Pansamantalang umuwi si Ethan sa Mindanao kung saan siya lumaki upang takasan ang masalimuot niyang buhay pag-ibig sa Maynila. Tuluyan siyang nakipaghiwalay sa long time fiancée niyang si Klarissa nang mahuli niyang may kaniig ang nobya niya sa mismong bahay nito. Nasa beach resort siya habang nagpapalipas ng kaniyang sama ng loob at payapain sana ang kaniyang isipan. Subalit ang inakala niyang makakalimot siya sa pighating nararamdaman ay hindi pa pala. Mas lalong naging magulo ang buhay at isipan niya nang makilala niya si Rose na receptionist supervisor ng kaniyang private resort. Hindi lang iyon dahil sa una at pangalawang pagkukrus ng landas nila ay naging miserable na. Mas lalong kalunos-lunos ang pagtatagpo nila nang malaman niyang si Rose ang anak ng dati niyang foreman na nagtangka sa pera niya at namatay tatlong buwan na ang nakararaan. Ngayon, kailangan din niyang harapin ang dalaga sa kadahilanang kinukuha nito ang karapatan sa insurance money ng yumao nitong ama. Subalit ayaw niyang ipagkaloob ito sa dalaga ng ganoon na lamang at isa lamang ang naisip niya. He offered her to be his woman, his bedmate and shared his savage and lonely nights.
View MoreRosePaika-ika na akong naglakad sa garden isang umaga para sa morning exercise ko. Kabuwanan ko na at mababa na rin ang hulma ng tiyan ko. Suot ko lamang ay maternity dress na kulay puti at isang pares ng flat na tsinelas. Nakahawak ang kanang kamay ko sa balakang ko habang ang isang kamay ko naman ay ang rechargeable fan. Naiinitan ako kahit na malamig naman ang simoy ng hangin sa paligid at nasasamyo ko ang amoy isla.Siyam na buwan na rin ang lumipas at ang pinakaasam-asam naming sandaling mailuwal ko ang baby namin ni Ethan, siya rin buwan na kabado ako. Alam kong hindi niya ako iniwan sa mga oras na kailangan ko siya at nagpapasalamat ako roon. Sa totoo lang ay napakaswerte ko kay Ethan dahil bukod na nagbago na siya sa temper niya, spoiled wife pa ako at ang mga kapatid ko.“Ate Rose, ang laki na pala talaga ng tiyan mo na parang bola. Parang puputok na, ate,” wika naman ng kapatid kong si Raprap na nasa bilugang mesa at nakaupo rin.Nanood siya ng video sa ipad niyang hawak at
RoseMaaga kaming lumuwas ng Maynila kasama ang asawa ko at sina Alonzo at Bea. Masayang-masaya naman ako dahil nagkaroon din ng oras na magkasama ang dalawa at partidang tahimik lang sila pareho habang nasa biyahe. Wala akong naririnig na bangayan nila bagay na ikinatuwa ko naman. Si Ethan naman na todo ang pang-iingat sa akin, pati na rin sa pagkain ko. Maya’t maya lang ang tanong sa akin kung may gusto akong kainin o inumin.Mula nang manggaling kami sa ob-gyne doctor ko kasama siya, hindi na siya mapakali. Sobrang excited na niya at nagpaplano na nga siya ng pag-aayos ng magiging kwarto ng baby. Nabanggit din niyang siya pa mismo ang magkukumpuni ng crib at magdedesenyo. Marami na siyang mga plano kaya hinayaan ko na lang. Ganoon siguro kapag sabik na sabik magkaroon ng anak. Kahit naman ako ay nasasabik na rin.“Matulog ka muna, love. I will wake you up when we will be there,” malambing na wika ni Ethan sa akin habang hinihimas ang puson ko.“Gusto kong makita ang dadaanan natin,
Rose“What did you say?” muling tanong ng asawa ko na bakas sa kaniyang mukha ang sinabi ko.“I-I’m pregnant, love,” marahan kong sabi.“Rose…” Hinawakan niya ang kamay ko habang dama ko ang kaunting panginginig ng kaniyang kamay. Naramdaman ko rin na biglang lumamig ang palad niya at tila kinakabahan. “Is this true? No joke?”Kitang-kita ko sa mga mata ng asawa ko ang tila naluluha ngunit may kasiyahang kasama. Sumilay din ang ngiti sa labi niya pero halatang pigil lang din at nais pa na kumpirmahin ang sinabi ko. Hinawakan ko ang kamay niya nang mahigpit saka ako napangiti. Balak ko sanang sorpresahin siya sa naging resulta ng pregnancy test ko pero nasabi ko na.“Oo,” mahinahon kong tugon. “Nag-test ako at lumabas sa test iyong positive. Hindi pa ako nakapagpatingin sa doktor kasi gusto kong samahan mo ako. Kaya mister…” Tinanggal ko ang pagkakahawak sa kamay niya at sinakop ang kaniyang pisngi. “Huwag ka ng mag-a-angry bird. Magiging tatay ka na.”“Oh, Rose!” Bigla na lang niya ako
