Share

Chapter 3

last update Last Updated: 2021-09-13 19:05:20

Eli

Natapos na ang exam namin sa subject na Filipino. Grabe, mabuti na lang at nakapagreview ako ng todo dahil medyo madugo at nakakalito 'yung ilan sa mga questions sa exam. Kilala si Professor Alvarez na mahirap gumawa ng test papers na para bang ayaw nito na may nakakapasa sa subject niya. May mga ganitong tipo ng guro kaya mas okay talaga kung mag-aaral ka ng mabuti kaysa umasa lang sa stock knowledge. Ayun, nastock tuloy yung iba sa unang bahagi pa lang ng exam. Ang sabi nga nila, kung sasabak ka sa giyera ay dapat na palagi kang handa. Kung marami kang baong bala ay mas maraming tiyansa rin na may matatamaan ka.

After ng exam ay nagkaroon kami ng fifteen minutes break bago sumalang sa susunod pang exam.

Nagugutom na rin kasi ako. Kasabay ng pagkatuyot ng utak ko ay siya namang pagkalam ng aking sikmura. Mabuti pa sigurong bumili ako ng isang biscuit at bottled juice na malimit kong bilihin sa canteen.

Itatago ko na sana ang ilang gamit ko sa bag para makalabas na ng classroom nang biglang mahulog sa sahig 'yung pudpod kong pambura at gumulong ito patungo sa direksyon ni Theo.

Hawak niya noon ang kanyang cellphone habang kinukutingting ito subalit naoansin niya pa rin ang gumugulong kong pambura hanggang sa harangin niya ito ng kaliwa niyang paa.

Itinigil niya ang kung anong ginagawa niya sa kanyang cellphone at dahan-dahan siyang yumuko para abutin ang istupido na ay pudpod pang pambura. Anak ng! Pambihirang pambura!

Makikita sa anggulo ni Theo ngayon ang matangos niyang ilong na minana niya siguro sa half-filipino half-spanish niyang Ina. Nakaramdam tuloy ako ng inggit at napaisip na sana'y ganoon nalang 'din ang ilong ko sa kanya.

Theo turns his head towards my direction. He's really good looking but definitely not my type.

Napaangat ang kanyang tingin sa akin tsaka niya itinanong kung sa akin ba 'yung nahulog na pambura.

"Oo sa akin 'yan. Salamat." Wala ako sa sarili nang sagutin siya.

Hindi ko alam kung ako lang ba o napansin din niya, pero ang awkward lang kasi ng pagkakasabi ko noon sa kanya. Ewan ko kung bakit. Siguro'y dahil naalala kong paborito niya ang bandang The Blue Five at ang bokalista nitong si Adam Lebrain ang profile picture ni John Smith.

Bago pa makapagsalitang muli si Theo ay kinuha ko na yung pambura mula sa kanyang kamay at itinago ito sa bulsa, pagkatapos ay nagmadali na ako palabas ng silid.

"Excuse me." Pasintabi ko sa isa sa mga babae kong kaklase na sa harapan pa talaga ng pintuan napiling mag ayos ng sarili. "Ay, sorry." kaagad nitong sabi sabay sulong palabas na rin ng class room.

Bukod sa pag-iwas ko kay Theo ay kanina pa ako atat na atat makapagbreak para matingnan ang notifications sa MATCHED.

May nagmessage na kaya sa akin?

Habang naglalakad ay madali kong kinuha ang aking cellphone mula sa kanang bulsa ng kulay itim kong slock pants.

It's 9:03 AM.

Nakarating na ako sa canteen na halos dalawampung hakbang lang ang layo mula sa aming class room. Yes, sobrang lapit lang nito sa room namin kaya hindi problema kung kinse minutos lang ang break na ibinigay sa amin.

Pagkatapos kong makabili ng kakainin ay naupo ako sa isang bakanteng mesa at doon ko binuksan ang account ko sa MATCHED. May ilan akong notifications doon. Tatlo sa mga user na minatch ko kagabi ang nagmatch-back sa akin pero wala silang iniwan na message o chat. Wala man lang kahit simpleng hi o hello?

