DALAWANG LINGGO bago sumapit ang araw ng election ay muling inikot nina Gabrielle ang Mindanao para manuyo sa mga tao duon. Kasalukuyan siyang nanalumpati nang makita na naman niya ang babae na sa palagay niya ay ang kanyang Mommy. Hindi na niya gaanong matandaan ang mukha nito lalo pa at ipinasunog na ng kanyang Daddy ang lahat ng larawan ng kanyang ina ngunit hinding-hindi niya makakalimutan ang mga mata nito at kung papaano siya nitong tingnan. May lahing Egyptian ang kanyang ina dahil ang lolo nito ay Egyptian kung kaya’t napakalalim ng mga mata nito at makapal ang mga kilay kaya very prominent ang feature na iyon sa kanyang ina. Kaya hindi siya maaring magkamali. Gusto sana niya itong lapitan ngunit baka tumakbo na naman itong palayo sa kanya kung kaya’t nagkunwa na lamang siyang hindi niya ito napansin.Pero habang nagsasalita siya ay parang hinahalukay ang dibdib niya sa samu’t saring tumatakbo sa utak niya. Nanduon ang matinding hinanakit niya sa ina. Paulit-ulit niyang
NANG MAKABALIK sa kanilang tinutuluyang hotel ay uminom ng uminom si Gabrielle upang pakawalan ang lahat ng galit at hinanakit na matagal rin niyang kinikimkim sa dibdib niya. Habang si Millet naman ay tahimik na nag-aaral ng lesson na ini-email dito ni Miss Charo. Siya pa ang nagturo dito kung paano gumamit ng laptop. Ginawan rin niya ito ng email account at sa tulong ni Miss Charo, unti-unti itong natutotong tumipa sa key board.Napansin ni Millet na napaparami na ang beer na iniinom ni Gabrielle. Bagamat bukas ay rest day ng buong grupo, ayaw naman niya itong malasing ng sobra kung kaya’t hindi na niya ito pina-order pang muli ng beer. Sinusubukan lang naman niya kaya ikinagulat niyang sumunod ito sa sinabi niya.“A. . .Alert?” sabi niya habang binibigkas ang mga salitang nasa email niya, “the state of being watchful. Synonyms, vigilant, wide awake. . .sa tagalog, listo o alerto, Ah. . .el. . .ar, t, Alert!” malakas ang tinig na sabi niya.Napangiti si Gabrielle habang pinapa
NAGKATINGINAN SILA ni Gabrielle at halos sabay nilang hinagilap ang mga labi ng isa’t-isa. Hindi marunong humalik si Millet ngunit mabilis niyang nasusundan ang bawat ginagawa sa kanya ni Gabrielle. Ramdam niya ang init ng mga halik nito na waring isang kuryenteng dumadaloy sa kanyang buong katawan.Nang mga sandaling iyon, wala siyang pag-aalilangang nararamdaman habang magkahinang ang kanilang mga labi at ang mga kamay nito ay gumagalaw na para buksan ang butones ng suot niyang blusa.Sa paglipas ng mga araw ay may pagtatangi na siyang nararamdaman para kay Gabrielle kung kaya’t ni hindi na siya nag-isip pa nang makipaghalikan dito. Ni hindi siya tumanggi nang buhatin siya nito pahiga sa kama. Kinakabahan siya pero ng mga sandaling iyon, wala siyang nasa isip kundi ang nakakaliyong idinudulot ng ginagawang ito sa kanya ng lalaki.Napakagat labi siya nang gumapang ang dila nito sa kanyang leeg at sa likod ng kanyang tenga. Nakiliti siya at parang naramdaman niya ang paglalaway
Hindi niya napigilan ang sariling damdamin. Malinaw sa kanya na umiibig siya kay Gabrielle. Natatakot siya sa bagong damdamin na ito lalo pa at alam naman niyang napakalayo ng agwat ng kanilang mga katayuan sa buhay. Isa pa, sa umpisa pa lang ay alam na niyang hindi naman ito naniniwala sa konsepto ng pag-ibig.Pero mapipigilan ba niya ang kanyang puso?Hanggang sa makatulog siya ay iyon ang gumugulo sa kanyang isipan. Nang magising siya kinabukasan ay wala na sa kwarto si Gabrielle. Paglabas niya ng hotel room para mag-almusal ay dinatnan niya ito sa restaurant na nagkakape kasama ni Atty. Lianela Mendez. Napansin niyang umiwas ng tingin si Gabrielle nang makita siya. Hindi tuloy niya alam kung mauupo ba siya sa may mesa ng mga ito or sa iba siya pupuwesto? Sa huli ay nagpasya siyang maupo na lamang sa isang sulok malayo sa pwesto ng mga ito. Ni hindi niya tinatapunan ng tingin ang kinaroroonan ng mga ito sa takot na magsalubong ang kanilang mga mat ani Gabrielle.Lasing ito
