When A Leaf Falls On Your Head

When A Leaf Falls On Your Head

last updateLast Updated : 2023-03-06
By:   InkofAnonymous  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
25Chapters
829views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

Synopsis

Mark Leaf Reyes, a newly transfer student in a school in Manila, fell in love with a guy named Elm in whom a friend warned him not to. Eager, Leaf swam into his curiosity and soon later drowned into a kind of love he was not prepared to give. TRIGGER WARNING: Suicide

View More

Latest chapter

Free Preview

[1] The Boy in the Court

Lasa ng keyk. Mukha ng nakatabi sa bus na ngumiti. Amoy ng pabango. Yakap ng mahal sa buhay. At, mga pangakong sinambit. Bakit kaya sobrang bilis mawala ng mga bagay na nagbibigay ng labis na kasiyahan?Iyon ang mga salitang tumatakbo sa isip ni Leaf habang nakatulala siya sa bintana ng kwarto niya. Kita kasi mula roon ang puno sa bakuran ng kanilang kapitbahay. Pinagmamasdan niya ang mga dahon nito na naglalaglagan dahil sa malakas na Amihan.“Wala talagang permanente. Lahat panandalian,” ang sabi niya sa sarili.“Leaf, anak, matagal ka pa ba riyan? Mala-late ka na,” sigaw ni Maple na rinig ang boses mula sa unang palapag ng bahay nila.“Patapos na po!” sagot pabalik ni Leaf. Hinila niya ang bulaklaking kurtina upang itago ang itsura ng kwarto niya mula sa mga tatanaw nito sa labas ng bintana.Kinuha at isinuot niya ang bag na nakapatong sa pang-isahang tao niyang kama. Humarap siya sa salamin kung saan halos kita ang saktong laki ng kwarto niya na may karaniwang ayos lang tulad ng n...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
25 Chapters
[1] The Boy in the Court
Lasa ng keyk. Mukha ng nakatabi sa bus na ngumiti. Amoy ng pabango. Yakap ng mahal sa buhay. At, mga pangakong sinambit. Bakit kaya sobrang bilis mawala ng mga bagay na nagbibigay ng labis na kasiyahan?Iyon ang mga salitang tumatakbo sa isip ni Leaf habang nakatulala siya sa bintana ng kwarto niya. Kita kasi mula roon ang puno sa bakuran ng kanilang kapitbahay. Pinagmamasdan niya ang mga dahon nito na naglalaglagan dahil sa malakas na Amihan.“Wala talagang permanente. Lahat panandalian,” ang sabi niya sa sarili.“Leaf, anak, matagal ka pa ba riyan? Mala-late ka na,” sigaw ni Maple na rinig ang boses mula sa unang palapag ng bahay nila.“Patapos na po!” sagot pabalik ni Leaf. Hinila niya ang bulaklaking kurtina upang itago ang itsura ng kwarto niya mula sa mga tatanaw nito sa labas ng bintana.Kinuha at isinuot niya ang bag na nakapatong sa pang-isahang tao niyang kama. Humarap siya sa salamin kung saan halos kita ang saktong laki ng kwarto niya na may karaniwang ayos lang tulad ng n
last updateLast Updated : 2023-01-28
Read more
[2] Mission Accomplished
