Share

Chapter 5

Author: Magzz23
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Rose

Kitang-kita ko kung paano sumubsob ang lalaking tila pamilyar sa akin. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nabusuhan ng ganito. Magkakamatayan na kami at hinding-hindi talaga siya makakaisa sa akin! Ang herodes na ito!

Sumusuray ang lalaking pilit na tumayo mula sa pagkakasubsob niya sa halamanan at halatang wala na siyang sapat na lakas. Wala akong naramdamang pagkahabag sa nangyari sa kaniya basta ang alam ko ay nabusuhan ako ng kumag na ito.

“Iyan ang bagay sa iyo, manyakis ka!” Akma ko na sana siyang papaluin nang biglang may pumigil sa akin.

“Rose!”

Napasulyap ako sa taong pumigil sa akin. “Ha?! S-Sir Roberto?!” gulat kong wika. Agad kong ibinaba ang dalawang kamay kong may hawak na toilet map.

“Anong ginagawa mo?” pagtataka niya.

“S-Sir, k-kasi ho... Ang lalaking ito...”

Napapailing na lang si Sir Roberto na agad dinaluhan ang lalaking halos hindi na makatayo. Tinulungan niya itong makatayo at inalalayan upang hindi matumba dahil sa kalasingan. Labis naman ang pagtataka ko sa tinuran niya dahil mas dapat ako ang tulungan niya.

“H-Hindi mo ba nakikilala ang lalaking ito?” muling tanong sa akin ni Sir Roberto.

“M-Mang R-Roberto... Nasu—suka ako...” anang lalaki.

“Sir, dadalhin ko na kayo sa—”

Hindi na natapos ni Sir Roberto ang sasabihin niya nang bigla na lang sumuka ang lalaki. That moment na nasilayan ko ang gwapong mukha niya at noon ko lang siya naalala. He was the guy on that rainy night when I was in Manila.

Nasapo ko ang bibig ko nang maalala ko ang lalaking ito na lalong sumira nang gabing lugmok ako. But when I knew his name, mas lalo nagulantang ang mundo ko. Ang lalaking nakapangalan sa insurance ng tatay ko at ang boss ko ay iisa.

Dali-dali kong dinaluhan sina Sir Roberto upang tulungan sila. “S-Sir Roberto, h-hindi ko ho alam na si Sir E-Ethan ito. S-Sorry, Sir Ethan!” Lord, bakit mo ba kami pinagtatagpo ng lalaking ito sa ganitong sitwasyon?

“You!” Sabay duro niya. “D-Damn...” Muli na naman siyang sumuray sa kalasingan.

“Rose, tulungan mo akong ihatid siya sa bahay niya.”

“O-Oho!” tarantang tugon ko.

Ang lalaking napagkamalan kong manyakis ay siyang lalaking inalalayan namin ngayon ni Sir Roberto. He’s wasted! Marahil ay nagkamali siya ng pinasukan dahil sa kalasingan niya at ito naman ako na inakusahan siyang manyakis.

Nang inilagay ko ang braso niya sa leeg ko upang alalayan siya, hindi ko alam kung anong klaseng pakiramdam itong umuusbong sa puso ko. I could smell his masculine scent rathen than his alcohol redolence. Mas naniniwala na ako sa sinabi ng kaibigan ko na ang gwapo nga ng isang ito.

“Alalayan mo akong i-upo siya rito sa sala,” utos sa akin ni Sir Roberto nang makarating na kami ng bahay ni Sir Ethan.

“Hmm...” anas niyang tila nakatulog na nang alalayan naming makaupo.

“Bantayan mo muna siya at kukuha ako ng first aid kit. Ano ba kasi ang ginawa mo sa kaniya? Tingnan mo at nagkasugat-sugat pa siya. Hay,” sambit ni Sir Roberto na napapailing na lang.

“S-Sorry ho, Sir Roberto. Hindi ko sinasadya,” paghingi ko ng tawad.

Hindi na ako sinagot ni Sir Roberto at nagmamadali na siyang umalis upang kumuha ng first aid kit. Ako naman na bumaling kay Sir Ethan na nakapilig ang ulo sa sofa habang hindi na iniinda ang mga sugat mula sa halamanan kanina.

“Sir Ethan, p-pasensiya na ho talaga! Akala ko kasi na nambubuso kayo sa loob ng restroom ng babae. Kung bakit pa kasi kayo naligaw roon eh nabasa niyo naman ang sign ng men’s restroom. Naku, sir. Huwag niyo ho akong sesantehin. May dalawa pa ho akong kapatid at may nanay akong may sakit,” pagsusumamo ko sa lalaking ito kahit hindi na ako naririnig.

