Share

CHAPTER 13

GAYA ng ipinangako sa kanya ni Gabrielle, kinabukasan rin ay nakalipat sa Maynila, sa isang simpleng bungalow type na apartment ang kanyang nanay at mga kapatid. Masayang-masaya siyang makitang komportable ang mga ito sa apartment na kinuha ni Gabrielle. “Para ka talagang tumama sa lotto, anak. Napakabait ni Gabrielle saiyo. Halatang mahal na mahal ka!” anang nanay niya sa kanya habang tinutulungan niya itong mag-ayos ng mga pinamili ni Gabrielle na gamit sa bahay. “First time kong makatapak sa marmol na sahig. At saka magkakaron na ako ng disenteng kuwarto na may malambot na kama.”

Ngumiti siya. “Mabait po talaga si Gabrielle, nay. Hindi ko nararamdamang magkaiba kami ng antas ng buhay kapag kasama ko sya.”

“Kaya pagbutihin mo ang pag-aasikaso dyan sa asawa mo at wag mo syang bigyan ng dahilan na maghanap pa ng ibang babae kagaya ng ginawa ng tatay mo sa akin. Palagi kang mag-aayos at magpapaganda. Syempre mayaman ang asawa mo kaya lapitin iyon ng mga babaeng magaganda. Wag n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status