Eli
Normal kasing dumi-diretso ako sa bahay pagkatapos ng klase kaya bago pa man mag alas-singko ay karaniwang nasa bahay na ako. Nagkataon lang na nayaya ako ng mga kaklase ko kanina and that was something new to my mom kaya talagang kailangan ko iyong ipaalam sa kanya.
"Nandito na po ako Ma." Pagod kong sigaw nang makapasok na ako sa pintuan para iparinig kay Mama ang pagdating ko. Hindi ito sumagot. Wala rin siya sa sala. Siguro'y nasa kusina nanaman siya o kaya'y nagpapahinga na sa kanyang kwarto. "Ma, nandito na ako." pag-uulit ko habang hinuhubad ang medyo mainit-init ko nang black shoes at medyas. Dahil 'ata iyon sa kala-lakad namin kanina and believe me, hindi ako sanay sa ganoong katagal na lakaran.
Isang oras kaming nagtagal sa videoke room at halos isa't kalahating oras naman ang iginugol pa namin sa pamamasyal. Gusto ko na sanang mauna noon after naming mag-videoke pero pinigilan ako ni Yumi at hindi hinayaang maka-alis. Huwag 'daw akong kill joy so in the end, wala akong nagawa kundi ang sumama na rin sa next destination nila.
Masayang kasama ang grupo nina Yumi at masasabi kong na-enjoy talaga nila ang friday gimik na iyon. Matapos kasi nilang magkanda-maos-maos kaka-kanta ay nagtungo kami sa kabilang mall kung saan naroon 'yung paborito nilang korean food chain para mag-dinner. Buti nalang at may dala akong extrang pera dahil medyo may kamahalan ang mga pagkain doon. We spent three hundred and ninety-nine pesos, almost four hundred, dahil grill-all-you can ang lahat ng korean foods na nakahain doon. Take note, that is 399 per head at mabigat iyon sa katulad kong estudyante pa lamang. Medyo nanghinayang nga ako sa ibinayad ko dahil hindi naman ako malakas kumain.
After namin magdinner ay pumunta naman kami sa isang park na di kalayuan, kung saan maraming booth na kahalintulad ng mga makikita mo sa malalaking amusement park. Ang kaibahan lang ay walang mga rides doon gaya ng roller coaster at ferris wheel. May shooting booth doon kung saan nakapanalo si Kloyd ng isang malaking teddy bear at ibinagay niya iyon sa kanyang girlfriend.
They seem to enjoy each other's company. Ako lang iyong tahimik sa grupo at everytime na hihikayatin nila akong i-try gawin 'yung mga ginagawa nila ay tumatanggi ako, at salamat dahil nirerespeto naman nila 'yon at hindi na ako pinilit.
I don't know.
Hindi ko alam kung ano bang mali sa akin ng mga panahong iyon. May hindi tama kasi parang wala akong kagana-gana kahit ang sasaya nila kasama. Ini-isip ko nga na kaya siguro hindi ako makasabay sa trip nila ay dahil kaki-kilala ko pa lang ng pormal sa kanilang grupo. Hindi naman kasi ako ganoong ka-vain dahil alam ko sa sarili ko na sumaya rin naman ako sa bonding na iyon kahit papaano. Masaya ako habang pinanonood kung gaano sila magkulitan sa isa't-isa.
Ang hindi ko talaga maunawaan ay kung bakit ang bigat-bigat ng mood ko sa bawat paglipat namin ng lugar na pupuntahan. Something is bothering me at hindi ko matumpak kung ano iyon.
Hays.
Gimik after exams. That was a very long day.
Kusa akong idinako ng aking mga paa patungo sa mahaba naming sofa at doon ako nagpasyang mahiga. Maging ang dalawa kong binti na kanina pa nanga-ngatog sa pagod ay gusto na ring magpahinga.
"Aw." napakagat ako sa aking labi matapos makaramdam ng kirot sa bandang likuran. Nakakangalay. Pakiramdam ko'y lalagnatin ako sa sakit ng aking katawan.
I need to rest a little bit bago ako aakyat sa itaas.
"Oh 'nak! Andiyan ka na pala. Anong ginagawa mo diyan sa sala at para kang nalugi sa itsura mo? Napa'no ka ba?" Mula sa kusina ay biglang sumulpot sa harapan ko si Mama. May hawak pa siyang sandok at siguro'y may inilu-luto siyang pagkain.
