Share

RUTHLESS SEDUCTION  (Tagalog)
RUTHLESS SEDUCTION (Tagalog)
Author: Yeiron Jee

Chapter 1-Hospital

"YOUNG MASTER, dumating na po ang inyong ama."

Lalong nagusot ang matangos na ilong ni Alexander sa ibinalita ng kaniyang personal bodyguard. Naiinis siya dito ngayon at lahat ng taong nakapaligid sa kaniyang ama ay kinaiinisan niya. Gusto niyang tumayo mula sa kinahigaan upang makaiwas sa ama ngunit hindi niya magawa.

"Young Master, please huwag niyo na pong piliting kumilos at lalo lamang nagdudurugo ang inyong sugat." Pakiusap ni Tibor sa binata. Kahit may malubha itong sugat na natamo mula sa kaaway nito ay ang lakas pa rin ng lalaki.

"Tsss, you're worthless! mangani-nganing batuhin ni Alexander si Tibor at dito ibinunton ang inis na nadarama.

"I'm sorry, Young Master!" Nakayuko ang ulo at kulang na lang ay lumuhod si Tibor sa harapan ni Alexander upang patawarin na siya.

Alam ni Tibor na ang pinakaayaw ng binata ay ang makita ito ng ama nito sa ganoong kalagayan. Lagi na lang siyang naiipit sa mag-amang amo dahil parehong ma-pride at ayaw magpatalo sa isa't isa. Kulang na lang ay magpatayan kapag nagpangita ngunit kapag hindi naman matiis ang isa't kapag nasa ganitong sitwasyon.

"Get out!" Parang lobo na umangil si Alexander sa ginoo.

Mabilis na lumabas si Tibor upang hindi na lumala ang kalagayan ng binata. Mas inaalala niya ang kalagayan nito kaysa sa galit nito sa kaniya.

"Nagalit na naman ba sa iyo?"

Mabilis na hinarap ni Tibor ang nagsalita at yumuko upang magbigay galang sa ama ni Alexander. "Good evening, Mr. Chairman!"

Napabuntonghininga si Laurenzo at tinanaw ang nakasarang pintuan. Hindi na niya alam kung ano ang dapat gawin upang maibalik sa dati ang samahan nilang mag-ama. Paano maibalik ang masunurin at mapagmahal na anak. Mula nang mawala ang ina nito na siya ang sinisisi ay naging matigas na ang ulo nito. Ginagawa ang gusto na madalas ikinakapahamak nito. It's been ten years, at ngayong kaya na nitong tumayo sa sariling mga paa ay lumala ang ugali. Naging ruthless at dominate which is may pinagmanahan naman.

Naaawang pinagmasdan ni Tibor ang ginoo. Halos magka edad lang naman sila at malaki ang paggalang niya rito. Nakikita niya ang kahinaan ni Laurenzo kapag silang dalawa lang ang magkaharap. Pero kapag may ibang tao lalo na sa harap ng anak ay para itong lion na laging handang manakmal.

"Malala ba ang sugat na natamo niya?" tanong ni Laurenzo.

"Malalim ang sugat sa kaniyang tagiliran. Pero siniguro ng doctor na maayos na ang kaniyang kalagayan."

"Nahuli na ba ang gumawa nito sa kaniya?" tanong niyang muli kay Tibor.

"Hindi pa po matukoy kung sino sa kaaway ninyo ang may gawa nito."

Muling napabuntonghininga si Laurenzo at galit na sinipa ang dingding. Marami siyang kaaway dahil sa dati niyang trabaho. Pero iniwan niya ang organisasyon noon para sa kaligtasan ni Alexander. Maayos naman ang pagtiwalag niya noon sa grupong binuo, ngunit sadyang may taong may galit na sa kaniya at gusto siyang pabagsakin. Lalo na ngayong lumalago ang kaniyang negosyong itinayo mag-isa.

"Ano po ang plano niyo ngayon kay Young Master?"