Binuksan ko ang chat box namin ni John Smith kung saan nagrerequest siya ng follow back sa akin kagabi. Hindi na iyon nasundan pa ng ibang mensahe kasi nga ay hindi naman ako interested sa account niya noong una.

Ngunit nagbago ang ihip ng hangin dahil sa natuklasan ko ngayong umaga. Idol ni Theo ang bandang The Blue Five at ang bokalista nito ay ang sikat na Adam Lebrain. Si Adam Lebrain na siya namang profile photo ni John Smith.

Masyadong malawak ang imahinasyon ko! Nakakabaliw!

Wala man akong ibang basehan pero posible nga kayang si Theo ang may ari ng account na ito?

Pinuntahan kong muli ang profile ni John Smith at wala pa ring kahit anong nakalagay doon bukod sa picture ni Adam Lebrain.

Nakakaloka! Wala man lang ibang clue?

Puwes, isa lang ang paraan para malaman kung sino ang nasa likod ng account nitong si John Smith.

Pinindot ko ang match button sa kanyang profile, at naghighlight iyon sa salitang MATCHED. Pagkatapos noon ay nagsend ako ng message pabalik sa kanya.

pepper_mint08:

Hi, sorry late reply.

Ilang taon ka na pala at tsaka saan ang location mo?

sent 9:10 am

Feeling close na kaagad ako pero ang totoo niyan ay wala na kasi akong maisip na itanong sa kanya kaya sinimulan ko na lang ang pagtatanong sa kung ano'ng age niya at kung saan siya nakatira. Hindi nga kasi siya naglagay ng details sa profile niya kaya wala talaga akong ideya.

Naghintay ako ng reply mula kay John Smith. Nagbabakasakaling online din siya pero mukhang bigo ako na makausap siya ngayon.

fifteen minutes is almost over.

Plano ko sanang maghintay ng ilan pang minuto, ang kaso ay hindi kasi ordinaryong araw ngayon ng klase. We still have exams to take.

Dahil doon ay minabuti ko na lang na bumalik sa class room para makapaghanda ulit sa susunod na subject.

Pagkapasok ko sa pintuan ng silid ay halos kumpleto na ang lahat. Nasa unahan pa rin si Professor Alvarez at abala sa paga-ayos ng mga test papers. Kumain na kaya itong si Ma'am?

Habang nilalakad ko ang daan pabalik sa aking upuan ay napansin ko ang makahulugang sulyap sa akin ni Theo. Iba iyon sa paraan kung paano niya ako tingnan noon. Napaiwas tuloy ako ng tingin sa kanya.

Last time na nanalamin ako ay nu'ng bago ako umalis ng bahay pero nasisiguro ko na wala namang nabago sa ayos ng aking itsura magmula kanina. Wala naman siguro akong dumi sa mukha 'diba?

Nagpatuloy sa paglalakad at hindi na lang pinansin si Theo. Mahirap nang mag-assume sa panahon ngayon.

Pero sandali.

Hindi kaya siya talaga si John Smith at nabasa niya 'yung chat ko sa kanya kanina? No way! Maybe nag-ooverthink lang ako. Hindi naman kasi ako sure kung siya nga ba ang nasa likod ng account ni John Smith. At hindi sapat na ebidensya na paborito niya ang The Blue Five para isiping sila ni John Smith ay iisa. Am I right?

Isa pa, wala rin naman akong dapat ipangamba dahil tago rin ang pagkatao ko sa MATCHED. Nakatalikod kaya ako sa profile picture ko doon.

So if ever man na magkataong si Theo at si John Smith ay iisa, hindi naman niya alam na ako ang nasa likod ng account ni pepper_mint08. At lalong hindi niya dapat na malaman iyon dahil katapusan ko na kung sakaling mangyayari iyon.

Sinabi ko sa aking sarili na walang dapat makaalam ng tunay kong kasarian hangga't hindi pa ako nakakagraduate sa University'ng ito.

Hindi pa ngayon.

11:27 am.

Tatlong subject pa ang natapos namin bago nagdesesiyon ang isa pa naming instructor na plabasin kami for lunch. Bumalik na lang daw kami pagkatapos ng isang oras.

