KASALUKUYANG nanalumpati si Gabrielle sa isang liblib na lugar sa Mindanao nang mapukaw ang pansin niya nang isang matandang babae. Pamilyar para sa kanya ang mukha nito kung kaya’t nang matapos ang kanyang speech ay kaagad siyang bumaba ng entablado para lapitan ang babae.“Ma?” Parang sasabog ang dibdib niya nang matitigan ang babae na bagamat nangulubot na ang magandang mukha ay hinding-hindi pa rin niya makakalimutan ang itsura nito kahit twenty years na ang lumipas.Tila natakot ang babae nang makilala niya. Nagmamadali itong tumakbo palayo.“Ma?” hinabol niya ito ngunit kaagad na itong sumakay ng tricycle na para bang umiiwas man lang na magtama ang kanilang mga mata. Parang hinahalukay ang kanyang sikmura habang sinusundan ito ng tingin hanggang sa tuluyan nang maglaho ang tricycle na sinasakyan nito. Hindi niya maipaliwanag ang eksaktong nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.Ang tanging alam lang niya, unti-unting nagbabalik ang lahat nuong mga panahong iniwan siya nito.
NANG makabalik ng Maynila mula sa Mindanao ay kaagad na humingi ng day off si Millet kay Gabrielle para madalaw niya ang pamilya sa Quezon Province. Hindi niya akalaing sasamahan pa siya ni Gabrielle patungo doon. Three hours lang naman ang biyahe patungo sa kanila kaya ng araw ring iyon ay nasa bahay na sila. Umiiyak ang nanay niya nang salubungin sila.“Ang kapal ng tatay mong ipaglantaran sa akin ang kabit nya. Kaya pala ni hindi niya kami nabibigyan ng perang ipinapadala mo, ibinibigay lang nya sa babae nya,” humahagolhol na sumbong ng nanay niya sa kanya.Hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa ina. Si Gabrielle ay tahimik na tahimik lang habang nakaupo sa isang sulok.“Ang totoo, matagal ka na nyang niloloko,” sabi pa ng nanay niya sa kanya. Napakunot ang nuo niya.“Ano pong ibig nyong sabihin ‘nay?”“Wala naman syang totoong sakit. Iyong mga resetang ipinapakita nya saiyo, pinupulot lang nya iyon sa mga basurahan sa may ospital. Pinagsamantalahan nya ang kamang-mangan
“PATI pamilya nya, responsibilidad mo na rin?” May pagtutol sa anyong sabi ni Lianela kay Gabrielle nang ipaalam niya dito ang plano. “Naiintindihan mo ba ang ginagawa mo, ha, Gabrielle?”“Ikaw ang may plano ng palabas na ito, hindi ba?” sagot ni Gabrielle dito, “Pwes simula nang maging asawa ko si Millet, kargo ko na rin ang pamilya nya!”Naningkit ang mga mata ni Lianela, “Let me remind you, Mr. Gabrielle Dizon na palabas lang ang lahat ng ito kaya hindi mo dapat sineseryoso. Iyong problema ng babaeng yan sa pamilya nya, hindi mo na obligasyon iyon kaya hindi mo dapat inaako!” Galit na sabi ni Lianela sa kanya.Mula sa isang sulok ay naririnig ni Millet ang pinag-uusapan ng mga ito kung kaya’t siya ang napapahiya na kailangan pang pagtalunan ng mga ito ang tungkol sa kanyang pamilya. Tumayo siya at lumapit sa mga ito.“Hindi nyo na ho kailangang pag-awayan ang tungkol sa pamilya ko. O-okay naman na pong. . .”bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin ay hinawakan ni Gabrielle ang