EthanTwo hours after I called my wife, I called Gerald. I confronted him. Noong inirekomenda siya ni Alonzo sa akin, I asked him about his personal life. Tinanong ko rin kung kilala niya ang asawa ko pero ang sabi niya ay hindi. Taga-rito siya sa amin pero wala siyang ideya tungkol sa asawa ko at hetong nalaman ko na magkababata pala sila. Sa lahat ng ayoko ay ang magsinungaling sa akin.I want the best security for my wife and her family. Ayokong mangyari na naman ang tungkol sa kaguluhan noon. Gusto kong maging aware sa paligid namin kaya hindi ko napigilan na sabihin ang salitang ‘sesante’ na siya. Kung ano ang binitawan kong salita sa asawa ko, ginawa ko rin sa kaniya. Noong una, nabigla si Gerald sa nalaman ko. Inaalam ko sa kaniya kung bakit hindi niya sinabi sa akin ang buong katotohanan. At ang mas kinaiinit pa ng dugo ko, may isang bagay siyang inamin sa akin.“Sir Ethan, I’m sorry. Wala talaga akong masamang intensiyon sa asawa mo. Noong malaman ko ang nilalaman ng kontrata
Rose“Huh?!” Nagulat ako sa sinabing iyon ng asawa ko. “Teka lang, Ethan. Tama ba ang narinig ko? Sesante na iyong bodyguard ko? B-Bakit naman? Anong nagawa niyang kasalanan?” sunod-sunod kong tanong.Hinintay kong sumagot si Ethan sa kabilang linya. Maya-maya lang ay narinig ko ang mahina niyang pagbuntong hininga. Nagtataka ako sa kaniya na noong isang araw lang ay ipinaliwanag pa niya na kailangan may sarili akong bodyguard para raw sa safety ko. But then again, heto siya at tinatanggal na niya sa serbisyo si Gerald na wala man lang matibay na rason. “Why didn’t you tell me about him? He’s your childhood friend,” mariin niyang sabi.“Ha? P-Paano mo nalaman iyon? Sinabi ba ni Gerald sa iyo?”“Nope. I found it on my own. Now, tell me, my wife. May balak ka ba talagang sabihin sa akin ang totoo na magkababata pala kayo?” May halong kakaiba sa boses niya bagay na ipinagtataka ko.“Ethan, maniwala ka sa akin. Hindi ko namukhaan si Gerald noong una mo kaming pinakilala sa isa’t isa. Oo
EthanHindi agad sumagot si Winston sa tanong ko at tila nag-iisip pa siya. I don’t want to force him and tell me this sudden emotion of him. Malay ko bang pinagtitripan lang pala ako ng lokong ito subalit habang lumalaon ay lalo siyang sumeryoso kaya naghintay pa ako.“Just wait for my love story. Kapag sigurado na ako, saka ko na lang sasabihin kung sino.”“Wow. Walang clue?”Sa lahat ng magkakaibigan, si Winston ang hindi pa nababalitang nasaktan sa babae, may matinong girlfriend o kaya ay ipinakilala sa amin. Kaya imposibleng magkakaganito siya nang dahil lang din sa isang babae. I really doubt it.“Clueless.”Napapangiti na lang akong muling inubos ang kape ko. Maya-maya ay tumingin ako sa pambisig kong relo. “It’s lunchbreak. I told Lorenzo I will go to his place. Do you want to join our lunch meeting on his condo? May dala rin akong pasalubong kay Tamara.”“Buti pa si Tamara may pasalubong. Nasaan na iyong sa akin?” Agad siyang tumayo habang tila batang nagmaktol na wala man la
