Share

Boyfriend Hunt
Boyfriend Hunt
Penulis: CowardTheBrave

Chapter 1

Penulis: CowardTheBrave
last update Terakhir Diperbarui: 2024-10-29 19:42:56

"Walang ibang nagmamay-ari ng iyong katotohanan kundi ikaw." 

Hello world.

Ako nga pala si Eli Montemayor, labing-walong taong gulang at kasalukuyang nag-aaral sa Colegio de San Nicolas. Second year college na ako sa kursong Business Management Major in Accounting. Hindi ako matalino sa Math pero ito ang kursong kinuha ko for some reason. Una, Business management at Education lang ang option na courses sa school na pinasukan ko. Well, I don't picture myself as a teacher in the future. Trust me, baka mabully lang ako ng mga estudyante ko kung magkataon. So I have to choose Business Management. Tsaka ayaw ko kayang maging isang simpleng empleyado lang in the future.

Mataas ang pangarap ko sa buhay.

Bata pa lang ako ay pinangarap ko nang maging isang Business man, kung saan ako ang magtatayo at mamamalakad ng sarili kong kompanya.

Gusto ko ako yung boss, 'yung tipong ako 'yung magha-hire ng mga magtatrabaho sa akin. Sa ganoong paraan kasi ay hindi ko na kailangang magpapalit-palit ng trabaho at kabahan na sumalang ulit sa iba't-ibang uri ng job interviews.

Hindi ako 'yung uutus-utusan, kasi ako ang masusunod at magdedesisyon para sa sarili kong kompanya.

Does it make sense?

So sa halip na mahirapan ako kakahanap ng magandang trabaho in the future, ngayon palang ay pinagsusumikapan ko na ang aking pag-aaral.

Napabaling ako sa suot kong relo at doon ko lang napansin ang oras.

Alas-onse y medya na pala.

Hating gabi na pero hindi pa rin ako tinatatamaan ng kahit kaunting antok. Salamat sa katabi kong kape at chocolate biscuit na dahilan kung bakit gising na gising pa rin ang diwa ko hanggang sa mga oras na ito.

Nakaupo ako ngayon sa aking study table habang nakapako ang tingin sa fourteen inches kong laptop. Hindi ako nanonood ng kahit anong Zoomflix or K-Drama series. Nakasubsob ako ngayon sa laptop dahil dito kasi nakalagay ang lahat ng reviewer ko.

Yes, ang rason kung bakit ako nagpupuyat ngayon ay para makapagreview ng todo. Kailangan kong mag-aral dahil preliminary exams na namin bukas. Para sa akin rin naman ito. Mataas ang pangarap ko, so dapat lang na paghirapan ko iyon ngayon pa lang. I decided to stay up night para na rin makarami.

Gumagamit ako ng laptop sa pagre-review dahil halos lahat ng reviewer at modules ko sa school ay converted na sa P*F file.

Tsaka, kung ako ang tatanungin ay mas madaling paraan ito ng pag-aaral kaysa sa libro at notes. Noon kasing paper works ang ginagamit ko para magreview ay nakatulugan ko lamang ito. I'm not sure kung ako lang ba o ganon din 'yung iba. Opinyon ko lang naman ito.

Sa kalagitnaan ng aking pagbabasa ay biglang may nagpop-up na notification sa bottom-right corner ng aking screen.

Galing iyon sa aking friendsbook.

New message from Theo.

Bakit naman kaya gising pa ang mokong na ito? Imposible naman kasing nagrereview din siya para sa exams bukas.

Tinigil ko muna ang pagbabasa para tingnan saglit ang message niya.

Theo: Uy?

Akala ko naman ay kung ano na. Napakunot na lang ako ng noo sa pag-aakalang importante ang mensaheng natanggap ko galing sa kanya.

Ewan ko. Hindi ko naman kasi masyadong close itong si Theo. Ang alam ko lang ay nagcha-chat siya sa tuwing may kaylilangan o may itatanong sa akin about sa school.