GAYA ng ipinangako sa kanya ni Gabrielle, kinabukasan rin ay nakalipat sa Maynila, sa isang simpleng bungalow type na apartment ang kanyang nanay at mga kapatid. Masayang-masaya siyang makitang komportable ang mga ito sa apartment na kinuha ni Gabrielle. “Para ka talagang tumama sa lotto, anak. Napakabait ni Gabrielle saiyo. Halatang mahal na mahal ka!” anang nanay niya sa kanya habang tinutulungan niya itong mag-ayos ng mga pinamili ni Gabrielle na gamit sa bahay. “First time kong makatapak sa marmol na sahig. At saka magkakaron na ako ng disenteng kuwarto na may malambot na kama.”Ngumiti siya. “Mabait po talaga si Gabrielle, nay. Hindi ko nararamdamang magkaiba kami ng antas ng buhay kapag kasama ko sya.”“Kaya pagbutihin mo ang pag-aasikaso dyan sa asawa mo at wag mo syang bigyan ng dahilan na maghanap pa ng ibang babae kagaya ng ginawa ng tatay mo sa akin. Palagi kang mag-aayos at magpapaganda. Syempre mayaman ang asawa mo kaya lapitin iyon ng mga babaeng magaganda. Wag n
NAKAYUKO lang si Aling Norma habang kwenikwesyon siya ni Atty. Lianela Mendez. Takot na takot siya dahil baka ipakulong siya nito sa ginawa niyang pagtratraydor.“Patawarin nyo po ako, nagawa ko lang ho iyon dahil kailangan ko ng pera,” umiiyak na sabi niya sa abogada.Huminga ng malalim si Atty. Lianela Mendez. Tinitigan niya ang matandang babae. Hindi niya ito ipakukulong dahil alam niyang magagamit niya ito pagdating ng araw. Ngunit sa ngayon, kailangan muna niya itong palayasin sa pamamahay ni Gabrielle.“Mag-imapake ka na. Walang puwang ang mga traydor sa pamilyang ito!” Utos ni Atty. Lianela Mendez sa matanda.“May sakit ho ang asawa ko at kailangan ko ng pera. . .” Nakikiusap na sabi ni Aling Norma sa abogada, “Please naman po, bigyan nyo pa ako ng isa pang pagkakataon. At saka hindi ba dapat magpasalamat kayo dahil mukhang napabuti naman ang nangyari kay Sir Gabrielle, hindi ba?”Napangisi si Atty. Lianela Mendez, hindi siya makapaniwala sa kakapalan ng mukhang ipinapaki
DALAWANG LINGGO bago sumapit ang araw ng election ay muling inikot nina Gabrielle ang Mindanao para manuyo sa mga tao duon. Kasalukuyan siyang nanalumpati nang makita na naman niya ang babae na sa palagay niya ay ang kanyang Mommy. Hindi na niya gaanong matandaan ang mukha nito lalo pa at ipinasunog na ng kanyang Daddy ang lahat ng larawan ng kanyang ina ngunit hinding-hindi niya makakalimutan ang mga mata nito at kung papaano siya nitong tingnan. May lahing Egyptian ang kanyang ina dahil ang lolo nito ay Egyptian kung kaya’t napakalalim ng mga mata nito at makapal ang mga kilay kaya very prominent ang feature na iyon sa kanyang ina. Kaya hindi siya maaring magkamali. Gusto sana niya itong lapitan ngunit baka tumakbo na naman itong palayo sa kanya kung kaya’t nagkunwa na lamang siyang hindi niya ito napansin.Pero habang nagsasalita siya ay parang hinahalukay ang dibdib niya sa samu’t saring tumatakbo sa utak niya. Nanduon ang matinding hinanakit niya sa ina. Paulit-ulit niyang
NANG MAKABALIK sa kanilang tinutuluyang hotel ay uminom ng uminom si Gabrielle upang pakawalan ang lahat ng galit at hinanakit na matagal rin niyang kinikimkim sa dibdib niya. Habang si Millet naman ay tahimik na nag-aaral ng lesson na ini-email dito ni Miss Charo. Siya pa ang nagturo dito kung paano gumamit ng laptop. Ginawan rin niya ito ng email account at sa tulong ni Miss Charo, unti-unti itong natutotong tumipa sa key board.Napansin ni Millet na napaparami na ang beer na iniinom ni Gabrielle. Bagamat bukas ay rest day ng buong grupo, ayaw naman niya itong malasing ng sobra kung kaya’t hindi na niya ito pina-order pang muli ng beer. Sinusubukan lang naman niya kaya ikinagulat niyang sumunod ito sa sinabi niya.“A. . .Alert?” sabi niya habang binibigkas ang mga salitang nasa email niya, “the state of being watchful. Synonyms, vigilant, wide awake. . .sa tagalog, listo o alerto, Ah. . .el. . .ar, t, Alert!” malakas ang tinig na sabi niya.Napangiti si Gabrielle habang pinapa
