Lasa ng keyk. Mukha ng nakatabi sa bus na ngumiti. Amoy ng pabango. Yakap ng mahal sa buhay. At, mga pangakong sinambit. Bakit kaya sobrang bilis mawala ng mga bagay na nagbibigay ng labis na kasiyahan?
Iyon ang mga salitang tumatakbo sa isip ni Leaf habang nakatulala siya sa bintana ng kwarto niya. Kita kasi mula roon ang puno sa bakuran ng kanilang kapitbahay. Pinagmamasdan niya ang mga dahon nito na naglalaglagan dahil sa malakas na Amihan.
“Wala talagang permanente. Lahat panandalian,” ang sabi niya sa sarili.
“Leaf, anak, matagal ka pa ba riyan? Mala-late ka na,” sigaw ni Maple na rinig ang boses mula sa unang palapag ng bahay nila.
“Patapos na po!” sagot pabalik ni Leaf. Hinila niya ang bulaklaking kurtina upang itago ang itsura ng kwarto niya mula sa mga tatanaw nito sa labas ng bintana.
Kinuha at isinuot niya ang bag na nakapatong sa pang-isahang tao niyang kama. Humarap siya sa salamin kung saan halos kita ang saktong laki ng kwarto niya na may karaniwang ayos lang tulad ng nakikita sa telebisyon. Kinuha niya ang pabango mula sa mesa kung saan nakapatong ang iba pang produkto na ipinapahid niya sa katawan katulad ng losyon at pulbos. Ngunit kahit hindi na niya pinulbusan ang mukha, makikita naman mula sa salamin ang makinis niyang balat. Bilugan ang kaniyang mukha kahit payat ang kaniyang pangangatawan. Makapal rin ang kilay at kaniyang pilikmata na namana niya sa kaniyang ama.
Inayos niya ang kurbata ng suot niyang uniporme. Panibagong uniporme na naman ito para sa kaniya na noo’y kulay puti at walang necktie. Ngayo’y kulay bughaw na at may kasama pang kurbata.
“Tara na. First day mo pa naman sa bago mong school,” saad ni Maple nang buksan niya ang pinto ng kwarto ng anak. Tulad ni Leaf, payat din ang katawan at bilugan ang mukha ng kaniyang ina ngunit higit na kapansin-pansin sa kaniya ang napakaganda niyang buhok na makintab at halatang malusog. Kasalukuyan iyong nakapusod.
“Tapos na po ako.”
Nilagpasan ni Leaf ang kaniyang ina palabas ng kwarto niya. Hinila ni Maple ang pinto para isara at sabay na silang bumaba ng hagdan. Dalawang palapag kasi ang nakuha nilang bahay dito sa Manila. Hindi ito gaanong kalakihan ngunit sapat na ito sa maliit nilang pamilya. Sa katunayan, pagbaba ng hagdan ay sala na agad ang bubungad.
Sumakay sila ng kotse na nakaparada sa labas ng bahay nila. Ang ama niya ang magmamaneho.
“Tara na, Alder honey,” sabi ni Maple sa asawa pagsakay ng kotse sa tabi niya, sa may passenger seat.
“Ready ka na ba, Leaf?” sabi ni Alder. Balbas sarado siya at nakadepende na sa salamin ang malabo niyang paningin. Nakatingin siya sa anak mula sa rear-view mirror. Mabalbon ang mga kamay niyang nakahawak sa manibela.
“Yes, Dad.”
“Good.” Pinaandar na ni Alder ang makina ng kotse at umalis na sila.
“Don’t forget to make friends, anak. Bago lang tayo rito kaya mas maigi kung magiging mabait tayo sa mga tao dito, okay?” sabi ni Maple habang nasa biyahe na sila.
“Yes, Mom,” tugon ni Leaf habang nakatingin sa may bintana.
Ilang sandali lang ay tumigil sila sa tapat ng eskwelahan kung saan matatanaw ang malawak na grounds nito at stage kung saan mababasa ang mga salitang Manila Private High School na siyang pangalan ng eskwelahan.
Hinila ni Leaf ang bag niya palabas ng kotse at kumaway sa mga magulang niya hanggang sa umalis sa harap niya ang sinasakyan nilang kotse. Bumuga muna siya ng hangin bago pumasok sa loob ng bagong eskwelahan.
"Room 103. Mukhang tama naman ang dinadaanan ko. Makikita ko rin iyon dito maya-maya lang," banggit niya sa sarili pagkabasa sa nakasulat sa papel na hawak-hawak niya na ibinigay sa kaniya noong inaayos pa lang niya ang mga papeles niya para sa paglipat. Hindi na niya kailangan umakyat ng hagdan dahil nasa unang palapag lang naman ng eskwelahan ang hinahanap niyang kwarto.
Sa kaniyang paglalakad, isang basketbol gym ang nadaanan niya na nakabukas ang malalapad na dobleng pinto nito. Kita sa loob ang mga lalaking nagpapraktis ng basketbol. Sandaling tumigil si Leaf para panoorin sila. Malikot ang mga mata niya dahil bukod sa naghahanap siya ng lalaking matitipuhan niya ay sinusundan niya rin ang paggalaw ng mga iyon na may kaliksihan.
Isang binata na maputi at namumula ang mukha ang nakakuha ng atensyon niya mula sa mga lalaking nandoon sa loob ng gym. Higit na mas matangkad sa kaniya ang lalaki. Nakasando lang ito kaya kita ang brusko niyang braso. Itinaas ng binata ang braso niya para hawiin ang buhok niya. At nang makita ni Leaf ang kili-kili ng lalaki, agad siyang napakagat ng labi. Hindi naman mainit pero pinagpapawisan siya.
“Wala pang recess pero busog ka na,” biglang sabi ng babae sa gilid niya na huminto sa paglalakad nang mapansin si Leaf. “Sino ba dyan? May mga tropa ako diyan. Sabihin ko bet mo?”
“Wala akong bet diyan, noh,” binabaan niya pa ang boses niya at saglit na inilayo ang tingin sa gym. “Sa katunayan nga, naiinggit ako sa kanila mag-basketbol kasi star player ako sa dati kong school.”
“Teh, ako lang ‘to. Ako lang nandito. Huwag mo nang itago. Kasi kapag nagpanggap ka pa, hahalikan kita.” Akmang inilapit ng babae ang mukha niya kay Leaf matapos lumingon-lingon sa paligid pagkasabi niyon.
"Baka tumakbo ka kapag hinalikan kita."
"Sure ka?"
Pilit na pinigil ni Leaf na hindi gumalaw. Papalapit ng papalapit ang babae sa mukha niya nang bigla na siyang umiwas.
“Hindi ko talaga kaya! Nasusuka ako!” Nailantad na ni Leaf ang tunay niyang pagkatao sa babaeng ngayon lang naman niya nakilala. Tinakpan pa niya ang bibig na kunwari'y maduduwal.
"Sabi ko na nga. Huwag kang mag-alala. Tanggap kita, ano ka ba?"
Napatingin si Leaf direkta sa mata niya at ramdam naman niya ang sinseridad ng taong kaharap.
"Sige na nga. Oo na. Hindi na ako magpapanggap. Tama ka."
“Clover nga pala. Clover Tamayo.” Inalok niya si Leaf na makipagkamay. Tiningnan lang ni Leaf ang kamay niya nang iabot niya ‘yun. Sunod ay tiningnan niya si Clover mismo at tiningnan ulit ang kamay niya at muling tumingin na naman ulit sa mukha ng babaeng nasa harap. Nanlaki ang mga butas ng ilong ni Clover. “Huwag kang mag-alala. Hindi kita type at sure ako, hindi rin ako ang type mo.”
Mapapansin ang morenang balat ni Clover nang tanggapin ni Leaf na makipagkamay sa kaniya. Nakangiti iyong tinanggap ni Leaf gamit ang parehong kamay. At isa pa, bigla niya ring naalala ang payo sa kaniya ng kaniyang ina na mas makakabuti kung magkakaroon siya ng mga kaibigan gayong bago lang sila sa Manila. Wala pa silang masyadong kakilala sa lugar kung saan sila lumipat. Hindi tulad sa ibang parte ng Manila na may ilan silang mga kamag-anak.
Inakbayan siya ni Clover at muling tinanong, “Sino nga riyan? Tulungan kita para friends na tayo.”
Dumidikit ang may kalakihang dibdib ng dalaga sa may braso niya. Napainit niyon ang tainga ni Leaf ngunit hindi dahil nakakaramdam siya ng kung anong atraksyon kundi dahil hindi siya kumportableng madikitan nu’n. “Si Birch ba? Iyong matangkad na maputi?”
“Siya ba 'yong naka-sando ng dilaw na number seven ang jersey number?”
Ibinalik nilang pareho ang tingin sa gym. “Hindi, naka-black siya na sando. Sino ba ‘yung sinasabi mo?”
Iginala rin ni Leaf ang mga mata niya sa mga lalaki na kasalukuyan ay tapos nang maglaro. Pero hindi tulad ni Clover na hinahanap ang sinasabi niyang lalaki, ang naka-itim na sando na nabanggit ni Clover naman ang hinahanap ni Leaf.