Kung mapapansin nga sa convo naming daalawa ay madalas na 'uy' lang ang unang chat niya sakin. Kulang na lang yata ay palitan ko na ng 'Mr. Uy' ang nickname ko dito sa messenger.

Ewan ko ba pero naiinis ako sa tuwing magcha-chat siya ng ganito.

Ano nanaman ba'ng kailangan ng isang 'to sa akin?

Si Theo ay classmate ko. Isang upuan ang pagitan niya mula sa aking kinauupuan pero gaya nga ng sabi ko, hindi kami ganoong kaclose sa isa't-isa. Hindi ko nga alam kung kaibigan ang tingin niya sa akin kahit friends kami sa friendsbook. Wala naman akong masyadong alam tungkol sa kanya maliban sa pagiging tamad niya sa pag-aaral. Tipikal na one of the boys at the back.

Pero hindi na mahalaga iyon dahil hindi rin naman ako interesado sa kanya.

I'm a discreet gay, at alam kong mas tuwid pa sa ruler iyang si Theo.

Isa pa ay hindi ko rin naman siya type.

I mean don't get me wrong. May itsura si Theo at maraming babae ang nagkakagusto sa kanya sa school, pero kahit na sabihing patago akong bakla ay never akong naattract sa kanya. I knew my type at hindi talaga pasok sa standards ko itong si Theo.

Maangas si Theo, pero hindi naman siya 'yung tipong sobrang yabang. Yung kilos niya ay lalaking-lalaki,'yung medyo bad boy figure ba. Pero alam niya kung paano rumespeto at gumalang sa mga nakakatanda maging sa mga teachers sa school.

Noong una akala ko nga ay bully itong si Theo pero hindi pala. Isang araw ay nagulat ako noong unang beses ko siyang makita na ipagtanggol 'yung mga classmate kong babae na minamanyak ng mga senior students. Lalong dumami ang humanga sa kanya noon. Nagkaroon siya ng barkada sa section namin hanggang sa magmula noon ay sila na mismo ang taga-resbak sa tuwing mayroong napapaaway na kahit na sino sa section namin.

Maraming naghahabol sa kanya hanggang ngayon dahil sa pagkakaalam ko ay single pa rin siya.

We really don't know each other that much, kaya wala lang sa akin kung magcha-chat man siya. Madalas naman kasi na about sa exam, project o term paper yung itinatanong niya sa akin.

Eh mag-aaral naman kaya siya this time?

Since naseen ko na rin naman ang message niya ay nagreply na rin ako sa kanya.

You: y?

Naseen niya kaagad iyon pagkasend ko nito.

Mabilis na lumabas ang tatlong tila umaalon na tuldok sa aming chat box, hudyat iyon na nagtatype na rin si Theo ng irereply niya sa akin. Ang hiling ko lang ay sana'y lumagpas na ng dalawang letra ang reply niya.

Theo: di ako makatulog pre.

Theo: bakit gising ka pa?

Theo: ano gawa mo?

Nabigla ako sa sunod-sunod na message nitong si Theo. Kailan pa kaya siya nagkaroon ng pakialam sa kung anong ginagawa ko?

Magta-type palang sana ako ng irereply sa kanya nang makatanggap muli ako ng bagong mensahe mula sa kanya.

Theo: Sige pre, matutulog na ako.

Wala pa nga akong naisasagot sa kanya ay nagpaaalam na kaagad siya.  Problema kaya 'non? Ang weird.

Sa halip na isend yung nai-type ko nang reply sa kanya ay dinilete ko na lang ito.

At dahil nagpaalam naman na siya ay pinindot ko na lang 'yung like emoji bilang response sa kanya.

Kaagad na lumabas ang status na active 1 minute ago sa friendsbook niya kaya ki-nlose ko na lang din yung chat box naming dalawa.