NAPANGISI si Mang Solomon nang matanggap sa GCash ang padala sa kanyang singkwenta mil ni Millet.“Kayang-kaya mo naman palang sindakin yang panganay mo eh,” tuwang-tuwang sabi ni Mildred, minasahe niya ang likod ng kalaguyo, “Hiritan mo ng bahay at kotse para naman komportable ang tutuluyan natin.”Napaismid si Mang Solomon, “Alam mo naman itong singkwenta mil, hirapang hirapan na kong makahingi, bahay at kotse pa kaya eh may kadamutan ang asawa nun!” aniya sa babae.Umikot sa harapan ni Mang Solomon si Mildred, at tiningnan ito ng matiim, “Hanapan mo ng butas ang asawa ng anak mo. . .hanapan mo ng kahinaan. Tingin mo hind imo sila masisindak ng husto kapag matuklasan mo ang sekretong pinakatago-tago nila?” Makahulugang sabi niya sa lalaki.Napakunot ang nuo ni Mang Solomon, “Ano namang sekreto ang pinaka-iingatan ng mga iyon? Mildred, tigilan mo na nga yang kapapanuod mo ng mga drama sa tv.” Napapailing na sabi niya rito.“Solomon, Solomon. . .nabasa ko sa dyaryo na isang whirlwin
ISANG MALAKING SELEBRASYON ang ginaganap sa isa sa mga hotel na pag-aari ng mga Dizon para sa panalo ni Gabrielle. Imbitado ang lahat ng mga kapartido ng lalaki sa politika.Pinaayusan at binihisan si Millet ng isang sikat na stylist. Nagproprotesta sana si Atty. Lianela Mendez na dumalo pa siya sa celebration na iyon at isinatinig nito kay Gabrielle ang naiisip.“I don’t think kailangan pa nating isama ang babaeng yan, Gab. Panalo ka na. Pampagulo lang sya at baka magkalat lang. . .”Hinarap siya ni Gabrielle, “Sa paningin ng lahat, asawa ko sya. Ano sa palagay mo ang iisipin ng mga tao kung hindi ko sya kasama sa mga ganitong pagtitipon? Isa pa, isa siyang malaking factor sa panalo ko, Lianela.”“Gusto ko lang ipaalala saiyo na ang lahat ng ito ay ideya ko kaya wala kang utang na loob sa kanya. Bayad ang bawat pagtratrabaho niya. Sobra-sobra pa nga!” Inis na sabi ni Atty. Lianela Mendez pero hindi na siya nakipagtalo pa.Hindi siya makapaniwalang palagi na lamang ipinagtatan
“MADAM FIRST LADY,” Halos sabay-sabay na yumukod ang tatlo sa kanya. Ngumiti lang siya sa mga ito saka lumabas na ng banyo. Hindi pa siya gaanong nakakalayo ay naririnig na niyang nagsisipagbungisngisan ang mga ito.Hindi na lamang niya ininda ang mga ito. Totoo namang hindi siya nakapag-aral at totoo ring mas nababagay si Atty. Lianela Mendez kay Gabrielle kesa sa kanya. Kung malalaman lamang marahil ng mga itong palabas lamang naman ang papel niya bilang asawa ni Gabrielle, mas lalo siguro siyang pagtatawanan ng mga ito.Nang makabalik sa event ay nakita siya ni Atty. Lianela Mendez at hinila palapit sa grupo ng mga kababaihan. Ramdam kaagad niya ang mapanuring mga mata ng mga ito at ang mababang pagtingin ng mga ito na lalo pang dinagdagan ng mga sinabi ni Atty. Lianela Mendez.“Hindi sya umaarte lang, talagang no read no write sya kaya huwag na kayong magtaka kung ako ang gaganap bilang first lady ni Mr. President at madalas na kasama nya since hindi rin naman madali ang magi