Tatlo halos ang nakita niyang nakasando ng itim pero isa lang ang nakita niyang matangkad na maputi. Walang jersey number ang sando ng lalaki na iyon kundi tatak lang ng isang brand. Pinagmasdan niya iyon. Maamo ang mukha ng lalaki na iyon pero hindi siya tipo ni Leaf. Ang tanging nakakuha lang talaga ng atensyon niya ay ang lalaking binanggit niya kay Clover.
“Si Elm?” nanlalaking mata na sambit ni Clover. “Si Elm ang crush mo?”
“Elm pala ang pangalan niya. Anong apelyido para ma-add ko social media accounts niya?”
“Seryoso ka?”
Ibinalik ni Leaf ang tingin sa loob ng gym para pagmasdan ang umiinom ng tubig na si Elm. “Bakit? Ano bang meron sa kaniya na dapat kong malaman?”
Napasinghal si Clover habang nakatingin rin kay Elm. “Nako. The ultimate paasa. Huwag ka nang magtangkang magkagusto riyan dahil paasahin ka lang niyan. Marami pang iba dyan tulad ni Birch pero huwag ‘yan. Binabalaan na kita. Masasaktan ka lang.” Naghalukipkip pa siya.
Biglang tumunog ang bell ng eskwelahan.
“Ano nga pa lang room number mo?” tanong ni Leaf kay Clover.
“103. Ikaw?”
Muling tiningnan ni Leaf ang hawak na papel upang makasigurado. “Parehas pala tayo.”
Napanganga si Clover ng kaunti. “OMG! I think meant to be talaga tayo...maging bestie! Let’s go, Beshy.”
Naglakad na siya at kumumpas pa para sundan siya. Nakangiti naman na sinundan siya ni Leaf.
“Bago ka lang ba rito?” tanong ni Clover. “Ngayon lang kita nakita. Dito rin kasi ako nag-junior high school at never pa kitang nakita.”
“Oo, kakalipat lang kasi namin dito.”
Pumasok sa isang silid-aralan si Clover habang nakasunod lang sa kaniya si Leaf. “Bakit kung kailan grade 12 ka na, saka ka pa lumipat? Hindi ba graduating na rin iyon na maituturing?”
“Kailangan na kasi dahil ‘yung work ni Daddy, nandito na.”
“Ano bang work niya?” tanong ni Clover habang namimili sila ng upuan. Naupo siya sa bandang gitna.
Naupo naman si Leaf sa tabi niya. “Nagbebenta sila ng lupa. Sila ni Mommy. ‘Yun ang work nila.”
“E ‘di may bahay na rin kayo agad dito?” Tumango na lang si Leaf bilang tugon. “Ayos. Ang galing. Ako naman, hindi talaga kami mayaman. Pinag-aral lang ako ng Tita ko kasi matalino naman daw ako. Sayang daw ‘yung talino ko kung ‘di ako pag-aaralin sa magandang school.”
Tumawa siya ng mahina.
Isang beki na nakasalamin at medyo mataba ang pumasok sa kwarto nila. “Magandang Hapon.” Bumati naman sa kaniya pabalik ang mga estudyante. “Okay. Ako si Mr. Macato. Ako ang magiging guro ninyo sa asignaturang, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino,” pagpapakilala niya. “Pero bago ako magsimula, mayroon tayong bagong estudyante mula sa ibang eskwelahan at kakalipat lamang. Pwede mo bang ipakilala ang iyong sarili, Mr. Reyes?”
Napagitla si Leaf sa upuan niya nang matawag ang pangalan pero dahan-dahan rin naman siyang tumayo at nakayukong pumunta sa harapan.
“May ka-apelyido ka sa klase na ‘to,” sabi ni Mr. Macato bago makalapit si Leaf sa kaniya. “Hindi na rin naman ako magtataka. Ang common ng Reyes na surname.”
Dinaan na lang ni Leaf sa mahinang pagtawa ang kaba nang mapansin na nakatingin na sa kaniya ang buong klase. Nasa bente rin sila. Marami-raming tao rin iyon para sa kaniya kaya hindi niya mapigil ang malakas na kabog ng dibdib niya. Inaasahan na niya na gagawin niya iyon pero hindi pa rin siya komportable na magsalita sa harapan lalo pa’t mga bagong tao ang kaharap niya. Tiningnan-tingnan na lang niya si Clover para mabawasan ang kaba niya.