Rose“Wala ka na bang naiwan? Are you sure na kasya na itong maliit na hand luggage for three days?” tanong ko sa asawa ko habang nakatitig ako sa mamahaling hand cary luggage niya na kulay itim.Ngayon ang araw na aalis si Ethan patungong Maynila upang asikasuhin ang iba pa niyang negosyo. Bilang asawa, ako na ang nag-ayos ng mga gamit niya at hinayaan naman niya akong gawin iyon. May tiwala naman siya sa taste ko sa mga dapat niyang suotin pero hindi pa rin ako kuntento na iilan lang ang dadalhin niya. Though I know that he has a lot of clothes left in his condo.Pinagtuunan na niya ako ng pansin matapos niyang may kausap sa kabilang linya ng kaniyang cell phone. “Yeah. I have clothes enough in my place and don’t worry about it, Love.” Lumapit siya sa akin at hinawakan sa magkabilang balikat. “I’m get going. Naghihintay na sa akin si Mang Roberto at baka mahuli ako sa flight ko.” Pinisil niya ang tungki ng ilong ko. “Behave, Love. I will call you and I will be there. Ikaw na ang bah
Ethan“Thank you, everyone,” pamamaalam ko sa mga tauhan ko at sa ibang mga nag-asikaso sa seguridad ng aking resort. Nagpaalam na rin ako kay Alonzo na noon ay abala rin sa ibang bagay.“Sir Ethan,” tawag naman ni Mang Roberto sa akin.Sinulyapan ko naman siya na noon ay naglakad na patungo sa akin. Katatapos lang namin magbigay ng mga dapat gawin para sa kaayusan ng resort. Sa ngayon ay iilang mga empleyado pa lang ang pinapayagan ko at wala munang mga guests ang nandito. Kanselado lahat ng mga reservations at hanggang sa maging maayos na ang lahat, saka ko lang bubuksan ito para sa mga guests na naunsyami ang bakasyon.“Nais ko lang ipaalam sa iyo na maraming mga guests ang umalma kahit na binigyan naman natin sila ng mga options at freebies habang kanselado ang kanilang reservation. Ano ang plano mo rito?” bungad niyang tanong sa akin.“Let them be. Karapatan nila iyon at kung may mga masabi man sila tungkol sa resort, ginawa naman natin ang tama. Ibinigay natin sa kanila lahat ng
Rose“Nay!”“Rose!”Mahigpit na niyakap ko ang aking ina nang kinabukasan ay nakauwi na sila kasama ng dalawa kong kapatid at si Nana Claudia. Ilang araw ko rin silang hindi nakasama nang dahil sa nangyari dito sa resort.“Kumusta kayo?” tanong ko matapos kong kumalas sa pagkakayakap sa aking ina. Sobrang nag-aalala rin ako sa kalagayan nila lalo na noong sinabi ni Klarisse na sa isang iglap lang ay magagawa na niya ang hindi maganda sa mga ito.“Ayos lang naman kami, Rose. I-Ikaw? Ayos ka lang ba? Nabalitaan namin na kinidnap ka raw at si Bea. Hindi ka naman napano?” tanong din ng aking ina na may halong labis na pag-alala.Tumango ako. “A-Ayos lang ako, ‘Nay. Medyo trauma nga lang ang nangyari sa amin ni Bea dahil kay Klarisse at kay Kent na…na ngayon ay wala na rin sila. Huwag niyo na isipin iyon at baka maging alalahanin niyo pa. Ang mahalaga ay nakuha na rin natin ang hustisya para kay tatay.”“Hindi mo maalis sa akin ang mag-alala lalo na noong nabanggit ni Roberto na hindi maga
Ethan PAPASOK na ako sa bahay ng fiancée kong si Klarissa dala-dala ang bulaklak at chocolates. It was our fifth anniversary and I want to surprise her. Isang buwan na lang at ikakasal na kaming dalawa. I want to settle down with her and build my dream family with her. Marami na akong inihandang mga plano naming dalawa at sa edad kong ito ay tama lang na pamilya na ang isipin ko. I am thirty-five and have my stable business. Ika nga nila ay asawa na lang ang kulang para kumpleto na. Habang naglalakad ako sa pasilyo patungo sa kwarto ng nobya ko ay iniisip ko na ang lahat. Kung ano pa ang kulang para mapaghandaan ko pa. Ako lang naman ang tipo ng lalaking iisang babae lang din ang pinangarap kong makasama. Ayoko ng sakit sa ulo at stick to one lang ako. Subalit natigil ang imahinasyon ko nang may marinig akong ungol ng isang babae sa loob ng kwarto ng nobya ko. Habang pinapakinggan ko ito ay napagtanto kong boses ito ni Klarissa. Kinabahan ako at sa kabilang banda ay umusbong ang g
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments