NAPALUNOK si Millet nang tumutok ang camera sa kanya. Kinakabahan siya na natatakot na hindi niya maintindihan. Parang babaligtad ang sikmura niya at gusto niyang tumakbo at magtago sa kuwarto ngunit sa tuwing nakikita niya si Atty. Lianela Mendez na nakatingin nang matalas sa kanya, para na lamang siyang dahon na hinahayaang matangay kung saan siya dalhin ng hangin.
“Oho, h-hindi ako marunong bumasa at sumulat,” pumipiyok ang boses niya habang kaharap ang isa sa pinakasikat na reporter ng bansa, “N-ngunit hindi naging hadlang iyon sa pagmamahalan namin ng dati kong amo. N-naniniwala po kami pareho na hindi hadlang ang kawalan ng pinag-aralan para sa tunay at wagas na pag-ibig. S-sa katunayan po, ipinaramdam sa akin ni Gabrielle na pantay lang kami. . .na hindi ako isang mangmang na babae sa paningin niya.” Napalunok siya nang makalimutan ang ilang linya kaya nag-adlib na lamang siya ng sasabihin, “Kaya mas lalo ko pong minahal si Gabrielle. Alam ko pong nagulat ang lahat sa bilis ng mga pangyayari. Maski ako, nagulat rin pero ganito naman po talaga ang pag-ibig, walang pinipiling antas sa buhay, hindi po ba?”
Kumunot ang nuo ni Atty. Lianela Mendez nang marealize na lumilihis na si Millet sa script na ginawa niya. Napahinga siya ng malalim ngunit naisip niyang mabuti na ring nag-adlib ito. Basta sa ikagaganda ng imahe ni Gabrielle ay gagawin niya ang lahat. Kahit tumututol ang damdamin niya lalo pa at habang tinititigan niya si Millet ay mas lalong nagnining-ning ang inosenteng kagandahan nito.
Natatakot siyang baka maulit na naman ang nangyari sa dalawa. May kahiligan pa naman sa babae si Gabrielle. Ngunit sa ngayon ay gusto muna niyang iwaksi sa utak niya ang tungkol sa mga bagay na iyon.
Kailangang makuha ni Gabrielle ang simpatya ng masa. At mapaniwala ang mga ito sa palabas nila. Sabagay, hindi naman sila mahihirapang gawin iyon. Napakadali namang paglaruan ng mga botante. Kaunting drama lang, kumakagat na sila. Bihira na ang gumagamit ng critical thinking. Ngayon pa lang ay naamoy na niya ang panalo ni Gabrielle lalo pa at very entertaining sa kanila ang nangyayaring ito.
Mala-cinderella kuno ang love story ni Millet at Gabrielle. Napangisi siya. Parang gusto niyang matawa sa napakagaling na ideya niyang ito. Kung hindi niya ito naisip, baka sa kangkungan pupulutin ang political career ni Gabrielle. Napaliyad siya. Tinitiyak niyang isa siyang asset sa pamilya Dizon. Alam naman siguro ng mga ito ang halaga niya.
Nilingon niya ang isa sa kanyang mga staffs, tingin pa lang niya ay alam na nito kung ano ang gagawin. Sinundo nito sa dressing room si Gabrielle para isalang sa interbyu kasama ni Millet.
Napag-usapan na nila ito kaya hindi na siya nagulat pa nang umupo si Gabrielle sa tabi ni Millet at hawakan nito ang isang kamay ng dalaga.
Bahagya siyang napangisi. Alam niyang labag sa kalooban ni Gabrielle ang lahat ng ito ngunit para lang itong isang tuta na sunod-sunuran sa sasabihin ng ama. Hindi niya alam kung bakit pagdating kay Don Miguel, parang bahag ang buntot nito.
Nawitness niya kung paano magpatakbo ng kompanya si Gabrielle and in fairness, napakagaling nito. Pero never pa nitong kinontra si Don Miguel kahit na sa anong desisyon ng don.
Kaya naman naisip niyang si Don Miguel ang gagamitin niya para maningil sa lahat ng pinaghihirapan niyang ito.
Sumilay muli ang isang ngiti sa kanyang mga labi. Pagkatapos ng lahat ng ito, titiyakin niyang maniningil siya.
“THAT WAS BULLSHIT!” Bulyaw ni Gabrielle kay Lianela pagkatapos ng kanilang interbyu, asar na hinubad niya ang suot na necktie at itinapon sa sofa , “Para akong masusuka sa mga sinasabi ko kanina sa interbyu. Don’t you think this is too much? Bakit kailangan kong gumimik ng ganito para lang. . .”
“Inaayos lang natin ang problemang ikaw ang gumawa,” kalmadong paalala ni Lianela sa kanya.
“Damn!” Gusto niyang magwala, yamot na nilingon niya si Millet na nakatayo lang sa kanilang likuran, “Ikuha mo ako ng alak,” utos niya rito. Kaagad namang tumalima ang babae.