“Hi, ako si Mark Leaf Reyes. Pwede niyo akong tawaging Leaf. Labing-walong taong gulang. Dati kaming nakatira sa Cavite at kakalipat lang rin namin dito sa Manila. Dito na rin kasi ako mag-aaral ng kolehiyo pagtapos. At, nagagalak akong makilala kayong lahat.”
“Welcome to our school, tukayo...ng apelyido,” sabi ni Elm na nakatayo na sa pinto ng silid-aralan nila. Nakabihis na siya ng uniporme. Ang isang kamay niya ay nakasandal sa pintuan.
Biglang pinagpawisan ng malamig si Leaf at tila nanigas siya sa kinatatayuan niya habang nanlalaki ang mga mata niyang nakatitig kay Elm.
Kanina pa pala siya nasa pintuan at inaantay lang matapos magpakilala si Leaf bago pumasok.
“Isa pang Mr. Reyes. Unang araw ng klase, late ka,” saad ni Mr. Macato.“Sorry, Sir. Galing praktis.” Kaswal lang siyang pumasok sa loob at naupo sa bandang likod.“Sa susunod na ma-late ka pa ulit, tingnan mo, hahalikan talaga kita. Charot lang.” Napa-palakpak pa siya ng kamay habang humahalkhak. “Okay, salamat, Leaf. Pwede ka nang bumalik sa sinapupunan ng iyong upuan.”Napatingin si Leaf kay Elm na sa likod na hilera ng upuan nila naupo bago niya muling ukupahan ang upuan niya.Umurong siya konti para maabot ang tenga ni Clover nang sandaling muli niya itong matabihan. “Kaklase natin siya.”“Oo. Nagulat nga rin ako. Hindi ko rin alam,” bulong ni Clover pabalik. “Saya ka diyan?”“Hindi ‘nu.”“Sus. Kunwari ka pa.” Tinusok niya ang tagiliran ni Leaf kaya napatili siya sabay bungisngis ni Clover. “Baliw ka talaga.” Yumuko na lang si Leaf dahil napatingin ang ilan nilang mga kaklase sa kaniya nang marinig ang matinis niyang tili.“Okay. Magsimula na tayo. Graded recitation agad. Ano pa
Nang matapos ang klase, kinuha ni Leaf ang bag ni Elm.“Seryoso ka talagang babalikan mo siya sa clinic?” tanong ni Clover.Napabuntong-hininga si Leaf. “Kahit papaano kasi nagi-guilty rin ako sa ginawa ko sa kaniya.”“Speaking of guilt, siya ba na guilty sa mga babae at beki na pinaasa lang niya? Dapat lang ‘yun sa kaniya. Huwag mo na siyang tulungan. Deserve niya iyon.”“Hayaan mo na ako, Clover. Hindi mo naman ako kailangang samahan. Pwede ka nang umuwi.”“Hindi talaga noh. Mag-isa ka dyan.” Umalis na si Clover sa harap niya.“Sige na. Bye. Ingat.”Binuhat na niya ang bag ni Elm habang suot naman ang bag niya sa likod. Bumalik siya ng klinika.Pagpasok niya, nakahiga pa rin si Elm sa kama at may bendahe na ang kanang paa niya. Masama pa rin ang tingin niya kay Leaf.“Bumalik ka pa. Hindi naman kita kailangan.”“Anong sabi ng doctor?” Naupo si Leaf sa upuan na nasa gilid ng kama. Ibinaba niya sandali ang mga bag.“E ‘di tanungin mo sila.”“Sprain. One week pa raw siya bago pwede mag
“Para sa’yo ‘to, Elm. Konting tulong lang ‘yan para bumilis ang paggaling mo,” ani Maple at may inabot na sobre. Napatingin pa si Elm kay Leaf bago tinanggap iyon.“Salamat po.”“Ingat kayo,” saad ni Alder.Dahan-dahan nang bumaba ng kotse si Elm. Sumunod naman sa kaniya si Leaf. Sabay silang naglakad papasok sa loob ng eskwelahan. Binagalan lang ni Leaf maglakad para masabayan niya si Elm.“Bakit mo sinabi sa kanila na nagba-basketbol ako?” tanong ni Leaf habang nasa hallway sila. “Nang-aasar ka ba?”“Bakit, hindi ba ‘yun totoo? ‘Di ba sinabi mo naman ‘yun? Gusto mong humawak ng bola kasi gusto mong magbasketbol.”Napatiim-bagang si Leaf. “Hindi nga totoo, okay na?”Tumigil sandali si Elm kaya napilitan rin siyang tumigil. “So, alin ang totoo? Na tinitingnan mo talaga ako sa gym dahil may gusto ka sa ‘kin?”Namula ulit ang tenga ni Leaf. Ilang tao na ang lumagpas sa kanila pero hindi pa rin niya sinasagot ang tanong. Nag-aalangan siya kung sasabihin na ba niya ang totoo kay Elm dahil