NANG makauwi sa bahay ay parehong nag-iinit ang mga katawan nina Millet at Gabrielle. Waring sabik sila sa isa’t-isa nang maghinang ang kanilang mga labi. Halos gabi-gabi na nila itong ginagawa at ni hindi na nila pinag-uusapan pa ang tungkol dito dahil pareho naman nilang alam na walang pilitan na nagaganap sa pagitan nila. Kusa nilang ibinibigay ang kanilang mga sarili sa isa’t-isa ng walang halong obligasyon or anupaman.Tanggap na ni Millet hanggang ganito na lamang sila ni Gabrielle habang si Gabrielle naman ay kampante ang kaloobang naiintindihan ni Millet na wala siyang kahit na anong ipinapangako dito maliban sa kanyang financial support. Maliban duon, wala na itong dapat na asahan pa sa kanya.Malinaw naman sa umpisa pa lang ang lahat.Napaungol si Millet nang maramdaman ang dila nito na sabik na sabik na pinaglalaruan ang dungot ng kanyang kaliwang suso. “Ahhh, Gabrielle. . .” pinaikot-ikot nito ang dila duon saka parang batang sinupsop iyon, napasabunot siya sa ulo nito,
PARANG MABABALIW SI ANTHONY HABANG hindi malaman kung nasaan si Selena. Kanina pa niya tinatawagan ang phone nito ngunit ‘can’t be reach’ iyon. Maski si Archie ay tinawagan na rin niya para magpatulong na hanapin si Selena. Kumikilos na rin ang lahat niyang mga tauhan para matukoy kung nasaan ito.Nagagalit siya sa kanyang sarili. Dapat ay twenty four hours siyang nasa tabi nito para hindi na maulit ang mga nangyari nuon. Sobra na siyang nag-aalala lalo pa at alas-nuebe na ng gabi ay wala pa rin ito sa bahay. Lahat na ng maari niyang mapagtanungan ay tinawagan na niya ngunit walang makapagsabi kung nasaan ito. Hindi na siya nagdalawang isip pa, kaagad niyang pinuntahan si Christine.“Nasaan si Selena?” Ulit niya sa tanong, nang hindi pa rin nito sinasagot ang tanong niya ay kinaladkad na niya ito papunta sa kanyang sasakyan. Nagwawala ito kaya itinali niya ang mga kamay nito at tiniyak na naka-seatbelt ito ng maayos saka nagmamadaling pinatakbo ang sasakyan, “Uulitin ko, saan
ISANG MALAKAS na sampal ang ibinigay ni Don Narciso kay Christine. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na napagbuhatan niya ito ng kamay. Hindi naman siya manhid, mas lalong hindi siya ilusyunado, alam naman niyang ibinibigay lamang ni Christine ang katawan sa kanya, kapalit ng mga ipinagagawa nito sa kanya. Ramdam naman niyang kahit anong gawin niya, hindi niya mapapalitan ang katotohanang si Anthony ang mahal nito.Pero masakit pa rin para sa kanya na sa bibig mismo nito manggaling ang mga salitang iyon lalo pa at may kasama pa palang pandidiri ang nararamdaman nito sa kanya. Napakuyom ang kanyang mga palad. Ang totoo, sa pagdaraan ng mga araw ay mas lalong lumalalim ang nararamdaman niya para dito. Ngunit hindi dahilan iyon para kunsintihin niya ang mga katarantaduhan nito.“Anong partisipasyon mo sa nangyaring panggagahasa kay Selena? Ikaw ba ang mastermind nuon?” Tanong niya rito. Hindi ito sumagot, sa halip ay napangisi lang ito sa kanya.Napahinga siya nang malalim. Hin
NILAPITAN SI SELENA NI RIGOR. Gumapang ang takot sa buong katawan ni Selena nang maamoy ang pamilyar na pabango nito. “I-ikaw ang gumahasa sa akin,” aniya habang hindi na napigilan ang pagpatak ng mga luha, “Ginahasa mo akong hayup ka!” nanlilisik ang mga matang sabi niya rito.Napangisi si Rigor, “Oo at simula nuon, hindi ko na nakalimutan pa ang napakasarap mong. . .”“Hayup ka!!!” Galit na galit na itinulak niya itong palayo sa kanya. Akmang tatakbo siya palabas ngunit mabilis siya nitong naharang.“Sa akala mo, papayagan pa kitang makatas ngayong alam mo na ang lahat? Saka, nasasabik akong matikman kang muli,” akmang hahalikan siya nito ngunit mabilis niya itong dinuruan sa mukha. Galit na galit na hinawakan siya ni Rigor sa mukha, “Putang ina mo! Huwag kang ng mag-inarte pa dahil natikman na kita ng paulit-ulit!” Singhal nito sa kanya.Kinikilabutan siya sa bawat paglapat ng mga labi nito sa kanyang balat. Umiiyak siya habang umiisip ng paraan kung paano makakatakas dito.
