PATUNGO NA SI MILLET sa lugar na usapan nila ng kanyang Tiya Norma nang dumating si Gabrielle. Hindi niya alam kung paano nito natunton ang bagong bahay na tinitirhan nila ngunit nakita niya sa mga mata nito ang pananabik nang makita siya. Niyakap siya nito ng ubod higpit.“God, I missed you. . .” halos paanas lamang na sambit nito habang hinahaplos ang mukha niya, “I’m sorry kung hindi kita naipaglaban sa kanila. I’m sorry kung ngayon lang ako nakarating.”“Gabrielle,” mangiyak-ngiyak na sabi niya, hindi siya makapaniwalang pinuntahan siya dito ni Gabrielle. Muling naglapat ang kanilang mga labi. Buong pagmamahal, buong pag-aalab niyang tinugon ang mga halik nito.Hindi na siya natatakot na malaman nito ang nararamdaman niya. “Mahal kita, Gabrielle,” paulit-ulit na sambit niya.Hindi tinugon ni Gabrielle ang sinabi niya sa halip ay tinitigan siya nito nang matiim, “May kailangan lang akong gawin pero babalikan kita. Tatawagan kita bukas. Magkita tayo sa address na ibibigay ko
“NAPANUOD NA NIYA ANG VIDEO,” SABI NI ALING NORMA kay Atty. Lianela Mendez nang tawagan niya ang matanda.“Good,” Nakangising sabi niya, “Ihahatid mo sa Mindanao si Millet. Mula duon ay sasalubungin kayo ng tauhan ko para makapag-back door kayo papuntang Malaysia. Napagawan ko na kayo ng mga pekeng documents.”“Kailan ko matatanggap ang isang milyon?” Tanong ni Aling Norma sa kanya.“Kapag natapos mo na ang lahat ng ipinapagawa ko saiyo,” aniya rito saka pinatayan na ito ng telepono. Tawa siya ng tawa nang maisip na napaniwala niya ang mga ito sa ipinagawa niyang video. Maski siya, kung hindi niya alam ang tungkol sa AI ay maniniwala rin siyang si Gabrielle talaga ang nagsasalita.Maya-maya ay pumasok ang isa sa mga inutusan niya para bantayan at sundan kung saan man magpunta si Gabrielle. Hawak nito ang mga kuhang larawan nina Gabrielle at Millet.“Talagang napakatigas ng ulo ni Gabrielle,” nanginginig sa galit na sabi niya, “Babaguhin natin ang plano.”“Ho?”Tumayo siya at may t
“PATAY NA ANG DALAWANG YAN, tayo na,” narinig ni Millet na sabi ng isang lalaki nang itapon sila ng kanyang Tiya Norma sa masukal na kagubatan. Hindi siya kumikibo at ayaw rin niyang imulat ang kanyang mga mata sa takot na baka barilin na naman siya ng mga itong muli. May tatlo siyang tama sa katawan. Sa ulo, sa puso at sa balikat niya. Pero wala siyang nararamdamang sakit dahil siguro mas nanaig ang tapang niya na maka-survive alang-alang sa batang dinadala niya sa kanyang sinapupunan. Nang marinig na tumakbo na ang sasakyan ng mga ito ay nagmamadali niyang hinubad ang kanyang damit at ipinatong iyon sa katawan ng kanyang tiyahin na wala ng buhay. Isinuot rin niya dito ang kwintas na bigay sa kanya ni Gabrielle.Pagkatapos ay sinabunutan niya ang kanyang sarili. Nakapikit siya sa sakit habang bumubunot ng makapal na buhok mula sa kanyang ulo, “Ahhhrggg. . .” tinikis niya ang hapding nararamdaman habang kung anu-anong tumatakbo sa utak niya. Galit na galit siya kay Gabrielle.
