Share

CHAPTER 16

NANG MAKABALIK sa kanilang tinutuluyang hotel ay uminom ng uminom si Gabrielle upang pakawalan ang lahat ng galit at hinanakit na matagal rin niyang kinikimkim sa dibdib niya. Habang si Millet naman ay tahimik na nag-aaral ng lesson na ini-email dito ni Miss Charo. Siya pa ang nagturo dito kung paano gumamit ng laptop. Ginawan rin niya ito ng email account at sa tulong ni Miss Charo, unti-unti itong natutotong tumipa sa key board.

Napansin ni Millet na napaparami na ang beer na iniinom ni Gabrielle. Bagamat bukas ay rest day ng buong grupo, ayaw naman niya itong malasing ng sobra kung kaya’t hindi na niya ito pina-order pang muli ng beer. Sinusubukan lang naman niya kaya ikinagulat niyang sumunod ito sa sinabi niya.

“A. . .Alert?” sabi niya habang binibigkas ang mga salitang nasa email niya, “the state of being watchful. Synonyms, vigilant, wide awake. . .sa tagalog, listo o alerto, Ah. . .el. . .ar, t, Alert!” malakas ang tinig na sabi niya.

Napangiti si Gabrielle habang pinapa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status