“Isa pang Mr. Reyes. Unang araw ng klase, late ka,” saad ni Mr. Macato.“Sorry, Sir. Galing praktis.” Kaswal lang siyang pumasok sa loob at naupo sa bandang likod.“Sa susunod na ma-late ka pa ulit, tingnan mo, hahalikan talaga kita. Charot lang.” Napa-palakpak pa siya ng kamay habang humahalkhak. “Okay, salamat, Leaf. Pwede ka nang bumalik sa sinapupunan ng iyong upuan.”Napatingin si Leaf kay Elm na sa likod na hilera ng upuan nila naupo bago niya muling ukupahan ang upuan niya.Umurong siya konti para maabot ang tenga ni Clover nang sandaling muli niya itong matabihan. “Kaklase natin siya.”“Oo. Nagulat nga rin ako. Hindi ko rin alam,” bulong ni Clover pabalik. “Saya ka diyan?”“Hindi ‘nu.”“Sus. Kunwari ka pa.” Tinusok niya ang tagiliran ni Leaf kaya napatili siya sabay bungisngis ni Clover. “Baliw ka talaga.” Yumuko na lang si Leaf dahil napatingin ang ilan nilang mga kaklase sa kaniya nang marinig ang matinis niyang tili.“Okay. Magsimula na tayo. Graded recitation agad. Ano pa
last updateLast Updated : 2023-01-28
Read more
[3] I Love You, Classmate
Nang matapos ang klase, kinuha ni Leaf ang bag ni Elm.“Seryoso ka talagang babalikan mo siya sa clinic?” tanong ni Clover.Napabuntong-hininga si Leaf. “Kahit papaano kasi nagi-guilty rin ako sa ginawa ko sa kaniya.”“Speaking of guilt, siya ba na guilty sa mga babae at beki na pinaasa lang niya? Dapat lang ‘yun sa kaniya. Huwag mo na siyang tulungan. Deserve niya iyon.”“Hayaan mo na ako, Clover. Hindi mo naman ako kailangang samahan. Pwede ka nang umuwi.”“Hindi talaga noh. Mag-isa ka dyan.” Umalis na si Clover sa harap niya.“Sige na. Bye. Ingat.”Binuhat na niya ang bag ni Elm habang suot naman ang bag niya sa likod. Bumalik siya ng klinika.Pagpasok niya, nakahiga pa rin si Elm sa kama at may bendahe na ang kanang paa niya. Masama pa rin ang tingin niya kay Leaf.“Bumalik ka pa. Hindi naman kita kailangan.”“Anong sabi ng doctor?” Naupo si Leaf sa upuan na nasa gilid ng kama. Ibinaba niya sandali ang mga bag.“E ‘di tanungin mo sila.”“Sprain. One week pa raw siya bago pwede mag
last updateLast Updated : 2023-01-28
Read more
[4] To The One Who Broke My Heart
“Para sa’yo ‘to, Elm. Konting tulong lang ‘yan para bumilis ang paggaling mo,” ani Maple at may inabot na sobre. Napatingin pa si Elm kay Leaf bago tinanggap iyon.“Salamat po.”“Ingat kayo,” saad ni Alder.Dahan-dahan nang bumaba ng kotse si Elm. Sumunod naman sa kaniya si Leaf. Sabay silang naglakad papasok sa loob ng eskwelahan. Binagalan lang ni Leaf maglakad para masabayan niya si Elm.“Bakit mo sinabi sa kanila na nagba-basketbol ako?” tanong ni Leaf habang nasa hallway sila. “Nang-aasar ka ba?”“Bakit, hindi ba ‘yun totoo? ‘Di ba sinabi mo naman ‘yun? Gusto mong humawak ng bola kasi gusto mong magbasketbol.”Napatiim-bagang si Leaf. “Hindi nga totoo, okay na?”Tumigil sandali si Elm kaya napilitan rin siyang tumigil. “So, alin ang totoo? Na tinitingnan mo talaga ako sa gym dahil may gusto ka sa ‘kin?”Namula ulit ang tenga ni Leaf. Ilang tao na ang lumagpas sa kanila pero hindi pa rin niya sinasagot ang tanong. Nag-aalangan siya kung sasabihin na ba niya ang totoo kay Elm dahil
last updateLast Updated : 2023-01-28
Read more
[5] Alone When Not Together