Maya-maya lang ay muling bumalik si Sir Roberto bitbit ang first aid kit.

“Heto. Gamutin mo muna siya at kukuha lang ako ng damit niya,” nagkukumahog na utos ni Sir Roberto sa akin.

“O-Oho! Ako na ang bahala, sir.”

“Sige at kukuha lang ako ng pamunas niya.”

Muli akong iniwan ni Sir Roberto sa sala kasama si Sir Ethan. Agad kong kinuha ang first aid kit para maamputan ang mga sugat niyang hindi naman gaanong malalim. Kailangan lang din maiwasan ang impeksiyon at baka lumala kung hindi malagyan ng betadine.

“Sir Ethan, hanggang langit ho ang paghingi ko ng tawad sa inyo. Kung may kaparusahan man itong nagawa ko, handa ho akong gawin ang lahat. Huwag niyo lang akong tanggalin sa trabaho. Diyos ko naman! Kung bakit pa kasi ako nag-CR sa malayo gayong may malapit naman,” paninisi ko sa sarili ko habang nilalagyan ng alcohol ang mga sugat niya.

“Hmm...”

“Sir, mahapdi ito kaya tiisin mo. Sorry talaga. Nagasgasan tuloy ang kutis niyo.” Ang gwapo! Bakit sobrang gwapo ng isang ito? Inilapit ko pa ang mukha ko sa mukha niya para lang titigan siya.

“Rose, anong ginagawa mo na naman?”

“Ay, kabayo!” gulat kong wika. “Ginulat mo naman ako, Sir Roberto. Tinitingnan ko lang naman ang mukha niya at baka may sugat din.” Ang tangos pati ng ilong. God! Kamukha niya si Can Yaman na maigsi ang buhok at walang gaanong balbas.

“Hay, naku. Inayos mo ba ang paglagay ng betadine?”

“Oho. Ito na at maglalagay na ako ng band aid na—hello kitty?” Tumaas ang isang kilay ko sa design ng band aid at sa isang banda ay gusto kong ngumiti.

“Kay Nana Claudia niya iyan. Wala na kasi akong mahanap na first aid kit at saktong iyan ang nakuha ko kaysa tumawag pa ako ng doktor sa bayan. Hindi rin naman malala ang sugat niya. Ano ba kasi ang nangyari?” pag-usisa na naman ni Sir Roberto.

“Eh, kasi ho. Ganito iyon. Marami kasi ang gumagamit sa banyo malapit sa reception at sakto naman na pinapunta niyo ako sa Pavilion kaya dumiretso na ako roon. Hindi ko naman alam na matapos akong magbanyo ay nakita ko itong si Sir Ethan na tinatanggal ang sinturon niya. Sa sobrang gulat ko ay hinabol ko siya ng toilet map. Hindi ko naman alam na boss pala natin ito. Lagot ako nito.”

“Lagot ka talaga.”

“Talaga ho? Masesesante na ako?” pag-aalala ko sabay sumulyap na naman kay Sir Ethan na mahimbing na ang tulog.

Muling napailing si Sir Roberto. “Umuwi ka na at ako na ang bahalang magpaliwanag sa kaniya.”

“Eh, s-sir...”

“Bukas na lang kayo mag-usap at mahimbing na ang tulog ni Sir Ethan. Hayaan mo at kakausapin ko na lang din siya na hindi mo sinasadya,” mahinahong sambit na niya sa akin.

Marahan akong tumayo. “Taos puso ho akong humihingi ng tawad at kay...” Sinulyapan ko ang gwapong boss namin na walang kamalay-malay sa nangyari. “At kay Sir Ethan.”

“Oh, siya. Umuwi ka na at gabi na. Mag-ingat ka.”

“Salamat, ho.” Isang sulyap pa ang ginawa ko kay Sir Ethan bago ako tunalikod. Laglag din ang balikat ko habang iniisip ang mangyayari sa akin at sa pamilya ko.

Malaki ang pagsisisi ko sa katangahang ginawa ko sa gabing ito. Ang chance na makiusap ako kay Sir Ethan tungkol sa insurance ng tatay ay mapupurnada pa sa ginawa ko. The worst thing is, nadisgrasya ko pa ang boss ko. Hanggang sa pagtulog ko, laman pa rin siya ng isipan ko. Ihahanda ko na lang talaga ang sarili ko bukas.

KINABUKASAN ay nagmamadali na akong pumasok sa first shift ko. Kamuntik pa akong hindi magising nang maaga dahil sa kakaisip ko sa nangyari kagabi.

“Rose! Mabuti naman at nandiyan ka na. Aba, ang aga ni Sir Roberto rito at hinahanap ka,” bungad ni Lea sa akin. Isa siya sa mga kasamahan ko rito sa hotel.