Palabas na sila ng tarangkahan ng eskwelahan. Iniisip ni Leaf na hindi naman na siguro maiinis si Elm kung magsasalita ulit siya dahil naging tahimik naman ang pasilyo nang lagpasan nila.“Ang ganda ng tula mo kanina. Para pala ‘yun sa Mommy mo. Nasaan na siya?”“Ewan ko. Wala akong pakialam.”“Sabi mo, bumalik siya?”“Ano bang pakialam mo?” sabi ni Elm. Saglit siyang tumigil para lingunin ang kaklase at agad rin namang nagpatuloy sa paglalakad.“Elm?” Isang babae na maputi at kulay rosas ang maliit na mukha ang humarang sa daanan nila. Matangkad rin siya tulad ni Elm. “Anong nangyari sa paa mo, okay ka lang ba?”Napakamot sa ulo si Elm. “Ah, ito. Wala ‘to. Sorry hindi ako pwedeng sumama sa’yo ngayon kasi may gagawin kaming project, ‘di ba Leaf? Kailangan na bukas.”Tinapik pa ako ni Elm nang lingunin ako.“Ah, opo. Kailangan na bukas.”“Sa sunod na araw na lang.”May inabot na sobre ang babae sa kaniya. Mababakas ang makapal na laman niyon. “Sabihin mo lang kung kailangan mo pa.”“Ay
Sumakay sila ng traysikel papunta sa bahay nina Leaf. Pagdating nila doon, pinaupo sila ni Maple sa may mesa habang hinahanda pa niya ang hapunan nila.“Alam mo buti naisip ni Leaf na dito ka na lang mag-dinner,” ani Maple. “Ang lungkot kaya kapag mag-isa lang.”Sumulyap si Elm kay Leaf at ngumiti. “Opo, tita. Kaya nga pumayag din ako.”“Para tuloy dalawa ang anak ko. Okay din pala ang dalawang anak, ano? Sana nagpadagdag pala ako sa Daddy mo, Leaf.” Tinakpan pa niya ang bibig habang tumatawa. “Family planning kasi kami. Anyway, maiba ako. Elm, nakausap mo na ba ‘yung Mommy mo?”“Nag-uusap naman po kami kapag bibigyan niya ako ng pera. Hindi ho kami madalas na nag-uusap. Medyo busy rin kasi ako,” saad ni Elm.“Alam mo. Hindi naman sa nangingialam pero siguro payo na lang rin. Nasa'yo na kung pakikinggan mo o hindi. Kami kasing mga nanay, hindi naman kami perpekto. Nagkakamali rin kami pero hindi ibig sabihin nun, hindi na namin mahal ang mga anak namin. Lagi kaya kayong nasa isip nami
P.E. ang klase nila bago ang break time. Nasa silid-aralan sila at ang aralin nila ay tungkol sa larong basketbol. Ang nagtuturo ay si Coach Kiko. Dahil coach siya ni Elm, halos puro pangalan niya ang nababanggit sa buong klase nila. Siya ang ginagawang halimbawa at ang mga nakamit niya dahil sa pagiging manlalaro ng kanilang eskwelahan.“Sigurado sa susunod na linggo, okay na ang paa mo, Elm. Pwede mo na akong tulungang mag-demo sa kanila,” ani Kiko habang nagbabanat ng braso konti. Matangkad siyang lalaki at bakas din sa masikip niyang damit ang matipuno niyang pangangatawan. Isang tipikal na pangangatawan ng isang manlalaro. Halata rin sa pagtuturo niya na matagal na niyang gamay ang laro na iyon.“Yes, sir,” tugon ni Elm.“Okay class, next week, kailangan naka-PE uniform na kayo sa klase natin dahil sa gym na tayo. Maglalaro tayo ng basketbol.”Biglang tumunog ang bell.Break time na. Natanguan lang sina Leaf at Clover at kinuha na ang mga pitaka nila bago lumabas ng silid.Nakaup