I checked some other messages and notifications on my friendsbook account. May ilang mensahe na puro galing sa iba't-ibang group chat na sinalihan ko, yung mga notifications naman ay hindi gaanong ka-importante. Nakaabot na pala ng 31 likes yung huling pictures na in-upload ko kanina.

Selfie ko iyon habang nasa likod ang laptop, kape at biscuit na ginawa kong background, you know, para updated ang mga kaklase ko na nag-aaral ako para sa exam bukas at nang sa gayon ay maisip din nilang magreview.

Bahagya akong nagiscroll sa newsfeed nang biglang mahagip ng mga mata ko ang kaka-post lang na status 'nung lalakeng ka-chat ko kanina.

    John Theodore Velasco

Seen nalang ako palagi.

#seenzoned

May tatlong sad face reaction na kaagad ang post niyang iyon makalipas lamang ng dalawang minuto.

Edi siya na ang famous. For sure nagpapabebe na naman siya sa mga kachat niyang babae. Who knows?

Teka, bakit parang ang bitter ko yata pakinggan sa part na iyon?

Anyway, hindi ko nalang iyon pinansin at nagpatuloy na lang ako sa pagbabasa ng mga post sa newsfeed ko. Madalas ay naghahanap ako ng mga inspirational quotes galing sa ibat-ibang page na mas lalong nakakapagmotivate sa akin na mag-aral.

Pero sa halip na motivation ang mahanap ko ay puro post nitong si Theo ang karamihang laman ng news feed ko. What the heck! Ano ba talagang problema nitong isang 'to?

John Theodore Velasco

"Akin ka nalang, akin ka nalang

Iingatan ko ang puso mo."

Lss.

(5 minutes ago, 11 hearts, 8 likes, 4 wows)

John Theodore Velasco

Bakit pa ako mag-aaral kung alam ko namang IKAW ang magiging future ko.

#banat

(17 minutes ago, 32 hearts, 10 likes, 7 haha, 5 angry. 7 comments)

John Theodore Velasco

Sana sa susunod na magkita tayo ay hindi mo na ako iwasan. Nasasaktan kasi ako.

(24 minutes ago, 46 sad, 5 hearts, 3 like. 12 comments)

Hindi ko maiwasang mapairap sa inis dahil sa mga nabasa ko. Ewan ko ba, alam kong wala naman siyang ginagawang masama sa akin pero hindi ko lang talaga gusto 'yung ganoong side niya.

Iyong tipong habang kaming mga kaklase niya ay busy sa pag-aaral, siya naman itong iba ang inaatupag. Hindi kasi ito ang tamang oras para lumandi.

I hate the fact na may mga tao talagang walang pakialam sa mundo. Come what may. Hindi sila nababahala sa kung ano mang pwedeng mangyari bukas. Kahit alam nila'ng may exam.

Napabuntong hininga ako sa kawalan.

Bago pa ako tuluyang mawalan ng gana ngayong gabi ay nagpatuloy nalang ako sa pag-iscroll hanggang sa malampasan ang mga cringey post ni Theo.

I was in the middle of reading something nang may biglang nagpop-up na advertisement na halos sumakop sa buong screen ng laptop ko.

So no choice ako kundi mabasa ang kung anong naroroon.

Are you tired of waiting for Love?

Well, your wait is over.

D******d MATCHED now for free and we'll find the right guy for you.

Find your true love here in MATCHED where Love always win.

Sa unang tingin pa lang ay alam ko nang isang dating application ang pinoprpmote ng advertisement na ito.  But this one I believe is exclusive for gay individuals.

Rainbow colored background, shadows of two mens holding each other. Everything in this ad screams pride. So no doubt, isa nga itong gay dating application.

Bigla akong napalingon sa likuran dahil sa takot na may makakita sa kung anong binabasa ko.

Oo, I'm gay. Pero hindi iyon alam ni Mama. O mas tama sigurong sabihin na hindi iyon alam ng lahat.

Hindi dahil sa kinakahiya ko kung ano ako, kung hindi dahil ayokong madisappoint sa akin si Mama. At tsaka isa pa, ayokong mahusgahan sa school kaya hindi pa ako naga-out na isa akong miyembro ng LGBT community.