“Ha?!” kunot-noong tugon ko. “B-Bakit daw?” Nagkunwari na lang akong walang alam at marahil ay sa nangyari kagabi.

“Hindi namin alam basta ang bilin niya ay tumungo ka raw sa bahay ni Sir Ethan. Bilisan mo na raw.”

Tumango na lang ako at hindi nagpahalata na kabado na ako. Hindi na rin naman ako inusisa ni Lea dahil abala na rin siya sa mga dumating na mga guests. Iniwan ko na lang ang gamit ko sa locker at agad na tumungo sa bahay ni Sir Ethan.

Habang nasa daan ako ay panay ang dasal ko na sana ay hindi ako mapagalitan. Na sana ay mananatili pa rin ako sa trabaho ko at maayos ang pakikipag-usap namin sa isa’t isa.

“Oh, Rose. Nandiyan ka na pala,” bungad ni Sir Roberto sa akin mula sa main door ng bahay ni Sir Ethan. “Pumasok ka na sa loob at hinihintay ka na ni Sir Ethan.”

Pinisil-pisil ko pa ang mga daliri ko dahil sa tensiyon na nararamdaman ko. “Sesanti na ho ako?”

Napangiti si Sir Roberto. “Ikaw talaga. Umakyat ka na para makapag-usap kayo ni Sir Ethan. Bawasan ang kakukitan,” paalala niya.

Napakamot ako sa ulo. “Sir Roberto naman. Mabait ho ako.”

“Oh, siya. Kailangan ko na rin umalis. Pumasok ka na.” Nilagpasan na lang niya ako at tuluyang nilisan ang bahay ni Sir Ethan.

“Salamat, Sir Roberto,” sabi ko na lang.

Ibinaling ko ang tingin ko sa malawak na bahay ng gwapong boss ko. Kaya lang ay urong-sulong ang mga paa kong humakbang papasok. Subalit para sa pamilya ko ay nilabanan ko ang takot at kaba sa puso ko. Alam ko sa sarili kong wala naman akong kasalanan talaga. Kung mayroon man, patawarin nawa ako.

Ito na ang pangalawang beses na nakatuntong sa pamamahay niya. Inilibot ko kaagad ang paningin ko sa apat na sulok ng sala upang hanapin siya kaya lang bigo ako. Nagtungo na lang ako sa sofa upang doon na lang siya hintayin.

Bago pa man ako umupo, napuna ko ang picture frame ng family ni Sir Ethan. Imbes na maging behave ay na-curious lang akong tingnan ang mga larawan. Hindi ko rin naman napansin iyon kagabi dahil sa abala ako sa kaniya. Ang cute! Napangiti ako nang makita ko ang batang lalaki sa photo frame na halos kasing-edad ng bunso kong kapatid.

Bumaling ako sa isa pang photo frame at natitiyak kong si Sir Ethan iyon. Napalunok ako dahil sa larawan na iyon, hubad-baro siya. Nakikita ko ang mga namunutok biyang biceps at triceps habang hawak ang surfing board.

“Sinong may sabi sa iyong pakialaman mo ang photo frame ko?”

Huh?! Napawi ang ngiti sa mga labi ko nang biglang may nagsalita sa likuran ko. Nataranta rin akong ibalik ang hawak kong photo frame sa lalagyan at humarap sa kaniya. This time, muli kong nasilayan ang seryosong mukha at mga mga titig niyang katulad nang gabing pinaliguan niya ako gawa ng talsik ng kotse niya habang bumuhos ang malakas na ulan.

Mas lalo pa akong nakaramdam ng kaba nang unti-unti siyang naglakad patungo sa direksiyon ko habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Intimidating ang mga tingin niya sa akin at kahit anong gawin kong ibaling ang tingin sa ibang direksiyon, tila nakapako na sa kaniya.

“Ikaw si Rose?”

Lihim akong napalunok. “A-Ako n-nga,” nauutal kong sagot. Shit! Bakit ako nauutal sa isang ito?

“Follow me,” utos niya. Isang malalim pa na tingin ang ginawa niya bago siya naglakad paakyat sa hagdanan.

Ano raw? Susundan ko siya? Pero sabi niya, eh. Nagtatalo pa ang isipan ko ngunit sa huli ay sinundan ko siya. Dali-dali naman akong umakyat sa taas at nakita ko siya sa may pinto sa unahang bahagi.

“Ang tagal mo,” reklamo agad niya.

Ang sungit? “Sir, ang haba ho ng hagdanan niyo,” dahilan ko na lang.

“Come in.” Binuksan niya ang pinto at tuloy-tuloy lang siyang pumasok. “Just locked the door.”

