ELI
Eksaktong alas-kwatro ng hapon ay nasa kamay na ng aming Professor ang lahat ng test paper ng huling exam namin for prelims.
Nakahinga na ako ng maluwag.
Nagpaalam na ang aming Professor at inanunsyong kung kailan namin malalaman ang resulta ng exam.
Mula sa unahan ay nakita ko ang isang babaeng nagmamadali palapit sa akin.
"Uy Eli! Nakuha mo ba yung tamang computation kanina 'dun sa Accounting? Iyong item number 3 ba 'yun? Basta nakakaloka!" Sambit nito sa akin habang hawak-hawak ang isang buong pad kung saan nakalagay 'yung mga computation niya kanina sa subject na Accounting.
Siya si Yumi. She is also running as a top student sa aming section. Hindi ko siya gaanong kaclose pero siya ang mahigpit kong katunggali pagdating sa academics. Don't get me wrong dahil we don't hate each other. Mabait itong si Yumi and I can say that she's a good academic rival. Hindi ko nga inakala noong una na matalino pala siya dahil siya ang pinakamaingay sa amin at naoo-eyan na 'yung ibang tao sa kanya. O sige na, isama niyo na rin ako pero hindi ibig sabihin 'non ay ayaw ko sa kanya. She's a good person at masasabi kong isa siya sa maituturing kong kaibigan dito sa school, but not that so-called-friend na palagi kong kasama. Basta nakakausap ko lang siya kapag ang pag-uusapan ay may kinalaman sa school matter at academics.
"Ahh, sa totoo lang ay hindi ko na matandaan 'yung mga sagot ko sa Accounting Yumi. Alam mo namang bobo ako sa Math hindi ba?" Medyo nahihiya kong tugon sa kanya habang nakakamot sa ulo. Hindi ko naman kasi idedeny na mahina ako pagdating sa mga computations na iyan. Basta may mga number at find the x and y na ang problem ay hirap akong intindihin.
"Hala siya! Huwag ka ngang ano diyan! Palagi mo namang sinasabi na hindi ka magaling sa Math pero kapag nandyan na iyung result ng test ay halos magkaparehas lang ang iskor nating dalawa. Ikaw ha. Alam ko namang matalino ka kaya 'wag mong palaging ibinababa ang sarili mo." Pagalit ni Yumi sa akin habang nakahaba ang kaniyang nguso kaya naman napangiti ako nang bahagya dito habang umi-iling.
"Huy, tiyamba lang iyon ano!" Sagot ko sa kanya.
"Weh? Anong tiyamba? eh bakit naka ilang ulit nang nangyari kung tiyamba lang 'yun? Sige nga? Huwag ka ngang pa-humble dyan uy!" Halata ang pagiging competitive nitong si Yumi sa pangdedead-end niya sa akin.
Umiling na lang ako sa kanya. Hindi na kasi ako makahanap ng isasagot pa sa kanya.
Totoo naman kasing mahina ako sa Math at hindi ko alam kung bakit minsa'y nakakakuha pa ako ng mataas na iskor sa exam.
"Anyway may plano ka bang gawin mamaya? May balak kasi kaming magvideoke nina Lenny mamaya kasama 'yung tropa. Tutal Friday naman ngayon at walang pasok bukas ay gusto sana naming makapaglibang after exams. Alam mo na, para iwas stress." Anyaya sa akin ni Yumi at lumingon sa mga kasamahan niyang nakaupo rin sa bandang unahan. I just know those blocks by their names kasi nga ay loner ako. "Ano? Sama ka?" she added.
Wala ako sa mood sumama pero wala naman din kasi akong maala-lang gagawin mamaya. Nag-iisip pa ako ng isasagot noon kay Yumi nang biglang may sumingit sa usapan naming dalawa.
"Videoke? Ang baduy! Gusto mong sa'min na lang sumama pre? Magsho-shot kami sa bahay nina Kenneth mamaya at mas mage-enjoy tayo roon panigurado." Nakangising sabi nito sabay tapik sa katabi nitong si Kenneth. "Diba pre?"