So lumabas ako ng Colegio de San Nicolas para maghanap ng makakainan. Kung hindi ko pa nababangit, nasa loob pala ng siyudad ng San Nicolas ang school na pinapasukan ko kung kaya't kabi-kabila ang mga naglalakihang building at mga malls sa paligid nito.

Palagi akong nagla-lunch sa loob isang mall dahil sa napakainit na singaw ng hangin sa labas. 

Mapapansin na maraming nagkalat na college students sa mall tuwing lunch time. May mga couple na akala mo'y nasa loob ng bahay kung makapag-PDA. Mayroon ding maiingay na magkakatropa, squad goals, habang ako nama'y nag-iisa.

Wala akong kasama hindi dahil sa walang nagyayaya sa akin kundi dahil mas gusto ko lang talaga ang mapag-isa. May ilang kaklase ako na nagyayaya sa akin pero hindi ko naman sila kaclose kaya sinasabi ko na lang sa kanila na next time ako sasama, kahit na ang totoo ay wala naman talaga akong balak na sumama sa kanila. I'm a loner at hindi itatanggi iyon.

Naghihintay ako sa inorder kong hot and spicy fried chicken with fries nang maalala ko ang aking cellphone. Pagkabukas na pagkabukas ko pa lang ng mobile data ko ay biglang may lumabas na notification galing sa MATCHED.

May new message galing kay John Smith!

I ignored some messages from friendsbook at pinindot ang message notification ni John Smith.

john_smith:

18 ako. Ikaw ilang taon ka na?

seen11:43 am

Oh my! Magkasing edad lang kami? So that only means... teka hindi ko nga pala alam kung ilang taon na si Theo pero siguro naman ay magkasing edad rin kami?

I typed something on my keypad and replied to him with a very unusual excitement.

pepper_mint08:

Ah, parehas lang tayo, 18 lang din ako. Sa San Nicolas nga pala 'yung place ko. Eh ikaw? Hindi mo pa nasasabi kung taga saan ka?

sent 11:44 am

Ilang minuto na ang lumipas nang magreply ako sa kanya pero hindi pa rin siya nagrereply.

Habang naghihintay ako sa reply ni John Smith ay dumating na 'yung order ko. Shocks! Ang bango ng fried chicken, pero shit! Mukhang mas mabango si kuyang crew na nagseserve ng order sa akin. Hot and spicy 'yung manok na inorder ko pero mas hot sa paningin itong si kuya na ngayon ko lang yata nakita dito sa McJolly. Madalas kasi akong kumain dito at hindi ko naman siya napapansin noon.

Bago lang kaya siya dito?

Napatitig ako kay kuya dahil sa mukha niyang tila ba'y pang-modelo. Mukha siyang banyaga. Matangos ang ilong at makakapal ang kanyang kilay. May pagkatoned ang katawan niya at sa laki ng kanyang braso ay halos pumutok ang manggas ng suot niyang uniform. Plus, nakaka-intimidate rin ang balat niya na para bang anak mayaman sa sobrang kinis at puti.

"Sir kompleto na po ba ang order niyo?"

Hindi ako nakasahot sa kanya at nagpatuloy sa pagkilatis sa kanyang kaakit-akit na itsura. Talaga bang isang crew ang lalaking ito dito? Para kasi akong nakakita ng isang model sa sikat na magazine.

"Sir? May kulang pa po ba?... Sir?"

Bigla na lang akong natauhan nang mapansing kumukunot na ang makinis nitong noo. My God! Kinakausap niya pala ako!

"O-oo. Okay na 'tong order ko. Salamat.. W-wildon?" Taranta akong  sumagot sa kanya. Nakita ko namang nadagdagan ang kunot sa kanyang noo na siyang lalo niya pang ikinacute. Siguro'y nagtataka siya kung paano ko nalaman ang kanyang pangalan. So I pointed the name-tag pinned on his left chest.

"Kung hindi ako nagkakamali ay Wildon ang pangalan mo, hindi ba?" Nakangiti kong sabi sa kanya bilang pahiwatig na gusto ko siyang makilala.