“Gabrielle, ilang beses ko bang sasabihin saiyong hindi ka pwedeng maglasing,” sabi ni Lianela sa kanya.
“Pati ba naman iyon ipagbabawal mo na rin?” Singhal niya rito.
“Gusto ko lang ingatan ang image mo. Baka malasing ka na naman at makagawa ka na naman ng bagay na pagsisihan mo later on. . .” Paalala nito sa kanya.
Napahinga siya ng malalim.
“Ginusto mo ito, hindi ba? Sabi ko naman saiyo, hindi madali ang career na tatahakin mo,” sabi ng abogada sa kanya.
Mapakla ang naging tawa niya, “Alam mong hindi ko ito ginusto, hindi ba?”
“Then bakit hindi mo kinontra ang kagustuhan ni Don Miguel?” Tanong nito sa kanya.
Hindi na niya ito sinagot. Hanggang ngayon ay wala itong alam sa mga pinagdaanan nila ng Daddy niya nang layasan sila ng ina at sumama ito sa ibang lalaki. Ayaw na niyang mapahiya pa ang ama. Sapat na ang mga sakit ng kaloobang pinagdaanan nito nuon.
“Anyway, nandito na ito at kung gusto mong manalo sa darating na election, you have to win the people’s heart. Kailangan mong manuyo. Kailangan mong ipakita na iba ka sa mga kalaban. Na nasa masa ang puso mo.”
“Oo na, oo na!” tila nayayamot na sabi niya saka mabilis nang tumayo at pumasok sa loob ng kanyang kuwarto.
Nang bumalik si Millet sa salas ay si Atty. Lianela Mendez na lamang ang naroroon. Ibabalik na lamang sana niya sa kusina ang dalang alak ngunit tinawag siya nito.
“Ako na lang ang iinom nyan. Ipagluto mo na ng dinner si Gab. Pihadong gustom iyon mamaya paggising. . .” sabi nito saka biglang nagbago ang isip, “Ah never mind. Sa labas na lang tayo magdi-dinner.”
“K-kasama po ako?” Takang tanong niya.
Napaismid ito, “Natural. Sa mata ng mga uto-u***g botante, mag-asawa kayo at hindi ka nya katulong. Maliwanag ba?”
Tumango siya.
Itinaas nito ang mga paa sa sofa, “Pero kapag tayo lang ang magkakaharap, maid ka pa rin at pinapasweldo ka lang dito kaya imassage mo ang mga paa ko,” utos nito sa kanya.
Hindi kaagad siya kumibo.
Pinandilatan siya nito ng mga mata, “Ano pang itinatanga-tanga mo dyan? Don’t tell me hindi ka lang marunong bumasa at sumulat, may problema ka rin sa pandinig mo?” Nang-iinsultong tanong nito sa kanya.
Wala siyang nagawa kundi imassage ang mga paa nito.
PINASADAHAN ng tingin ni Lianela si Millet. Bahagya siyang nagulat nang mapagtantong mas lalong lumutang ang ganda nito sa suot nitong pink floral dress. Kung may oras lang sana ay pagpapalitin niya ito ng damit dahil mas lalong napaghahalata ang malaking age gap nila ng babae sa ayos niya.
Nilingon niya si Gabrielle na tahimik na tahimik lang, ni hindi niya mabasa kung ano ang tumatakbo sa isip nito pero huling-huli niya ang mga mata nito nang pasadahan nito ng tingin si Millet. At ayaw man niyang aminin, nakita niyang napa-second look pa ito nang mapagmasdan ang itsura ng katulong. Napaismid tuloy siya.
“Let’s go, nagugutom na ako,” nauna na siyang lumabas ng condominium. Marami siyang hindi gusto pero kailangang gawin para lang sa imahe ni Gabrielle. Nilingon niya ang dalawa.
Nanlamig ang mga talampakan ni Millet nang hawakan ni Gabrielle ang isang kamay niya. “Palabas lang ang lahat ng ito,” bulong pa nito sa kanya nang papalabas na sila ng elevator.
Parang gusto na niyang hilahin ang kamay niyang hawak ni Gabrielle ngunit tiyak niyang mapapagalitan siya ng mga ito kapag ginawa iyon. Waring babaligtad ang sikmura niya sa pinaghalo-halong kaba at takot. Hindi naman kasi ganuon kadaling umakting lalo pa at maraming mga mata ang nakamasid sa kanila.
Kaunting pagkakamali lang niya, tiyak na magwawala sa galit si Atty. Lianela Mendez. Nang makarating sa restaurant ay magiliw na iginiya siya ni Gabrielle sa upuang katabi nito. Sa galing nitong umakting ay parang gusto na niyang maniwalang totoo nga silang mag-asawa ng lalaki.
Napalunok siya nang iabot sa kanya ng waiter ang menu. Hindi niya alam basahin ang mga nakasulat duon.
“Oh, I’m sorry, pwede bang pakibasa sa kanya ang mga nakasulat sa menu, paki-explain na rin, kung hindi mo naitatanong, illieterate ang napangasawa ni Sir Gabrielle Dizon,” magiliw na sabi ni Atty. Lianela Mendez sa waiter.
Pinamulahan si Millet ng mga pisngi. Kulang na lang ay isigaw ng abogado sa buong restaurant kung gaano siya katanga.
“It’s alright,” sabi ni Gabrielle sa waiter, “Ako ng bahala um-order para sa kanya.”
Matapos makuha ng waiter ang mga order nila at makaalis na ito ay muli siyang kinausap ni Atty. Lianela Mendez, “May kailangan kang kabisaduhing speech. From now on, kailangang kasama ka na ni Gabrielle sa lahat ng mga campaign rally nya.”
“Ho?”
Pinagtaasan siya ng isang kilay ng babae, “Kailangan bang ulit-ulitin ko saiyo ang lahat ng sasabihin ko?” may kasungitang sabi nito.
“Lianela. . .” saway ni Gabrielle dito saka tumingin sa kanya, “I’m sorry kung pati ikaw nadamay sa sitwasyon ko.” Paghingi nito ng paumanhin sa kanya.
“Wow, Gabrielle, baka nakakalimutan mong pumayag siyang makisiping saiyo ng gabing iyon kaya tama lang na madamay siya sa sitwasyong ito!” may sarcasm sa tonong sabi ni Lianela.
Napayuko siya. Gusto niyang ipagtanggol ang kanyang sarili ngunit natatakot siya.
“LIANELA, don’t you think this is too much?” Tanong ni Gabrielle sa abogado nang makauwi na sila ng bahay at sila na lamang ni Lianela ang nasa salas, “Bakit kailangang kasama ko pa si Millet sa kampanya? Alam mo namang hindi siya nakapag-aral, paano kung magkalat lang siya duon? Paano kung mapahiya lang siya, alam mo naman kung gaano karumi ang laro ng politika.”
“Well, pumayag siyang mapasok sa sitwasyong ito kaya dapat lang na makipag-cooperate siya. Besides, the more na malalaman ng tao kung gaano kaignorante ang napangasawa mo, the more na makakarelate ang masa saiyo. Mas mamahalin ka ng mga tao!”
“At her expense?” Hindi makapaniwalang sabi ni Gabrielle sa abogado.
Napangisi si Lianela, “Yeah, at her expense? May problema ba tayo dun? Gab, baka nakakalimutan mo ang dahilan kung bakit mo siya pinakasalan?” Paalala nito sa kanya.
“Pero. . .”
“Naniniwala akong may nagsabotage saiyo kaya nangyari ang gabing iyon, Gab. Let’s use that to your advantage. By the way, pina-iimbestigahan ko na kung sino ang nasa likod ng eskandalong nangyari.”
Napakunot nuo si Gabrielle. Iyon rin ang kutob niya. May sumabotahe sa kanya dahil magpahanggang ngayon ay hindi pa rin niya maintindihan kung bakit bigla na lamang niyang nagawa ang mga bagay na iyon kay Millet. Never pa siyang namilit makipagtalik sa kahit na kaninong babae ngunit nang gabing iyon, hindi niya alam kung ano ang pumasok sa utak niya at bigla na lamang niya itong pinuwersang makipag-sex sa kanya. Nanlaban ito, natatandaan niya. Ngunit ang mga sumunod na pangyayari ay hindi na niya maalala pa.
HINDI MAKATULOG SI MILLET ng gabing iyon dahil iniisip niya ang sinabi ni Lianela na kailangan niyang sumama at magsalita sa mga campaign rally ng kanyang amo. Lalabas sana siya ng kuwarto para kumuha nang tubig nang marinig niya ang tinig ni Atty. Lianela Mendez sa kusina habang kausap nito si Gabrielle.
May gusto raw sumabotahe sa kandidatura ng kanyang amo? Ang natatandaan lang niya, dinalhan niya ng alak sa kuwarto nito. Nakailang balik rin siya duon dahil inuutusan siya ng Tiya Norma niya na magdala ng yelo para sa inumin nito. Iyong ika-tatlong balik niya, bigla na lamang siya nitong hinawakan sa magkabilang balikat at pinilit na halikan. Nanlaban siya ngunit ewan kung bakit bigla na lamang siyang nahilo. Ang sumunod na mga pangyayari ay nang magising na lamang siyang hubo’t hubad katabi nito.
Nakuyumos niya ang kanyang mga kamay. Maari ngang may gustong sumabotahe sa kandidatura ng kanyang amo at siya ang ginamit nito para maisakatuparan ang masamang balak. Natatandaan niyang sabi ng kaibigan niyang si Janet na nagtrabaho sa isang club sa Thailand, may inilalagay raw sila sa inumin ng kanilang mga customer para mawala ang mga ito sa sarili. Ang sabi pa nga nito, kung malakas lang ang loob niya, bakit hindi siya sumama ditong magtrabaho sa Thailand. Tiyak raw na marami siyang magiging parokyano. Pero hindi niya kayang ibenta ang katawan para lang magkapera kaya hindi siya sumama.
Posible kayang iyon ang ipinainom ng kung sinuman kay Gabrielle kaya nawala ito sa wisyo ng gabing iyon? At baka napainom rin siya ng pampatulog kaya bigla na lamang siyang nanghina ng gabing iyon.
Pero sino ang gagawa niyon?
Bigla niyang naalala ang kanyang Tiya Norma. May kinalaman kaya ito? Pero imposible. Ano naman ang magiging motibo nito? Wala naman itong koneksyon sa mga kalaban ng kanyang amo sa politika.
Oo, mahirap pagkatiwalaan ang kanyang Tiya Norma pagdating sa pera ngunit hindi naman siguro ito ganuon kasama para ipahamak siya.
MAAGANG GUMISING SI MILLET para maghanda ng almusal. Nagulat siya nang pasabayin siya ng kanyang amo sa pagkain. Medyo hesitant pa siya ngunit sinabihan siya nito na dapat masanay raw siya dahil parte iyon ng kanilang palabas. From now on raw ay huwag niyang isiping katulong siya nito.
Iyon rin ang sabi ni Lianela sa kanya. Para at least ay sanay siyang sa harap ng ibang tao ay komportable siyang kasama si Gabrielle at hindi mahahalatang palabas lamang ang lahat ng ito.
Napilitan tuloy siyang saluhan itong mag-almusal.
“Hindi mo dapat isinasawsaw ang slice bread sa kape,” sabi ni Gabrielle sa kanya nang mapansin ang ginagawa niya. Kumuha ito ng slice bread at pinahiran iyon ng butter gamit ang bread knife saka nilagyan iyon ng cheese at ham sa ibabaw, “This is how you eat bread.”
“Hindi naman po kasi ako sanay kumain ng cheese at ham sa tinapay. Saka mas sanay ako sa sinangag at tortang talong sa almusal.” Paliwanag niya rito.
“Well, you can cook friend rice and egg if you want. Hindi naman kita pinagbabawalang galawin ang kahit na anong pagkain sa fridge. I just find it annoying na makitang isinasawsaw mo ang tinapay sa kape,” anitong napakibit balikat, “It’s just me.”
Tumango na lamang siya kahit kalahati sa sinabi nito ay di naman niya naiintindihan dahil nag-e-English ito.
“By the way, nang gabing may mangyari sa atin, ano ang naalala mo?” Tanong ni Gabrielle sa kanya.
Namula ang mga pisngi niya. Naalala niya nang hawakan nito ang magkabila niyang balikat at halikan siya nito. Naalala niya ang pakiramdam at ang lasa ng mga labi nito. Para siyang kinukuryente na hindi niya maintindihan. At ang mga labi nito, kahit lasang alak ay parang nagustuhan niya.
Siguro talagang magaling lang itong humalik kaya naapektuhan siya. Ngunit maliban duon ay wala na siyang maalala.
“Millet, are you with me?” Tanong ni Gabrielle nang tila malayo ang takbo ng utak ng kausap niya.
“Ho eh. . .”
Nakita ni Gabrielle ang pamumula ng mukha nito. At ewan kung bakit biglang sumagi sa alaala niya ang gabing hinalikan niya ito. Hanggang ngayon ay paulit-ulit pa ring nanunuot sa kanyang gunita ang pakiramdam nang malasahan niya ang matamis nitong mga labi. Aminado siya, marami na siyang nahalikang mga babae ngunit parang bago sa kanyang pakiramdam ang inihatid ng mga labing iyon ni Millet.
“A-ang totoo po, wala akong maalala p-pagkatapos ninyo akong halikan. . .”
“So, naalala mo nang halikan kita?”Matiim na tanong ni Gabrielle, ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang mukha. At bakit ba parang nag iinit ang kanyang buong katawan habang nakatingin sa magandang mukha nito?
Napilitang tumango si Millet.
Napalunok si Gabrielle.