Palabas na sila ng tarangkahan ng eskwelahan. Iniisip ni Leaf na hindi naman na siguro maiinis si Elm kung magsasalita ulit siya dahil naging tahimik naman ang pasilyo nang lagpasan nila.“Ang ganda ng tula mo kanina. Para pala ‘yun sa Mommy mo. Nasaan na siya?”“Ewan ko. Wala akong pakialam.”“Sabi mo, bumalik siya?”“Ano bang pakialam mo?” sabi ni Elm. Saglit siyang tumigil para lingunin ang kaklase at agad rin namang nagpatuloy sa paglalakad.“Elm?” Isang babae na maputi at kulay rosas ang maliit na mukha ang humarang sa daanan nila. Matangkad rin siya tulad ni Elm. “Anong nangyari sa paa mo, okay ka lang ba?”Napakamot sa ulo si Elm. “Ah, ito. Wala ‘to. Sorry hindi ako pwedeng sumama sa’yo ngayon kasi may gagawin kaming project, ‘di ba Leaf? Kailangan na bukas.”Tinapik pa ako ni Elm nang lingunin ako.“Ah, opo. Kailangan na bukas.”“Sa sunod na araw na lang.”May inabot na sobre ang babae sa kaniya. Mababakas ang makapal na laman niyon. “Sabihin mo lang kung kailangan mo pa.”“Ay
last updateLast Updated : 2023-01-28
Read more
[6] Truth or Lie
Sumakay sila ng traysikel papunta sa bahay nina Leaf. Pagdating nila doon, pinaupo sila ni Maple sa may mesa habang hinahanda pa niya ang hapunan nila.“Alam mo buti naisip ni Leaf na dito ka na lang mag-dinner,” ani Maple. “Ang lungkot kaya kapag mag-isa lang.”Sumulyap si Elm kay Leaf at ngumiti. “Opo, tita. Kaya nga pumayag din ako.”“Para tuloy dalawa ang anak ko. Okay din pala ang dalawang anak, ano? Sana nagpadagdag pala ako sa Daddy mo, Leaf.” Tinakpan pa niya ang bibig habang tumatawa. “Family planning kasi kami. Anyway, maiba ako. Elm, nakausap mo na ba ‘yung Mommy mo?”“Nag-uusap naman po kami kapag bibigyan niya ako ng pera. Hindi ho kami madalas na nag-uusap. Medyo busy rin kasi ako,” saad ni Elm.“Alam mo. Hindi naman sa nangingialam pero siguro payo na lang rin. Nasa'yo na kung pakikinggan mo o hindi. Kami kasing mga nanay, hindi naman kami perpekto. Nagkakamali rin kami pero hindi ibig sabihin nun, hindi na namin mahal ang mga anak namin. Lagi kaya kayong nasa isip nami
last updateLast Updated : 2023-03-06
Read more
[7] Hiding Behind The Pain
P.E. ang klase nila bago ang break time. Nasa silid-aralan sila at ang aralin nila ay tungkol sa larong basketbol. Ang nagtuturo ay si Coach Kiko. Dahil coach siya ni Elm, halos puro pangalan niya ang nababanggit sa buong klase nila. Siya ang ginagawang halimbawa at ang mga nakamit niya dahil sa pagiging manlalaro ng kanilang eskwelahan.“Sigurado sa susunod na linggo, okay na ang paa mo, Elm. Pwede mo na akong tulungang mag-demo sa kanila,” ani Kiko habang nagbabanat ng braso konti. Matangkad siyang lalaki at bakas din sa masikip niyang damit ang matipuno niyang pangangatawan. Isang tipikal na pangangatawan ng isang manlalaro. Halata rin sa pagtuturo niya na matagal na niyang gamay ang laro na iyon.“Yes, sir,” tugon ni Elm.“Okay class, next week, kailangan naka-PE uniform na kayo sa klase natin dahil sa gym na tayo. Maglalaro tayo ng basketbol.”Biglang tumunog ang bell.Break time na. Natanguan lang sina Leaf at Clover at kinuha na ang mga pitaka nila bago lumabas ng silid.Nakaup
last updateLast Updated : 2023-03-06
Read more
[8] Truth or Lie