“Ho?” paninigurado ko. Subalit sinunod ko pa rin siya kahit na iyon naman talaga ang narinig ko.

“Maupo ka,” wika niya sabay turo sa bakanteng couch.

Inilibot ko pa ang paningin ko sa paligid nang mapagtanto kong nasa library kami. May kinuha lang siya sa drawer niya at iyon na ang pagkakataon ko na pagmasdan siyang muli. Napuna ko kaagad ang band aid na may design na hello kitty sa magkabilaang braso niya. Naalala ko na naman ang nangyari kagabi at mga hinaing ko sa kaniya.

“Sir Ethan, sorry sa nangyari kagabi. Hindi ko ho sinasadya,” paghingi ko kaagad ng paumanhin sa kaniya kahit wala pa siyang sinasabi.

Umupo siya katapat ko habang may bitbit na envelope. “I won’t accept your apologize.”

“Ho?!” Namilog ang mga mata ko kasabay ng alalahanin na baka wala na akong trabaho.

“Instead… Be my woman.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Myles Berces Canillo
Luhhh? Ayos ka Than ah, galit galitan
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • SAVAGE BILLIONAIRE SERIES 2: ETHAN VILLAVER   Chapter 6

    ILANG ulit na tumatak sa isipan ko ang sinabi ni Sir Ethan sa akin. Hindi agad ako nakasagot dahil sa lahat ng kaniyang mga sinabi ay iyon pa ang maririnig ko. I was expecting that he would be nice to me and accept my apologize but that’s not what happened. He won’t accept it unless I would be his woman. Hindi naman ako tanga para hind maintindihan iyon at hindi ko rin alam kung bakit niya ito gustong gawin sa akin.“S-Sir…” Halos nanuyo ang lalamunan ko at hindi ko man lang madugtungan agad ang sinabi niya.“You heard me, woman. Accept it or leave it,” seryoso pa rin niyang sabi. Sumandal siya nang maayos sa kinauupuan niya at unti-unting binuksan ang hawak niyang brown envelope. “Hawak ko ang papeles ng ama mo na nagpapatunay na ako ang beneficiary niya. You knew it already, right?”Napatitig ako sa papel at nakita ko nga pangalan ni Sir Ethan sa list ng beneficiary ng tatay ko. Doon pa lang ay nanlumo na ako dahil mas kailangan namin iyon ng pamilya kaysa sa kaniya na halos nasa

  • SAVAGE BILLIONAIRE SERIES 2: ETHAN VILLAVER   Chapter 7

    “Here’s your key card, sir. Enjoy your stay!” wika ni Lea sa guest namin.Narinig ko naman ang pagbati niya sa bagong dating naming guest pero ako naman itong tulala habang nakatingin sa monitor ng computer. Hindi talaga mag-sync in sa utak kong pumayag akong maging babae ni Sir Ethan kapalit ng insurance ng tatay ko.“Hoy!” untag ni Lea sa akin sabay tinapik ang balikat ko.“Aray naman!” sambit ko sabay hinawakan ang balikat kong tinapik niya. Hinarap ko na rin siya sa pagkakataong ito. “Bruha ka, anong problema mo?”Napameywang siya. “Madam, kanina ka pa ho tulala riyan sa computer. Mamaya niyan ay maging mother board ka na. Ikaw yata ang may problema.”Napabuntong hininga ako. “Wala akong problema, Lea. Marami lang akong iniisip ngayon lalo na at may babayaran na naman sa school ang kapatid ko.”“Financial na naman ang problema mo. Bakit hindi mo na lang tularan si Cathy na sumama sa afam nanligaw sa kaniya at tingnan mo ngayon ang bruha, aba, nasa California at humihiga sa

  • SAVAGE BILLIONAIRE SERIES 2: ETHAN VILLAVER   Chapter 8

    RoseAfter I read the contract, I started my day with this huge house. Dismayado pa ako sa nakalagay sa kontrata namin na indefinite. Isang kontrata na ang ibig sabihin ay mawawalang bisa lang kapag nagkasundo na kaming itigil na. Minsan ay naiisip kong ang babaw kong babae na hindi nalalayo sa mga babaeng kapit din sa patalim. But what should I really do? I want the best of my family and that insurance is my last chance. Napabuntong hininga na naman ako habang nakaupo sa isang malambot na silya kaharap ang magandang vanity mirror. Sa ganda ng kwartong ito, gusto kong isipin na isa akong Disney princess na nag-glow up. Nasa isang high class akong lugar na kung iisipin ay ang swerte ko na. Habang nagsusuklay ako sa basa kong buhok, sumagi sa isipan ko ang dalawang kapatid ko at ang nanay ko. I missed them! But it’s for their sake. Naalala ko na naman ang sinabi ng tukmol kong boss na we will dance tonight. Ano ba ang sasayawin namin ngayong gabi? Cha-cha? Gusto kong tumawa pero al

  • SAVAGE BILLIONAIRE SERIES 2: ETHAN VILLAVER   Chapter 9

    Isang mabangoy amoy ang gumising sa diwa ko habang tumatama ang sikat ng araw sa aking pisngi. I am about to open my eyes habang dinama ko kung saan ako nakatulog. Kaya lang bahagya akong napakunot ng noo nang maramdaman ko ang matigas na bagay kung saan ako nakapulupot. Tao? Marahang dinama ng aking palad kung saan ako nakayakap hanggang sa iniangat ko ang aking mukha. Shit! Nakasandal ako kay Ethan habang ang isang braso naman niya ang naging unan ko. Mahimbing ang pagkakatuloy niya at isang kilos ko lang ay magigising na siya. Nakatulog ako na katabi siya? “Hmm…” ungol niya. Sinulyapan ko ang aming paligid at naroon pa rin kami sa rooftop. Mukhang doon na rin kami inabutan ng gabi. Muli kong ibinaling ang tingin sa maamong mukha ni Ethan. Nasa lang ay natutulog ka na lang dahil mukha pa siyang maamong tupa pero kapag naman na nagising siya ay nangangain na siya ng tupa. Teka…wala naman sigurong masama kung pagmasdan ko siya habang natutulog.I dit it. Kinabisa ko ang hugis

  • SAVAGE BILLIONAIRE SERIES 2: ETHAN VILLAVER   Chapter 10

    EthanNatigilan ako. I didn’t expect that this woman would have such of confidence to ask it to me. Well, kung desperada rin siyang ialay ang sarili niya pero ang mga mata niya ay malayong-malayo sa sinasabi niya. I know that there’s something on her. Natatakot ba siya? “I will let you know when that happen. For now, keep that money for your family, and let’s talk about it some other day. Abala pa ako sa ibang bagay sa ngayon pero iyong ibang mga hindi ko gusto, nakasulat iyon sa kontrata nating dalawa. I’m just reminding you.”“Hindi ko nakakalimutan.”“Sige na. Pumasok ka na.”Hindi na siya nag-abalang tumugon sa sinabi ko at basta na lang na tumalikod. Nakita ko pa na inilagay niya ang sobre na may lamang pera sa kaniyang back pack na dala. I watched her when she’s leaving but…I felt that I want her. Humugot pa ako ng malalim na hininga sa hindi kadahilanang sandali. Damn it! Natagpuan ko na lang ang sarili kong malalaki ang hakbang upang habulin siya sa may pinto. At nang

  • SAVAGE BILLIONAIRE SERIES 2: ETHAN VILLAVER   Chapter 11

    Ethan“Akala ko ay magtatagal ka pa dito, pre. Madami pa tayong hindi napapasyalan,” wika ko sa kaibigan kong si Lorenzo. Naparito ako sa kaniya dahil biglaan ang pagkasabi niyang aalis na siya at babalik ng Maynila. Hindi ko pa siya halos ipinasyal dito sa resort dahil naging abala rin ako sa mga iilang bagay. Abala nga ba o nang dahil kay Rose? That woman! Hindi na siya naalis sa isipan ko lalo na noong tinangka ko siyang halikan at nagawa ko naman. Katibayan na lang ang sampal na iginawad niya sa akin na hanggang ngayon ay may kunting kirot pa rin sa pisngi ko. Isama pa itong kamao ko na nakabendahe pa rin dahil sa natamo kong sugat. Nungkang pinagbalingan ko pa ang pinto sa library. He smiled at me. “Next time, pre. I assure you, babalik pa ako dito sa resort mo.”Kibit-balikat na lang ako kasabay ng pagtapik ko sa kaniyang balikat. Inutusan ko na rin ang tauhan kong ihatid siya sa airport at hindi na rin ako sumama. May mahalaga pa akong aasikasuhin ngayong araw. Matapos