NAPALUNOK si Gabrielle lalo pa at nag-init ng husto ang katawan niya. Hey, Gabrielle, kung lahat na lang ng magandang babae papatulan mo, ano pang ipinagkaiba mo sa hayup? Anang utak niya. Umayos siya ng upo at huminga ng malalim, “Pinaiimbestigahan ko na ang nangyari. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ko ginawa iyon, pero gusto kong humingi ng sorry sa naging kapangahasan ko.”Hindi siya umimik. Nakatungo lang siya habang nakatitig sa kanyang tinapay at kape. Nagising na lang siya isang araw na hindi na siya virgin at ni wala siyang maalala sa mga nangyari.At ngayon ay kara-karakang nalagay siya sa ganitong sitwasyon. Parang gusto niyang mapaiyak.Gustong ma-guilty ni Gabrielle dahil kasabwat siya sa pagsasamantala sa kainosentehan ni Millet. Para tuloy nawalan na siya ng ganang tapusin ang kanyang pagkain. Tiningnan niya ito ng matiim, “Talaga bang hindi ka marunong bumasa at sumulat?”Hiyang-hiyang tumango si Millet.“Ikukuha kita ng tu
KABADONG-kabado si Millet nang mahiga. Sinigurado niyang may nakapagitang unan sa gitna nila ni Gabrielle. Gaya niya, tahimik rin lang ito, nakatingin sa kisame at waring may malalim na iniisip.Pumihit siya patalikod dito. Natatakot siyang baka kapag nakatulog siya ay maghilik siya ng malakas at hindi ito makapagpahinga ng maayos. Hindi na nga komportable ang hinihigaan nito kaya ayaw niyang dagdagan pa ng mga hilik niya ang discomfort nito.Pasimple niya itong nilingon, nakita niyang mulat pa rin ang mga mat anito.“Pasensya ka na k-kung maliit lang ang kwartong ito. Kwarto ito nina Nanay. Ipinahiram lang sa atin bilang espesyal na bisita ka. . .iyong kuwarto ko, sa kabila kasama ng mga kapatid ko. . .duon sila nanay matutulog ngayon.”“Ilang taon ka sa picture na yan?” Tanong ni Gabrielle sa kanya na ang tinutukoy ay ang nakabitin sa dingding na picture niya kasama ng nanay at tatay niya. Iyon lang yata ang picture na mayroon siya. Siya pa lang ang anak ng nanay at tatay ni
“ANG HIRAP siguro para saiyo n-nang sumama sa ibang lalaki ang. . .Mommy mo,” halos paanas lamang na sabi niya sa kanyang amo. Nakita niyang bahagya itong napaismid.“Halos gabi-gabi akong binabangungot nuon. Hindi ako makapaniwalang nagawa nya kaming ipagpalit ni Daddy sa kung sinong lalaki. Since then, ipinangako kong kakalimutan ko na sya at hindi ko na sya hahanapin kahit na kailan.”“At simula rin nuon, hindi ka na naniwala sa salitang pag-ibig?” Halos paanas lamang na tanong niya rito.Hindi sinagot ni Gabrielle ang tanong niya, sa halip ay kumunot ang nuo nito, “Talaga bang hindi ka marunong bumasa at sumulat?”Namula ang kanyang mga pisngi. Nakakahiyang sa edad niyang disnuebe ay maski ang pangalan niya ay hirapan pa rin siyang isulat.“Hindi na ho ako nabigyan ng pagkakataong makatuntong sa school. Napilitan akong magtrabaho sa palengke nang magkasakit si tatay. Ako kasi ang panganay kaya ako lang ang pwede nilang asahan. . .”“May sakit ang tatay mo and yet nagawa pa n
NANG makarating sa bahay ay diretso si Gabrielle sa kwarto para magpahinga. Naglinis naman ng buong bahay si Millet dahil wala siyang maisip na gawin lalo pa at nalabhan na niya ang mga damit na ginamit nila. Nang matapos maglinis ay nagluto siya ng hapunan para pagkagising ni Gabrielle ay kakain na lamang sila. Ewan kung bakit parang na-eexcite siya sa tuwing naiisip na mag-asawa sila ni Gabrielle kahit na palabas lamang naman ang lahat.Ni sa panaginip ay hindi niya naging pamantayang makapag-asawa ng kasing guwapo at kasing yaman ni Gabrielle dahil alam naman nyang imposibleng mangyayari ang ganun kaya mababa lang ang standard niya pagdating sa ideal man niya. Basta may marangal lang na trabaho ay sapat na. Ni hindi nga niya pinangarap ang guwapong asawa. Pero bakit bumibilis ang pintig ng puso niya sa tuwing magtatama ang kanilang mga mat ani Gabrielle?Hah, nangangarap siya ng gising. Tinampal niya ang kanyang magkabilang mukha para magising sa katotohanan. Narito lang siya