Umayos ako sa pagkakahiga at dahan-dahang naupo para bigyan ng espasyo si Mama. Napapikit ako nang maramdamang muli 'yung kirot sa aking likuran.
"Wala naman, Ma. Nangangalay lang itong likod ko." Sagot ko kay mama habang pinipisil ang medyo masakit na muscle sa likod ko.
Wala nang sinabi si mama pabalik pero nagulat ako nung iniharap niya ang likuran ko sa kanya. Ibinaba niya 'yung hawak niyang sandok at pagkatapos ay nagsimula siyang hagurin ang aking likuran mula sa bandang ibaba-pataas sa aking balikat.
Ang sarap sa pakiramdam. Hindi ko alam na may talent pala si Mama sa pagmamasahe.
Effective 'yung ginawang panghihilot sa akin ni mama. Unti-unting nawala 'yung kirot sa aking likuran hanggang sa bumagal ang paghagod dito ni Mama. "Ayan, tapos na." Sambit nito kasabay ng pagtigil ng kanyang mga kamay.
"Thanks Ma! You're the best Mom ever talaga!" Masaya kong sabi dito habang inu-unat ang aking balikat.
"Aysus! Nang-uto ka pang bata ka. Sumunod ka nalang sa akin dito sa kusina at may inihanda akong white pasta para sa'yo." Sambit ni mama at pagkatapos ay kinuhang muli ang inilapag niyang sandok.
"Ma, nag-dinner na kami kanina eh. Busog na po ako." Sagot ko kay Mom.
"Eh paano 'yon? Masasayang lang 'yung niluto ko kung hindi mo iyon kakainin 'nak." Kumunot ang noo nito nang malamang hindi na ako maka-kakain ng pasta'ng niluto niya. Favorite ko kasi ang carbonara kaya siguro ay nagtataka siya kung bakit tinatanggihan ko ito.
"Ma, busog na po talaga ako eh. Mas masasayang 'yan kung isusuka ko lang rin." I replied to her. Tumayo na rin ako pagkatapos ay dinampot ang aking bag.
Mom pouted her lips bago siya nagsalitang muli. "O siya sige. Ilalagay ko nalang iyon sa ref para hindi mapanis kaagad. Nako kang bata ka talaga!" pailing-iling nitong sabi bago siya nagtungong muli papunta sa kusina.
Nagpaalam na rin ako sa kanya at dumiretso na sa aking kwarto para makapagpalit ng komportableng damit. I usually wear pajamas during Friday dahil presko ito sa katawan. Magiging mahaba kasi ang tulog ko ngayon dahil walang pasok bukas.
After kong magbihis ay naupo ako sa study table at binuksan ang aking laptop. Nagpunta ako sa friendsbook at automatic na lumabas doon ang profile ko. Hindi ko na kasi ito nilalog-out dahil ako lang naman ang gumagamit nitong laptop.
Nang magcheck ako ng notifications ay may nakita ako roong isang tag request.
Mayumi Faith Sandoval requested to tag you on a post. To add this to your timeline, go to Timeline Review..
Galing iyon kay Yumi.
Nang i-click ko 'yung link ay napunta ako sa post ni Yumi. Kuha iyon ng mga litrato namin kanina. Nakatag na rin dito 'yung iba pa naming kasama na hindi ko pa naman friend dito sa friendsbook. Mayroon na itong Twenty-three likes while it was posted just five minutes ago. May pagka-famous rin pala ito'ng si Yumi.
I accepted her request to tag me on her post then tiningnan ko 'yung mga photos na in-upload niya. Fifteen in total 'yung mga pictures pero sa apat na kuha lang ako kasama. I saw myself na nakangiti doon sa mga shots pero hindi naman ako mukhang masaya. Unlike sa mga kasama ko na natural 'yung pagkakangiti nila. Halatang masaya talaga sila.
Napabuntong hininga ako.
