The President’s Illiterate Wife

The President’s Illiterate Wife

last updateLast Updated : 2024-12-21
By:   Michelle Vito  Updated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
4 ratings. 4 reviews
136Chapters
3.7Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Ang gusto lang naman ni Millet ay magtrabaho ng maayos para matulungan ang pamilya. Hindi niya inaakalang mapapasok siya sa isang kontrobersya, dahilan para mapilitan siyang pakasalan ng presidente ng bansa na si Gabrielle Dizon. Alam niyang gimmick lang ang lahat para sa political career ng lalaki. Isa siyang mangmang na ni hindi kayang sumulat at bumasa. Pero paano kung unti unti niyang napapagtanto na totoo na ang nararamdaman niya para kay Mr. President? Tiyak na mapagtatawanan lanang siya ni Gabrielle lalo pa at hindi naman naniniwala sa salitang pag ibig ang lalaki. Ngunit paano kung magbunga ang isang gabing sabay silang nakalimot?

View More

Latest chapter

Free Preview

CHAPTER 1

(PAUNAWA: Ang nobelang ito ay kathang isip lamang. Alam ko pong sa totoong buhay, hindi qualified maging president ng Pilipinas ang isang twenty seven years old. But since fiction lang ito, hayaan nyo pong gumana ang ating mga imagination. Parang ang pangit kasi kung masyadong matanda na ang gagawin kong leading man sa aking kwento.}NAGISING na lamang si Millet na hubo’t hubad katabi ng kanyang amo na si Mr. Gabrielle Dizon, at gaya niya ay wala rin itong saplot sa katawan. Nangangatal ang katawan na bumangon siya at nagmamadaling nagbihis. Para siyang maiiyak lalo pa at wala siyang matandaan kung paano siyang napunta sa kwarto nito. Nagulat siya nang pagbukas ng pinto ay maraming camera ang kumuha ng larawan niya, pati na rin sa amo niya na kasalukuyang mahimbing pa ang tulog.Tinakpan niya ang kanyang mukha at patakbong nagtungo sa servant’s quarter ngunit may ilan sa mga reporters ang sumunod sa kanya.Samantala, naulinigan ni Gabrielle ang ingay na nagmumula sa kwarto niya...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Mairisian
Recommended 🫶
2024-09-10 01:18:20
0
default avatar
jsgauci
Very interesting
2024-08-24 00:39:49
0
user avatar
Jules Benedict Oblefias
wow...ka kakilig ..imagine president ng Bansa na Inlove ..first di marunong bumasa at sumulat pero empowered inspirational..no matter what pede pang humabol sa pangarap kahit matanda na upang mag aral. gigil man sa mga contrabida..di papa API
2024-08-16 23:37:17
0
user avatar
Mimi CUA
Nice story
2024-08-08 20:43:01
0
136 Chapters
CHAPTER 1
(PAUNAWA: Ang nobelang ito ay kathang isip lamang. Alam ko pong sa totoong buhay, hindi qualified maging president ng Pilipinas ang isang twenty seven years old. But since fiction lang ito, hayaan nyo pong gumana ang ating mga imagination. Parang ang pangit kasi kung masyadong matanda na ang gagawin kong leading man sa aking kwento.}NAGISING na lamang si Millet na hubo’t hubad katabi ng kanyang amo na si Mr. Gabrielle Dizon, at gaya niya ay wala rin itong saplot sa katawan. Nangangatal ang katawan na bumangon siya at nagmamadaling nagbihis. Para siyang maiiyak lalo pa at wala siyang matandaan kung paano siyang napunta sa kwarto nito. Nagulat siya nang pagbukas ng pinto ay maraming camera ang kumuha ng larawan niya, pati na rin sa amo niya na kasalukuyang mahimbing pa ang tulog.Tinakpan niya ang kanyang mukha at patakbong nagtungo sa servant’s quarter ngunit may ilan sa mga reporters ang sumunod sa kanya.Samantala, naulinigan ni Gabrielle ang ingay na nagmumula sa kwarto niya