“MALINAW naman na kampo ni Don Sebastian ang may kagagawan ng lahat ng ito. Natagpuan sa basuran ang sex pill na maaring inilagay sa inumin ninyo ni Millet. Ang gusto lang malaman ay kung may kinalaman ba ang babaeng iyon sa eskandalong ito. For all we know, nagtatanga-tangahan siya para lang makinabang. . .”“I can guarantee you, Lianela, walang kinalaman si Millet sa nangyaring eskandalo!” Giit ni Gabrielle na ikinagulat ni Lianela.Tumaas ang isang kilay ni Lianela, “I can’t believe na kuhang-kuha na ng babaeng iyon ang tiwala mo?” Naiinis na sabi ng abogada, “Alalahanin mong magaling maglaro ang mga kalaban. Gagamitin nila ang weaknesses mo para mapaglaruan ang emotions mo. At mukhang. . .”“Stop it, Lianela, hindi ka na nakakatuwa. Huwag mong gamitin ang pagiging abogado mo sa kung anu-anong naiisip mo,” sabi ni Gabrielle dito, inayos niya ang kanyang necktie dahil pakiramdam niya ay sumisikip iyon at nahihirapan siyang huminga.Napakunot ang nuo ni Lianela. Matagal na sil
“SIR, p-pwede ho ba akong mag-advance sa inyo?” Halos paanas lamang na tanong ni Millet kay Gabrielle habang kumakain sila ng almusal.Tumango si Gabrielle saka tumingin sa kanya, “Kung may mga kailangan kang bilhin, pasasamahan kita sa assistant ko para hindi mo na kailangang galawin ang perang sinusweldo mo.”“Ipapadala ko ho sana kina itay. Tumawag kasi sya kagabi, k-kailangan raw nya ng fifty thousand.” Paliwanag niya rito.“Fifty thousand? Saan naman raw niya gagamitin ang pera?” tanong nito sa kanya.Nahihiya man ay nasabi niya kay Gabrielle ang totoo, “Nakapangako raw po kasi sya sa inaanak nya na sagot nya ang isang baka sa kasal nito,” pagtatapat niya, “Wala naman akong magawa kasi ayoko rin namang mapahiya si tatay. . .s-saka magagalit sa akin si itay kapag hindi ko siya pinadalhan.”Napailing si Gabrielle, “Kaya ka inaabuso ng pamilya mo kasi bigay ka lang ng bigay,” huminga siya ng malalim, “Pero pamilya mo yan at hindi naman kita pwedeng pagbawalan pagdating sa mga baga
KASALUKUYANG nanalumpati si Gabrielle sa isang liblib na lugar sa Mindanao nang mapukaw ang pansin niya nang isang matandang babae. Pamilyar para sa kanya ang mukha nito kung kaya’t nang matapos ang kanyang speech ay kaagad siyang bumaba ng entablado para lapitan ang babae.“Ma?” Parang sasabog ang dibdib niya nang matitigan ang babae na bagamat nangulubot na ang magandang mukha ay hinding-hindi pa rin niya makakalimutan ang itsura nito kahit twenty years na ang lumipas.Tila natakot ang babae nang makilala niya. Nagmamadali itong tumakbo palayo.“Ma?” hinabol niya ito ngunit kaagad na itong sumakay ng tricycle na para bang umiiwas man lang na magtama ang kanilang mga mata. Parang hinahalukay ang kanyang sikmura habang sinusundan ito ng tingin hanggang sa tuluyan nang maglaho ang tricycle na sinasakyan nito. Hindi niya maipaliwanag ang eksaktong nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.Ang tanging alam lang niya, unti-unting nagbabalik ang lahat nuong mga panahong iniwan siya nito.
NANG makabalik ng Maynila mula sa Mindanao ay kaagad na humingi ng day off si Millet kay Gabrielle para madalaw niya ang pamilya sa Quezon Province. Hindi niya akalaing sasamahan pa siya ni Gabrielle patungo doon. Three hours lang naman ang biyahe patungo sa kanila kaya ng araw ring iyon ay nasa bahay na sila. Umiiyak ang nanay niya nang salubungin sila.“Ang kapal ng tatay mong ipaglantaran sa akin ang kabit nya. Kaya pala ni hindi niya kami nabibigyan ng perang ipinapadala mo, ibinibigay lang nya sa babae nya,” humahagolhol na sumbong ng nanay niya sa kanya.Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa ina. Si Gabrielle ay tahimik na tahimik lang habang nakaupo sa isang sulok.“Ang totoo, matagal ka na nyang niloloko,” sabi pa ng nanay niya sa kanya. Napakunot ang nuo niya.“Ano pong ibig nyong sabihin ‘nay?”“Wala naman syang totoong sakit. Iyong mga resetang ipinapakita nya saiyo, pinupulot lang nya iyon sa mga basurahan sa may ospital. Pinagsamantalahan nya ang kamang-mangan