"Siguro ay panahon na upang palitan ang kaniyang bantay."

Nalungkot si Tibor sa naging desisyon ng ginoo.

"Hindi sa wala akong tiwala sa iyo o ano pa man. Nagkakaedad ka na rin at sobrang malambot ka sa aking anak. Mas kailangan ng taong malakas at hindi matatakot sa kaniya upang masunod ang gusto nito." Paliwang ni Laurenzo kay Tibor.

"Naintindihan ko po, Mr. Chairman. Pero kilala mo ang iyong anak at ilang beses niyo nang sinubukan ang bagay na ito."

Tama si Tibor, ilang beses na niyang sinubukan na palitan ito sa puwesto nito. Ngunit walang tumatagal sa kaniyang anak. Madalas ay nabubugbog ni Alexander ang naka assign na bodyguard dito kaya umaayaw na. Tanging si Tibor ang hindi nito kayang saktan. Si Tibor ang tipong mahaba ang pasensya at hindi pinapatulan ang kaarogantihan ng kaniyang anak. Minsan nagseselos siya dahil mas malaki ang paggalang ng anak kay Tibor kaysa kaniya. Si Tibor kasi ang nagsisilbing ama nito noon dahil lagi siyang wala.

"Alam kong gagawa lang ng paraan si Alexander upang mawala sa landas niya ang taong itinatalaga ko. Kaya naisip ko na ikaw na ang kusang umalis at pumili ng taong mangangalaga sa kaniya. Huwag kang mag-alala, mananatili ka pa rin pero bilang aking assistant na."

Napaisip si Tibor at nangamba sa kung ano pa ang ibang naisip ng chairman.

"Hindi ka niya matanggihan, Tibor, lalo na kapag nakikita niyang mahina ka na." Pangumbinsi ni Laurenzo.

"Pero—"

"Balita ko ay graduated na ang ampon mo sa pagka pulis."

Mabilis na iniwas ni Tibor ang tingin sa Chairman at hindi nagustohan ang nasa isip nito.

"Hindi ko intensyon na ipitin ka sa sitwasyon, Tibor. Pero ito lang naisip kong paraan upang mapasunod ang aking anak. Ayaw mo namang maulit ito sa kaniya, 'di ba?" tonong nangungusensyang paliwanag ni Laurenzo.

"Hindi ko po alam kung mapasunod ko siya." Biglang namroblema si Tibor. Katulad ni Alexander, matigas din ang ulo ng kaniyang inampok na sariling anak na rin kung ituring.

"Ako ang bahalang kumausap sa anak mo, ang asikasuhin mo ay kung paano mapapayag ang aking anak. Kung kinakailangang masaktan ka ay gawin mo upang pareho tayong makinabang," makahulugang pahayag ni Laurenzo.

Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Tibor at tumango sa ginoo. Halatang napipilitan lamang siya at walang ibang choice kundi ang sumang-ayon.

Lihim na napangiti si Laurenzo sa nakikitang pagsuko ni Tibor. Kaya hindi niya basta mapalitan ang lalaki bilang bantay ng anak ay dahil dito lang may tiwala si Alexander.

Hindi na napigilan ni Tibor ang ginoo nang pumasok ito sa loob. Sumunod siya at baka mapaano ang kaniyang alaga. Pagpasok sa loob ay nakahinga siya ng maluwag at natutulog ang binata. Alam niyang nagkukunwari lamang itong tulog, pero mas mabuti na ang ganito kaysa ang makipagsagutan na naman ito sa ama nito.

Napailing si Laurenzo habang pinagmamasdan ang mukha ng anak. Marami itong pasa sa mukha at may support na nakalagay sa leeg nito upang hindi maigalaw ang ulo. Maging ang braso ay naka benda. Hindi niya makita ang sugat nito sa tagiliran at ayaw niya rin namang makita pa.

"Sabihin mo sa kapulisan na madaliin ang imbistiga at gusto kong mahuli agad ang salarin!"