last updateLast Updated : 2024-08-01
Read more
CHAPTER 2
“PUMAYAG na ako sa plano mong pakasalan ang babaeng iyon, Lianela, ano na naman ba itong gusto mong mangyari?” Hindi maitago ang iritasyon sa boses ni Gabrielle habang magkakausap sila ng ama at ni Lianela.“Tama si Atty. Mendez, Gabrielle. Mas mainam na tumira muna kayo ni Millet sa isang condominium. At least mas secured kayo duon at walang media na basta-basta na lang makakapasok sa loob ng bahay. Besides, maitatago natin sa mga katulong ang totoong sitwasyon ninyo ng babaeng iyon since kayong dalawa lang ang magsasama sa condo. Alalahanin mong nasa paligid lang ang mga kalaban. Ayoko ng bigyan na naman sila ng pagkakataong mabutasan ka. Nakita mo ang effect ng pagpapakasal mo ng babaeng iyon? Tumaas ang tiwala ng taong bayan saiyo!”Hindi umimik si Gabrielle.Nilingon ni Lianela si Don Miguel, “Please address her as Millet, hindi babaeng iyon, Don Miguel. Or else, lalabas na hindi mo gusto ang ideyang pinakasalan ni Gab ang isang hampas lupa at walang pinag-aralang babae n
last updateLast Updated : 2024-08-01
Read more
CHAPTER 3
NAPALUNOK si Millet nang tumutok ang camera sa kanya. Kinakabahan siya na natatakot na hindi niya maintindihan. Parang babaligtad ang sikmura niya at gusto niyang tumakbo at magtago sa kuwarto ngunit sa tuwing nakikita niya si Atty. Lianela Mendez na nakatingin nang matalas sa kanya, para na lamang siyang dahon na hinahayaang matangay kung saan siya dalhin ng hangin.“Oho, h-hindi ako marunong bumasa at sumulat,” pumipiyok ang boses niya habang kaharap ang isa sa pinakasikat na reporter ng bansa, “N-ngunit hindi naging hadlang iyon sa pagmamahalan namin ng dati kong amo. N-naniniwala po kami pareho na hindi hadlang ang kawalan ng pinag-aralan para sa tunay at wagas na pag-ibig. S-sa katunayan po, ipinaramdam sa akin ni Gabrielle na pantay lang kami. . .na hindi ako isang mangmang na babae sa paningin niya.” Napalunok siya nang makalimutan ang ilang linya kaya nag-adlib na lamang siya ng sasabihin, “Kaya mas lalo ko pong minahal si Gabrielle. Alam ko pong nagulat ang lahat sa bil
last updateLast Updated : 2024-08-01
Read more
CHAPTER 4
NAPALUNOK si Gabrielle lalo pa at nag-init ng husto ang katawan niya. Hey, Gabrielle, kung lahat na lang ng magandang babae papatulan mo, ano pang ipinagkaiba mo sa hayup? Anang utak niya. Umayos siya ng upo at huminga ng malalim, “Pinaiimbestigahan ko na ang nangyari. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ko ginawa iyon, pero gusto kong humingi ng sorry sa naging kapangahasan ko.”Hindi siya umimik. Nakatungo lang siya habang nakatitig sa kanyang tinapay at kape. Nagising na lang siya isang araw na hindi na siya virgin at ni wala siyang maalala sa mga nangyari.At ngayon ay kara-karakang nalagay siya sa ganitong sitwasyon. Parang gusto niyang mapaiyak.Gustong ma-guilty ni Gabrielle dahil kasabwat siya sa pagsasamantala sa kainosentehan ni Millet. Para tuloy nawalan na siya ng ganang tapusin ang kanyang pagkain. Tiningnan niya ito ng matiim, “Talaga bang hindi ka marunong bumasa at sumulat?”Hiyang-hiyang tumango si Millet.“Ikukuha kita ng tu
