Eli
"Ma, para lang sa tabi!"
Naunang bumaba ng jeep si Theo at sumunod naman ako sa kanya.
Hindi kami nag-iimikan na dalawa mula pa kanina. Mukhang inis pa rin kasi siya hanggang ngayon dahil sa hindi niya nakita iyong cellphone niya. Kasalanan ko ba 'yon? Kung dahil lang 'don kaya niya ko hindi pinapansin ay napakababaw niya. Kung hindi niya ako iimikan ay hindi ko na lang rin siya iimikan. Tsaka 'pag nakuha niya naman na 'yung bag niya ay babalik na ako sa bahay. Nakapangako lang akong samahan siya kaya tumuloy pa rin ako papunta kana Kenneth kahit naiinis na ako sa kanya.
Eli Nakapila kami ngayon ni Theo sa may McJolly para umorder ng makakain. Marami kaming pinagpilian na ibang store pero mas okay kasi sa akin ang pagkain dito. The best kaya ang McJolly chicken, lalo na 'yung spicy. Dito rin pala 'yung McJolly na kinainan ko ng lunch kahapon kaya nagpalinga-linga ako para tingnan kung nakaduty na ba si Wildon. Hindi kasi ako sigurado kung may pasok siya ngayon dahil nagkasalubong kami sa tindahan kanina. "Anong order mo?" Tanong sa akin ni Theo na nakapila sa unahan ko. Medyo may kahabaan 'yung pila dahil saktong lunch time na ngayon.Tumingala pa rin ako sa menu kahit sigurado na akong chicken joy ang gusto ko. Libre daw 'to ni Theo kaya susulitin ko na. Gusto ko rin kasi kumain ng large fries
EliBuong araw akong nagkulong sa kwarto matapos ang nangyari kahapon. Magkikita na sana kami ni John Smith eh. Makikilala ko na sana siya ng personal. Kung hindi lang sumulpot si Yumi ay baka may lakad ulit ako ngayong hapon.Nakangiti. Masaya. Inspired. In love?Ganoon siguro 'yung mood ko sa mga oras na 'to kung hindi lang nasira ang lahat. It was a total messed up.Somehow nainis ako sa timing ng pagdating ng kaklase ko, but I'm not blaming her dahil wala naman siyang kamalay-malay na may kikitain ako kahapon. It wasn't her fault at all. It's just that ayokong malaman ni Yumi na may kikitain akong guy sa lugar na 'yon kaya mas pinili kong ilayo siya doon. Ayokong paghinalaan niya ang pagkatao ko kung sakaling maabutan niya si John Smith na kameet up ko. Pwed
Eli Nanlaki ang mga mata ko ng aminin ni Theo na si Wildon ang dahilan kung bakit niya ako iniwan kahapon sa McJolly. Hindi ko pa rin maunawaan kung paanong nadamay si Wildon sa inakto niya kahapon. "Ha? Paanong naging mayabang si Wildon, eh tinulungan na nga ko 'nung tao?" Tanong ko ulit sa kanya na medyo nalilito at di masundan ang ibig pakahulugan ni Theo. Hindi ko kasi magets kung paano niya nasabing mayabang si Wildon. "Tss. Hindi mo ba nakita kung paano niya ako tingnan kahapon, Pre? Halatang mayabang at nakakalalaki ang isang 'yon kaya napipikon ako sa tuwing nakikita ko siya. Tsaka ako ang kasama mo kahapon tapos parati na lang siyang sumusulpot... Sabihin mo, kaibigan mo ba talaga ang isang iyon o
EliHuminto ang tricycle na sinakyan namin sa tapat ng super market kung saan madalas mamili ng groceries si Mama. Mabuti na lang at mabilis ang paandar ni Manong driver kaya nakarating kaagad kami. Kanina pa kasi ako ilang na ilang sa katabi kong si Theo. Kahit pilit kong iniiwas na madikit ang braso at binti ko sa kanya ay nagtatama pa rin iyon sa tuwing may madaraanan kaming humps o di kaya ay malubak na kalsada."Eto pong bayad, kuya."Nag-abot ako ng dalawang ten peso coin kay manong bilang pamasahe namin ni Theo. Kukuhanin na sana 'yon ng tricycle driver nang bigla itong hawiin ng katabi ko."Ako na pre, itabi mo na lang muna yan." Sabi nito sabay abot ng hawak niyang twenty pesos na papel kay Manong driver.Hindi na ako nakipagtalo at ibinalik na lang sa bulsa 'yung hawak kong barya.Nang tuluyan na kaming
EliNasa hapag-kainan kami ngayon nina Mama, kumakain ng dinner kasabay ang kaklase kong si Theo.Eto na 'yon. Unti-unti nang nagka-katotoo ang mga assumptions ko kanina. Ayokong magdilang anghel kaya panay ang dasal ko sa isip ko na sana ay tumila na ang malakas na ulan."Naku Theo, mukhang natuloy 'yung bagyong napanood ko sa balita kanina. Ang lakas ng ulan at hangin sa labas oh. Mukhang hindi ka na makakauwi niyan. Tsk, tsk, tsk!" Bigla akong napalingon kay Mama dahil sa sinabi niya. Sinasabi na nga ba. Hindi pwedeng dito magpalipas ng gabi si Theo. I know concern lang si Mama sa kaklase ko pero hindi niya kasi maiintindihan 'yung side ko. I mean, wala naman kasi kaming guest room eh. At malamang sa malamang ay sa kwarto ko siya patutulugin ni Mama kung magkataon mang hindi siya makauwi. Iniisip ko pa lang kung anong puwedeng mangyari ay mababaliw na ako.