Nagpasya akong idownload 'yung isang malinaw na kuha galing sa post ni Yumi. Gusto ko rin sanang mag-update ng status ang kaso ay wala naman akong nakuhang picture gamit ang phone ko. Paano ba naman kasi'y nalowbat na ako pagkatapos itext si Mama, at malas dahil iniwan kong nakacharge sa bahay 'yung power bank ko kaya hindi ko na ito nagamit. Thanks to Yumi dahil mahilig rin siyang magte-take ng picture.
Nang mai-save ko ang litrato sa aking laptop ay bumalik na ako sa profile ko. Nagtype ako ng simpleng caption sa picture at pagkatapos ay ipinost ko na ito.
Eli Montemayor
Chillin' after exams.
posted just nowHindi na ako nagtag ng kahit na sino dahil si Yumi lang naman 'yung friend ko sa friendsbook, doon sa mga kasama ko kanina.
Habang nakatingin pa rin ako sa picture na inupload ko ay biglang may nagreact ng love dito. Iyon ang unang reaction sa post ko and for unknown reason ay natigilan ako nung makitang galing iyon kay Theo.
Hindi ba't nakikipag inuman ang isang ito sa bahay nina Kenneth?
Well, wala naman akong sinabing bawal mag online kapag nag-iinom. Nakakapagtaka lang kasi.
Wala pang isang minuto ang nakakalipas nang biglang lumabas sa notification ko ang isang comment galing din mula sa kanya.
I love you.
Nang mabasa ko ang comment niyang iyon ay kamuntikan na akong malag-lag sa aking kina-uupuan. Mabilis kong inilapit ang mukha ko sa screen para makumpirma kung tama ba iyong nabasa ko.
I love you.
What the f!?
Anong 'I love you'? Lasing na ata itong si Theo kaya kung anu-anong pinagkoko-comment niya!
Kaagad kong binuksan ang chat box namin ni Theo para tanungin sana siya kung anong ibigsabihin niyon pero bago pa man ako makapagtype ay may nauna nang nag-pop up na chat galing kay Yumi.
Mayumi Faith Sandoval
Eli!
Pakidelete nu'ng comment ni Theo sa picture natin!Hays! Wala pang dapat makaalam ng tungkol sa amin.seen 8:46 pmAnyway, maa-ari ngang siya 'yung tinutukoy ni Theo dahil sa nililigawan siya nito. Isinara ko nalang 'yung chat box namin ni Theo at nagreply pabalik kay Yumi.
Eli Montemayor
Ahh. Nagulat nga ako kasi nag-heart at I love you siya sa picture natin. Hayaan mo aalisin ko nalang yung comment niya. Baka kasi lasing na 'yun kaya kung anu-ano na ang nagagawa.
sent 8:49 pmMayumi Faith Sandoval
O sige Eli. Baka kasi may iba pang makakita at kung anong isipin nila. Thanks!
seen 8:52 pmAt kagaya ng hinihiling ni Yumi ay binura ko na 'yung comment ni Theo sa picture. Mukha kasing mas problemado pa siya kesa sa akin kahit kung tutuusin ay hindi naman siya naka-tag roon. There's no hint na para sa kanya ang comment na iyon.
Alangan namang para sa iyo 'yon Eli?
Yuck! I quickly snapped from the idea that came through my mind. Sobrang labo na para sa akin ang comment na iyon. Huwag nang umasa. Siguro'y nakita nga ni Theo si Yumi sa picture kaya siya nagcomment ng ganon.
Maglolog-out na sana ako sa friendsbook nang biglang may bagong notification na lumabas.
John Theodore Velasco was live.
At imbes na mag-log out ay may kung anong nagtulak sa akin para i-click ang notification na iyon.
I saw Theo's face on screen. Hawak niya 'yung cellphone habang nakatutok 'yung front camera sa kaniya. He's with his friends na sa siguro'y mga kainuman niya. Mukha na silang mga lasing at hindi ko maintindihan ang sinasabi nila sa video. Sobrang ingay. Mukhang wala na rin sila sa bahay nila Kenneth. Madilim kasi sa paligid pero mapapansing may mga street lights sa bandang likuran nila at sa tingin ko'y naglalakad sila sa gitna ng kalsada.
Patuloy sa pagsasalita ang hindi ko maintindihang si Theo nang biglang lumikot ang paligid nang pinapanood kong video. Para bang nagsimula silang magsi-takbuhan. Lumakas ang sigawan sa video at napansin kong may humahabol sa kanila. There's something wrong. Naka-live ang video sa friendsbook kung kaya't sari-saring reaction ang dumagsa rito.