Patuloy kong sinuri ang mga detalye tungkol sa App na MATCHED. Nakapagtataka lang dahil never pa kasi akong nagkainteres sa ganitong bagay kasi alam ko namang wala rin akong mapapala dito.

Ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan, may kung anong bagay na tumulak sa akin para kuhananin ang cellphone ko.

Wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko ang App na ito hindi ba?

I searched the MATCHED application on my phone. At nang makita ko na ang logo ng nasabing app ay kaagad kong pinindot ang install button.

...You have successfully installed MATCHED

Ilang saglit pa ay nag appear na sa homepage ng phone ko ang icon ng MATCHED.

Matapos kong itap iyon ay humingi na ito ng mga detalyeng kakailanganin para makagawa ako ng sarili kong account.

Username, password, email address, at kung anu-ano pa ang hini-hingi nito.

Sandali akong napalingon sa aking Laptop. Paano na 'yung pagrereview ko? Mag-aalas dose na ng madaling araw at may ilan pa akong dapat na reviewhin.

Napahinto ako para mag-isip.

Siguro naman ay hindi ako magtatagal sa pagsisign-up dito sa MATCHED at maari pa akong magreview pagkatapos.

Isa-isa kong inilagay ang mga impormasyong hinihingi para makapagsign up sa MATCHED App. Siyempre, dahil walang nakakaalam sa tunay kong kasarian ay minabuti kong umisip ng isang user name, kung saan ay walang makakakilala sa akin.

  

Welcome to MATCHED

User name: pepper_mint08

Password: *******

 

At nang masiguro kong kompleto na ang lahat ng hinihinging detalye ay saka ko pinindot ang sign up button.

Napangiti ako nang kaagad iyong tinanggap ng App at idinako ako sa welcome page.

Welcome to MATCHED, pepper_mint08!

Mahahanap ko nga kaya ang taong nakalaan para sakin sa pamamagitan ng App na ito?

End of Chapter

Bab terkait

  • Boyfriend Hunt   Chapter 2

    EliSuccessful akong nakagawa ng account sa MATCHED application.Pumili ako sa gallery ko ng isang picture kung saan ay nakatalikod ako.Hindi ko alam kung paano magsisimula o kung paano ba ginagamit ang app na ito kaya naman sinubukan ko muna'ng magsearch at mag-follow ng ilang users na sa tingin ko ay pasok sa standard of my interest.Kaya rin siguro tinawag na MATCHED ang app na ito ay dahil sa ito mismo ang hahanap ng guy na 'ka-match' mo, maybe sa personality or base sa kung ano ang mga hilig mo na hilig din niya. Kung baga same taste kayong dalawa.Paano ito nagagawa ng app?Kailangan mo munang ilagay sa profi

  • Boyfriend Hunt   Chapter 3

    EliNatapos na ang exam namin sa subject na Filipino. Grabe, mabuti na lang at nakapagreview ako ng todo dahil medyo madugo at nakakalito 'yung ilan sa mga questions sa exam. Kilala si Professor Alvarez na mahirap gumawa ng test papers na para bang ayaw nito na may nakakapasa sa subject niya. May mga ganitong tipo ng guro kaya mas okay talaga kung mag-aaral ka ng mabuti kaysa umasa lang sa stock knowledge. Ayun, nastock tuloy yung iba sa unang bahagi pa lang ng exam. Ang sabi nga nila, kung sasabak ka sa giyera ay dapat na palagi kang handa. Kung marami kang baong bala ay mas maraming tiyansa rin na may matatamaan ka.After ng exam ay nagkaroon kami ng fifteen minutes break bago sumalang sa susunod pang exam.Nagugutom na rin kasi ako. Kasabay ng pagkatuyot ng utak ko