That's Theo.
Nagyayayang mag inuman sa bahay ng isa pa naming kaklase.
Kung susumahin ay puro boys ang nakaupo dito sa likurang pwesto ko kung kaya't kalimitan ay sila-sila rin ang palaging magkakasama. Sila 'yung tipikal na boys at the back pero hindi sila kasing bulakbol gaya ng ibang magtotropa.
Basically, I don't belong to their group dahil hindi ko trip ang kung ano mang trip nila sa buhay. You know. I'm gay at hindi nila alam iyon. Tahimik lang ako dito sa likod at may pagkasuplado kaya rin siguro'y wala na lang sa kanila kung tinatanggihan ko ang madalas nilang pagyayaya sa akin.
Oo, maraming beses na nagyayaya itong si Theo na sumama ako sa kanilang inuman pero never pa akong sumama. Hindi rin naman kasi ako pwedeng basta-bastang sumama sa kanila dahil hindi naman nila alam na bakla ako. Mahirap na, baka mabisto pa ako.
"Ah eh, naka-oo na kasi ako dito kay Yumi, pre." Ang sagot ko kay Theo kahit ang totoo'y ayaw ko namang sumama sa kahit sino sa kanila. Naki-'pre' narin ako sa kanya kahit labag ito sa aking kalooban. "Next time na lang siguro pre, basta sabihan mo na lang ako." Dagdag ko pa sa kanya at mabilis na iniligpit ang aking gamit tsaka tumayo.
"Ah ganon ba 'pre. O sige, ikaw ang bahala. Basta next time ha, no more excuses at sasama ka sa amin." Tugon nito na may bakas ng kasiguraduhan. Tila ba hindi na ako makakatakas pa sa susunod nilang pagyayaya.
Hindi na ako nagsalita pa at tumango nalang sa kanya.
Lumabas na kami ng class room kasama 'yung mga kaibigan ni Yumi na patuloy pa rin ang pagku-kuwentuhan about sa natapos na exam. Papunta na kami ngayon sa isang Mall kung saan sila madalas magvideoke.
I grab my phone inside my pocket and decided to open my friendsbook account. Hanggang dito sa news feed ay usap-usapan pa rin ang katatapos lamang na exam. Iyong iba ay malungkot dahil ramdam nilang 'di sila papasa habang iyong iba nama'y tila ba walang pakealam basta't nakaraos na sa exam.
Patuloy ako sa pags-swipe ng aking cellphone nang biglang tumunog ang notification sa messenger. Nag-pop up doon ang bilog na profile picture ni Theo at kaagad ko itong binuksan.
John Theodore Velasco
Pre san ka?
Baka magbago pa isip mo nandito lang kami sa Alfamart. Bumibili pa kami ng yelo nila Kenneth.seen 4:26 pmEli Montemayor
Papunta na rin kami nina Yumi sa SMM eh. Enjoy nalang kayo dyan pre.
sent 4:28 pmJohn Theodore Velasco
Ah. Sunod ko nalang kung gusto mo pre? Hanggang gabi pa naman kami doon kayna Kenneth. Wala kasi 'yung parents niya kaya siguradong magsasaya tayo doon.
seen 4:28 pmTss. Paano ko nga ba patitigilin ang makulit na ito.
Eli Montemayor
Hindi kasi talaga pwede ngayon Theo. Hindi rin ako nakapagsabi sa bahay kaya malabo akong makasunod pa diyan sa inyo. Sa susunod nalang, promise. Kailan ba ang next session niyo para naman makapagpaalam ako?
sent 4:29 pmJohn Theodore Velasco
Okay sige. I-screen shot ko na 'to ah kasi baka biglang magkaroon ka nanaman ng amnesia sa susunod na yayain kita.
seen 4:30 pmPatawa rin talaga itong si Theo eh. Alam niya kasing modus ko ang maglimut-limutan para lang hindi ako makasama sa pagyaya nila. Kahit naman kasi ganito ako ay hindi ko pinipilit ang sarili kong makisama sa mga lalaki para lang itago ang totoo kong pagkatao. Sigurado kasing hindi naman ako makakarelate sa mga pinag-gaga-gawa nila so goodluck nalang sa'kin dahil tiyak na hindi na ako makakatakas sa susunod na magyaya siya.