  • SAVAGE BILLIONAIRE SERIES 2: ETHAN VILLAVER   Chapter 12

    “Don’t you know how to knock on the door?” inis na wika ni Ethan kay Sir Roberto.Ito ang unang beses na nakita kong nainis si Ethan kay Sir Roberto at wala naman siyang kasalanan. Nasanay lang itong hindi na siguro kumakatok at kanang-kamay naman ito ng binata. “S-Sorry, Sir Ethan. I didn’t know you were here.” Bumaling agad sa akin si Mang Roberto ngunit ibinalik din ang tingin kay Ethan. “May problema lang sa plantasyon at kailangan ang presensya mo. Ipagpaumanhin mo ang ginawa ko.”“Uhm, wala kang kasalanan, Sir Roberto! Paalis na sana ako, eh.” Nagmamadali naman akong kunin ang nalaglag na bulaklak at mga chocolates.“Talagang may balak ka pang bitbitin ang mga iyan?” inis na naman na tanong ni Ethan. “Sayang kaya ito. Imported pa itong chocolates na bigay ni James. Sayang din naman kung itatapon ko.” Nakita ko ang simpleng paigting ng panga ni Ethan na animo’y palihim akong lalapain. Isama pa ang mga tingin niyang kanina lang ay halos sasambahin ako. “Oo na. Itatapon ko

  • SAVAGE BILLIONAIRE SERIES 2: ETHAN VILLAVER   Chapter 13

    RoseGusto kong matawa sa reaksiyon ng mukha ni Ethan na para bang hindi niya alam na bulate ang ipapain. Naisip ko rin naman na mayaman siya at mandidiri iyong humawak ng bulate bilang pain para sa isda. “I used lures when fishing. Hindi bulate na iniisip mo,” wika niya. Halatang nabasa niya ang laman ng isipan ko. Binuksan niya ang lalagyan na may lamang pain na sinasabi niya at ako naman na nanonood lang. Pinagmamasdan ko ang kumag na ito habang inaayos ang fishing rod niya. Gwapo talaga ang lokong ito. Hindi ko maiwasang magkomento sa sarili ko. Parehas kaming kulay puti ang suot at mukhang couples pa pero hindi naman kami couple. Suot niya ang white polo na hinayaan pa na bukas ang butones sa dibdib. Litaw na litaw tuloy ang mabalahibo niyang dibdib. Ilang babae na kaya ang humaplos sa dibdib na iyan?Napalunok ako. Paano na lang kung ako na ang hahaplos sa matitipuno niyang dibdib? Umiwas ako ng tingin at baka kung saan na naman mapunnta itong imahinasyon ko. Naghahanap pa

Latest chapter

  • SAVAGE BILLIONAIRE SERIES 2: ETHAN VILLAVER   Chapter 65

    RosePaika-ika na akong naglakad sa garden isang umaga para sa morning exercise ko. Kabuwanan ko na at mababa na rin ang hulma ng tiyan ko. Suot ko lamang ay maternity dress na kulay puti at isang pares ng flat na tsinelas. Nakahawak ang kanang kamay ko sa balakang ko habang ang isang kamay ko naman ay ang rechargeable fan. Naiinitan ako kahit na malamig naman ang simoy ng hangin sa paligid at nasasamyo ko ang amoy isla.Siyam na buwan na rin ang lumipas at ang pinakaasam-asam naming sandaling mailuwal ko ang baby namin ni Ethan, siya rin buwan na kabado ako. Alam kong hindi niya ako iniwan sa mga oras na kailangan ko siya at nagpapasalamat ako roon. Sa totoo lang ay napakaswerte ko kay Ethan dahil bukod na nagbago na siya sa temper niya, spoiled wife pa ako at ang mga kapatid ko.“Ate Rose, ang laki na pala talaga ng tiyan mo na parang bola. Parang puputok na, ate,” wika naman ng kapatid kong si Raprap na nasa bilugang mesa at nakaupo rin.Nanood siya ng video sa ipad niyang hawak at

  • SAVAGE BILLIONAIRE SERIES 2: ETHAN VILLAVER   Chapter 64

    RoseMaaga kaming lumuwas ng Maynila kasama ang asawa ko at sina Alonzo at Bea. Masayang-masaya naman ako dahil nagkaroon din ng oras na magkasama ang dalawa at partidang tahimik lang sila pareho habang nasa biyahe. Wala akong naririnig na bangayan nila bagay na ikinatuwa ko naman. Si Ethan naman na todo ang pang-iingat sa akin, pati na rin sa pagkain ko. Maya’t maya lang ang tanong sa akin kung may gusto akong kainin o inumin.Mula nang manggaling kami sa ob-gyne doctor ko kasama siya, hindi na siya mapakali. Sobrang excited na niya at nagpaplano na nga siya ng pag-aayos ng magiging kwarto ng baby. Nabanggit din niyang siya pa mismo ang magkukumpuni ng crib at magdedesenyo. Marami na siyang mga plano kaya hinayaan ko na lang. Ganoon siguro kapag sabik na sabik magkaroon ng anak. Kahit naman ako ay nasasabik na rin.“Matulog ka muna, love. I will wake you up when we will be there,” malambing na wika ni Ethan sa akin habang hinihimas ang puson ko.“Gusto kong makita ang dadaanan natin,