Nasa sala na sila ng bahay nina Elm nang tingnan ni Leaf ang oras.“Kailangan ko na umuwi. Mag-aalas siyete na pala. Panigurado, luto na ‘yung dinner sa bahay. Gusto mo bang sumama?”“Hindi na.” Nag-uunat si Elm na tumayo sa sopa. Pinantayan niya ang nakatayong si Leaf. “Nakakahiya kung araw-araw. Hatid na lang kita?”“Huwag na. Maggagabi na. Baka may loko-loko pa dyan sa labas at patulan mo. Magta-traysikel na lang ako. Kailangan ko na rin kasi mabilis na makauwi.”Nakanguso siyang tumango-tango. “Sige, bukas punta ako sa inyo. Pero may kondisyon. Dapat maglalakad tayo. Masarap kaya maglakad. Exercise.”“Atleta ka nga talaga. Sige lang. Wala namang problema sa ‘kin. Gusto ko rin kayang naglalakad.”“Sige. Hatid na kita sa labas.”Binuhat na ni Elm ang bag ni Leaf at lumabas na sila sa may eskinita. Inantay niyang makasakay si Leaf bago siya bumalik ng bahay nila.🍀🍀🍀Lumipas ang mga araw. Ganoon na halos ang naging nakagawian ni Leaf tuwing may klase. Papasok sa eskwelahan, magkwek
Tapos na ang klase nila. Nasa bahay na nina Elm si Leaf. Nakahiga si Elm sa kama niya. Nakataas at nakasandal sa pader ang mga paa niya. Nakasando na lang rin siya at nasa labahin na ang uniporme niya. Baliktad ang paghiga niya. Nahiga naman sa tabi niya si Leaf na nakaturo naman sa kabilang gilid ang mga paa at naka-uniporme pa rin. Ang ulo nila magkatabi pero nasa magkaibang direksyon ang hilata nila.“Ibig sabihin, hindi ka bisexual?” tanong ni Leaf.“Iyon din ‘yung hindi namin mapagkaintindihan ni Papa. Hindi pareho ang nararamdaman ko sa babae at lalaki dahil sa beki lang naman na may gusto sa akin ako, nagkagusto. Hindi pa sa lahat ng bakla ‘yun. Sa babae talaga ako attracted simula bata pero open na ako ngayong i-try ang kapareho ko ng gender.”“Kahit straight na lalaki?”“Depende. As if patulan talaga nila ako. Pero iyon nga, open na rin akong i-try tulad ng sabi ko.”Nasa mukha ni Leaf ang telepono niya habang nakatingin naman si Elm sa kisame.“Pero sexually attracted ka sa’
Naglalakad siya nang matanaw niya ang kumpulan ng mga tao. Hindi na sana niya papansinin pero napilitan siyang usisain dala ng matinding pag-uudyok ng kaniyang kuryosidad. Naglakad siya roon papalapit.“Baka kilala niyo po ‘yung nagpakamatay. Nawawala kasi ang pitaka at cellphone niya kaya hindi pa kami makatawag sa mga kakilala niya para sabihin na patay na siya,” sabi ng isa sa mga pulis. “Hindi rin namin siya makilala dahil wala kaming makuhang ID.”“Hindi ko masyadong nakita’ yung mukha,” sagot ng isang ale sa pulis. “Pero, parang hindi ko naman kilala ‘yung lalaki.”Natanaw ni Leaf ang bangkay ng lalaki nang kuhain na siya ng may awtoridad. Hindi man niya makita kung sino ‘yun ay bigla siyang nakaramdam ng kaba. Pamilyar ang hubog ng katawan nito sa kaniya. Tinitigan niya ng maigi habang binubuhat at bigla niyang naramdaman na parang kilala niya ang lalaki na ‘yun kahit pa may kalayuan ito mula sa kinatatayuan niya.“Suot niya po itong pulseras na ‘to,” ani pulis. Itinaas niya an
Kasalukuyang nasa speech room si Leaf kasama ang propesor na si Carob habang nasa harap sila ng iisang laptop. Nakatanggap siya ng tawag mula kay Elm. “Sagutin ko lang po ito,” aniya at itinaas ang telepono para ipakita sa propesor ang tawag. Lumabas siya ng kwarto na iyon at sinagot ang tawag. “Hello, mahal?” Maririnig ang pag-iyak ni Elm mula sa kabilang linya. “Sinugod namin ngayon si Papa sa ospital. Pwede mo ba akong puntahan ngayon dito?” Napalingon si Leaf sa propesor na nasa loob ng speech room. “Elm, may importante kasi akong ginagawa ngayon. Kung mahihintay mo akong matapos ito, pupuntahan kita. Pangako.” “Nagkaroon ng kumplikasyon si Papa mula sa surgery. Kritikal ang kondisyon niya. Kailangan kita dito ngayon, Leaf, pakiusap. Puntahan mo ko.” “Ganto, Elm, kumalma ka lang muna. Magdasal ka. Ipagdasal mo na makaligtas ‘yung Papa mo. Tatagan mo ‘yung loob mo. Susunod ako diyan.” Hindi sumagot si Elm at nagpatuloy lang sa pag-iyak. “Pagtapos ko rito, pupuntahan kita. Pr