Nagreply ako ng like emoticon kay Theo para tapusin na ang usapan naming dalawa, like I always do.
Nakita kong seen-in niya iyon at hindi na nagtype pa ng kung ano.
"Bakit naman nandyan ka sa likuran Eli? Halika nga dito at sabayan mo kami sa paglalakad. Sige na. 'Wag ka nang mahiya-hiya diyan at parang 'di mo naman kami kaklase." Ang sabi ni Yumi nang mapansin niya akong nag-iisa sa likod hawak ang aking cellphone.
"Oo nga Eli, dalawang taon na tayong magkaka-klase pero wala pa kaming masyadong alam tungkol sa'yo. Ang tahimik mo kasi palagi sa school kaya nahihiya kami na lumapit sa iyo." Dagdag naman ni Lenny na siyang seatmate nitong si Yumi. I just know few things about Lenny at hindi pa talaga kami nagkausap kahit noon pa. She always looks like a very neat girl na tila ba hindi makakabasag ng pinggan sa sobrang pino kumilos. Para siyang isang karakter na tanging sa Anime lang makatotohanan.
"Ay hindi na. Okay lang ako dito. Sumusunod naman ako sa inyo kaya huwag niyo akong intindihin." I waved both of my hands to tell them that I am really okay kahit na nasa likod lang ako.
Nakakahiya. Lahat sila'y nakatingin ngayon sa akin habang dine-depensahan ko ang aking sarili.
May isa pang babae na kasama sa kanilang grupo at sa pagkakatanda ko ay Jimenez ang apelyido nito, subalit hindi ako pamilyar sa kanyang first name. Madalas kasi kaming tawagin by surname sa school kaya mas natatandaan ko ang kanilang last name kaysa sa first name.
'Yung dalawa namang lalaki sa grupo ay sa bandang unahan din ng room nakaupo. Naging kagrupo ko sila sa isang activity noon kaya alam ko ang kanilang pangalan. At sa pagkakaalam ko ay magsyota itong si Kloyd at si Jimenez dahil palagi silang magkasama, habang ito namang si Calvin ay matagal nang pinopormahan itong si Lenny.
"Dito ka na sa tabi ko Eli para hindi ka na mahiya sa kanila." Hindi na ako nakatanggi pa dahil hinila na ako ni Yumi papunta sa kanyang tabi.
Nakakatawang isipin pero ngayon ko lang napansin na halos magkakapareha pala kami habang naglalakad. Kami ang nasa unahang dalawa ni Yumi, pumangalawa naman sina Lenny at Calvin at piniling magpahuli nina Wency at Kloyd para siguro makapagharutan silang dalawa.
Ipinakilala sila sa akin ni Yumi bago kami patuloy na naglakad patungong mall.
Maraming naikwento sakin si Yumi about sa kanyang kaibigan samantalang ako'y puro tango lang ang sagot pabalik sa kanya. It's very awkward that time kasi wala naman akong maikwento pabalik sa kanya. Sino ba naman kasing ikukuwento ko sa eh wala naman akong circle of friends sa school kagaya niya. Pang unang beses ko pa lang din itong sumama sa kanila dahil para makaiwas sa pag-aaya nila Theo.
"Ikaw Eli, kamusta 'yung mga kaklase natin sa likod." Biglang tanong ni Yumi nang matapos magkuwento tungkol sa mga kaibigan niya.