  • SAVAGE BILLIONAIRE SERIES 2: ETHAN VILLAVER   Chapter 63

    Rose“What did you say?” muling tanong ng asawa ko na bakas sa kaniyang mukha ang sinabi ko.“I-I’m pregnant, love,” marahan kong sabi.“Rose…” Hinawakan niya ang kamay ko habang dama ko ang kaunting panginginig ng kaniyang kamay. Naramdaman ko rin na biglang lumamig ang palad niya at tila kinakabahan. “Is this true? No joke?”Kitang-kita ko sa mga mata ng asawa ko ang tila naluluha ngunit may kasiyahang kasama. Sumilay din ang ngiti sa labi niya pero halatang pigil lang din at nais pa na kumpirmahin ang sinabi ko. Hinawakan ko ang kamay niya nang mahigpit saka ako napangiti. Balak ko sanang sorpresahin siya sa naging resulta ng pregnancy test ko pero nasabi ko na.“Oo,” mahinahon kong tugon. “Nag-test ako at lumabas sa test iyong positive. Hindi pa ako nakapagpatingin sa doktor kasi gusto kong samahan mo ako. Kaya mister…” Tinanggal ko ang pagkakahawak sa kamay niya at sinakop ang kaniyang pisngi. “Huwag ka ng mag-a-angry bird. Magiging tatay ka na.”“Oh, Rose!” Bigla na lang niya ako

  • SAVAGE BILLIONAIRE SERIES 2: ETHAN VILLAVER   Chapter 62

    EthanTwo hours after I called my wife, I called Gerald. I confronted him. Noong inirekomenda siya ni Alonzo sa akin, I asked him about his personal life. Tinanong ko rin kung kilala niya ang asawa ko pero ang sabi niya ay hindi. Taga-rito siya sa amin pero wala siyang ideya tungkol sa asawa ko at hetong nalaman ko na magkababata pala sila. Sa lahat ng ayoko ay ang magsinungaling sa akin.I want the best security for my wife and her family. Ayokong mangyari na naman ang tungkol sa kaguluhan noon. Gusto kong maging aware sa paligid namin kaya hindi ko napigilan na sabihin ang salitang ‘sesante’ na siya. Kung ano ang binitawan kong salita sa asawa ko, ginawa ko rin sa kaniya. Noong una, nabigla si Gerald sa nalaman ko. Inaalam ko sa kaniya kung bakit hindi niya sinabi sa akin ang buong katotohanan. At ang mas kinaiinit pa ng dugo ko, may isang bagay siyang inamin sa akin.“Sir Ethan, I’m sorry. Wala talaga akong masamang intensiyon sa asawa mo. Noong malaman ko ang nilalaman ng kontrata

  • SAVAGE BILLIONAIRE SERIES 2: ETHAN VILLAVER   Chapter 61

    Rose“Huh?!” Nagulat ako sa sinabing iyon ng asawa ko. “Teka lang, Ethan. Tama ba ang narinig ko? Sesante na iyong bodyguard ko? B-Bakit naman? Anong nagawa niyang kasalanan?” sunod-sunod kong tanong.Hinintay kong sumagot si Ethan sa kabilang linya. Maya-maya lang ay narinig ko ang mahina niyang pagbuntong hininga. Nagtataka ako sa kaniya na noong isang araw lang ay ipinaliwanag pa niya na kailangan may sarili akong bodyguard para raw sa safety ko. But then again, heto siya at tinatanggal na niya sa serbisyo si Gerald na wala man lang matibay na rason. “Why didn’t you tell me about him? He’s your childhood friend,” mariin niyang sabi.“Ha? P-Paano mo nalaman iyon? Sinabi ba ni Gerald sa iyo?”“Nope. I found it on my own. Now, tell me, my wife. May balak ka ba talagang sabihin sa akin ang totoo na magkababata pala kayo?” May halong kakaiba sa boses niya bagay na ipinagtataka ko.“Ethan, maniwala ka sa akin. Hindi ko namukhaan si Gerald noong una mo kaming pinakilala sa isa’t isa. Oo