“KARLA, KAILANGAN mong tumistigo laban kay Christine. May mga nakalap na rin kaming mga ebedensya na makakatulong para madiin siyang mastermind sa nangyari kay Selena.” Sabi ni Anthony sa dalaga.Hindi makapagsalita si Karla. Bakas ang takot at pag-aalilangan sa mukha nito.“Kung hindi ka makakapagtulungan, ipakukulong rin kita sa pakikipagsabwatan mo kay Christine,” giit ni Selena dito. Takot na napatingin si Karla sa kanya. “Gagawin ko talaga iyon kung hindi ka makikipagtulungan sa amin!”Parang maiiyak si Karla, hindi nito malaman kung ano ang gagawin. “Malalagay sa alanganin ang pamilya ko kapag tumestigo ako laban kay Christine,” maluha-luhang sabi nito sa kanya.“Natatakot ka kay Christine pero sa batas hindi ka natatakot?” Matiim na tanong ni Anthony dito.Napahikbi si Karla. Napakurap kurap si Selena habang nakatingin dito. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwalang nagawa nitong talikuran ang kanilang pagkakaibigan. Maya-maya ay tumunog ang kanyang phone. Si Archie
ISANG MALAKAS na sampal ang dumapo sa pisngi ni Christine. Nuon lamang siya nasaktan ng ama ng ganuon. Gulat na gulat na napatingin siya sa ama. Nagpupuyos sa galit na hinawakan siya nito sa magkabilang balikat, “Nakikipagrelasyon ka sa ama ni Anthony? Pumatol ka sa mas matanda pa sa akin?”“Papa. . .” napatungo siya dahil hindi niya magawang tingnan ng diretso sa mata ang ama. Hiyang-hiya siyang natuklasan nito ang kanyang pinakatatagong lihim. Maski siya, nasusuka kapag naiisip na pumatol siya sa ama ni Anthony, “K-kinailangan kong gawin iyon dahil. . .” Napaiyak siya, “Mahal na mahal ko si Anthony at iyon lang ang paraang alam ko para makontrol ko sya, ang kontrolin si Don Narciso,” pagtatapat niya sa ama.Muli siyang nasampiga nito. Sa lakas niyon ay bumagsak siya sa sahig.“Sana ako ang kinausap mo hindi iyong kumilos kang mag-isa! Hindi ko alam ang sasabihin ko kay Anthony nang malaman ko ang ginawa mong yan! Ngayon, may matibay na siyang ebedensya para makipaghiwalay sa
“KUMPADRE, anong kalokohan itong ginagawa ng anak mo sa anak ko?” Kaagad na kinumpronta ng ama ni Christine si Don Narciso, “Ano bang akala nya kay Christine, criminal?” Galit na galit na sabi ng matanda habang kausap sa telepono ang ama ni Anthony.Si Christine naman ay tahimik na tahimik habang pinag-iisipan ang susunod niyang mga hakbang. Ngayong nalaman na ni Anthony ang tungkol sa kanila ni Don Narciso ay tiyak niyang mas mahihirapan siyang maibalik muli ang tiwala nito sa kanya.Kagagawan itong lahat ni Selena. Ito ang sumira sa pagsasama nila ni Anthony kung kaya’t dapat lamang itong mawala.“Pa, saan ka pupunta?” Tanong niya nang mapansing paalis ito.“I’m going to see Anthony para maayos at mapag-usapan ninyo. . .”“Pa, kung may dapat kang unahin, iyon ay ang ipapatay ang kerida niya!” Aniya sa ama, napakunot ang nuo ng Papa niya.“Anak, talaga bang ganyan katindi ang galit mo para humantong sa ganyan ang naiisip mo? Malalagay tayo sa alanganin kapag ginawa mo yan. Ikaw an