“ANONG GINAGAWA MO DITO?” Biglang napabalikwas si Becka mula sa kanyang kinahihigaan nang pagmulat ng kanyang mga mata ay mabungaran sa tabi niya si Rod, nakapatong pa ang mga kamay sa katawan niya. Maya-maya ay para siyang papanawan ng ulirat nang marealize na pareho pala silang hubo’t hubad.Hinatak niya ang kumot at itinakip sa hubad niyang katawan sabay sigaw ng makita ang kahubdan ni Rod, “Ehhhh!!!”Pupungas-pungas na bumangon si Rod, parang balewala lang ditong makita niya ang naghuhumindig na pagkalalaki nito, “Don’t tell me wala kang naalala?”“Ginahasa mo ako, walang hiya ka!” sigaw niya rito habang nakapikit ang mga mata. “Idedemanda kita.”“Uy, hindi ko ugali yan kaya wag mo kong pagbibintangan ng kung anu-ano. Let me remind you, tahimik akong umiinom nang bigla mo na lang akong lingkisin at halikan. Kung hindi ka naniniwala, halika, may cctv dun na magpapatunay sa nangyari!” sabi nitong hinatak ang mga braso niya.Sinipa niya ito, “Bitiwan mo akong hayup ka.” Hindi sinasa
NANG NAGMAMANEHO na si Becka pauwi ay saka niya pinakawalan ang lahat ng mga nararamdamang sakit sa dibdib. Kanina ay nagkukunwari lang siya kay Selena. Ayaw naman kasi niyang sirain ang mood nito lalo pa at masayang-masaya ito sa piling ni Anthony ngayon. But deep inside, gusto na niyang humagolhol lalo pa at nalaman niya mula sa bangko na isinanla pala ng tatay niya ang bahay niya at ngayon ay malapit na itong mailit ng bangko.Wala siyang kaalam-alam kung hindi pa dumating ang sulat mula sa bangko. Ang masaklap, kulang ang naitago niyang pera para matubos ang bahay. Pinahid niya ang kanyang mga luha. Sa halip na lumuwas ng Maynila ay naisipan niyang mag-check in na lamang sa isang resort dito sa Sta. Isabel kahit pa nga ang gusto sana ni Selena ay duon na siya mag-stay sa bahay ng mga ito.Ang totoo, gusto niyang mapag-isa kahit tatlong araw lang para umiyak nang umiyak. Samantala ay nangunot ang nuo ni Rod nang makitang lumiko sa isang resort si Becka. Curious na sinundan
NAGISING SI ROD na nasa ibabaw na niya si Eloisa, ang kanyang ex-girlfriend na kahit ilang beses na niyang hiniwalayan ay gumagawa at gumagawa ng paraan para muling makipagmabutihan sa kanya. Pero pinal na ang desisyon niya, hinding-hindi na siya makikipagbalikan sa babaeng ito simula nang mahuli niyang pinagtataksilan siya. Bigla siyang napabalikwas, “Hey, anong ginagawa mo dito?” Iritadong sabi niya, halos maihagis niya ito sa palabas ng kanyang kuwarto. “Damn Eloisa, hindi ka na nakakatawa!”Kailangan palang palitan na niya ang susi ng kanyang condominium at ipaban ang babaeng ito sa building para hindi na ito makabalik pa dito. Mabuti na lamang at hindi niya ito nabuntis kung hindi’y magkakaroon pa siya ng pananagutan sa babaeng ito.“Rod, mahal na mahal kita. Isang beses lang akong nagkamali, hindi mo na ba talaga ako mapapatawad?” Parang naiiyak na tanong nito sa kanya, “Pinagsisihan ko na ang lahat ng nagawa ko saiyo, Rod. I’m so sorry.”“I’m so sorry rin Eloi, pero ilang
LALABAS na sana siya sa banyo nang tumawag ang kinakasama ng tatay niya. As usual, humihingi na naman ito ng pera para sa panggatos sa mga anak nito sa tatay niya. “Kakapadala ko lang sa inyo ng pera last week ah. Naubos nyo na ho kaagad iyon?”“Aba, kung magsalita ka parang hindi mo kapatid ang mga anak ko ah?” Sita nito sa kanya, “Uy, pasalamat ka, inaalagaan ko ang tatay mo. At kahit ano pang sabihin mo, kahit kailan hindi nagawa ng nanay mo ang serbisyong naibibigay ko sa tatay mo!”“Eh paano ho magagawa iyon ni Nanay, duon na nga sya tumanda at namatay sa kulungan!” sagot niya rito, “At saka hindi ko naman obligasyon ang mga kapatid ko. Kayo ni tatay ang may obligasyon sa kanila. Kaya sana pasalamat na lang kayo kapag may naitutulong ako,” iritadong sabi niya. Ang totoo, pinaglalaanan niya palagi ng budget ang kanyang mga kapatid. Pero lately ay napapansin niyang napapadalas na ang paghingi ng pera sa kanya ng Tatay niya at ng kinakasama nito. Hanggang magsumbong sa kanya
HINDI lang nagpapahalata si Becka, syempre pa ay ayaw naman niyang agawin ang moment na ito para sa kanyang kaibigang si Selena. But deep inside she is hurting. Kung maari nga lamang ay ayaw na niyang umuwi pa ng Pilipinas dahil nabalitaan niyang nagpakasal na sa pinsan niya ang kanyang ex-boyfriend.Kaya lang ay paano ba naman niya iisnabin ang kasal ng kanyang kaibigan. Hindi na lamang kaibigan ang turing niya kay Selena kundi isang pamilya at gusto niya, present siya sa lahat ng mahahalagang kabanata sa buhay nito. Kaya kahit umiiyak ang puso niya, napilitan siyang umuwi ng Pilipinas.Hindi man maganda ang sinapit ng kanyang love life, at least ay happy naman si Selena. Kitang-kita niya ang kakaibang glow sa mga mata nito. Bagay na ngayon lamang niya nakita dito. At masayang-masaya siya para kay Selena.Natigilan siya nang pumatak sa kanya ang bouquet na inihagis ni Selena. Sa dinami-dami ng mga nakikipag-agawan ay sa mga kamay pa talaga niya iyon pumatak. Tawa nang tawa s