EliHating gabi na pero hindi pa rin ako dinadapuan ng antok. Siguro dahil sa lakas ng ulan? Napakalakas pa rin ng ulan magmula noong bumuhos ito kanina. Napatindi ata ang hagupit ng bagyong Ising at bukas pa inaasahang makalabas ito ng bansa. Humikab ako ng malalim at yumapos sa malambot kong unan. Bukod sa malakas na buhos ng ulan, ang isa pang bagay na kanina pa bumabagabag sa aking isipan ay ang kasama ko sa kwarto na si Theo. Nakahiga siya ngayon sa sahig, sa tabi ng aking kama. I don't know kung tulog na ba siya pero natatanaw ko ang kalahting parte ng kaatawan niya mula sa pwestp ko. Basta ang huling salitang narinig ko sa kanya ay 'yung good night niya. He even called me by my first name, na kung 'di ako nagkakamali ay
EliTheo and Yumi became official that day. In a relationship na silang dalawa matapos sagutin ni Yumi si Theo. Ang galing nga eh, sa loob ng classroom pa mismo ibinigay ni Yumi 'yung matamis niyang oo kay Theo, kung saan kompleto kaming magkakaklase. Pagkatapos na pagkatapos ng huli naming subject last monday ay parang isang balita na ibinroadcast ni Yumi ang namamagitan sa kanila ni Theo. I think two to three weeks na daw siyang nililigawan ni Theo kaya ayun, hindi niya na daw patatagalin at gusto niyang ipaalam sa lahat na ipinagmamalaki niyang maging boyfriend si Theo.Maraming nagulat. 'Yung iba ay kinilig. Wala naman akong nakitaan ng pagtutol galing sa iba kong kaklase dahil lahat sila ay mukhang masaya at pabor sa pagiging magkarelasyon ng dalawa.Bagay naman talaga sila.Isang tisoy at tisay.Anyways. I'm inside my bedroo
EliNasa harap ako ngayon ng taong sumalo sa akin mula sa muntikan ko na sanang pagbagsak. If it wasn't for him, baka may bangas na ako ngayon sa mukha. Mahigpit ang hawak niya sa akin at hindi ako nakakilos kaagad noong tanungin niya ako kung ako daw ba si pepper mint. Isa lang ang ibig sabihin noon. Siya ang lalaking hinihintay ko. Siya si John Smith.I know this guy. Kaya nga gulat na gulat ako sa pagsulpot niya dito sa harapan ko. At para masigurado na siya nga ang kameet-up ko ay tinanong ko rin siya pabalik."Ikaw si J-john Smith?" nauutal kong tanong sa kanya.Nasilayan ko naman ang malawak nitong ngiti sa labi bago niya ako sinagot."Oo, I'm John Wildon Smith." He said with full of excitement.Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang kumpirmahin niya iyon sa akin
THEO"Eli! Please... Gumising ka!"Wala nang malay si Eli nang maiahon ko siya mula sa tubig. Hindi ko alam kung ano bang nangyari sa kanya dahil mag-isa lang siya nang abutan ko at lumulutang. Wala rin akong ideya kung gaano katagal na siyang naroon pero sana lang talaga ay maisalba ko pa ang buhay niya.Hindi na tumitibok ang pulso ni Eli at Wala na siyang hininga."Tulong! Tulungan niyo ako!"Sigaw ko sa palagid pagkatapos ay sinubukan kong i-CPR si Eli.Isinara ko ang ilong niya at ibinukas naman ang kanyang bibig para mabugahan ko iyon ng hangin. Pagkatapos ay ipinatong ko ang dalawa kong kamay sa kanyang dibdib at paulit-ulit iyong diniin.First time ko lang gawin ito sa buong buhay ko dahil hindi pa naman umabot na may kasamahan akong nalunod. I hope I am doing the right thing dahil buhay ni Eli ang