"Ah, O sige po sir ku'nin ko na po itong tray." Ngumiti siyang pabalik sa akin at halos mangisay ako sa kilig. Hindi talaga ako malanding bakla pero bakit nakakaramdam ako ng ganito sa kanya. Looks can be deceiving ika nga pero sadyang malakas ang dating sa akin nitong Wildon.

Ang creepy ko siguro dahil sinundan ko siya ng tingin papunta sa loob ng staff room hanggang sa tuluyan siyang maglaho sa paningin ko. Nakangiti akong bumaling sa pagkaing sinerve ni Wildon at nakakabaliw mang pakinggan, pero iniisip ko siya habang kinakain ang pagkaing sinerve niya.

Sa kaligitnaan ng paginom ko ng softdrinks ay bigla namang nagvibrate ang cellphone ko.

Nagreply na sa akin si John Smith!

Tumayo na ako at nagsimulang magtype ng irereply kay John Smith. Naglakad na rin ako pabalik ng University dahil malapit nang matapos ang lunch break namin.

john_smith:

Taga-San Nicolas din ako bro. Kaya nga kita finollow kasi nakita ko sa profile mo na parehas lang tayo ng place. Alam mo na, para makapagmeet din tayo kung gusto mo.

seen 12:20 pm

So nasa iisang siyudad lang pala kami nakatira nitong si John Smith? At gusto niyang makipagmeet kami kung saka-sakali sakali?

Kinukutuban na talaga ako.

pepper_mint08:

Ah... O siya sige mamaya nalang ulit. Patapos na kasi lunch break namin. Balik muna ako sa room kasi may klase pa ako.

sent 12:23 pm

Base sa mga impormasyong nakukuha ko mula sa kanya ay mas lalong lumalaki ang posibilidad na siya nga at si Theo ay iisa.

We're getting there. At nang malapit na akong makapasok ng class room ay nagsend ako ng last reply kay John Smith.

pepper_mint08:

Nice to meet you pala Mr. John Smith.

sent 12:26 pm

Pumasok ako sa loob ng classroom at kaagad kong hinanap ang kinaroroonan ni Theo. Kaagad rin siyang lumingon sa kinaroroonan ko kung kaya't nagtamang muli ang panginin naming dalawa.

Wether it's Theo or nothing, I'm looking forward to meet you in person, Mr. John Smith.

End of chapter

Related chapters

  • Boyfriend Hunt   Chapter 4

    ELI Eksaktong alas-kwatro ng hapon ay nasa kamay na ng aming Professor ang lahat ng test paper ng huling exam namin for prelims. Nakahinga na ako ng maluwag. Nagpaalam na ang aming Professor at inanunsyong kung kailan namin malalaman ang resulta ng exam. Nang mga oras na lisanin kami ng aming profesor ay napuno ng malakas na ingay ang buong kwarto. Gaya ng inaasahan, kanya-kanyang konsultahan ang bawat isa sa kung anong isinagot nila sa mga items na hindi sila sigurado. Mula sa unahan ay nakita ko ang isang babaeng nagmamadali palapit sa akin. "Uy Eli! Nakuha mo ba yung tamang computation kanina 'dun sa Accounting? Iyong item number 3 ba 'yun? Basta nakakaloka!" Sambit nito sa akin habang hawak-hawak ang isang buong pad kung saan nakalagay 'yung mga computation niya kanina sa subject na Accounting.

    Last Updated : 2021-10-21
  • Boyfriend Hunt   Chapter 5

    Eli Nakarating ako sa bahay bago pumatak ang alas-otso. Medyo late na rin pala. I already texted mom earlier para hindi na siya mag-alala sa akin. She's not strict but sadyang maala-lahanin lang dahil ako ang kaisa-isahan niyang anak. Normal kasing dumi-diretso ako sa bahay pagkatapos ng klase kaya bago pa man mag alas-singko ay karaniwang nasa bahay na ako. Nagkataon lang na nayaya ako ng mga kaklase ko kanina and that was something new to my mom kaya talagang kailangan ko iyong ipaalam sa kanya. "Nandito na po ako Ma." Pagod kong sigaw nang makapasok na ako sa pintuan para iparinig kay Mama ang pagdating ko. Hindi ito sumagot. Wala rin siya sa sala. Siguro'y nasa kusina nanaman siya o kaya'y nagpapahinga na sa kanyang kwarto. "Ma, nandito na ako." pag-uulit ko habang hinuhubad ang medyo mainit-init ko nang black shoes at medyas. Dahil 'ata iyon sa kala-lakad namin ka