Theo and his friends are in trouble.
Patulo'y kong pinanood 'yung video hanggang sa unti-unting nahiwalay si Theo sa mga kasamahan niya. Nasa likod pa rin niya 'yung ilan sa mga kalalakihang nakasunod sa kanila kanina, ngunit ang mas ikinabahala ko ay nang makitang may dala-dala na itong mga pamalo.
Kinuha ko mula sa pagkaka-charge ang aking cellphone at dali-daling bumaba. Hindi na ako nakapagpaalam kay Mama at dumiretso na sa labas.
I think I know where they are. Nahagip kasi sa video 'yung isa sa pinupuntahan kong store na apat na kanto lang ang layo mula sa bahay.
Habang tumatakbo patungo sa kinaroroonan nina Theo ay nagbukas ako ng mobile data. Buti nalang ay nakalive pa rin si Theo pero hindi na ito nakaharap sa kanya. Siguro'y wala itong kaalam-alam na nakavideo pa rin hanggang ngayon ang nangyayari.
Binilisan ko ang paagtakbo nang marealize na nakapajama pa pala ako habang naka tsinelas. Sa kakamadali ay hindi na ako nakapagpalit ng tshirt at shorts, pero hayaan mo na. Hindi ko nalang iyon binigyang pansin at nagpatuloy sa mabilis na pagtakbo.
I was catching my breathe.
Hanggang sa makarating ako sa ika-apat na kanto at doon ay nakabunggo ko ang taong pakay ko.
Sa lakas ng impact ng pagkakatama namin sa isa't-isa ay parehas kaming natumba. Nakita ko ang nakaupo na rin sa kalsada na si Theo at nakapikit. Tila ba'y nahilo sa pagkakataob niya. Napalakas rin ang pagtuon ko sa aking kanang kamay at pakiramdam ko'y may nabaling buto dito.
Hindi ko na iyon ininda at itinayo ang wala na yata sa huwisyong si Theo.
Naalala kong may mga humahabol nga pala sa kanya at nang lingunin ko ang daang pinanggalingan nito ay doon ko nakita ang apat na kalalakihang papalapit na rin sa direksyon namin. Sila 'yung apat na lalaking nakita ko sa video kanina kaya mas kinabahan ako. Mukha silang mga gangster! Malalaki ang hawak nilang pamalo at tiyak na mabubugbog kaming dalawa kung sakaling maabutan nila.
"Theo, tara na!"
Kahit nabibigatan ay pilit kong inakay ang amo'y alak na si Theo at dinala ito patungo sa isang madilim na eskinita kung saan kami pwedeng magtago. I know this place very well because I live here, at mabuti nalang dahil alam ko ang mga pasikot-sikot rito.
Nasa likod kami ngayon ng isang poste. Ini-ayos ko ng upo si Theo habang inaantay kong makalagpas 'yong mga humahabol sa amin. Grabe. Hindi ko inakalang papasukin ko ang ganitong klase ng gulo. Nakakakaba!
Nang marinig ko ang mga yabag ng mga kalalakihang humahabol sa amin ay tsaka ako nagmadaling umupo sa tabi ni Theo. Sandali akong nagpigil ng hininga para makaiwas sa paggawa ng ingay. I looked at Theo. Kahit madilim ay naa-aninag ko ang pawisan pero makinis pa rin niyang mukha. Kapansin-pansin rin ang mahahaba niyang pilik-mata dahil nakapikit pa rin ito hanggang ngayon.
Unti-unting naglaho 'yung ingay na nagmumula 'dun sa mga gangster. Mukhang nakalayo na sila kaya pasimple akong sumilip mula sa likod ng poste para tingnan ang paligid.
Mukhang nakalagpas na nga sila at ito na ang tamang panahon para makatakas kami.
Agad akong humarap kay Theo pero mukhang tuluyan na itong nawalan ng malay. I gently tap his face para subukan siyang gisingin subalit ungot lang isinasagot nito sakin.
"Huy Theo, tumayo ka na dyan please. Baka maabutan pa nila tayo o. Sige na." pangungulit ko pa dito pero hindi naman ito umi-imik.