“OO at nuon pa alam ko ng pagkatapos ng palabas nilang ito, gagawin rin nila ang ginawa sa akin ni Miguel.”Napakuyumos ang kanyang mga palad, “Masama silang tao. . .pati si Gabrielle kasama sa planong pagpatay sakin. At gusto nilang palabasin na aksidente ang lahat ng ito. Pinaratangan pa nila ako ng kung anu-ano. . .”“Hindi ako sigurado kung part si Gabrielle sa planong ito, kung sakali man, paniguradong na-brain wash lang siya ng ama niya.”“Sinasabi nyo lang yan dahil anak nyo sya. May sariling utak si Gabrielle para pumayag madiktahan ng ibang tao. Ang sabihin nyo, talagang utak demonyo ang. . .ang anak ninyo.” Galit na galit na sabi niya, “Pero nagkamali sila ng kinalaban dahil ilalantad ko ang lahat ng mga baho nila.”Naupo si Ginang Bernadette sa may tabi niya, “Twenty years ago, pinagbalakan rin akong patayin ni Miguel. Pero nabisto ko ang kanyang mga plano kaya pinalabas niya na sumama ako sa ibang lalaki. Ilang beses kong tinangkang kunin si Gabrielle sa kanya pero d
NAPATAKBO sa banyo si Gabrielle nang mabalita ang natagpuang bangkay sa Mindanao na hinihinalang si Millet dahil sa mga gamit na suot nito. Matagal siyang naghintay sa pinag-usapan nilang lugar ngunit hindi siya nito sinipot. Bumabaligtad ang sikmura niya habang iniisip na patay na nga si Millet.“Mr. President. . .” Naririnig niyang tawag ng isa sa mga staffs niya ngunit hindi siya nagsasalita. Masamang-masama ang loob niya habang hindi niya namamalayang pumapatak na pala ang kanyang mga luha.Nang araw na kitain niya si Millet, hindi niya alam kung bakit kinutuban na siya na may hindi magandang mangyayari dito, naiisip pa nga niyang baka paranoid lamang siya dahil ano naman ang mapapala ng taong magtatangka ng masama laban dito? But then, naghanap siya ng malilipatan ng mga ito sa isang malayong lugar. Ngunit hindi na siya nito sinipot sa napag-usapan nilang lugar. At ngayon ay laman ng mga balita ang natagpuang bangkay ng isang babae sa Mindanao na pinaghihinalaang si Millet
NAPAPATIIM ang mga bagang ni Millet habang napapanuod sa tv ang mga balita tungkol sa kanya. Parang gustong-gusto na niyang tawagan ang kanyang ina para sabihin sa mga itong buhay na buhay siya ngunit pinagsabihan siya ni Dr. Bernadette Melacio na walang dapat na makaalam na buhay siya.Kailangan muna nilang magplano ng maayos bago sila lumantad. Ang sabi pa nito ay hintayin muna niyang makapanganak siya para masigurado ang kaligtasan ng bata. At naniniwala siyang tama ito.Kailangan nilang mag-ingat at mangalap ng mga ebedensya. Mas lalo ay kailangan muna niyang magpakalas at paghandaan ang muling paghaharap nila ng Presidente.Nagulat siya nang patayin na ni Doktora ang tv.“Tama na ang panunuod ng mga negative news at hindi yan makakatulong sa batang dinadala mo,” sabi nitong inilapag sa kanya ang isang dictionary, “Hasain mo ang utak mo habang nagpapalakas ka. Kailangan kita para matigil na ang mga kasamaan ni Miguel. Magtulungan tayo. Kung talagang may kinalaman nga ang an
UMIINOM NG ALAK SI DON MIGUEL habang binabalikan ang mga masasaya nilang alaala ni Bernadette. Sa totoo lang ay mahal na mahal niya ito at hanggang ngayon ay wala naman siyang ibang babaeng minahal maliban dito. Hindi nga ba at minsan ay sinubukan niyang tapusin na ang kanyang buhay nang mawala ito?Pero kinailangan niya itong ipapatay dahil natuklasan nito ang lahat niyang mga lihim. Kaya kahit na masakit ay naghire siya ng tauhan para ipapatay ito. Ngunit bago mangyari iyon, nagbago ang isip niya sa gabi mismo na naka-set up na ang kanyang hired killer para patayin ito.Hinayaan na lamang niyang makatakas ito at tinakot na manahimik kung hindi’y tutuluyan niya ang kanyang banta. Hindi na niya alam kung nasaan ngayon si Bernadette. Wala na siyang balita simula nang makatakas ito. Pero mainam na rin iyon. At least sa mata ng kanilang anak, ito ang masama.Pinalabas niyang sumama sa ibang lalaki si Beernadette. Iyon lang kasi ang paraan para mamuhi si Gabrielle sa ina at hindi
