sa garter n
last updateLast Updated : 2021-10-23
Read more
Chapter 7
 EliNagising ako nang maramdamang nananakit ng bahagya ang likuran ko. Gusto ko pa sanang bumalik sa pagtulog pero ngalay na ngalay na talaga ako. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at napalingon sa direksyon ng aking kama. Kaya naman pala ako nangangalay. Sa sahig nga pala ako natulog kagabi dahil dinala ko dito sa bahay si Theo. Speaking of Theo, nasaan na pala ang isang 'yon? Wala na kasi siya sa kama ko. Na-ihilamos ko sa mukha ang dalawa kong kamay para kahit papaano'y magising ang aking diwa. "Achh!" Hindi ko maiwasang indahin ang sakit ng likod ko. Halatang hindi sanay matulog sa sahig. Nag-unat ako at humikab. Labag man sa kalooban ay pilit akong tumayo para hanapin kung nasaan ang isa pang sakit sa ulong si T
last updateLast Updated : 2021-10-23
Read more
Chapter 8
Eli Naglalakad kami ngayon ng kaklase kong si Theo patungo kung saan kami nagkabungguan kagabi. Magba-bakasakali na baka doon nga niya nahulog 'yung cellphone niyang nawawala. Mapilit kasi siya na hanapin pa rin ito dahil may importanteng files daw na naka-save roon. Swerte kung makita pa namin iyon. Sa panahon kasi ngayon, kahit siguro di-pindot pa 'yung cellphone na 'yon ay may papatos pa rin 'don."Hoy ibalik mo yang T-shirt ko pagkalaba mo ha." Masungit kong sabi sa katabi ko. Suot niya kasi 'yung isa sa mga pinaka-paborito kong shirt at halatang feel na feel niya ito habang naglalakad kami. Branded 'yon at isinu-suot ko lang 'yon kapag may importante akong lakad. "Ha? Eh pwedeng arbor na lang 'to pre. Pa-remembrance mo na sa akin." Tugon nito sa akin ng nakangiti haba
last updateLast Updated : 2021-10-23
Read more
Chapter 9
Eli  "Ma, para lang sa tabi!" Naunang bumaba ng jeep si Theo at sumunod naman ako sa kanya.  Hindi kami nag-iimikan na dalawa mula pa kanina. Mukhang inis pa rin kasi siya hanggang ngayon dahil sa hindi niya nakita iyong cellphone niya. Kasalanan ko ba 'yon? Kung dahil lang 'don kaya niya ko hindi pinapansin ay napakababaw niya. Kung hindi niya ako iimikan ay hindi ko na lang rin siya iimikan. Tsaka 'pag nakuha niya naman na 'yung bag niya ay babalik na ako sa bahay. Nakapangako lang akong samahan siya kaya tumuloy pa rin ako papunta kana Kenneth kahit naiinis na ako sa kanya. Ilang hakbang lang ang nilakad namin mula sa kanto nang makarating kami sa tapat n
last updateLast Updated : 2021-10-24
Read more
Chapter 10
Eli  Nakapila kami ngayon ni Theo sa may McJolly para umorder ng makakain. Marami kaming pinagpilian na ibang store pero mas okay kasi sa akin ang pagkain dito. The best kaya ang McJolly chicken, lalo na 'yung spicy.  Dito rin pala 'yung McJolly na kinainan ko ng lunch kahapon kaya nagpalinga-linga ako para tingnan kung nakaduty na ba si Wildon. Hindi kasi ako sigurado kung may pasok siya ngayon dahil nagkasalubong kami sa tindahan kanina. "Anong order mo?" Tanong sa akin ni Theo na nakapila sa unahan ko. Medyo may kahabaan 'yung pila dahil saktong lunch time na ngayon.Tumingala pa rin ako sa menu kahit sigurado na akong chicken joy ang gusto ko. Libre daw 'to ni Theo kaya susulitin ko na. Gusto ko rin kasi kumain ng large fries
last updateLast Updated : 2021-10-25
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status