    Last Updated : 2021-10-21
  • Boyfriend Hunt   Chapter 6

    Eli "Theo? Theo? Halika na Theo!" Kanina ko pa pilit na gini-gising 'tong si Theo pero mukhang wala nang pag-asang magising pa siya. Nandito pa rin kami ngayon sa isang madilim na eskinita kung saan ko siya dinala. Ilang minuto na ang nakalipas magmula nung matakasan namin 'yung mga gangster na humahabol sa amin kanina. Buti nalang talaga. Kung nagkataon kasi ay baka nadamay pa ako sa pambubugbog ng mga kolokoy na iyon. Ano nanaman kaya'ng kalokohan ang ginawa ng magtotropang' to at bakit sila hinabol ng mga 'yon? Anyway hindi na siguro mahalaga 'yon. Ang importante ay ligtas na siya. Hindi ko lang sigurado ay kung nakatakas din ba iyong mga kaibigan nitong si Theo pero sana ay ayos lang silang lahat. Kinuha ko 'yung phone ko na inipit ko pa kanina sa garter n

    Last Updated : 2021-10-23
  • Boyfriend Hunt   Chapter 7

    EliNagising ako nang maramdamang nananakit ng bahagya ang likuran ko. Gusto ko pa sanang bumalik sa pagtulog pero ngalay na ngalay na talaga ako.Bumangon ako mula sa pagkakahiga at napalingon sa direksyon ng aking kama. Kaya naman pala ako nangangalay. Sa sahig nga pala ako natulog kagabi dahil dinala ko dito sa bahay si Theo.Speaking of Theo, nasaan na pala ang isang 'yon? Wala na kasi siya sa kama ko.Na-ihilamos ko sa mukha ang dalawa kong kamay para kahit papaano'y magising ang aking diwa. "Achh!" Hindi ko maiwasang indahin ang sakit ng likod ko. Halatang hindi sanay matulog sa sahig. Nag-unat ako at humikab. Labag man sa kalooban ay pilit akong tumayo para hanapin kung nasaan ang isa pang sakit sa ulong si T

    Last Updated : 2021-10-23
  • Boyfriend Hunt   Chapter 8

    EliNaglalakad kami ngayon ng kaklase kong si Theo patungo kung saan kami nagkabungguan kagabi. Magba-bakasakali na baka doon nga niya nahulog 'yung cellphone niyang nawawala. Mapilit kasi siya na hanapin pa rin ito dahil may importanteng files daw na naka-save roon. Swerte kung makita pa namin iyon. Sa panahon kasi ngayon, kahit siguro di-pindot pa 'yung cellphone na 'yon ay may papatos pa rin 'don."Hoy ibalik mo yang T-shirt ko pagkalaba mo ha." Masungit kong sabi sa katabi ko. Suot niya kasi 'yung isa sa mga pinaka-paborito kong shirt at halatang feel na feel niya ito habang naglalakad kami. Branded 'yon at isinu-suot ko lang 'yon kapag may importante akong lakad."Ha? Eh pwedeng arbor na lang 'to pre. Pa-remembrance mo na sa akin." Tugon nito sa akin ng nakangiti haba

    Last Updated : 2021-10-23
  • Boyfriend Hunt   Chapter 9

    Eli"Ma, para lang sa tabi!"Naunang bumaba ng jeep si Theo at sumunod naman ako sa kanya. Hindi kami nag-iimikan na dalawa mula pa kanina. Mukhang inis pa rin kasi siya hanggang ngayon dahil sa hindi niya nakita iyong cellphone niya. Kasalanan ko ba 'yon? Kung dahil lang 'don kaya niya ko hindi pinapansin ay napakababaw niya. Kung hindi niya ako iimikan ay hindi ko na lang rin siya iimikan. Tsaka 'pag nakuha niya naman na 'yung bag niya ay babalik na ako sa bahay. Nakapangako lang akong samahan siya kaya tumuloy pa rin ako papunta kana Kenneth kahit naiinis na ako sa kanya. Ilang hakbang lang ang nilakad namin mula sa kanto nang makarating kami sa tapat n