ARAW NG KAPANGANAKAN NI MILLET ay siya ring araw na nagtungo si Gabrielle sa Mindanao. Nagpahatid siya sa lugar kung saan natagpuan ang bangkay ni Millet kahit na tutol ang lahat niyang staffs lalo na si Lianela dahil pugad iyon ng mga rebelde. Ngunit nang araw na iyon ay hindi niya mapigilan ang sarili.Six months na simula nang mangyari iyon at tuluyan nang hindi nakita si Millet pero ewan ba niya kung bakit sa pinakatagong bahagi ng puso niya, nanduon pa rin ang kanyang paniniwalang isang araw ay muli silang magtatagpo kahit ang totoo, pakiramdam niya ay niloloko na lamang niya ang kanyang sarili.Nang makarating sa lugar kung saan natagpuan ang bangkay na sinasabing si Millet ay nag-alay siya duon ng panalangin. Hindi naman siya nagtagal dahil pinilit siyang paalisin duon ng mga sundalo.Napilitan siyang sundin ang mga ito.Samantala ay lalaki ang isinilang na sanggol ni Millet. Mangiyak-ngiyak silang dalawa ni doktora habang nakatingin sa baby na ngayon pa lang ay mababanaag
PARANG MABABALIW SI ANTHONY HABANG hindi malaman kung nasaan si Selena. Kanina pa niya tinatawagan ang phone nito ngunit ‘can’t be reach’ iyon. Maski si Archie ay tinawagan na rin niya para magpatulong na hanapin si Selena. Kumikilos na rin ang lahat niyang mga tauhan para matukoy kung nasaan ito.Nagagalit siya sa kanyang sarili. Dapat ay twenty four hours siyang nasa tabi nito para hindi na maulit ang mga nangyari nuon. Sobra na siyang nag-aalala lalo pa at alas-nuebe na ng gabi ay wala pa rin ito sa bahay. Lahat na ng maari niyang mapagtanungan ay tinawagan na niya ngunit walang makapagsabi kung nasaan ito. Hindi na siya nagdalawang isip pa, kaagad niyang pinuntahan si Christine.“Nasaan si Selena?” Ulit niya sa tanong, nang hindi pa rin nito sinasagot ang tanong niya ay kinaladkad na niya ito papunta sa kanyang sasakyan. Nagwawala ito kaya itinali niya ang mga kamay nito at tiniyak na naka-seatbelt ito ng maayos saka nagmamadaling pinatakbo ang sasakyan, “Uulitin ko, saan
ISANG MALAKAS na sampal ang ibinigay ni Don Narciso kay Christine. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na napagbuhatan niya ito ng kamay. Hindi naman siya manhid, mas lalong hindi siya ilusyunado, alam naman niyang ibinibigay lamang ni Christine ang katawan sa kanya, kapalit ng mga ipinagagawa nito sa kanya. Ramdam naman niyang kahit anong gawin niya, hindi niya mapapalitan ang katotohanang si Anthony ang mahal nito.Pero masakit pa rin para sa kanya na sa bibig mismo nito manggaling ang mga salitang iyon lalo pa at may kasama pa palang pandidiri ang nararamdaman nito sa kanya. Napakuyom ang kanyang mga palad. Ang totoo, sa pagdaraan ng mga araw ay mas lalong lumalalim ang nararamdaman niya para dito. Ngunit hindi dahilan iyon para kunsintihin niya ang mga katarantaduhan nito.“Anong partisipasyon mo sa nangyaring panggagahasa kay Selena? Ikaw ba ang mastermind nuon?” Tanong niya rito. Hindi ito sumagot, sa halip ay napangisi lang ito sa kanya.Napahinga siya nang malalim. Hin
NILAPITAN SI SELENA NI RIGOR. Gumapang ang takot sa buong katawan ni Selena nang maamoy ang pamilyar na pabango nito. “I-ikaw ang gumahasa sa akin,” aniya habang hindi na napigilan ang pagpatak ng mga luha, “Ginahasa mo akong hayup ka!” nanlilisik ang mga matang sabi niya rito.Napangisi si Rigor, “Oo at simula nuon, hindi ko na nakalimutan pa ang napakasarap mong. . .”“Hayup ka!!!” Galit na galit na itinulak niya itong palayo sa kanya. Akmang tatakbo siya palabas ngunit mabilis siya nitong naharang.“Sa akala mo, papayagan pa kitang makatas ngayong alam mo na ang lahat? Saka, nasasabik akong matikman kang muli,” akmang hahalikan siya nito ngunit mabilis niya itong dinuruan sa mukha. Galit na galit na hinawakan siya ni Rigor sa mukha, “Putang ina mo! Huwag kang ng mag-inarte pa dahil natikman na kita ng paulit-ulit!” Singhal nito sa kanya.Kinikilabutan siya sa bawat paglapat ng mga labi nito sa kanyang balat. Umiiyak siya habang umiisip ng paraan kung paano makakatakas dito.