THEOTulala akong bumalik patungong kwarto. Hindi ko alam kung saan nagpunta si Eli. Iniwan niya akong mag-isa sa tabing dagat matapos sabihing wala na akong pag-asa sa kanya.Masakit, subalit kailangan kong irespeto ang desisyon niya.Sinubukan kong baguhin ang isip niya at sinabing kaya ko siyang bigyan ng mas mahabang panahon para pag-isipan ang tungkol sa amin. Subalit mukhang buo na ang desisyon ni Eli na itigil na ang kung anong namamagitan sa pagitan naming dalawa."Oh Pre, anong nangyari? Bakit hindi maipinta iyang mukha mo? Nasaan si Eli?" sunod-sunod na tanong ni Kenneth nang maabutan ko ito sa labas ng room na nirentahan namin."Wala nang pag-asa, Pre." walang gana kong sagot sa kanya saka kinuha ang susi ng kwarto galing sa aking bulsa. Tumabi naman ang kaibigan ko mula sa pinto para mabuksan ko ito."Wait, wha
THEO"Inumin mo ito."Inabutan ko ng kape si Eli para mahimasmasan siya. Makakatulong iyon para mabawasan ang pagsakit ng ulo niya."Salamat." tipid na wika nito."Sinasabi ko na nga ba at hindi mapagkakatiwalaan ang gag*ng iyon. Mabuti na lang at sinundan ko kayo pabalik sa kwarto niyo."Tinabihan ko si Eli na ngayon ay nakaupo sa kama sa loob ng kuwarto namin ni Kenneth.Hindi nagsalita si Eli at humigop lang ito sa tasa ng kapeng ibinigay ko sa kanya."Hays! Sakit nga sa ulo ang tisoy na iyon. Mantakin mo? Nasa loob pala ang kulo niya. Mabuti at hindi siya nagtagumpay sa binabalak niya." sambit naman ng kaibigan kong si Kenneth na nakatayo malapit sa pintuan. Sinisiguro niyang hindi makakapasok dito sa loob 'yong gag*ng si Wildon para puntahan si Eli.Nilingon ko si Kenneth at binigyan
THEO"Napakawalang-hiya talaga ng lalaking iyon. Kung hindi mo lang ako pinigilan kanina ay nabangasan ko na ang mukha ng amerikanong hilaw na iyon! Nakakaasar!" inis kong sabi sa kaibigan ko.Nakacheck-in na kami ni Kenneth dito sa resort kung saan magbabakasyon sina Eli at Wildon.Nang matanggap ko ang mensahe mula kay Eli na magbabakasyon siya kasama si Wildon ay kaagad akong humingi ng pabor kay Kenneth para samahan akong sundan sila.Hindi naman ito tumanggi kaya naghanda na kami kinabukasan para sa araw na ito.Hindi ako nireplyan ni Eli sa mga text ko sa kanya. Hindi ko siya matawagan at hindi ko rin naman siya machat dahil nakadeactivate ang account niya dahil siguro sa pang-eexpose sa kanya ni Yumi sa friendsbook.Halos mabaliw ako sa kakaisip ng paraan para malaman kung saan magbabakasyon sina Eli at Wildon. Wala
EliBiyernes.Maaga akong gumising para magprepare ng mga damit at bagaheng dadalahin ko sa three days and two nights naming bakasyon ni Wildon sa Rio Vellorja's Beach Resort. I really need this right now dahil sa nangyari kahapon. I need to escape from everything na magpapaalala sa akin ng ginawa ni Yumi.Hindi naman siguro masama kung hindi muna ako papasok sa school at nagmessage na rin ako sa mga professor ko sa school na masama ang pakiramdam ko. Hindi ko gawain ito pero mas hindi ko kakayanin ang makita si Yumi at pati na rin si Theo."Ma! Nasaan na 'yung floral kong polo? Iyong pang summer?"Sigaw ko mula sa kwarto. Kasalukuyan kasing nagluluto ngayon si Mama sa kusina nang ibabaon ko sa byahe. Hindi naman na sana kailangan dahil may pagkain naman na kasama sa ticket namin ni Wildon pero makulit itong si Mama."Ay n