"Hmm, hmm..."
Juicecolored mababaliw na ata ako. Please help.
Ano nang gagawin ko dito sa isang 'to.
End of chapter
Eli "Theo? Theo? Halika na Theo!" Kanina ko pa pilit na gini-gising 'tong si Theo pero mukhang wala nang pag-asang magising pa siya. Nandito pa rin kami ngayon sa isang madilim na eskinita kung saan ko siya dinala. Ilang minuto na ang nakalipas magmula nung matakasan namin 'yung mga gangster na humahabol sa amin kanina. Buti nalang talaga. Kung nagkataon kasi ay baka nadamay pa ako sa pambubugbog ng mga kolokoy na iyon. Ano nanaman kaya'ng kalokohan ang ginawa ng magtotropang' to at bakit sila hinabol ng mga 'yon? Anyway hindi na siguro mahalaga 'yon. Ang importante ay ligtas na siya. Hindi ko lang sigurado ay kung nakatakas din ba iyong mga kaibigan nitong si Theo pero sana ay ayos lang silang lahat. Kinuha ko 'yung phone ko na inipit ko pa kanina sa garter n
EliNagising ako nang maramdamang nananakit ng bahagya ang likuran ko. Gusto ko pa sanang bumalik sa pagtulog pero ngalay na ngalay na talaga ako.Bumangon ako mula sa pagkakahiga at napalingon sa direksyon ng aking kama. Kaya naman pala ako nangangalay. Sa sahig nga pala ako natulog kagabi dahil dinala ko dito sa bahay si Theo.Speaking of Theo, nasaan na pala ang isang 'yon? Wala na kasi siya sa kama ko.Na-ihilamos ko sa mukha ang dalawa kong kamay para kahit papaano'y magising ang aking diwa. "Achh!" Hindi ko maiwasang indahin ang sakit ng likod ko. Halatang hindi sanay matulog sa sahig. Nag-unat ako at humikab. Labag man sa kalooban ay pilit akong tumayo para hanapin kung nasaan ang isa pang sakit sa ulong si T
EliNaglalakad kami ngayon ng kaklase kong si Theo patungo kung saan kami nagkabungguan kagabi. Magba-bakasakali na baka doon nga niya nahulog 'yung cellphone niyang nawawala. Mapilit kasi siya na hanapin pa rin ito dahil may importanteng files daw na naka-save roon. Swerte kung makita pa namin iyon. Sa panahon kasi ngayon, kahit siguro di-pindot pa 'yung cellphone na 'yon ay may papatos pa rin 'don."Hoy ibalik mo yang T-shirt ko pagkalaba mo ha." Masungit kong sabi sa katabi ko. Suot niya kasi 'yung isa sa mga pinaka-paborito kong shirt at halatang feel na feel niya ito habang naglalakad kami. Branded 'yon at isinu-suot ko lang 'yon kapag may importante akong lakad."Ha? Eh pwedeng arbor na lang 'to pre. Pa-remembrance mo na sa akin." Tugon nito sa akin ng nakangiti haba
Eli"Ma, para lang sa tabi!"Naunang bumaba ng jeep si Theo at sumunod naman ako sa kanya. Hindi kami nag-iimikan na dalawa mula pa kanina. Mukhang inis pa rin kasi siya hanggang ngayon dahil sa hindi niya nakita iyong cellphone niya. Kasalanan ko ba 'yon? Kung dahil lang 'don kaya niya ko hindi pinapansin ay napakababaw niya. Kung hindi niya ako iimikan ay hindi ko na lang rin siya iimikan. Tsaka 'pag nakuha niya naman na 'yung bag niya ay babalik na ako sa bahay. Nakapangako lang akong samahan siya kaya tumuloy pa rin ako papunta kana Kenneth kahit naiinis na ako sa kanya. Ilang hakbang lang ang nilakad namin mula sa kanto nang makarating kami sa tapat n