NAGKATINGINAN SILA ni Gabrielle at halos sabay nilang hinagilap ang mga labi ng isa’t-isa. Hindi marunong humalik si Millet ngunit mabilis niyang nasusundan ang bawat ginagawa sa kanya ni Gabrielle. Ramdam niya ang init ng mga halik nito na waring isang kuryenteng dumadaloy sa kanyang buong katawan.Nang mga sandaling iyon, wala siyang pag-aalilangang nararamdaman habang magkahinang ang kanilang mga labi at ang mga kamay nito ay gumagalaw na para buksan ang butones ng suot niyang blusa.Sa paglipas ng mga araw ay may pagtatangi na siyang nararamdaman para kay Gabrielle kung kaya’t ni hindi na siya nag-isip pa nang makipaghalikan dito. Ni hindi siya tumanggi nang buhatin siya nito pahiga sa kama. Kinakabahan siya pero ng mga sandaling iyon, wala siyang nasa isip kundi ang nakakaliyong idinudulot ng ginagawang ito sa kanya ng lalaki.Napakagat labi siya nang gumapang ang dila nito sa kanyang leeg at sa likod ng kanyang tenga. Nakiliti siya at parang naramdaman niya ang paglalaway
“ANONG GINAGAWA MO DITO?” Biglang napabalikwas si Becka mula sa kanyang kinahihigaan nang pagmulat ng kanyang mga mata ay mabungaran sa tabi niya si Rod, nakapatong pa ang mga kamay sa katawan niya. Maya-maya ay para siyang papanawan ng ulirat nang marealize na pareho pala silang hubo’t hubad.Hinatak niya ang kumot at itinakip sa hubad niyang katawan sabay sigaw ng makita ang kahubdan ni Rod, “Ehhhh!!!”Pupungas-pungas na bumangon si Rod, parang balewala lang ditong makita niya ang naghuhumindig na pagkalalaki nito, “Don’t tell me wala kang naalala?”“Ginahasa mo ako, walang hiya ka!” sigaw niya rito habang nakapikit ang mga mata. “Idedemanda kita.”“Uy, hindi ko ugali yan kaya wag mo kong pagbibintangan ng kung anu-ano. Let me remind you, tahimik akong umiinom nang bigla mo na lang akong lingkisin at halikan. Kung hindi ka naniniwala, halika, may cctv dun na magpapatunay sa nangyari!” sabi nitong hinatak ang mga braso niya.Sinipa niya ito, “Bitiwan mo akong hayup ka.” Hindi sinasa
NANG NAGMAMANEHO na si Becka pauwi ay saka niya pinakawalan ang lahat ng mga nararamdamang sakit sa dibdib. Kanina ay nagkukunwari lang siya kay Selena. Ayaw naman kasi niyang sirain ang mood nito lalo pa at masayang-masaya ito sa piling ni Anthony ngayon. But deep inside, gusto na niyang humagolhol lalo pa at nalaman niya mula sa bangko na isinanla pala ng tatay niya ang bahay niya at ngayon ay malapit na itong mailit ng bangko.Wala siyang kaalam-alam kung hindi pa dumating ang sulat mula sa bangko. Ang masaklap, kulang ang naitago niyang pera para matubos ang bahay. Pinahid niya ang kanyang mga luha. Sa halip na lumuwas ng Maynila ay naisipan niyang mag-check in na lamang sa isang resort dito sa Sta. Isabel kahit pa nga ang gusto sana ni Selena ay duon na siya mag-stay sa bahay ng mga ito.Ang totoo, gusto niyang mapag-isa kahit tatlong araw lang para umiyak nang umiyak. Samantala ay nangunot ang nuo ni Rod nang makitang lumiko sa isang resort si Becka. Curious na sinundan
NAGISING SI ROD na nasa ibabaw na niya si Eloisa, ang kanyang ex-girlfriend na kahit ilang beses na niyang hiniwalayan ay gumagawa at gumagawa ng paraan para muling makipagmabutihan sa kanya. Pero pinal na ang desisyon niya, hinding-hindi na siya makikipagbalikan sa babaeng ito simula nang mahuli niyang pinagtataksilan siya. Bigla siyang napabalikwas, “Hey, anong ginagawa mo dito?” Iritadong sabi niya, halos maihagis niya ito sa palabas ng kanyang kuwarto. “Damn Eloisa, hindi ka na nakakatawa!”Kailangan palang palitan na niya ang susi ng kanyang condominium at ipaban ang babaeng ito sa building para hindi na ito makabalik pa dito. Mabuti na lamang at hindi niya ito nabuntis kung hindi’y magkakaroon pa siya ng pananagutan sa babaeng ito.“Rod, mahal na mahal kita. Isang beses lang akong nagkamali, hindi mo na ba talaga ako mapapatawad?” Parang naiiyak na tanong nito sa kanya, “Pinagsisihan ko na ang lahat ng nagawa ko saiyo, Rod. I’m so sorry.”“I’m so sorry rin Eloi, pero ilang
LALABAS na sana siya sa banyo nang tumawag ang kinakasama ng tatay niya. As usual, humihingi na naman ito ng pera para sa panggatos sa mga anak nito sa tatay niya. “Kakapadala ko lang sa inyo ng pera last week ah. Naubos nyo na ho kaagad iyon?”“Aba, kung magsalita ka parang hindi mo kapatid ang mga anak ko ah?” Sita nito sa kanya, “Uy, pasalamat ka, inaalagaan ko ang tatay mo. At kahit ano pang sabihin mo, kahit kailan hindi nagawa ng nanay mo ang serbisyong naibibigay ko sa tatay mo!”“Eh paano ho magagawa iyon ni Nanay, duon na nga sya tumanda at namatay sa kulungan!” sagot niya rito, “At saka hindi ko naman obligasyon ang mga kapatid ko. Kayo ni tatay ang may obligasyon sa kanila. Kaya sana pasalamat na lang kayo kapag may naitutulong ako,” iritadong sabi niya. Ang totoo, pinaglalaanan niya palagi ng budget ang kanyang mga kapatid. Pero lately ay napapansin niyang napapadalas na ang paghingi ng pera sa kanya ng Tatay niya at ng kinakasama nito. Hanggang magsumbong sa kanya
HINDI lang nagpapahalata si Becka, syempre pa ay ayaw naman niyang agawin ang moment na ito para sa kanyang kaibigang si Selena. But deep inside she is hurting. Kung maari nga lamang ay ayaw na niyang umuwi pa ng Pilipinas dahil nabalitaan niyang nagpakasal na sa pinsan niya ang kanyang ex-boyfriend.Kaya lang ay paano ba naman niya iisnabin ang kasal ng kanyang kaibigan. Hindi na lamang kaibigan ang turing niya kay Selena kundi isang pamilya at gusto niya, present siya sa lahat ng mahahalagang kabanata sa buhay nito. Kaya kahit umiiyak ang puso niya, napilitan siyang umuwi ng Pilipinas.Hindi man maganda ang sinapit ng kanyang love life, at least ay happy naman si Selena. Kitang-kita niya ang kakaibang glow sa mga mata nito. Bagay na ngayon lamang niya nakita dito. At masayang-masaya siya para kay Selena.Natigilan siya nang pumatak sa kanya ang bouquet na inihagis ni Selena. Sa dinami-dami ng mga nakikipag-agawan ay sa mga kamay pa talaga niya iyon pumatak. Tawa nang tawa s
HINDI NAPIGILAN NI SELENA ang mapahagulhol nang sa wakas ay mahatulan ng habang buhay na pagkabilanggo sina Christine, ang ama nito at si Rigor. Para siyang nabunutan ng tinik nang matanggap ang hinahanap na hustisya.Habang siya ay nagdiriwang, para namang mababaliw si Christine at hindi matanggap ang naging sentensya sa kanilang tatlo. Feeling nito ay napaka-unfair ng naging hatol sa kanya. Hindi ba dapat si Rigor lang ang hinatulan ng habang buhay na pagkabilanggo without bail?Bakit pati siya?Ngunit ipinapangako niya sa sariling hindi siya titigil hangga’t hindi siya nakakabawi. Hindi pa tapos ang laban nila ni Selena. Isinusumpa niyang nasa kanya pa rin ang huling halakhak.Samantala, pagkatapos ng hearing ay nagcelebrate sila ni Anthony kasama ang buong pamilya. Nagulat na lamang siya nang biglang lumitaw si Becka. Ni hindi niya alam na kinausap pala ito ni Anthony para sa gagawing pagpro-propose sa kanya.Iyak siya nang iyak.Lumuhod pa si Anthony sa harapan niya habang