HINDI NA NAGULAT PA SI DON NARCISO nang makarating kay Anthony ang namamagitan sa kanila ni Christine. Actually, nuon pa ay gusto na niyang sabihin sa anak ang nangyayari sa kanila ng asawa nito dahil gusto na niyang magsama sila ni Christine, total naman ay alam niyang kahit na kailan ay hindi naman ito minahal ng anak niya. Pero ang ikinagulat niya ay ang inaakusa ni Anthony laban kay Christine.Ipinagahasa nito si Selena? Hindi niya akalaing kailangang humantong sa ganuon ang lahat. Muli ay naisip niya ang sinabi nito sa kanya, gusto nitong ipapatay si Selena para masolo na nito si Anthony.“Anak, patawarin mo ako pero talagang hindi ko alam na may ganuon palang nangyari,” aniya kay Anthony nang makapag-usap sila ng sarilinan habang si Christine ay pinainom ng pampakalma ng mga nurse dahil hindi na ito mapigilan sa pagwawala. Kasalukuyang natutulog na si Christine sa kwarto nito.Nag-aalala siya sa kalagayan ni Christine ngunit mas matimbang pa rin para sa kanya ang nararamdam
HINAGOD NI ANTHONY ang likuran ni Selena upang ipaalala dito na nandito lang siya para dito. This time, gusto niyang iparamdam kay Selena na wala na itong dapat pangilagan at katakutan pa. Hinalikan niya ito sa nuo. Mahal na mahal niya ito at gagawin niya ang lahat para mapakulong ang lahat ng mga salarin. Kahit masira pa ang political career niya.“Basta wag na wag kang kikilos ng hindi ko alam. Hindi natin alam kung sinu-sino ang mga kalaban kaya dapat hindi na tayo maglilihim pa sa isa’t-isa.” Aniya kay Selena.Tumango ito sa kanya.“Dito lang muna kayo sa safe house. Aasikasuhin ko ang mga kailangang asikasuhin, wag na wag kayong lalabas. Anyway, kumpleto naman na ang mga kailangan nyo. Babalik rin ako mamaya. Tawagan mo lang ako kung may kailangan ka pa.” kabilin-bilinan niya rito saka iginala ang paningin sa kabuoan ng condominium, “Mahigpit ang security dito at saka kinabitan ko ito ng mga cctv para namo-monitor ko ang mga nangyayari dito kahit nasa labas ako.”Hinagod
HINDI MAPAKALI SI CHRISTINE habang paikot-ikot siya sa kanyang kuwarto. Hinihintay niya ang lalaking gagawa ng trabaho niya para patayin si Selena. Kailangan na niyang kumilos. Hindi siya maaring magkamali. Si Selena ang nakita niya. Nasaksihan nito ang namamagitan sa kanila ni Don Narciso. Kailangang mawala na ang babaeng iyon bago pa kumalat ang sekreto niya.Nagsindi siya ng sigarilyo. Ang usapan nila ng hired killer niya ay alas nuebe ng umaga, tatawagan siya nito para sa detalye ng trabahong ibibigay niya ngunit alas-diyes na ay hindi pa siya nito tinatawagan. Hindi naman niya alam kung saan ito kokontakin dahil kahit kailan naman ay hindi nito ibinibigay ang number sa kanya. Maski ang source niya na nagrecommend ng hired killer sa kanya ay hindi rin alam ang number nito.Kaya inis na inis na siya. Mas lalo pang nadagdagan ang inis niya nang tawagan niya ang maid at sabihin nitong hind isa bahay nila umuwi si Anthony. Tiyak niyang magdamag na naman itong nagtampisaw sa