Eli Nakapila kami ngayon ni Theo sa may McJolly para umorder ng makakain. Marami kaming pinagpilian na ibang store pero mas okay kasi sa akin ang pagkain dito. The best kaya ang McJolly chicken, lalo na 'yung spicy. Dito rin pala 'yung McJolly na kinainan ko ng lunch kahapon kaya nagpalinga-linga ako para tingnan kung nakaduty na ba si Wildon. Hindi kasi ako sigurado kung may pasok siya ngayon dahil nagkasalubong kami sa tindahan kanina. "Anong order mo?" Tanong sa akin ni Theo na nakapila sa unahan ko. Medyo may kahabaan 'yung pila dahil saktong lunch time na ngayon.Tumingala pa rin ako sa menu kahit sigurado na akong chicken joy ang gusto ko. Libre daw 'to ni Theo kaya susulitin ko na. Gusto ko rin kasi kumain ng large fries
EliBuong araw akong nagkulong sa kwarto matapos ang nangyari kahapon. Magkikita na sana kami ni John Smith eh. Makikilala ko na sana siya ng personal. Kung hindi lang sumulpot si Yumi ay baka may lakad ulit ako ngayong hapon.Nakangiti. Masaya. Inspired. In love?Ganoon siguro 'yung mood ko sa mga oras na 'to kung hindi lang nasira ang lahat. It was a total messed up.Somehow nainis ako sa timing ng pagdating ng kaklase ko, but I'm not blaming her dahil wala naman siyang kamalay-malay na may kikitain ako kahapon. It wasn't her fault at all. It's just that ayokong malaman ni Yumi na may kikitain akong guy sa lugar na 'yon kaya mas pinili kong ilayo siya doon. Ayokong paghinalaan niya ang pagkatao ko kung sakaling maabutan niya si John Smith na kameet up ko. Pwed
Eli Nanlaki ang mga mata ko ng aminin ni Theo na si Wildon ang dahilan kung bakit niya ako iniwan kahapon sa McJolly. Hindi ko pa rin maunawaan kung paanong nadamay si Wildon sa inakto niya kahapon. "Ha? Paanong naging mayabang si Wildon, eh tinulungan na nga ko 'nung tao?" Tanong ko ulit sa kanya na medyo nalilito at di masundan ang ibig pakahulugan ni Theo. Hindi ko kasi magets kung paano niya nasabing mayabang si Wildon. "Tss. Hindi mo ba nakita kung paano niya ako tingnan kahapon, Pre? Halatang mayabang at nakakalalaki ang isang 'yon kaya napipikon ako sa tuwing nakikita ko siya. Tsaka ako ang kasama mo kahapon tapos parati na lang siyang sumusulpot... Sabihin mo, kaibigan mo ba talaga ang isang iyon o
EliHuminto ang tricycle na sinakyan namin sa tapat ng super market kung saan madalas mamili ng groceries si Mama. Mabuti na lang at mabilis ang paandar ni Manong driver kaya nakarating kaagad kami. Kanina pa kasi ako ilang na ilang sa katabi kong si Theo. Kahit pilit kong iniiwas na madikit ang braso at binti ko sa kanya ay nagtatama pa rin iyon sa tuwing may madaraanan kaming humps o di kaya ay malubak na kalsada."Eto pong bayad, kuya."Nag-abot ako ng dalawang ten peso coin kay manong bilang pamasahe namin ni Theo. Kukuhanin na sana 'yon ng tricycle driver nang bigla itong hawiin ng katabi ko."Ako na pre, itabi mo na lang muna yan." Sabi nito sabay abot ng hawak niyang twenty pesos na papel kay Manong driver.Hindi na ako nakipagtalo at ibinalik na lang sa bulsa 'yung hawak kong barya.Nang tuluyan na kaming
THEO"Eli! Please... Gumising ka!"Wala nang malay si Eli nang maiahon ko siya mula sa tubig. Hindi ko alam kung ano bang nangyari sa kanya dahil mag-isa lang siya nang abutan ko at lumulutang. Wala rin akong ideya kung gaano katagal na siyang naroon pero sana lang talaga ay maisalba ko pa ang buhay niya.Hindi na tumitibok ang pulso ni Eli at Wala na siyang hininga."Tulong! Tulungan niyo ako!"Sigaw ko sa palagid pagkatapos ay sinubukan kong i-CPR si Eli.Isinara ko ang ilong niya at ibinukas naman ang kanyang bibig para mabugahan ko iyon ng hangin. Pagkatapos ay ipinatong ko ang dalawa kong kamay sa kanyang dibdib at paulit-ulit iyong diniin.First time ko lang gawin ito sa buong buhay ko dahil hindi pa naman umabot na may kasamahan akong nalunod. I hope I am doing the right thing dahil buhay ni Eli ang