  • Boyfriend Hunt   Chapter 4

    ELI Eksaktong alas-kwatro ng hapon ay nasa kamay na ng aming Professor ang lahat ng test paper ng huling exam namin for prelims. Nakahinga na ako ng maluwag. Nagpaalam na ang aming Professor at inanunsyong kung kailan namin malalaman ang resulta ng exam. Nang mga oras na lisanin kami ng aming profesor ay napuno ng malakas na ingay ang buong kwarto. Gaya ng inaasahan, kanya-kanyang konsultahan ang bawat isa sa kung anong isinagot nila sa mga items na hindi sila sigurado. Mula sa unahan ay nakita ko ang isang babaeng nagmamadali palapit sa akin. "Uy Eli! Nakuha mo ba yung tamang computation kanina 'dun sa Accounting? Iyong item number 3 ba 'yun? Basta nakakaloka!" Sambit nito sa akin habang hawak-hawak ang isang buong pad kung saan nakalagay 'yung mga computation niya kanina sa subject na Accounting.

  • Boyfriend Hunt   Chapter 5

    Eli Nakarating ako sa bahay bago pumatak ang alas-otso. Medyo late na rin pala. I already texted mom earlier para hindi na siya mag-alala sa akin. She's not strict but sadyang maala-lahanin lang dahil ako ang kaisa-isahan niyang anak. Normal kasing dumi-diretso ako sa bahay pagkatapos ng klase kaya bago pa man mag alas-singko ay karaniwang nasa bahay na ako. Nagkataon lang na nayaya ako ng mga kaklase ko kanina and that was something new to my mom kaya talagang kailangan ko iyong ipaalam sa kanya. "Nandito na po ako Ma." Pagod kong sigaw nang makapasok na ako sa pintuan para iparinig kay Mama ang pagdating ko. Hindi ito sumagot. Wala rin siya sa sala. Siguro'y nasa kusina nanaman siya o kaya'y nagpapahinga na sa kanyang kwarto. "Ma, nandito na ako." pag-uulit ko habang hinuhubad ang medyo mainit-init ko nang black shoes at medyas. Dahil 'ata iyon sa kala-lakad namin ka

  • Boyfriend Hunt   Chapter 6

    Eli "Theo? Theo? Halika na Theo!" Kanina ko pa pilit na gini-gising 'tong si Theo pero mukhang wala nang pag-asang magising pa siya. Nandito pa rin kami ngayon sa isang madilim na eskinita kung saan ko siya dinala. Ilang minuto na ang nakalipas magmula nung matakasan namin 'yung mga gangster na humahabol sa amin kanina. Buti nalang talaga. Kung nagkataon kasi ay baka nadamay pa ako sa pambubugbog ng mga kolokoy na iyon. Ano nanaman kaya'ng kalokohan ang ginawa ng magtotropang' to at bakit sila hinabol ng mga 'yon? Anyway hindi na siguro mahalaga 'yon. Ang importante ay ligtas na siya. Hindi ko lang sigurado ay kung nakatakas din ba iyong mga kaibigan nitong si Theo pero sana ay ayos lang silang lahat. Kinuha ko 'yung phone ko na inipit ko pa kanina sa garter n

  • Boyfriend Hunt   Chapter 7

    EliNagising ako nang maramdamang nananakit ng bahagya ang likuran ko. Gusto ko pa sanang bumalik sa pagtulog pero ngalay na ngalay na talaga ako.Bumangon ako mula sa pagkakahiga at napalingon sa direksyon ng aking kama. Kaya naman pala ako nangangalay. Sa sahig nga pala ako natulog kagabi dahil dinala ko dito sa bahay si Theo.Speaking of Theo, nasaan na pala ang isang 'yon? Wala na kasi siya sa kama ko.Na-ihilamos ko sa mukha ang dalawa kong kamay para kahit papaano'y magising ang aking diwa. "Achh!" Hindi ko maiwasang indahin ang sakit ng likod ko. Halatang hindi sanay matulog sa sahig. Nag-unat ako at humikab. Labag man sa kalooban ay pilit akong tumayo para hanapin kung nasaan ang isa pang sakit sa ulong si T

  • Boyfriend Hunt   Chapter 8

    EliNaglalakad kami ngayon ng kaklase kong si Theo patungo kung saan kami nagkabungguan kagabi. Magba-bakasakali na baka doon nga niya nahulog 'yung cellphone niyang nawawala. Mapilit kasi siya na hanapin pa rin ito dahil may importanteng files daw na naka-save roon. Swerte kung makita pa namin iyon. Sa panahon kasi ngayon, kahit siguro di-pindot pa 'yung cellphone na 'yon ay may papatos pa rin 'don."Hoy ibalik mo yang T-shirt ko pagkalaba mo ha." Masungit kong sabi sa katabi ko. Suot niya kasi 'yung isa sa mga pinaka-paborito kong shirt at halatang feel na feel niya ito habang naglalakad kami. Branded 'yon at isinu-suot ko lang 'yon kapag may importante akong lakad."Ha? Eh pwedeng arbor na lang 'to pre. Pa-remembrance mo na sa akin." Tugon nito sa akin ng nakangiti haba

  • Boyfriend Hunt   Chapter 9

    Eli"Ma, para lang sa tabi!"Naunang bumaba ng jeep si Theo at sumunod naman ako sa kanya. Hindi kami nag-iimikan na dalawa mula pa kanina. Mukhang inis pa rin kasi siya hanggang ngayon dahil sa hindi niya nakita iyong cellphone niya. Kasalanan ko ba 'yon? Kung dahil lang 'don kaya niya ko hindi pinapansin ay napakababaw niya. Kung hindi niya ako iimikan ay hindi ko na lang rin siya iimikan. Tsaka 'pag nakuha niya naman na 'yung bag niya ay babalik na ako sa bahay. Nakapangako lang akong samahan siya kaya tumuloy pa rin ako papunta kana Kenneth kahit naiinis na ako sa kanya. Ilang hakbang lang ang nilakad namin mula sa kanto nang makarating kami sa tapat n

Bab terbaru

  • Boyfriend Hunt   Chapter 40

    THEO"Eli! Please... Gumising ka!"Wala nang malay si Eli nang maiahon ko siya mula sa tubig. Hindi ko alam kung ano bang nangyari sa kanya dahil mag-isa lang siya nang abutan ko at lumulutang. Wala rin akong ideya kung gaano katagal na siyang naroon pero sana lang talaga ay maisalba ko pa ang buhay niya.Hindi na tumitibok ang pulso ni Eli at Wala na siyang hininga."Tulong! Tulungan niyo ako!"Sigaw ko sa palagid pagkatapos ay sinubukan kong i-CPR si Eli.Isinara ko ang ilong niya at ibinukas naman ang kanyang bibig para mabugahan ko iyon ng hangin. Pagkatapos ay ipinatong ko ang dalawa kong kamay sa kanyang dibdib at paulit-ulit iyong diniin.First time ko lang gawin ito sa buong buhay ko dahil hindi pa naman umabot na may kasamahan akong nalunod. I hope I am doing the right thing dahil buhay ni Eli ang

  • Boyfriend Hunt   Chapter 39

    THEOTulala akong bumalik patungong kwarto. Hindi ko alam kung saan nagpunta si Eli. Iniwan niya akong mag-isa sa tabing dagat matapos sabihing wala na akong pag-asa sa kanya.Masakit, subalit kailangan kong irespeto ang desisyon niya.Sinubukan kong baguhin ang isip niya at sinabing kaya ko siyang bigyan ng mas mahabang panahon para pag-isipan ang tungkol sa amin. Subalit mukhang buo na ang desisyon ni Eli na itigil na ang kung anong namamagitan sa pagitan naming dalawa."Oh Pre, anong nangyari? Bakit hindi maipinta iyang mukha mo? Nasaan si Eli?" sunod-sunod na tanong ni Kenneth nang maabutan ko ito sa labas ng room na nirentahan namin."Wala nang pag-asa, Pre." walang gana kong sagot sa kanya saka kinuha ang susi ng kwarto galing sa aking bulsa. Tumabi naman ang kaibigan ko mula sa pinto para mabuksan ko ito."Wait, wha

  • Boyfriend Hunt   Chapter 38

    THEO"Inumin mo ito."Inabutan ko ng kape si Eli para mahimasmasan siya. Makakatulong iyon para mabawasan ang pagsakit ng ulo niya."Salamat." tipid na wika nito."Sinasabi ko na nga ba at hindi mapagkakatiwalaan ang gag*ng iyon. Mabuti na lang at sinundan ko kayo pabalik sa kwarto niyo."Tinabihan ko si Eli na ngayon ay nakaupo sa kama sa loob ng kuwarto namin ni Kenneth.Hindi nagsalita si Eli at humigop lang ito sa tasa ng kapeng ibinigay ko sa kanya."Hays! Sakit nga sa ulo ang tisoy na iyon. Mantakin mo? Nasa loob pala ang kulo niya. Mabuti at hindi siya nagtagumpay sa binabalak niya." sambit naman ng kaibigan kong si Kenneth na nakatayo malapit sa pintuan. Sinisiguro niyang hindi makakapasok dito sa loob 'yong gag*ng si Wildon para puntahan si Eli.Nilingon ko si Kenneth at binigyan

  • Boyfriend Hunt   Chapter 37

    THEO"Napakawalang-hiya talaga ng lalaking iyon. Kung hindi mo lang ako pinigilan kanina ay nabangasan ko na ang mukha ng amerikanong hilaw na iyon! Nakakaasar!" inis kong sabi sa kaibigan ko.Nakacheck-in na kami ni Kenneth dito sa resort kung saan magbabakasyon sina Eli at Wildon.Nang matanggap ko ang mensahe mula kay Eli na magbabakasyon siya kasama si Wildon ay kaagad akong humingi ng pabor kay Kenneth para samahan akong sundan sila.Hindi naman ito tumanggi kaya naghanda na kami kinabukasan para sa araw na ito.Hindi ako nireplyan ni Eli sa mga text ko sa kanya. Hindi ko siya matawagan at hindi ko rin naman siya machat dahil nakadeactivate ang account niya dahil siguro sa pang-eexpose sa kanya ni Yumi sa friendsbook.Halos mabaliw ako sa kakaisip ng paraan para malaman kung saan magbabakasyon sina Eli at Wildon. Wala

  • Boyfriend Hunt   Chapter 36

    EliBiyernes.Maaga akong gumising para magprepare ng mga damit at bagaheng dadalahin ko sa three days and two nights naming bakasyon ni Wildon sa Rio Vellorja's Beach Resort. I really need this right now dahil sa nangyari kahapon. I need to escape from everything na magpapaalala sa akin ng ginawa ni Yumi.Hindi naman siguro masama kung hindi muna ako papasok sa school at nagmessage na rin ako sa mga professor ko sa school na masama ang pakiramdam ko. Hindi ko gawain ito pero mas hindi ko kakayanin ang makita si Yumi at pati na rin si Theo."Ma! Nasaan na 'yung floral kong polo? Iyong pang summer?"Sigaw ko mula sa kwarto. Kasalukuyan kasing nagluluto ngayon si Mama sa kusina nang ibabaon ko sa byahe. Hindi naman na sana kailangan dahil may pagkain naman na kasama sa ticket namin ni Wildon pero makulit itong si Mama."Ay n