"Okay naman, hindi ako masyadong sumasama sa kanila kaya wala rin akong alam tungkol sa kanila. Sorry." Sincere kong sagot dito. Nakapasok na kami sa mall at nagpatuloy pa rin sa pagtatanong si Yumi.
"Eh iyong si Theo? Nagkakausap ba kayong dalawa? Pansin ko kasi kanina na ang close niyo palang dalawa." Ikinabigla ko ang sunod na tanong na nanggaling kay Yumi. Tila nag-iba rin ang kanyang tono ng pananalita 'nung ipasok niya sa topic ang kaklase naming si Theo. Para bang bigla siyang nahiya?
"Uy hindi 'no. Hindi kami close 'nung si Theo. Nagkakausap kami kung minsan pero hindi gaanong kadalas. Siguro kapag may itatanong lang siya about sa assignment ganon. Bakit mo natanong?" Sagot ko kay Yumi na tila ba'y nag-aabang ng kung anong isasagot ko sa kanya.
Pasimple siyang sumulyap sa kanyang likuran at nang masigurong busy sa pag-uusap ang iba pa niyang kaibigan ay may mabilis itong ibinulong sa akin sa siyang ikinagulat ko.
"Nanliligaw kasi siya sa akin simula nitong nakaraang araw lang."
Nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig. Si Theo? Nililigawan siya?
"Huwag kang maingay ha, Eli. Sa'yo ko lang muna sinabi ang tungkol 'don dahil ayaw kong tuksuhin ako nina Lenny sa kanya. Alam mo na, gusto ko munang makilala pa si Theo kahit noon pa man ay crush na crush ko na talaga siya." Pagpapatuloy ni Yumi. Bakas ang kilig sa kanyang mahinang boses kaya naman ngumiti nalang akong pabalik sa kanya.
"Wow." Iyon nalang ang nasabi ko pabalik sa kanya dahil sa pagkamangha.
Natuloy kaming lahat sa loob ng isang Videoke room at doon ay masaya silang lahat habang pinagsasalit-salitan ang mic. Pinilit nila akong kumanta rin pero tumanggi lang ako sa kanila. Ayaw kong ipahiya ang sarili ko dahil hindi naman ako marunong kumanta.
Tahimik lang ako sa isang tabi habang pinanonood ko silang masaya. Maingay sa buong kwarto ngunit di ko iyon binibigyang pansin.
Iniisip ko pa rin iyong sinabi sa kin ni Yumi kanina.
May isang bagay akong natuklasan mula sa kanya at hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay mayroong nawala.
Malinaw na ngayon ang lahat sa akin, and it only means na hindi tama ang hinala ko sa pagkatao ni John Smith na nakilala ko sa MATCHED.
Ang tanga ko talaga. Bakit kasi inisip-isip ko pang si Theo at John Smith ay iisa. I already know that from the very beggining. That Theo is not gay.
And that John Theodore Velasco will never be the person behind John Smith.