THEOTulala akong bumalik patungong kwarto. Hindi ko alam kung saan nagpunta si Eli. Iniwan niya akong mag-isa sa tabing dagat matapos sabihing wala na akong pag-asa sa kanya.Masakit, subalit kailangan kong irespeto ang desisyon niya.Sinubukan kong baguhin ang isip niya at sinabing kaya ko siyang bigyan ng mas mahabang panahon para pag-isipan ang tungkol sa amin. Subalit mukhang buo na ang desisyon ni Eli na itigil na ang kung anong namamagitan sa pagitan naming dalawa."Oh Pre, anong nangyari? Bakit hindi maipinta iyang mukha mo? Nasaan si Eli?" sunod-sunod na tanong ni Kenneth nang maabutan ko ito sa labas ng room na nirentahan namin."Wala nang pag-asa, Pre." walang gana kong sagot sa kanya saka kinuha ang susi ng kwarto galing sa aking bulsa. Tumabi naman ang kaibigan ko mula sa pinto para mabuksan ko ito."Wait, wha
THEO"Inumin mo ito."Inabutan ko ng kape si Eli para mahimasmasan siya. Makakatulong iyon para mabawasan ang pagsakit ng ulo niya."Salamat." tipid na wika nito."Sinasabi ko na nga ba at hindi mapagkakatiwalaan ang gag*ng iyon. Mabuti na lang at sinundan ko kayo pabalik sa kwarto niyo."Tinabihan ko si Eli na ngayon ay nakaupo sa kama sa loob ng kuwarto namin ni Kenneth.Hindi nagsalita si Eli at humigop lang ito sa tasa ng kapeng ibinigay ko sa kanya."Hays! Sakit nga sa ulo ang tisoy na iyon. Mantakin mo? Nasa loob pala ang kulo niya. Mabuti at hindi siya nagtagumpay sa binabalak niya." sambit naman ng kaibigan kong si Kenneth na nakatayo malapit sa pintuan. Sinisiguro niyang hindi makakapasok dito sa loob 'yong gag*ng si Wildon para puntahan si Eli.Nilingon ko si Kenneth at binigyan
THEO"Napakawalang-hiya talaga ng lalaking iyon. Kung hindi mo lang ako pinigilan kanina ay nabangasan ko na ang mukha ng amerikanong hilaw na iyon! Nakakaasar!" inis kong sabi sa kaibigan ko.Nakacheck-in na kami ni Kenneth dito sa resort kung saan magbabakasyon sina Eli at Wildon.Nang matanggap ko ang mensahe mula kay Eli na magbabakasyon siya kasama si Wildon ay kaagad akong humingi ng pabor kay Kenneth para samahan akong sundan sila.Hindi naman ito tumanggi kaya naghanda na kami kinabukasan para sa araw na ito.Hindi ako nireplyan ni Eli sa mga text ko sa kanya. Hindi ko siya matawagan at hindi ko rin naman siya machat dahil nakadeactivate ang account niya dahil siguro sa pang-eexpose sa kanya ni Yumi sa friendsbook.Halos mabaliw ako sa kakaisip ng paraan para malaman kung saan magbabakasyon sina Eli at Wildon. Wala
EliBiyernes.Maaga akong gumising para magprepare ng mga damit at bagaheng dadalahin ko sa three days and two nights naming bakasyon ni Wildon sa Rio Vellorja's Beach Resort. I really need this right now dahil sa nangyari kahapon. I need to escape from everything na magpapaalala sa akin ng ginawa ni Yumi.Hindi naman siguro masama kung hindi muna ako papasok sa school at nagmessage na rin ako sa mga professor ko sa school na masama ang pakiramdam ko. Hindi ko gawain ito pero mas hindi ko kakayanin ang makita si Yumi at pati na rin si Theo."Ma! Nasaan na 'yung floral kong polo? Iyong pang summer?"Sigaw ko mula sa kwarto. Kasalukuyan kasing nagluluto ngayon si Mama sa kusina nang ibabaon ko sa byahe. Hindi naman na sana kailangan dahil may pagkain naman na kasama sa ticket namin ni Wildon pero makulit itong si Mama."Ay n