“KARLA, KAILANGAN mong tumistigo laban kay Christine. May mga nakalap na rin kaming mga ebedensya na makakatulong para madiin siyang mastermind sa nangyari kay Selena.” Sabi ni Anthony sa dalaga.Hindi makapagsalita si Karla. Bakas ang takot at pag-aalilangan sa mukha nito.“Kung hindi ka makakapagtulungan, ipakukulong rin kita sa pakikipagsabwatan mo kay Christine,” giit ni Selena dito. Takot na napatingin si Karla sa kanya. “Gagawin ko talaga iyon kung hindi ka makikipagtulungan sa amin!”Parang maiiyak si Karla, hindi nito malaman kung ano ang gagawin. “Malalagay sa alanganin ang pamilya ko kapag tumestigo ako laban kay Christine,” maluha-luhang sabi nito sa kanya.“Natatakot ka kay Christine pero sa batas hindi ka natatakot?” Matiim na tanong ni Anthony dito.Napahikbi si Karla. Napakurap kurap si Selena habang nakatingin dito. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwalang nagawa nitong talikuran ang kanilang pagkakaibigan. Maya-maya ay tumunog ang kanyang phone. Si Archie
ISANG MALAKAS na sampal ang dumapo sa pisngi ni Christine. Nuon lamang siya nasaktan ng ama ng ganuon. Gulat na gulat na napatingin siya sa ama. Nagpupuyos sa galit na hinawakan siya nito sa magkabilang balikat, “Nakikipagrelasyon ka sa ama ni Anthony? Pumatol ka sa mas matanda pa sa akin?”“Papa. . .” napatungo siya dahil hindi niya magawang tingnan ng diretso sa mata ang ama. Hiyang-hiya siyang natuklasan nito ang kanyang pinakatatagong lihim. Maski siya, nasusuka kapag naiisip na pumatol siya sa ama ni Anthony, “K-kinailangan kong gawin iyon dahil. . .” Napaiyak siya, “Mahal na mahal ko si Anthony at iyon lang ang paraang alam ko para makontrol ko sya, ang kontrolin si Don Narciso,” pagtatapat niya sa ama.Muli siyang nasampiga nito. Sa lakas niyon ay bumagsak siya sa sahig.“Sana ako ang kinausap mo hindi iyong kumilos kang mag-isa! Hindi ko alam ang sasabihin ko kay Anthony nang malaman ko ang ginawa mong yan! Ngayon, may matibay na siyang ebedensya para makipaghiwalay sa
“KUMPADRE, anong kalokohan itong ginagawa ng anak mo sa anak ko?” Kaagad na kinumpronta ng ama ni Christine si Don Narciso, “Ano bang akala nya kay Christine, criminal?” Galit na galit na sabi ng matanda habang kausap sa telepono ang ama ni Anthony.Si Christine naman ay tahimik na tahimik habang pinag-iisipan ang susunod niyang mga hakbang. Ngayong nalaman na ni Anthony ang tungkol sa kanila ni Don Narciso ay tiyak niyang mas mahihirapan siyang maibalik muli ang tiwala nito sa kanya.Kagagawan itong lahat ni Selena. Ito ang sumira sa pagsasama nila ni Anthony kung kaya’t dapat lamang itong mawala.“Pa, saan ka pupunta?” Tanong niya nang mapansing paalis ito.“I’m going to see Anthony para maayos at mapag-usapan ninyo. . .”“Pa, kung may dapat kang unahin, iyon ay ang ipapatay ang kerida niya!” Aniya sa ama, napakunot ang nuo ng Papa niya.“Anak, talaga bang ganyan katindi ang galit mo para humantong sa ganyan ang naiisip mo? Malalagay tayo sa alanganin kapag ginawa mo yan. Ikaw an