Dinala sila pareho sa pinakamalapit na presinto. Nasa magkahiwalay na kwarto dinala sina Elm at Basil at hinihingian ng pahayag. Parehong may mesa sa gitna nila at may kaharap na pulis. Nang matapos ang mga pagtatanong, humiling si Elm na gumamit ng telepono para tawagan si Leaf.Nasa eskwelahan na si Leaf ng oras na iyon. Nasa kalagitnaan siya ng klase niya nang biglang tumunog ang telepono niya. Nagpaalam siya sa propesor na lalabas sandali para sumagot ng tawag. Alam niya kasi na alam ni Elm ang iskedyul niya at hindi ito tatawag basta-basta sa gitna ng klase niya. Sigurado siyang importante ang sasabihin ng kasintahan. Sinagot niya ang tawag.“Hello, Elm. Anong problema?” aniya.“Leaf, nasa presinto ako ngayon. Dinampot ako.”“Huh? Bakit? Anong nangyari?” Napalakas ang boses niya at tahimik siyang humingi ng tawad sa guro na nasa loob ng silid-aralan nila. Napatingin kasi ito sa kaniya. Tumalikod na lang siya mula sa direksyon na iyon.“Yung kasama ko kasi inabutan ako ng droga ta
Nasa loob na sila ng isang restwarant na ang mga mesa ay mahahaba at maraming upuan na nakapaligid bawat mesa. Ang mga pagkain ay iba-iba. Mayroong pang-Pinoy, pang-Mexicano, pang-Italiano, at iba pa. Kumakain na sila nang biglang magtanong si Maple."Ano nga pa lang plano mo, Elm, ngayong naka-gradweyt ka na? Saang eskwelahan ka papasok?"Binitiwan ni Elm ang kutsara bago sumagot. "Hindi po muna ako mag-aaral."Nakatagilid siyang nilingon ni Leaf. "Bakit?"Huminga si Elm ng malalim bago sumagot. "May sakit kasi si Papa. Emphysema.""Naninigarilyo ba siya?" tanong ni Alder.Umiling si Elm. "Secondhand Smoker. Mga smoker ang mga kasama niya sa trabaho kaya po ganoon.""Dapat hindi siya sumasama kapag naninigarilyo sila." Patuloy lang sa pagkain si Alder."Iyon nga po. Hindi ko rin alam. Sinabi nalang niya sa akin. Nagulat na lang rin ako." Nakatingin lang si Elm sa kanila habang sumasagot."May iniinom naman siyang gamot?" tanong ni Maple."Meron ho. Nakapagpa-check up na siya at na-re
"Excuse lang," ani Elm sa mga estudyanteng nakapaligid sa kaniya at lumapit siya kay Leaf. "Uy, Leaf. Pauwi ka na?"Sasagutin na sana siya ni Leaf nang makita niyang nagbubulungan at tinitingnan siya ng mga presman sa likod ni Elm."Siya ba 'yung sinasabi nilang ex?""Siya nga ata. Hindi naman maganda."“Lalampasuhin’ yung ganiyang mukha ng ibang paminta na kilala ko.”“Pero in fairness, gwapo rin naman kahit papaano.”"So, totoo nga ang chismax. Beki nga siya. Pogi rin ang bet." Nagtawanan pa sila ng mahina."Baliw. Hindi siya beki. Attracted pa rin siya sa babae. 'Di ba nga ang chismax naghiwalay sila dahil sa bilatchi.""Huwag mo na silang pansinin. Pauwi ka na ba?" pag-ulit ni Elm sa tanong niya. Gusto niya kasing hilain ang atensyon ni Leaf mula sa mga rinig na bulungan ng mga presman.Pinilit na lang ni Leaf na ngumiti at tumango. "Oo. Ikaw ba?""Tapos na klase ko. Hatid na kita?"Saglit na umiling si Leaf. "Hindi na. Hindi mo naman 'yun kailangang gawin."Napakibit-balikat si E