TheoWalang gana akong bumalik sa sentro ng park kung saan ang usapan namin na magkita ni Kenneth.It's too late.Gusto ko mang habulin si Eli ay hindi ko iyon ginawa. Kusa siyang sumama kay Wildon. Para saan pa kung pipigilan ko siya? Obvious naman na iniwasan ako ni Eli kanina nang tumakbo itong umiiyak palayo sa akin.Nais ko sanang pagaanin ang loob ni Eli dahil sa ginawa ni Yumi, subalit naunahan na ako ni Wildon. Si Wildon na siyang karibal ko sa puso ni Eli. Gusto ko mang sugurin ang mokong na iyon ay hindi ko nagawa.Hindi ko itatanggi, nasaktan ako ng sobra nang makita kong akay-akay siya ni Wildon patungo sa motor nito.Ilang beses ko nang sinabi kay Eli na hanggat ma-aari ay huwag siyang sumama sa lalaki na iyon. Pero sino nga ba naman ako para diktahan siya. Hindi naman ako ang boyfriend niya. Hindi pa sa ngayo
ELI"Nandito ka lang pala."Napatingala ako sa aking harapan nang marinig ang pamilyar na boses ng isang lalaki.Si Wildon iyon. Suot ang paborito niyang jacket habang bitbit ang kanyang helmet.Napawi ang mga ngiti nito nang nagtagpo ang aming paningin."Wait, are you crying?" kunot noo'ng tanong nito sa akin.Hindi ako sumagot sa kanya bagkus ay pinahid ang mga luhang hindi ko mapigilan sa pagbuhos mula sa aking mga mata."I'm alright, Wildon." wika ko habang inaayos ang aking salamin.Kumuha ako ng tissue mula sa aking bag at ginamit iyon para ayusin ang aking histura.Dahang-dahang kumilos si Wildon mula sa kanyang puwesto at alam kong uupo siya sa tabi ko."I'm sorry to what happened to you, Eli. Kung ano man 'yon, alam kong hindi ka okay ngayon. Nalu
ELIKasalukuyan akong naglalakad sa kahabaan ng hall way papuntang classroom. Gaya ng inaasahan, lahat ng madaanan kong estudyante ay napapalingon sa akin. Sa 4,236 friendsbook friends ni Yumi, paniguradong kalat na sa buong campus iyong pinost niya about sa akin. Thanks to her, ngayon ay pinagpipiyestahan ako ng madla."Look who's here. Grabe, hindi talaga ako makapaniwalang bakla pala siya. Sayang, guwapo pa naman."Nadinig kong bulong ng isang babae sa katabi niya nang mapadaan ako sa harap nila. Sobra naman 'yung tsismisan nilang dalawa. Halatang sadya nilang ipinarinig iyon sa akin.Minabuti ko'ng huwag na lang silang pansinin hanggang sa makarating ako sa room namin. Buong akala ko noo'y nakaraos na ako mula sa kalbaryo ng mga tismisan sa labas nang makapasok na ako sa silid. But guess what? Ang nakabusangot na mukha ni Yumi ang kaagad na su
ELISinabi ko kay Theo ang balak na pakikipag-break ni Yumi sa kanya. He's cool with that dahil mas pabor daw iyon sa kanya. Ang sabi niya, hindi na raw kami mahihirapang umisip ng paraan kung paano siya makikipag break kay Yumi dahil ito na mismo ang tatapos sa relasyon nilang dalawa.Ako lang ba o sadyang hindi talaga patas ang nangyayari para kay Yumi?Alam kong hindi sinasadya ni Theo na umasa sa kanya si Yumi pero hindi ko lang talaga maiwasang makonsensya dahil sa katotohanang ako ang gusto ni Theo at hindi siya.Hawak ko ngayon ang cell phone ko habang nag-i-scroll ng inbox ko sa MATCHED. Matagal na rin akong hindi nagbubukas ng account dito mula ng mameet ko in person si John Smith na si Wildon pala in real life.Napangiti ako sa kawalan. Naalala ko kasi noong paghinalaan ko si Theo na siya si John Smith. Paborito niya kasi ang The