TheoWalang gana akong bumalik sa sentro ng park kung saan ang usapan namin na magkita ni Kenneth.It's too late.Gusto ko mang habulin si Eli ay hindi ko iyon ginawa. Kusa siyang sumama kay Wildon. Para saan pa kung pipigilan ko siya? Obvious naman na iniwasan ako ni Eli kanina nang tumakbo itong umiiyak palayo sa akin.Nais ko sanang pagaanin ang loob ni Eli dahil sa ginawa ni Yumi, subalit naunahan na ako ni Wildon. Si Wildon na siyang karibal ko sa puso ni Eli. Gusto ko mang sugurin ang mokong na iyon ay hindi ko nagawa.Hindi ko itatanggi, nasaktan ako ng sobra nang makita kong akay-akay siya ni Wildon patungo sa motor nito.Ilang beses ko nang sinabi kay Eli na hanggat ma-aari ay huwag siyang sumama sa lalaki na iyon. Pero sino nga ba naman ako para diktahan siya. Hindi naman ako ang boyfriend niya. Hindi pa sa ngayo
ELI"Nandito ka lang pala."Napatingala ako sa aking harapan nang marinig ang pamilyar na boses ng isang lalaki.Si Wildon iyon. Suot ang paborito niyang jacket habang bitbit ang kanyang helmet.Napawi ang mga ngiti nito nang nagtagpo ang aming paningin."Wait, are you crying?" kunot noo'ng tanong nito sa akin.Hindi ako sumagot sa kanya bagkus ay pinahid ang mga luhang hindi ko mapigilan sa pagbuhos mula sa aking mga mata."I'm alright, Wildon." wika ko habang inaayos ang aking salamin.Kumuha ako ng tissue mula sa aking bag at ginamit iyon para ayusin ang aking histura.Dahang-dahang kumilos si Wildon mula sa kanyang puwesto at alam kong uupo siya sa tabi ko."I'm sorry to what happened to you, Eli. Kung ano man 'yon, alam kong hindi ka okay ngayon. Nalu
ELIKasalukuyan akong naglalakad sa kahabaan ng hall way papuntang classroom. Gaya ng inaasahan, lahat ng madaanan kong estudyante ay napapalingon sa akin. Sa 4,236 friendsbook friends ni Yumi, paniguradong kalat na sa buong campus iyong pinost niya about sa akin. Thanks to her, ngayon ay pinagpipiyestahan ako ng madla."Look who's here. Grabe, hindi talaga ako makapaniwalang bakla pala siya. Sayang, guwapo pa naman."Nadinig kong bulong ng isang babae sa katabi niya nang mapadaan ako sa harap nila. Sobra naman 'yung tsismisan nilang dalawa. Halatang sadya nilang ipinarinig iyon sa akin.Minabuti ko'ng huwag na lang silang pansinin hanggang sa makarating ako sa room namin. Buong akala ko noo'y nakaraos na ako mula sa kalbaryo ng mga tismisan sa labas nang makapasok na ako sa silid. But guess what? Ang nakabusangot na mukha ni Yumi ang kaagad na su
ELISinabi ko kay Theo ang balak na pakikipag-break ni Yumi sa kanya. He's cool with that dahil mas pabor daw iyon sa kanya. Ang sabi niya, hindi na raw kami mahihirapang umisip ng paraan kung paano siya makikipag break kay Yumi dahil ito na mismo ang tatapos sa relasyon nilang dalawa.Ako lang ba o sadyang hindi talaga patas ang nangyayari para kay Yumi?Alam kong hindi sinasadya ni Theo na umasa sa kanya si Yumi pero hindi ko lang talaga maiwasang makonsensya dahil sa katotohanang ako ang gusto ni Theo at hindi siya.Hawak ko ngayon ang cell phone ko habang nag-i-scroll ng inbox ko sa MATCHED. Matagal na rin akong hindi nagbubukas ng account dito mula ng mameet ko in person si John Smith na si Wildon pala in real life.Napangiti ako sa kawalan. Naalala ko kasi noong paghinalaan ko si Theo na siya si John Smith. Paborito niya kasi ang The