    Last Updated : 2021-10-24
  • Boyfriend Hunt   Chapter 10

    Eli Nakapila kami ngayon ni Theo sa may McJolly para umorder ng makakain. Marami kaming pinagpilian na ibang store pero mas okay kasi sa akin ang pagkain dito. The best kaya ang McJolly chicken, lalo na 'yung spicy. Dito rin pala 'yung McJolly na kinainan ko ng lunch kahapon kaya nagpalinga-linga ako para tingnan kung nakaduty na ba si Wildon. Hindi kasi ako sigurado kung may pasok siya ngayon dahil nagkasalubong kami sa tindahan kanina. "Anong order mo?" Tanong sa akin ni Theo na nakapila sa unahan ko. Medyo may kahabaan 'yung pila dahil saktong lunch time na ngayon.Tumingala pa rin ako sa menu kahit sigurado na akong chicken joy ang gusto ko. Libre daw 'to ni Theo kaya susulitin ko na. Gusto ko rin kasi kumain ng large fries

    Last Updated : 2021-10-25
  • Boyfriend Hunt   Chapter 11

    EliBuong araw akong nagkulong sa kwarto matapos ang nangyari kahapon. Magkikita na sana kami ni John Smith eh. Makikilala ko na sana siya ng personal. Kung hindi lang sumulpot si Yumi ay baka may lakad ulit ako ngayong hapon.Nakangiti. Masaya. Inspired. In love?Ganoon siguro 'yung mood ko sa mga oras na 'to kung hindi lang nasira ang lahat. It was a total messed up.Somehow nainis ako sa timing ng pagdating ng kaklase ko, but I'm not blaming her dahil wala naman siyang kamalay-malay na may kikitain ako kahapon. It wasn't her fault at all. It's just that ayokong malaman ni Yumi na may kikitain akong guy sa lugar na 'yon kaya mas pinili kong ilayo siya doon. Ayokong paghinalaan niya ang pagkatao ko kung sakaling maabutan niya si John Smith na kameet up ko. Pwed

    Last Updated : 2021-10-25

Latest chapter

  • Boyfriend Hunt   Chapter 40

    THEO"Eli! Please... Gumising ka!"Wala nang malay si Eli nang maiahon ko siya mula sa tubig. Hindi ko alam kung ano bang nangyari sa kanya dahil mag-isa lang siya nang abutan ko at lumulutang. Wala rin akong ideya kung gaano katagal na siyang naroon pero sana lang talaga ay maisalba ko pa ang buhay niya.Hindi na tumitibok ang pulso ni Eli at Wala na siyang hininga."Tulong! Tulungan niyo ako!"Sigaw ko sa palagid pagkatapos ay sinubukan kong i-CPR si Eli.Isinara ko ang ilong niya at ibinukas naman ang kanyang bibig para mabugahan ko iyon ng hangin. Pagkatapos ay ipinatong ko ang dalawa kong kamay sa kanyang dibdib at paulit-ulit iyong diniin.First time ko lang gawin ito sa buong buhay ko dahil hindi pa naman umabot na may kasamahan akong nalunod. I hope I am doing the right thing dahil buhay ni Eli ang

