NANG MABUKSAN ang condo ay kaagad naglakad si Atty. Lianela Mendez sa kwarto ni Millet. Parang dinurog ang puso niya nang makitang walang tao duon. Tila ayaw na niyang silipin pa ang kwarto ni Gabrielle dahil mukhang alam na niya kung ano ang katotohanan na tatambad sa kanya.Dahan-dahan niyang ipininid ang pinto ng kuwarto ni Gabrielle. Nanlalamig ang kanyang mga talampakan nang makitang magkasama ang mga ito sa kwarto, nakahubo’t hubad at tila natataranta nang makita siya.PAREHONG natigilan sina Gabrielle at Millet nang maramdamang may bumukas sa pinto ng kuwarto. Namutla siya nang makita si Atty. Lianela Mendez sa may pinto. “A-Atty. Mendez,” sambit ni Millet na hindi malaman kung ano ang gagawin. Maging si Gabrielle ay nataranta ng mahuli sila sa akto ng abogada.“Lianela!!!” Mabilis na bumangon si Gabrielle, “What the hell are you doing here? You are invading my privacy. . .”hindi niya alam kung ano ang sasabihin lalo pa at kitang-kita niya ang pagkabigla sa mukha nito.Ma
“IBALIK mo dito si Millet. Alam kong hindi totoo ang lumabas sa mga dyaryo. Pakana ninyo ito ni Daddy, hindi ba?” Sita ni Gabrielle kay Atty. Lianela Mendez, “Ibalik mo sya dito kung ayaw mong mag-quit ako!” tila nanakot na sabi niya sa babae.Itinaas ni Atty. Lianela Mendez ang baba at parang hindi man lang natinag sa banta niya, “Go ahead. Bumaba ka sa pwesto. Tingnan lang natin kung hindi mapahamak ang lahat ng mga kompanya ninyo kapag nawalan na kayo ng proteksyon. Hindi naman lingid saiyo kung bakit ka pinatakbo sa pagkapangulo ni Don Miguel hindi ba?” kalmado ang tinig na sabi ni Millet sa kanya.Natigilan siya.“Ano bang meron sa babaeng iyon? Bakit hinahanap mo sya? Tapos na ang serbisyo nya saiyo kaya hindi na sya pwedeng bumalik pa dito.” Matabang na sabi sa kanya ni Atty. Lianela Mendez.“M-mahal ko sya. . .” halos paanas lamang na sambit niya. Hindi makapaniwalang tiningnan siya ng matiim ng abogada, maya-maya ay nang-iinsultong tinawanan siya nito.“Nabulag ka ng ba
PATUNGO NA SI MILLET sa lugar na usapan nila ng kanyang Tiya Norma nang dumating si Gabrielle. Hindi niya alam kung paano nito natunton ang bagong bahay na tinitirhan nila ngunit nakita niya sa mga mata nito ang pananabik nang makita siya. Niyakap siya nito ng ubod higpit.“God, I missed you. . .” halos paanas lamang na sambit nito habang hinahaplos ang mukha niya, “I’m sorry kung hindi kita naipaglaban sa kanila. I’m sorry kung ngayon lang ako nakarating.”“Gabrielle,” mangiyak-ngiyak na sabi niya, hindi siya makapaniwalang pinuntahan siya dito ni Gabrielle. Muling naglapat ang kanilang mga labi. Buong pagmamahal, buong pag-aalab niyang tinugon ang mga halik nito.Hindi na siya natatakot na malaman nito ang nararamdaman niya. “Mahal kita, Gabrielle,” paulit-ulit na sambit niya.Hindi tinugon ni Gabrielle ang sinabi niya sa halip ay tinitigan siya nito nang matiim, “May kailangan lang akong gawin pero babalikan kita. Tatawagan kita bukas. Magkita tayo sa address na ibibigay ko
“NAPANUOD NA NIYA ANG VIDEO,” SABI NI ALING NORMA kay Atty. Lianela Mendez nang tawagan niya ang matanda.“Good,” Nakangising sabi niya, “Ihahatid mo sa Mindanao si Millet. Mula duon ay sasalubungin kayo ng tauhan ko para makapag-back door kayo papuntang Malaysia. Napagawan ko na kayo ng mga pekeng documents.”“Kailan ko matatanggap ang isang milyon?” Tanong ni Aling Norma sa kanya.“Kapag natapos mo na ang lahat ng ipinapagawa ko saiyo,” aniya rito saka pinatayan na ito ng telepono. Tawa siya ng tawa nang maisip na napaniwala niya ang mga ito sa ipinagawa niyang video. Maski siya, kung hindi niya alam ang tungkol sa AI ay maniniwala rin siyang si Gabrielle talaga ang nagsasalita.Maya-maya ay pumasok ang isa sa mga inutusan niya para bantayan at sundan kung saan man magpunta si Gabrielle. Hawak nito ang mga kuhang larawan nina Gabrielle at Millet.“Talagang napakatigas ng ulo ni Gabrielle,” nanginginig sa galit na sabi niya, “Babaguhin natin ang plano.”“Ho?”Tumayo siya at may t
“PATAY NA ANG DALAWANG YAN, tayo na,” narinig ni Millet na sabi ng isang lalaki nang itapon sila ng kanyang Tiya Norma sa masukal na kagubatan. Hindi siya kumikibo at ayaw rin niyang imulat ang kanyang mga mata sa takot na baka barilin na naman siya ng mga itong muli. May tatlo siyang tama sa katawan. Sa ulo, sa puso at sa balikat niya. Pero wala siyang nararamdamang sakit dahil siguro mas nanaig ang tapang niya na maka-survive alang-alang sa batang dinadala niya sa kanyang sinapupunan. Nang marinig na tumakbo na ang sasakyan ng mga ito ay nagmamadali niyang hinubad ang kanyang damit at ipinatong iyon sa katawan ng kanyang tiyahin na wala ng buhay. Isinuot rin niya dito ang kwintas na bigay sa kanya ni Gabrielle.Pagkatapos ay sinabunutan niya ang kanyang sarili. Nakapikit siya sa sakit habang bumubunot ng makapal na buhok mula sa kanyang ulo, “Ahhhrggg. . .” tinikis niya ang hapding nararamdaman habang kung anu-anong tumatakbo sa utak niya. Galit na galit siya kay Gabrielle.