"Yes, Mr. Chairman!" magalang na sagot ni Tibor kasabay ng pagyuko ng ulo.

Nangangalit ang mga ngipin ni Alexander habang nakikinig sa mga sinasabi ng ama. Sa halip na matuwa sa pag-aalala nito ay naasar lamang siya. Galit siya rito, dahil sa pagiging workaholic nito at pagtatag ng organisasyon ay namatay ang kaniyang ina. Dahil sa kapangyarihan na nais makuha sa gobyerno noon ay nagkaroon ito ng kaaway. Nawalan na ito ng time sa kanila ng kaniyang ina, lagi pang nanganganib ang kanilang buhay. At ngayong gusto niyang gumanti sa mga pumaslang sa kaniyang ina ay nagbago naman ito. Saka lang ito nagbagong buhay kung kailan nawala na ang kaniyang ina.

"Hindi na ako magtatagal at alam kong ayaw niya akong makita lalo na sa kaniyang kalagayan ngayon." Nilingon niya ang anak na alam niyang nagtutulog-tulugan lamang bago humakbang palabas ng naturang silid.

"Mag-ingat po kayo, Mr. Chairman!"

Nilingon ni Laurenzo si Tibor na siyang nagbukas ng pintuan para sa kaniya. "Huwag mong kalimutan ang napag-usapan natin," pabulong niyang bilin.

Tikom ang bibig na tumango si Tibor, hinintay niyang makalayo ang ginoo kasama ang bodyguards nito bago isinara ang pintuan. Sa labas ay may bantay din upang masiguro ang kaligtasan ng young master.

Agad na nagmulat ng mga mata si Alexander nang marinig ang pagsara ng pintuan. "Ano pa ang ginagawa mo rito?" aroganteng tanong niya kay Tibor.

"Aalis ako upang tumulong sa paghahanap sa taong gumawa nito sa iyo," matigas niyang tugon sa binata habang inaayos ang gamit.

Nanatiling walang emosyon na tinapunan ni Alexander ng tingin ang ginoo. Hanggang makalabas ito ng silid ay wala nang ibang salitang narinig mula sa kaniya.

Napabuga ng hangin sa bibig si Tibor pagkasara ng pintuan. Nilingon niya ang pintuan bago tuluyang umalis. Nilapitan ang bantay at mahigpit na binilinan. "Dapat lagi kayong alerto at walang ibang papasukin maliban sa kaniyang doctor."

"Masusunod po, Sir."

"Huwag hayaang mag-isa lang ang Young Master, kahit pa ang doctor ang papasok sa silid." Patuloy niyang bilin dahil wala na dapat ibang mapagkatiwalaan ngayon para sa kaligtasan ng kaniyang alaga.

Sabay na sumagot ang tatlong bantay bilang tugon sa bilin ni Tibor.

Malalaki ang hakbang na nilisan ni Tibor ang pribadong hospital kasama ang kaniyang alalay na si Bugoy.

"Saan po tayo, Boss?" tanong ni Bugoy bago pinaandar ang makina ng kotse.

"Purok 5," maiksi niyang tugon.

Nababahalang tinapunan ni Bugoy ng tingin ang ginoo. Delikado ang lugar na iyon dahil maraming kalaban ang nakatira doon.

"Huwag ka nang magsalita pa at alam ko ang aking ginagawa."

"Pero, boss, ayaw ko pang humarap kay San Pedro." Pagbibiro ni Bugoy upang pagaanin ang loob ng ginoo.

Pumalatak si Tibor at ngumisi, "puwede kang umalis pagkahatid mo sa akin."

"Ay, iyan naman po ang hindi maari, boss."

Lalong lumawak ang ngiting nakapaskil sa labi ni Tibor at tinapik sa balikat ang alalay. Masaya siya at matibay ang loyalty ng binata sa kaniya. Ayaw naman niyang maging clueless ito sa kaniyang lakad kaya sinabi na niya ang plano upang matulungan siya.

Abangan...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status