  • Boyfriend Hunt   Chapter 39

    THEOTulala akong bumalik patungong kwarto. Hindi ko alam kung saan nagpunta si Eli. Iniwan niya akong mag-isa sa tabing dagat matapos sabihing wala na akong pag-asa sa kanya.Masakit, subalit kailangan kong irespeto ang desisyon niya.Sinubukan kong baguhin ang isip niya at sinabing kaya ko siyang bigyan ng mas mahabang panahon para pag-isipan ang tungkol sa amin. Subalit mukhang buo na ang desisyon ni Eli na itigil na ang kung anong namamagitan sa pagitan naming dalawa."Oh Pre, anong nangyari? Bakit hindi maipinta iyang mukha mo? Nasaan si Eli?" sunod-sunod na tanong ni Kenneth nang maabutan ko ito sa labas ng room na nirentahan namin."Wala nang pag-asa, Pre." walang gana kong sagot sa kanya saka kinuha ang susi ng kwarto galing sa aking bulsa. Tumabi naman ang kaibigan ko mula sa pinto para mabuksan ko ito."Wait, wha

  • Boyfriend Hunt   Chapter 38

    THEO"Inumin mo ito."Inabutan ko ng kape si Eli para mahimasmasan siya. Makakatulong iyon para mabawasan ang pagsakit ng ulo niya."Salamat." tipid na wika nito."Sinasabi ko na nga ba at hindi mapagkakatiwalaan ang gag*ng iyon. Mabuti na lang at sinundan ko kayo pabalik sa kwarto niyo."Tinabihan ko si Eli na ngayon ay nakaupo sa kama sa loob ng kuwarto namin ni Kenneth.Hindi nagsalita si Eli at humigop lang ito sa tasa ng kapeng ibinigay ko sa kanya."Hays! Sakit nga sa ulo ang tisoy na iyon. Mantakin mo? Nasa loob pala ang kulo niya. Mabuti at hindi siya nagtagumpay sa binabalak niya." sambit naman ng kaibigan kong si Kenneth na nakatayo malapit sa pintuan. Sinisiguro niyang hindi makakapasok dito sa loob 'yong gag*ng si Wildon para puntahan si Eli.Nilingon ko si Kenneth at binigyan

  • Boyfriend Hunt   Chapter 37

    THEO"Napakawalang-hiya talaga ng lalaking iyon. Kung hindi mo lang ako pinigilan kanina ay nabangasan ko na ang mukha ng amerikanong hilaw na iyon! Nakakaasar!" inis kong sabi sa kaibigan ko.Nakacheck-in na kami ni Kenneth dito sa resort kung saan magbabakasyon sina Eli at Wildon.Nang matanggap ko ang mensahe mula kay Eli na magbabakasyon siya kasama si Wildon ay kaagad akong humingi ng pabor kay Kenneth para samahan akong sundan sila.Hindi naman ito tumanggi kaya naghanda na kami kinabukasan para sa araw na ito.Hindi ako nireplyan ni Eli sa mga text ko sa kanya. Hindi ko siya matawagan at hindi ko rin naman siya machat dahil nakadeactivate ang account niya dahil siguro sa pang-eexpose sa kanya ni Yumi sa friendsbook.Halos mabaliw ako sa kakaisip ng paraan para malaman kung saan magbabakasyon sina Eli at Wildon. Wala

  • Boyfriend Hunt   Chapter 36

    EliBiyernes.Maaga akong gumising para magprepare ng mga damit at bagaheng dadalahin ko sa three days and two nights naming bakasyon ni Wildon sa Rio Vellorja's Beach Resort. I really need this right now dahil sa nangyari kahapon. I need to escape from everything na magpapaalala sa akin ng ginawa ni Yumi.Hindi naman siguro masama kung hindi muna ako papasok sa school at nagmessage na rin ako sa mga professor ko sa school na masama ang pakiramdam ko. Hindi ko gawain ito pero mas hindi ko kakayanin ang makita si Yumi at pati na rin si Theo."Ma! Nasaan na 'yung floral kong polo? Iyong pang summer?"Sigaw ko mula sa kwarto. Kasalukuyan kasing nagluluto ngayon si Mama sa kusina nang ibabaon ko sa byahe. Hindi naman na sana kailangan dahil may pagkain naman na kasama sa ticket namin ni Wildon pero makulit itong si Mama."Ay n