Nasa sala na sila ng bahay nina Elm nang tingnan ni Leaf ang oras.“Kailangan ko na umuwi. Mag-aalas siyete na pala. Panigurado, luto na ‘yung dinner sa bahay. Gusto mo bang sumama?”“Hindi na.” Nag-uunat si Elm na tumayo sa sopa. Pinantayan niya ang nakatayong si Leaf. “Nakakahiya kung araw-araw. Hatid na lang kita?”“Huwag na. Maggagabi na. Baka may loko-loko pa dyan sa labas at patulan mo. Magta-traysikel na lang ako. Kailangan ko na rin kasi mabilis na makauwi.”Nakanguso siyang tumango-tango. “Sige, bukas punta ako sa inyo. Pero may kondisyon. Dapat maglalakad tayo. Masarap kaya maglakad. Exercise.”“Atleta ka nga talaga. Sige lang. Wala namang problema sa ‘kin. Gusto ko rin kayang naglalakad.”“Sige. Hatid na kita sa labas.”Binuhat na ni Elm ang bag ni Leaf at lumabas na sila sa may eskinita. Inantay niyang makasakay si Leaf bago siya bumalik ng bahay nila.🍀🍀🍀Lumipas ang mga araw. Ganoon na halos ang naging nakagawian ni Leaf tuwing may klase. Papasok sa eskwelahan, magkwek
last updateLast Updated : 2023-03-06
Read more
[9] Sexual Fluidity
Tapos na ang klase nila. Nasa bahay na nina Elm si Leaf. Nakahiga si Elm sa kama niya. Nakataas at nakasandal sa pader ang mga paa niya. Nakasando na lang rin siya at nasa labahin na ang uniporme niya. Baliktad ang paghiga niya. Nahiga naman sa tabi niya si Leaf na nakaturo naman sa kabilang gilid ang mga paa at naka-uniporme pa rin. Ang ulo nila magkatabi pero nasa magkaibang direksyon ang hilata nila.“Ibig sabihin, hindi ka bisexual?” tanong ni Leaf.“Iyon din ‘yung hindi namin mapagkaintindihan ni Papa. Hindi pareho ang nararamdaman ko sa babae at lalaki dahil sa beki lang naman na may gusto sa akin ako, nagkagusto. Hindi pa sa lahat ng bakla ‘yun. Sa babae talaga ako attracted simula bata pero open na ako ngayong i-try ang kapareho ko ng gender.”“Kahit straight na lalaki?”“Depende. As if patulan talaga nila ako. Pero iyon nga, open na rin akong i-try tulad ng sabi ko.”Nasa mukha ni Leaf ang telepono niya habang nakatingin naman si Elm sa kisame.“Pero sexually attracted ka sa’
last updateLast Updated : 2023-03-06
Read more
[10] Forgotten
Sumunod na araw. Walang praktis sina Elm ng basketbol kaya sumabay sa kaniya si Leaf papunta sa bahay nila.Nasa sopa sila ng bahay nila Elm sa may sala at noong una ay sinubukan ni Leaf na ituro kay Elm ang mga nalagpasan niyang aralin. Maya-maya, biglang isinara ni Elm ang kwaderno ni Leaf."Ganito na lang. Pahiram na lang ako ng notebook mo tas ako na lang mag-aaral. Gawin na lang nating oras ito para sa isa't-isa kasi bihira na lang tayo magkasama. Mas madalas na ‘yung praktis namin. Minsan lang 'to kaya, please. Ako na lang mag-isa mag-aaral niyan."Ibinaba ni Leaf ang kwarderno niya sa mesa. Kinuha naman ni Elm ang telepono niya at nagbukas ng social media app. Walang ibang magawa si Leaf kundi pagmasdan siya habang nagpipigil ng inis sa kasintahan."Sa linggo, ah. Huwag mong kalimutan na pumunta," ani Elm nang hindi tumitingin sa kaniya.Inilabas na ni Leaf ang mga kwaderno niya mula sa bag niya at inilapag sa mesa."Alis na ako. Balik na lang ako dito sa linggo." Binuhat na ni
last updateLast Updated : 2023-03-06
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status