NAPAPIKIT SI SELENA nang maramdaman ang mga labi ni Anthony na bumaba sa kanyang kaliwanag dibdib habang ang isang kamay naman nito ay pinaglalaruan ang kaumbukan ng kanyang kanan. Para siyang nakikiliti, naliliyo na hindi mapakali sa sensasyong idinudulot ng ginagawang iyon sa kanya ni Anthony.“Anthony,” sambit niya sa pagitan ng paghalinghing, basang-basa na siya at handang-handa nang tanggapin ang naghuhumiyaw na pagkalalaki nito ngunit tila gusto muna nitong paglaruan ang maseselang bahagi ng kanyang katawan.“I love you, Selena,” narinig pa niyang sambit nito sa pagitan ng ibayong pagroromansa sa kanya.Hinagod niya ang buhok nito at sandaling nagmulat ng mga mata upang tingnan ito, “I love you more, Anthony. . .” buong pagmamahal na sabi niya rito. Umakyat ang ulo nito at hinagip ang kanyang mga labi para siilin ng halik.Ramdam niya ang buong-buo nitong pagmamahal sa kanya, buong kaluluwa, buong puso niyang tinugon ang nag-aalab nitong mga halik. This time ay wala na siyang
“PATAWARIN mo ako. Pinagsisihan kong pinairal ko ang takot ko. Miss na miss ko na ang friendship natin, Selena,” umiiyak na sabi ni Karla sa kanya. Nakatingin siya rito habang tahimik na tahimik.Kahit siya ay nanghihinayang sa pinagsamahan nilang dalawa pero alam niyang hindi na niya muli pang maibabalik ang tiwala niya dito. Siguro kaya na niya itong patawarin pero never na siyang makakalimot pa.Akmang yayakapin nga siya nito ngunit mabilis siyang napaatras palayo dito. Ewan ba niya ngunit hindi na niya makakalimutan pa ang araw na ipinagkanulo siya nito. “I’m sorry kung hindi ko na kayang maibalik pa iyong dati,” aniya dito, “Hindi ko rin alam kung tuluyan na nga ba kitang napatawad, Karla. Hindi pa siguro hundred percent. . .”“Naiintindihan ko naman iyon.” Mahinang sabi nito sa kanya, “P-pero sa maniwala ka at sa hindi, masaya akong malamang nakuha mo na ang hustisya.”May pait sa mga labing napangiti siya, “Oo, nakuha ko na ang hustisya pero hindi na maibabalik pa ang mga
INAGAW NI CHRISTINE SA AMA ANG HAWAK NITONG baril at itinutok iyon kay Selena ngunit bago pa nito maiputok iyon ay inunahan na ito ni Anthony. Binaril nito ang binti ni Christine na labis nitong ikinagulat kung kaya’t nabitiwan nito ang hawak na baril. Mabilis na tinakbo ni Selena ang kinaroroonan ng baril, pinulot niya iyon at nanggigigil sa galit na itinutok iyon kay Christine.“Hayup ka. Ipinagahasa mo ako, anong klaseng nilalang ka?” Nagpupuyos sa galit na sigaw niya kay Christine. Narinig niyang umungol si Rigor, dito naman niya itinutok ang hawak niyang baril, “Demonyo ka! Ang dapat saiyo ay mamatay!!!” Sa sobrang galit ay hindi na niya napigilan pa ang kanyang sarili, binaril niya si Rigor. Natigilan ang mag-ama sa ginawa niya.Iyak siya ng iyak habang nakatingin sa nag-aagaw buhay na lalaki. Hindi niya alam kung masaya ba siyang makitang unti-unting namamatay sa harapan niya ang lalaking gumahasa sa kanya. Isa lang ang tiyak niya, hindi siya nakakaramdam ng awa habang na