  • Boyfriend Hunt   Chapter 35

    TheoWalang gana akong bumalik sa sentro ng park kung saan ang usapan namin na magkita ni Kenneth.It's too late.Gusto ko mang habulin si Eli ay hindi ko iyon ginawa. Kusa siyang sumama kay Wildon. Para saan pa kung pipigilan ko siya? Obvious naman na iniwasan ako ni Eli kanina nang tumakbo itong umiiyak palayo sa akin.Nais ko sanang pagaanin ang loob ni Eli dahil sa ginawa ni Yumi, subalit naunahan na ako ni Wildon. Si Wildon na siyang karibal ko sa puso ni Eli. Gusto ko mang sugurin ang mokong na iyon ay hindi ko nagawa.Hindi ko itatanggi, nasaktan ako ng sobra nang makita kong akay-akay siya ni Wildon patungo sa motor nito.Ilang beses ko nang sinabi kay Eli na hanggat ma-aari ay huwag siyang sumama sa lalaki na iyon. Pero sino nga ba naman ako para diktahan siya. Hindi naman ako ang boyfriend niya. Hindi pa sa ngayo

  • Boyfriend Hunt   Chapter 34

    ELI"Nandito ka lang pala."Napatingala ako sa aking harapan nang marinig ang pamilyar na boses ng isang lalaki.Si Wildon iyon. Suot ang paborito niyang jacket habang bitbit ang kanyang helmet.Napawi ang mga ngiti nito nang nagtagpo ang aming paningin."Wait, are you crying?" kunot noo'ng tanong nito sa akin.Hindi ako sumagot sa kanya bagkus ay pinahid ang mga luhang hindi ko mapigilan sa pagbuhos mula sa aking mga mata."I'm alright, Wildon." wika ko habang inaayos ang aking salamin.Kumuha ako ng tissue mula sa aking bag at ginamit iyon para ayusin ang aking histura.Dahang-dahang kumilos si Wildon mula sa kanyang puwesto at alam kong uupo siya sa tabi ko."I'm sorry to what happened to you, Eli. Kung ano man 'yon, alam kong hindi ka okay ngayon. Nalu

  • Boyfriend Hunt   Chapter 33

    ELIKasalukuyan akong naglalakad sa kahabaan ng hall way papuntang classroom. Gaya ng inaasahan, lahat ng madaanan kong estudyante ay napapalingon sa akin. Sa 4,236 friendsbook friends ni Yumi, paniguradong kalat na sa buong campus iyong pinost niya about sa akin. Thanks to her, ngayon ay pinagpipiyestahan ako ng madla."Look who's here. Grabe, hindi talaga ako makapaniwalang bakla pala siya. Sayang, guwapo pa naman."Nadinig kong bulong ng isang babae sa katabi niya nang mapadaan ako sa harap nila. Sobra naman 'yung tsismisan nilang dalawa. Halatang sadya nilang ipinarinig iyon sa akin.Minabuti ko'ng huwag na lang silang pansinin hanggang sa makarating ako sa room namin. Buong akala ko noo'y nakaraos na ako mula sa kalbaryo ng mga tismisan sa labas nang makapasok na ako sa silid. But guess what? Ang nakabusangot na mukha ni Yumi ang kaagad na su

  • Boyfriend Hunt   Chapter 32

    ELISinabi ko kay Theo ang balak na pakikipag-break ni Yumi sa kanya. He's cool with that dahil mas pabor daw iyon sa kanya. Ang sabi niya, hindi na raw kami mahihirapang umisip ng paraan kung paano siya makikipag break kay Yumi dahil ito na mismo ang tatapos sa relasyon nilang dalawa.Ako lang ba o sadyang hindi talaga patas ang nangyayari para kay Yumi?Alam kong hindi sinasadya ni Theo na umasa sa kanya si Yumi pero hindi ko lang talaga maiwasang makonsensya dahil sa katotohanang ako ang gusto ni Theo at hindi siya.Hawak ko ngayon ang cell phone ko habang nag-i-scroll ng inbox ko sa MATCHED. Matagal na rin akong hindi nagbubukas ng account dito mula ng mameet ko in person si John Smith na si Wildon pala in real life.Napangiti ako sa kawalan. Naalala ko kasi noong paghinalaan ko si Theo na siya si John Smith. Paborito niya kasi ang The

DMCA.com Protection Status