HINDI NAPIGILAN NI SELENA ang mapahagulhol nang sa wakas ay mahatulan ng habang buhay na pagkabilanggo sina Christine, ang ama nito at si Rigor. Para siyang nabunutan ng tinik nang matanggap ang hinahanap na hustisya.Habang siya ay nagdiriwang, para namang mababaliw si Christine at hindi matanggap ang naging sentensya sa kanilang tatlo. Feeling nito ay napaka-unfair ng naging hatol sa kanya. Hindi ba dapat si Rigor lang ang hinatulan ng habang buhay na pagkabilanggo without bail?Bakit pati siya?Ngunit ipinapangako niya sa sariling hindi siya titigil hangga’t hindi siya nakakabawi. Hindi pa tapos ang laban nila ni Selena. Isinusumpa niyang nasa kanya pa rin ang huling halakhak.Samantala, pagkatapos ng hearing ay nagcelebrate sila ni Anthony kasama ang buong pamilya. Nagulat na lamang siya nang biglang lumitaw si Becka. Ni hindi niya alam na kinausap pala ito ni Anthony para sa gagawing pagpro-propose sa kanya.Iyak siya nang iyak.Lumuhod pa si Anthony sa harapan niya habang
NAPAPIKIT SI SELENA nang maramdaman ang mga labi ni Anthony na bumaba sa kanyang kaliwanag dibdib habang ang isang kamay naman nito ay pinaglalaruan ang kaumbukan ng kanyang kanan. Para siyang nakikiliti, naliliyo na hindi mapakali sa sensasyong idinudulot ng ginagawang iyon sa kanya ni Anthony.“Anthony,” sambit niya sa pagitan ng paghalinghing, basang-basa na siya at handang-handa nang tanggapin ang naghuhumiyaw na pagkalalaki nito ngunit tila gusto muna nitong paglaruan ang maseselang bahagi ng kanyang katawan.“I love you, Selena,” narinig pa niyang sambit nito sa pagitan ng ibayong pagroromansa sa kanya.Hinagod niya ang buhok nito at sandaling nagmulat ng mga mata upang tingnan ito, “I love you more, Anthony. . .” buong pagmamahal na sabi niya rito. Umakyat ang ulo nito at hinagip ang kanyang mga labi para siilin ng halik.Ramdam niya ang buong-buo nitong pagmamahal sa kanya, buong kaluluwa, buong puso niyang tinugon ang nag-aalab nitong mga halik. This time ay wala na siyang
“PATAWARIN mo ako. Pinagsisihan kong pinairal ko ang takot ko. Miss na miss ko na ang friendship natin, Selena,” umiiyak na sabi ni Karla sa kanya. Nakatingin siya rito habang tahimik na tahimik.Kahit siya ay nanghihinayang sa pinagsamahan nilang dalawa pero alam niyang hindi na niya muli pang maibabalik ang tiwala niya dito. Siguro kaya na niya itong patawarin pero never na siyang makakalimot pa.Akmang yayakapin nga siya nito ngunit mabilis siyang napaatras palayo dito. Ewan ba niya ngunit hindi na niya makakalimutan pa ang araw na ipinagkanulo siya nito. “I’m sorry kung hindi ko na kayang maibalik pa iyong dati,” aniya dito, “Hindi ko rin alam kung tuluyan na nga ba kitang napatawad, Karla. Hindi pa siguro hundred percent. . .”“Naiintindihan ko naman iyon.” Mahinang sabi nito sa kanya, “P-pero sa maniwala ka at sa hindi, masaya akong malamang nakuha mo na ang hustisya.”May pait sa mga labing napangiti siya, “Oo, nakuha ko na ang hustisya pero hindi na maibabalik pa ang mga
INAGAW NI CHRISTINE SA AMA ANG HAWAK NITONG baril at itinutok iyon kay Selena ngunit bago pa nito maiputok iyon ay inunahan na ito ni Anthony. Binaril nito ang binti ni Christine na labis nitong ikinagulat kung kaya’t nabitiwan nito ang hawak na baril. Mabilis na tinakbo ni Selena ang kinaroroonan ng baril, pinulot niya iyon at nanggigigil sa galit na itinutok iyon kay Christine.“Hayup ka. Ipinagahasa mo ako, anong klaseng nilalang ka?” Nagpupuyos sa galit na sigaw niya kay Christine. Narinig niyang umungol si Rigor, dito naman niya itinutok ang hawak niyang baril, “Demonyo ka! Ang dapat saiyo ay mamatay!!!” Sa sobrang galit ay hindi na niya napigilan pa ang kanyang sarili, binaril niya si Rigor. Natigilan ang mag-ama sa ginawa niya.Iyak siya ng iyak habang nakatingin sa nag-aagaw buhay na lalaki. Hindi niya alam kung masaya ba siyang makitang unti-unting namamatay sa harapan niya ang lalaking gumahasa sa kanya. Isa lang ang tiyak niya, hindi siya nakakaramdam ng awa habang na