last updateLast Updated : 2024-08-01
Read more
CHAPTER 5
KABADONG-kabado si Millet nang mahiga. Sinigurado niyang may nakapagitang unan sa gitna nila ni Gabrielle. Gaya niya, tahimik rin lang ito, nakatingin sa kisame at waring may malalim na iniisip.Pumihit siya patalikod dito. Natatakot siyang baka kapag nakatulog siya ay maghilik siya ng malakas at hindi ito makapagpahinga ng maayos. Hindi na nga komportable ang hinihigaan nito kaya ayaw niyang dagdagan pa ng mga hilik niya ang discomfort nito.Pasimple niya itong nilingon, nakita niyang mulat pa rin ang mga mat anito.“Pasensya ka na k-kung maliit lang ang kwartong ito. Kwarto ito nina Nanay. Ipinahiram lang sa atin bilang espesyal na bisita ka. . .iyong kuwarto ko, sa kabila kasama ng mga kapatid ko. . .duon sila nanay matutulog ngayon.”“Ilang taon ka sa picture na yan?” Tanong ni Gabrielle sa kanya na ang tinutukoy ay ang nakabitin sa dingding na picture niya kasama ng nanay at tatay niya. Iyon lang yata ang picture na mayroon siya. Siya pa lang ang anak ng nanay at tatay ni
last updateLast Updated : 2024-08-01
Read more
CHAPTER 6
“ANG HIRAP siguro para saiyo n-nang sumama sa ibang lalaki ang. . .Mommy mo,” halos paanas lamang na sabi niya sa kanyang amo. Nakita niyang bahagya itong napaismid.“Halos gabi-gabi akong binabangungot nuon. Hindi ako makapaniwalang nagawa nya kaming ipagpalit ni Daddy sa kung sinong lalaki. Since then, ipinangako kong kakalimutan ko na sya at hindi ko na sya hahanapin kahit na kailan.”“At simula rin nuon, hindi ka na naniwala sa salitang pag-ibig?” Halos paanas lamang na tanong niya rito.Hindi sinagot ni Gabrielle ang tanong niya, sa halip ay kumunot ang nuo nito, “Talaga bang hindi ka marunong bumasa at sumulat?”Namula ang kanyang mga pisngi. Nakakahiyang sa edad niyang disnuebe ay maski ang pangalan niya ay hirapan pa rin siyang isulat.“Hindi na ho ako nabigyan ng pagkakataong makatuntong sa school. Napilitan akong magtrabaho sa palengke nang magkasakit si tatay. Ako kasi ang panganay kaya ako lang ang pwede nilang asahan. . .”“May sakit ang tatay mo and yet nagawa pa n
last updateLast Updated : 2024-08-06
Read more
CHAPTER 7
NANG makarating sa bahay ay diretso si Gabrielle sa kwarto para magpahinga. Naglinis naman ng buong bahay si Millet dahil wala siyang maisip na gawin lalo pa at nalabhan na niya ang mga damit na ginamit nila. Nang matapos maglinis ay nagluto siya ng hapunan para pagkagising ni Gabrielle ay kakain na lamang sila. Ewan kung bakit parang na-eexcite siya sa tuwing naiisip na mag-asawa sila ni Gabrielle kahit na palabas lamang naman ang lahat.Ni sa panaginip ay hindi niya naging pamantayang makapag-asawa ng kasing guwapo at kasing yaman ni Gabrielle dahil alam naman nyang imposibleng mangyayari ang ganun kaya mababa lang ang standard niya pagdating sa ideal man niya. Basta may marangal lang na trabaho ay sapat na. Ni hindi nga niya pinangarap ang guwapong asawa. Pero bakit bumibilis ang pintig ng puso niya sa tuwing magtatama ang kanilang mga mat ani Gabrielle?Hah, nangangarap siya ng gising. Tinampal niya ang kanyang magkabilang mukha para magising sa katotohanan. Narito lang siya