  • Boyfriend Hunt   Chapter 35

    TheoWalang gana akong bumalik sa sentro ng park kung saan ang usapan namin na magkita ni Kenneth.It's too late.Gusto ko mang habulin si Eli ay hindi ko iyon ginawa. Kusa siyang sumama kay Wildon. Para saan pa kung pipigilan ko siya? Obvious naman na iniwasan ako ni Eli kanina nang tumakbo itong umiiyak palayo sa akin.Nais ko sanang pagaanin ang loob ni Eli dahil sa ginawa ni Yumi, subalit naunahan na ako ni Wildon. Si Wildon na siyang karibal ko sa puso ni Eli. Gusto ko mang sugurin ang mokong na iyon ay hindi ko nagawa.Hindi ko itatanggi, nasaktan ako ng sobra nang makita kong akay-akay siya ni Wildon patungo sa motor nito.Ilang beses ko nang sinabi kay Eli na hanggat ma-aari ay huwag siyang sumama sa lalaki na iyon. Pero sino nga ba naman ako para diktahan siya. Hindi naman ako ang boyfriend niya. Hindi pa sa ngayo

  • Boyfriend Hunt   Chapter 34

    ELI"Nandito ka lang pala."Napatingala ako sa aking harapan nang marinig ang pamilyar na boses ng isang lalaki.Si Wildon iyon. Suot ang paborito niyang jacket habang bitbit ang kanyang helmet.Napawi ang mga ngiti nito nang nagtagpo ang aming paningin."Wait, are you crying?" kunot noo'ng tanong nito sa akin.Hindi ako sumagot sa kanya bagkus ay pinahid ang mga luhang hindi ko mapigilan sa pagbuhos mula sa aking mga mata."I'm alright, Wildon." wika ko habang inaayos ang aking salamin.Kumuha ako ng tissue mula sa aking bag at ginamit iyon para ayusin ang aking histura.Dahang-dahang kumilos si Wildon mula sa kanyang puwesto at alam kong uupo siya sa tabi ko."I'm sorry to what happened to you, Eli. Kung ano man 'yon, alam kong hindi ka okay ngayon. Nalu

  • Boyfriend Hunt   Chapter 33

    ELIKasalukuyan akong naglalakad sa kahabaan ng hall way papuntang classroom. Gaya ng inaasahan, lahat ng madaanan kong estudyante ay napapalingon sa akin. Sa 4,236 friendsbook friends ni Yumi, paniguradong kalat na sa buong campus iyong pinost niya about sa akin. Thanks to her, ngayon ay pinagpipiyestahan ako ng madla."Look who's here. Grabe, hindi talaga ako makapaniwalang bakla pala siya. Sayang, guwapo pa naman."Nadinig kong bulong ng isang babae sa katabi niya nang mapadaan ako sa harap nila. Sobra naman 'yung tsismisan nilang dalawa. Halatang sadya nilang ipinarinig iyon sa akin.Minabuti ko'ng huwag na lang silang pansinin hanggang sa makarating ako sa room namin. Buong akala ko noo'y nakaraos na ako mula sa kalbaryo ng mga tismisan sa labas nang makapasok na ako sa silid. But guess what? Ang nakabusangot na mukha ni Yumi ang kaagad na su

  • Boyfriend Hunt   Chapter 32

    ELISinabi ko kay Theo ang balak na pakikipag-break ni Yumi sa kanya. He's cool with that dahil mas pabor daw iyon sa kanya. Ang sabi niya, hindi na raw kami mahihirapang umisip ng paraan kung paano siya makikipag break kay Yumi dahil ito na mismo ang tatapos sa relasyon nilang dalawa.Ako lang ba o sadyang hindi talaga patas ang nangyayari para kay Yumi?Alam kong hindi sinasadya ni Theo na umasa sa kanya si Yumi pero hindi ko lang talaga maiwasang makonsensya dahil sa katotohanang ako ang gusto ni Theo at hindi siya.Hawak ko ngayon ang cell phone ko habang nag-i-scroll ng inbox ko sa MATCHED. Matagal na rin akong hindi nagbubukas ng account dito mula ng mameet ko in person si John Smith na si Wildon pala in real life.Napangiti ako sa kawalan. Naalala ko kasi noong paghinalaan ko si Theo na siya si John Smith. Paborito niya kasi ang The

DMCA.com Protection Status