“OO at nuon pa alam ko ng pagkatapos ng palabas nilang ito, gagawin rin nila ang ginawa sa akin ni Miguel.”Napakuyumos ang kanyang mga palad, “Masama silang tao. . .pati si Gabrielle kasama sa planong pagpatay sakin. At gusto nilang palabasin na aksidente ang lahat ng ito. Pinaratangan pa nila ako ng kung anu-ano. . .”“Hindi ako sigurado kung part si Gabrielle sa planong ito, kung sakali man, paniguradong na-brain wash lang siya ng ama niya.”“Sinasabi nyo lang yan dahil anak nyo sya. May sariling utak si Gabrielle para pumayag madiktahan ng ibang tao. Ang sabihin nyo, talagang utak demonyo ang. . .ang anak ninyo.” Galit na galit na sabi niya, “Pero nagkamali sila ng kinalaban dahil ilalantad ko ang lahat ng mga baho nila.”Naupo si Ginang Bernadette sa may tabi niya, “Twenty years ago, pinagbalakan rin akong patayin ni Miguel. Pero nabisto ko ang kanyang mga plano kaya pinalabas niya na sumama ako sa ibang lalaki. Ilang beses kong tinangkang kunin si Gabrielle sa kanya pero d
NAPATAKBO sa banyo si Gabrielle nang mabalita ang natagpuang bangkay sa Mindanao na hinihinalang si Millet dahil sa mga gamit na suot nito. Matagal siyang naghintay sa pinag-usapan nilang lugar ngunit hindi siya nito sinipot. Bumabaligtad ang sikmura niya habang iniisip na patay na nga si Millet.“Mr. President. . .” Naririnig niyang tawag ng isa sa mga staffs niya ngunit hindi siya nagsasalita. Masamang-masama ang loob niya habang hindi niya namamalayang pumapatak na pala ang kanyang mga luha.Nang araw na kitain niya si Millet, hindi niya alam kung bakit kinutuban na siya na may hindi magandang mangyayari dito, naiisip pa nga niyang baka paranoid lamang siya dahil ano naman ang mapapala ng taong magtatangka ng masama laban dito? But then, naghanap siya ng malilipatan ng mga ito sa isang malayong lugar. Ngunit hindi na siya nito sinipot sa napag-usapan nilang lugar. At ngayon ay laman ng mga balita ang natagpuang bangkay ng isang babae sa Mindanao na pinaghihinalaang si Millet
NAPAPATIIM ang mga bagang ni Millet habang napapanuod sa tv ang mga balita tungkol sa kanya. Parang gustong-gusto na niyang tawagan ang kanyang ina para sabihin sa mga itong buhay na buhay siya ngunit pinagsabihan siya ni Dr. Bernadette Melacio na walang dapat na makaalam na buhay siya.Kailangan muna nilang magplano ng maayos bago sila lumantad. Ang sabi pa nito ay hintayin muna niyang makapanganak siya para masigurado ang kaligtasan ng bata. At naniniwala siyang tama ito.Kailangan nilang mag-ingat at mangalap ng mga ebedensya. Mas lalo ay kailangan muna niyang magpakalas at paghandaan ang muling paghaharap nila ng Presidente.Nagulat siya nang patayin na ni Doktora ang tv.“Tama na ang panunuod ng mga negative news at hindi yan makakatulong sa batang dinadala mo,” sabi nitong inilapag sa kanya ang isang dictionary, “Hasain mo ang utak mo habang nagpapalakas ka. Kailangan kita para matigil na ang mga kasamaan ni Miguel. Magtulungan tayo. Kung talagang may kinalaman nga ang an