last updateLast Updated : 2024-08-06
Read more
CHAPTER 8
“MALINAW naman na kampo ni Don Sebastian ang may kagagawan ng lahat ng ito. Natagpuan sa basuran ang sex pill na maaring inilagay sa inumin ninyo ni Millet. Ang gusto lang malaman ay kung may kinalaman ba ang babaeng iyon sa eskandalong ito. For all we know, nagtatanga-tangahan siya para lang makinabang. . .”“I can guarantee you, Lianela, walang kinalaman si Millet sa nangyaring eskandalo!” Giit ni Gabrielle na ikinagulat ni Lianela.Tumaas ang isang kilay ni Lianela, “I can’t believe na kuhang-kuha na ng babaeng iyon ang tiwala mo?” Naiinis na sabi ng abogada, “Alalahanin mong magaling maglaro ang mga kalaban. Gagamitin nila ang weaknesses mo para mapaglaruan ang emotions mo. At mukhang. . .”“Stop it, Lianela, hindi ka na nakakatuwa. Huwag mong gamitin ang pagiging abogado mo sa kung anu-anong naiisip mo,” sabi ni Gabrielle dito, inayos niya ang kanyang necktie dahil pakiramdam niya ay sumisikip iyon at nahihirapan siyang huminga.Napakunot ang nuo ni Lianela. Matagal na sil
last updateLast Updated : 2024-08-06
Read more
CHAPTER 9
“SIR, p-pwede ho ba akong mag-advance sa inyo?” Halos paanas lamang na tanong ni Millet kay Gabrielle habang kumakain sila ng almusal.Tumango si Gabrielle saka tumingin sa kanya, “Kung may mga kailangan kang bilhin, pasasamahan kita sa assistant ko para hindi mo na kailangang galawin ang perang sinusweldo mo.”“Ipapadala ko ho sana kina itay. Tumawag kasi sya kagabi, k-kailangan raw nya ng fifty thousand.” Paliwanag niya rito.“Fifty thousand? Saan naman raw niya gagamitin ang pera?” tanong nito sa kanya.Nahihiya man ay nasabi niya kay Gabrielle ang totoo, “Nakapangako raw po kasi sya sa inaanak nya na sagot nya ang isang baka sa kasal nito,” pagtatapat niya, “Wala naman akong magawa kasi ayoko rin namang mapahiya si tatay. . .s-saka magagalit sa akin si itay kapag hindi ko siya pinadalhan.”Napailing si Gabrielle, “Kaya ka inaabuso ng pamilya mo kasi bigay ka lang ng bigay,” huminga siya ng malalim, “Pero pamilya mo yan at hindi naman kita pwedeng pagbawalan pagdating sa mga baga
last updateLast Updated : 2024-08-06
Read more
CHAPTER 10
KASALUKUYANG nanalumpati si Gabrielle sa isang liblib na lugar sa Mindanao nang mapukaw ang pansin niya nang isang matandang babae. Pamilyar para sa kanya ang mukha nito kung kaya’t nang matapos ang kanyang speech ay kaagad siyang bumaba ng entablado para lapitan ang babae.“Ma?” Parang sasabog ang dibdib niya nang matitigan ang babae na bagamat nangulubot na ang magandang mukha ay hinding-hindi pa rin niya makakalimutan ang itsura nito kahit twenty years na ang lumipas.Tila natakot ang babae nang makilala niya. Nagmamadali itong tumakbo palayo.“Ma?” hinabol niya ito ngunit kaagad na itong sumakay ng tricycle na para bang umiiwas man lang na magtama ang kanilang mga mata. Parang hinahalukay ang kanyang sikmura habang sinusundan ito ng tingin hanggang sa tuluyan nang maglaho ang tricycle na sinasakyan nito. Hindi niya maipaliwanag ang eksaktong nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.Ang tanging alam lang niya, unti-unting nagbabalik ang lahat nuong mga panahong iniwan siya nito.
last updateLast Updated : 2024-08-07
Read more
DMCA.com Protection Status