  • SAVAGE BILLIONAIRE SERIES 2: ETHAN VILLAVER   Chapter 60

    EthanHindi agad sumagot si Winston sa tanong ko at tila nag-iisip pa siya. I don’t want to force him and tell me this sudden emotion of him. Malay ko bang pinagtitripan lang pala ako ng lokong ito subalit habang lumalaon ay lalo siyang sumeryoso kaya naghintay pa ako.“Just wait for my love story. Kapag sigurado na ako, saka ko na lang sasabihin kung sino.”“Wow. Walang clue?”Sa lahat ng magkakaibigan, si Winston ang hindi pa nababalitang nasaktan sa babae, may matinong girlfriend o kaya ay ipinakilala sa amin. Kaya imposibleng magkakaganito siya nang dahil lang din sa isang babae. I really doubt it.“Clueless.”Napapangiti na lang akong muling inubos ang kape ko. Maya-maya ay tumingin ako sa pambisig kong relo. “It’s lunchbreak. I told Lorenzo I will go to his place. Do you want to join our lunch meeting on his condo? May dala rin akong pasalubong kay Tamara.”“Buti pa si Tamara may pasalubong. Nasaan na iyong sa akin?” Agad siyang tumayo habang tila batang nagmaktol na wala man la

  • SAVAGE BILLIONAIRE SERIES 2: ETHAN VILLAVER   Chapter 59

    Rose“Wala ka na bang naiwan? Are you sure na kasya na itong maliit na hand luggage for three days?” tanong ko sa asawa ko habang nakatitig ako sa mamahaling hand cary luggage niya na kulay itim.Ngayon ang araw na aalis si Ethan patungong Maynila upang asikasuhin ang iba pa niyang negosyo. Bilang asawa, ako na ang nag-ayos ng mga gamit niya at hinayaan naman niya akong gawin iyon. May tiwala naman siya sa taste ko sa mga dapat niyang suotin pero hindi pa rin ako kuntento na iilan lang ang dadalhin niya. Though I know that he has a lot of clothes left in his condo.Pinagtuunan na niya ako ng pansin matapos niyang may kausap sa kabilang linya ng kaniyang cell phone. “Yeah. I have clothes enough in my place and don’t worry about it, Love.” Lumapit siya sa akin at hinawakan sa magkabilang balikat. “I’m get going. Naghihintay na sa akin si Mang Roberto at baka mahuli ako sa flight ko.” Pinisil niya ang tungki ng ilong ko. “Behave, Love. I will call you and I will be there. Ikaw na ang bah

  • SAVAGE BILLIONAIRE SERIES 2: ETHAN VILLAVER   Chapter 58

    Ethan“Thank you, everyone,” pamamaalam ko sa mga tauhan ko at sa ibang mga nag-asikaso sa seguridad ng aking resort. Nagpaalam na rin ako kay Alonzo na noon ay abala rin sa ibang bagay.“Sir Ethan,” tawag naman ni Mang Roberto sa akin.Sinulyapan ko naman siya na noon ay naglakad na patungo sa akin. Katatapos lang namin magbigay ng mga dapat gawin para sa kaayusan ng resort. Sa ngayon ay iilang mga empleyado pa lang ang pinapayagan ko at wala munang mga guests ang nandito. Kanselado lahat ng mga reservations at hanggang sa maging maayos na ang lahat, saka ko lang bubuksan ito para sa mga guests na naunsyami ang bakasyon.“Nais ko lang ipaalam sa iyo na maraming mga guests ang umalma kahit na binigyan naman natin sila ng mga options at freebies habang kanselado ang kanilang reservation. Ano ang plano mo rito?” bungad niyang tanong sa akin.“Let them be. Karapatan nila iyon at kung may mga masabi man sila tungkol sa resort, ginawa naman natin ang tama. Ibinigay natin sa kanila lahat ng

  • SAVAGE BILLIONAIRE SERIES 2: ETHAN VILLAVER   Chapter 57

    Rose“Nay!”“Rose!”Mahigpit na niyakap ko ang aking ina nang kinabukasan ay nakauwi na sila kasama ng dalawa kong kapatid at si Nana Claudia. Ilang araw ko rin silang hindi nakasama nang dahil sa nangyari dito sa resort.“Kumusta kayo?” tanong ko matapos kong kumalas sa pagkakayakap sa aking ina. Sobrang nag-aalala rin ako sa kalagayan nila lalo na noong sinabi ni Klarisse na sa isang iglap lang ay magagawa na niya ang hindi maganda sa mga ito.“Ayos lang naman kami, Rose. I-Ikaw? Ayos ka lang ba? Nabalitaan namin na kinidnap ka raw at si Bea. Hindi ka naman napano?” tanong din ng aking ina na may halong labis na pag-alala.Tumango ako. “A-Ayos lang ako, ‘Nay. Medyo trauma nga lang ang nangyari sa amin ni Bea dahil kay Klarisse at kay Kent na…na ngayon ay wala na rin sila. Huwag niyo na isipin iyon at baka maging alalahanin niyo pa. Ang mahalaga ay nakuha na rin natin ang hustisya para kay tatay.”“Hindi mo maalis sa akin ang mag-alala lalo na noong nabanggit ni Roberto na hindi maga

DMCA.com Protection Status