End of chapter
Eli Nakarating ako sa bahay bago pumatak ang alas-otso. Medyo late na rin pala. I already texted mom earlier para hindi na siya mag-alala sa akin. She's not strict but sadyang maala-lahanin lang dahil ako ang kaisa-isahan niyang anak. Normal kasing dumi-diretso ako sa bahay pagkatapos ng klase kaya bago pa man mag alas-singko ay karaniwang nasa bahay na ako. Nagkataon lang na nayaya ako ng mga kaklase ko kanina and that was something new to my mom kaya talagang kailangan ko iyong ipaalam sa kanya. "Nandito na po ako Ma." Pagod kong sigaw nang makapasok na ako sa pintuan para iparinig kay Mama ang pagdating ko. Hindi ito sumagot. Wala rin siya sa sala. Siguro'y nasa kusina nanaman siya o kaya'y nagpapahinga na sa kanyang kwarto. "Ma, nandito na ako." pag-uulit ko habang hinuhubad ang medyo mainit-init ko nang black shoes at medyas. Dahil 'ata iyon sa kala-lakad namin ka
Eli "Theo? Theo? Halika na Theo!" Kanina ko pa pilit na gini-gising 'tong si Theo pero mukhang wala nang pag-asang magising pa siya. Nandito pa rin kami ngayon sa isang madilim na eskinita kung saan ko siya dinala. Ilang minuto na ang nakalipas magmula nung matakasan namin 'yung mga gangster na humahabol sa amin kanina. Buti nalang talaga. Kung nagkataon kasi ay baka nadamay pa ako sa pambubugbog ng mga kolokoy na iyon. Ano nanaman kaya'ng kalokohan ang ginawa ng magtotropang' to at bakit sila hinabol ng mga 'yon? Anyway hindi na siguro mahalaga 'yon. Ang importante ay ligtas na siya. Hindi ko lang sigurado ay kung nakatakas din ba iyong mga kaibigan nitong si Theo pero sana ay ayos lang silang lahat. Kinuha ko 'yung phone ko na inipit ko pa kanina sa garter n
EliNagising ako nang maramdamang nananakit ng bahagya ang likuran ko. Gusto ko pa sanang bumalik sa pagtulog pero ngalay na ngalay na talaga ako.Bumangon ako mula sa pagkakahiga at napalingon sa direksyon ng aking kama. Kaya naman pala ako nangangalay. Sa sahig nga pala ako natulog kagabi dahil dinala ko dito sa bahay si Theo.Speaking of Theo, nasaan na pala ang isang 'yon? Wala na kasi siya sa kama ko.Na-ihilamos ko sa mukha ang dalawa kong kamay para kahit papaano'y magising ang aking diwa. "Achh!" Hindi ko maiwasang indahin ang sakit ng likod ko. Halatang hindi sanay matulog sa sahig. Nag-unat ako at humikab. Labag man sa kalooban ay pilit akong tumayo para hanapin kung nasaan ang isa pang sakit sa ulong si T
EliNaglalakad kami ngayon ng kaklase kong si Theo patungo kung saan kami nagkabungguan kagabi. Magba-bakasakali na baka doon nga niya nahulog 'yung cellphone niyang nawawala. Mapilit kasi siya na hanapin pa rin ito dahil may importanteng files daw na naka-save roon. Swerte kung makita pa namin iyon. Sa panahon kasi ngayon, kahit siguro di-pindot pa 'yung cellphone na 'yon ay may papatos pa rin 'don."Hoy ibalik mo yang T-shirt ko pagkalaba mo ha." Masungit kong sabi sa katabi ko. Suot niya kasi 'yung isa sa mga pinaka-paborito kong shirt at halatang feel na feel niya ito habang naglalakad kami. Branded 'yon at isinu-suot ko lang 'yon kapag may importante akong lakad."Ha? Eh pwedeng arbor na lang 'to pre. Pa-remembrance mo na sa akin." Tugon nito sa akin ng nakangiti haba
Eli"Ma, para lang sa tabi!"Naunang bumaba ng jeep si Theo at sumunod naman ako sa kanya. Hindi kami nag-iimikan na dalawa mula pa kanina. Mukhang inis pa rin kasi siya hanggang ngayon dahil sa hindi niya nakita iyong cellphone niya. Kasalanan ko ba 'yon? Kung dahil lang 'don kaya niya ko hindi pinapansin ay napakababaw niya. Kung hindi niya ako iimikan ay hindi ko na lang rin siya iimikan. Tsaka 'pag nakuha niya naman na 'yung bag niya ay babalik na ako sa bahay. Nakapangako lang akong samahan siya kaya tumuloy pa rin ako papunta kana Kenneth kahit naiinis na ako sa kanya. Ilang hakbang lang ang nilakad namin mula sa kanto nang makarating kami sa tapat n
Eli Nakapila kami ngayon ni Theo sa may McJolly para umorder ng makakain. Marami kaming pinagpilian na ibang store pero mas okay kasi sa akin ang pagkain dito. The best kaya ang McJolly chicken, lalo na 'yung spicy. Dito rin pala 'yung McJolly na kinainan ko ng lunch kahapon kaya nagpalinga-linga ako para tingnan kung nakaduty na ba si Wildon. Hindi kasi ako sigurado kung may pasok siya ngayon dahil nagkasalubong kami sa tindahan kanina. "Anong order mo?" Tanong sa akin ni Theo na nakapila sa unahan ko. Medyo may kahabaan 'yung pila dahil saktong lunch time na ngayon.Tumingala pa rin ako sa menu kahit sigurado na akong chicken joy ang gusto ko. Libre daw 'to ni Theo kaya susulitin ko na. Gusto ko rin kasi kumain ng large fries
EliBuong araw akong nagkulong sa kwarto matapos ang nangyari kahapon. Magkikita na sana kami ni John Smith eh. Makikilala ko na sana siya ng personal. Kung hindi lang sumulpot si Yumi ay baka may lakad ulit ako ngayong hapon.Nakangiti. Masaya. Inspired. In love?Ganoon siguro 'yung mood ko sa mga oras na 'to kung hindi lang nasira ang lahat. It was a total messed up.Somehow nainis ako sa timing ng pagdating ng kaklase ko, but I'm not blaming her dahil wala naman siyang kamalay-malay na may kikitain ako kahapon. It wasn't her fault at all. It's just that ayokong malaman ni Yumi na may kikitain akong guy sa lugar na 'yon kaya mas pinili kong ilayo siya doon. Ayokong paghinalaan niya ang pagkatao ko kung sakaling maabutan niya si John Smith na kameet up ko. Pwed
Eli Nanlaki ang mga mata ko ng aminin ni Theo na si Wildon ang dahilan kung bakit niya ako iniwan kahapon sa McJolly. Hindi ko pa rin maunawaan kung paanong nadamay si Wildon sa inakto niya kahapon. "Ha? Paanong naging mayabang si Wildon, eh tinulungan na nga ko 'nung tao?" Tanong ko ulit sa kanya na medyo nalilito at di masundan ang ibig pakahulugan ni Theo. Hindi ko kasi magets kung paano niya nasabing mayabang si Wildon. "Tss. Hindi mo ba nakita kung paano niya ako tingnan kahapon, Pre? Halatang mayabang at nakakalalaki ang isang 'yon kaya napipikon ako sa tuwing nakikita ko siya. Tsaka ako ang kasama mo kahapon tapos parati na lang siyang sumusulpot... Sabihin mo, kaibigan mo ba talaga ang isang iyon o
THEO"Eli! Please... Gumising ka!"Wala nang malay si Eli nang maiahon ko siya mula sa tubig. Hindi ko alam kung ano bang nangyari sa kanya dahil mag-isa lang siya nang abutan ko at lumulutang. Wala rin akong ideya kung gaano katagal na siyang naroon pero sana lang talaga ay maisalba ko pa ang buhay niya.Hindi na tumitibok ang pulso ni Eli at Wala na siyang hininga."Tulong! Tulungan niyo ako!"Sigaw ko sa palagid pagkatapos ay sinubukan kong i-CPR si Eli.Isinara ko ang ilong niya at ibinukas naman ang kanyang bibig para mabugahan ko iyon ng hangin. Pagkatapos ay ipinatong ko ang dalawa kong kamay sa kanyang dibdib at paulit-ulit iyong diniin.First time ko lang gawin ito sa buong buhay ko dahil hindi pa naman umabot na may kasamahan akong nalunod. I hope I am doing the right thing dahil buhay ni Eli ang
THEOTulala akong bumalik patungong kwarto. Hindi ko alam kung saan nagpunta si Eli. Iniwan niya akong mag-isa sa tabing dagat matapos sabihing wala na akong pag-asa sa kanya.Masakit, subalit kailangan kong irespeto ang desisyon niya.Sinubukan kong baguhin ang isip niya at sinabing kaya ko siyang bigyan ng mas mahabang panahon para pag-isipan ang tungkol sa amin. Subalit mukhang buo na ang desisyon ni Eli na itigil na ang kung anong namamagitan sa pagitan naming dalawa."Oh Pre, anong nangyari? Bakit hindi maipinta iyang mukha mo? Nasaan si Eli?" sunod-sunod na tanong ni Kenneth nang maabutan ko ito sa labas ng room na nirentahan namin."Wala nang pag-asa, Pre." walang gana kong sagot sa kanya saka kinuha ang susi ng kwarto galing sa aking bulsa. Tumabi naman ang kaibigan ko mula sa pinto para mabuksan ko ito."Wait, wha
THEO"Inumin mo ito."Inabutan ko ng kape si Eli para mahimasmasan siya. Makakatulong iyon para mabawasan ang pagsakit ng ulo niya."Salamat." tipid na wika nito."Sinasabi ko na nga ba at hindi mapagkakatiwalaan ang gag*ng iyon. Mabuti na lang at sinundan ko kayo pabalik sa kwarto niyo."Tinabihan ko si Eli na ngayon ay nakaupo sa kama sa loob ng kuwarto namin ni Kenneth.Hindi nagsalita si Eli at humigop lang ito sa tasa ng kapeng ibinigay ko sa kanya."Hays! Sakit nga sa ulo ang tisoy na iyon. Mantakin mo? Nasa loob pala ang kulo niya. Mabuti at hindi siya nagtagumpay sa binabalak niya." sambit naman ng kaibigan kong si Kenneth na nakatayo malapit sa pintuan. Sinisiguro niyang hindi makakapasok dito sa loob 'yong gag*ng si Wildon para puntahan si Eli.Nilingon ko si Kenneth at binigyan
THEO"Napakawalang-hiya talaga ng lalaking iyon. Kung hindi mo lang ako pinigilan kanina ay nabangasan ko na ang mukha ng amerikanong hilaw na iyon! Nakakaasar!" inis kong sabi sa kaibigan ko.Nakacheck-in na kami ni Kenneth dito sa resort kung saan magbabakasyon sina Eli at Wildon.Nang matanggap ko ang mensahe mula kay Eli na magbabakasyon siya kasama si Wildon ay kaagad akong humingi ng pabor kay Kenneth para samahan akong sundan sila.Hindi naman ito tumanggi kaya naghanda na kami kinabukasan para sa araw na ito.Hindi ako nireplyan ni Eli sa mga text ko sa kanya. Hindi ko siya matawagan at hindi ko rin naman siya machat dahil nakadeactivate ang account niya dahil siguro sa pang-eexpose sa kanya ni Yumi sa friendsbook.Halos mabaliw ako sa kakaisip ng paraan para malaman kung saan magbabakasyon sina Eli at Wildon. Wala
EliBiyernes.Maaga akong gumising para magprepare ng mga damit at bagaheng dadalahin ko sa three days and two nights naming bakasyon ni Wildon sa Rio Vellorja's Beach Resort. I really need this right now dahil sa nangyari kahapon. I need to escape from everything na magpapaalala sa akin ng ginawa ni Yumi.Hindi naman siguro masama kung hindi muna ako papasok sa school at nagmessage na rin ako sa mga professor ko sa school na masama ang pakiramdam ko. Hindi ko gawain ito pero mas hindi ko kakayanin ang makita si Yumi at pati na rin si Theo."Ma! Nasaan na 'yung floral kong polo? Iyong pang summer?"Sigaw ko mula sa kwarto. Kasalukuyan kasing nagluluto ngayon si Mama sa kusina nang ibabaon ko sa byahe. Hindi naman na sana kailangan dahil may pagkain naman na kasama sa ticket namin ni Wildon pero makulit itong si Mama."Ay n
TheoWalang gana akong bumalik sa sentro ng park kung saan ang usapan namin na magkita ni Kenneth.It's too late.Gusto ko mang habulin si Eli ay hindi ko iyon ginawa. Kusa siyang sumama kay Wildon. Para saan pa kung pipigilan ko siya? Obvious naman na iniwasan ako ni Eli kanina nang tumakbo itong umiiyak palayo sa akin.Nais ko sanang pagaanin ang loob ni Eli dahil sa ginawa ni Yumi, subalit naunahan na ako ni Wildon. Si Wildon na siyang karibal ko sa puso ni Eli. Gusto ko mang sugurin ang mokong na iyon ay hindi ko nagawa.Hindi ko itatanggi, nasaktan ako ng sobra nang makita kong akay-akay siya ni Wildon patungo sa motor nito.Ilang beses ko nang sinabi kay Eli na hanggat ma-aari ay huwag siyang sumama sa lalaki na iyon. Pero sino nga ba naman ako para diktahan siya. Hindi naman ako ang boyfriend niya. Hindi pa sa ngayo
ELI"Nandito ka lang pala."Napatingala ako sa aking harapan nang marinig ang pamilyar na boses ng isang lalaki.Si Wildon iyon. Suot ang paborito niyang jacket habang bitbit ang kanyang helmet.Napawi ang mga ngiti nito nang nagtagpo ang aming paningin."Wait, are you crying?" kunot noo'ng tanong nito sa akin.Hindi ako sumagot sa kanya bagkus ay pinahid ang mga luhang hindi ko mapigilan sa pagbuhos mula sa aking mga mata."I'm alright, Wildon." wika ko habang inaayos ang aking salamin.Kumuha ako ng tissue mula sa aking bag at ginamit iyon para ayusin ang aking histura.Dahang-dahang kumilos si Wildon mula sa kanyang puwesto at alam kong uupo siya sa tabi ko."I'm sorry to what happened to you, Eli. Kung ano man 'yon, alam kong hindi ka okay ngayon. Nalu
ELIKasalukuyan akong naglalakad sa kahabaan ng hall way papuntang classroom. Gaya ng inaasahan, lahat ng madaanan kong estudyante ay napapalingon sa akin. Sa 4,236 friendsbook friends ni Yumi, paniguradong kalat na sa buong campus iyong pinost niya about sa akin. Thanks to her, ngayon ay pinagpipiyestahan ako ng madla."Look who's here. Grabe, hindi talaga ako makapaniwalang bakla pala siya. Sayang, guwapo pa naman."Nadinig kong bulong ng isang babae sa katabi niya nang mapadaan ako sa harap nila. Sobra naman 'yung tsismisan nilang dalawa. Halatang sadya nilang ipinarinig iyon sa akin.Minabuti ko'ng huwag na lang silang pansinin hanggang sa makarating ako sa room namin. Buong akala ko noo'y nakaraos na ako mula sa kalbaryo ng mga tismisan sa labas nang makapasok na ako sa silid. But guess what? Ang nakabusangot na mukha ni Yumi ang kaagad na su
ELISinabi ko kay Theo ang balak na pakikipag-break ni Yumi sa kanya. He's cool with that dahil mas pabor daw iyon sa kanya. Ang sabi niya, hindi na raw kami mahihirapang umisip ng paraan kung paano siya makikipag break kay Yumi dahil ito na mismo ang tatapos sa relasyon nilang dalawa.Ako lang ba o sadyang hindi talaga patas ang nangyayari para kay Yumi?Alam kong hindi sinasadya ni Theo na umasa sa kanya si Yumi pero hindi ko lang talaga maiwasang makonsensya dahil sa katotohanang ako ang gusto ni Theo at hindi siya.Hawak ko ngayon ang cell phone ko habang nag-i-scroll ng inbox ko sa MATCHED. Matagal na rin akong hindi nagbubukas ng account dito mula ng mameet ko in person si John Smith na si Wildon pala in real life.Napangiti ako sa kawalan. Naalala ko kasi noong paghinalaan ko si Theo na siya si John Smith. Paborito niya kasi ang The