HINDI NA NAGULAT PA SI DON NARCISO nang makarating kay Anthony ang namamagitan sa kanila ni Christine. Actually, nuon pa ay gusto na niyang sabihin sa anak ang nangyayari sa kanila ng asawa nito dahil gusto na niyang magsama sila ni Christine, total naman ay alam niyang kahit na kailan ay hindi naman ito minahal ng anak niya. Pero ang ikinagulat niya ay ang inaakusa ni Anthony laban kay Christine.Ipinagahasa nito si Selena? Hindi niya akalaing kailangang humantong sa ganuon ang lahat. Muli ay naisip niya ang sinabi nito sa kanya, gusto nitong ipapatay si Selena para masolo na nito si Anthony.“Anak, patawarin mo ako pero talagang hindi ko alam na may ganuon palang nangyari,” aniya kay Anthony nang makapag-usap sila ng sarilinan habang si Christine ay pinainom ng pampakalma ng mga nurse dahil hindi na ito mapigilan sa pagwawala. Kasalukuyang natutulog na si Christine sa kwarto nito.Nag-aalala siya sa kalagayan ni Christine ngunit mas matimbang pa rin para sa kanya ang nararamdam
HINAGOD NI ANTHONY ang likuran ni Selena upang ipaalala dito na nandito lang siya para dito. This time, gusto niyang iparamdam kay Selena na wala na itong dapat pangilagan at katakutan pa. Hinalikan niya ito sa nuo. Mahal na mahal niya ito at gagawin niya ang lahat para mapakulong ang lahat ng mga salarin. Kahit masira pa ang political career niya.“Basta wag na wag kang kikilos ng hindi ko alam. Hindi natin alam kung sinu-sino ang mga kalaban kaya dapat hindi na tayo maglilihim pa sa isa’t-isa.” Aniya kay Selena.Tumango ito sa kanya.“Dito lang muna kayo sa safe house. Aasikasuhin ko ang mga kailangang asikasuhin, wag na wag kayong lalabas. Anyway, kumpleto naman na ang mga kailangan nyo. Babalik rin ako mamaya. Tawagan mo lang ako kung may kailangan ka pa.” kabilin-bilinan niya rito saka iginala ang paningin sa kabuoan ng condominium, “Mahigpit ang security dito at saka kinabitan ko ito ng mga cctv para namo-monitor ko ang mga nangyayari dito kahit nasa labas ako.”Hinagod
HINDI MAPAKALI SI CHRISTINE habang paikot-ikot siya sa kanyang kuwarto. Hinihintay niya ang lalaking gagawa ng trabaho niya para patayin si Selena. Kailangan na niyang kumilos. Hindi siya maaring magkamali. Si Selena ang nakita niya. Nasaksihan nito ang namamagitan sa kanila ni Don Narciso. Kailangang mawala na ang babaeng iyon bago pa kumalat ang sekreto niya.Nagsindi siya ng sigarilyo. Ang usapan nila ng hired killer niya ay alas nuebe ng umaga, tatawagan siya nito para sa detalye ng trabahong ibibigay niya ngunit alas-diyes na ay hindi pa siya nito tinatawagan. Hindi naman niya alam kung saan ito kokontakin dahil kahit kailan naman ay hindi nito ibinibigay ang number sa kanya. Maski ang source niya na nagrecommend ng hired killer sa kanya ay hindi rin alam ang number nito.Kaya inis na inis na siya. Mas lalo pang nadagdagan ang inis niya nang tawagan niya ang maid at sabihin nitong hind isa bahay nila umuwi si Anthony. Tiyak niyang magdamag na naman itong nagtampisaw sa