Tumayo si Elm sa kama niya at inilagay ang nakabuhol na kabilang dulo ng lubid sa leeg niya. Tatalon na lang siya at malalagutan na siya ng hininga. Iniisip niyang ‘pag nangyari iyon ay matatapos na rin ang paghihirap niya. Mawawala na rin ang bigat at sakit na nararamdaman niya. Wala na siyang kailangang intindihin. Matatapos na lahat.Naging malalim ang paghinga niya. Pinagpawisan siya ng malamig.Nakahawak siya sa lubid na nasa leeg niya nang muli siyang napatingin sa pulseras na suot niya. Tinitigan niya ang palawit nito—korte ng luha.Naalala niya ang sinabi ni Leaf sa kaniya.Kung may kakayahan ka na lumuha, umiyak ka. Ilabas mo.Nanginig ang mga kamay niya at nagsimulang kuminang ang mata niya nang may luha na bigla na lang umusbong sa mata niya.“Sinong mag-aalaga kay Papa kapag lumala na ang sakit niya?” tanong niya sa sarili. “Mawawala ang bigat ng nararamdaman ko pero si Papa naman ang mas mahihirapan dahil sasaluhin niya lahat iyon.”Hindi na niya napigilan na umagos mula
Natapos ang kinakanta ng banda na naabutan nila pagpasok nila. Ang sunod na kanta ay isang malungkot na awitin. Sakto sa mga sawi na nagpunta ng bar ng oras na iyon. Sakto sa nararamdaman ni Leaf. Ramdam niya rin iyon kaya naman hindi niya maialis ang mata niya sa entablado. Tutok na tutok siya sa pakikinig hanggang sa lumipad na ang isip niya at naalala na naman niya ang ginawa sa kaniya ni Elm. Muling tumulo ang luha mula sa mata niya.Agad siyang napansin ni Clover kaya hinaplos niya ang likod ng kaibigan para subukang pakalmahin siya.“Ano bang nangyari?” tanong ni Clover. Bigla na lang siyang niyakap ni Leaf. Hindi sumagot si Leaf kaya muli siyang nagsalita. “Ayos lang. Ilabas mo iyan. Ikwento mo. Makakatulong ‘yan para pagaanin ang loob mo.”“Nag-cheat siya sa akin. Nahuli ko sila ni Hazel.”Namilog ang mga mata ni Clover. “Nagawa sa’yo ‘yun ni Elm? Akala ko pa naman nagbago na talaga siya.”Kumalas na sa pagkakayakap si Leaf. “Parang wala lang sa kaniya lahat ng pinagsamahan na
Hindi nakapasok ng eskwelahan si Hazel kinabuksan. Naisip ni Elm na marahil ay nagpapahinga siya dahil masama nga ang pakiramdam kahapon pa.Pagkatapos ng mga klase ni Elm, pinuntahan niya si Leaf sa may silid-aralan nila. At ‘di tulad kahapon, si Leaf naman ang may ginagawang aktibidad kasama ang mga kagrupo niya sa loob ng silid-aralan nila. Tahimik silang nagkukumpol-kumpol sa nag-iisang laptop na mayroon sila. Kumaway si Elm at tumayo naman si Leaf sa kinauupuan niya nang mapansin niya si Elm na nakatayo sa labas ng pintuan. Lumapit siya sa kasintahan.“Antayin na kita. Matagal ba ‘yan. Yayain sana kita pumunta sa bahay,” ani Elm. Hinawakan niya sa kamay si Leaf at hinalikan siya dito. “Miss na rin kasi kita.”Nilingon ni Leaf saglit ang mga kasama sa loob. “Mukhang matatagalan pa kasi kami rito. Tapos kung pupunta pa ako sa inyo, baka late na ako makauwi. Sige na. Umuwi ka na. Huwag mo na akong antayin. Kita na lang tayo sa ibang araw. Ingat,” saad ni Leaf na wala man lang sigla.
Nilagpasan na lang ni Leaf si Hazel at hinanap na ang silid-aralan niya.Alam na niyang hindi na niya kaklase si Elm dahil naging labo-labo ang paglalagay ng eskwelahan ng estudyante sa bawat seksyon. Paulit-ulit niya pang tiningnan noon ang listahan na ibinigay sa kanila ng eskwelahan nila. Mabuti na lang at kaklase pa rin niya si Clover.“Mabuti na lang at nakita na kita,” ani Leaf nang makitang nakatayo si Clover sa pasilyo at nakikinig ng tugtog mula sa pang-ulong hatinig na nakasalpak sa tenga niya.Pinatay na ni Clover ang tugtog at tinanggal ang pang-ulong hatinig na suot niya. “Bakit? Anong nangyari?”“Nasalubong ko si Hazel. Hindi talaga maganda pakiramdam ko sa pagbabalik ng babaeng ‘yun sa eskwelahan na ‘to.” Lumingon pa siya pero wala na si Hazel sa kung saan niya ito nakasalubong kanina.“Nako. Kaya ikaw, bantayan mo ‘yang si Elm. May mga desperada talaga na gagawin ang lahat maiputan ka lang sa ulo. Bantayan mo kung anong sa’yo. At saka kung mahal ka naman talaga ni Elm